"Trey, what brings you here?" Gulat na gulat na naman si Ivory nang puntahan siya ng kapatid ng asawa niya sa bahay nila. "May kailangan ka ba? Wala pa si Tyrone rito at ang sabi niya ay baka medyo gabihin siya ng uwi ngayon.""I know." Tipid na sagot na lamang ni Trey. Alam niya dahil narinig niya ang kapatid niya kanina nang tawagan nito si Raven, kaya alam na alam niya na gagabihin ng uwi si Tyrone dahil sigurado siya na makikipagkita pa ang gago na kapatid niya sa kabit nito. "I am actually here for you and not for him.""Ako? Bakit? Ano ang mayroon?" tanong na lamang ulit ni Ivory. Nagugulat man siya sa mga inaasta ng kapatid ni Tyrone ay hindi naman niya iyon binibigyan ng iba pa na kahulugan. Alam din naman niya kasi na hindi maganda ang samahan ng magkapatid sa mga nakalipas na araw. "Bakit mukhang problemado ka ngayon? Lovelife na naman ba iyan?""Ako pa ba ang magkaka-problema sa lovelife? Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo, Ivory. Art Reyson Lorenzo, pinakaguwapo
"Si Raven.""Anong si Raven?" Kumakabog ang puso ni Trey nang muli niya na tanungin si Ivory. Kung pagbabasehan kasi ang mga salita nito, lalabas na totoo na noon pa man ay kasintahan na ni Raven ang kapatid niya, at maaari na iyon ang rason sa sinasabi ni Ion na madalas na pagkikita ng mga barkada niya sa dalawa. Nagsisimula na rin na maghimagsik ang kalooban niya, lalo at naiisip niya ang sinabi rin ni Raven sa kan’ya na nauna na maging sila ni Tyrone kaysa kay Ivory. And it just shows that Tyrone has really betrayed him ever since. "Ang ibig mo ba na sabihin ay girlfriend ni Tyrone si Raven bago pa kayo ipinagkasundo sa kasal?"Namilog ang mga mata ni Ivory sa mga sinabi ni Trey at panandalian pa na natahimik ang babae habang nag-iba-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Siya naman ay takang-taka na pinapanood lamang ang mga reaksyon ng asawa ng kapatid niya dahil siya man ay naguguluhan kung ano ba talaga ang mga nalalaman nito."What did you say, Trey?" Pilit pa na nagsalita si Ivory
Kadarating lamang niya ay nanggagalaiti na naman agad si Tyrone sa kapatid niya dahil sa tagpo na naabutan niya sa pagitan ng asawa niya at ni Trey. Alam niya na hindi niya na dapat na binibigyan ng masama na kahulugan ang tagpo na iyon dahil alam niya na hindi iyon magagawa ng kapatid niya sa kan’ya, pero hindi niya lubos na maiwasan na hindi mangamba sa mga malimit na sinasabi ni Trey kay Ivory at ang madalas na pagpunta-punta ng kapatid niya para bisitahin ang asawa niya.Trey might have the connotation of being a playboy and a womanizer, but his brother is the exact opposite of those. Siya lamang din naman talaga ang patuloy na nagsasabi ng bagay na iyon dahil gusto niya na masira si Trey sa paningin ni Raven noon. At hindi siya tumigil, hangga't maging kilala ang kapatid niya sa bansag na iyon. He doesn't have a reason to feel jealous about what he saw because, unlike him, Trey wouldn't take anything that belongs to his, and that is with the exception of Raven, pero nang maabutan
"Si Raven? Anong si Raven ba ang sinasabi mo? Hindi ka namin maintindihan, Trey. What is this that you are driving at?" Sunod-sunod ang mga naging katanungan ng ina ni Trey dahil sa biglaan niya na pagsulpot sa mansyon nila at pagtatanong sa mga bagay-bagay na hindi nila naiintindihan, lalo na at ang sentro ng usapan ay ang dating matalik na kaibigan na naman nito."Just answer the question, madalas ba na magkasama sina Tyrone at Raven nang umalis ako noon? Have they become friends since I left? Si Ivory, nakilala na ba niya si Raven noon pa man? How often does Raven visit you here after I leave?" Patuloy ang mga maraming katanungan na ibinabato ni Trey sa kan’yang mga magulang dahil sa totoo lamang ay mas lalo na gumugulo ang mga bagay-bagay para sa kan’ya. Why does it seem that Ivory knows something that he doesn't? Why does he feel that Ivory is keeping something from him as well? Gusto niya na maniwala na walang alam si Ivory, pero hindi lubos na sumasang-ayon ang isipan niya. Kay
"What do you mean Trey will be handling the business? Mom, are you sure about this? What is this sudden decision all about? Did I do something wrong? Did I, in any way, make a mistake of sorts that instantly you will need to transfer to Trey everything that I am managing? What’s happening? Trey will be going back to the US kaya bakit kailangan na ipasa ko sa kan'ya ang pag-manage ng kumpanya?" Ayaw ni Tyrone na magmukhang big deal sa kan’ya ang sinasabi ng ina niya, pero hindi niya lubos na maiwasan na hindi maramdaman iyon dahil talagang big deal para sa kan’ya ang sinasabi nito ngayon na si Trey na ang hahawak sa mga kumpanya na hinahawakan niya ngayon."Tyrone, iho, wala akong sinasabi na si Trey na ang mamamahala sa lahat. I am merely asking you to start training your brother on how the business works around here. Training him and him managing the whole business are two different things." Sagot naman ng ina niya sa kan’ya habang pilit na ipinapa-intindi ang nais nito na mangyari.A
"Raven, I don’t know if you’ve heard it or not, but there will be a lot of changes moving forward in how the project will be handled. At una na ro'n ang pagbabago ng schedule ng shoot mo for the remaining days of the ad under the Lorenzo project." Mabilis ako na napaangat ng aking ulo sa sinabi na iyon ni Ashley. Of course, I haven’t heard anything yet, lalo na at hindi pa ulit kami nagkikita ni Tyrone. Wala rin naman siya na nabanggit man lamang kahit sa text tungkol sa mga pagbabago na sinasabi ni Ashley sa nalalapit na pagtatapos ng proyekto namin.Ang tangi na alam ko na siya rin naman na ginagawa namin ngayon dahil iyon din ang mahigpit na bilin ni Tyrone ay ang hiwalay na shooting namin ni Trey. Hindi kami sabay na kinukuhanan ng eksena ng kapatid niya kaya hindi ko alam kung ano ang mga pagbabago na sinasabi pa ni Ashley sa akin ngayon bukod doon."What is it? Anong pagbabago ba ang mga sinasabi mo? I haven't heard anything." Sunod-sunod ang naging pagtatanong ko dahil ayaw ko
Galit na galit si Tyrone habang nagmamaneho siya papunta sa bahay ni Raven. Wala dapat siyang plano na puntahan ang nobya niya ngayon dahil nga parang naghihinala na rin si Ivory sa bawat kilos niya. And it all started when Trey played that fucking prank on his wife. Well, hindi naman talaga prank dahil kung nagkataon lamang na hindi siya dumating sa eksaktong oras na iyon ay baka naisambulat na ng kapatid niya ang mga lihim na itinatago niya.Kaya naman wala siyang magawa ngayon kung hindi ang magtiis na lamang na hindi muna puntahan si Raven. Ayaw niya kasi na mas lalo na malagay sa alanganin ang nobya niya kapag patuloy ang paghihinala ng asawa niya. Alam niya na ang dami na rin niya na pagkukulang sa babae, at nais niya rin naman talaga na makabawi, pero paano nga niya iyon gagawin kung patuloy siya na tinitira ng patalikod ng naturingan na kapatid niya?Tyrone has had it with Trey. Pikon na pikon na siya sa kapatid niya na diretsahan na pambabastos na rin ang ginagawa sa kan’ya. H
Sunod-sunod ang naging mga pagbabago sa pamamalakad sa mga kumpanya ng mga Lorenzo na dating hinahawakan ni Tyrone. Ngunit imbis na ikagalit iyon ng mga empleyado ay ikinatuwa pa nila ang mga naging pamamalakad ng nakakabatang kapatid ng dating CEO nila. The employees can't help but compare the two brothers, and in the end, most of them are siding with how Trey runs the business.At siyempre, hindi iyon ikinakatuwa ni Tyrone. He hates the fact that Trey is winning over everyone else when it should have been him. Kaya naman sisiguraduhin niya hanggang sa huli na hindi maipapanalo ng kapatid niya ang pinakamatindi na laban nila, at iyon ay ang laban para sa pagmamahal ni Raven. Patuloy niya na ipapamukha kay Trey na ang kaisa-isang babae na nais nito ay hinding-hindi nito kaya na agawin sa kan’ya. Tyrone still has the upper hand in this because he knows that he has Raven.But if Tyrone is still fighting for his chance to regain everything he should have, Trey cannot be stopped now. Alam
Thank you sa lahat ng sumuporta at nagbasa sa story ko na ito. Sobrang sorry din po dahil natagalan sa pag-update dahil naging busy na sa work. Sana po ay i-support ninyo rin ang iba ko pa na story:Completed (Tagalog Stories)The Invisible Love of Billionaire - Colton and Atasha storyMarried to the Runaway Bride - Mikel and Tamara storyFalling for the Replacement Mistress - Kenji and Reiko storyThe Rise of the Fallen Ex-Wife - Evan and Harper storyEntangled to the Hidden Mafia - Zane and Serenity storyOn-Going (Tagalog Story)Framed the Prince to be My Baby Daddy - Aldrick and Russia storyComplete (English Story)My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss - Elliot and Ariella storyOn-Going (English Stories)The Dragster's Mafia Heiress - Calix and Kaira storyThe Runaways' Second Chance Mate - Blaze and Snow story
"Yeah, I will. Darating ako." Iyon na lamang ang huling sinabi ko tsaka ko tuluyan na pinutol ang tawag. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at saka ako napasandal sa aking kinauupuan. Pumikit ako at hinimas-himas ang aking noo dahil sa balitang natanggap ko.I am having mixed emotions right now. Tumawag kasi si Trey upang ibalita sa akin ang plano nila na pagpapakasal ni Raven. I am not expecting that my brother will call me, but he did, and a part of me feels glad that Trey did, because I feel that my brother still respects my presence in his life.A year ago, Trey called me as well to tell me that Raven and him are finally together. Hindi ko rin inaasahan ang pagtawag na iyon dahil hindi naman na rin namin lubos na naibalik pa ang dating samahan namin bilang magkapatid, but that move from Trey showed me how much my brother still values me despite everything.At nang sabihin ni Trey sa akin sa tawag na iyon na sa wakas ay pormal na silang magkarelasyon ni Raven ay wala akon
"Hi, Raven."He is here. He is here in front of me. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon habang kaharap ko ang lalaki na kanina lamang ay nagbibigay sa akin ng samu’t-saring emosyon. I was worried, I was frustrated, I was disappointed, but now all I am feeling is happiness. Masayang-masaya ako na makalipas ang ilang buwan nang pag-iwas namin sa isa’t-isa ay ito na kami ngayon at magkaharap na ng personal""So siyempre aalis na ako, hindi ba? Alam ko naman na hindi ako kasama sa dinner na ito." Pagsasalita ni Ashley sa may bandang likuran ko. "Ikaw na ang bahala kay Raven, Trey.""Yes, and as always, thank you, Ash." Sagot niya sa kaibigan ko pero ang mga mata niya ay sa akin pa rin nakatuon. Kagaya niya ay hindi ko rin maalis ang atensyon ko sa kan’ya. Hindi ko na nga rin nagawa na lingunin pa si Ashley upang magpaalam dahil ang nasa isip ko ay ibigay lamang ang buong atensyon ko kay Trey. Hindi maaari na mawaglit siya sa paningin ko dahil baka mawala na naman siya ka
Kanina pa hindi mapalagay si Raven. Hindi nga niya magawa na makapagpokus sa trabaho niya dahil naiinis siya. Alam niya na napapansin na rin siya ni Ashley pero gano’n pa man ay balewala iyon sa kan’ya dahil sa gumugulo sa isipan niya."Rave, anong problema mo?" tanong nito sa kan’ya. "Kanina ka pa wala sa focus. What’s wrong with you? Isang set na lang naman at matatapos ka na, kung ano man ang iniisip mo ay kalimutan mo muna. May sakit ka ba?"Umiling na lamang siya at hindi na sinagot ang kaibigan at isinenyas na lamang na ipagpatuloy na nila ang huling set para makauwi na rin siya. Wala siya sa mood ngayon araw dahil may kulang sa araw niya. Kanina pa siya na naghihintay simula nang magsimula sila pero last set na niya ay wala pa rin na dumarating.At aaminin niya na hindi siya sanay sa ganito. Pakiramdam niya ay may nagbago at ang pagbabago na iyon ay hindi niya gusto. Malimit ay hindi niya ipinapakita ang appreciation niya, pero ngayon ay hinahanap-hanap naman niya. Ito kasi ang
It has been more than six months, and Trey thought it would be easy to make it through, but things just get harder each day. Lalo siya na nahihirapan sa pagdaan ng bawat araw at ilang beses na rin siya na nagtangka na puntahan si Raven, pero sa tuwina ay naaalala niya ang naging takbo ng usapan nila, at sapat na iyon para mapigilan siya sa mga plano niya. Nangako siya na maghihintay siya, kaya kahit na mahirap ay pilit niya na kinakaya ang lahat. Ayaw niya na ma-pressure si Raven kung kaya't nagkakasya na lamang siya sa pagpaparamdam na nasa paligid lamang siya ng babae at naghihintay.Mahirap na maghintay lalo na at walang kasiguraduhan, ngunit pinanghahawakan na lamang niya sa bawat araw ang naging huling pag-uusap nila ni Raven, lalo na ang paulit-ulit nito na pagsabi sa kan'ya na mahal pa rin siya nito.---"Mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon, Raven. Hindi nagbago ang pagmamahal ko na iyon kahit na ano pa ang nangyari sa nakaraan. Hindi nag-iba ang nararamdaman ko para
"Delivery for Ms. Raven De Ocampo."Ang buong paligid ay napuno na naman ng mga bulong-bulungan at pagkakilig buhat sa mga kasamahan ni Raven dahil sa pagdating na naman ng delivery na ‘yon. At dahil nakasalang pa si Raven sa set niya ay si Ashley na lamang muna ulit ang tumanggap nito, pero ang mga mata ni Raven ay nakatuon na naman sa dumating na padala na iyon.This has been the constant scenario whenever she is at work. Lagi na lamang siya na may natatanggap na iba’t-ibang padala at hindi na niya kailangan pa na hulaan kung kanino iyon nanggaling. Isang tao lamang naman ang malimit na nagpapadala sa kan’ya ng kung ano-ano: Si Trey Lorenzo.Nang maisip si Trey ay bahagya na nagsalubong ang kilay niya. Nawala na naman siya sa kan'yang pokus pero pilit pa rin naman niya na ginampanan ng maayos ang kan'yang trabaho. Hindi maaari na muli siya na mawala sa kan'yang mga prayoridad. Iwinaksi muna niya sa kan'yang isip ang tagpo na iyon at tinapos na lamang muna ang trabaho.Nang matapos an
"Are you going somewhere, Rave? I'm sorry for coming here unannounced, but can we talk? Puwede mo ba ako bigyan ng kahit na sandali lamang na oras mo para makapag-usap tayo?"Trey standing in front of me is really unexpected at this point. Hindi ko inaasahan na darating siya ngayon at nanaisin din na makausap ako. Are we really on the same wavelength that he is also thinking of the same thing that I was thinking?"Rave, I really wanted to talk to you.""Where have you been?" Iyon lamang ang naging tugon ko sa kan’ya dahil hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat ko na sabihin ngayon nasa harapan ko siya. Lahat ng mga inihanda ko na sasabihin sa kan'ya ay bigla na lamang nawala sa aking isipan at blangkong blangko ako ngayon."I know that you are mad, and I am sorry for leaving again. I just needed to clear my mind off of things. HIndi iyon sapat na rason at alam ko iyon, pero iyon lamang din ang dahilan ko kung bakit ako biglaan na umiwas sa'yo. I honestly got scared about a lot of thin
Several days had passed, and both Trey and Raven decided to give themselves time away from each other. Alam nila na marami silang dapat na pag-usapan, pero pareho sila na napupuno ng takot sa puso nila kahit na marami ang nag-uudyok sa kanila na kausapin na ang isa’t-isa. And in those days that they chose to be away from each other, a lot of realization came through them. Pareho nila na napagtanto na walang magagawa ang pag-iwas nila na harapin ang isa’t-isa. Walang mangyayari kung pareho lamang nila na pipiliin na layuan ang isa’t-isa nang wala man lamang sapat na eksplanasyon. Patuloy laman nila na masasaktan ang bawat isa kahit hindi iyon ang nais nila kung pareho sila na mag-iiwasan dahil sa mga takot na gumugulo sa isipan nila.Kung tutuusin ay wala naman talaga silang problema, ngunit ang matinding takot nila na sinamahan pa ng kung ano-anong mga katanungan sa isipan nila ang siyang dahilan ng pagkakalayo nila. Kaya saan nga ba sila magsisimula para putulin ang distansya na iyon
Wala siyang nagawa nang iwan sila ni Roxy at magpumilit ang kapatid na kausapin siya. Kagaya na nga sa sinabi niya kanina ay ayaw niya ng confrontation. Hindi siya handa na mag-usap sila dahil pagod na pagod na siya sa pakikipagtalo sa kapatid at sa tingin din niya ay wala na rin naman silang dapat pa na pag-usapan."Saan ka nanggaling? Ilang araw ka na nawala. Hindi ka nagsabi kina mama kung saan ka pupunta."Nakasandal lamang siya habang nakapikit at hinihimas ang kan’yang noo kahit na kinakausap siya ni Tyrone. Tahasan niya na ipinapakita na hindi siya natutuwa sa paghaharap nila na ito at wala siyang balak na makipagplastikan. And he just hoped that Tyrone would take the hint and just leave him alone."Trey," tawag nito sa kan’ya. Hindi siya dumilat para tingnan ang kapatid at patuloy lamang na nakapikit at nagpapanggap na walang naririnig. "Alam ko na ayaw mo ako na makaharap pero nandito ako dahil kay Raven.""Wala tayong dapat na pag-usapan patungkol sa kan’ya." tipid na sagot n