ZANEVY FREALIZAILANG ARAW na mula ng mula ng date namin ni Thyme. Mula noon madalas na siyang umalis at umuwi ng gabing-gabi. Pakiramdam ko may ginagawa niya na hindi niya sinasabi sa akin. Hindi na rin kami tulad ng dati na walang araw na hindi kumakain sa labas. Madalas niya akong iwan mag-isa sa mansion at ayaw niya akong palabasin mula ng makita niya akong kasama si Paul.Hindi na rin kami masyadong nagkaka-usap kaya imbes na tumunganga ako sa mansion at maghintay sa pag-uwi niya ay nakatayo ako sa harap ng matayog na building kung saan siya nagt-trabaho.Pumasok ako sa loob at dumiretso sa floor kung saan ang opisina ni Thyme. Kilala na ako dito sa company niya kaya naman welcome ako dito kahit anong oras.Hindi ko na sinubukan pang kumatok dahil gusto ko siyang suprisahin ngunit ako ang nasurpresa ng makita hindi si Thyme ang nakita kong nakaupo sa silya ng CEO kundi ang babaeng minsan ng naging parte ng buhay ni Thyme.Si Grace!Tumikhim ako para kunin ang attention niya.“Ano
ZANEVY FREALIZAPAGOD na pagod ang buong katawan ko at matinding sakit ang bumabalot sa puso ko. Wala na akong lakas pero mas lalo pa akong nanghihina. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko habang pilit kung inaabot ang anak ko gamit ang kamay kong nanginginig pa.“H-Hindi... Ang b-baby ko...”Inilapit ito sa akin ng komadrona at ilang dangal na lang ang pagitan ng kamay upang mahawakan ang anak ko ng sunod-sunod na putok ang umalingawngaw sa buong paligid kasabay ang pagbagsak ni Jose sa sahig na naliligo sa sariling dugo.Namatay ang ilaw na nagsisilbing liwanag pero nakita kong isang nakaitim na lalaki ang pumasok sa bodega at may hawak itong baril. Hindi ko maaninag ang mukha niya para siyang anino sa mga mata ko at ng humarap ito sa akin tinutukan niya ako ng baril at kinalabit ang gatsil—“Ahhhhh!!!”Mabilis akong napa-upo sa kinahihigaan ko pero agad rin akong napahiga dahil sa matinding sakit na naramdaman ko. Muli kung ipinikit ang mata ko bago muling nagmulat.Sumalubong sa a
ZANEVY FREALIZANAKATAYO ako sa harapan ng isang mini-stage sa garden habang sinusuri kung ayos na ang buong design.It was a white and peach color thyme. From the ballons, flowers and carpet are all settled looks perfect! There's is a lot of pictures of my beautiful angel.“Theiavery Frianne @1st.”Nakangiting tiningnan ko ang magandang calligraphy ng pangalan niya kasama ang kaniyang mga larawan na kinukuha ko sa araw-araw.“Ang ganda ng set up ma'am! Parang one year old birthday na talaga ni Baby Fria, hihi!” Becca commented.Nakangiting tiningnan ko si Becca. “I want everything perfect for my daughter.”Today is my baby Fria one month old birthday and I prepared everything for this day.Umaga pa lang ay abala na ako sa dami ng pilang gagawin para maidaos ng maayos ang hinanda ko para sa anak ko. When the design settled and fix by the organizer perfectly, the photographer start the photo shoot for my baby. Ilang beses na nagpapalit-palit ng damit ang baby ko at may ilang shoot na m
ZANEVY FREALIZANAGTAMA ang mata naming dalawa. Punong-puno nang pagsusumamo ang mga matang nakatingin sa mata ko. Matagal kaming nagkatitigan bago siya nagbaba nang tingin sa bisig ko dahilan para mapatingin rin ako kay baby.Bumalik ang mata ko sa kaniya at nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi. Parang may sumabog sa puso ko nang makita ko siyang ngumiti. Iyong hindi lang basta ngiti kundi ngiti na abot hangang tenga na nakakapagpabaliw ng puso ko.Matagal akong nakatitig sa kaniya at hindi niya inaalis ang mata niya sa mukha ni Baby Fria. Nanlaki ang mata ko sa gulat nang makita ko ang isang butil ng luha na naglalandas sa kaniyang kanang pisngi. Malapad pa rin ang ngiti sa labi niya na dahan-dahang inaangat ang kamay niyang nanginginig pa. Dumapo ang daliri siya sa mukha ni Baby at marahan iyong hinahaplos. Napalunok ako dahil pinipigilan ko ang maiyak dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko akalain na darating ang araw na ito. Iyong kahit hindi niya sabihin r
ZANEVY FREALIZA“MA'AM, alam ko na nagkikita kayo ni Boss Thyme.”Natigilan ako sa pag-aayos ng kama ng magsalita si Becca na naglilinis ng sahig dito sa kwarto ko. Nilingon ko siya at nakita ko na naghihintay siya ng sagot mula sa akin.Kanina niya ako kinukulit tungkol sa nangyari tatlong araw ang nakalipas. Panay ang kwento niya maya-maya magtatanong kung saan kami galing. Kung hindi naman napupunta kay Thyme ang usapan.“Paano mo naman nalaman?” Nanlaki ang mata niya dahilan para mapatakip ako sa sarili kung bibig sa biglang pagsagot ko ng hindi nag-iisip. Nagkatinginan kami ni Becca, may ngiti sa kaniyang mukha na napalitan ng malalim na tingin sa akin.Kinulit niya ako ng kinulit na sabihin sa kaniya ng nangyari. She promise that she won't tell anyone specially Papa, I trust her that's why I told her everything from the first time Thyme show up himself until what happened three nights ago.“Sinasabi ko na nga ba! Siya talaga ang prince charming mo!” Kinikilig na niyakap niya an
ZANEVY FREALIZAHINDI ko alam kung anong sinabi ni Ivan para maging masungit siya. Ilang beses ko siyang kinulit pero wala siyang ibang sinabi kundi layuan ko si Ivan at wag na wag akong makikipagkita dito.Iniwan ko siya sa kwarto habang pinagmamasdan niyang natutulog si Baby Fria. Bumaba ako para maghanda ng almusal. Wala si Manang dahil day off nito at nagsabing bibisitahin niya ang kaniyang kapatid. Si Becca naman may mensahe sa akin na maaga siyang umalis dahil may dadalhin siyang documents kay Papa na nakalimutan nito.Sulo ko ang kusina at wala akong kaagaw. Wala ring ibang tao dito sa mansion kundi ako, si baby at ang magaling niyang daddy. Wala rin pala ang mga bantay dahil karamihan palaging nakabuntot kay Papa maliban na lang doon sa guard sa ibaba.Nagsuot ako ng apron at nagsimulang magluto. Kung ano ang nakita ko sa fridge iyon ang niluto ko. Hinain ko na sa mesa ang omelette egg, ham and rice. Umakyat ako sa kwarto pagkatapos ko magluto.Hindi ko pa nararating ang kwarto
ZANEVY FREALIZA NAGMAMADALING binuksan ko ang pinto at isang malakas na sampal ang bumungad sa akin na halos matanggal ang ulo ko sa aking leeg. Napahawak ako sa pisngi kung saan lumapat ang kaniyang palad bago ko ito tinapunan ng tingin. Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang babaeng nakatayo sa aking harapan. Ang huli sa aking listahan na makikita ko sa araw na ito.“G-Grace?”Itinulak niya ako at walang sabi-sabing pumasok sa loob ng mansion. Inilibot niya ang kaniyang mata sa paligid bago siya muling humarap sa akin.“Na saan si Thyme?” Ibinaba niya ang bag sa sofa. “Hangang kailan mo ba siya balak na itago sa akin, malandi ka! Na saan ang finance ko?!”Natigilan ako at napaawang ang labi ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin kay Grace na pulang-pula ang mukha sa galit.Isang linggo na ang nakalipas mula ng saktan siya ni Papa. Iyon ang huling araw na nakita ko siya at hindi na nagparamdam pa. Hindi ito dumadalaw o kaya tumatawag sa akin, basta bigla n
ZANEVY FREALIZANasa passenger seat ako ng sasakyan ni Tristan habang siya'y nagmamaneho. Galing na kami sa pinakamalapit na clinic—minor injury lang naman ang natamo ko kaya hindi ko kailangang manatili. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Iyong ang dami kung gustong itanong sa kaniya pero hindi ko magawang magsalita dahil hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang tumulong sa akin. Possible ba na maramdaman ko ang ganu'ng bagay sa kaniya?“Anong ginagawa mo sa lugar na iyon ng ganu'ng oras? Masyado ka ng malayo sa rancho.” Basag ni Tristan sa katahimikan. Nilingon ko siya, nakatutok ang mata niya sa pagmamaneho.“Doon ako dinala ng mga paa ko ng tumakas ako sa mga lalaking humahabol sa akin. Hindi ko alam kung anong atraso ko sa kanila para pagtangkaan nila ako.” Muli kung nilingon si Tristan ng wala akong matanggap na sagot mula sa kaniya. Tumingin siya sa akin dahilan para magtama ang mata naming dalawa.Ang nakilala kung Tristan ibang-iba sa nakita ko kanina. Hindi