Share

Chapter 05

Author: Paupau
last update Huling Na-update: 2021-08-14 07:11:21

"Hey mahal na Siniorita, ano naman ho ang pumasok sa iyong napakagandang isipan para ikaw ay mamasukang yaya sa aking pinsan?" Tanong sa akin ni Blue, ng maabutan niya ako sa likod bahay ni Justine na kampanteng nakaupo at nakatanaw sa malayo.

"Malayo ang tingin, iyon pala'y duling." Nang aasar pang kanta niya.

"Ulol! De jame' solo por pabor!"  (Utang na loob iwan mo ako). Bulyaw kong pagtataboy kay Blue. Ganitong badtrip ako baka makalbo ko itong hayop na 'to sa pang-aasar niya.

"De mi gusta mi siniorita, sungit naman nito may regla ka ano? At saka 'wag mo akong ma ispa-espanyol diyan at baka hindi kita matantya pakuhanin kita ng isang baldeng tubig!" Pasigaw rin na bwelta niya. Wala na talagang pag-asa ang kolokoy na 'to. Sagad na hanggang buto ang kakulitan, at hobby niya na talaga ang mang pikon.

Sana lang talaga mapansin niya si Lenny hindi lang bilang kaibigan, kundi bilang katandem sa pagiging buang!

"Hoy bughaw ha 'wag na 'wag mong mabanggit diyan sa pinsan mong iyan ang tungkol sa akin. Ayaw kong umuwi sa hacienda. Not now!" Pananakot ko sa kaniya habang tinuturo pa ang mukha niya.

"Bakit na in love ka na ba sa pinsan kong bato? Nako day pag-igihan mo para naman makalimutan niya na 'yong ex niya, at ng maging totoong tao na siya." Sa sinabing 'yon ni Blue mas lalong naging palaisipan sa akin ang love story ng gwapo kong amo.

Aba siguro may tagas na ang utak nang ex niya kaya iniwan siya. Dahil kung ako lang, nunkang iwan ko iyong kalabaw na 'yon. I mean, hes handsome, rich, macho bukod sa lahat macho siya gwapo at mayaman! Napakarami niya kayang katangian halos di nga mabilang! Pero bakit ko ba siya iniisip! Crush ko na ba siya?

"Ano bang nangyari sa kanila?" I ask him curiously.

"That's not my story to tell. Even me, di ko pa nakita iyong si Pau. At ikaw naman saksakan ka ng chismosa." Sa sinabing iyon ni Blue binatukan ko siya ng pagk lakas-lakas, 'yong tipong maaalog buong pagkatao niya.

Nagtatanong lang chismosa agad? Ano pa iyong mga tunay na chismosa sa daan, na akala mo mga cctv kung makatingin at daig pang globe? Hindi lang mundo ang abot nila kun'di buong kalawakan!

"Alam mo Zafy ito ha advice lang. Huwag mong hayaang mahulog ka kay Justine, panigurado kung di ka masasaktan mabubuntis ka lang!" Ang walanghiyang bughaw! Hahambalusin ko sana kaso biglang tumakbo.

"Madapa ka sana 'yong una ang nguso tapos durog ang bungo!" Pahabol kong sigaw sa walanghiya. Pero tinawanan lang ako.

***

Meanwhile, Justine is busy preparing his things for three days working on site.

Ang office firm niya ang napili ni Janrick para sa expansion ng negosyo nito. Matagal na rin nilang na plano at napag-usapan 'yon, at hanggang ngayon nga ay hindi pa tapos dahil sa nuknukan ng arte ng kaibigan niya. Nasabihan at na meeting niya na rin ang buong team niya, para sa pagbabago na naman na gagawin nila sa kagustuhan na rin ng hayop niyang kaibigan.

As I went to my closet to get some clothes, nakita ko ang kwintas na binigay sa akin ni Pau noon. Kinuha ko iyon at pinakatitigan habang pinag-iisipan kung isusuot ko pa ba o hindi na. Pero para saan pa, e wala naman na siya? I face our lifesize photo hanging on the wall and talk to her like idiot. 

"Hey, hope you're doing fine. Are you happy now? Sana masaya ka at naabot mo ang pangarap mo. Lagi mong sinasabi na ang pangarap mong iyan ay hindi lang para sa'yo. But for me and for you're family also, how was that? Nakakatawa mang isipin pero wala naman akong ibang pangarap kun'di ikaw lang. Ang makasama ka lang habang buhay. But you choose your dreams, you left me."

Hindi ko man ginusto at sinasadya, pero may luhang pilit na kumawala sa mga mata ko habang inaalala 'yong nakaraan naming dalawa. Kung pwede lang ibalik. Di sana sumama na lang ako sa araw ng pag-alis niya. But the question is, Em I willing to give up everything just to be with her? I dont think so. Yes, I love her but I cant loose my job that time.

Nagsisimula pa lang ako halos sa firm ko noon. Though, I came from a wealthy family. I' am not the type of  guy who live and sleep peacefully under my family's wealth.

I want to prove myself. I want to do better. Gusto kong ipakita at marinig sa pamilya ko na sabihin nilang "that's my son and we're so proud of him". Siguro nga pareho lang kaming may gustong marating at patunayan. Kaya mali na pinapili ko siya. Kasi nakampante ako. kampante akong ako ang pipiliin niya. But knowing Pau's personality, No one can dare let her down, at ilihis ang tingin sa daang gusto niyang tahakin. 

Nasa ganoong pag-iisip ako ng bigla pumasok ang magaling kong katulong sa kwarto ko, ng walang paalam o pasabi man lang. Ni hindi rin siya kumatok bago man lang pumasok.

"Ah Sir, mag papaalam sana ako eh. May date kasi ako ayos lang ba?" Tanong ng katulong ko habang paminsan minsang lumilingon sa picture namin ni Pau, na nakasabit sa pader.

Pero sabi niya may date siya. May boyfriend na pala itong yaya ko? Sabagay maganda si Zafy. Gandang hindi mo aakalaing mag-aapply bilang isang katulong.

"Sige. Pero sa susunod sana kumatok ka man lang. I'm a private person, ayaw kong may pumapasok dito sa kwarto ko ng walang pahintulot ko." Sunod sunod kong litanya sa kaniya. Kahit na medyo na gi-guilty ako sa klase ng pananalita ko sa kaniya. Kaya tumalikod na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Sorry, promised I won't bother you next time. Thanks anyway." Halos mabali naman ang leeg ko sa agarang pag pihit para tignan siya dahil sa mga sinabi niya.

Lalo na sa wikang ginamit niya. Tatanungin ko pa sana siya but its too late, dahil lumabas na siya kaagad pagkasabi niyon. Ngayon sigurado na akong hindi basta basta ang katulong ko. Sisiguraduhin kong malalaman ko rin kung may itinatago ba siya sa akin o wala.

***

Hindi naman alam ni Zafy kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib.

I thought that Justine's ex was sophisticated, glamorous, gorgeous and look intimidating. But when I saw their picture hanging on the wall in Justine's room, it seems like theres nothing special about that girl. What is her name anyway? Pauline?

Mas maganda pa ako sa kaniya, mukhang mas sexy rin. Pero bakit iniiyakan siya ni Justine? Kanina bago ako pumasok sa kwarto ni Justine kakatok sana ako, pero bahagya naman nakabukas kaya akala ko ayos lang pumasok.

But I got stunned when I heard him talking. At nang sinilip ko siya nakita kong kinakausap niya 'yong larawan ng ex niya. Nakakatawang tignan kung paano niya iyon kausapin. Gusto ko man siyang gulatin at asarin ngunit hindi ko nagawa. Lalo na nang makita ko ang luha sa mga mata niya. Mahal na mahal niya nga siguro 'yon. Wala tayong laban day!

***

Pagkalabas ko ng bahay, siya namang pagpasok ng haliparot na babae ni Blue sa sasakyan ni Blue. Pasakay na rin ang hudas pero nakita akong lumabas.

"Saan ang larga ng Senioritang yaya?" Tatawa tawa pa itong Blue na ito. Ang sarap talagang sungalngalin.

"Magkikita kami ni Lenny. Kaya ihatid mo ako sa Airport para naman may silbi kang bakulaw ka!" Sagot ko sa kaniya. Nag message kasi sa akin si Lenny na uuwi siya dahil may dapat siyang asikasuhin tungkol sa amo niya.

Pagkasakay ko sa sasakyan ni Blue, katakot takot na panlilisik ng mata ang napala ko kay Meria.

"Why did you make sama that yaya hon?" Kung pwede lang hilahin ang dila ng gagang to ginawa ko na.

Napakaarte akala mo naman kung sinong maganda. Mas maganda pa naman sa kaniya si Lenny pwe! At talagang umabrisete pa ang malanding higad sa leeg ng bakulaw na si Blue. Akala niya naman type ko ang bughaw na iyan. Sorry di ko favorite ang blue!

"Meria honey, hayaan mo na. And I will drop you in your condo. May aasikasuhin lang ako." Hinalikan pa ni Blue ang malanding higad pagkasabi niya no'n. Kung pwede lang sumuka dito sa sasakyan niya baka sumuka na ako kanina pa. Nakakadiri silang dalawa!

After an hour, naihatid na namin si Meria. Habang kami naman ni Blue ay papuntang Airport upang sunduin ang lukaret na si Lenny.

"I saw Pauline already." Mahina kong saad kay Blue. Muntik naman akong mangudngod sa biglaang pag preno niya ng sasakyan pagkasabi ko no'n.

"Ano ba?! Kung balak mong magpakamatay please lang mamaya na lang ihatid mo muna ako sa Airport!" Malakas na bulyaw ko sa kaniya. Bwisit na Blue to. Balak pa yatang bangasan ang maganda kong mukha!

"Anong sinasabi mo?. Saan mo nakita si Pauline? As in si Pauline na ex ni Justine?" Sunod sunod niyang tanong. At talagang balak pa muna niyang makipagchismisan sa akin. Pero sige pag bigyan.

"Yep! Naroon sa kwarto ni Justine nakasabit sa dingding." Baliwalang sagot ko. Kumunot naman ang noo ni Blue at nagtatakang tumingin sa akin.

"Buti pinapasok ka niya sa kwarto niya, I mean napakaprivate nang taong 'yon. What did you do?" Kunot noong tanong niya.

Kung alam niya lang. Kahit nasaktan ang ego ko doon okay lang, at least nakita ko na kung sino ang ka kompitensya ko. Teka! So crush ko na siya talaga? 

"Ano ba ang tipo ng pinsan mo?" Instead of answering his question, I ask him. Nagtataka man ay sumagot pa rin siya sa akin. Ngunit kung alam ko lang, sana pala hindi ko na siya tinanong.

"When it comes to woman, I think he like's simple yet with sense. Sexy but not too much. Brainy but not nerd. Know's how to cook, at may talent. Basta lahat ng wala ka!" Eksahiradong sagot niya.

"Gago!"

Bwisit na Blue! Maniniwala na sana ako pero may ganoong kasunod pa. Eh ano naman ngayon kung mahirap akong abutin? Ano naman ngayon kung super sexy ako? Ano naman ngayon kung matalino ako? Ano naman ngayon kung di ako marunong magluto at kung wala akong talent? Ang mahalaga napatawa ko na siya at malaking achievement na 'yon.

I smile with that thought. Totoo namang napatawa ko siya sa corny kong joke dati. Kung kailangan kong mag-isip ng maraming jokes para sa kaniya, para mapasaya siya. Araw araw kong gagawin para makapasok na rin ako sa puso niya hanggang sa dumating yung araw na ako na ang mundo niya.

I smiled again and send him a simple joke. Baka sakaling matuwa siya at maalala niya ko kahit wala ako sa tabi niya.

To: mybebelabs❤️

"Knock knock!" 

Napangiti ako nang ma i-send ko sa kaniya ang mensaheng 'yon. Iniisip ko pa lang ang magiging reaction niya, parang gusto ko ng kurutin yong pisngi niya ng paulit ulit.

"Tagal naman mag reply ng bebelabs ko!" Mahinang usal ko habang naghihintay ng reply ni Justine.

From: mybebelabs❤️

"Sorry but who's this?" 

Agad kong binuksan ang cellphone ko ng bigla iyong nag vibrate at pangalan ni Justine ang nakarihestro.

Nang mabasa ko ang reply niya napangisi ako. Oo nga pala hindi niya nga pala alam ang number ko. Ako kasi kinuha ko ang number niya kay Nay Meling.

To: mybebelabs❤️

"Zafy 'to, pinakamaganda mong yaya sa balat ng earth!" 

Reply ko sa kaniya bago nag send pa ulit ng isa pang text sa kaniya.

"Kapag sinabi kong knock knock sumagot ka ng who's there! Panira naman ng moment to."

From: mybebelabs❤️

"Ok, asked me again." 

Ayy bongga ang bebe ko nag demand pa talaga.

To: mybebelabs❤️

"Knock knock." 

Muli kong text sa kaniya, na agad niya namang sinagot.

From: mybebelabs❤️

"Who's there?" 

To: mybebelabs

"Anong bansa na kapag binigkas mo'y hindi gagalawa at mag didikit ang labi mo?"

Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin siyang reply. Masyado yatang nahirapan.

From: mybebelabs❤️

"Idk, say it." 

Sa tinagal tagal kong naghintay ng reply niya, ay iyon lang pala ang sasabihin niya?Anak ng tokwa!

To: mybebelabs❤️

"HONGKONG" 

Ano ba yan ang boring naman pala katext ng taong to. Hindi marunong makisabay sa joke!

Nag send pa ako ulit ng text sa kaniya. Hindi ko na inisip kung magagalit siya o ano. Ang mahalaga nakatext ko siya. Sapat na 'yon sa akin.

To: mybebelabs❤️

"Ito last na, kung si Mickey ay may Minnie. Si Mr. Bean ay may Teddy. Sino naman ang kay Justine?"

From: mybebelabs❤️

"Sino?" 

Aba ang bilis mag reply!

Napangiti akong muli, bago sumagot sa kaniya.

To: mybebelabs❤️

"Edi si Zafy!" 

I smile as I sent that text and wait for his reply. Pero nakarating na kami lahat lahat sa Airport, wala man lang naging reply ang magaling kong amo. Siguro nga hindi niya na gets o baka naman napikon.

***

Blue and I sat in the bench while waiting for Lenny to come out. Ilang minuto na rin kaming naghihintay pero ang bruha wala pa rin. Naligaw na yata sa loob ang gaga.

Nasa ganoong pag-iisip ako ng biglang nag vibrate ang cellphone ko. And I saw the message coming from my boss.

As I open and read it, daig ko pang nanalo sa lotto habang impit na tumitili. Gusto ko pa sanang tumalon talon kaso baka pagkamalan na akong baliw.

From: mybebelabs❤️

"Pwede, bagay!"

++++++++++++++++++++++++++++++++

Mga Comments (17)
goodnovel comment avatar
Gemma Villasor
Galing ahh
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ayan bagay daw zafy ibig bqng sabihin nun may pag asa ka na kay justine
goodnovel comment avatar
Jfmb Flores
pa open nmn ang ganda tawa ako Ng tawa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Im Inlove With My Nanny?    Chapter 06

    "So anong score?" Tanong sa akin ni Lenny habang kumakain at umiinom dito sa Club-V.Ilang oras din akong naghintay sa kaniya kanina hanggang sa iwan na ako ni Blue. Ngayon, heto kami sa Club-V kung tawagin nila. First time kong nakapunta sa ganitong lugar. Lenny said, I should try to relax like this for a while. And I think she's right. But this place is too crowded. Halos mag sigawan na nga kami upang marinig ang isat-isa. "Anong score? Para saan?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya."Score sa exam mo! Natural sa inyong dalawa ng amo mo!" Malakas na sagot niya. Aba ang lukaret na ito, kung sigawan ako akala sumisigaw sa bingi ah! "From 1 to 10, 10 ang pinakamataas na rate," dagdag niya pa bago sumubo ng cheesecake. "Ahm siguro 1, naghihingalo pa!" Pasigaw ri

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • Im Inlove With My Nanny?    Chapter 07

    'Ayudame, No quiero casarme.' Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Zafy kagabi, habang pinupunasan ko ang kaniyang mukha. Halos umiyak din siya habang sinasabi niya iyon. Nasasaktan ba siya? Is she in trouble? Bakit may pakiramdam ako, na napakaraming sikreto sa likod ng maskara ng aking yaya? Is she really a nanny?Sa kaisipang iyon, nagtanong ako sa mga kaibigan ko. Baka sakaling alam nila ang ibig sabihin ng mga salitang binigkas ni Zafy kagabi. "Macho gwapitos:"Justine cute: "What does ayudame no queiro casarme means?"Akala ko'y walang sasagot sa kanila. Ngunit ang mga ungas ay halos sabay sabay na sumagot. Daryl d' great: "I think that was Spanish word or language."

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • Im Inlove With My Nanny?    Chapter 08

    Mabilis na lumipas ang araw at parang naging normal na lang rin ang araw araw na bangayan namin ng amo ko. Daig pa namin ang mag asawa. Pero hanggang ngayon hindi pa rin maalis alis sa isip ko 'yong balitang napanood ko, tungkol sa akin dalawang linggo na ang nakalipas.Habang si Justine ay ginugugol ang buong araw niya sa trabaho, ako naman ay parang preso na naghihintay lang dito sa bahay. Para na rin walang makakilala sa akin.Abala ako sa pag hahanda ng sopas na si-nearch ko pa talaga sa google youtube at pati na rin sa online cooking show. Habang iyong dalawang kabayo naman ay abala sa pag lalaro ng mobile legends. Ako dito'y hirap na hirap na sa lahat ng gawain, dahil may mga bisita raw ang masungit kong amo."Bro! Baba! Tangina, iniwan mo 'ko mag-isa apat 'yong naroon isama pa 'yung tore!" Rinig kong sigaw ni Blue, at ng

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • Im Inlove With My Nanny?    Chapter 09

    Justine saw the news paper that Nico brought. Since hindi na masyadong napapansin ang mga babasahin tulad ng diyaryo o kaya naman magazine dahil na rin sa mga naglipanang gadgets, I also dont mind reading some articles in newspapers.But I got stunned when I saw Zafy's face on the first page of the news paper. Almost half of the newspaper has her face that says. "Zafira Mejia, the heiress of Mejia International Import and Export was kidnapped by unknown."Shit! I read it not once but trice! Sa halos dalawang buwan na pag tatrabaho ni Zafy dito sa akin, ngayon ko lang din napagtanto na kaya pala lahat ng gawin niya maliit man o malaki, ay palpak dahil hindi naman niya talaga ginagawa iyon.Ni minsan kahit na may kutob o hinala na ako sa kaniya, hindi ako nag dalawang isip na hindi siya pagkatiwalaan. She almost melted my fu

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • Im Inlove With My Nanny?    Chapter 10

    "Nalunok mo na ba ang dila mo kaya 'di ka na makapagsalita riyan?" Biglang tanong ni Nico sa tabi ko habang nag mamaneho.Ilang oras pa ay bumungad na sa amin ang 'Bienvenida a hacienda Mejia.' That says welcome to Hacienda Mejia. Ilang minuto pa ay mararating na namin ang Rancho. Ang lugar na tinakasan ko ng halos dalawang buwan para lang sa inaasam kong kalayaan."I dont like you, and I dont want to marry you." Prangkang sagot ko kay Nico while thinking a great alibi and scape for my father. I know that he's mad. At iyon ang kinatatakutan kong mangyari."Same here mi Siniorita. Hindi ikaw ang klase ng babaeng gusto kong makasama habang buhay. Baka maging paru-paru ako kung araw araw mo akong pakakainin ng mabulaklak mong lutuin!" Pang uuyam pa ng hayop na Nico.

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • Im Inlove With My Nanny?    Chapter 11

    Its been two weeks since Zafy left my house and yes I'm still thinking and missing her. There are things that I done such as working nonstop, meet my friends at Club-V except Janrick which is happily married. I also drink and date a lot. Pero isa lang ang hinahanap hanap at hindi maalis sa sistema ko. Ang mulala kong yaya.Halos araw-araw ko ring binabasa ang sulat na binigay ni Pauline. At ngayon nga'y malaya ko nang masasabi na nakamove on na ako. Hindi ko rin alam kung paano, at naging napakabilis ng pang yayari. But I'm still looking forward to meet her for a formal closure. We can still be friend's if she want's.Kahit naman ayaw niya, mananatili siyang ispesyal para sa akin. Ngayon maluwag na maluwag na ang pakiramdam ko, at napakalaki na ng space sa puso ko, isa na lang ang hinihintay ko. Ang nag-iisa at namumukod tangi kong yaya!Kung nasabi ko

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • Im Inlove With My Nanny?    Chapter 12

    "Empresa de Importación y Exportación Mejía"Iyon ang bumungad sa akin pag baba ko ng BMW. Ang sarap sana sa pakiramdam basahin ng paulit ulit 'yong pangalan ng kumpanyang dati ay sa amin. Ngayon ko lang nakita at narating itong kumpanyang 'to. Kaya naman namangha ako ng makita ko kung gaano kataas ang gusaling nakatayo sa harap ko ngayon. I spend almost of my life living in our Ranch, that no body knows that I'm exist. Now I feel like I was born yesterday. Ito na yon! Iyong buhay na hindi ko kinagisnan, at dapat kong pakitunguhan araw araw simula ngayon. "Jusko sess ang gwapo pala ng C.E.O natin ngayon!" Rinig kong sabi ng isang babaeng katabi at kasama ko sa loob ng el

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • Im Inlove With My Nanny?    Chapter 13

    "Zafy, inside my office now!" Rinig kong sabi ni Justine sa intercom. Ano na naman bang kailangan ng boss kong 'to? Kanina niya pa ako pinapabalik-balik sa opisina niya. Tapos wala namang ipapagawa o sasabihing maganda mang aasar lang bwisit!"Ano na namang kailangan mo?" Mataray na tanong ko sa kaniya ng buksan ko ang pinto ng opisina niya.Mukha siyang stress at pagod na pagod. Anyare? Parang apat na oras palang naman siyang nakaupo sa upuan niya at nag kukuyakoy, pero na laspag na siya."Zafy lahat ng papeles na kailangan ng perma ko, hindi mo man lang nireview! Tapos ito pa, kailan pa ako naging married? Sa pagkakaalam ko 'yong pakakasalan ko, hindi ko pa na uumpisahang ligawan! Sana naman dino-double check mo muna 'yong mga papel, bago mo sagutan ng kung ano-ano. At higit sa lahat, sa dinami rami ng gagawin ko ni hindi mo m

    Huling Na-update : 2021-10-31

Pinakabagong kabanata

  • Im Inlove With My Nanny?    Special Chapter

    Narito kaming lahat ngayon sa ospital at hinihintay na lumabas ang mag-ina ko. Ito ang araw na isisilang ni Zafy ang ikalawamg anak namin. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin talaga ako. Ngunit hindi tulad ng isinilang niya si Jaira, pipilitin ko talagang hindi himatayin."Justine umupo ka nga nakakahilo ka sa totoo lang!" malakas na singhal sa akin ni Ayesha habang nagbabasa ng magazine.Kasama ko ulit ang mga baliw kong kaibigan na ngayon ay nasa lapag na naman at masayang naginginain ng boy bawang. Para silang mga nag pipicnic dito sa hallway ng ospital."Bro para kang manok na hindi maitlog itlog dahil sa kapaparoot parito mo. Iyong totoo, natatae ka na ba?" kuryosong tanong naman sa akin ni Daryl. Sa totoo lang ay kinakabahan ako nanlalamig ang mga palad ko at pakiramdam ko'y nakalutang sa ere ang mga paa ko.

  • Im Inlove With My Nanny?    Epilogue

    ~Justine Pov Nostalgia~I was so tired because of work. Naisipan ko ring umuwi sa bahay ko sa MGS. Nanay Meling told me that I had a new nanny. Hindi na siguro ako mahihirapan sa ngayon dahil may mauutusan na ako.Ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng makita ang babaeng nakita ko rin sa coffee shop na malapit sa office site ko. "Zafy Sir." That was she said. Her name sounds unique but the owner looks weird.Walang araw na hindi niya pinainit ang ulo ko. Wala ring araw na hindi siya nakagawa ng kapalpakan."Lunch mo Sir." Ang lunch na ibinigay niya sa akin ang pinaka hindi ko malilimutang lunch sa buong buhay ko. Zafy was the mos epic woman I've ever know. But despite all the things she'd done, I become more interested about her.She made me laugh, kahit na nap

  • Im Inlove With My Nanny?    Chapter 80

    "Bakit naman kami mag bibigay ng malaking aginaldo? Samantalang hindi pa naman pasko?!" malakas na sigaw ni Janrick sa akin. Ang kapal ng mukha niyang mag reklamo samantalang ganyan din ang ginawa niya sa amin dati noong nanganak ang asawa niya."Mas mahal pa yata ang dapat na ibigay sa anak mo kaysa sa napanalunan ko!" dagdag naman ni Daryl. Sa lahat naman ng ninong ng anak ko, si Daryl yata ang pinakakuripot. Samantalang hindi bumababa sa isang milyon ang kinikita ng kumpanya niya sa isang araw! Kapag talaga ang lalaking ito ang nag asawa at nagka anak, babawi talaga ako sa kakuriputan niya."Kulang pa ngang pang gas ko ang makukuha ko sa hatian namin ngayon." muling sambit ni Janrick.Nais ko man silang patulan ay minabuti kong manahimik na lang. Dahil alam kong wala ring mangyayari kung papatol ako sa mga baliw na 'to."Guys I hate to ruined your celebration. But I w

  • Im Inlove With My Nanny?    Chapter 79

    Days had gone fast, but Zafy and I become more stronger and in love with each other. It wasnt easy tho, because we also had an ups and downs. But we didn't let those problems break us apart.Lumabas na rin ang resulta patungkol sa imbistigasyon sa nawawala niyang kapatid. At ang resultang iyon ay hindi naging maganda. It turns out na kasabay ng nakitang sasakyan sa isang palaisdaan ay ang pagkamatay ng isang batang babae umano, na itinapon din malapit sa nasabing lugar. Base rin sa imporyasyon na nakalap ng private investigators, kaparehong pagkakakilanlan sa nawawalang kapatid ni Zafy ang batang iyon na namatay.Zafy become more emotional about that. Even her father and I, were still sad about that bad news. Ganoon pa man, hindi pa rin kami tumitigil sa paghahanap ng hustisya.Ngayo'y heto, makalipas ang halos ilang buwan ay unti-unti na ring bumabalik ang sigla ng pamilya. Dahil na rin iyo

  • Im Inlove With My Nanny?    Chapter 78

    "Tingin ko ay hindi magandang mag sama tayo sa iisang kumpanya. Wala tayong matatapos na trabaho kung ganito." giit ko kay Justine pagkagising namin.Ilang oras na lang ay uwian na. Ni isang trabaho ay wala man lang akong nagawa. Ewan ko lang siya kung may natapos siya sa mga trabahong ginagawa niya."What do you mean?" he asked curiously.Tinaasan ko siya ng kilay at akmang sasagot na sana ng makadama ako ng biglaang paghilab ng tiyan. Nasapo ko ang sarili kong bibig, pilit na kinakalma ang sarili."Mas gusto ko ngang kasama lang kita rito. Nakikita kita, alam ko kung anong ginagawa mo. At kahit hindi ka na kumilos o mag trabaho, kahit titigan mo lang ako mag hapon, okay lang sa akin basta narito ka." sunod-sunod niya pang sabi.Ngunit wala doon ang ate

  • Im Inlove With My Nanny?    Chapter 77

    [R-18]"Eat up love, akala ko ba gutom ka?" maang na tanong sa akin ni Justine habang kumakain.Siya ang maganang kumakain habang ako ay nakatulala lang sa pagkain. Ni hindi ko nga ma appreciate ang nakahandang pagkain sa harap ko ngayon."Dont you like the food?" muli pang tanong niya.Hindi naman kasi ayaw ko ang pagkaing inorder niya. Kaya lang... Paano ba ako makakakain ng maayos kung chopsticks ang gamit?! Sa sobrang gutom ko baka pati ang pagkain na nasa harap niya ay makain ko rin. Pero lintek! Isusubo ko na lang ay mahuhulog pa! Kung hindi baga naman pahirap na sadya ang restaurant na 'to!Tumingin ako sa kaniya bago nahihiyang yumuko at nagsalit. "Feed me please." I beg.I thought he will laugh at me again, but I got surprised when he sat beside me and start feeding me like I was a baby. Halos hindi na nga siya kumain basta masubuan niya lang ako.

  • Im Inlove With My Nanny?    Chapter 76

    Matapos ang binyag ng anak namin ni Justine ay kaagad din kaming bumalik sa Manila. Gustuhin ko mang tumaliwas sa desisyon niya ay hindi ko rin magawa. Bukod kasi sa mga naiwan na trabaho sa Manila ay wala rin naman kaming makasama ni Jaira sa Rancho.Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi kay Justine ang napag-usapan namin ni Lenny noong araw ng binyag ng anak ko. But Lenny said that was a secret. A secret to be kept. Hindi maaaring malaman ng iba bukod sa akin. Ngunit paano ko siya matutulungan ng hindi nalalaman ng asawa ko?"Love," nananantiyang tawag ko kay Justine na ngayon ay abala sa mga papeles na binabasa niya.Narito kami ngayon sa site, kung saan ako ang kinuha niyang personal assitant niya. Malaki rin ang kumpanyang ito ni Justine na kilala lalo na sa mga nagpapagawa ng mga gusali.

  • Im Inlove With My Nanny?    Chapter 75

    "I'll tell you something." Pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng dibdib ko dahil sa sasabihin niya.Dumagdag pa ang pagiging seryoso ng mukha niya. Ni hindi ko rin mabasa kung ano ang iniisip niya at wala rin akong makitang emosyon sa mga mata niya."All my life... I was living in the dark." pag-uumpisa niya na ikinalaki ng mata ko.Pareho kami halos ng kinalakihan at pamumuhay ni Lenny. We live in the same place. Kapareho kami ng kinagisnan at kinaugalian. Daig din namin ang mga preso dahil ilang taon kaming nabuhay na tanging nasa Hacienda lang."What do you mean?" I asked curiously. Tumitig siya sa akin bago nagpatuloy."Makinig kang mabuti dahil hindi ko na muling uulitin ang mga sasabihin ko." Tumango lang ako bilang sagot sa kaniya, at nakinig tulad ng sinabi niya."When I was five years old, m

  • Im Inlove With My Nanny?    Chapter 74

    Nang sumapit ang Linggo lahat kami ay naging abala. Kinalimutan na muna namin ang mga problemang mayroon kami at masayang sinalubong ang binyag ng aming anak. Matapos sa simbahan ay dumiretso na kami sa Rancho na siyang main venue. Hawak ko si Jaira habang si Justine ang nag mamaneho. Daig pa namin ang nag paparada ng sasakyan, dahil ang anim niyang kaibigan kasama si Blue ay may kani-kaniyang sasakyang dala na minamaneho rin nila. Kaya naman halos lahat ng mga nasa daan ay napapatingin sa amin. Lalo na at agaw pansin ang mga sasakyang sinasakyan namin ngayon. "Pupunta ba si Nico?" kuryosong tanong ko kay Justine. Kumunot naman ang noo niya at nag iba ang timpla ng mukha. "Bakit mo naman hinahanap 'yong baliw na 'yon?!" pagalit niyang tanong na ikinairap ko. Mangali-ngali ko na rin siyang bigwasan dahil sa sinabi niya.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status