Belyn “No! Hindi kayo aalis ng anak natin. I will not allow you to leave this house. Pakinggan mo nga muna ang paliwanag ko, Belyn!” Lumakas ang boses ni Aaron, tila nauubusan siya ng pasensya magpaliwanag sa akin. Tumigil sandali bago muling nagpatuloy magsalita. “Itinago ko sa ‘yo, baby, kasi ayaw kong gumulo ang pagsasama natin. Hindi naman din importante dahil totoo naman na mahal kita. I love you so much. Ikaw lang naman ang minahal ko sa tanang buhay ko.” "Mahal?" bigkas ko na may pait na tono. "Mahal? Pero pinatagal mo pa, Aaron! Madali lang magsabi kung totoong maganda ang hangarin mo pero hindi eh! Naglihim ka pa rin sa akin! Ang sabihin mo walang mahalaga sa ‘yo kun'di malutas ang kaso na hawak mo. Kaya gustong-gusto mo makuha ang loob ng Daddy ko para malaya kang makakilos sa bahay. Madali mo makukuha ang gusto.” “Hindi ‘yan totoo,” “Iyan ang totoo! Ginamit mo pa ang kasal at pamilya ko para mapalapit sa mommy ko,” “Yes, I admit that at first I didn't want to marr
Belyn Pababa pa lang kami ng hagdan nasilip ko naroon ang dalawa kong biyenan nakaupo sa sala. Tila inaabangan ang pagbaba namin ni Benesha. Dahil sa amin agad sila tumingin ng pagkababa lang namin sa pinakahuling baytang. “Lolo, Lola,” masayang sigaw ni Benesha mabilis tinawid ang kinaroroonan ng dalawa kong biyenan, pagkatapos kumalong sa Lola niya at binidang aalis daw kami patungo sa Lolo niya. “Bye po Lola. Babalik po ako agad don't be sad na,” sabi pa nito sa Mommy Eulyn yumakap pa sa leeg. “Oo apo ko. Kami ni Lolo Maynard ang maghahatid sa inyo,” tugon ni Mommy kay Benesha pagkatapos nakangiting tumingin din sa akin kaya napangiti na lang din ako. Wala na ang lungkot sa mata ni Mommy Eulyn. Kumalma na siya kaysa kanina, noong nasa dining area kami. Siguro napakalma na ni Daddy Maynard kaya ngayon nakangingiti na. Pero si Dad Maynard simpleng tango lang ang binigay nito sa akin. Lihim akong napalunok. Galit ba ang biyenan kong lalaki? Kasi hindi ko mabasa ang tinatakbo ng
Belyn Nagpaalam din agad ang mga biyenan ko after nila mag-usap ni Daddy. Susko nakakahiya sa Mommy Eulyn at Daddy Maynard, nakainom si Dad, pagdating namin sa bahay. Kahit na nga hindi ko nakitaan ng pangungutya sa mata ng biyenan ko. Nahiya pa rin ako. Isipin malaki ang problema ng pamilya ko. Nabigla pa si Daddy kanina ng kami'y sumulpot sa bahay kasama ang apo niya. Wala nga naman ako paabiso sa kaniya darating kami ni Benesha. “Mommy water po,” sabi ni Benesha. “Ay ako na apo ko, ikukuha kita,” maagap na sagot ni Nanang Luisita. “Sama po ako Lola,” habol ng anak ko. Natuwa si Nanang kasi na miss na niya si Benesha. Matagal na kasi siyang hindi naka dalaw sa condo namin sa Pasay noong hindi pa ako nag-asawa. “Sige, tara na,” sagot ni Nanang dito. Nang kami na lang ni Daddy ang naiwan sa sala biglang naging tahimik. Napanguso ako kasi sinipat niya ako ng curious na tingin parang duda sa pagdating namin ngayong gabi. “Hindi yata sumama ang asawa mo,” kaswal na tanong ni Dadd
Belyn “Daddy, Good morning po,” bati ko sa kaniya ng pagbaba ko naabutan ko siya nagkakape sa sala habang nanood ng morning news sa sala. Patungo sana ako ng kitchen kasi gusto ko ng gatas. Paiba-iba ang gusto ko. Mukha nga may baby ulit kami ni Aaron. Soon, ate na si Benesha, matupad na ang lagi nitong inaasam na kapatid. Napangiti ako. Pambihira ang lakas talaga ng asawa ko kay dali kong mabuntis nito. “Anak good morning too, halika upo ka anak,” sabi nito umusod pa senyales doon niya ako pinauupo sa tabi niya. Sa mahabang sofa kasi si Daddy nakaupo paharap sa TV. “Ang apo ko tulog pa ba?” ani nito habang humihigop ng kape mataman akong tinitigan para bang ako'y kaniyang pinag-aaralan. “Opo Dad,” wika ko umupo na sa tabi nito. Dahan-dahan nitong inilapag ang tasa ng kape sa center table ng katerno rin sa sofa pinagmasdan ulit nito ako. “Anak, magtapat ka nga sa akin. Nag-ayaw ba kayo ni Aaron?” tanong nito ngunit sa himig ng boses ni Daddy parang sigurado siya sa kaniy
Belyn Kinabukasan maaga ulit akong gumising. Naghahanap naman ako ngayon ng taho. Iyan ang gusto kong kainin. Alam ko mayroong dumadaan tuwing umaga sa gate namin iyon ang aabangan ko. Sayang hindi makapapasok ngayon si Benesha sa school niya. Ang layo naman kasi rito sa bahay namin ng condo unit ni Aaron. Kaya ko rin naman magmaneho ang anak ko lang ako nag-aalala. Sobrang mapapagod si Benesha sa byahe pa lang namin. Sabi rin ni Daddy. Bata pa naman si Benesha, hayaan na muna raw. Kapag sunduin na lang daw kami ng asawa ko, at kung pwede pa pumasok ang apo niya. Tsaka ko na raw papasukin. Eh, kailan pa kami susunduin ni Aaron? Hanggang ngayon wala pa ni tawag hindi nagparamdam. Tulog pa nga ang anak ko kinumutan ko muna. Ganito talaga si Benesha. Itataas ko ang kumot hanggang dibdib niya, ngunit maya lang tatanggalin na nito sa katawan niya. Nakangiti at naiiling na lang ako sa ginagawa nito. Hindi lamang nalamigan naka full ang aircon ko sa k'warto dahil mabanas. Pero si B
Belyn Pagpasok namin ng main door pababa naman si Benesha sa hagdan. Gising na pala ang anak ko nakasuot pa ng terno n'yang barbie pantulog. Buti na lang nakapasok na kami ng bahay. Nasa kalahati pa siya nagmamadali ng bumaba kaya mabilis na pinuntahan ni Aaron. Upang salubungin sa hagdan. “Daddy!” Benesha giggled. Halata sa mga mata nito masaya sa pagdating ni Aaron. Pagdating sa huling baytang binuhat na ni Aaron bumalik din sa akin. Sabay na rin kami nagpunta kasama ni Daddy sa sala. “Mommy, lumabas ka po?” She said, raising her eyebrows. Natatawa si Aaron hinilot ang salubong na kilay ng anak niyang nagtataray kaya humagikhik ang anak ko. “Mommy?” inulit akong tinawag akala yata hindi ko siya narinig. “Oo anak bibili sana ako ng taho,” “Ohh? Nasaan na po ang taho? Gusto ko rin po Mommy, please,” sabi pa nito tumingin sa kamay ko kaya kinangisi ko. Nakamot ko tuloy kilay ko kasi kumibot-kibot ang labi ni Benesha. “Hindi ako nakabili, anak. Wala kasing dumaan nag-ant
Belyn Pagpasok ng minamaneho kong kotse sa matayog na gate ng malaki naming bahay. Natanaw kong nasa labas ang Mayordoma naming si Nanang Luisita. Nakaabang pa yata sa akin dahil sa aking kotse ang tingin nito.Sinalubong niya agad ako paglabas ko ng kotse at hindi pa man nakararating sa tabi ko, nakangiti na agad ang Nanang Luisita sa akin."Bakit po Nanang? May kailangan po ba kayo sa 'kin?" masayang ngiti ko pa sa kaniya. Sa lahat ng tao rito sa bahay. Ang Nanang Luisita ang tanging mabait sa akin."Pinatatawag ka ng Daddy mo sa office niya."Kinunot ko ang noo ko. "Sige po Nanang ako'y magbibihis—""Mamaya na raw, hija, nag-aantay na sila roon ng Mommy mo,"Napatango na lang ako kahit labis akong naguguluhan. Gusto kong itanong kung anong nangyari bakit kailangan sa office ni Dad, dito sa bahay mag-usap. Wala rin naman akong makukuhang sagot galing sa Nana. Nagkibit-balikat na lang ako."Dad, ipinatatawag mo raw po ako?""Maupo ka na muna, Belyn," alok pa ng Daddy. Kaso lang, nas
BelynTila ako nakalutang nang lumabas sa office ni Daddy at tuloy-tuloy ang lakad ko patungo sa labas ng bahay. Hindi na ako umakyat upang masilip man lang ang k'warto ko basta ang tangi kong gusto ay makaalis ng bahay.Tuliro ang isip ko sa nangyayari. Alam kong sa malao’t madali ay matutupad ang hiling ni Daddy at Mommy kahit anong pagtutol ko.Walang imposible sa kinilalang kong Ina na si Vilma Kho. Kung si Daddy, ‘Protacio Kho’, maari kong paulit-ulit na kumbinsihin. Hindi ang, Mommy Vilma. Mas may boses ito sa bahay kaysa kay Daddy kung sa mga desisyon.Pagdating ko sa labas naabutan ko ang Nanang Luisita. Hindi ko tinanong kung saan siya galing. Papasok na rin ito sa loob ng bahay ngunit bago iyon. Sinalubong na muna nito ako na may simpatyang nakaguhit sa mga mata ng Nanang Luisita.I forced myself to grin, even though I felt something heavy on my chest. Malalim akong humugot ng hangin upang maiwasan ang kaninang bigat ng dibdib ko.“Kumusta, hija? Anong pinag-usapan n'yo ni,