Belyn “Nanang ang Daddy?” humahangos ako ng sumalubong sa Nanang Luisita. Sakto rin kasi patungo yata ng main door ang Nanang, kaya hindi ko na kailangan hagilapin kung saan siya pupuntahan. Nakakapanibago kasi ang tahimik ng buong living room, kahit naman noon ay ganito na ngunit iba ngayon ang pakiramdam ko. O, baka nanibago lang ako na hindi na rito nakatira kaya ganun ang feeling ko ngayon. Tila ba nakisimpatya rin alam ng paligid sa pag-aaway ni Daddy at Mommy at nauwi pa ngayon sa hiwalayan. Hindi ko nga naisip na kasama ko si Aaron, kung hindi pa ako hinawakan sa aking bewang nasa isip ko lang alamin kung nasaan si Daddy. “Baby, calm down. Masyado kang nag-aalala. Daddy Protacio is strong. Nothing bad will happen, ok?” saad pa ng asawa ko hinalikan ako sa aking buhok. “Hindi ko maiwasan,” bulong ko. “I'm here,” sabi pa ni Aaron at hinila rin ako padikit sa katawan niya. Basta kapag nasa isip ko si Daddy. Hindi ko maiwasang mag-alala. Baka kasi mapaano ‘to lalo n
Belyn Nanlaki ang aking mata at namanhid ang aking mga paa ng sumambulat sa akin ang salitang binitiwan ng aking ama. “I-ikaw po talaga a-ang D-daddy ko?” nauutal kong tanong at ang mainit na luha ramdam ko na nag-unahan sa aking pisngi. My God, bakit kailangan iyon itago ni Daddy, sa akin. Bakit nila ako niloko. Don't I have the right to have real parents? Anong kasalanan ko bakit sa akin nangyari 'to. Gusto kong question-in ang aking sarili kung naging masama ba akong anak, kaya wala akong karapatan malaman ang katotohanan. Lumakas ang aking pag-iyak. Naging hagulgol pa at gano'n din si Daddy. Para bang nagpapaligsahan kami ng pag-iyak sa mga oras na iyon. “Patawarin mo ako, anak. Please forgive me If your dad has become weak,” nahihirapan na sabi ni Daddy sa akin. "Gusto kitang ipagmalaki sa lahat. Gusto kong ipagsigawan sa lahat na anak kita.... ngunit duwag ang iyong ama," Suminghap ako dahil nahihirapan akong makahinga. Panay ang pagpapakalma ni Aaron sa akin, ngun
Belyn “Daddy…sino po ang Mommy, ko? Please sabihin mo naman, Dad,” puno ng pakiusap na saad ko sa kaniya. May kinuha si Daddy sa drawer ng working table niya at inilapag niya sa aking harapan. Nanginig ang palad ko ng abutin ko iyon. “Siya si Bherlyn ang Mama mo anak,” Unti-unti ko iyon inilapit sa akin upang matitigan ko ng maayos. Napangiti ako ng pagmasdan ko ang larawan dahil nakangiti ang kuha ng Mama ko. Kumalma na ako kanina ngunit ngayon sa larawan ni Mama. Muling nanumbalik ang emosyon sa ‘king dibdib ng pinagmamasdan ko ang picture niya. “M-Mama,” bulong ko. Lumabo ang aking mata habang hinahaplos ko ang mukha ng picture ni Mama. Nagkaroon ng tunog ang iyak ko na mayroon pang kasama tawa. Kung hindi ako nagkakamali bata pa rito si Mama. Ang ganda niya pala. Hula ko ay nasa late 20 ang edad ni Mama sa larawan. Napatingin ako kay Daddy. Namumula na rin ang kanyang mata. Malungkot nakatingin sa hawak kong larawan. “Daddy, saan ko po siya makikita?” excited ko
flashback....Belyn"Da-Daddy gusto ko po makita ang puntod ni Mommy,""Oo anak. Dadalawin natin pagkatapos kong masabi ang lahat sa iyo."Tumango ako kay Daddy, senyales na makikinig ako sa kaniya. Naging maayos ang pagsasama namin ni Vilma. Tinupad niya ang usapan naming bigyan ng chance ang aming kasal. Nakita ko rin naman na nagbago siya. Pinilit niyang bigyan kami ng oras ni Anely. Ngunit dumating ang oras na hindi ko nalabanan ang tukso. May mga pinsan si Vilma. Niyaya siyang mag-out of town sa Mindoro ng three days. Kasama pa niya si Anely. Kahit naman may asawa na, maari pa rin naman mag-enjoy. Minsan lang naman din siya lalabas kasama ang mga pinsan kaya pumayag ako. Pangalawa araw nila Vilma sa Mindoro at kinabukasan uuwi na sila ni Anely. Sakto rin nagkayayaan kami ng mga kaibigan ko mag-happy, happy. Nagkasundo kami sa isang VIP club. Bumaha ang alak dahil ayaw ko naman matawag na killjoy, napasubo ako uminom at naparami pa. I chuckled. Pagkatapos umiyak. “Daddy, bak
Belyn Bumalik si Aaron saktong tapos na kami mag-usap ni Daddy. May bitbit siyang isang tray na may nakapatong na dalawang baso at isang tumbler ng tubig. Una nito sinalinan si Daddy ng tubig sa baso at pagkatapos ako. Inantay rin nito makatapos akong uminom at nang makita niyang naubos ko na ang laman. Kinuha niya sa kamay ko ang hawak kong baso at siya na rin ang nagbalik sa dala niyang tray, inayos niya sa table ni Daddy. Upang hindi iyon masagi bago magtungo sa tabi ko upang umupo. “Kumusta?” tanong ng asawa ko at pinagmasdan niya ako sa mukha, tipid ko siyang nginitian kahit masakit ang mata ko dahil sa katatapos na pag-iyak. Bahagya akong napanguso nang pinagsalikop nito ang pareho naming kamay at kahit nasa harapan namin si Daddy. He brought my hand to his lips and kissed the back of it. May nagtulak sa akin na suklayin ang buhok ni Aaron, habang nasa labi pa niya ang aking palad at kung hindi sa tikhim ni Daddy baka nakatitig lang kami ni Aaron hanggang ngayon sa isa'
Belyn “Sa labas lang ako,” bulong ko kay Aaron ng mayroon na silang pinag-uusapan ni Daddy. Though tinitingnan naman ako ni Aaron. Tinatanong kung ayos lang ba ako. Minsan yayakapin at dadalhin sa dibdib niya pagkatapos ay hahalikan ang buhok ko kahit kasama namin si Daddy. “Saan ka pupunta?” yumuko siya nakakunot pa ang noo kaya inabot ko iyon pagkatapos ay hinilot ko. “Hindi naman ako kasali sa pag-uusap niyo ni Daddy,” sagot ko sa kaniya at sinamahan ko rin magpa cute. Napakamot ito sa kilay niya kaya naman napangiti ako. “Huwag kang lalabas,” bilin pa nito. “Yes boss!” saad ko sumaludo pa sa kaniya. Napangiti ako ng mapansin kong nag-blush ang asawa ko ng sabihin ko iyon sa kaniya. “You're my only boss, not me,” sagot nito sa akin. “Kay Nanang Luisita, lang ako ok,” kindat ko pa kinangiti nito at pagkatapos hinalikan ako sa buhok ko. Palaging si halik nakadadami na ‘to, ah. “Napapansin ko kanina pa panay ang pa-cute mo, baby. You need to stop, nag-uusap pa kami ni Daddy, d
Belyn “Baby, gising na. Kanina pa nakahain sa dining ang Nanang Luisita. Hinahanap ka na rin ni Daddy,” naulinigan ko salita ni Aaron, nakayakap sa aking likuran ngunit dinadaig ako ng antok, kaya naman hinayaan ko lamang siyang nakayakap sa akin at hindi ko pinagkakaabalahan siyang lingunin. Kahit nga nakikiliti ako sa init na tumatama sa aking batok dahil sa kaniyang hininga. Hindi ko pa rin siya pinapansin dahil mas nanaig ang kagustuhan kong matulog na lamang sa oras na iyon. Naulinigan kong mahinang tumawa si Aaron muli akong ginigising. “Misis, hinahanap ka na ni Daddy. Iniwan ko lang siya sa kitchen sabi ko pupuntahan kita rito,” aniya at ayaw akong tigilan pabiro pa akong hinalikan ng may gigil sa batok ko akala uubra ang pang-iistorbo niya sa akin. “Mrs. Chong, kapag ayaw mo, bubuhatin na lang kita palabas ng kwarto mo," pagbabanta pa ni Aaron. “Kanina ka pa?” inaantok kong tanong sa kaniya kahit nakatalikod ako. Bahagya akong dumilat, pagkatapos ay naisip kong hu
Belyn “Daddy, sure po kayo ayos ka na?” tanong ko sa kanya ng umaga pinuntahan ko sa living room dahil uuwi na kami ni Aaron. Nasa sala kasi si Daddy nanood ng morning news. Kasama niya si Ate sa sala. Umupo na muna ako sa tabi ni Daddy tila akong bata maglambing sa ama ko. Yumakap kasi ako sa braso niya at humilig sa balikat nito. Nakamimiss pala ang ganito. Nagagawa ko lang kasi ito noon ang ganitong maglambing sa Daddy ko noong ako'y elementary pa. Natatawang inakbayan ako ni Daddy, kaya sumandal pa ako sa dibdib niya. “Oo naman anak. Kahit naman gustuhin kong dito kayo manirahan ng asawa mo at apo ko. Hindi naman maari ang aking nais kasi may sarili ka ng pamilya,” aniya. Pauwi na kami sa condo ni Aaron, ngunit dadaanan muna namin si Benesha sa bahay nila Aaron, bago umuwi sa condo. “Ganito na lang po dalasan ko na lang ang pagpunta rito para hindi ka malungkot, dad,” wika ko pa sa kanya. “Paano nasa office naman ako. Sabi mo naman kapag Sabado at Linggo. Sa bahay kayo ng