FEW months later..."Leona ko, bakit mukhang hindi ka mapakali? Hindi ka ba natutuwang sa wakas ay nanganak na ang manugang natin?" tanong at panunukoy ni Patrick Niel sa manugang ng asawa sa pamangkin nito. Tatlong buwan ding nasa Los Angeles California ang mga ito sa piling nila. Sa pagamutan din kung saan siya nagtrabaho noon at kasalukuyang pinagtatrabahuan ni Adams ito na-admit."Kung nagkataong nasa ibang pagkakataon tayo ay baka kanina ka pa lumipad na walang pakpak. Natural masaya ako para sa kanilang mag-asawa. Lalo at hindi naging maganda ang pagbubuntis ni Isadora sa pagkakataong ito. Ngunit alam mo ba kung ano ang ibinalita ng pinsan kong balo?" inis at patanong nitong tugon."Kaya nga ako nagtatanong, Leona ko. Dahil kanina mo pa naibaba ang telepono pero mukhang nais mo na yatang basagin. Kung nakakatunaw nga lang ang paraan nang pagtitig mo ay natunaw na iyan. Ano ba kasi ang dahilan at mukhang nanginginig ka na naman sa galit?" muli niyang tanong.Samantalang sa mulin
"Go and have a peaceful and eternal journey, Lolo. Tell Lola that I will achieve the dream that she's dreaming for the rest. I will surely avenge your death once that I'll ascend in Camp Villamor. I will never forgive them!" Mga katagang nanulas sa labi ng batang si Prince Tommy habang nakadungaw sa naibaba ng casket o ang kabaong nang yumaong abuelo, ang reteradong heneral."Anak...!""No, Papa. I will never back down on my words. Buhay pa sana si Lolo ngayon kung hindi nila ako binalak na patayin. Kaya't tandaan n'yo rin po, Papa. Papasok ako sa Camp Villamor balang-araw at walisin ko silang lahat!"Nasa huling hantungan ng retired general silang lahat. Naibaba na rin ito dahil kasabay nang pag-eri ng twenty-one gun salutes ay ang pagtupi nila sa watawat ng bansang Pilipinas. Naipahawak na rin nila ito sa panganay na anak. Ang kambal na sina Nathaniel Craig at Nathalie Janelle at ang bunso nilang si Clyde.Subalit hindi iyon ang nakapukaw sa kanilang lahat na naroon kundi ang mga s
Many years later..."Kumusta ang kalagayan ng asawa ko, doktor?" salubong na tanong ni Isadora sa manggagamot na umasikaso sa asawa."Sa ngayon ay hindi ko pa masasabing ligtas na siya, Ma'am. Dahil sa dami ng dugong nawala sa kaniya ay maaring maapektuhan ang paningin niya---""Then do your job properly, doctor! Don't just say anything while standing there. Do your best to save my son!"Nagulat silang lahat o ang mag-iina. Sina Kyle Brielle at Gabrielle Brix. Dahil sina Owen Liam at Ian Jeremiah ay nasa University pa. Kaya't sila lamang ang sumugod sa pagamutang pinagdalhan ng taga-4C kay Duncan."Lolo, calm down. Ako po ang kinakabahan sa iyo eh."Agad na balingan ni GB ang abuelo. Dahil sa hitsura pa lamang nito ay halatang galit na galit. Aminado naman siyan kinakabahan siya ngunit iba ang galit na nakikita sa mukha ng abuelo. Kung nagkataong nasa serbisyo pa lamang ito at mayroon pang sapat na lakas ay iisipin niyang sasapakin nito ang doctor."Tama naman po si kambal, Lolo. Fig
***"BOSS! BOSS!Kulang ang malakas upang ilarawan ang boses ng tauhan ni Duncan habang kinakalampag ang opisina niya. Kaya naman ay agad siyang tumayo upang pagbuksan ito. Hindi naman niya ugaling manigaw ng tauhan dahil hindi siya ganoong tao. Kaso sa oras na iyan dala na rin ng pagkagulat ay nabulyawan niya ito."What's the matter with you?! Kindly act as professional! Tsk! Tsk! What's on that commotions?!" malakas na rin niyang tanong."I'm sorry, Boss. Pero maaring sa susunod mo na lang ako pagalitan? Kasi importante ang sasabihin ko.""Okay, sinabi mo iyan kaya't ihanda mo ang iyong taengang mabasag sa unang pagkakataon. But since that you said it is important, go ahead. Ah, wait, come inside first."Hindi na ito sumagot sa kaniya bagkus ay may pagmamadaling pumasok sa loob ng opisina niya. Kaya naman ay isinara niya ang pintuan. Sa hitsura pa lamang nito ay halatang may mahalagang sasabihin."Ngayon magsalita ka kung ano ang dahilan at bakit ka nagmistulang hinahabol ng mga ele
"Asawa ko, kumusta na ang pakiramdam mo?" masuyo niyang tanong.Kahit pa sabihing kitang-kita ang sagot. Except from her husband father, no one knows him very well except her. Dahil bago pa sila naging mag-asawa ay kilala na niya at noon pa niya napatunayan kung ano ang tunay nitong pagkatao. Skilled military officer but he stepped down and lead instead his father's 4C's Detective Agency. Ganoon pa man ay ayaw niyang mag-isip ito ng negatibo. Lalo at hindi ito makakita. Even it's been a while since they got home. Naipaliwanag na rin kung ano ang nangyari."Hindi ka ba nahihiyang may asawang bulag? Hindi pumapasok sa trabaho dahil sa ikaw mismo ang nag-aalaga sa akin?" bagkus ay anito."Ibalik ko ang salita mo, asawa ko. Noong nakilala mo ako maraming taon na ang nakalipas, ikinahiya mo ba ako? Noong nalaman mong asawa ako ng taong makamundo at ipinagpalit sa kapatid ko, iniwan mo ba ako sa kabila ng lahat? Hindi diba? Asawa ko, ang pagiging mag-asawa natin ay sinubok na ng panahon. Ng
"No! No way, Lolo! Hindi iyan puweding mangyari!" Mariing pagsalungat ni Ian Jeremiah nang narinig ang dahilan kung bakit naipon silang magkakapatid at mga tiyahin."Tama si kambal, Lolo. Hindi makatarungang paraan ang naisip ninyo. Kahit papayag ang buong pamilya natin ay ako mismo ang salungat. Okay, sabihin na nating ikaw Lolo ang eye donor ni Daddy. Pero paano? Gusto mo ba kaming maging kriminal para lang makakita si Daddy? No, Lolo, hindi iyan puwedeng mangyari." Segunda rin ni Owen Liam kasabay nang pag-iling.Sa pahayag ng mga pamangkin ay hindi na rin napigilan ni Crystal Angela ang nagsalita. Dahil sa katunayan ay iyon ang nasa isipan niya. Paano mai-donate ng kanilang ama ang sariling mata sa Kuya Duncan niya samantalang buhay na buhay ito. Bukod sa tumatanda na ito ay wala itong sakit."Masabi na ng kambal ang tunay na dahilan kung bakit ganoon ang pagsalungat naming lahat sa naisip mo, Daddy. Thanks God that you are still very healthy despite the fact that you're getting o
"Anak, bago ko sagutin ang tanong mo ay ako muna ang magtanong," ani Surgeon Shainar Joy sa pasyenteng pansamantalang hindi makakita. Pamangkin ng asawa niya. Ngunit kakilala rin ng pamilya nila ang pinagmulan nito."Sige po, Tita. Ano po iyon?" balik-tanong ni Duncan."Noong dinala ka ng mga tauhan mo sa pagamutan kung saan ka na-confined, ano ang findings o resultang sinabi ng doktor?" Sa tanong na iyon ng doktora ay bahagyang natahimik si Duncan. Pilit inalala kung ano nga ba ang sinabi ng doktor na umaasikaso sa kaniya noong nangyari ang hindi niya inaasahang pangyayari. Kaso dahil hindi naman diretsahang sinabi sa kaniya. Dahil ang asawa niya ang nagtapat.HINDI nalingid kay Isadora ang reaksyon na iyon ng asawa. Kaya't agad siyang pumagitna. Siya ang nagpaliwanag."Ako na po ang magpaliwanag, Tita. Ang sabi ng doktor maaaring mabulag ang asawa ko dahil sa maraming dugo ang nawala sa kaniya. Sa monthly check up naman niya ay iyon ang sinabi. Hintayin naming maging maayos ang lah
"Sabi ko na nga bang may inilihim ang pamilyang iyon. Lumabas din ang katotohanang pinatay nila ang isa nilang tauhan para lamang may maipalit sila sa mata ng De Luna na iyon." Napapitik sa eri si Saldevar bagay na hindi nalingid sa mga kasamahan."Mukhang may magandang report ang mata mo ngayon, Pare? Dahil sa totoo namang patay na ang tauhan nila. Nakumpirma ko na ring tinanggal nila ang mata ng bangkay. Hindi lamang iyon, sa hanay ng mga De Luna remains ito. Doon nila ito inilibing ayon na rin sa request ng matandang De Luna," pahayag pa Angeles.Kaya naman ay napatingin ang tatlo rito. Dahil sa pananalita pa lamang nito ay makahulugan na ang lahat."Huwag n'yo akong tingnan ng ganyan mga Pare. Dahil totoo ang sinabi ko kanina. Kahit bumisita pa kayong tatlo sa sementeryo at puntahan ang remains ng pamilya De Luna. Nandoon ang bagong lapida kung saan nila ito inilibing.""Aba'y masyado kang defensive, Pare. Nasa iisang panig lang tayong lahat. Mata ng isa ay mata nating lahat. Gano
Many years later..."Ano ba, bilisan mo! Dinaig mo pa si miming na laging buntis. Ano ba iyan!""Anak ng diyaheng babaeng ito. Anong akala mo sa akin, pusa? Saan ka ba ipinaglihi ng Mama mo at lagi kang nakasigaw? Aba'y mas mainam na ang nag-iingat kaysa laging disgrasya ang naidudulot ng pagmamadali.""Ang sabihin mo ay inatake ka na naman ng kabaklahan mo, Liam! Aba'y kung hindi ka nababakla ay mas mabilis ka pa sanang kumilos kaysa sa akin!""Hoy, Kylie Rose Brielle Gomez De Luna! Sa tinis ng boses mo ay dinig na dinig hanggang gate. Ah, mali hanggang kalsada. Baka akalain nilang totoo ang sinasabi mong babae ka. Saan ka ba kasi pupunta at makautos ka ay wagas?""Kung hindi ka totoong bakla ay samahan mo ako sa Ma--- basta! Samahan mo ako sa labas. Dahil kung hindi ay muli akong haharang sa lintang kapit nang kapit sa iyo.""Kita mong babae ka! Ikaw na nga ang may kailangan ay ikaw pa ang may ganang manakot. Isumbong kaya kita kina Uncle Kyle at Auntie Juliette. Kasalanan mo kung w
Few years later..."Sa wakas ay nagwakas din ang pagbabangayan ng aso at pusa. Well, ano kaya ang sasabihin ko..." Imbes na batiin ng magkakapatid ang isa pa nilang kapatid na muling ikinasal ay kinantiyawan pa."Twin brother, aba'y madali lang iyan. Humayo kayong dalawa at inyong dagdagan si Liam. Dahil hindi na baby talk ang salita at naghahanap na ng kapatid." Panggagatong pa ni Gabrielle Brix sa kambal na si Kyle Brielle.Kaya naman ay napatingin ang groom sa kambal niya. Dahil sa hitsura pa lamang nito ay talagang may balak din itong gatungan ang mga kapatid nila. Ay hindi nga siya nagkamali dahil bago pa lamang niya maibuka ang labi ay nagsalita na ito."Grade school na si Liam, twin brother. Malinaw na rin ang pananalita niya. Hmmm, even my own child is growing so fast. Aba'y huwag mong sabihing mali ang sinabi nina Kuya KB at GB? Well, kung ako sa iyo ay tumakas na kayo ni hipag Shantal. At magparami ng lahi. By the way, heto na ang regalo naming tatlo, I mean our brothers. Ro
"Mom! Dad! Where are you?!" ang boses na gumulantang sa buong kabahayan.Paanong hindi sila magugulat bukod sa may kalaliman na ang gabi ay dinaig pa ang boses ng commander in chief na kasalukuyang nagbibigay ng parusa sa mga nahuling iskalawag. At dahil sa gulat ay agad-agad ding lumabas ang mag-asawang Duncan at Isadora."Hey, man! Have you gone mad? What's on that screaming in the middle of the night? If you are not sleepy, just go quietly in your room and stay there alone not to wake up everyone," agad na saad ni Duncan.Kaso ang bagong dating ay hindi pa rin maipinta ang mukha. Hindi rin pinansin ang paninita ng ama."Did you sent me in that place purposely, Dad, Mom?" tanong nito saka pinaglipat-lipat ang paningin sa mga magulang."Aba'y maari mo namang itanong iyan sa amin ng Daddy mo bukas ng umaga. O, 'di naman kaya ay sa taas mo kami sinugod at doon nagtanong. Hindi ang bulabugin mo ang lahat." Nakatawa at nakailing ang Ginang dahil sa tanong ng anak."Sa reaksyon mo, Mommy
One year later..."At sino ka namang herodes kang nakahararang sa dinaraanan ko?! Kapag ang batang iyan ay nakalabas sa gate ay ikaw ang ipasagasa ko sa kaniyang ama!" galit na saad ni Shantal patunay lamang ang lakas ng boses."Ako ang dapat magtanong sa iyo sa bagay na iyan babae ka! Ano ang ginagawa mo rito? Siguro may masama kang binabalak sa anak ko ano?!" ganting-sigaw ni Owen Liam."Aba'h! Aba'h! Kung pagbibintangan mo lamang ako ay maari ka nang umalis ngayon din! Aba'y sa akin na nga nila ipinagkatiwala ang bubwit na iyan ay ikaw pa ang may ganang manigaw at magparatang! Malay ko ba kung ikaw talaga ang ama niya! Baka naman balak mo siyang kidnapin? Kung ganoon ay lumayas ka sa harapan ko dahil kahit lalaki ka ay kaya kitang pitikin!""Teka lang---""Teka lang ang mukha mo! Oh, alam ko na! Ikaw iyong kapatid ng asawa ni Doktora---tama! Bakit ngayon ko lang naalala. Tama nga naman ikaw si Owen Liam De Luna!"Ayon! Ang newest version ng Tom and Jerry ay nagsimula na namang magb
"Damn that man! Let's go!" Sa galit ay biglang napatayo si Duncan. Ngunit dahil nasa pagamutan ay agad naharang ng mga anak."Daddy, hayaan mo na ang youngsters na kumilos. Si insan General na ang bahala sa hayop na Major Kernel na iyon. Dahil kung kikilos tayo as family ay revenge ang tawag doon. Ngunit kung si General ay hindi kundi military disciplines---""Tsk! Tsk! Mali ang ginamit mong salita, kambal. Military action kamo or punishment for being a greedy traitor." Nakangising pamumutol ni Ian Jeremiah sa kambal na humarang sa amang namumula sa galit.Tuloy! Ang pasyente nilang sightless ay napahagikhik. Kahit hindi ito nakakakita ay nauunawaan naman ang usapan. Kaya't hindi nila ito masisisi kung nakitawa sa kanilang harutan.Kaso!"Daddy! Kylie Rose Brielle is here!" Bigla na ngang bumukas ang private room door ay tumili pa ang maglimang taong gulang na bata."Grabe naman ang energy mo, baby girl. Did you sleep well with your Mama Elizza?" masayang salubong ni Isadora sa apo.
ACCIDENT, SHADOW AND ISKALAWAG"Huwag, anak. Huwag mong gawin iyan. Dahil oras na gamitin mo ang pagiging general mo upang gantihan ang nagkasala ay wala ka na ring ipinagkaiba sa kanila!" Mariing pagsalungat ni Duncan sa pamangking si Prince Tommy nang ipinahayag nitong tanggalin sa trabaho ang mga suspek sa pagka-ambushed ng anak niyang si Kyle Brielle."I'm sorry to tell you these words too, bayaw. Ngunit hanggang sa huli ay makatao ka pa rin. I mean it, bayaw. Anak mo ang agrabyado ngunit si Tommy pa rin ang iniisip mo," ani Allick Francisco sa pinsan ng mahal na asawa."Wala naman kasing mangyayari kung pananaigin natin ang galit, bro. Tama, bilang magulang ni Kyle Brielle ay masakit at shocking news ang nangyari sa kaniya samantalang hindi naman siya pala-away na tao. Ngunit kagaya nang sinabi ng asawa ko ay wala na tayong ipinagkaiba sa mga suspek kung gantihan natin sila kagaya nang ginawa sa atin. Instead, gawin nating legal. Advantage na rin nating si Prince Tommy ang genera
"Why you people are following my Boss?" tanong ng lalaking humarang sa magkakapatid."Ha? Sigurado ka? Aba'y public cemetery ito ah...!" Taas-kilay ding hinarap ni Ian Jeremiah ang humarang sa kanila."I know and I am aware of it. And I also know that you are not here to visit any grave. Since you entered this place you directly came here," anitong muli."Alam mo naman pala eh! Tumabi ka kung ayaw mong samain sa akin. Mali ka dahil pumarito kami upang dalawin ang Mommy ng pamangkin ko!" singhal na rin ni Owen Liam.Hindi naman sa hindi siya marunong mag-english dahil mas mataas pa ang grado niya sa English kaysa Filipino. Ngunit naaalibadbaran siya sa pagkakataong iyon. Aba'y English ito nang English samantalang tagalog naman sila."Bro, ako ang ama ni Kylie Rose Brielle Gomez De Luna. At tama ang mga kapatid ko, nandito kami upang dalawin ang puntod ng Mommy niya. Huwag kang mag-alala dahil mga propesyonal kaming kausap." Alam niyang nawawalan na ng pasensiya ang mga hapatid niya kay
"Huwag n'yong sabihing excluded ako sa misyong binabalak ninyo?" tanong ng tinig na nagmula sa kanilang likuran."Kuya!""Kambal!"Sabayan nilang sambit saka patakbong lumapit dito. Saka mag-unahan sanang yayakap kaso pabiro rin itong tumakbo sa hagdan upang aakyat sana sa ikalawang palapag ng kabahayan."Wait for your turns, my dear brothers. Dahil ako ay yayakap muna kina Mommy at Daddy," saad pa nito.Kaya naman ay nagkatinginan silang tatlo. At bago nito mahulaan ang nais nilang sabihin ay tinawid na rin nila ang pagitan saka ito hinila pabalik sa upuan."Tsk! Tsk! Huwag kang mag-isip na nasa alapaap ka, brother. Dahil alam mo namang sa ganitong oras ay tulog na sina Mommy at Daddy with my beloved kid," nakangising ani KB."Kami na muna ang makibalita sa iyo, Kuya. Alright, ano may nabuo na ba?" mapang-asar ding saad ni Ian Jeremiah.Kaso sa tinuran nito ay agad na sinapak ng kambal."Tsk! Tsk! Ano'ng akala mo sa bagay na iyan, kambal? Porke't nagpulot-gata na sila ay nakabuo agad
***"Magandang gabi po, Tita. Maari ko po bang makita si Kylie Rose?" tanong ng bagong dating na babae."Same to you, Hija. Bago ko sagutin ang tanong mo ay magtatanong din ako. Sino ka ba? Bakit mo kilala si baby Kylie? Paano mo nalamang nandito siya sa pagamutan?" sunod-sunod ding tanong ng Ginang."Sure, Tita. At sasagutin ko po ang lahat ng mga iyan. Juliette Joyce Cordova ang pangalan ko. Nakadaupang-palad ko ang mag-amang Kyle Brielle at Kylie Rose sa park few months ago. Ngunit matagal ko ng kilala si KB dahil kamag-aral ko sila ng kambal niya noong nasa sekondarya pa lamang kami. Subalit naghiwalay ng landas noong nagtungo ako sa UK at doon nagpatuloy sa pag-aaral. And accidentally few months ago I met him and his daughter. Nalaman kong nandito ang anak niya dahil ako ang general pediatrician dito sa hospital. Kaya ko nalaman ang room number ninyo ay nakita ko ang admission papers ni Kylie Rose," mahaba-habang pahayag ng dalagang doktora.Natigilan si Isadora dahil sa naging p