"No! No way, Lolo! Hindi iyan puweding mangyari!" Mariing pagsalungat ni Ian Jeremiah nang narinig ang dahilan kung bakit naipon silang magkakapatid at mga tiyahin."Tama si kambal, Lolo. Hindi makatarungang paraan ang naisip ninyo. Kahit papayag ang buong pamilya natin ay ako mismo ang salungat. Okay, sabihin na nating ikaw Lolo ang eye donor ni Daddy. Pero paano? Gusto mo ba kaming maging kriminal para lang makakita si Daddy? No, Lolo, hindi iyan puwedeng mangyari." Segunda rin ni Owen Liam kasabay nang pag-iling.Sa pahayag ng mga pamangkin ay hindi na rin napigilan ni Crystal Angela ang nagsalita. Dahil sa katunayan ay iyon ang nasa isipan niya. Paano mai-donate ng kanilang ama ang sariling mata sa Kuya Duncan niya samantalang buhay na buhay ito. Bukod sa tumatanda na ito ay wala itong sakit."Masabi na ng kambal ang tunay na dahilan kung bakit ganoon ang pagsalungat naming lahat sa naisip mo, Daddy. Thanks God that you are still very healthy despite the fact that you're getting o
"Anak, bago ko sagutin ang tanong mo ay ako muna ang magtanong," ani Surgeon Shainar Joy sa pasyenteng pansamantalang hindi makakita. Pamangkin ng asawa niya. Ngunit kakilala rin ng pamilya nila ang pinagmulan nito."Sige po, Tita. Ano po iyon?" balik-tanong ni Duncan."Noong dinala ka ng mga tauhan mo sa pagamutan kung saan ka na-confined, ano ang findings o resultang sinabi ng doktor?" Sa tanong na iyon ng doktora ay bahagyang natahimik si Duncan. Pilit inalala kung ano nga ba ang sinabi ng doktor na umaasikaso sa kaniya noong nangyari ang hindi niya inaasahang pangyayari. Kaso dahil hindi naman diretsahang sinabi sa kaniya. Dahil ang asawa niya ang nagtapat.HINDI nalingid kay Isadora ang reaksyon na iyon ng asawa. Kaya't agad siyang pumagitna. Siya ang nagpaliwanag."Ako na po ang magpaliwanag, Tita. Ang sabi ng doktor maaaring mabulag ang asawa ko dahil sa maraming dugo ang nawala sa kaniya. Sa monthly check up naman niya ay iyon ang sinabi. Hintayin naming maging maayos ang lah
"Sabi ko na nga bang may inilihim ang pamilyang iyon. Lumabas din ang katotohanang pinatay nila ang isa nilang tauhan para lamang may maipalit sila sa mata ng De Luna na iyon." Napapitik sa eri si Saldevar bagay na hindi nalingid sa mga kasamahan."Mukhang may magandang report ang mata mo ngayon, Pare? Dahil sa totoo namang patay na ang tauhan nila. Nakumpirma ko na ring tinanggal nila ang mata ng bangkay. Hindi lamang iyon, sa hanay ng mga De Luna remains ito. Doon nila ito inilibing ayon na rin sa request ng matandang De Luna," pahayag pa Angeles.Kaya naman ay napatingin ang tatlo rito. Dahil sa pananalita pa lamang nito ay makahulugan na ang lahat."Huwag n'yo akong tingnan ng ganyan mga Pare. Dahil totoo ang sinabi ko kanina. Kahit bumisita pa kayong tatlo sa sementeryo at puntahan ang remains ng pamilya De Luna. Nandoon ang bagong lapida kung saan nila ito inilibing.""Aba'y masyado kang defensive, Pare. Nasa iisang panig lang tayong lahat. Mata ng isa ay mata nating lahat. Gano
Couples of years later..."Hey, twin brother! What are you doing?" maang na tanong ni Ian Jeremiah sa kambal niyang si Owen Liam."Tsk! Tsk! Mukhang nagaya ka na kay Kuya Englesero ah. Aba'y maari mo naman akong kausapin sa Tagalog. Hmmm, I can speak a little in Ilokano as well as Kankanaey." Napangisi namang humarap si Owen Liam sa kambal niyang inidolo na yata ang Kuya Englesero nila.Pero talaga naman kasing marunong siyang magsalita ng katutubong wika sa Baguio. Dahil sinanay sila ng butihing abuelo at ng mga magulang. Iyon nga lamang ay talagang hindi sila marunong magsalita ng salita ng mga pinsan nila sa Leyte.Samantalang bago pa napigilan ni Ian Jeremiah ang sarili ay nasapak na niya ang kambal. Kaso ang luko-luko ay mas napangisi itong umilag sa pananapak niya sanang muli bago nagsalita."Aba'y wala ka namang girlfriend at mas lalong walang asawa upang sabihin ko sanang naglilihi ka. Susme bakit ba ang init-init ng ulo mo? Siguro may halaman kang hindi nadiligan, ano?" Pang
"No, Daddy! No!" "Huwag kang lumapit sa apoy, Daddy!"Ilan lamang sa nanulas sa labi ng magkakapatid.May edad na ang kanilang ama ngunit sa pagkakataong iyon ay hirap silang pigilan ito. Animo'y sinaniban ng masamang espirito dahil sa lakas."Let me go! Let me go! Your mother is in danger because of that fire!" Pagwawala ni Duncan."Malalagay ka rin sa panganib, Daddy, kung papasok ka sa loob. It's a huge fire!"Dahil na rin sa ingay sa ingay ng mga nagsilapusang tauhan sa kumpanya at mga katabing buildings ay nagmistula silang nagsisigawan. Animo'y nag-aaway silang lahat dahil sa lakas ng boses upang magkaringgan sila.NGUNIT kahit anumang pagwawala ni Duncan at pagpupumulit makawala sa pagkahawak ng mga apat na anak ay wala na siyang nagawa. Dahil habang nagwawala siya ay mas lumiyab ang apoy. Ilang BFP trucks ang umapula sa apoy upang hindi kumalat sa mga katabing building. Ngunit dahil sa malakas ito idagdag pa ang mahanging panahon ay may ilang nadamay. At dahil sa kumpanya nil
"Nasaan ako?" Ang unang nanulas sa labi ni Isadora nang iminulat ang mga mata.Kaso wala siyang nakuhang sagot. Kaya't iginala niya ang paningin. Saka pa lamang niya napagtantong nasa pribadong silid siya sa isang pagamutan. Base na rin sa tatak ng life saving machine na nakakonekta sa kaniya."Paano ako nakarating dito sa pagamutan?" muli niyang bulong.Ngunit dahil abala siya sa pagmamasid ay hindi na niya napansin ang pagbukas ng pintuan. Nagulat pa siya nang nagwika ang unipormadong nurse."Hi, Ma'am. Gising ka na pala. Saglit lang po at e-check ko ang vitals signs mo," anito saka lumapit sa kaniya at sinimulan ang checking.Kaso bago pa ito matapos ay may isang matikas na lalaki ang lumapit sa kanila. Sa hitsura pa lamang nito ay isa itong kagalang-galang na tao. Ngunit sa mundong ginagalawan ay mahirap na rin ang magtiwala base sa panlabas na kaanyuan."Kumusta na ang pakiramdam mo, Ma'am?" tanong nito.Kaso hindi siya agad nakasagot dahil kinikilala niya ito. Kaya't marahil ay
"Ano ngayon ang plano? Ibig kong sabihin ay tungkol sa nangyari. Ilang araw na ang nakalipas simula noong tinupok ng apoy ang kumpanya, ganoon na rin na walang imik si Kuya. Si Daddy na natagpuan ng mga tauhan ng asawa ko sa sementeryo," ani Crystal Angela."Sa ngayon ay wala akong masabi, bunso. Dahil sa nangyaring ito ay hindi ko rin alam kung ano ang uunahin kong harapin. Ang bangkay ni Daddy na kasalukuyang nakaburol o ang tungkol sa kumpanyang kinain ng apoy o ang kapatid nating halatang wala sa sarili," tugon ni Claudette."Kahit sino naman siguro ang nasa kalagayan ni bayaw. Ang inakala nating nasa bakasyon na si Daddy ay sa sementeryo pala ang tinungo. Doon nagtago ng ilang araw. Hindi lamang iyon, ang kumpanyang pag-aari ng pamilya De Luna. Ngunit ang pinakamasaklap ay ang hipag ninyo. Kahit pa sabihing hindi lamang siya ang ang kinain ng apoy," pahayag ni Adolfo.Sa pahayag na iyon ng bayaw ay hindi na nakaimik si Crystal Angela. Subalit ang asawa naman niya ang nagwika."Sa
***Mga anak at apo, Oras na mabasa n'yo ang sulat na ito ay siguradong wala na ako sa mundong ibabaw. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ako magsisisi na sinunod ang nasa isipan ko. Ang muli kong makasama ang inyong inang pumanaw ilang dekada na ang nakaraan.Kung may dapat man akong ihingi ng paumanhin sa inyong magkakapatid ay ang paglihim ko sa tunay na lugar o ang pinuntahan ko. Yes, mga anak alam kong nabibilang na ang araw ko sa mundo bago pa ako nagpaalam sa inyong mag-tour around ako kasama ang two most trusted men ko sa mga ahensiyang pinaghirapan kong itatag noong panahong akala ko ay tuluyan nang nawala ang ina ninyo ngunit nasa Vatican pala. Kaso talagang hanggang doon ang buhay niya sa mundong ibabaw. Dahil nang bago pa man niya isilang si bunso ay mayroon na siyang sakit.Mga anak, sina Walter at William, hayaan n'yo silang umuwi sa kanilang lugar. Si Walter sa Ilocos Sur at ipamana ninyo ang 4C Vigan Branch. Dahil alam kong matagal na niyang gustong umu
Many years later..."Ano ba, bilisan mo! Dinaig mo pa si miming na laging buntis. Ano ba iyan!""Anak ng diyaheng babaeng ito. Anong akala mo sa akin, pusa? Saan ka ba ipinaglihi ng Mama mo at lagi kang nakasigaw? Aba'y mas mainam na ang nag-iingat kaysa laging disgrasya ang naidudulot ng pagmamadali.""Ang sabihin mo ay inatake ka na naman ng kabaklahan mo, Liam! Aba'y kung hindi ka nababakla ay mas mabilis ka pa sanang kumilos kaysa sa akin!""Hoy, Kylie Rose Brielle Gomez De Luna! Sa tinis ng boses mo ay dinig na dinig hanggang gate. Ah, mali hanggang kalsada. Baka akalain nilang totoo ang sinasabi mong babae ka. Saan ka ba kasi pupunta at makautos ka ay wagas?""Kung hindi ka totoong bakla ay samahan mo ako sa Ma--- basta! Samahan mo ako sa labas. Dahil kung hindi ay muli akong haharang sa lintang kapit nang kapit sa iyo.""Kita mong babae ka! Ikaw na nga ang may kailangan ay ikaw pa ang may ganang manakot. Isumbong kaya kita kina Uncle Kyle at Auntie Juliette. Kasalanan mo kung w
Few years later..."Sa wakas ay nagwakas din ang pagbabangayan ng aso at pusa. Well, ano kaya ang sasabihin ko..." Imbes na batiin ng magkakapatid ang isa pa nilang kapatid na muling ikinasal ay kinantiyawan pa."Twin brother, aba'y madali lang iyan. Humayo kayong dalawa at inyong dagdagan si Liam. Dahil hindi na baby talk ang salita at naghahanap na ng kapatid." Panggagatong pa ni Gabrielle Brix sa kambal na si Kyle Brielle.Kaya naman ay napatingin ang groom sa kambal niya. Dahil sa hitsura pa lamang nito ay talagang may balak din itong gatungan ang mga kapatid nila. Ay hindi nga siya nagkamali dahil bago pa lamang niya maibuka ang labi ay nagsalita na ito."Grade school na si Liam, twin brother. Malinaw na rin ang pananalita niya. Hmmm, even my own child is growing so fast. Aba'y huwag mong sabihing mali ang sinabi nina Kuya KB at GB? Well, kung ako sa iyo ay tumakas na kayo ni hipag Shantal. At magparami ng lahi. By the way, heto na ang regalo naming tatlo, I mean our brothers. Ro
"Mom! Dad! Where are you?!" ang boses na gumulantang sa buong kabahayan.Paanong hindi sila magugulat bukod sa may kalaliman na ang gabi ay dinaig pa ang boses ng commander in chief na kasalukuyang nagbibigay ng parusa sa mga nahuling iskalawag. At dahil sa gulat ay agad-agad ding lumabas ang mag-asawang Duncan at Isadora."Hey, man! Have you gone mad? What's on that screaming in the middle of the night? If you are not sleepy, just go quietly in your room and stay there alone not to wake up everyone," agad na saad ni Duncan.Kaso ang bagong dating ay hindi pa rin maipinta ang mukha. Hindi rin pinansin ang paninita ng ama."Did you sent me in that place purposely, Dad, Mom?" tanong nito saka pinaglipat-lipat ang paningin sa mga magulang."Aba'y maari mo namang itanong iyan sa amin ng Daddy mo bukas ng umaga. O, 'di naman kaya ay sa taas mo kami sinugod at doon nagtanong. Hindi ang bulabugin mo ang lahat." Nakatawa at nakailing ang Ginang dahil sa tanong ng anak."Sa reaksyon mo, Mommy
One year later..."At sino ka namang herodes kang nakahararang sa dinaraanan ko?! Kapag ang batang iyan ay nakalabas sa gate ay ikaw ang ipasagasa ko sa kaniyang ama!" galit na saad ni Shantal patunay lamang ang lakas ng boses."Ako ang dapat magtanong sa iyo sa bagay na iyan babae ka! Ano ang ginagawa mo rito? Siguro may masama kang binabalak sa anak ko ano?!" ganting-sigaw ni Owen Liam."Aba'h! Aba'h! Kung pagbibintangan mo lamang ako ay maari ka nang umalis ngayon din! Aba'y sa akin na nga nila ipinagkatiwala ang bubwit na iyan ay ikaw pa ang may ganang manigaw at magparatang! Malay ko ba kung ikaw talaga ang ama niya! Baka naman balak mo siyang kidnapin? Kung ganoon ay lumayas ka sa harapan ko dahil kahit lalaki ka ay kaya kitang pitikin!""Teka lang---""Teka lang ang mukha mo! Oh, alam ko na! Ikaw iyong kapatid ng asawa ni Doktora---tama! Bakit ngayon ko lang naalala. Tama nga naman ikaw si Owen Liam De Luna!"Ayon! Ang newest version ng Tom and Jerry ay nagsimula na namang magb
"Damn that man! Let's go!" Sa galit ay biglang napatayo si Duncan. Ngunit dahil nasa pagamutan ay agad naharang ng mga anak."Daddy, hayaan mo na ang youngsters na kumilos. Si insan General na ang bahala sa hayop na Major Kernel na iyon. Dahil kung kikilos tayo as family ay revenge ang tawag doon. Ngunit kung si General ay hindi kundi military disciplines---""Tsk! Tsk! Mali ang ginamit mong salita, kambal. Military action kamo or punishment for being a greedy traitor." Nakangising pamumutol ni Ian Jeremiah sa kambal na humarang sa amang namumula sa galit.Tuloy! Ang pasyente nilang sightless ay napahagikhik. Kahit hindi ito nakakakita ay nauunawaan naman ang usapan. Kaya't hindi nila ito masisisi kung nakitawa sa kanilang harutan.Kaso!"Daddy! Kylie Rose Brielle is here!" Bigla na ngang bumukas ang private room door ay tumili pa ang maglimang taong gulang na bata."Grabe naman ang energy mo, baby girl. Did you sleep well with your Mama Elizza?" masayang salubong ni Isadora sa apo.
ACCIDENT, SHADOW AND ISKALAWAG"Huwag, anak. Huwag mong gawin iyan. Dahil oras na gamitin mo ang pagiging general mo upang gantihan ang nagkasala ay wala ka na ring ipinagkaiba sa kanila!" Mariing pagsalungat ni Duncan sa pamangking si Prince Tommy nang ipinahayag nitong tanggalin sa trabaho ang mga suspek sa pagka-ambushed ng anak niyang si Kyle Brielle."I'm sorry to tell you these words too, bayaw. Ngunit hanggang sa huli ay makatao ka pa rin. I mean it, bayaw. Anak mo ang agrabyado ngunit si Tommy pa rin ang iniisip mo," ani Allick Francisco sa pinsan ng mahal na asawa."Wala naman kasing mangyayari kung pananaigin natin ang galit, bro. Tama, bilang magulang ni Kyle Brielle ay masakit at shocking news ang nangyari sa kaniya samantalang hindi naman siya pala-away na tao. Ngunit kagaya nang sinabi ng asawa ko ay wala na tayong ipinagkaiba sa mga suspek kung gantihan natin sila kagaya nang ginawa sa atin. Instead, gawin nating legal. Advantage na rin nating si Prince Tommy ang genera
"Why you people are following my Boss?" tanong ng lalaking humarang sa magkakapatid."Ha? Sigurado ka? Aba'y public cemetery ito ah...!" Taas-kilay ding hinarap ni Ian Jeremiah ang humarang sa kanila."I know and I am aware of it. And I also know that you are not here to visit any grave. Since you entered this place you directly came here," anitong muli."Alam mo naman pala eh! Tumabi ka kung ayaw mong samain sa akin. Mali ka dahil pumarito kami upang dalawin ang Mommy ng pamangkin ko!" singhal na rin ni Owen Liam.Hindi naman sa hindi siya marunong mag-english dahil mas mataas pa ang grado niya sa English kaysa Filipino. Ngunit naaalibadbaran siya sa pagkakataong iyon. Aba'y English ito nang English samantalang tagalog naman sila."Bro, ako ang ama ni Kylie Rose Brielle Gomez De Luna. At tama ang mga kapatid ko, nandito kami upang dalawin ang puntod ng Mommy niya. Huwag kang mag-alala dahil mga propesyonal kaming kausap." Alam niyang nawawalan na ng pasensiya ang mga hapatid niya kay
"Huwag n'yong sabihing excluded ako sa misyong binabalak ninyo?" tanong ng tinig na nagmula sa kanilang likuran."Kuya!""Kambal!"Sabayan nilang sambit saka patakbong lumapit dito. Saka mag-unahan sanang yayakap kaso pabiro rin itong tumakbo sa hagdan upang aakyat sana sa ikalawang palapag ng kabahayan."Wait for your turns, my dear brothers. Dahil ako ay yayakap muna kina Mommy at Daddy," saad pa nito.Kaya naman ay nagkatinginan silang tatlo. At bago nito mahulaan ang nais nilang sabihin ay tinawid na rin nila ang pagitan saka ito hinila pabalik sa upuan."Tsk! Tsk! Huwag kang mag-isip na nasa alapaap ka, brother. Dahil alam mo namang sa ganitong oras ay tulog na sina Mommy at Daddy with my beloved kid," nakangising ani KB."Kami na muna ang makibalita sa iyo, Kuya. Alright, ano may nabuo na ba?" mapang-asar ding saad ni Ian Jeremiah.Kaso sa tinuran nito ay agad na sinapak ng kambal."Tsk! Tsk! Ano'ng akala mo sa bagay na iyan, kambal? Porke't nagpulot-gata na sila ay nakabuo agad
***"Magandang gabi po, Tita. Maari ko po bang makita si Kylie Rose?" tanong ng bagong dating na babae."Same to you, Hija. Bago ko sagutin ang tanong mo ay magtatanong din ako. Sino ka ba? Bakit mo kilala si baby Kylie? Paano mo nalamang nandito siya sa pagamutan?" sunod-sunod ding tanong ng Ginang."Sure, Tita. At sasagutin ko po ang lahat ng mga iyan. Juliette Joyce Cordova ang pangalan ko. Nakadaupang-palad ko ang mag-amang Kyle Brielle at Kylie Rose sa park few months ago. Ngunit matagal ko ng kilala si KB dahil kamag-aral ko sila ng kambal niya noong nasa sekondarya pa lamang kami. Subalit naghiwalay ng landas noong nagtungo ako sa UK at doon nagpatuloy sa pag-aaral. And accidentally few months ago I met him and his daughter. Nalaman kong nandito ang anak niya dahil ako ang general pediatrician dito sa hospital. Kaya ko nalaman ang room number ninyo ay nakita ko ang admission papers ni Kylie Rose," mahaba-habang pahayag ng dalagang doktora.Natigilan si Isadora dahil sa naging p