ABOT-ABOT ang pagtahip ng dibdib ni Daphne. Daig pa ang may nagkakarerang kabayo at halos lahat na ng santo ay natawag na niya. Nakasuksok siya gilid ng sasakyan habang nakamasid sa nasa labas. Nanginginig din siya sa sobrang takot. Takot na baka'y mahuli ni Rodolfo. Kapag nagkatao'y tiyak na dadapo na naman ang mala-bakal nitong kamay sa kaniyang katawan. Sa tuwing maiisip na sasaktan siya ng asawa'y sukdulan ang takot na nararamdaman niya at ilang beses na rin niyang naisipn na iwan ito, pero saan siya pupunta? Kung aalis siya, paano ang kanilang anak? Masama ang tinging ipinupukol ng kaniyang asawa kay Aedam. May sinasabi ito pero hindi niya maintindihan. Unti-unting humakbang palapit ang kaniyang asawa sa sasakyang kinaroroonan niya. "Oh, God!" Naluluha na siya sa sobrang takot. Huminto ang asawa niya at hinarap si Aedam. Habang nag-uusap ang dalawa ay inihahanda na niya ang sarili sa posibleng mangyayari. Kung malalaman ni Rodolfo na nasa loob siya ng sasakya'y hindi na s
MALIMIT ang pagsulyap ni Aedam sa rear view mirror, tinitingnan niya si Daphne na ngayo'y nakatulog na. Kung siya lang ang masusunod, gusto niyang turuan ng leksiyon ang asawa nito. Pero, wala siya sa posisyon. Mabuti na lamang at napapayag ito ni Jelly na sumama sa kaniya. Hindi pa rin niya alam kung ano ang gagawin dito. Isasama ba niya ito sa tahanan o itatago? Pero kung sa kanila ito tutuloy, tiyak na magtataka ang kaniyang anak. Sa huli ay napagpasyahan niyang ikuha na lang ito ng matutuluyan. Nasa San Pablo City na sila nang makaramdam ng gutom. Agad siyang humanap ng makakainan. Isang 'di pamilyar na restaurant ang nahintuan niya. Pagkahimpil ay agad niyang binalingan si Daphne, na himbing pa rin sa pagtulog. Nakatitiyak siyang hindi ito natulog nang iwan niya sa sasakyan. Pinakatitigan niya ang mukha nito. Para talagang pinagbiyak na bunga si Meadow at ang babaing pinagmamasdan niya. Ang pagkakaiba nga lang ay may maliit na pelat ito sa kanang panga. Umungot ito kaya napa
"SH*T!" Hindi napigil ni Tyron ang magmura. Katatapos lang siyang kausapin ni Mr. Ramon Hidalgo, ang anak ng may-ari ng lupang binili ng CromX. Ibinalita nitong pabalik na si Aedam, at alam niya 'yon dahil naunang mag-chat ang kaibigan niya. Subalit, may malaking problema. Maging ang asawa ng bunsong kapatid nito'y tinangay ng kaibigan niya. At ngayo'y galit na galit ang kapatid nito, gusto pang magsampa ng kaso. "B*llsh*t ka, Aedam! Anong katarantaduhan ang ginawa mo? Masusu**ok kita sa oras na magkita tayo! Hindi ka na nahiya sa ginawa mo, buwisit ka! Bumalik ka na naman ba sa pagiging babaero, pero akala ko ba'y hindi ka pumapatol sa may asawa!" gigil niyang sabi sa sarili. Idi-nial niya ang number ng kaibigan, ngunit out of coverage ito. Isa pang subok ang ginawa niya. Hanggang sa sinundan pa ng isa, ng isa pa at ng isa pa. Pero, tanging operator ang sumasagot sa kaniya. Nakaramdam na siya ng pagkainis sa kaibigan. Nagngingitngit ang mga ngipin niya sa galit. Ngali-ngali na ni
SA clinic ng kakilalang doktor ang unang pinuntahan ni Aedam nang marating ang siyudad. Kailangang makuhanan si Daphne ng medical examination para sa pambubugbog ng asawa. Lahat ng test ay sumailalim ito. Hindi na niya pinag-aksayahang buhayin ang kaniyang cellphone, para hindi sila makontak ni Rodolfo. Habang hinihintay ang result ay isinama niya ito sa isang boutique para ibili ng mga damit. Sa una ay nahihiya ang dalaga, pero napilitan ding kumuha matapos niyang sabihing wala itong ipapalit na damit. Hinayaan niya itong pumili, ngunit agad ding lumapit sa kaniya "Ang mahal ng damit dito, Sir," bulong nito sa kaniya matapos suriin ang isang naka-hanger na t-shirt. "Don't think about the price, just choose what you want." Kita niyang nag-aalinlangan pa rin ito, kaya siya na ang humila sa t-shirt na tiningnan kanina. Hindi lang isa kundi halos mapuno ang dala niyang cart. "Sir, masyado na hong marami iyan." "Huwag mo nga akong pigilan," medyo pasuplado ngunit nakangiting t
NAPATITIG si Aedam kay Daphne, naghihintay ng kasagutan nito. Hindi pa man sumasagot ay dinadaluhong na ng kaba ang dibdib niya."Iyon po ba? Ahm, niyayaya niya akong lumabas, or, bibilihan niya ako ng kahit ano." "Ganoon lang?" Na-curious na rin siya. Sumandal siya sa sink base cabinet at hinintay ang susunod na kuwento nito. "Minsan, nag-so-sorry rin siya, pero mas malimit ang pamimigay niya ng material na bagay. Natahimik siya. Dati, hindi rin siya humihingi ng sorry sa nagawan niya ng kalasanan, maliit man o malaki. Para sa kaniya, tinitingala siya kaya hinfi kailanman dapat humingi ng sorry. Pero, simula nang makilala niya ang anak, nag-iba ang pananaw niya sa buhay. Ito abg nagturo sa kaniya kung ano ang masama at mabuti. Iminulat nito ang mata sa katotohanan. "Magkuwento ka pa ng tungkol sa inyong mag-asawa." "Uhm, wala namang exciting sa amin, e. Ano po ba ang gusto mong malaman?" "Kahit ano. Kahit yung pananakit niya sa iyo. Kung ano ang nararamdaman mo, at kung b
KUYOM ang kamao ni Drake habang nakamasid sa batang wala pa ring malay. Hindi na siya nakapagtanong sa guard kung ano ang nangyari kay Avi dahil nataranta na siya. Naabutan niyang nakaupo ito sa labas ng school. Inaapoy ng lagnat, nanginginig ang katawan, at para bang may kinakatakutan. Sa sobrang taranta ay isinugod niya ito sa hospital. Bago makatulog ang bata ay may sinasabi ito, pero hindi niya maintindihan. Tinatawagan niya si Aedam, pero out of coverage ang phone nito. Si Tyron ang na-contact niya. Ipinaalam niya rito ang nangyari sa bata. Humakbang siya palapit at huminto sa gilid ng hospital. Inapuhap ang palad, at masuyong hinaplos 'yon. Ang isa nitong kamay ay may nakakabit na dextrose. Huwag naman sanang may malubhang karamdaman ang bata. Napamahal na ito sa kaniya. Itinuring na tunay na anak. Si Avi ang batang nagmulat sa mata nilang magkakaibigan, lalo na kay Aedam. Noon, sinasabi niyang palalakihin ito't pakakasalan, but that's only joke. Hindi niya magagawa ang bagay
HINDI iniwan ni Aedam si Daphne, pansamantala ay doon siya matutulog. Kahit gusto na niyang umuwi para makapiling ang anak ay minabuti niyang mag-stay pa sa condo. Isa pa, nangangamba rin siya nang muling makita si Brenda. Alam niyang hindi lang doon matatapos ang pagkikita nila, at dapat lang na protektahan niya ang dalaga, dahil dala nito ang mukha ni Meadow. Dapat din siyang maging handa, para sa susunod na mangyayari. Kung sakali mang makita ito ni Brenda. Pinili niya ang condong kinaroroonan para masigurong ligtas ito, bukod sa may guard ay puno pa ng CCTV ang paligid. Kahit papaano ay makakapante siya. Gumawi ang paningin niya sa nakapinid na kuwarto. Iisa lamang ang silid, kaya sa pahabang sofa siya matutulog. Maging ang banyo ay iisa rin na nasa loob ng room. Hinihintay lang niyang lumabas sa banyo ang dalaga, dahil balak din niyang maglinis ng katawan. Mataman niyang iniisip ang sinabi nitong hindi nagsasama sa iisang higaan ang dalawa. Kung totoo man ang sinabi ni Rodol
HINDI mapakali si Tyron sa silid. Mag-isa na siya ngayon sa room, unconscious pa rin si Avi, at ang dam*hong nitong ama ay hindi pa rin niya ma-contact. Gusto na niyang ibato ang cellphone sa sobrang inis sa kaibigan. "Aedam, bakit ngayon pa? Bakit ang may asawa pa ang pinatos mo? Ano bang nangyayari sa 'yo?" gigil niyang sabi na para bang nasa harapan ang kaibigan. Patuloy niyang tinatawag-tawagan ang number ni Aedam, nahinto lang nang bumukas ang pintuan. Pumasok si Damian. Nasa mukha nito ang sobrang pag-aalala. Agad nitong nilapitan si Avi. Sinabi na niya ang result ng tests dito, at nakausap na rin naman niya ang doktor na tumingin sa bata. Pangkaraniwang lagnat lang ang nangyari rito. Hindi na lang niya ipinaalam ang sinabi ni Drake na nasa labas ito ng school, dahil tiyak na mag-aalala ito nang husto."Thanks God, okay naman pala ang aking apo." Umupo ito sa bangkong nasa gilid ng higaan ni Avi. "May isa lang ho tayong problema, tito." Humarap ito sa kaniya at sinalubong
"AEDAM...""Hmmm?""Gusto kong pumunta sa lugar kung saan mo ako nakitang muli."Sinulyapan niya ito. "Bakit?" Kasalukuyan silang nakahiga, ang kanilang anal ay himbing na himbing na, pinagkakasya ang mga katawan sa pang-isahang bed na nasa gilid. Nakaunan ito sa kaniyang braso."Gusto kong makausap si Rodolfo at si Jun-jun na rin." Sinalubong niya ang pag-angat nito ng paningin. "Kaya mo na ba siyang harapin?"Tumango lang ito. Ang mata ay namumungay na nakatitig sa kaniya. Tumagilid siya ng higa paharap dito, idinait ang palad sa mukha at masuyong hinaplos iyon. "Okay. If that's what you want," sang-ayon niya. "Pero sasamahan kita, ha? Ayokong malalagay kang muli sa kapahamakan. Hindi ko na kakayanin pa kung may masamang mangyayari sa iyo." Pagkawika ay hinagkan niya ito sa noo, tungki at bumaba sa labi. Ilang segundo ring naglapat ang labi nila. "I love you!" Hindi naman masamang umamin ng tunay na nararamdaman, hindi ba? Wala naman itong boyfriend, hindi tunay na fiance si Rey
HINDI makapaniwala si Aedam sa nalaman. Ikinuwento ni Meadow ang buhay nang maliit pa ito. "Ikaw ang babaing 'yon?" Ang mata ay namimilog na. Tumango si Meadow. "Ako nga," anito at saka'y payak na ngumiti. Umawang ang kaniyang bibig. Kakikitaan siya ng gulat at pagkamangha. Matagal na pala siya nitong kilala at siya... heto't hindi nakilala ang batang naging parte ng kanilang buhay. Matagal na rin itong hinahanap ng kaniyang ama. "Ako ang batang sinabihan mo na ingatan ko ang mata ng 'yong ina, dahil kapag hindi, kukunin mong muli ito sa akin. Naalala mo ba... umiyak pa ako matapos mong sabihin 'yon sa akin--" "Sinabi ko rin na, binibiro lang kita. At kapag hindi ka tumigil ay hahalikan kita," dugtong niya. Naalala niya na hinanap niya ang babaing pinagsalinan ng mata ng kaniyang ina. Kahit ayaw pumayag ng doktor ay nagpumilit siyang malaman kung sino iyon. Nakita niya ito sa dulo ng hospital. Doon niya ito tinakot. Hindi niya ipinagtapat sa ama na nakilala niya ang batang
NAKATULOG na si Avi habang hawak ang kamay ni Meadow. Ang mga kaibigan ni Aedam ay nagsiuwi na, pero nangakong babalik kinabukasan. Nagpapasalamat siya dahil hindi iniwan ni Drake ang kaniyang anak. Ang anak nadamay sa sigalot na napasukan niya. Dalawang taon niyang hindi ito nakapiling. Alam niyang nagdusa rin ito tulad niya, mas matinding paghihirap pa ang pinagdaanan nito. Ramdam niyang na-trauma ito sa nasaksihang pagbaril sa kaniya. May sinabi pa ang ama nitong pinatingnan ito sa psychiatrist. Nangingiting hinahaplos-haplos niya ang buhok, maging ang pisngi nito. "Ang laki mo na, 'nak." Ngayong bumalik na ang kaniyang alaala, sisiguraduhin niyang mapupunan ang mga oras na nagkawalay silang mag-ina. Ibibigay niya ang lahat dito. Ang tagal niyang tila nagngapa sa ditna ng karimlan, pinsan at ang lugar kung saan nag-ugat ang lahat, doon pala manunumbalik ang kaniyang nawalang memorya. Ang bahay na 'yon, tahanan dati ni Brenda at ng magulang nito. Maraming beses siyang isinama ng
MATAPOS dalahin sa presinto si Brenda ay binalikan ni Aedam at Meadow si Avi, kasama rin nila si Zeus. May sariling sasakyan ang huli kaya, silang dalawa lang ang nasa loob ng sasakyan. At habang nagmamaneho ay hindi niya napigilang magtanong."How are you feeling?" Ibinaling ni Meadow sa kaniya ang paningin at saka'y payak na ngumiti. "I'm fine."Alam niyang hindi. Base sa naging diskusyon nito at ni Brenda ay bumalik na ang alaala nito. He tried to reach her hand. Nakaawang ang bibig nang tumingin ito sa kaniya, halatang naguguluhan."I'm sorry.""Para saan?"Sinulyapan niya ito. "Coz, I know, I am the reason why you suffered." Hagyang gumaralgal ang kaniyang tinig. Para siyang babaing anumang oras ay pipiyok at luluha na. Pansamantalang ihinimpil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "I know you're confused and don't want to talk about what happened," inapuhap niya ang isa pang palad nito. "Pero hihingi na ako ng tawad sa iyo ngayon. Sorry sa lahat ng nagawa kong kasalanan. Si
"HINDI ako ang ama ng ipinagbuntis mo, Brenda!" baritonong tinig ni Aedam matapos marinig ang mahabang pagsasalaysay ni Brenda. Ngumisi ito. "Alam ko namang itatanggi mo siya at wala na rin akong pakialam kung ayaw mo sa kaniya, dahil wala na siya. Ikaw ang naging dahilan kung bakit nawala ang anak ko! Kung bakit nagalit ang parents ko sa akin!" "Ate Brenda, please, tama na! Pakiusap, itigil mo na ito." "Shut up!" asik nito. "Pinagkatiwalaan kita, Mariz. Kundi dahil kay Mommy, wala ka ngayon sa posisyon mo. Itinuring kitang kapatid, tapos ito pa ba ang igaganti mo?" "Huwag mong isumbat ang mga naitulong mo sa kaniya," aniya na magkasalubong ang kilay. "Hindi tulong ang tawag diyan." "Shut up, Aedam! Huwag kang magsalita na akala mo'y napakabuti mo, dahil hindi. Masama kang tao! Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko." "Tsk. Why are you blaming me? It's your fault, because you became obsessed!" Bakit ako ang sinisisi mo? Kasalanan mo, dahil naging obsessed ka!" gi
HINDI makapaniwala si Brenda sa nalaman. May dahilan pala ang pagpupumilit ng kaniyang amang ipakasal siya. Ayon sa kaniyang ina, may pagkakautang ang ama niya kay Mr. Santillan. Pumayag si Darwin sa gusto nitong huwag nang bayaran pero ang kapalit ay pagpapakasal sa anak nito. At dahil hindi siya pumayag, ngayo'y nalalagay ang negosyo nila sa alanganin, bukod pa roon ay kinasuhan ang ama niya ng taong pinagkautangan nito. "Bakit hindi niyo sinabi kaagad sa akin, Mom?" "Your daddy doesn't want to tell you the real reason, 'nak. Another reason, ayaw niyang malaman ng ibang mga kaibigan niya na lubog na tayo sa utang. Na mawawala na sa atin ang negosyong matagal nang ipinundar ng daddy mo?" Nanginginig na napaupo siya sa gilid ng kama. Paano na? Mawawala ang negosyo nila, ang tanging pinagkukunan nila ng salapi. Ano nang mangyayari sa kaniya? Maghihirap ba sila? Tiyak na pagtatawanan din siya ng mga kaibigan niya kapag nalamang naghihirap na sila. "No! It can't be!" hiyaw ng is
NINE in the morning na nang makabalik si Brenda sa mansiyon. May naabutan siyang kausap ng ama. Tinawag siya nito at kahit ayaw niyang makipag-usap ay napilitan na ring siyang humarap sa mga ito. Dalawang lalaki ang nakita niyang nakaupo sa sofa, ang isa pala roon ay ang ipinapakasal sa kaniya. Ang isa nama'y ang magulang nito. "Anak, we have decided that in two months you will get married."Nanlalaki ang matang tumitig siya sa ama. Gusto sana niyang magprostesta, tumanggi, pero wala siyang magawa. Naging sunod-sunuran na naman siya sa kagustuhan ng ama. Subalit, hindi siya susuko. Ipaglalaban pa rin niya ang kaniyang karapatan. Nang dahil sa kinakaharap na suliranin ay panandaliang nakalimutan niya ang nangyari. Sinuri niya ang sinasabing kaniyang mapapangasawa, mula dulo ng buhok hanggang sa dulo ng suot na sapatos. Titig pa lang ay halos masuka na siya, bukod sa kakaibang estilo ng pananamit ay ubod pa ng laki ang katawan nito. Kapag umibabaw ito sa kaniya'y tiyak na hindi siya m
ISANG mahabang diskusyon ang namamagitan kay Brenda at Darwin, ama ng dalaga. May gusto itong ipagawa sa kaniya, bagay na hindi niya sinasang-ayunan. "Bakit ako magpapakasal sa lalaking hindi ko gusto?" "Coz I know what is best for you, Brenda! At iyon ay ang pakasalan siya." "Best?" Ngumisi si Brenda. "Are you sure of that, Dad? Sa akin nga ba o para sa iyo?" Muli siyang napangisi. "Alam ko naman ang tunay mong dahilan, dad, kaya huwag mo akong gawing kasangkapan sa kayabangan mo!" Lumagapak ang palad ng ginoo sa pisngi niya. Pakiramdam niya'y tumabingi ang mukha niya sa lakas ng sampal na natamo. Napatayo ang ina niyang kanina pa lumuluha sa sulok. Ngunit, alam niyang wala rin itong magagawa, kaya hindi na siya humingi ng tulong dito. "Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan? Anak lamang kita! Whether you like it or not, you're going to marry him, as soon as possible!" hiyaw ng kaniyang ama, pagkatapos ay tinalikuran siya. Iniwan siyang tila naka-hang sa hangin. Awang
GULONG-GULO ang isipan ni Meadow. Kasalukuyang binabagtas na nila ang kahabaan ng kalsada, pero hindi niya alam kung saan sila patungo. Ang mga binitiwang salita ni Aedam ang nagpapagulo sa kaniya. Pakakasalan siya nito? Sinabi ni Rex na ito raw ang fiance niya. At ang lalaking kasama niya ay sinasabing ama ng anak niya, na nagsabing pakakasalan siya. Bakit? Malamang na mahal siya nito. Nais niyang pukpukin ang sarili dahil sa lumalabas sa isipan. "Pero, may anak kami. Sapat na sigurong basehan iyon para maniwala ako sa pangako niya," bulong niya. "What did you say?"Bigla siyang natauhan. Nakadama ng hiya matapos mapagtantong narinig nito ang sinabi niya. Nagkunwari na lang siyang walang sinasabi. "H-huh?" "May narinig ako pero hindi malinaw, ano iyon?" "Hah! Ahm, w-wala 'yon." Bagama't nakatuon ang atensiyon nito sa tinatahak na kalsada'y manaka-nakang sumusulyap ito sa kaniya. "Sabi ko, sana'y bumalik na ang alaala ko. Ang hirap na para kang nangangapa sa gitna ng kadilim