Share

Chapter 50

Author: Writer Zai
last update Last Updated: 2025-02-26 07:25:29

HINDI mapakali si Tyron sa silid. Mag-isa na siya ngayon sa room, unconscious pa rin si Avi, at ang dam*hong nitong ama ay hindi pa rin niya ma-contact. Gusto na niyang ibato ang cellphone sa sobrang inis sa kaibigan.

"Aedam, bakit ngayon pa? Bakit ang may asawa pa ang pinatos mo? Ano bang nangyayari sa 'yo?" gigil niyang sabi na para bang nasa harapan ang kaibigan.

Patuloy niyang tinatawag-tawagan ang number ni Aedam, nahinto lang nang bumukas ang pintuan. Pumasok si Damian. Nasa mukha nito ang sobrang pag-aalala. Agad nitong nilapitan si Avi. Sinabi na niya ang result ng tests dito, at nakausap na rin naman niya ang doktor na tumingin sa bata. Pangkaraniwang lagnat lang ang nangyari rito. Hindi na lang niya ipinaalam ang sinabi ni Drake na nasa labas ito ng school, dahil tiyak na mag-aalala ito nang husto.

"Thanks God, okay naman pala ang aking apo." Umupo ito sa bangkong nasa gilid ng higaan ni Avi.

"May isa lang ho tayong problema, tito." Humarap ito sa kaniya at sinalubong
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • INSTANT DADDY    Chapter 51

    HINDI dalawin ng antok si Aedam. Nakipagtapatan siya ng titig sa ceiling. Hindi maalis sa isipan niya ang sinabi ni Daphne. Mahal nito ang pamilya. At malamang na kasama roon si Rodolfo. Marahas na buga ng hangin ang pinakawalan niya. Nagkamali ba siya ng ginawang pagtulong dito? Malamang, oo ang sagot. Pumasok siya sa isang gusot... gusot na pampamilya. Dapat ba niyang ibalik na ito sa asawa? O, hindi lang niya matanggap na tinanggihan siya nito? Mariin siyang pumikit at pilit na inalis ang gumugulo sa isipan. Nakuha niya ang pakay sa mga Hidalgo, bahala na si Daphne kung ano ang magiging desisyon niya. May bahagi ng kaniyang puso ang nanghihinayang, pero iyon ang tama. Hindi ito si Meadow. May asawa't anak na ito. Malalim na sa gabi nang lamunin siya ng antok. Dumaan sa kaniyang panaginip si Meadow. Buhay ito. Kasama ang kanilang anak, at kapwa tumatawa. Sa pagmulat niya'y nanunubig ang kaniyang mata. Kakaibang sikdo rin sa dibdib ang nararamdaman niya. Bumangon siya'

    Last Updated : 2025-02-26
  • INSTANT DADDY    Chapter 52

    "ANAK..." "Yes po, Mommy. Mommy, okay lang po ba kayo?" Okay lang si Mommy, baby. Huwag mo akong alalahanin. 'Di ba, strong tayo?" "Opo. Pero, bakit ka po umiiyak? Nag-away na naman po ba kayo ni Tita Ninang dahil sa akin?" Naguluhan si Daphne. Kitang-kita niya ang batang babae, umiiyak habang kausap sa phone ang tinatawag nitong mommy. Hindi niya alam kung nasaan siya. Pero sa tingin niya'y nasa office siya. Anong ginagawa niya roon? Papaanong napunta siya sa lugar na 'yon? "No, baby. Uhm, napuwing lang si Mommy. 'Nak, ingatan mo ang 'yong sarili, ha! Lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita. Aksidente man ang pagdating mo, pero ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko." Naka-loudspeaker kaya naririnig niya ang pinag-uusapan ng dalawa. Napasulyap siya sa batang babae. Hindi niya mawari kung bakit nasasaktan siya lalo na nang makitang umiyak ito. "Mommy, mahal na mahal po kita." Nagsalpukan ang kilay niya. Bakit parang pamilyar siya sa nakikita? Para bang nangyari rin 'yo

    Last Updated : 2025-02-27
  • INSTANT DADDY    Chapter 53

    NANGINGINIG ang kamay ni Aedam habang hinahanap ang number ng cellphone na ibinigay kay Daphne. Nagsisimulang nang mabuhay ang inis niya. Hindi mahanap ang number nito, pero alam niyang na-i-save niya iyon bago siya umalis sa condo. "Bullshit! Hindi ko mahanap."Inagaw ni Jack ang cellphone niya, at isa-isang tiningnan ang nasa screen. "Kaninong number ba ang hinahanap mo?""S-sa babaing kasama ko," walang lakas niyang tugon.Bumaling siya sa anak na nahihimbing. Lumapit siya't hinagkan ito sa noo. Masuyo ring hinaplos ang pisngi nito."I'm sorry, 'nak. Hinayaan kong bugbugin niya ang iyong ina, but I promise, ibabalik ko sa iyo si Meadow, 'nak. Makakasama mo na siyang muli.""What did you say, Aedam?" Naguluhan si Tyron sa narinig na sinabi niya.Pero, sa halip na tugunin ay mabilis niyang kinuha ang phone kay Jack."Kayo na muna ang bahala sa anak ko. May aayusin lang ako.""Na naman!" singhal ni Drake. "You're going to leave again? Iiwan mo na naman ang anak mo?""Pupuntahan ko l

    Last Updated : 2025-02-27
  • INSTANT DADDY    Chapter 54

    HINDI na halos humihinga si Aedam habang sakay sa sasakyan ng kaibigan. Wala silang sinayang na sandali nang malaman nilang wala na sa condo si Daphne, agad silang bumyahe patungo sa lugar kung saan niya unang nakita ito bilang asawa ni Rodolfo. "Ha**p ka, Rodolfo!" hiyaw niya sa isipan. "Sa oras na magkaroon muli ng pasa si Meadow, hindi lang suntok ang igaganti ko sa iyo." Ang kaniyang mata ay nanlilisik sa sobrang galit. Kinapa niya ang cellphone na nasa bulsa ng suot na pantalon. Hinanap ang number ni Ramon, at idi-nial iyon. "Sinong tinatawagan mo?" pukaw ni Jack. "Si Ramon, kapatid ni Rodolfo." "Why would you call him?" Inagaw nito ang cellphone niya at mabilis na pinindot ang end button niyon. "Ipaaalam mo ba na darating tayo? Are your out of your mind, Aedam?" sermon nito. Ngangang napatitig siya sa kaibigan. "Why?" "Seriously, Aedam? Tinatanong mo pa talaga kung bakit? Nawala ba ang utak mo?" Nahulaan na niya kung bakit ganoon ang reaksiyon ng kaibigan niya.

    Last Updated : 2025-02-28
  • INSTANT DADDY    Chapter 55

    NARATING nila ang bayan ng Lucena. Itinuro niya kay Jack ang daan papasok sa lugar ng mga Hidalgo. Papalapit na siya kay Meadow, at ang puso niya'y lumulundag sa sobrang kaba. Maniwala kaya ito sa kaniya? Tanggapin kaya siya nito? Isang malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan. Habang umuusad ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya. Nakapasok na sila sa lupain ng mg Hidalgo. Nararaanan na nila ang kabahayan. Pinagtinginan sila ng mga tao pero hindi na niya binigyang-pansin. Nasa bakuran na sila ng malaking bahay. Natanaw nilang nag-aayos ng gamit si Jelly sa terrace, mukhang lilisanin na ang bahay ng mag-asawa. Nagsimula na namang manginig ang katawan niya habang lumalabas, si Jack ay minabuting mag-stay muna sa loob ng sasakyan dahil may tinawagan ito. Makikita na niyang muli si Meadow. Iisa lang ang hiling niya, sana ay paniwalaan siya at sumama sa kaniya pabalik sa tunay nitong tahanan. Sinalubong sila ng ginang. Nakaguhit ang matinding gulat sa mukha, nandoon din ang

    Last Updated : 2025-02-28
  • INSTANT DADDY    Chapter 56

    HINDI pumalag si Rodolfo nang i-posas ang dalawa nitong kamay ng mga pulis. Si Ramon ay umiiyak sa gilid at si Jelly ay mababakas ang matinding lungkot, nasa tabi na nito si Jun-jun at kasalukuyan ding umiiyak. Mabibigyan na ng hustisya ang ginawa nitong kasalanan sa asawa. Subalit, hindi siya kuntento na makulong lang ito. Nalaman niya mula kay Ramon na nagkaroon si Rodolfo ng karamdaman sa pag-iisip no'ng beinte anyos pa lamang ito. Hindi kinaya ng isip ang ginawang pag-iwan ng nobya. Ipinagpalit sa matalik na kaibigan at nang dahil doon ay muntikan nang kitilin ang buhay. Pero, para sa kaniya, hindi sapat iyon para pumatay. Inangkin pa nito ang ina ng kaniyang anak, sinaktan at ngayon ay nawawala na naman. Nais niyang magmura, magalit, pero kahit magalit pa siya, hindi na maibabalik ang katotohanang pinaglaruan nito ang damdamin at memorya ni Meadow. Balak pa yatang magmakaawa ni Ramon na huwag itong ikulong, pero maagap na pinigilan ng asawa. Bago ito dalahin ng mga pulis, ina

    Last Updated : 2025-03-01
  • INSTANT DADDY    Chapter 57

    NAGKAMALAY si Daphne na sa isang silid. Payapa siyang nakahiga sa malambot na higaan. Bumangon siya't kunot-noong sinuri niya ang paligid. "Nasaan ako?" may pag-aalalang tanong niya sa sarili. Tumayo't pilit niyang pinakiramdaman ang sarili. Wala namang masakit sa kaniya. Ganoon pa rin ang suot niya. Ilang minuto pa lang siyang nagkakamalay ay kung anu-ano na ang tumatakbo sa isipan niya. What if, ibenta siya? What if, gawin siyang bayarang babae? Pilit din niyang inalala ang nangyari. Pasakay na siya ng bus nang may humila sa braso niya. Hindi na niya nagawang lingunin kung sino ito dahil biglang may itinakip sa bibig niya. Pero paano siya napunta sa silid na 'yon? Ang tanging natatandaan lang niya ay pumara siya ng taxi. Huminto ito sa gasoline station para magpa-gas, siya nama'y nagpaalam sandali para mag-cr, ayaw pa siyang payagan ng driver at maniwalang hindi ito tatakas ay inabutan niya ito ng two hundred pesos. Pabalik na siya nang may tumakip sa bibig niya. Lumangitngi

    Last Updated : 2025-03-01
  • INSTANT DADDY    Chapter 58

    "WHERE is she?" "Sino?" "Rex, you know who I'm talking about! I heard, hindi siya namatay. Where is she?" "Si Meadow?" Ngumisi si Rex. "Ang lakas talaga ng pang-amoy mo, Brenda. If Meadow was alive, wala siya rito. Kahit halughugin mo pa ang buong bahay ko, wala kang makikita rito." "She's not here, but I know you're the one who hid him." Dinig na dinig ni Meadow ang usapan ng lalaking bago sa paningin niya at ng babaing kausap nito. Nakakubli siya sa likod ng malamig na wall. Kanina, habang nag-uusap sila sa room ay may nag-doorbell, kaya dagling lumabas ito, at sa hindi malamang dahilan ay sumunod siya. Mukha namang mabait ang lalaking nagpakilalang fiance niya. Naikuwento na niya rito ang tungkol kay Rodolfo pero hindi si Aedam. "I don't know what you're talking about, Brenda." Nakita niyang ngumisi ang babaing tinatawag nitong Brenda. "I know you, Rex. Alam kong may pagtingin ka kay Meadow, at walang ibang kukuha sa kaniya kundi ikaw!" "Pagtingin?" gulat niyang

    Last Updated : 2025-03-03

Latest chapter

  • INSTANT DADDY    Chapter 77

    "AEDAM...""Hmmm?""Gusto kong pumunta sa lugar kung saan mo ako nakitang muli."Sinulyapan niya ito. "Bakit?" Kasalukuyan silang nakahiga, ang kanilang anal ay himbing na himbing na, pinagkakasya ang mga katawan sa pang-isahang bed na nasa gilid. Nakaunan ito sa kaniyang braso."Gusto kong makausap si Rodolfo at si Jun-jun na rin." Sinalubong niya ang pag-angat nito ng paningin. "Kaya mo na ba siyang harapin?"Tumango lang ito. Ang mata ay namumungay na nakatitig sa kaniya. Tumagilid siya ng higa paharap dito, idinait ang palad sa mukha at masuyong hinaplos iyon. "Okay. If that's what you want," sang-ayon niya. "Pero sasamahan kita, ha? Ayokong malalagay kang muli sa kapahamakan. Hindi ko na kakayanin pa kung may masamang mangyayari sa iyo." Pagkawika ay hinagkan niya ito sa noo, tungki at bumaba sa labi. Ilang segundo ring naglapat ang labi nila. "I love you!" Hindi naman masamang umamin ng tunay na nararamdaman, hindi ba? Wala naman itong boyfriend, hindi tunay na fiance si Rey

  • INSTANT DADDY    Chapter 76

    HINDI makapaniwala si Aedam sa nalaman. Ikinuwento ni Meadow ang buhay nang maliit pa ito. "Ikaw ang babaing 'yon?" Ang mata ay namimilog na. Tumango si Meadow. "Ako nga," anito at saka'y payak na ngumiti. Umawang ang kaniyang bibig. Kakikitaan siya ng gulat at pagkamangha. Matagal na pala siya nitong kilala at siya... heto't hindi nakilala ang batang naging parte ng kanilang buhay. Matagal na rin itong hinahanap ng kaniyang ama. "Ako ang batang sinabihan mo na ingatan ko ang mata ng 'yong ina, dahil kapag hindi, kukunin mong muli ito sa akin. Naalala mo ba... umiyak pa ako matapos mong sabihin 'yon sa akin--" "Sinabi ko rin na, binibiro lang kita. At kapag hindi ka tumigil ay hahalikan kita," dugtong niya. Naalala niya na hinanap niya ang babaing pinagsalinan ng mata ng kaniyang ina. Kahit ayaw pumayag ng doktor ay nagpumilit siyang malaman kung sino iyon. Nakita niya ito sa dulo ng hospital. Doon niya ito tinakot. Hindi niya ipinagtapat sa ama na nakilala niya ang batang

  • INSTANT DADDY    Chapter 75

    NAKATULOG na si Avi habang hawak ang kamay ni Meadow. Ang mga kaibigan ni Aedam ay nagsiuwi na, pero nangakong babalik kinabukasan. Nagpapasalamat siya dahil hindi iniwan ni Drake ang kaniyang anak. Ang anak nadamay sa sigalot na napasukan niya. Dalawang taon niyang hindi ito nakapiling. Alam niyang nagdusa rin ito tulad niya, mas matinding paghihirap pa ang pinagdaanan nito. Ramdam niyang na-trauma ito sa nasaksihang pagbaril sa kaniya. May sinabi pa ang ama nitong pinatingnan ito sa psychiatrist. Nangingiting hinahaplos-haplos niya ang buhok, maging ang pisngi nito. "Ang laki mo na, 'nak." Ngayong bumalik na ang kaniyang alaala, sisiguraduhin niyang mapupunan ang mga oras na nagkawalay silang mag-ina. Ibibigay niya ang lahat dito. Ang tagal niyang tila nagngapa sa ditna ng karimlan, pinsan at ang lugar kung saan nag-ugat ang lahat, doon pala manunumbalik ang kaniyang nawalang memorya. Ang bahay na 'yon, tahanan dati ni Brenda at ng magulang nito. Maraming beses siyang isinama ng

  • INSTANT DADDY    Chapter 74

    MATAPOS dalahin sa presinto si Brenda ay binalikan ni Aedam at Meadow si Avi, kasama rin nila si Zeus. May sariling sasakyan ang huli kaya, silang dalawa lang ang nasa loob ng sasakyan. At habang nagmamaneho ay hindi niya napigilang magtanong."How are you feeling?" Ibinaling ni Meadow sa kaniya ang paningin at saka'y payak na ngumiti. "I'm fine."Alam niyang hindi. Base sa naging diskusyon nito at ni Brenda ay bumalik na ang alaala nito. He tried to reach her hand. Nakaawang ang bibig nang tumingin ito sa kaniya, halatang naguguluhan."I'm sorry.""Para saan?"Sinulyapan niya ito. "Coz, I know, I am the reason why you suffered." Hagyang gumaralgal ang kaniyang tinig. Para siyang babaing anumang oras ay pipiyok at luluha na. Pansamantalang ihinimpil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "I know you're confused and don't want to talk about what happened," inapuhap niya ang isa pang palad nito. "Pero hihingi na ako ng tawad sa iyo ngayon. Sorry sa lahat ng nagawa kong kasalanan. Si

  • INSTANT DADDY    Chapter 73

    "HINDI ako ang ama ng ipinagbuntis mo, Brenda!" baritonong tinig ni Aedam matapos marinig ang mahabang pagsasalaysay ni Brenda. Ngumisi ito. "Alam ko namang itatanggi mo siya at wala na rin akong pakialam kung ayaw mo sa kaniya, dahil wala na siya. Ikaw ang naging dahilan kung bakit nawala ang anak ko! Kung bakit nagalit ang parents ko sa akin!" "Ate Brenda, please, tama na! Pakiusap, itigil mo na ito." "Shut up!" asik nito. "Pinagkatiwalaan kita, Mariz. Kundi dahil kay Mommy, wala ka ngayon sa posisyon mo. Itinuring kitang kapatid, tapos ito pa ba ang igaganti mo?" "Huwag mong isumbat ang mga naitulong mo sa kaniya," aniya na magkasalubong ang kilay. "Hindi tulong ang tawag diyan." "Shut up, Aedam! Huwag kang magsalita na akala mo'y napakabuti mo, dahil hindi. Masama kang tao! Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko." "Tsk. Why are you blaming me? It's your fault, because you became obsessed!" Bakit ako ang sinisisi mo? Kasalanan mo, dahil naging obsessed ka!" gi

  • INSTANT DADDY    Chapter 72

    HINDI makapaniwala si Brenda sa nalaman. May dahilan pala ang pagpupumilit ng kaniyang amang ipakasal siya. Ayon sa kaniyang ina, may pagkakautang ang ama niya kay Mr. Santillan. Pumayag si Darwin sa gusto nitong huwag nang bayaran pero ang kapalit ay pagpapakasal sa anak nito. At dahil hindi siya pumayag, ngayo'y nalalagay ang negosyo nila sa alanganin, bukod pa roon ay kinasuhan ang ama niya ng taong pinagkautangan nito. "Bakit hindi niyo sinabi kaagad sa akin, Mom?" "Your daddy doesn't want to tell you the real reason, 'nak. Another reason, ayaw niyang malaman ng ibang mga kaibigan niya na lubog na tayo sa utang. Na mawawala na sa atin ang negosyong matagal nang ipinundar ng daddy mo?" Nanginginig na napaupo siya sa gilid ng kama. Paano na? Mawawala ang negosyo nila, ang tanging pinagkukunan nila ng salapi. Ano nang mangyayari sa kaniya? Maghihirap ba sila? Tiyak na pagtatawanan din siya ng mga kaibigan niya kapag nalamang naghihirap na sila. "No! It can't be!" hiyaw ng is

  • INSTANT DADDY    Chapter 71

    NINE in the morning na nang makabalik si Brenda sa mansiyon. May naabutan siyang kausap ng ama. Tinawag siya nito at kahit ayaw niyang makipag-usap ay napilitan na ring siyang humarap sa mga ito. Dalawang lalaki ang nakita niyang nakaupo sa sofa, ang isa pala roon ay ang ipinapakasal sa kaniya. Ang isa nama'y ang magulang nito. "Anak, we have decided that in two months you will get married."Nanlalaki ang matang tumitig siya sa ama. Gusto sana niyang magprostesta, tumanggi, pero wala siyang magawa. Naging sunod-sunuran na naman siya sa kagustuhan ng ama. Subalit, hindi siya susuko. Ipaglalaban pa rin niya ang kaniyang karapatan. Nang dahil sa kinakaharap na suliranin ay panandaliang nakalimutan niya ang nangyari. Sinuri niya ang sinasabing kaniyang mapapangasawa, mula dulo ng buhok hanggang sa dulo ng suot na sapatos. Titig pa lang ay halos masuka na siya, bukod sa kakaibang estilo ng pananamit ay ubod pa ng laki ang katawan nito. Kapag umibabaw ito sa kaniya'y tiyak na hindi siya m

  • INSTANT DADDY    Chapter 70

    ISANG mahabang diskusyon ang namamagitan kay Brenda at Darwin, ama ng dalaga. May gusto itong ipagawa sa kaniya, bagay na hindi niya sinasang-ayunan. "Bakit ako magpapakasal sa lalaking hindi ko gusto?" "Coz I know what is best for you, Brenda! At iyon ay ang pakasalan siya." "Best?" Ngumisi si Brenda. "Are you sure of that, Dad? Sa akin nga ba o para sa iyo?" Muli siyang napangisi. "Alam ko naman ang tunay mong dahilan, dad, kaya huwag mo akong gawing kasangkapan sa kayabangan mo!" Lumagapak ang palad ng ginoo sa pisngi niya. Pakiramdam niya'y tumabingi ang mukha niya sa lakas ng sampal na natamo. Napatayo ang ina niyang kanina pa lumuluha sa sulok. Ngunit, alam niyang wala rin itong magagawa, kaya hindi na siya humingi ng tulong dito. "Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan? Anak lamang kita! Whether you like it or not, you're going to marry him, as soon as possible!" hiyaw ng kaniyang ama, pagkatapos ay tinalikuran siya. Iniwan siyang tila naka-hang sa hangin. Awang

  • INSTANT DADDY    Chapter 69

    GULONG-GULO ang isipan ni Meadow. Kasalukuyang binabagtas na nila ang kahabaan ng kalsada, pero hindi niya alam kung saan sila patungo. Ang mga binitiwang salita ni Aedam ang nagpapagulo sa kaniya. Pakakasalan siya nito? Sinabi ni Rex na ito raw ang fiance niya. At ang lalaking kasama niya ay sinasabing ama ng anak niya, na nagsabing pakakasalan siya. Bakit? Malamang na mahal siya nito. Nais niyang pukpukin ang sarili dahil sa lumalabas sa isipan. "Pero, may anak kami. Sapat na sigurong basehan iyon para maniwala ako sa pangako niya," bulong niya. "What did you say?"Bigla siyang natauhan. Nakadama ng hiya matapos mapagtantong narinig nito ang sinabi niya. Nagkunwari na lang siyang walang sinasabi. "H-huh?" "May narinig ako pero hindi malinaw, ano iyon?" "Hah! Ahm, w-wala 'yon." Bagama't nakatuon ang atensiyon nito sa tinatahak na kalsada'y manaka-nakang sumusulyap ito sa kaniya. "Sabi ko, sana'y bumalik na ang alaala ko. Ang hirap na para kang nangangapa sa gitna ng kadilim

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status