NAGKAMALAY si Daphne na sa isang silid. Payapa siyang nakahiga sa malambot na higaan. Bumangon siya't kunot-noong sinuri niya ang paligid. "Nasaan ako?" may pag-aalalang tanong niya sa sarili. Tumayo't pilit niyang pinakiramdaman ang sarili. Wala namang masakit sa kaniya. Ganoon pa rin ang suot niya. Ilang minuto pa lang siyang nagkakamalay ay kung anu-ano na ang tumatakbo sa isipan niya. What if, ibenta siya? What if, gawin siyang bayarang babae? Pilit din niyang inalala ang nangyari. Pasakay na siya ng bus nang may humila sa braso niya. Hindi na niya nagawang lingunin kung sino ito dahil biglang may itinakip sa bibig niya. Pero paano siya napunta sa silid na 'yon? Ang tanging natatandaan lang niya ay pumara siya ng taxi. Huminto ito sa gasoline station para magpa-gas, siya nama'y nagpaalam sandali para mag-cr, ayaw pa siyang payagan ng driver at maniwalang hindi ito tatakas ay inabutan niya ito ng two hundred pesos. Pabalik na siya nang may tumakip sa bibig niya. Lumangitngi
"WHERE is she?" "Sino?" "Rex, you know who I'm talking about! I heard, hindi siya namatay. Where is she?" "Si Meadow?" Ngumisi si Rex. "Ang lakas talaga ng pang-amoy mo, Brenda. If Meadow was alive, wala siya rito. Kahit halughugin mo pa ang buong bahay ko, wala kang makikita rito." "She's not here, but I know you're the one who hid him." Dinig na dinig ni Meadow ang usapan ng lalaking bago sa paningin niya at ng babaing kausap nito. Nakakubli siya sa likod ng malamig na wall. Kanina, habang nag-uusap sila sa room ay may nag-doorbell, kaya dagling lumabas ito, at sa hindi malamang dahilan ay sumunod siya. Mukha namang mabait ang lalaking nagpakilalang fiance niya. Naikuwento na niya rito ang tungkol kay Rodolfo pero hindi si Aedam. "I don't know what you're talking about, Brenda." Nakita niyang ngumisi ang babaing tinatawag nitong Brenda. "I know you, Rex. Alam kong may pagtingin ka kay Meadow, at walang ibang kukuha sa kaniya kundi ikaw!" "Pagtingin?" gulat niyang
NAKAHAIN na ang almusal nang bumaba si Meadow. Hindi man siya gasinong nakatulog ay maaga pa ring nagmulat ang kaniyang mata. Dati pa naman siyang maaga kung gumising dahil siya ang naghahanda ng almusal ng mga Hidalgo, isa pa'y pumapasok sa school si Jun-jun. Bigla siyang tumamlay nang maalala ang batang inakala niyang anak. Sobra niya itong minahal tulad din ni Rodolfo. Pero, kung hindi sila tunay na mag-asawa, bakit siya nagawa nitong lokohin? Bakit ipinakilala siya nito sa mga kapatid bilang asawa? Sino si Daphne? "Gising ka na pala!" Napapitlag siya nang magsalita si Rex. Lumapit na siya rito at pekeng ngumiti. "Kain na tayo," yaya nito, ipinaghila pa siya ng bangko. 'Naks! Ang gentlemen!'Habang kumakain ay nagkukuwento ito, na hindi niya alam kung totoo ba o hindi. Pero sapalagay niya'y hindi. Sinasang-ayunan na lamang niya ang mga lumalabas sa bibig nito. Matapos nilang pagsaluhan ang inihanda nitong pagkain ay nagboluntaryo siyang maghugas ng kanilang kinainan. P
"BULLSHIT!" "Fvck!" "T*ng-ina!" Ilang mura na ang pinakawalan ni Rex, pakiramdam niya'y sasabog na ang dibdib niya sa sobrang inis. Hindi na niya matagpuan si Meadow. Nang makita niya ito kahapon ay ginawa niya ang paraan para makuha ito. Alam niya ang nangyari rito dalawang taon ang lumipas. Nagalit siya nang husto kay Aedam. Kung hindi dahil sa kalokohan nito, hindi mawawala ang babaing matagal nang itinitibok ng puso niya. Nang dahil din sa lalaking 'yon kaya hindi siya mahalin ng dalaga. "Sumpain ka, Aedam!" gigil niyang sabi sa sarili. Kahapon nang puntahan siya ni Brenda ay hindi niya ipinaalam ditong nasa kaniya si Meadow. Alam niya ang plano nito. Alam niya kung gaano ang galit nito sa dalaga nang malamang si Aedam ang ama ni Avi. Nawala ito sa kaniya ng dalawang taon, hindi alam kung saan pumunta o baka'y itinago ni Aedam. Pero nang makita niya ito kahapo'y labis siyang nagtaka. Wala itong maalala at ngayon ay nawawala na naman ito, hindi alam kung saan pumunta.
IRITADONG nagmamaneho si Aedam. Naiipit na siya sa mahabang traffic, idagdag pa ang isiping hindi pa rin niya mahanap si Meadow. Tinawagan siya ng kaniyang ama para papuntahin sa office. Pansamantala, si Zeus at Kent muna ang pinagbantay niya kay Avi. May mga pulis din na nagbabantay sa labas ng room nito. Si Jack at Tyron ang nag-aasikaso sa pagkawala ng ina ng kaniyang anak, at si Drake, mukhang malaki ang galit sa kaniya ng sira-ulo niyang kaibigan. Ang katangahan daw niya ang may kagagawan kung bakit ngayo'y nawawala na naman si Meadow at nagkasakit pa ang kaniyang anak. "It's all your fault, Aedam!" Naalala niya ang sinabi nito. Dinuro pa siya. "Sinarili mo ang problema, kaya ngayo'y nagkakagulo. Maging si Avi ay nadamay. Puwede mo naman kaming mahingian ng tulong, bakit hindi mo ginawa?" He admit, it was really his fault what happened. Sa simula pa lang ay walang dapat ibang sisihin kundi siya. Magmula sa pagiging obsessed ni Brenda sa kaniya, at ang ginawa nitong pagpasok
MAGKAHARAP si Aedam at Meadow. Kapwa nakatitig sa isa't isa. Hanggang sa ito na ang sumuko."Uhm, S-sir--" "Aedam. I told you tawagin mo ako sa aking pangalan." Pinong kagat sa labi ang ginawa nito. "S-sorry po." Sa halip na sumagot ay ngumiti siya. Inihaba niya ang kamay para maabot ang pisngi nito. "You are my Meadow not Daphne." "Sabi nga po ng lalaking kumuha sa akin." Nagsalpukan ang kilay niya. "Lalaki?" Tumango ito. "Sabi po niya, fiance ko raw po siya at anak daw po namin si Avi. Malapit na akong maniwala sa kaniya." "No! That's a big lie, Meadow. Ako ang tunay na ama ni Avi at ikaw ang ina." "Pero si Rodolfo--" "Si Rodolfo pa rin ang nasa isip mo!" Umasim ang mukha niya. "Niloloko ka lang niya, Meadow. Noong dumating ako sa bahay ng Hidalgo ay pinaimbestigahan na kita. Hindi ko na itinuloy dahil ang lumabas sa investigation ay asawa nga raw nito si Daphne, pero patay na ito, at si Rodolfo ang pumatay." Natigilan ito. Kita niya ang pagbalatay ng takot sa m
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Meadow ang batang ubod ng daldal. Nakaupo siya sa gilid ng hospital bed at katabi niya ito. Panay kuwento sa kaniya ang bata. Nang masilayan niya ito ay kakaibang sipa ang naramdaman ng puso niya. She's so cute and pretty. Kamukha ito ni Aedam. Pero, may hawig din sila. Mamula-mula ang pisngi nito, at sa tuwing ngingiti o magsasalita ay may lumalabas doon na dimple. "Mommy, you know what, Daddy always cries when you're gone. Kahit hindi po niya sabihin, alam ko po 'yon. And, one time, nakita ko po siya na umiinom habang umiiyak." Natuon ang paningin niya sa nakatayong lalaki, kausap nito ang nagngangalang Tyron Mahal pala siya nito, dahil kung hindi, hindi ito magdurusa sa pagkawala niya o ni Meadow. Sumagi sa kaniyang isipan nang una silang magkita. Naaninag niya ang gulat sa mata nito. Gulat na may kasamang pagtataka."I'll go ahead, Aedam. Aasikasuhin ko pa ang sinabi mo," paalam ni Jack. Dumako ang mata nito sa kaniya. "Bye, Meadow. Masaya akong na
NAGKAKASIYAHAN si Aedam at Zeus, siya nama'y nilalaro si Avi. Natutuwa siya sa bata. Napakabibo. Mukhang matalino. Ilang oras pa lang niyang nakakasama ito'y para bang close na close na sila. Parang matagal na niya itong kilala. May kinukuwento ito sa kaniya, mga favorite nilang kainin, puntahan. Sinabi rin nito na si Aedam nga ang ama nito at hindi si Rex, tulad din ng una ay ipinaliwanag na nito 'yon sa kaniya.Natigil ito sa pagkukuwento nang bumukas ang pintuan na ikinatakot niya. Si Aedam ay mabilis na tumayo, at ang lalaking nakatayo sa gilid na nagpupunas ng luha dahil sa labis na pagtawa ay napalingon din. Bumitaw siya sa bata. Mabilis na nagtago sa likod ni Aedam. Nang dahil sa pagdukot ni Rex ay nagkakaroon na siya trauma. Para bang bawat tao ay susugurin siya. "Where is she?" "Dude, relax." Ang lalaking kaibigan ni Aedam ang nagpaliwanag. "Magdahan-dahan ka naman. Tinatakot mo si Meadow, e." Hinarap siya ni Aedam. Ang isang braso nito'y nasa likod ng baywang na niya
HINDI ipinaalam ni Meadow kay Aedam ang tungkol sa na-receive niyang text message. Ayaw na niyang mag-isip ng kung anu-ano, isa pa'y ayaw na rin niyang mabahala ang kaniyang fiance. Gusto niyang sumaya ang kanilang buhay. At kung sinuman ang nag-text sa kaniya, sisiguraduhin niyang hinding-hindi iyon mangyayari. Kasalukuyan niyang sinusuri ang kaniyang wedding gown, simple lang ito. Kahit anong udyok ng kaniyang isipan na suotin iyon ay hindi niya ginawa. Naniniwala siya sa pamahiin. Yari sa mamahaling tela ang isusuot niya, nagtalo pa sila ni Aedam kung bakit iyon ang pinili nito. Okay na sa kaniya 'yong simple lang.Ilang beses niyang pinasadahan ng malalantik na daliri ang tela. Mas malambot pa sa kamay niya. Nang walang anu-ano'y may matinis na boses siyang narinig."Mommy..." Nilingon niya ito. Tumatakbo palapit sa kaniya, ngunit unti-unti ring bumagal nang makita ang gown na naka-display. Kita niya ang pagkamangha sa mukha ng anak."Wow, mommy, ang ganda po!" buong paghangang
HINDI mapuknat-puknat ang nakaukit na ngiti sa labi ni Meadow at pinakatitigan n'ya rin ang suot na engagement ring. Kagabi lang ay nag-propose si Aedam at ngayon ay bumili ito ng singsing. "Ang ganda po, mommy!" buong paghangang sambit ni Avi. Ang mata nito'y nangingislap na nakatutok sa suot niyang singsing."Nagustuhan mo ba, anak?""Opo." Nakangiti itong tumitig sa kanya. "I love you so much, mommy.""I love you more, anak."Yumakap ito sa kaniya. Mas tuwang-tuwa pa ang anak niya sa nalalapit nilang kasal ni Aedam. At humihirit pa ito, gusto na raw ng kapatid. Sa loob ng dalawang buwang paghahanda para sa nalalapit na pag-iisang dibdib ay naging abala si Meadow. Sa kaniya ibinigay ni Aedam ang pangangasiwa sa kanilang kasal. Siya ang naglilista ng pangalan na kanilang magiging bisita. Siya rin ang humanap ng mag-ca-cater. Ilang araw bago sumapit ang kanilang kasal ay may tao siyang binisita, isinama niya si Avi at kahit ayaw ni Aedam ay napilitan na rin ito. Nakaupo silang m
HINDI pa rin maka-move on si Aedam sa nawalang singsing. Imagine, nagkakahalaga ito ng twenty thousand pesos at sa isang iglap ay naglaho na parang bula. Pero, balewala naman ang pera, sisiw lang 'yon sa kaniya, ang iniisip lang niya ay walang kapares ang singsing na 'yon. Maganda at simple, kaya nagustuhan niya. Tiyak na magugustuhan rin iyon ni Meadow. Kung bakit naman kasi napakakalat niya at malilimutin pa! "Anong ginagawa mo rito?"Nasa terrace siya ng mansiyon at minamasdan ang tahimik na paligid. Nilingon niya ang nagsalita. Saka'y ngumiti ng pagkatamis-tamis. Ibinuka niya ang dalawang braso habang hinihintay ang paghinto nito sa kaniyang tapat. Naunawaan iyon ni Meadow, agad itong sumilid sa matiponong braso niya."Anong ginagawa mo rito?" ulit na tanong nito. "Hindi ka pa ba inaantok?""May iniisip lang ako." Isiniksik niya ang mukha sa leeg nito at inamoy-amoy na parang bulaklak."What are you thinking, hmm?" Gumanti ito ng yakap, ang mukha ay nakasubsob sa kaniyang dibdib.
MANAKA-NAKANG pagsulyap ang ginagawa ni Aedam sa katabi. Tahimik lang itong nakamasid sa binabagtas nilang daan. Simula nang lumabas sila sa provincial jail ay wala na itong kibo. Aminin man niya o hindi, may kirot siyang naramdaman nang magtanong siya tungkol sa nararamdaman nito para kay Rodolfo. Dalawang taong nakasama ni Meadow ang lalaking 'yon at natatakot siyang isipin na may nararamdaman ito. He sighed. He tried to remove what was bothering his mind. Ngayong bumalik na ang alaala ni Meadow, he has nothing to worry about that. Isa pa'y hindi tunay itong asawa ni Rodolfo. Ang dapat niyang pagtuunan ng pansin ay ang iaalok niyang kasal dito. Sana lang ay pumayag ito. He reached her palm and brought it to his lips. Salubong ang kilay nang tingnan niya si Meadow. Nginitian niya ito. "I love you, my Meadow. You're mine and I'm only yours." Hindi ito tumugon, bagkus ay umawang lang ang bibig. Hanggang sa marating ang lugar na pagtatayuan ng CromX ay hindi na niya binitiwan p
NANGINGINIG at hindi halos maihakbang ni Meadow ang mga paa papasok sa provincial jail. Ang araw na iyon ang itinakda para magkausap sila ni Rodolfo, ang lalaking nagsabing asawa niya, ang lalaking nagpahirap sa kaniya. Kapag sinasaktan siya nito'y halos mawalan na siya ng hininga. "Are you okay?" Nilingon niya ang nagsalita. "A-Aedam..." Nakaantabay lang ito sa likuran niya. "Kung hindi mo pa kaya, huwag mong pilitin. Mahihirapan ka lang. Marami pa namang pagkakataon, e." Hinawakan nito ang nanlalamig niyang palad. Napilitan siyang ngumiti. "Okay lang. Nandito na rin naman tayo, e. Kinakabahan lang talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Kung sisigawan ko ba siya, o sasampalin?" Napahinga ito ng malalim. Ang titig nito'y parang sinusuri siya hanggang sa kailaliman ng kaniyang katawan. "Can I ask you something, baby?" Maang na tumitig siya rito. Bakit biglang may nagrambulan sa kaniyang dibdib? "Y-yes? A-ano 'yon?" nauutal niyang tugon. "Minah
"HEY, what's up, dude!"Sinulyapan ni Aedam ang pinagmulan ng tinig, si Kent at Zeus. Anong ginagawa ng dalawang 'to sa office niya? Wala bang trabaho ang dalawang ito? Kunsabagay, sila nga rin pala ang boss. Hindi na lang siya nagsalita, hinintay na lang niya ang paglapit ng dalawa. "Busy?""Uhm, oo. Kaya kung aabalahin niyo ako, makakaalis na kayo," biro niya. Ilang araw na simula nang lumabas si Avi sa hospital, ilang araw na rin siyang tutok sa trabaho, isa pa ay nalalapit na ang pagpapatayo ng branch ng CromX sa Lucena. Tulad ng ipinangako niya kay Meadow, sasamahan niya papunta roon, kaya ngayon ay hindi na siya umaalis sa kaniyang office."Ang harsh mo talaga," tinig ni Kent, na sinabayan ng pasalampak na upo sa bangkong nasa unahan ng kaniyang mesa.Pinukol lang niya ito ng masamang tingin at muling ibinalik ang atensiyon sa tinatapos na gawain. "Tsk. Zeus, bakit pa pala tayo nagpunta rito? Busy at hindi puwedeng abalahin pala ang tao rito."Napaangat ang kilay niya, sinun
NAKATUNGHAY si Meadow sa harapan ng magarang mansiyon. Ang kanilang anak na kanina pa hindi maubos-ubos ang sinasabi ay hinihila na ang kamay niya papasok. Si Aedam ang nagbitbit ng mga gamit nito at ang mga kaibigan nito'y nauna nang dumating."Mommy, lets go na po. Ipakikila kita kay Yaya Eliza ko and Manang Laura, Ate Danica." Nasa mukha ni Avi ang sobrang kaligayahan. Siya man ay kasiyahan ang nararamdaman. Dalawang taong nawalay sa mahal na anak, pinagsamantalahan ang nawalang memorya niya. Nakaranas ng kalupitan sa hindi kilalang tao and finally, nakabalik na siya. Nakabalik na sa piling ng taong tunay na nagmamahal sa kanya.Hinayaan niya ang anak na hilahin siya. Habang naglalakad papasok ay panay tawag ito. Hindi n'ya tuloy napagmasdan ang paligid. Humantong sila sa kitchen. Malawak ang lugar at kung ihahambing ay para nang isang bahay ng ordinaryong tao. May dalawang mataas na fridge. Maraming cabinet at sa tingin niya'y doon nakalagay ang mga pinggan. "Ate Eliza, she's my
"AEDAM...""Hmmm?""Gusto kong pumunta sa lugar kung saan mo ako nakitang muli."Sinulyapan niya ito. "Bakit?" Kasalukuyan silang nakahiga, ang kanilang anal ay himbing na himbing na, pinagkakasya ang mga katawan sa pang-isahang bed na nasa gilid. Nakaunan ito sa kaniyang braso."Gusto kong makausap si Rodolfo at si Jun-jun na rin." Sinalubong niya ang pag-angat nito ng paningin. "Kaya mo na ba siyang harapin?"Tumango lang ito. Ang mata ay namumungay na nakatitig sa kaniya. Tumagilid siya ng higa paharap dito, idinait ang palad sa mukha at masuyong hinaplos iyon. "Okay. If that's what you want," sang-ayon niya. "Pero sasamahan kita, ha? Ayokong malalagay kang muli sa kapahamakan. Hindi ko na kakayanin pa kung may masamang mangyayari sa iyo." Pagkawika ay hinagkan niya ito sa noo, tungki at bumaba sa labi. Ilang segundo ring naglapat ang labi nila. "I love you!" Hindi naman masamang umamin ng tunay na nararamdaman, hindi ba? Wala naman itong boyfriend, hindi tunay na fiance si Rey
HINDI makapaniwala si Aedam sa nalaman. Ikinuwento ni Meadow ang buhay nang maliit pa ito. "Ikaw ang babaing 'yon?" Ang mata ay namimilog na. Tumango si Meadow. "Ako nga," anito at saka'y payak na ngumiti. Umawang ang kaniyang bibig. Kakikitaan siya ng gulat at pagkamangha. Matagal na pala siya nitong kilala at siya... heto't hindi nakilala ang batang naging parte ng kanilang buhay. Matagal na rin itong hinahanap ng kaniyang ama. "Ako ang batang sinabihan mo na ingatan ko ang mata ng 'yong ina, dahil kapag hindi, kukunin mong muli ito sa akin. Naalala mo ba... umiyak pa ako matapos mong sabihin 'yon sa akin--" "Sinabi ko rin na, binibiro lang kita. At kapag hindi ka tumigil ay hahalikan kita," dugtong niya. Naalala niya na hinanap niya ang babaing pinagsalinan ng mata ng kaniyang ina. Kahit ayaw pumayag ng doktor ay nagpumilit siyang malaman kung sino iyon. Nakita niya ito sa dulo ng hospital. Doon niya ito tinakot. Hindi niya ipinagtapat sa ama na nakilala niya ang batang