IRITADONG nagmamaneho si Aedam. Naiipit na siya sa mahabang traffic, idagdag pa ang isiping hindi pa rin niya mahanap si Meadow. Tinawagan siya ng kaniyang ama para papuntahin sa office. Pansamantala, si Zeus at Kent muna ang pinagbantay niya kay Avi. May mga pulis din na nagbabantay sa labas ng room nito. Si Jack at Tyron ang nag-aasikaso sa pagkawala ng ina ng kaniyang anak, at si Drake, mukhang malaki ang galit sa kaniya ng sira-ulo niyang kaibigan. Ang katangahan daw niya ang may kagagawan kung bakit ngayo'y nawawala na naman si Meadow at nagkasakit pa ang kaniyang anak. "It's all your fault, Aedam!" Naalala niya ang sinabi nito. Dinuro pa siya. "Sinarili mo ang problema, kaya ngayo'y nagkakagulo. Maging si Avi ay nadamay. Puwede mo naman kaming mahingian ng tulong, bakit hindi mo ginawa?" He admit, it was really his fault what happened. Sa simula pa lang ay walang dapat ibang sisihin kundi siya. Magmula sa pagiging obsessed ni Brenda sa kaniya, at ang ginawa nitong pagpasok
MAGKAHARAP si Aedam at Meadow. Kapwa nakatitig sa isa't isa. Hanggang sa ito na ang sumuko."Uhm, S-sir--" "Aedam. I told you tawagin mo ako sa aking pangalan." Pinong kagat sa labi ang ginawa nito. "S-sorry po." Sa halip na sumagot ay ngumiti siya. Inihaba niya ang kamay para maabot ang pisngi nito. "You are my Meadow not Daphne." "Sabi nga po ng lalaking kumuha sa akin." Nagsalpukan ang kilay niya. "Lalaki?" Tumango ito. "Sabi po niya, fiance ko raw po siya at anak daw po namin si Avi. Malapit na akong maniwala sa kaniya." "No! That's a big lie, Meadow. Ako ang tunay na ama ni Avi at ikaw ang ina." "Pero si Rodolfo--" "Si Rodolfo pa rin ang nasa isip mo!" Umasim ang mukha niya. "Niloloko ka lang niya, Meadow. Noong dumating ako sa bahay ng Hidalgo ay pinaimbestigahan na kita. Hindi ko na itinuloy dahil ang lumabas sa investigation ay asawa nga raw nito si Daphne, pero patay na ito, at si Rodolfo ang pumatay." Natigilan ito. Kita niya ang pagbalatay ng takot sa m
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Meadow ang batang ubod ng daldal. Nakaupo siya sa gilid ng hospital bed at katabi niya ito. Panay kuwento sa kaniya ang bata. Nang masilayan niya ito ay kakaibang sipa ang naramdaman ng puso niya. She's so cute and pretty. Kamukha ito ni Aedam. Pero, may hawig din sila. Mamula-mula ang pisngi nito, at sa tuwing ngingiti o magsasalita ay may lumalabas doon na dimple. "Mommy, you know what, Daddy always cries when you're gone. Kahit hindi po niya sabihin, alam ko po 'yon. And, one time, nakita ko po siya na umiinom habang umiiyak." Natuon ang paningin niya sa nakatayong lalaki, kausap nito ang nagngangalang Tyron Mahal pala siya nito, dahil kung hindi, hindi ito magdurusa sa pagkawala niya o ni Meadow. Sumagi sa kaniyang isipan nang una silang magkita. Naaninag niya ang gulat sa mata nito. Gulat na may kasamang pagtataka."I'll go ahead, Aedam. Aasikasuhin ko pa ang sinabi mo," paalam ni Jack. Dumako ang mata nito sa kaniya. "Bye, Meadow. Masaya akong na
NAGKAKASIYAHAN si Aedam at Zeus, siya nama'y nilalaro si Avi. Natutuwa siya sa bata. Napakabibo. Mukhang matalino. Ilang oras pa lang niyang nakakasama ito'y para bang close na close na sila. Parang matagal na niya itong kilala. May kinukuwento ito sa kaniya, mga favorite nilang kainin, puntahan. Sinabi rin nito na si Aedam nga ang ama nito at hindi si Rex, tulad din ng una ay ipinaliwanag na nito 'yon sa kaniya.Natigil ito sa pagkukuwento nang bumukas ang pintuan na ikinatakot niya. Si Aedam ay mabilis na tumayo, at ang lalaking nakatayo sa gilid na nagpupunas ng luha dahil sa labis na pagtawa ay napalingon din. Bumitaw siya sa bata. Mabilis na nagtago sa likod ni Aedam. Nang dahil sa pagdukot ni Rex ay nagkakaroon na siya trauma. Para bang bawat tao ay susugurin siya. "Where is she?" "Dude, relax." Ang lalaking kaibigan ni Aedam ang nagpaliwanag. "Magdahan-dahan ka naman. Tinatakot mo si Meadow, e." Hinarap siya ni Aedam. Ang isang braso nito'y nasa likod ng baywang na niya
WALANG pagsidlan ang kasiyahan ni Aedam habang pinagmamasdan ang dalawang babaing importante sa buhay niya. Nangangapa pa si Meadow, pero alam niyang babalik din sa dati ang lahat kapag nakaalala na ito. Ipina-check-up niya na rin ito sa isang espisyalista. Nakita rin niya ang marka ng bala na tumama sa dibdib. Ang scar sa pisngi ay mukhang nakuha nito no'ng mahulog sa ilog. Pero may ilang pasa pa ito sa katawan dahil sa pambubugbog ni Rodolfo. Sa ngayon ay nakakulong na ito sa provincial jail. Natawagan na rin niya si Jelly at ipinaalam ang kalagayan ni Meadow. Humingi rin ito ng tawad. Si Ramon ay hindi pa niya nakakausap. Ayon sa asawa'y naging tahimik daw ito simula nang makulong ang kapatid. "Hey!" Naramdaman niya ang pagsiko sa kaniya. Si Jack. Sa lalim ng iniisip ay hindi niya namalayan ang pagpasok nito. "Baka nama'y matunaw na ang mag-ina mo." Sumilay ang masiglang ngiti sa kaniyang labi. "Pinagmamasdan ko lang sila," naidahilan na lamang niya sa kaibigan. Tumabi ito
MAY kung anong nadama si Meadow, para bang ang saya-saya niya. Kanina pa magkadaop ang palad nila ni Aedam, ayaw nitong bitiwan kahit hilahin pa niya ang kaniyang kamay. Noong una niya itong makilala ay may takot siyang nadama. Ang titig nito'y tumatagos sa buong pagkatao niya, kaya feeling niya'y masamang tao ito. Habang binubuksan ni Zeus ang pinto ay bumulong si Aedam sa kaniya. "Kapag nakalabas na si Avi, mag-file ako ng leave. Gusto kong makasama kayong dalawa." Hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha. Ngayon pa lang ay lumilipad na ang isipan niya, samo't saring katanungan ang pumapasok. Ano ang magiging kahihitnan ng buhay niya sa piling ni Aedam? Gusto rin niyang itanong kung ano ang nangyari noon, bakit siya napapunta kay Rodolfo? Kung paanong nawalan siya ng alala? May naging paliwanag na ito pero hindi pa rin niya naunawaan ang dahilan. Pagpasok ay naabutan nilang nagtatalo pa rin si Avi at Aedam. Tumigil lang ang bata nang makita si Drake. Maliksi itong bumaba sa be
MALALIM na sa gabi'y hindi pa rin dalawin ng antok si Meadow, nasa tabi siya ni Avi na ngayon ay nahihimbing na sa pagtulog. Gising na gising pa ang diwa niya. Ang daming tumatakbo sa isipan niya, tulad na lang ng ano ang susunod na mangyayari? Kailan babalik ang nawala niyang memorya? "Nasaan kaya ang magulang ko?" naitanong niya bigla sa sarili. Alam kaya ni Aedam kung sino ang magulang niya? Siguro nama'y oo. "You're still awake?" Nagulantang siya sa biglaang pagtanong. Sa lalim ng iniisip ay hindi niya namalayang nakatapos na pala ng paliligo si Aedam. Nakatayo ito malapit sa kaniya. Pinupunasan ang basang buhok. Bumaba pa ang kaniyang paningin. Kay lapad ng dibdib nito at may kurba ba parang ipinatong na monay. Ag ang abs... shit! Eight pakcs! Nakakangigil! Naghuhubad din si Rodolfo sa harapan niya, pero hindi kasing ganda ng pangangatawan ng kaharap niya ngayon. Mukhang alaga sa gym. Bumaba pa sa parte ng katawang natatahuban lang ng towel. Alam niyang wala itong pangloob da
MABILIS ang naging pagkilos ni Aedam at ng mga kaibigan niya. Tinanggal niya ang dextrose na nakakabit sa braso ni Avi. Si Jack at ang iba ay lumabas para habulin ang nurse. Si Drake ay nagpresentang tawagin ang doktor. "Anak, okay ka lang?" puno ng pag-alalang tanong niya. Tumango ang bata. Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito. Kaya't para maibsan ay mahigpit niyang niyakap ang anak. Napasulyap siya sa nasa kabilang gilid ng bed. Bagama't luhaan ay tulala ito. "M-Meadow, are you okay?" Kumurap-kurap ito. Tumitig sa kaniya at bahagyang tumango. "N-natakot lang ako." "Are you sure?" Muli itong tumango at tumitig kay Avi. "Tumawag na tayo ng doctor," may pag-alalang sabi nito. Umupo ito sa tabi ng bata at masuyong hinaplos ang likod. He was about to speak when the door opened. Magkasunod na pumasok si Drake at ang doctor ni Avi, may kasunod pa itong nurse. Mabilis ang pag-asikaso sa kaniyang anak. Habang kinukunan ng dugo para i-examine ay nagsasalita ang doctor.
"AEDAM...""Hmmm?""Gusto kong pumunta sa lugar kung saan mo ako nakitang muli."Sinulyapan niya ito. "Bakit?" Kasalukuyan silang nakahiga, ang kanilang anal ay himbing na himbing na, pinagkakasya ang mga katawan sa pang-isahang bed na nasa gilid. Nakaunan ito sa kaniyang braso."Gusto kong makausap si Rodolfo at si Jun-jun na rin." Sinalubong niya ang pag-angat nito ng paningin. "Kaya mo na ba siyang harapin?"Tumango lang ito. Ang mata ay namumungay na nakatitig sa kaniya. Tumagilid siya ng higa paharap dito, idinait ang palad sa mukha at masuyong hinaplos iyon. "Okay. If that's what you want," sang-ayon niya. "Pero sasamahan kita, ha? Ayokong malalagay kang muli sa kapahamakan. Hindi ko na kakayanin pa kung may masamang mangyayari sa iyo." Pagkawika ay hinagkan niya ito sa noo, tungki at bumaba sa labi. Ilang segundo ring naglapat ang labi nila. "I love you!" Hindi naman masamang umamin ng tunay na nararamdaman, hindi ba? Wala naman itong boyfriend, hindi tunay na fiance si Rey
HINDI makapaniwala si Aedam sa nalaman. Ikinuwento ni Meadow ang buhay nang maliit pa ito. "Ikaw ang babaing 'yon?" Ang mata ay namimilog na. Tumango si Meadow. "Ako nga," anito at saka'y payak na ngumiti. Umawang ang kaniyang bibig. Kakikitaan siya ng gulat at pagkamangha. Matagal na pala siya nitong kilala at siya... heto't hindi nakilala ang batang naging parte ng kanilang buhay. Matagal na rin itong hinahanap ng kaniyang ama. "Ako ang batang sinabihan mo na ingatan ko ang mata ng 'yong ina, dahil kapag hindi, kukunin mong muli ito sa akin. Naalala mo ba... umiyak pa ako matapos mong sabihin 'yon sa akin--" "Sinabi ko rin na, binibiro lang kita. At kapag hindi ka tumigil ay hahalikan kita," dugtong niya. Naalala niya na hinanap niya ang babaing pinagsalinan ng mata ng kaniyang ina. Kahit ayaw pumayag ng doktor ay nagpumilit siyang malaman kung sino iyon. Nakita niya ito sa dulo ng hospital. Doon niya ito tinakot. Hindi niya ipinagtapat sa ama na nakilala niya ang batang
NAKATULOG na si Avi habang hawak ang kamay ni Meadow. Ang mga kaibigan ni Aedam ay nagsiuwi na, pero nangakong babalik kinabukasan. Nagpapasalamat siya dahil hindi iniwan ni Drake ang kaniyang anak. Ang anak nadamay sa sigalot na napasukan niya. Dalawang taon niyang hindi ito nakapiling. Alam niyang nagdusa rin ito tulad niya, mas matinding paghihirap pa ang pinagdaanan nito. Ramdam niyang na-trauma ito sa nasaksihang pagbaril sa kaniya. May sinabi pa ang ama nitong pinatingnan ito sa psychiatrist. Nangingiting hinahaplos-haplos niya ang buhok, maging ang pisngi nito. "Ang laki mo na, 'nak." Ngayong bumalik na ang kaniyang alaala, sisiguraduhin niyang mapupunan ang mga oras na nagkawalay silang mag-ina. Ibibigay niya ang lahat dito. Ang tagal niyang tila nagngapa sa ditna ng karimlan, pinsan at ang lugar kung saan nag-ugat ang lahat, doon pala manunumbalik ang kaniyang nawalang memorya. Ang bahay na 'yon, tahanan dati ni Brenda at ng magulang nito. Maraming beses siyang isinama ng
MATAPOS dalahin sa presinto si Brenda ay binalikan ni Aedam at Meadow si Avi, kasama rin nila si Zeus. May sariling sasakyan ang huli kaya, silang dalawa lang ang nasa loob ng sasakyan. At habang nagmamaneho ay hindi niya napigilang magtanong."How are you feeling?" Ibinaling ni Meadow sa kaniya ang paningin at saka'y payak na ngumiti. "I'm fine."Alam niyang hindi. Base sa naging diskusyon nito at ni Brenda ay bumalik na ang alaala nito. He tried to reach her hand. Nakaawang ang bibig nang tumingin ito sa kaniya, halatang naguguluhan."I'm sorry.""Para saan?"Sinulyapan niya ito. "Coz, I know, I am the reason why you suffered." Hagyang gumaralgal ang kaniyang tinig. Para siyang babaing anumang oras ay pipiyok at luluha na. Pansamantalang ihinimpil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "I know you're confused and don't want to talk about what happened," inapuhap niya ang isa pang palad nito. "Pero hihingi na ako ng tawad sa iyo ngayon. Sorry sa lahat ng nagawa kong kasalanan. Si
"HINDI ako ang ama ng ipinagbuntis mo, Brenda!" baritonong tinig ni Aedam matapos marinig ang mahabang pagsasalaysay ni Brenda. Ngumisi ito. "Alam ko namang itatanggi mo siya at wala na rin akong pakialam kung ayaw mo sa kaniya, dahil wala na siya. Ikaw ang naging dahilan kung bakit nawala ang anak ko! Kung bakit nagalit ang parents ko sa akin!" "Ate Brenda, please, tama na! Pakiusap, itigil mo na ito." "Shut up!" asik nito. "Pinagkatiwalaan kita, Mariz. Kundi dahil kay Mommy, wala ka ngayon sa posisyon mo. Itinuring kitang kapatid, tapos ito pa ba ang igaganti mo?" "Huwag mong isumbat ang mga naitulong mo sa kaniya," aniya na magkasalubong ang kilay. "Hindi tulong ang tawag diyan." "Shut up, Aedam! Huwag kang magsalita na akala mo'y napakabuti mo, dahil hindi. Masama kang tao! Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko." "Tsk. Why are you blaming me? It's your fault, because you became obsessed!" Bakit ako ang sinisisi mo? Kasalanan mo, dahil naging obsessed ka!" gi
HINDI makapaniwala si Brenda sa nalaman. May dahilan pala ang pagpupumilit ng kaniyang amang ipakasal siya. Ayon sa kaniyang ina, may pagkakautang ang ama niya kay Mr. Santillan. Pumayag si Darwin sa gusto nitong huwag nang bayaran pero ang kapalit ay pagpapakasal sa anak nito. At dahil hindi siya pumayag, ngayo'y nalalagay ang negosyo nila sa alanganin, bukod pa roon ay kinasuhan ang ama niya ng taong pinagkautangan nito. "Bakit hindi niyo sinabi kaagad sa akin, Mom?" "Your daddy doesn't want to tell you the real reason, 'nak. Another reason, ayaw niyang malaman ng ibang mga kaibigan niya na lubog na tayo sa utang. Na mawawala na sa atin ang negosyong matagal nang ipinundar ng daddy mo?" Nanginginig na napaupo siya sa gilid ng kama. Paano na? Mawawala ang negosyo nila, ang tanging pinagkukunan nila ng salapi. Ano nang mangyayari sa kaniya? Maghihirap ba sila? Tiyak na pagtatawanan din siya ng mga kaibigan niya kapag nalamang naghihirap na sila. "No! It can't be!" hiyaw ng is
NINE in the morning na nang makabalik si Brenda sa mansiyon. May naabutan siyang kausap ng ama. Tinawag siya nito at kahit ayaw niyang makipag-usap ay napilitan na ring siyang humarap sa mga ito. Dalawang lalaki ang nakita niyang nakaupo sa sofa, ang isa pala roon ay ang ipinapakasal sa kaniya. Ang isa nama'y ang magulang nito. "Anak, we have decided that in two months you will get married."Nanlalaki ang matang tumitig siya sa ama. Gusto sana niyang magprostesta, tumanggi, pero wala siyang magawa. Naging sunod-sunuran na naman siya sa kagustuhan ng ama. Subalit, hindi siya susuko. Ipaglalaban pa rin niya ang kaniyang karapatan. Nang dahil sa kinakaharap na suliranin ay panandaliang nakalimutan niya ang nangyari. Sinuri niya ang sinasabing kaniyang mapapangasawa, mula dulo ng buhok hanggang sa dulo ng suot na sapatos. Titig pa lang ay halos masuka na siya, bukod sa kakaibang estilo ng pananamit ay ubod pa ng laki ang katawan nito. Kapag umibabaw ito sa kaniya'y tiyak na hindi siya m
ISANG mahabang diskusyon ang namamagitan kay Brenda at Darwin, ama ng dalaga. May gusto itong ipagawa sa kaniya, bagay na hindi niya sinasang-ayunan. "Bakit ako magpapakasal sa lalaking hindi ko gusto?" "Coz I know what is best for you, Brenda! At iyon ay ang pakasalan siya." "Best?" Ngumisi si Brenda. "Are you sure of that, Dad? Sa akin nga ba o para sa iyo?" Muli siyang napangisi. "Alam ko naman ang tunay mong dahilan, dad, kaya huwag mo akong gawing kasangkapan sa kayabangan mo!" Lumagapak ang palad ng ginoo sa pisngi niya. Pakiramdam niya'y tumabingi ang mukha niya sa lakas ng sampal na natamo. Napatayo ang ina niyang kanina pa lumuluha sa sulok. Ngunit, alam niyang wala rin itong magagawa, kaya hindi na siya humingi ng tulong dito. "Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan? Anak lamang kita! Whether you like it or not, you're going to marry him, as soon as possible!" hiyaw ng kaniyang ama, pagkatapos ay tinalikuran siya. Iniwan siyang tila naka-hang sa hangin. Awang
GULONG-GULO ang isipan ni Meadow. Kasalukuyang binabagtas na nila ang kahabaan ng kalsada, pero hindi niya alam kung saan sila patungo. Ang mga binitiwang salita ni Aedam ang nagpapagulo sa kaniya. Pakakasalan siya nito? Sinabi ni Rex na ito raw ang fiance niya. At ang lalaking kasama niya ay sinasabing ama ng anak niya, na nagsabing pakakasalan siya. Bakit? Malamang na mahal siya nito. Nais niyang pukpukin ang sarili dahil sa lumalabas sa isipan. "Pero, may anak kami. Sapat na sigurong basehan iyon para maniwala ako sa pangako niya," bulong niya. "What did you say?"Bigla siyang natauhan. Nakadama ng hiya matapos mapagtantong narinig nito ang sinabi niya. Nagkunwari na lang siyang walang sinasabi. "H-huh?" "May narinig ako pero hindi malinaw, ano iyon?" "Hah! Ahm, w-wala 'yon." Bagama't nakatuon ang atensiyon nito sa tinatahak na kalsada'y manaka-nakang sumusulyap ito sa kaniya. "Sabi ko, sana'y bumalik na ang alaala ko. Ang hirap na para kang nangangapa sa gitna ng kadilim