MALALIM na sa gabi'y hindi pa rin dalawin ng antok si Meadow, nasa tabi siya ni Avi na ngayon ay nahihimbing na sa pagtulog. Gising na gising pa ang diwa niya. Ang daming tumatakbo sa isipan niya, tulad na lang ng ano ang susunod na mangyayari? Kailan babalik ang nawala niyang memorya? "Nasaan kaya ang magulang ko?" naitanong niya bigla sa sarili. Alam kaya ni Aedam kung sino ang magulang niya? Siguro nama'y oo. "You're still awake?" Nagulantang siya sa biglaang pagtanong. Sa lalim ng iniisip ay hindi niya namalayang nakatapos na pala ng paliligo si Aedam. Nakatayo ito malapit sa kaniya. Pinupunasan ang basang buhok. Bumaba pa ang kaniyang paningin. Kay lapad ng dibdib nito at may kurba ba parang ipinatong na monay. Ag ang abs... shit! Eight pakcs! Nakakangigil! Naghuhubad din si Rodolfo sa harapan niya, pero hindi kasing ganda ng pangangatawan ng kaharap niya ngayon. Mukhang alaga sa gym. Bumaba pa sa parte ng katawang natatahuban lang ng towel. Alam niyang wala itong pangloob da
MABILIS ang naging pagkilos ni Aedam at ng mga kaibigan niya. Tinanggal niya ang dextrose na nakakabit sa braso ni Avi. Si Jack at ang iba ay lumabas para habulin ang nurse. Si Drake ay nagpresentang tawagin ang doktor. "Anak, okay ka lang?" puno ng pag-alalang tanong niya. Tumango ang bata. Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito. Kaya't para maibsan ay mahigpit niyang niyakap ang anak. Napasulyap siya sa nasa kabilang gilid ng bed. Bagama't luhaan ay tulala ito. "M-Meadow, are you okay?" Kumurap-kurap ito. Tumitig sa kaniya at bahagyang tumango. "N-natakot lang ako." "Are you sure?" Muli itong tumango at tumitig kay Avi. "Tumawag na tayo ng doctor," may pag-alalang sabi nito. Umupo ito sa tabi ng bata at masuyong hinaplos ang likod. He was about to speak when the door opened. Magkasunod na pumasok si Drake at ang doctor ni Avi, may kasunod pa itong nurse. Mabilis ang pag-asikaso sa kaniyang anak. Habang kinukunan ng dugo para i-examine ay nagsasalita ang doctor.
GULONG-GULO ang isipan ni Meadow. Kasalukuyang binabagtas na nila ang kahabaan ng kalsada, pero hindi niya alam kung saan sila patungo. Ang mga binitiwang salita ni Aedam ang nagpapagulo sa kaniya. Pakakasalan siya nito? Sinabi ni Rex na ito raw ang fiance niya. At ang lalaking kasama niya ay sinasabing ama ng anak niya, na nagsabing pakakasalan siya. Bakit? Malamang na mahal siya nito. Nais niyang pukpukin ang sarili dahil sa lumalabas sa isipan. "Pero, may anak kami. Sapat na sigurong basehan iyon para maniwala ako sa pangako niya," bulong niya. "What did you say?"Bigla siyang natauhan. Nakadama ng hiya matapos mapagtantong narinig nito ang sinabi niya. Nagkunwari na lang siyang walang sinasabi. "H-huh?" "May narinig ako pero hindi malinaw, ano iyon?" "Hah! Ahm, w-wala 'yon." Bagama't nakatuon ang atensiyon nito sa tinatahak na kalsada'y manaka-nakang sumusulyap ito sa kaniya. "Sabi ko, sana'y bumalik na ang alaala ko. Ang hirap na para kang nangangapa sa gitna ng kadilim
ISANG mahabang diskusyon ang namamagitan kay Brenda at Darwin, ama ng dalaga. May gusto itong ipagawa sa kaniya, bagay na hindi niya sinasang-ayunan. "Bakit ako magpapakasal sa lalaking hindi ko gusto?" "Coz I know what is best for you, Brenda! At iyon ay ang pakasalan siya." "Best?" Ngumisi si Brenda. "Are you sure of that, Dad? Sa akin nga ba o para sa iyo?" Muli siyang napangisi. "Alam ko naman ang tunay mong dahilan, dad, kaya huwag mo akong gawing kasangkapan sa kayabangan mo!" Lumagapak ang palad ng ginoo sa pisngi niya. Pakiramdam niya'y tumabingi ang mukha niya sa lakas ng sampal na natamo. Napatayo ang ina niyang kanina pa lumuluha sa sulok. Ngunit, alam niyang wala rin itong magagawa, kaya hindi na siya humingi ng tulong dito. "Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan? Anak lamang kita! Whether you like it or not, you're going to marry him, as soon as possible!" hiyaw ng kaniyang ama, pagkatapos ay tinalikuran siya. Iniwan siyang tila naka-hang sa hangin. Awang
NINE in the morning na nang makabalik si Brenda sa mansiyon. May naabutan siyang kausap ng ama. Tinawag siya nito at kahit ayaw niyang makipag-usap ay napilitan na ring siyang humarap sa mga ito. Dalawang lalaki ang nakita niyang nakaupo sa sofa, ang isa pala roon ay ang ipinapakasal sa kaniya. Ang isa nama'y ang magulang nito. "Anak, we have decided that in two months you will get married."Nanlalaki ang matang tumitig siya sa ama. Gusto sana niyang magprostesta, tumanggi, pero wala siyang magawa. Naging sunod-sunuran na naman siya sa kagustuhan ng ama. Subalit, hindi siya susuko. Ipaglalaban pa rin niya ang kaniyang karapatan. Nang dahil sa kinakaharap na suliranin ay panandaliang nakalimutan niya ang nangyari. Sinuri niya ang sinasabing kaniyang mapapangasawa, mula dulo ng buhok hanggang sa dulo ng suot na sapatos. Titig pa lang ay halos masuka na siya, bukod sa kakaibang estilo ng pananamit ay ubod pa ng laki ang katawan nito. Kapag umibabaw ito sa kaniya'y tiyak na hindi siya m
HINDI makapaniwala si Brenda sa nalaman. May dahilan pala ang pagpupumilit ng kaniyang amang ipakasal siya. Ayon sa kaniyang ina, may pagkakautang ang ama niya kay Mr. Santillan. Pumayag si Darwin sa gusto nitong huwag nang bayaran pero ang kapalit ay pagpapakasal sa anak nito. At dahil hindi siya pumayag, ngayo'y nalalagay ang negosyo nila sa alanganin, bukod pa roon ay kinasuhan ang ama niya ng taong pinagkautangan nito. "Bakit hindi niyo sinabi kaagad sa akin, Mom?" "Your daddy doesn't want to tell you the real reason, 'nak. Another reason, ayaw niyang malaman ng ibang mga kaibigan niya na lubog na tayo sa utang. Na mawawala na sa atin ang negosyong matagal nang ipinundar ng daddy mo?" Nanginginig na napaupo siya sa gilid ng kama. Paano na? Mawawala ang negosyo nila, ang tanging pinagkukunan nila ng salapi. Ano nang mangyayari sa kaniya? Maghihirap ba sila? Tiyak na pagtatawanan din siya ng mga kaibigan niya kapag nalamang naghihirap na sila. "No! It can't be!" hiyaw ng is
"HINDI ako ang ama ng ipinagbuntis mo, Brenda!" baritonong tinig ni Aedam matapos marinig ang mahabang pagsasalaysay ni Brenda. Ngumisi ito. "Alam ko namang itatanggi mo siya at wala na rin akong pakialam kung ayaw mo sa kaniya, dahil wala na siya. Ikaw ang naging dahilan kung bakit nawala ang anak ko! Kung bakit nagalit ang parents ko sa akin!" "Ate Brenda, please, tama na! Pakiusap, itigil mo na ito." "Shut up!" asik nito. "Pinagkatiwalaan kita, Mariz. Kundi dahil kay Mommy, wala ka ngayon sa posisyon mo. Itinuring kitang kapatid, tapos ito pa ba ang igaganti mo?" "Huwag mong isumbat ang mga naitulong mo sa kaniya," aniya na magkasalubong ang kilay. "Hindi tulong ang tawag diyan." "Shut up, Aedam! Huwag kang magsalita na akala mo'y napakabuti mo, dahil hindi. Masama kang tao! Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko." "Tsk. Why are you blaming me? It's your fault, because you became obsessed!" Bakit ako ang sinisisi mo? Kasalanan mo, dahil naging obsessed ka!" gi
MATAPOS dalahin sa presinto si Brenda ay binalikan ni Aedam at Meadow si Avi, kasama rin nila si Zeus. May sariling sasakyan ang huli kaya, silang dalawa lang ang nasa loob ng sasakyan. At habang nagmamaneho ay hindi niya napigilang magtanong."How are you feeling?" Ibinaling ni Meadow sa kaniya ang paningin at saka'y payak na ngumiti. "I'm fine."Alam niyang hindi. Base sa naging diskusyon nito at ni Brenda ay bumalik na ang alaala nito. He tried to reach her hand. Nakaawang ang bibig nang tumingin ito sa kaniya, halatang naguguluhan."I'm sorry.""Para saan?"Sinulyapan niya ito. "Coz, I know, I am the reason why you suffered." Hagyang gumaralgal ang kaniyang tinig. Para siyang babaing anumang oras ay pipiyok at luluha na. Pansamantalang ihinimpil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "I know you're confused and don't want to talk about what happened," inapuhap niya ang isa pang palad nito. "Pero hihingi na ako ng tawad sa iyo ngayon. Sorry sa lahat ng nagawa kong kasalanan. Si
HINDI ipinaalam ni Meadow kay Aedam ang tungkol sa na-receive niyang text message. Ayaw na niyang mag-isip ng kung anu-ano, isa pa'y ayaw na rin niyang mabahala ang kaniyang fiance. Gusto niyang sumaya ang kanilang buhay. At kung sinuman ang nag-text sa kaniya, sisiguraduhin niyang hinding-hindi iyon mangyayari. Kasalukuyan niyang sinusuri ang kaniyang wedding gown, simple lang ito. Kahit anong udyok ng kaniyang isipan na suotin iyon ay hindi niya ginawa. Naniniwala siya sa pamahiin. Yari sa mamahaling tela ang isusuot niya, nagtalo pa sila ni Aedam kung bakit iyon ang pinili nito. Okay na sa kaniya 'yong simple lang.Ilang beses niyang pinasadahan ng malalantik na daliri ang tela. Mas malambot pa sa kamay niya. Nang walang anu-ano'y may matinis na boses siyang narinig."Mommy..." Nilingon niya ito. Tumatakbo palapit sa kaniya, ngunit unti-unti ring bumagal nang makita ang gown na naka-display. Kita niya ang pagkamangha sa mukha ng anak."Wow, mommy, ang ganda po!" buong paghangang
HINDI mapuknat-puknat ang nakaukit na ngiti sa labi ni Meadow at pinakatitigan n'ya rin ang suot na engagement ring. Kagabi lang ay nag-propose si Aedam at ngayon ay bumili ito ng singsing. "Ang ganda po, mommy!" buong paghangang sambit ni Avi. Ang mata nito'y nangingislap na nakatutok sa suot niyang singsing."Nagustuhan mo ba, anak?""Opo." Nakangiti itong tumitig sa kanya. "I love you so much, mommy.""I love you more, anak."Yumakap ito sa kaniya. Mas tuwang-tuwa pa ang anak niya sa nalalapit nilang kasal ni Aedam. At humihirit pa ito, gusto na raw ng kapatid. Sa loob ng dalawang buwang paghahanda para sa nalalapit na pag-iisang dibdib ay naging abala si Meadow. Sa kaniya ibinigay ni Aedam ang pangangasiwa sa kanilang kasal. Siya ang naglilista ng pangalan na kanilang magiging bisita. Siya rin ang humanap ng mag-ca-cater. Ilang araw bago sumapit ang kanilang kasal ay may tao siyang binisita, isinama niya si Avi at kahit ayaw ni Aedam ay napilitan na rin ito. Nakaupo silang m
HINDI pa rin maka-move on si Aedam sa nawalang singsing. Imagine, nagkakahalaga ito ng twenty thousand pesos at sa isang iglap ay naglaho na parang bula. Pero, balewala naman ang pera, sisiw lang 'yon sa kaniya, ang iniisip lang niya ay walang kapares ang singsing na 'yon. Maganda at simple, kaya nagustuhan niya. Tiyak na magugustuhan rin iyon ni Meadow. Kung bakit naman kasi napakakalat niya at malilimutin pa! "Anong ginagawa mo rito?"Nasa terrace siya ng mansiyon at minamasdan ang tahimik na paligid. Nilingon niya ang nagsalita. Saka'y ngumiti ng pagkatamis-tamis. Ibinuka niya ang dalawang braso habang hinihintay ang paghinto nito sa kaniyang tapat. Naunawaan iyon ni Meadow, agad itong sumilid sa matiponong braso niya."Anong ginagawa mo rito?" ulit na tanong nito. "Hindi ka pa ba inaantok?""May iniisip lang ako." Isiniksik niya ang mukha sa leeg nito at inamoy-amoy na parang bulaklak."What are you thinking, hmm?" Gumanti ito ng yakap, ang mukha ay nakasubsob sa kaniyang dibdib.
MANAKA-NAKANG pagsulyap ang ginagawa ni Aedam sa katabi. Tahimik lang itong nakamasid sa binabagtas nilang daan. Simula nang lumabas sila sa provincial jail ay wala na itong kibo. Aminin man niya o hindi, may kirot siyang naramdaman nang magtanong siya tungkol sa nararamdaman nito para kay Rodolfo. Dalawang taong nakasama ni Meadow ang lalaking 'yon at natatakot siyang isipin na may nararamdaman ito. He sighed. He tried to remove what was bothering his mind. Ngayong bumalik na ang alaala ni Meadow, he has nothing to worry about that. Isa pa'y hindi tunay itong asawa ni Rodolfo. Ang dapat niyang pagtuunan ng pansin ay ang iaalok niyang kasal dito. Sana lang ay pumayag ito. He reached her palm and brought it to his lips. Salubong ang kilay nang tingnan niya si Meadow. Nginitian niya ito. "I love you, my Meadow. You're mine and I'm only yours." Hindi ito tumugon, bagkus ay umawang lang ang bibig. Hanggang sa marating ang lugar na pagtatayuan ng CromX ay hindi na niya binitiwan p
NANGINGINIG at hindi halos maihakbang ni Meadow ang mga paa papasok sa provincial jail. Ang araw na iyon ang itinakda para magkausap sila ni Rodolfo, ang lalaking nagsabing asawa niya, ang lalaking nagpahirap sa kaniya. Kapag sinasaktan siya nito'y halos mawalan na siya ng hininga. "Are you okay?" Nilingon niya ang nagsalita. "A-Aedam..." Nakaantabay lang ito sa likuran niya. "Kung hindi mo pa kaya, huwag mong pilitin. Mahihirapan ka lang. Marami pa namang pagkakataon, e." Hinawakan nito ang nanlalamig niyang palad. Napilitan siyang ngumiti. "Okay lang. Nandito na rin naman tayo, e. Kinakabahan lang talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Kung sisigawan ko ba siya, o sasampalin?" Napahinga ito ng malalim. Ang titig nito'y parang sinusuri siya hanggang sa kailaliman ng kaniyang katawan. "Can I ask you something, baby?" Maang na tumitig siya rito. Bakit biglang may nagrambulan sa kaniyang dibdib? "Y-yes? A-ano 'yon?" nauutal niyang tugon. "Minah
"HEY, what's up, dude!"Sinulyapan ni Aedam ang pinagmulan ng tinig, si Kent at Zeus. Anong ginagawa ng dalawang 'to sa office niya? Wala bang trabaho ang dalawang ito? Kunsabagay, sila nga rin pala ang boss. Hindi na lang siya nagsalita, hinintay na lang niya ang paglapit ng dalawa. "Busy?""Uhm, oo. Kaya kung aabalahin niyo ako, makakaalis na kayo," biro niya. Ilang araw na simula nang lumabas si Avi sa hospital, ilang araw na rin siyang tutok sa trabaho, isa pa ay nalalapit na ang pagpapatayo ng branch ng CromX sa Lucena. Tulad ng ipinangako niya kay Meadow, sasamahan niya papunta roon, kaya ngayon ay hindi na siya umaalis sa kaniyang office."Ang harsh mo talaga," tinig ni Kent, na sinabayan ng pasalampak na upo sa bangkong nasa unahan ng kaniyang mesa.Pinukol lang niya ito ng masamang tingin at muling ibinalik ang atensiyon sa tinatapos na gawain. "Tsk. Zeus, bakit pa pala tayo nagpunta rito? Busy at hindi puwedeng abalahin pala ang tao rito."Napaangat ang kilay niya, sinun
NAKATUNGHAY si Meadow sa harapan ng magarang mansiyon. Ang kanilang anak na kanina pa hindi maubos-ubos ang sinasabi ay hinihila na ang kamay niya papasok. Si Aedam ang nagbitbit ng mga gamit nito at ang mga kaibigan nito'y nauna nang dumating."Mommy, lets go na po. Ipakikila kita kay Yaya Eliza ko and Manang Laura, Ate Danica." Nasa mukha ni Avi ang sobrang kaligayahan. Siya man ay kasiyahan ang nararamdaman. Dalawang taong nawalay sa mahal na anak, pinagsamantalahan ang nawalang memorya niya. Nakaranas ng kalupitan sa hindi kilalang tao and finally, nakabalik na siya. Nakabalik na sa piling ng taong tunay na nagmamahal sa kanya.Hinayaan niya ang anak na hilahin siya. Habang naglalakad papasok ay panay tawag ito. Hindi n'ya tuloy napagmasdan ang paligid. Humantong sila sa kitchen. Malawak ang lugar at kung ihahambing ay para nang isang bahay ng ordinaryong tao. May dalawang mataas na fridge. Maraming cabinet at sa tingin niya'y doon nakalagay ang mga pinggan. "Ate Eliza, she's my
"AEDAM...""Hmmm?""Gusto kong pumunta sa lugar kung saan mo ako nakitang muli."Sinulyapan niya ito. "Bakit?" Kasalukuyan silang nakahiga, ang kanilang anal ay himbing na himbing na, pinagkakasya ang mga katawan sa pang-isahang bed na nasa gilid. Nakaunan ito sa kaniyang braso."Gusto kong makausap si Rodolfo at si Jun-jun na rin." Sinalubong niya ang pag-angat nito ng paningin. "Kaya mo na ba siyang harapin?"Tumango lang ito. Ang mata ay namumungay na nakatitig sa kaniya. Tumagilid siya ng higa paharap dito, idinait ang palad sa mukha at masuyong hinaplos iyon. "Okay. If that's what you want," sang-ayon niya. "Pero sasamahan kita, ha? Ayokong malalagay kang muli sa kapahamakan. Hindi ko na kakayanin pa kung may masamang mangyayari sa iyo." Pagkawika ay hinagkan niya ito sa noo, tungki at bumaba sa labi. Ilang segundo ring naglapat ang labi nila. "I love you!" Hindi naman masamang umamin ng tunay na nararamdaman, hindi ba? Wala naman itong boyfriend, hindi tunay na fiance si Rey
HINDI makapaniwala si Aedam sa nalaman. Ikinuwento ni Meadow ang buhay nang maliit pa ito. "Ikaw ang babaing 'yon?" Ang mata ay namimilog na. Tumango si Meadow. "Ako nga," anito at saka'y payak na ngumiti. Umawang ang kaniyang bibig. Kakikitaan siya ng gulat at pagkamangha. Matagal na pala siya nitong kilala at siya... heto't hindi nakilala ang batang naging parte ng kanilang buhay. Matagal na rin itong hinahanap ng kaniyang ama. "Ako ang batang sinabihan mo na ingatan ko ang mata ng 'yong ina, dahil kapag hindi, kukunin mong muli ito sa akin. Naalala mo ba... umiyak pa ako matapos mong sabihin 'yon sa akin--" "Sinabi ko rin na, binibiro lang kita. At kapag hindi ka tumigil ay hahalikan kita," dugtong niya. Naalala niya na hinanap niya ang babaing pinagsalinan ng mata ng kaniyang ina. Kahit ayaw pumayag ng doktor ay nagpumilit siyang malaman kung sino iyon. Nakita niya ito sa dulo ng hospital. Doon niya ito tinakot. Hindi niya ipinagtapat sa ama na nakilala niya ang batang