KUYOM ang kamao ni Drake habang nakamasid sa batang wala pa ring malay. Hindi na siya nakapagtanong sa guard kung ano ang nangyari kay Avi dahil nataranta na siya. Naabutan niyang nakaupo ito sa labas ng school. Inaapoy ng lagnat, nanginginig ang katawan, at para bang may kinakatakutan. Sa sobrang taranta ay isinugod niya ito sa hospital. Bago makatulog ang bata ay may sinasabi ito, pero hindi niya maintindihan. Tinatawagan niya si Aedam, pero out of coverage ang phone nito. Si Tyron ang na-contact niya. Ipinaalam niya rito ang nangyari sa bata. Humakbang siya palapit at huminto sa gilid ng hospital. Inapuhap ang palad, at masuyong hinaplos 'yon. Ang isa nitong kamay ay may nakakabit na dextrose. Huwag naman sanang may malubhang karamdaman ang bata. Napamahal na ito sa kaniya. Itinuring na tunay na anak. Si Avi ang batang nagmulat sa mata nilang magkakaibigan, lalo na kay Aedam. Noon, sinasabi niyang palalakihin ito't pakakasalan, but that's only joke. Hindi niya magagawa ang bagay
HINDI iniwan ni Aedam si Daphne, pansamantala ay doon siya matutulog. Kahit gusto na niyang umuwi para makapiling ang anak ay minabuti niyang mag-stay pa sa condo. Isa pa, nangangamba rin siya nang muling makita si Brenda. Alam niyang hindi lang doon matatapos ang pagkikita nila, at dapat lang na protektahan niya ang dalaga, dahil dala nito ang mukha ni Meadow. Dapat din siyang maging handa, para sa susunod na mangyayari. Kung sakali mang makita ito ni Brenda. Pinili niya ang condong kinaroroonan para masigurong ligtas ito, bukod sa may guard ay puno pa ng CCTV ang paligid. Kahit papaano ay makakapante siya. Gumawi ang paningin niya sa nakapinid na kuwarto. Iisa lamang ang silid, kaya sa pahabang sofa siya matutulog. Maging ang banyo ay iisa rin na nasa loob ng room. Hinihintay lang niyang lumabas sa banyo ang dalaga, dahil balak din niyang maglinis ng katawan. Mataman niyang iniisip ang sinabi nitong hindi nagsasama sa iisang higaan ang dalawa. Kung totoo man ang sinabi ni Rodol
HINDI mapakali si Tyron sa silid. Mag-isa na siya ngayon sa room, unconscious pa rin si Avi, at ang dam*hong nitong ama ay hindi pa rin niya ma-contact. Gusto na niyang ibato ang cellphone sa sobrang inis sa kaibigan. "Aedam, bakit ngayon pa? Bakit ang may asawa pa ang pinatos mo? Ano bang nangyayari sa 'yo?" gigil niyang sabi na para bang nasa harapan ang kaibigan. Patuloy niyang tinatawag-tawagan ang number ni Aedam, nahinto lang nang bumukas ang pintuan. Pumasok si Damian. Nasa mukha nito ang sobrang pag-aalala. Agad nitong nilapitan si Avi. Sinabi na niya ang result ng tests dito, at nakausap na rin naman niya ang doktor na tumingin sa bata. Pangkaraniwang lagnat lang ang nangyari rito. Hindi na lang niya ipinaalam ang sinabi ni Drake na nasa labas ito ng school, dahil tiyak na mag-aalala ito nang husto."Thanks God, okay naman pala ang aking apo." Umupo ito sa bangkong nasa gilid ng higaan ni Avi. "May isa lang ho tayong problema, tito." Humarap ito sa kaniya at sinalubong
HINDI dalawin ng antok si Aedam. Nakipagtapatan siya ng titig sa ceiling. Hindi maalis sa isipan niya ang sinabi ni Daphne. Mahal nito ang pamilya. At malamang na kasama roon si Rodolfo. Marahas na buga ng hangin ang pinakawalan niya. Nagkamali ba siya ng ginawang pagtulong dito? Malamang, oo ang sagot. Pumasok siya sa isang gusot... gusot na pampamilya. Dapat ba niyang ibalik na ito sa asawa? O, hindi lang niya matanggap na tinanggihan siya nito? Mariin siyang pumikit at pilit na inalis ang gumugulo sa isipan. Nakuha niya ang pakay sa mga Hidalgo, bahala na si Daphne kung ano ang magiging desisyon niya. May bahagi ng kaniyang puso ang nanghihinayang, pero iyon ang tama. Hindi ito si Meadow. May asawa't anak na ito. Malalim na sa gabi nang lamunin siya ng antok. Dumaan sa kaniyang panaginip si Meadow. Buhay ito. Kasama ang kanilang anak, at kapwa tumatawa. Sa pagmulat niya'y nanunubig ang kaniyang mata. Kakaibang sikdo rin sa dibdib ang nararamdaman niya. Bumangon siya'
"ANAK..." "Yes po, Mommy. Mommy, okay lang po ba kayo?" Okay lang si Mommy, baby. Huwag mo akong alalahanin. 'Di ba, strong tayo?" "Opo. Pero, bakit ka po umiiyak? Nag-away na naman po ba kayo ni Tita Ninang dahil sa akin?" Naguluhan si Daphne. Kitang-kita niya ang batang babae, umiiyak habang kausap sa phone ang tinatawag nitong mommy. Hindi niya alam kung nasaan siya. Pero sa tingin niya'y nasa office siya. Anong ginagawa niya roon? Papaanong napunta siya sa lugar na 'yon? "No, baby. Uhm, napuwing lang si Mommy. 'Nak, ingatan mo ang 'yong sarili, ha! Lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita. Aksidente man ang pagdating mo, pero ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko." Naka-loudspeaker kaya naririnig niya ang pinag-uusapan ng dalawa. Napasulyap siya sa batang babae. Hindi niya mawari kung bakit nasasaktan siya lalo na nang makitang umiyak ito. "Mommy, mahal na mahal po kita." Nagsalpukan ang kilay niya. Bakit parang pamilyar siya sa nakikita? Para bang nangyari rin 'yo
NANGINGINIG ang kamay ni Aedam habang hinahanap ang number ng cellphone na ibinigay kay Daphne. Nagsisimulang nang mabuhay ang inis niya. Hindi mahanap ang number nito, pero alam niyang na-i-save niya iyon bago siya umalis sa condo. "Bullshit! Hindi ko mahanap."Inagaw ni Jack ang cellphone niya, at isa-isang tiningnan ang nasa screen. "Kaninong number ba ang hinahanap mo?""S-sa babaing kasama ko," walang lakas niyang tugon.Bumaling siya sa anak na nahihimbing. Lumapit siya't hinagkan ito sa noo. Masuyo ring hinaplos ang pisngi nito."I'm sorry, 'nak. Hinayaan kong bugbugin niya ang iyong ina, but I promise, ibabalik ko sa iyo si Meadow, 'nak. Makakasama mo na siyang muli.""What did you say, Aedam?" Naguluhan si Tyron sa narinig na sinabi niya.Pero, sa halip na tugunin ay mabilis niyang kinuha ang phone kay Jack."Kayo na muna ang bahala sa anak ko. May aayusin lang ako.""Na naman!" singhal ni Drake. "You're going to leave again? Iiwan mo na naman ang anak mo?""Pupuntahan ko l
HINDI na halos humihinga si Aedam habang sakay sa sasakyan ng kaibigan. Wala silang sinayang na sandali nang malaman nilang wala na sa condo si Daphne, agad silang bumyahe patungo sa lugar kung saan niya unang nakita ito bilang asawa ni Rodolfo. "Ha**p ka, Rodolfo!" hiyaw niya sa isipan. "Sa oras na magkaroon muli ng pasa si Meadow, hindi lang suntok ang igaganti ko sa iyo." Ang kaniyang mata ay nanlilisik sa sobrang galit. Kinapa niya ang cellphone na nasa bulsa ng suot na pantalon. Hinanap ang number ni Ramon, at idi-nial iyon. "Sinong tinatawagan mo?" pukaw ni Jack. "Si Ramon, kapatid ni Rodolfo." "Why would you call him?" Inagaw nito ang cellphone niya at mabilis na pinindot ang end button niyon. "Ipaaalam mo ba na darating tayo? Are your out of your mind, Aedam?" sermon nito. Ngangang napatitig siya sa kaibigan. "Why?" "Seriously, Aedam? Tinatanong mo pa talaga kung bakit? Nawala ba ang utak mo?" Nahulaan na niya kung bakit ganoon ang reaksiyon ng kaibigan niya.
NARATING nila ang bayan ng Lucena. Itinuro niya kay Jack ang daan papasok sa lugar ng mga Hidalgo. Papalapit na siya kay Meadow, at ang puso niya'y lumulundag sa sobrang kaba. Maniwala kaya ito sa kaniya? Tanggapin kaya siya nito? Isang malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan. Habang umuusad ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya. Nakapasok na sila sa lupain ng mg Hidalgo. Nararaanan na nila ang kabahayan. Pinagtinginan sila ng mga tao pero hindi na niya binigyang-pansin. Nasa bakuran na sila ng malaking bahay. Natanaw nilang nag-aayos ng gamit si Jelly sa terrace, mukhang lilisanin na ang bahay ng mag-asawa. Nagsimula na namang manginig ang katawan niya habang lumalabas, si Jack ay minabuting mag-stay muna sa loob ng sasakyan dahil may tinawagan ito. Makikita na niyang muli si Meadow. Iisa lang ang hiling niya, sana ay paniwalaan siya at sumama sa kaniya pabalik sa tunay nitong tahanan. Sinalubong sila ng ginang. Nakaguhit ang matinding gulat sa mukha, nandoon din ang
HINDI ipinaalam ni Meadow kay Aedam ang tungkol sa na-receive niyang text message. Ayaw na niyang mag-isip ng kung anu-ano, isa pa'y ayaw na rin niyang mabahala ang kaniyang fiance. Gusto niyang sumaya ang kanilang buhay. At kung sinuman ang nag-text sa kaniya, sisiguraduhin niyang hinding-hindi iyon mangyayari. Kasalukuyan niyang sinusuri ang kaniyang wedding gown, simple lang ito. Kahit anong udyok ng kaniyang isipan na suotin iyon ay hindi niya ginawa. Naniniwala siya sa pamahiin. Yari sa mamahaling tela ang isusuot niya, nagtalo pa sila ni Aedam kung bakit iyon ang pinili nito. Okay na sa kaniya 'yong simple lang.Ilang beses niyang pinasadahan ng malalantik na daliri ang tela. Mas malambot pa sa kamay niya. Nang walang anu-ano'y may matinis na boses siyang narinig."Mommy..." Nilingon niya ito. Tumatakbo palapit sa kaniya, ngunit unti-unti ring bumagal nang makita ang gown na naka-display. Kita niya ang pagkamangha sa mukha ng anak."Wow, mommy, ang ganda po!" buong paghangang
HINDI mapuknat-puknat ang nakaukit na ngiti sa labi ni Meadow at pinakatitigan n'ya rin ang suot na engagement ring. Kagabi lang ay nag-propose si Aedam at ngayon ay bumili ito ng singsing. "Ang ganda po, mommy!" buong paghangang sambit ni Avi. Ang mata nito'y nangingislap na nakatutok sa suot niyang singsing."Nagustuhan mo ba, anak?""Opo." Nakangiti itong tumitig sa kanya. "I love you so much, mommy.""I love you more, anak."Yumakap ito sa kaniya. Mas tuwang-tuwa pa ang anak niya sa nalalapit nilang kasal ni Aedam. At humihirit pa ito, gusto na raw ng kapatid. Sa loob ng dalawang buwang paghahanda para sa nalalapit na pag-iisang dibdib ay naging abala si Meadow. Sa kaniya ibinigay ni Aedam ang pangangasiwa sa kanilang kasal. Siya ang naglilista ng pangalan na kanilang magiging bisita. Siya rin ang humanap ng mag-ca-cater. Ilang araw bago sumapit ang kanilang kasal ay may tao siyang binisita, isinama niya si Avi at kahit ayaw ni Aedam ay napilitan na rin ito. Nakaupo silang m
HINDI pa rin maka-move on si Aedam sa nawalang singsing. Imagine, nagkakahalaga ito ng twenty thousand pesos at sa isang iglap ay naglaho na parang bula. Pero, balewala naman ang pera, sisiw lang 'yon sa kaniya, ang iniisip lang niya ay walang kapares ang singsing na 'yon. Maganda at simple, kaya nagustuhan niya. Tiyak na magugustuhan rin iyon ni Meadow. Kung bakit naman kasi napakakalat niya at malilimutin pa! "Anong ginagawa mo rito?"Nasa terrace siya ng mansiyon at minamasdan ang tahimik na paligid. Nilingon niya ang nagsalita. Saka'y ngumiti ng pagkatamis-tamis. Ibinuka niya ang dalawang braso habang hinihintay ang paghinto nito sa kaniyang tapat. Naunawaan iyon ni Meadow, agad itong sumilid sa matiponong braso niya."Anong ginagawa mo rito?" ulit na tanong nito. "Hindi ka pa ba inaantok?""May iniisip lang ako." Isiniksik niya ang mukha sa leeg nito at inamoy-amoy na parang bulaklak."What are you thinking, hmm?" Gumanti ito ng yakap, ang mukha ay nakasubsob sa kaniyang dibdib.
MANAKA-NAKANG pagsulyap ang ginagawa ni Aedam sa katabi. Tahimik lang itong nakamasid sa binabagtas nilang daan. Simula nang lumabas sila sa provincial jail ay wala na itong kibo. Aminin man niya o hindi, may kirot siyang naramdaman nang magtanong siya tungkol sa nararamdaman nito para kay Rodolfo. Dalawang taong nakasama ni Meadow ang lalaking 'yon at natatakot siyang isipin na may nararamdaman ito. He sighed. He tried to remove what was bothering his mind. Ngayong bumalik na ang alaala ni Meadow, he has nothing to worry about that. Isa pa'y hindi tunay itong asawa ni Rodolfo. Ang dapat niyang pagtuunan ng pansin ay ang iaalok niyang kasal dito. Sana lang ay pumayag ito. He reached her palm and brought it to his lips. Salubong ang kilay nang tingnan niya si Meadow. Nginitian niya ito. "I love you, my Meadow. You're mine and I'm only yours." Hindi ito tumugon, bagkus ay umawang lang ang bibig. Hanggang sa marating ang lugar na pagtatayuan ng CromX ay hindi na niya binitiwan p
NANGINGINIG at hindi halos maihakbang ni Meadow ang mga paa papasok sa provincial jail. Ang araw na iyon ang itinakda para magkausap sila ni Rodolfo, ang lalaking nagsabing asawa niya, ang lalaking nagpahirap sa kaniya. Kapag sinasaktan siya nito'y halos mawalan na siya ng hininga. "Are you okay?" Nilingon niya ang nagsalita. "A-Aedam..." Nakaantabay lang ito sa likuran niya. "Kung hindi mo pa kaya, huwag mong pilitin. Mahihirapan ka lang. Marami pa namang pagkakataon, e." Hinawakan nito ang nanlalamig niyang palad. Napilitan siyang ngumiti. "Okay lang. Nandito na rin naman tayo, e. Kinakabahan lang talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Kung sisigawan ko ba siya, o sasampalin?" Napahinga ito ng malalim. Ang titig nito'y parang sinusuri siya hanggang sa kailaliman ng kaniyang katawan. "Can I ask you something, baby?" Maang na tumitig siya rito. Bakit biglang may nagrambulan sa kaniyang dibdib? "Y-yes? A-ano 'yon?" nauutal niyang tugon. "Minah
"HEY, what's up, dude!"Sinulyapan ni Aedam ang pinagmulan ng tinig, si Kent at Zeus. Anong ginagawa ng dalawang 'to sa office niya? Wala bang trabaho ang dalawang ito? Kunsabagay, sila nga rin pala ang boss. Hindi na lang siya nagsalita, hinintay na lang niya ang paglapit ng dalawa. "Busy?""Uhm, oo. Kaya kung aabalahin niyo ako, makakaalis na kayo," biro niya. Ilang araw na simula nang lumabas si Avi sa hospital, ilang araw na rin siyang tutok sa trabaho, isa pa ay nalalapit na ang pagpapatayo ng branch ng CromX sa Lucena. Tulad ng ipinangako niya kay Meadow, sasamahan niya papunta roon, kaya ngayon ay hindi na siya umaalis sa kaniyang office."Ang harsh mo talaga," tinig ni Kent, na sinabayan ng pasalampak na upo sa bangkong nasa unahan ng kaniyang mesa.Pinukol lang niya ito ng masamang tingin at muling ibinalik ang atensiyon sa tinatapos na gawain. "Tsk. Zeus, bakit pa pala tayo nagpunta rito? Busy at hindi puwedeng abalahin pala ang tao rito."Napaangat ang kilay niya, sinun
NAKATUNGHAY si Meadow sa harapan ng magarang mansiyon. Ang kanilang anak na kanina pa hindi maubos-ubos ang sinasabi ay hinihila na ang kamay niya papasok. Si Aedam ang nagbitbit ng mga gamit nito at ang mga kaibigan nito'y nauna nang dumating."Mommy, lets go na po. Ipakikila kita kay Yaya Eliza ko and Manang Laura, Ate Danica." Nasa mukha ni Avi ang sobrang kaligayahan. Siya man ay kasiyahan ang nararamdaman. Dalawang taong nawalay sa mahal na anak, pinagsamantalahan ang nawalang memorya niya. Nakaranas ng kalupitan sa hindi kilalang tao and finally, nakabalik na siya. Nakabalik na sa piling ng taong tunay na nagmamahal sa kanya.Hinayaan niya ang anak na hilahin siya. Habang naglalakad papasok ay panay tawag ito. Hindi n'ya tuloy napagmasdan ang paligid. Humantong sila sa kitchen. Malawak ang lugar at kung ihahambing ay para nang isang bahay ng ordinaryong tao. May dalawang mataas na fridge. Maraming cabinet at sa tingin niya'y doon nakalagay ang mga pinggan. "Ate Eliza, she's my
"AEDAM...""Hmmm?""Gusto kong pumunta sa lugar kung saan mo ako nakitang muli."Sinulyapan niya ito. "Bakit?" Kasalukuyan silang nakahiga, ang kanilang anal ay himbing na himbing na, pinagkakasya ang mga katawan sa pang-isahang bed na nasa gilid. Nakaunan ito sa kaniyang braso."Gusto kong makausap si Rodolfo at si Jun-jun na rin." Sinalubong niya ang pag-angat nito ng paningin. "Kaya mo na ba siyang harapin?"Tumango lang ito. Ang mata ay namumungay na nakatitig sa kaniya. Tumagilid siya ng higa paharap dito, idinait ang palad sa mukha at masuyong hinaplos iyon. "Okay. If that's what you want," sang-ayon niya. "Pero sasamahan kita, ha? Ayokong malalagay kang muli sa kapahamakan. Hindi ko na kakayanin pa kung may masamang mangyayari sa iyo." Pagkawika ay hinagkan niya ito sa noo, tungki at bumaba sa labi. Ilang segundo ring naglapat ang labi nila. "I love you!" Hindi naman masamang umamin ng tunay na nararamdaman, hindi ba? Wala naman itong boyfriend, hindi tunay na fiance si Rey
HINDI makapaniwala si Aedam sa nalaman. Ikinuwento ni Meadow ang buhay nang maliit pa ito. "Ikaw ang babaing 'yon?" Ang mata ay namimilog na. Tumango si Meadow. "Ako nga," anito at saka'y payak na ngumiti. Umawang ang kaniyang bibig. Kakikitaan siya ng gulat at pagkamangha. Matagal na pala siya nitong kilala at siya... heto't hindi nakilala ang batang naging parte ng kanilang buhay. Matagal na rin itong hinahanap ng kaniyang ama. "Ako ang batang sinabihan mo na ingatan ko ang mata ng 'yong ina, dahil kapag hindi, kukunin mong muli ito sa akin. Naalala mo ba... umiyak pa ako matapos mong sabihin 'yon sa akin--" "Sinabi ko rin na, binibiro lang kita. At kapag hindi ka tumigil ay hahalikan kita," dugtong niya. Naalala niya na hinanap niya ang babaing pinagsalinan ng mata ng kaniyang ina. Kahit ayaw pumayag ng doktor ay nagpumilit siyang malaman kung sino iyon. Nakita niya ito sa dulo ng hospital. Doon niya ito tinakot. Hindi niya ipinagtapat sa ama na nakilala niya ang batang