indi na siya nakapasok sa kuwarto. Sa sopa na lang siya nakatulog. Kinabukasan, pagdating sa opisina, si Geneva kaagad ang hinarap ni Xander. Seryoso siya ng umagang iyon. Wala siyang kangiti-ngiti na pumasok at wala din siyang binati ni isa man sa kanila. He is not in good mood today lalo na sa nalaman niya. “See me in my office.” Sabi niya at ibinaba ang telepono. Saglit pa ay dumating na ang babae. Maganda ang pananamit nito at naaalala niyang bigla si Lily. Napangiti tuloy siya. Malaki ang ipinagbago ni Geneva. Napansin niya ang kanyang relo na isang limited edition ng Philip Stein. Nagsusuot na rin siya ng ilang piraso ng alahas at ang kanyang daliri ay may magandang singsing. She was totally transformed into another person physically and behaviourally. “You looked good, Miss Geneva. I like that.” “Sana po magustuhan na rin po ninyo ako sa susunod.” Dinig na dinig niyang sabi ng babae. “What?” “Ay wala po, Sir. Ano pong balita? Bakit po may abogado dito kahapon?” Tinitigan
Hindi mabawi ni Victoria ang kanyang ngiti sa harap ni Xander lalo pa’t kaharap din ang kanyang ama. “Meet my lovely daughter, Victoria meet Xander.” Hindi siya makapaniwala, kahawig siya ni Victoria, ang dati niyang sekretarya. Malaki lang ang kanilang pagkakaiba. Mas confident siya at may sinasabi pero actually parang pareho lang sila. Ah, ang buhok nila. Kulot – kulot na blonde ang buhok ni Lily at ang babaeng kaharap ko ay may long black shiny hair. “Xander my bestfriend, meet Victoria. I have been wanting to introduce you to this man here. Kaya lang, masyadong mailap eh! Victoria, meet Alexander. Alexander, meet my Victoria.” Titig na titig pa siya sa kanya. “Hello there, Sir. Nice meeting you, Mr. Yu.” Siya mismo ang kumuha ng kamay ni Xander. Natulala siya sa ginawa ni Victoria. Dumagundong ang dibdib niya at tinambol ang kanyang puso sa sobrang kaba. “Ha a e, hi!” Iyon lang ang nasabi ni Xander. Nakatingin lang sa kanya si Mr. Newman at napapangiti sa naging reaksyon ng ka
Ngunit nasorpresa rin si Victoria. Inasahan na niya na may counter attack na gagawin si Xander. Natanggap niya ang video na iyon habang nagliligpit na siya ng kanyang gamit. Maaga siyang uuwi dahil wala siyang balak makipag-date kay Xander kahit highly recommended pa siya ng kanyang papa. Naitaob niya ang kanyang cellphone. Naalala niya ang araw na iyon kung paano siya niloko ng kapatid. Lalo siyang nawalan ng ganang harapin si Xander. Sa tingin pa lang sa kanya ng lalaki, alam na niya ang naglalaro sa isipan nito. Sa kabilang banda, naisip niyang posibleng pakana rin ito ng kanyang ate Victorina. Nakabalik na sila ngunit hindi rin siya nagpaparamdam. She knows how her sister pick on her. This is how billionaires play their game. “Hindi muna ngayon Victoria. I’ll let you be. Take your time. Konting panahon pa at sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang ganti ko sa iyo, Victoria. Napaniwala mo ang lahat na ikaw ang nawalan samantalang inagaw mo sa akin si Xander. I hate you! I –
Tinitigan niya ang dalaga at naramdaman ni Victoria ang biglang pag-init ng kanyang pakiramdam na tila nag-aapoy ang kanyang pisngi. Napabuga siya ng hangin. “Victoria, Victoria, Victoria!” “WHAT?” “Alam na ba ni Tito Val na magkakilala tayong dalawa?” Namilog ang mga mata ni Victoria sa kanyang pagkadismaya sa kausap. “Bakit parang namumula ka?” “Tsss, namumula ako?” Hindi makapaniwala si Victoria sa sinabi ng binatang CEO. Kakaiba ang ngiti ni Xander sabay-basa ng kanyang labing mamula-mula. “Daniel bought it for millions, Victoria.” seryosong sabi niya. Tumingin siya sa malayo. “Then I’ll get it by myself. Anong puwede kong ibigay na katumbas ng miyon na iyon?” “Are you crazy? Ipaubaya mo na lang ang mga artworks na iyon. Gumawa ka na lang ulit ng bago.” “You think na ganoon na lang kadaling ipaubaya ang mga iyon. Regalo ko iyon para kay Papa. I’ll see both of you in court.” “Hindi ba puwedeng huwag na tayong humantong sa korte.” Nakikiusap ang mukha ni Xander. “Baka puwed
Hindi nakialam si Ella sa naririnig niyang diskusyon ng mag-ama. Pinagpapaliwanag niya ang anak kumbakit kailangang magkaroon ng asunto mula sa RTC si Xander dahil sa plagiarism. “Sana ay kinunsulta mo muna ako para napaimbestigahan natin.” “Are you taking his side?” “Xander is my most trusted person in Newman Company more than Victorina. Siya ang tumulong sa akin para hindi tuluyang malubog ang kompanya sa utang.” “Kaya po ba ninyong ipapakasal si Ate kay Xander?” “Victorina…” Unti-unting makikilala ni Valdemor ang kanyang bunso. Sa pagiging abala niya sa trabaho ay hindi na niya halos kilala ang anak. Wala siyang inatupag kundi mag-business trip dahil mag-isa niyang itinataguyod ang kanilang negosyo. Maayos naman ang pag-aaral ni Victoria sa Pilipinas ngunit sa kung anong kadahilanan ay bigla siyang nakiusap na mag-aral sa Amerika. “Papa, ako na lang ang gawin mong sekretarya paglaki ko para palagi tayong magkasama.” “Mag-aral ka ng mabuti, Victoria. I want you to be the nex
Sa kabila ng pagtataka ng mga magulang ay natuloy ang civil wedding nina Daniel at Victorina. Malaki ang pagkakaiba nito sa dating kasal na tinakasan niya kay Xander. Hindi naman nagreklamo si Victorina. Sumunod siya sa kagustuhan ni Daniel. “Sigurado ka ba sa plano mo, Pare?” “Siguradong-sigurado ako na patay na patay sa akin si Victorina. Susunod siya sa mga ipag-uutos ko sa ayaw at sa gusto niya,” paniniguradong tugon ni Daniel sa matalik niyang kaibigan na si Rodman Vergara. Isang malaking construction firm ang hawak nito na siyang dahilan nang muntikan ng pagbagsak ng Shin Construction Company ni Leuwan. “Congratulations, Pare. Mukhang napasaiyo na ang alas ni Xander. Ibig sabihin ba nito ay magkakaroon ng tie up ang Newman Company at D&G Textile?” “Iyan ang isusunod ko, Pare. Actually, that’s a big decision to make. Malakas na bulung-bulungan na kaya ipapakasal ni Sir Val si Victorina kay Xander ay upang iahon ito sa bankruptcy. Handa ka ba?” “Matagal na ring kilala ang New
Wala sa sarili si Victoria matapos ang kanilang sagutan ni Xander. Minabuti niyang itaboy na lang kaagad ang binata dahil masusukol na siya. Hindi siya makapaniwala na all this time, Dr. Jang was Xander’s sister. Siya daw ang pinakapanganay na babae sa lahat. Napahawak sa magkabilang pisngi si Victoria. Maliit lang ang mundo tulad ng pagtatagpo nilang muli ni Xander. Hindi pa nga niya lubusang pinaniniwalaan ang lahat. “Oh my ghad! Anong gagawin ko dito kay Xander? He is totally insane and troublesome.” Gigil na gigil si Victoria. Hindi tuloy siya makapag-concetrate sa kanyang ginagawa. Bandang tanghali ay saka lang siya nahimasmasan at naiwaksi niya ang anumang alalahanin dahil sa nangyari ng umagang iyon. Marami siyang pending na trabaho dahil sa ginawa ni Xander. Sa sobrang kaabalahan ay hindi na niya namalayan ang oras. Napahinto siya ng marinig niya ang katok sa pinto. Nagbukas ito at nilapitan siya ni Lucresia. “Ma’am, uuwi na rin po ako.” “Sure, no problem!” “Uhm, Ma’am…”
Hindi makapaniwala si Victoria na matapos nilang magkita ng kanya ate makalipas ang ilang taon ay mapagmatigas pa rin ang babae. “Binayaran niya ng malaking halaga iyon.” “This is business, Ate Victorina. Pinagkakitaan rin niya ang mga disenyong nasa loob niyon ng hindi man lang niya iniisip kung sino ang may-ari noon. It was for Papa. If you want, give back my sketchbook. Iuurong ko ang demanda. Ganoon lang kasimple.” “Ako pa ang uutusan mo? Paano kong hindi ko gawin?” “For sure, pag-iinitan ka ni Daniel. He has vested interest in our company. Inisip niyang malaki ang mapapakinabanangan niya kaya ka siguro niya pinakasalan. Sana ay nagpakasiguro ka na kay Xander para mabayaran ang lahat ng utang mo sa kompanya. TInakasan mo si Xander at ipinain mo ako sa kanya, para makatakas sa responsibilidad bilang panganay? Besides, malay ko ba kung ipinakilala mo ang iyong sarili as the Presdient of our company.” Natigilan si Victorina. “I knew it!” Biglang natawa si Victoria. “SHUT UP!” “H
Kaya ang pag-aasawa ay parang biyahe lang talaga. Minsan, may nauuna sa biyahe at mayroon namang nagpapa-last trip. May mga taong hindi naman nagmamadali pero susunod na lang o ‘di kaya naman ay hahabol na lang. Mahuli man daw sa biyahe ay makakabuo pa rin naman ng pamilya. Iyon ang mahalaga. Xander’s life started the day Victoria cross each other’s path even in the most unimaginable way. There is a reason why they have to meet again. He met several women but nothing compares to the young Newman. Hinangaan naman talaga noon si Xander ang kanyang Economics Professor. He was a graduating student by then. Hindi naman niya niligawan ang batam-bata pa noong teacher niya, si Miss Grace. Mahiyain at soft-spoken ang batang propesora. Si Xander lang ang tutok na tutok na nakikinig sa kanya. She never raises her voice. She always smiles and very calm ang kanyang boses that Xander would even dose off. Hindi niya namalayan, na silang dalawa na lang sa classroom. Hinintay pa siya ng guro na magi
Pinalapit ng pari sina Xander at Victoria sa mismong altar upang pumirma sa kanilang tipan sa Diyos. Isang sagradong kasunduan sa hapag ng Panginoon na sila ay magsasama sa hirap at ginhawa, sa sakit o kalusugan hanggang kamatayan ang maghiwalay sa kanilang dalawa. “This is what it feels to be under God’s grace, receiving his blessings through the sacraments. Thank you, Lord!” Tahimik na usal ni Xander ng mapatingala siya sa malaking krus. “Pasalubungan natin ng masigabong palakpakan sina Mr and Mrs. Alexander Damien Yu.” Walang pagsidlan ng tuwa ang bagong kasal at ang lahat ng dumalo matapos ang buong seremonya. Binati sila ng lahat ng nandoon ng malakas na palakpakan at humiling ng halik mula sa sa kanila. Hindi naman nila binigo ang kanilang mga bisita. Tuluyang bumalon ang luha sa mata ng dalawa. “I can’t believe it, Xander.” “This is our new beginning, Victoria.” Luhaan silang pareho. “Akala ko talaga ay tuluyan ka nang mawawala sa akin. Ah, Lord! Salamat!” “Thank God!” L
Pili lang ang mga bisita sa kasalang Newman - Yu. Sino ang makapagsasabi na ang sanggol na ipinanganak noong araw ding maaksidente si Xander at ang mga magulang niya ay nagbigay sa kanya ng panibagong pag-asa. He never told them one thing. “Xander, napakabait mo talaga!” “Salamat po, Tita.” “Gusto ko din sanang magkaroon ng anak na lalaki na kasing pogi at kasimbait mo.” “Kung may anak lang po kayo eh, siya na ang pakakasalan ko para maging mama ko na rin po kayo.” tugon ng lalaki. Buntis na noon si Cecilia. Nagulat na lang siya ng muli silang dumalaw sa kanya. Malaki na ang tiyan ng babae. “Xander, puwede mo bang ingatan ang anak ko kapag lumabas siya?” Nilapitan siya ng binatilyo at kinuha ni Cecilia kamay niya saka inilagay sa kanyang tiyan. Naka-total bed rest daw siya dahil delikado ang kanyang pagbubuntis. “Po?” “Babae ang magiging anak namin ng Tito Val mo. I like you for my Victoria to be his husband.” “Hala, Tita, mabuti po ba kung magugustuhan niya ako paglaki bala
Gustong magsisi ni Victoria sa kanyang mga ginawa. Hindi kasi niya naiintindihan ang lahat. Hindi naman nagalit si Xander sa kanya bagkus ay naawa siya para pahirapan ng ganoon. “Sigurado ka bang ikakasal tayo bukas? What about our reception and the entourage?” “It’s all done, my darling. I handled every tiny details for you. Ayokong ma-stress ka but I am so sorry to make you angry and worry. Mahal na mahal kasi kita kaya sinunod ko lang ang mahigpit na bilin ni Papa. In this way, I’d be able to redeem myself from having you disgraced for the first time. I never meant to play a game with you. I am not a great pretender infront of you. I really love you, Victoria.” “Oh, Xander!” Nasa gitna ng pagmumuni-muni si Victoria habang mahigpit niyang niyakap ang unan at inamoy ang pabango ni Xander ng bigla siyang mapabalikwas sa kanyang kinahihigaan. Pagkaalis na pagkaalis ni Xander ay nagulat siya sa sopresang inihanda ng mga kapatid ng kanyang fiance. All of them bought gifts for Victori
“I think so!” “Maalala pa kaya niya ang mga sinabi niya?” Napangiti lang si Xander dahil naaalala niya ang nangyari. Hindi na nakapasok si Victoria kinabukasan dahil sa dami ng nainom niya. Wala na ang magkakapatid na Yu. Umuwi na rin si Xander. Hindi niya alam kung anong nangyari. Lumabas siya ng kuwarto at nakitang naglalaro ang kambal sa bakuran. Nandoon din ang Mama at Papa niya. Lumabas siya para halikan ang mga bata at nilapitan na siya ni Ella. “Gising ka na pala. Do you want to eat?” Nagmamadaling umiwas ang babae ngunit hinila siya ni Ella sa kusina. “Let’s go out, Victoria. Gusto ko sanang mag-window shopping.” “Sige po. Tayo lang po ba o isasama natin si Papa at ang mga bata?” “Kung gusto mo…” Tumango siya. Tahimik na lang si Victoria. She doesn’t feel well that day. Masakit ang ulo niya sa hang-over. Hindi niya mapahindian ang ina na minsan lang magyaya sa kanya. Madalas nila iyong gawin kapag wala siya sa mood. Either, ibinubuhos niya sa pagkain o pagbili ng kung an
Kinabukasan ay maaga silang nagsalu-salo sa almusal. Hindi na nakaiwas si Victoria sa good morning kiss ni Xander. Hindi pa rin siya umimik. Hinayaan lang niya ang binata. “I’ll fetch you by six.” “Medyo busy ako eh. Huwag na lang.” “I said 6pm.” “I said I’m busy. Nakikinig ka ba sa akin?” “Okay, fine! Pero kapag mag-asawa na tayo, hindi na puwede ang ganyang sagot mo sa akin. Kapag sinabi kong susunduin kita ng 6pm, I’d be there before six and don’t keep me waiting.” “Kung magiging asawa mo ako?” “Victoria!” “Bakit, Mr. Alexander Damian Yu? Anong drama mo? Bakit mo ako susunduin ng bandang six? Ano? Tapos mo na akong paglaruan? Tsss!” “Hanggang dito ba naman sa pagkain eh magsasagutan kayong dalawa! Victoria!” “Sorry, Pa.” Yumuko ng tingin ang babae. “Wala ka nang pinipiling lugar!” "Kumain ka ng mabuti kung marami kang gagawin ngayon. You need that. Una na ako.” At nagdikit ang kanilang mga labi. “Victoria, okay ka lang ba?” tanong ni Ella. Halatang hindi siya masyadong
“OO bakit? Inggit ka sa buhok ko,” pagtataray niya. “Victoria!” sigaw ni Xander. Halos kaladkarin siya ni Xander. Na-hold siya sa Management Room for questioning. “Ano bang problema mo? Nakakahiya sa management.” sabi ni Xander. Mahigpit na hinawakan ni Xander si Victoria sa braso. “Pasensiya na sa abala.” Nagmamadaling umalis ang dalawa sa opisina. “Aray, nasasaktan ako!” Pinindot ng lalaki ang password pero tinakpan pa niya ito at hindi ipinakita sa babae. “Why did you change your password?” “Para wala nang makapasok dito na kung sinu-sino.” “Pati ako?” “OO, pati ikaw?” “Xander, why are you so cruel to me? Pagbalik natin from vacation, you changed,” bumuntung-hininga lang siya. ”Tell me!” “Tell you what? Halika, ihahatid na kita sa inyo.” “NO! Ayoko!” “Huwag ka ngang mag-asal bata. Tumigil ka ha!” “I am almost half of your age and still immature. Bata pa talaga ako.” “You stop it! Sumusobra ka na ha! Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan sa teacher ko!” “So, why is you
Nahintakutan si SallI. Inumangan ni Xander ng suntok ang bunsong kapatid sa pagiging taklesa niya. Hindi marunong maghinay-hinay ang kanyang bibig. “Papa naman eh. Huwag po kayong sumigaw.” Sumiksik siya sa likuran ni Xander. Alam niyang magagalit ito sa kanyang nalaman. “Pakakasalan ko naman po si Victoria, Papa. Huwag na po kayong mag-alala. Mahal na mahal ko po siya.” Hindi na pinalampas ni Xander ang pagkakataon. Kinontak na niya si Xity ng OLI GROUP. Hindi siya pahihindian ng fashion designer kahit rush niyang kakailanganin ang damit para sa entourage ng kasal nila ni Victoria. Hindi na rin ko siya inusisa pa. “Ms. Vanilla…” “Yes, Ms. Vanilla Oli speaking…” “Gusto ko sanang ipaggawa mo ako ng gown on my wedding day.” “Huh, who is this please?” “Mr. Alexander Damian Yu…” “My gosh, Xander! Kailan pa?” “Anong kailan pa?” “Ikaw? my gosh! “ “Malapit na akong ikasal.” “Should I come and see you? Anong wedding gown ang gusto mo?” Teka nga, parang iba na ang tinatakbo ng kani
Panay ang iyak ni Victoria. Hindi rin napigilan ang pagpupuyos ng galit ni Ella pati ni Val. Halos ma-high blood ang dalawa sa nangyari. Nagpatawag sila ng medic sa mismong gusaling iyon upang mabigyan ng first aid si Yaya Lita at Yaya Melai. Hindi naman ganoon kalalim ang sugat nila sa ulo. “Delikado ang lakad namin. Huwag kang mag-alala dahil hindi mapapahamak ang mga bata.” “Xander…” Pinahid ng lalaki ang luha ni Victoria. “Babalik ka ha! Babalikan ninyo ako ng mga bata.” “OO naman. Saan pa ba kami uuwi kundi rito sa iyo?” Lalong hinigpitan ni Victoria ang yakap sa kanya. Hinalikan siya ni Xander ng madiin. ”Hayan, huwag ka nang mag-alala.” Hindi pa sana siya bibitiw ngunit sumenyas na ang mga pulis. Naka-black suit na silang lahat. May mga helmet na itim pa at doon niya nakita ang mahahaba nilang armalite. Mukhang pinag-aralan din ni Geneva ang kanyang mga hakbang upang lansihin silang lahat habang abala sa burol. Hinawakan ni Luna si Victoria. Pinagitnaan siya nina Amber. “