Sa kabila ng pagtataka ng mga magulang ay natuloy ang civil wedding nina Daniel at Victorina. Malaki ang pagkakaiba nito sa dating kasal na tinakasan niya kay Xander. Hindi naman nagreklamo si Victorina. Sumunod siya sa kagustuhan ni Daniel. “Sigurado ka ba sa plano mo, Pare?” “Siguradong-sigurado ako na patay na patay sa akin si Victorina. Susunod siya sa mga ipag-uutos ko sa ayaw at sa gusto niya,” paniniguradong tugon ni Daniel sa matalik niyang kaibigan na si Rodman Vergara. Isang malaking construction firm ang hawak nito na siyang dahilan nang muntikan ng pagbagsak ng Shin Construction Company ni Leuwan. “Congratulations, Pare. Mukhang napasaiyo na ang alas ni Xander. Ibig sabihin ba nito ay magkakaroon ng tie up ang Newman Company at D&G Textile?” “Iyan ang isusunod ko, Pare. Actually, that’s a big decision to make. Malakas na bulung-bulungan na kaya ipapakasal ni Sir Val si Victorina kay Xander ay upang iahon ito sa bankruptcy. Handa ka ba?” “Matagal na ring kilala ang New
Wala sa sarili si Victoria matapos ang kanilang sagutan ni Xander. Minabuti niyang itaboy na lang kaagad ang binata dahil masusukol na siya. Hindi siya makapaniwala na all this time, Dr. Jang was Xander’s sister. Siya daw ang pinakapanganay na babae sa lahat. Napahawak sa magkabilang pisngi si Victoria. Maliit lang ang mundo tulad ng pagtatagpo nilang muli ni Xander. Hindi pa nga niya lubusang pinaniniwalaan ang lahat. “Oh my ghad! Anong gagawin ko dito kay Xander? He is totally insane and troublesome.” Gigil na gigil si Victoria. Hindi tuloy siya makapag-concetrate sa kanyang ginagawa. Bandang tanghali ay saka lang siya nahimasmasan at naiwaksi niya ang anumang alalahanin dahil sa nangyari ng umagang iyon. Marami siyang pending na trabaho dahil sa ginawa ni Xander. Sa sobrang kaabalahan ay hindi na niya namalayan ang oras. Napahinto siya ng marinig niya ang katok sa pinto. Nagbukas ito at nilapitan siya ni Lucresia. “Ma’am, uuwi na rin po ako.” “Sure, no problem!” “Uhm, Ma’am…”
Hindi makapaniwala si Victoria na matapos nilang magkita ng kanya ate makalipas ang ilang taon ay mapagmatigas pa rin ang babae. “Binayaran niya ng malaking halaga iyon.” “This is business, Ate Victorina. Pinagkakitaan rin niya ang mga disenyong nasa loob niyon ng hindi man lang niya iniisip kung sino ang may-ari noon. It was for Papa. If you want, give back my sketchbook. Iuurong ko ang demanda. Ganoon lang kasimple.” “Ako pa ang uutusan mo? Paano kong hindi ko gawin?” “For sure, pag-iinitan ka ni Daniel. He has vested interest in our company. Inisip niyang malaki ang mapapakinabanangan niya kaya ka siguro niya pinakasalan. Sana ay nagpakasiguro ka na kay Xander para mabayaran ang lahat ng utang mo sa kompanya. TInakasan mo si Xander at ipinain mo ako sa kanya, para makatakas sa responsibilidad bilang panganay? Besides, malay ko ba kung ipinakilala mo ang iyong sarili as the Presdient of our company.” Natigilan si Victorina. “I knew it!” Biglang natawa si Victoria. “SHUT UP!” “H
Mabigat ang hakbang ni Victorina patungo sa unit ni Daniel. Hindi niya inasahan ang malakas na sampal na dumapo sa kanyang pisngi kasabay ng masakit na sabunot ng binata sa kanya. “Aray! Daniel, nasasaktan ako! Anong problema mo?” “Bakit mo ako niloko?” “Paano kita niloko?” “Hindi mo sinabi na kapatid mo si Victoria.” “And why are you so curious about my sister Victoria?” “There is something with your sister that I could not remember but I have seen her somewhere. Where? Saan nga ba?” Napangisi si Victorina. “She was once Xander’s secretary.” Napayuko si Daniel. “But that was Lily Beckham.” “She hid herself from that name.” And it was a long story to tell to him what happened. “Bakit parang nalugi? Is it because I am not the President anymore?” “Tsss…” Nagsalin ng alak si Daniel. “By the way, Victoria wants you to return the portfolio to her. Para kay Papa iyon. Ibalik mo na lang para walang problema?” “How about my millions?” “Kanino mo ba iyon nakuha? Doon mo kunin?” “I
Walang nagmadaling pumasok sa kanilang dalawa ni Victoria. Tahimik na kinalabit ni Xander ang babae. Bawal ang mag-away sa harap ng matanda. Nakatulog sila na magkatabi sa sopa. Hindi namalayan ni Victoria na siya pa ang nakahiga sa hita ni Xander. “OMG! Umaga na, Xander, ako na ang bahala dito. Go home now. You can drop by later kung gusto mong dalawin si Papa sa bahay.” Tinanong din niya kung nag-inform ba siya sa opisina nila. “Victoria, ako ang boss. I can still stay with you and the kids.” “Let someone take over your duties for a while kung mag-i-stay ka pa dito. “ “Wala akong masyadong ini-expect na kliyente ngayon kaya huwag ka nang mag-alala. How about you, BOSS?” “Hmm, nagbilin na rin ako kaya okay na rin. Nagpadala ako kina Mama at Yaya Lita ng pagkain, sabay-sabay na kayong kumain ng mga bata.” “How about you?” Napansin ni Xander na may hinahanap ito. “How could I be so forgetful? Bakit ngayon pa?” Nakita kong nagpapapadyak ng paa si Victoria. Anytime soon ay madi-
Walang piniling lugar si Daniel. Matagal niyang sinikil ang damdamin kay Victoria ngunit ng hindi na sila nagkita ay kay Victorina niya naibaling ang kanyang pagtingin lalo na’t nakukuha niya ang panaandaliang kaligayahan sa babae. Hindi niya lubos na matanggap sa sarili na ang parehong Nakita niya ang malaking kaibhan nilang magkapatid. Hindi makakatulong si Victorina sa negosyo ng lalaki. Magiging pabigat lang ito sa kanya. Nawala sa sarili si Daniel lalo pa’t nakita niyang nakikipagmatigasan sa kanya ang babae. Lalong hindi aatras sa hamon ang lalaki. Samantala, planong dumiretso ni Xander sa NC upang samahan si Victoria sa pagharap kay Daniel. Hindi pa makakasiguradong kakayanin ni Victoria ang pamamahala dito lalo pa’t malulugi na talaga ito. “Huh, Sir Xander. Good morning po!” “Good morning! Si Victoria?” Sinamahan niya ang lalaki ngunit nagtaka siya kumbakit ito naka-lock. “Huh!’ Kinatok niya ang pinto ngunit wala siyang marinig sa loob. “Nandiyan ba si Victoria?” “Opo,
Si Victoria lang naman talaga ang problema. Hindi kasi sila makapag-usap ng maayos. Pinaiiral niya ang tigas ng kanyang puso. Hindi kasi siya marunong makinig. Nakikinig naman pero hindi naman marunong umintindi. Hindi mapalagay si Xander. Lumilipad ang kanyang isip habang nagmamaneho. Paano sila magkakausap ng matino kung palagi siyang iniiwasan at palagi niyang binabalikan ang nakaraan? Marami siyang salita na hindi naman lumabas sa mismong bibig ni Xander. Ang mga babae nga naman! Tulad ngayon, gagabihin na daw siya at hindi na inisip ang kambal. Buong maghapong sina Yaya Lita at Yaya Melai ang kasama ng mga bata. Kung hindi pa ipinagtabuyan si Xander ay hindi niya maiisip na umuwi. Maya-maya lang ay may tinanggap na tawag si Ella habang nasa garahe na sila. Ihahatid na rin niya ang binata. “Kanina ka pang hinihintay ng anak mo?” Mukhang si Victoria ang nasa linya. Iniabot niya ang cellphone kay Xander. Sumenyas ito na kausapin ang babae. Si Victoria sa nasa kabilang linya. Hi
Xander has no choice but to come and visit Victoria and the twins. Mas mapapadalas siyang mag-almusal sa kanila dahil na rin sa mga bata. May kasama na rin siya sa hapunan dahil bago umuwi ng condo unit ay kukumustahin niyang muli ang mga bata kung okay ba sila. Palaging wala si Victoria. Victoria had a lot of catching up to do. Sumabay pa ang problema niya sa plagiarism case ng D&G Textile at Mondragon Textile Company. Sinabi na niya sa abogado na iuurong na niya ang demanda kahit hindi pa niya naririnig ang panig ng Creative Department ng Mondragon. Kilala niya si Macoy at Geneva. Magaling si Macoy dahil minsan na siyang nagpatulong sa kanya kung paano gawin ang digital painting. Pinagamit niya ang sariling device sa kanyang working area. Alam din ni Victoria ang kayang gawin ni Geneva but she won’t waste her time. Simula ng magkabukingan ay marami rin ang nagbago sa buhay nina Xander at Victoria. Mukhang tinanggap naman ni Xander ang pagbabagong iyon. Si Victoria lang hindi handa
Kaya ang pag-aasawa ay parang biyahe lang talaga. Minsan, may nauuna sa biyahe at mayroon namang nagpapa-last trip. May mga taong hindi naman nagmamadali pero susunod na lang o ‘di kaya naman ay hahabol na lang. Mahuli man daw sa biyahe ay makakabuo pa rin naman ng pamilya. Iyon ang mahalaga. Xander’s life started the day Victoria cross each other’s path even in the most unimaginable way. There is a reason why they have to meet again. He met several women but nothing compares to the young Newman. Hinangaan naman talaga noon si Xander ang kanyang Economics Professor. He was a graduating student by then. Hindi naman niya niligawan ang batam-bata pa noong teacher niya, si Miss Grace. Mahiyain at soft-spoken ang batang propesora. Si Xander lang ang tutok na tutok na nakikinig sa kanya. She never raises her voice. She always smiles and very calm ang kanyang boses that Xander would even dose off. Hindi niya namalayan, na silang dalawa na lang sa classroom. Hinintay pa siya ng guro na magi
Pinalapit ng pari sina Xander at Victoria sa mismong altar upang pumirma sa kanilang tipan sa Diyos. Isang sagradong kasunduan sa hapag ng Panginoon na sila ay magsasama sa hirap at ginhawa, sa sakit o kalusugan hanggang kamatayan ang maghiwalay sa kanilang dalawa. “This is what it feels to be under God’s grace, receiving his blessings through the sacraments. Thank you, Lord!” Tahimik na usal ni Xander ng mapatingala siya sa malaking krus. “Pasalubungan natin ng masigabong palakpakan sina Mr and Mrs. Alexander Damien Yu.” Walang pagsidlan ng tuwa ang bagong kasal at ang lahat ng dumalo matapos ang buong seremonya. Binati sila ng lahat ng nandoon ng malakas na palakpakan at humiling ng halik mula sa sa kanila. Hindi naman nila binigo ang kanilang mga bisita. Tuluyang bumalon ang luha sa mata ng dalawa. “I can’t believe it, Xander.” “This is our new beginning, Victoria.” Luhaan silang pareho. “Akala ko talaga ay tuluyan ka nang mawawala sa akin. Ah, Lord! Salamat!” “Thank God!” L
Pili lang ang mga bisita sa kasalang Newman - Yu. Sino ang makapagsasabi na ang sanggol na ipinanganak noong araw ding maaksidente si Xander at ang mga magulang niya ay nagbigay sa kanya ng panibagong pag-asa. He never told them one thing. “Xander, napakabait mo talaga!” “Salamat po, Tita.” “Gusto ko din sanang magkaroon ng anak na lalaki na kasing pogi at kasimbait mo.” “Kung may anak lang po kayo eh, siya na ang pakakasalan ko para maging mama ko na rin po kayo.” tugon ng lalaki. Buntis na noon si Cecilia. Nagulat na lang siya ng muli silang dumalaw sa kanya. Malaki na ang tiyan ng babae. “Xander, puwede mo bang ingatan ang anak ko kapag lumabas siya?” Nilapitan siya ng binatilyo at kinuha ni Cecilia kamay niya saka inilagay sa kanyang tiyan. Naka-total bed rest daw siya dahil delikado ang kanyang pagbubuntis. “Po?” “Babae ang magiging anak namin ng Tito Val mo. I like you for my Victoria to be his husband.” “Hala, Tita, mabuti po ba kung magugustuhan niya ako paglaki bala
Gustong magsisi ni Victoria sa kanyang mga ginawa. Hindi kasi niya naiintindihan ang lahat. Hindi naman nagalit si Xander sa kanya bagkus ay naawa siya para pahirapan ng ganoon. “Sigurado ka bang ikakasal tayo bukas? What about our reception and the entourage?” “It’s all done, my darling. I handled every tiny details for you. Ayokong ma-stress ka but I am so sorry to make you angry and worry. Mahal na mahal kasi kita kaya sinunod ko lang ang mahigpit na bilin ni Papa. In this way, I’d be able to redeem myself from having you disgraced for the first time. I never meant to play a game with you. I am not a great pretender infront of you. I really love you, Victoria.” “Oh, Xander!” Nasa gitna ng pagmumuni-muni si Victoria habang mahigpit niyang niyakap ang unan at inamoy ang pabango ni Xander ng bigla siyang mapabalikwas sa kanyang kinahihigaan. Pagkaalis na pagkaalis ni Xander ay nagulat siya sa sopresang inihanda ng mga kapatid ng kanyang fiance. All of them bought gifts for Victori
“I think so!” “Maalala pa kaya niya ang mga sinabi niya?” Napangiti lang si Xander dahil naaalala niya ang nangyari. Hindi na nakapasok si Victoria kinabukasan dahil sa dami ng nainom niya. Wala na ang magkakapatid na Yu. Umuwi na rin si Xander. Hindi niya alam kung anong nangyari. Lumabas siya ng kuwarto at nakitang naglalaro ang kambal sa bakuran. Nandoon din ang Mama at Papa niya. Lumabas siya para halikan ang mga bata at nilapitan na siya ni Ella. “Gising ka na pala. Do you want to eat?” Nagmamadaling umiwas ang babae ngunit hinila siya ni Ella sa kusina. “Let’s go out, Victoria. Gusto ko sanang mag-window shopping.” “Sige po. Tayo lang po ba o isasama natin si Papa at ang mga bata?” “Kung gusto mo…” Tumango siya. Tahimik na lang si Victoria. She doesn’t feel well that day. Masakit ang ulo niya sa hang-over. Hindi niya mapahindian ang ina na minsan lang magyaya sa kanya. Madalas nila iyong gawin kapag wala siya sa mood. Either, ibinubuhos niya sa pagkain o pagbili ng kung an
Kinabukasan ay maaga silang nagsalu-salo sa almusal. Hindi na nakaiwas si Victoria sa good morning kiss ni Xander. Hindi pa rin siya umimik. Hinayaan lang niya ang binata. “I’ll fetch you by six.” “Medyo busy ako eh. Huwag na lang.” “I said 6pm.” “I said I’m busy. Nakikinig ka ba sa akin?” “Okay, fine! Pero kapag mag-asawa na tayo, hindi na puwede ang ganyang sagot mo sa akin. Kapag sinabi kong susunduin kita ng 6pm, I’d be there before six and don’t keep me waiting.” “Kung magiging asawa mo ako?” “Victoria!” “Bakit, Mr. Alexander Damian Yu? Anong drama mo? Bakit mo ako susunduin ng bandang six? Ano? Tapos mo na akong paglaruan? Tsss!” “Hanggang dito ba naman sa pagkain eh magsasagutan kayong dalawa! Victoria!” “Sorry, Pa.” Yumuko ng tingin ang babae. “Wala ka nang pinipiling lugar!” "Kumain ka ng mabuti kung marami kang gagawin ngayon. You need that. Una na ako.” At nagdikit ang kanilang mga labi. “Victoria, okay ka lang ba?” tanong ni Ella. Halatang hindi siya masyadong
“OO bakit? Inggit ka sa buhok ko,” pagtataray niya. “Victoria!” sigaw ni Xander. Halos kaladkarin siya ni Xander. Na-hold siya sa Management Room for questioning. “Ano bang problema mo? Nakakahiya sa management.” sabi ni Xander. Mahigpit na hinawakan ni Xander si Victoria sa braso. “Pasensiya na sa abala.” Nagmamadaling umalis ang dalawa sa opisina. “Aray, nasasaktan ako!” Pinindot ng lalaki ang password pero tinakpan pa niya ito at hindi ipinakita sa babae. “Why did you change your password?” “Para wala nang makapasok dito na kung sinu-sino.” “Pati ako?” “OO, pati ikaw?” “Xander, why are you so cruel to me? Pagbalik natin from vacation, you changed,” bumuntung-hininga lang siya. ”Tell me!” “Tell you what? Halika, ihahatid na kita sa inyo.” “NO! Ayoko!” “Huwag ka ngang mag-asal bata. Tumigil ka ha!” “I am almost half of your age and still immature. Bata pa talaga ako.” “You stop it! Sumusobra ka na ha! Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan sa teacher ko!” “So, why is you
Nahintakutan si SallI. Inumangan ni Xander ng suntok ang bunsong kapatid sa pagiging taklesa niya. Hindi marunong maghinay-hinay ang kanyang bibig. “Papa naman eh. Huwag po kayong sumigaw.” Sumiksik siya sa likuran ni Xander. Alam niyang magagalit ito sa kanyang nalaman. “Pakakasalan ko naman po si Victoria, Papa. Huwag na po kayong mag-alala. Mahal na mahal ko po siya.” Hindi na pinalampas ni Xander ang pagkakataon. Kinontak na niya si Xity ng OLI GROUP. Hindi siya pahihindian ng fashion designer kahit rush niyang kakailanganin ang damit para sa entourage ng kasal nila ni Victoria. Hindi na rin ko siya inusisa pa. “Ms. Vanilla…” “Yes, Ms. Vanilla Oli speaking…” “Gusto ko sanang ipaggawa mo ako ng gown on my wedding day.” “Huh, who is this please?” “Mr. Alexander Damian Yu…” “My gosh, Xander! Kailan pa?” “Anong kailan pa?” “Ikaw? my gosh! “ “Malapit na akong ikasal.” “Should I come and see you? Anong wedding gown ang gusto mo?” Teka nga, parang iba na ang tinatakbo ng kani
Panay ang iyak ni Victoria. Hindi rin napigilan ang pagpupuyos ng galit ni Ella pati ni Val. Halos ma-high blood ang dalawa sa nangyari. Nagpatawag sila ng medic sa mismong gusaling iyon upang mabigyan ng first aid si Yaya Lita at Yaya Melai. Hindi naman ganoon kalalim ang sugat nila sa ulo. “Delikado ang lakad namin. Huwag kang mag-alala dahil hindi mapapahamak ang mga bata.” “Xander…” Pinahid ng lalaki ang luha ni Victoria. “Babalik ka ha! Babalikan ninyo ako ng mga bata.” “OO naman. Saan pa ba kami uuwi kundi rito sa iyo?” Lalong hinigpitan ni Victoria ang yakap sa kanya. Hinalikan siya ni Xander ng madiin. ”Hayan, huwag ka nang mag-alala.” Hindi pa sana siya bibitiw ngunit sumenyas na ang mga pulis. Naka-black suit na silang lahat. May mga helmet na itim pa at doon niya nakita ang mahahaba nilang armalite. Mukhang pinag-aralan din ni Geneva ang kanyang mga hakbang upang lansihin silang lahat habang abala sa burol. Hinawakan ni Luna si Victoria. Pinagitnaan siya nina Amber. “