Labis na nag-alala ang mga kaibigan ni Victoria ng hindi nito siputin ang kanya mismong engagement party. Hinintay nilang dumating ang kaibigan ngunit iba ang kinahinatnan ng okasyon. Inupahan pa naman iyon ni Julia para isorpresa ang babae tulad ng instruction ni Carlo.
Silang lahat ang nasorpresa ng dumating si Victorina.
“Saan ka ba galing?” alalang-alala na tanong nina Billie at Veronica.
Bumuhos ang iyak ni Victoria. Hindi ito mapatahan ng dalawa. Marami pa naman silang ikukuwento tungkol sa nangyari ng nagdaang gabi.
“Ano ba? Bakit ka ba umiiyak? Tell us what happened.”
Hindi halos makalabas si Victoria sa loob ng hotel suite na iyon. Masama ang pakiramdam niya dahil sa nangyari. Masakit ang ulo niya at kalamnan. Masakit din ang kanyang balakang. Minabuti niyang huwag nang magsalita sa kanyang mga kaibigan.
“How’s Carlo? Did he look for me?” Nagkatinginan sina Billie at Veronica. “Galit ba siya sa akin?”
“Victoria…” Biglang huminto ang dalawa at tinitimbang kung kailangan pa ba nilang sabihin ang totoo.
“WHAT?! Tell me, please!” pakiusap ng babae. Tumulo na ang luha nito. Nag-iisip na siya ng kung anu-ano sa posible nilang sabihin. “Hinanap ba niya ako?”
“Victoria, huwag ka sanang mabibigla.” Pero sino nga ba naman ang hindi mabibigla sa balitang iyon? Ang iniisip mong bridesmaid mo sana ay siyang magiging bride in the future.
“Victoria, kasal ngayon ni Carlo at nang Ate Victorina mo.”
“WHAT?!” Tumutulo ang luha ni Victoria sa ‘di-kalayuan. Ayaw niyang mag-iskandalo. Halos pagsakluban siya ng langit at lupa ng makitang masayang nakangiti ang kanyang Ate at si Carlo.
“Kailan pa? Kailan pa naging sila?” Iyon ang paulit-ulit na tanong ni Victoria. Humagulgol siya at hindi namalayang may ibang tao pala sa kubling lugar na iyon.
“Miss, panyo.”
“Salamat!” Hindi na nagawang tingnan ni Victoria ang taong nagbigay sa kanya ng panyo.
Hindi na nakapagpigil si Victoria. Hindi na niya naisip na masama ang pakiramdam niya. Nagmamadali siyang sumakay sa kanyang kotse. Pinaharurot niya ang kanyang kotse na daig pa ang may drag race sa daan.
“Usap-usapan sa party kung kailan pa kayo nag-break ni Carlo,” sabi ni Billie.
“May problema ba kayo? Did you break up? Kailan pa ang ate mo rito? Akala ko graduation mo ang dadaluhan niya. Si Carlo pala talaga ang target niya.”
Halos mahilam ang mata niya sa luha. Durug na durog ang puso ni Victoria.
She thought it was a surprise from her dad as part of graduation gift. She never thought that it was a dangerous trap for her inside the room with a stranger. It was not a usual surprise. It brings danger. It beings destruction.
Hindi niya napigilan ang sarili kung kaya siniguro niyang alam niya kung saan magha-honeymoon ang dalawa. Nagalit ang mga kapit-bahay nila dahil nabulabog ang kanilang umaga.
“Paano ninyo nagawa sa akin ang bagay na ito?” Huling-huli ni Victoria ang dalawa. Nakahiga pa sila sa kama at mukhang ninanamnam ang sarap ng kanilang pulut-gata habang nakababad sa kama.
“Bakit ba ang ingay mo? Sino bang nagpapasok sa iyo dito?”
“ATE VICTORINA! Walanghiya kang babae ka! Hindi ka na nahiya. Makapal ang mukha!”
“VICTORIA!” Nagulat si Victoria ng sigawan siya ni Carlo sa unang pagkakataon. “Kindly leave!” Ipinagtabuyan siya ng lalaki.
“How could you do this to me?” Nanginginig ang mga kalamnan ni Victoria. “Kailan pa? Kailan pa ninyo ako niloloko?!”
Hindi man lang natakot si Victorina sa kanyang ginawa. Lantaran ipinakita niyang mas nasiyahan si Carlo sa nangyari sa kanilang dalawa.
“I can give him what you do not have, Victoria. I told you, Carlo is mine.”
“Proud ka pa sa ginawa mo. Hindi mo na inisip na kapatid mo ako.”
“As if I care about you, Victoria.”
Hindi na pinalaki ni Victoria ang gulo. Tahimik siyang umalis sa lugar na iyon. Bumalik sila patungo sa kanyang dorm. Saglit pa lang ang biyahe nila at kasalukuyan siyang umiiyak ng makita niya ang tawag ng ama.
Magsusumbong na talaga siya. Nagmamadali niyang sinagot ang tawag.
“Papa…” Umiiyak pa siya.
“Hindi ko inaasahan ito, Victoria. Paano mo nagawa ang kababuyang ito? Hindi ka na ba talaga nakikinig sa akin? Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan!” sabi ng ama sa kabilang linya.
“What are you talking about?” Hindi niya naintindihan ang sinasabi ng ama. “WHAT? NO, Papa. Please listen to me!” Gusto niyang magpaliwanag ngunit natanggap daw ng ama ang isang wedding invitation card but it contains sexual pictures inside the room together with a man.
“From now on, wala akong anak. Ikinahihiya kita!” Narinig na lang ni Victoria ang mahabang tunog. Busy na ang linya. Tinawagan ni Victoria ang ama ngunit not attended na ito.
Hindi na rin niya matawagan ang kanyang Tita Ella.
Matapos makipakitang muli ng kanyang ate ay sinumbatan lang siya nito. Nakatulugan na Victoria ang pag-iyak dahil galit ang kanyang papa sa unang pagkakataon.
Nilunod ni Victoria ang sarili sa pag-iyak. Pinag-usapan siya sa campus matapos ang nangyari sa engagement party niya. Muntik pa siyang ma-expel dahil sa sex scandal nito. Sinabi niyang fabricated lang ang mga larawang iyon at wala siyang kinalaman doon.
Nanatili si Victoria sa loob ng kanyang kuwarto. It has been more than a week since something happened to her. She thought, stress lang siya kaya masama ang pakiramdam niya kaya siya nagpakonsulta. But to her surprise, it was dropped to her like a bomb.
“Miss Newman, you are two-weeks pregnant.” Iyon na ang pinakasukdulan ng lahat ng kanyang paghihirap.
“Sigurado po ba kayo?”
“Kaya ka nahihilo at nagsusuka kahit wala ka namang kinain ay dahil buntis ka, Iha!”
The stranger is nowhere to be found since that day na may nangyari sa kanilang dalawa. HIndi naman niya kilala ito at iniwan siyang mag-isa sa loob ng kuwarto.
“It never occurred that this would happen to me.”
Kitang-kita ni Dr. Jang ang matinding pag-aalala na gumuhit sa mukha ng babae. Hindi na iyon bago sa kanya. Marami na rin siyang na-encounter sa kaparehong sitwasyon. Umalis na parang wala sa sarili si Victoria. Sinundan niya ang babae at nakita niyang mag-isa itong umiiyak sa pasilyo.
“Miss Newman…” hawak nito ang kanyang kamay.
“Hindi ko alam kung anong puwede kong sabihin sa iyo.”
“Go home. Huwag kang matakot magsabi sa magulang mo. Kailangan mo ng suporta nila. Kung wala kang pera, ako nang bahala. Just come and see me every month.”
“At anong kapalit?”
Sa panahong tinalikuran si Victoria ng kanyang ama ay nakatagpo siya ng isang mabuting puso na katulad ni Dr. Victoria Jang.
Nanatili sa tabi niya ni Valdemor si Ella. Hindi na ito nakapag-asawa. She is special in the eyes of the man. Kakambal siya ng namatay nitong asawa na si Cecilia. “Maraming salamat sa pag-aalaga mo sa mga bata. Malalaki na rin sila.” Tahimik na tumalikod si Ella. Tumagilid rin ng higa ang lalaki at hinalikan siya sa kanyang balikat. “Anong sasabihin ng mga anak mo kapag nalaman nila ang tungkol sa atin?” “Hindi nila maibibigay ang kaligayahan ko, Ella. Ako pa rin ang ama nila. Makikinig sila sa akin. I don’t need their approval. Hangga’t nandito sila sa poder ko, ako pa rin ang masusunod.” “Val…” “Huwag ka nang malungkot. Mahal na mahal kita, Ella.” Muli nilang pinagsaluhan ang init ng buong magdamag sa kabila ng isang lihim na pagsalo sa kama. Niyakap ni Valdemor ng mahigpit si Ella. Naghihintay lang siya ng tiyempo. Gusto niyang sabihin ang lahat pagbalik ni Victoria galing sa America. Alam niyang ang bunsong anak ang unang matutuwa sa kanyang ibabalita. Ngunit nagbagong bigla
After five years, Xander is turning 40 soon. What’s with the age when he doesn’t even think of quitting as a bachelor? But it doesn’t mean to say that he isn’t going to marry anymore. He is not even picky, it is just that, something happened five years ago which he couldn’t forget. That very day, while inside the elevator, gusto niyang balikan ang babaeng iyon. He is responsible for her at that very moment dahil may nangyari sa kanila. He was not raised to disprespect woman lalo pa’t limang babaeng magkakasunod ang kanyang mga kapatid na babae. Bumalik si Xander sa kanyang opisina kaharap ang maraming pending na trabaho ng araw na iyon. Tulad ng mga nagdaang taon, kaharap niya ang mga pipirmahang papeles at tseke. May iri-review siyang mga proposals mula sa mga kliyente, in and out of the country. What a busy day for him? He was able to survive because he had a loyal secretary. Ngunit ng umagang iyon, wala pa si Eula. First time na nangyari ito. Ni minsan ay hindi niya nagawang umab
Narinig ni Victoria ang mahinang katok sa master’s bedroom ng bahay na iyon. Dati nga ay mas gusto niyang sa maid’s quarter na lang ngunit hindi pumayag si Dr. Jang lalo na sa kalagayan ng babae. Nadatnan niyang inaayos nito ang damit nilang mag-ina. “Uuwi po muna ako sa Pilipinas. Isasama ko silang dalawa.” “Are you going to work or something? O uuwi ka sa papa mo?” “Hindi ko po alam kung tatanggapin ako ng papa ko sa katayuan ko. May anak na kambal at walang asawa? Disgrasyada? Look at me, this is not who I used to. Hindi ko alam kung mapapatawad niya ako.” “Walang magulang na nakakatiis sa kanyang anak. Alam mo, once na nakita na ng papa mo ang mga apo niya. I tell you he will be happy at makakalimutan na niya ang galit niya sa iyo.” “Kaya lang, kapag hinanap po niya ang asawa ko. Anong sasabihin ko?” “Eh ‘di sabihin mo, naano lang,” sabay-tawa ng dalawa. Iyon ang gusto ni Victoria sa kanyang katukaya, nakakapag-joke pa rin kahit seryoso na ang mga bagay-bagay. “By the way, se
Samantalang nakita ni Victoria ang rumehistrong numero ng kanyang TIta Ella. “Yes, TIta…” Hindi siya makapagsalita sa kabilang linya. Hindi niya masagot kaagad. Tinatanong kung kumusta ang kanyang job interview. “Sa bahay na lang po." Wala siyang ganang magkuwento habang nasa loob ng elevator. Siksikan pa naman sa loob. Medyo malungkot ang balita. “We will call you, Miss Beckham.” Iyon ang sabi ng babae. Kapag ganoon ang tuno ng salita ay nakatitiyak si Victoria na wala siyang tsansa na makuha ang trabaho. Dismayado si Victoria paglabas ng Mondragon Company. Kumbakit naman kasi inatake na naman siya ng kanyang pagiging palaban. Naiinis siya sa sarili dahil sa mga prinsipyong ipinaglalaban niya tungkol sa mga sekretarya. Mukhang napagbuntunan pa niya ng inis ang CEO na nag-interview sa kanya. Gusto lang niyang linawin na hindi porke’t secretary ay mistress na kaagad. Bakit kasi si Carlo pa ang naisip niya? Bakit kasi may pa-text-text pa siya sa kanya, early in the morning at may gana
Hindi makapaniwala si Daniel na makakatabi ang isang napakagandang babae ng gabing iyon. Ni minsan ay hindi siya nakaisip na mag-akyat ng kahit na sinumang babae na nakasama o nakilala lang niya saglit sa bar. But looking at this angel on his bed, he is certain that she is the right one for him. “Isa kang hulog ng langit, Lily. I never believed in loved at first sight until this night.” He traced his fingers on her thick eyebrows. She has high nose ridge and heart-shaped lips. Malantik ang kanyang pilik-mata. Her chin is cute and she had the most mysterious smile of all. “Uhm!” Napaingit ito ng bahagya habang himbing na himbing sa sobrang kalasingan. Wala sa loob nitong napayakap kay Daniel at bigla itong nagmulat ng mga mata. She dreamily smirked at him. “Sino ka?” tanong nito. Sa halip na sumagot ay mainit niyang sinunggaban ng halik ang labi ng lalaki at sabik na tumugon at pinaglaruan ang labi ng binata. Hindi nakapagpigil ang lalaki ng unti-unting masindihan ang apoy ng pagna
Pinasundan ni Daniel ang sasakyan ni Victoria. Napailing siya ng makitang Lamborghini pa ang sasakyan nito. Nagtataka siya kumbakit nasa Skyscraper Tower ang babae. “Masyado kang misteryosa, Miss Lily. I don’t like playing hide and seek or guessing game. I hate surprises.” sabi nito. “Mang Godo, sundan natin ang kotseng iyon.” Napalingon ang mga empleyado ng D&G Textile nang makitang nakangiti ang kanilang CEO pagpasok sa kanyang opisina. Isang malaking himala na makita nila itong may ngiti sa labi. Madalas ay parang wala ito sa mood at hindi namamansin kahit binati mo na. Pagdating sa loob ng kanyang kuwarto ay ipapatawag ang sekretarya at nanginginig ito sa takot sa tuwing lalabas na. “What’s wrong in this world?” sasabihin na lang ng sekretarya habang yakap ang kanyang clipboard at 9’ inches na tablet. Natanggap niya ang mensahe ng kanyang ina. “Make sure to come and bring your girlfriend on our wedding anniversary, Iho.” Napatingin siya sa kalendaryo. Ilang araw na lang pala ay
Wala si Ella pagdating ni Valdemor sa bahay. First time iyong mangyari. Nakakapanibago na wala siya sa bahay. Sa tinagal-tagal na panahon, siya ang palaging hinihintay. Umaasa siya na palaging nandoon si Ella sa pinto para hintayin siya. Nasanay na rin siya. Kapag alam niyang aalis siya for business trip, palagi siyang nakaabang sa kanya sa pinto pa lang. pasalubong niya. Kahit hindi ang pasalubong ang una niyang ibigay, palagi siyang may halik mula sa kanya. “Welcome home, Papa!” Gulat na gulat si Valdemor na nasa bahay si Victorina. Maaga itong umuwi upang salubungin siya. Hindi siya pinansin ng ama. Hindi niya pinansin ang halik ng anak. “Where’s Ella?” “I don’t know. Sabi ng mga katulong ay umalis daw simula ng umalis rin kayo for business trip. Do you know that she has been like this kapag umaalis kayo? I wonder kung saan siya nagpupunta. For sure, hindi rin siya nagpaalam dahil kung nagpaalam siya ay hindi ninyo hahanapin.” Nakatitig nang masama ang ama dahil mukhang may ibig
“Mang Zosimo, pakisundan si Miss Lily. Mamaya na tayo mag-usap.” “Yes po, Sir.” Nakinig si Xander sa pagbibida ni Daniel sa babaeng sinasabing girlfriend niya. Paano niya naging girlfriend ang kanyang bagong secretary? He smells something fishy about it. Kaduda-duda. “O, pare! Ano? Bilib ka na sa akin? Sabi ko sa iyo eh, mauunahan kitang magka-girlfriend. Mabuti nang magsimula muna sa girlfriend kaysa kasal tapos tatakbuhan lang naman ako.” “Daniel, kilalanin mo muna kung sino ang gini-girlfriend mo.” “Maganda ba?” Hindi makapaniwala si Xander sa kanyang nalaman. Sino ang batang lalaki na iyon? Sino ang hinahanap nitong mommy? Pero bakit niya kamukha? Parang tambol ang tibok ng puso ni Victoria sa sobrang kaba ng makita ng kanyang boss ang kanyang anak. Maling-mali na isinama niya si Calix sa event. “Ma’am Victoria, hindi po ako makakarating today.” Parang nag-usap ang kanyang Tita Ella at Yaya Nena na hindi sumipot sa unit kung kailan higit siyang kailangan sa event ng MTC. M
Kaya ang pag-aasawa ay parang biyahe lang talaga. Minsan, may nauuna sa biyahe at mayroon namang nagpapa-last trip. May mga taong hindi naman nagmamadali pero susunod na lang o ‘di kaya naman ay hahabol na lang. Mahuli man daw sa biyahe ay makakabuo pa rin naman ng pamilya. Iyon ang mahalaga. Xander’s life started the day Victoria cross each other’s path even in the most unimaginable way. There is a reason why they have to meet again. He met several women but nothing compares to the young Newman. Hinangaan naman talaga noon si Xander ang kanyang Economics Professor. He was a graduating student by then. Hindi naman niya niligawan ang batam-bata pa noong teacher niya, si Miss Grace. Mahiyain at soft-spoken ang batang propesora. Si Xander lang ang tutok na tutok na nakikinig sa kanya. She never raises her voice. She always smiles and very calm ang kanyang boses that Xander would even dose off. Hindi niya namalayan, na silang dalawa na lang sa classroom. Hinintay pa siya ng guro na magi
Pinalapit ng pari sina Xander at Victoria sa mismong altar upang pumirma sa kanilang tipan sa Diyos. Isang sagradong kasunduan sa hapag ng Panginoon na sila ay magsasama sa hirap at ginhawa, sa sakit o kalusugan hanggang kamatayan ang maghiwalay sa kanilang dalawa. “This is what it feels to be under God’s grace, receiving his blessings through the sacraments. Thank you, Lord!” Tahimik na usal ni Xander ng mapatingala siya sa malaking krus. “Pasalubungan natin ng masigabong palakpakan sina Mr and Mrs. Alexander Damien Yu.” Walang pagsidlan ng tuwa ang bagong kasal at ang lahat ng dumalo matapos ang buong seremonya. Binati sila ng lahat ng nandoon ng malakas na palakpakan at humiling ng halik mula sa sa kanila. Hindi naman nila binigo ang kanilang mga bisita. Tuluyang bumalon ang luha sa mata ng dalawa. “I can’t believe it, Xander.” “This is our new beginning, Victoria.” Luhaan silang pareho. “Akala ko talaga ay tuluyan ka nang mawawala sa akin. Ah, Lord! Salamat!” “Thank God!” L
Pili lang ang mga bisita sa kasalang Newman - Yu. Sino ang makapagsasabi na ang sanggol na ipinanganak noong araw ding maaksidente si Xander at ang mga magulang niya ay nagbigay sa kanya ng panibagong pag-asa. He never told them one thing. “Xander, napakabait mo talaga!” “Salamat po, Tita.” “Gusto ko din sanang magkaroon ng anak na lalaki na kasing pogi at kasimbait mo.” “Kung may anak lang po kayo eh, siya na ang pakakasalan ko para maging mama ko na rin po kayo.” tugon ng lalaki. Buntis na noon si Cecilia. Nagulat na lang siya ng muli silang dumalaw sa kanya. Malaki na ang tiyan ng babae. “Xander, puwede mo bang ingatan ang anak ko kapag lumabas siya?” Nilapitan siya ng binatilyo at kinuha ni Cecilia kamay niya saka inilagay sa kanyang tiyan. Naka-total bed rest daw siya dahil delikado ang kanyang pagbubuntis. “Po?” “Babae ang magiging anak namin ng Tito Val mo. I like you for my Victoria to be his husband.” “Hala, Tita, mabuti po ba kung magugustuhan niya ako paglaki bala
Gustong magsisi ni Victoria sa kanyang mga ginawa. Hindi kasi niya naiintindihan ang lahat. Hindi naman nagalit si Xander sa kanya bagkus ay naawa siya para pahirapan ng ganoon. “Sigurado ka bang ikakasal tayo bukas? What about our reception and the entourage?” “It’s all done, my darling. I handled every tiny details for you. Ayokong ma-stress ka but I am so sorry to make you angry and worry. Mahal na mahal kasi kita kaya sinunod ko lang ang mahigpit na bilin ni Papa. In this way, I’d be able to redeem myself from having you disgraced for the first time. I never meant to play a game with you. I am not a great pretender infront of you. I really love you, Victoria.” “Oh, Xander!” Nasa gitna ng pagmumuni-muni si Victoria habang mahigpit niyang niyakap ang unan at inamoy ang pabango ni Xander ng bigla siyang mapabalikwas sa kanyang kinahihigaan. Pagkaalis na pagkaalis ni Xander ay nagulat siya sa sopresang inihanda ng mga kapatid ng kanyang fiance. All of them bought gifts for Victori
“I think so!” “Maalala pa kaya niya ang mga sinabi niya?” Napangiti lang si Xander dahil naaalala niya ang nangyari. Hindi na nakapasok si Victoria kinabukasan dahil sa dami ng nainom niya. Wala na ang magkakapatid na Yu. Umuwi na rin si Xander. Hindi niya alam kung anong nangyari. Lumabas siya ng kuwarto at nakitang naglalaro ang kambal sa bakuran. Nandoon din ang Mama at Papa niya. Lumabas siya para halikan ang mga bata at nilapitan na siya ni Ella. “Gising ka na pala. Do you want to eat?” Nagmamadaling umiwas ang babae ngunit hinila siya ni Ella sa kusina. “Let’s go out, Victoria. Gusto ko sanang mag-window shopping.” “Sige po. Tayo lang po ba o isasama natin si Papa at ang mga bata?” “Kung gusto mo…” Tumango siya. Tahimik na lang si Victoria. She doesn’t feel well that day. Masakit ang ulo niya sa hang-over. Hindi niya mapahindian ang ina na minsan lang magyaya sa kanya. Madalas nila iyong gawin kapag wala siya sa mood. Either, ibinubuhos niya sa pagkain o pagbili ng kung an
Kinabukasan ay maaga silang nagsalu-salo sa almusal. Hindi na nakaiwas si Victoria sa good morning kiss ni Xander. Hindi pa rin siya umimik. Hinayaan lang niya ang binata. “I’ll fetch you by six.” “Medyo busy ako eh. Huwag na lang.” “I said 6pm.” “I said I’m busy. Nakikinig ka ba sa akin?” “Okay, fine! Pero kapag mag-asawa na tayo, hindi na puwede ang ganyang sagot mo sa akin. Kapag sinabi kong susunduin kita ng 6pm, I’d be there before six and don’t keep me waiting.” “Kung magiging asawa mo ako?” “Victoria!” “Bakit, Mr. Alexander Damian Yu? Anong drama mo? Bakit mo ako susunduin ng bandang six? Ano? Tapos mo na akong paglaruan? Tsss!” “Hanggang dito ba naman sa pagkain eh magsasagutan kayong dalawa! Victoria!” “Sorry, Pa.” Yumuko ng tingin ang babae. “Wala ka nang pinipiling lugar!” "Kumain ka ng mabuti kung marami kang gagawin ngayon. You need that. Una na ako.” At nagdikit ang kanilang mga labi. “Victoria, okay ka lang ba?” tanong ni Ella. Halatang hindi siya masyadong
“OO bakit? Inggit ka sa buhok ko,” pagtataray niya. “Victoria!” sigaw ni Xander. Halos kaladkarin siya ni Xander. Na-hold siya sa Management Room for questioning. “Ano bang problema mo? Nakakahiya sa management.” sabi ni Xander. Mahigpit na hinawakan ni Xander si Victoria sa braso. “Pasensiya na sa abala.” Nagmamadaling umalis ang dalawa sa opisina. “Aray, nasasaktan ako!” Pinindot ng lalaki ang password pero tinakpan pa niya ito at hindi ipinakita sa babae. “Why did you change your password?” “Para wala nang makapasok dito na kung sinu-sino.” “Pati ako?” “OO, pati ikaw?” “Xander, why are you so cruel to me? Pagbalik natin from vacation, you changed,” bumuntung-hininga lang siya. ”Tell me!” “Tell you what? Halika, ihahatid na kita sa inyo.” “NO! Ayoko!” “Huwag ka ngang mag-asal bata. Tumigil ka ha!” “I am almost half of your age and still immature. Bata pa talaga ako.” “You stop it! Sumusobra ka na ha! Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan sa teacher ko!” “So, why is you
Nahintakutan si SallI. Inumangan ni Xander ng suntok ang bunsong kapatid sa pagiging taklesa niya. Hindi marunong maghinay-hinay ang kanyang bibig. “Papa naman eh. Huwag po kayong sumigaw.” Sumiksik siya sa likuran ni Xander. Alam niyang magagalit ito sa kanyang nalaman. “Pakakasalan ko naman po si Victoria, Papa. Huwag na po kayong mag-alala. Mahal na mahal ko po siya.” Hindi na pinalampas ni Xander ang pagkakataon. Kinontak na niya si Xity ng OLI GROUP. Hindi siya pahihindian ng fashion designer kahit rush niyang kakailanganin ang damit para sa entourage ng kasal nila ni Victoria. Hindi na rin ko siya inusisa pa. “Ms. Vanilla…” “Yes, Ms. Vanilla Oli speaking…” “Gusto ko sanang ipaggawa mo ako ng gown on my wedding day.” “Huh, who is this please?” “Mr. Alexander Damian Yu…” “My gosh, Xander! Kailan pa?” “Anong kailan pa?” “Ikaw? my gosh! “ “Malapit na akong ikasal.” “Should I come and see you? Anong wedding gown ang gusto mo?” Teka nga, parang iba na ang tinatakbo ng kani
Panay ang iyak ni Victoria. Hindi rin napigilan ang pagpupuyos ng galit ni Ella pati ni Val. Halos ma-high blood ang dalawa sa nangyari. Nagpatawag sila ng medic sa mismong gusaling iyon upang mabigyan ng first aid si Yaya Lita at Yaya Melai. Hindi naman ganoon kalalim ang sugat nila sa ulo. “Delikado ang lakad namin. Huwag kang mag-alala dahil hindi mapapahamak ang mga bata.” “Xander…” Pinahid ng lalaki ang luha ni Victoria. “Babalik ka ha! Babalikan ninyo ako ng mga bata.” “OO naman. Saan pa ba kami uuwi kundi rito sa iyo?” Lalong hinigpitan ni Victoria ang yakap sa kanya. Hinalikan siya ni Xander ng madiin. ”Hayan, huwag ka nang mag-alala.” Hindi pa sana siya bibitiw ngunit sumenyas na ang mga pulis. Naka-black suit na silang lahat. May mga helmet na itim pa at doon niya nakita ang mahahaba nilang armalite. Mukhang pinag-aralan din ni Geneva ang kanyang mga hakbang upang lansihin silang lahat habang abala sa burol. Hinawakan ni Luna si Victoria. Pinagitnaan siya nina Amber. “