“Bakit ngayon ka lang?” tanong ni Victorina kay Carlo. Hinila ng lalaki ang kanyang necktie at dumiretso sa banyo. Dinig niya ang lagaslas ng tubig sa loob. Lumabas ang lalaki at nagkuskos ng basang buhok. “Hindi mo ba ako sasagutin? Bakit ngayon ka lang?” “May meeting ang network. Kailan ka ba nagtanong sa akin kung nakauwi na ako? Bakit ba madalas kang umuwi ngayon? Ano ako? Shock absorber mo kapag stressed out ka sa papa mo at sa trabaho mo?” Sasampalin sana ni Victorina ang lalaki ngunit nasalag niya ang kamay ng asawa. “Huwag na huwag mo akong sasagutin ng ganyan.” Idinuro niya ang lalaki. “Dinala mo na naman ang pagiging panganay mo dito. Hey, asawa mo ako kaya huwag kang umasta na parang ate kita.” Napailing si Carlo. “Huwag ko lang malalaman na nakikipagmabutihan ka sa kapatid ko, Carlo. You will see my worst.” “As if I haven’t seen it, Victorina. May nagawa pa rin tayong kasalanan sa kapatid mo. Ginamit natin siya para itago ang relasyon natin. We cheated on her for so lo
Maging ang nakapanuod ng aksidente at hindi maiwasang magbigay ng comment. Lahat ng mga empleyado sa GMA-8 ay nakatingin sa malaking monitor kung saan nagkakaroon ng flashnews tungkol sa car accident. “Nawalan ng preno ang bagong-bagong Lamborghini kaya masusing iimbestigahan ang pangyayari. Sa kasalukuyan ay kritikal ang kalagayan ni Miss Lily Beckham. Isinugod siya sa East Asian Hospital. Reporting Live Jigo Magno back to you, Sir Dominic. Napahinto si Carlo ng marinig ang pangalan ni Lily. Hindi siya makapaniwala sa aksidente. Naaalala niya ang sabi ni Victorina sa kanya. Hindi niya akalaing tototohanin nito ang lahat ng kanyang banta. Dumiretso ng ospital si Carlo upang malaman ang kondisyon ng babae. Hindi masamang babae si Victoria. They are better friends than lovers. “Victoria…” pangalan na lang ng babae ang nasambit niya ng makita ang dating kasintahan sa loob ng ICU. It was a demolition job for Victoria. Napaupo si Carlo sa gilid ng ICU. May upuan naman doon para sa mg
Minabuti ni Xander na humanap ng yaya para sa bata. Mas mainam iyon upang hindi rin siya mag-alala habang nasa trabaho. Sa mga oras na iyon ay walang magandang improvement sa condition ng pasyente. Hindi puwedeng matali si Xander sa mga personal matters sa pagbisita nito sa ospital at sa pag-aalaga ng bata habang naiiwan nito ang maraming trabaho sa opisina. Isinama ni Xander ang isa pang kasambahay sa unit ni Lily. “Good morning po, Sir. Upo muna po kayo.” Sanay na si Calix na salubungin ang lalaki at nagnose-to-nose ang dalawa bilang pagbati tulad ng ginagawa ng ina sa kanya. “Naku, ang batang ito. Pasensiya na po kayo, Sir. Nakaabala na naman kami sa inyo. Sino po siya?” “Ah, siya nga pala Yaya Nena, si Yaya Melai. Siya po ang maiiwan kay Calix tuwing gabi. Hindi ko po maipapangako na palagi kong mapupuntahan si Calix dito pero dadalawin ko po siya. Pansamantala lang naman po ang lahat lalo pa’t wala pa ring magandang balita sa kondisyon ni Lily.” “Maraming salamat po, Sir. Hind
Maging ang mga pulis ay pumayag sa ganoong set-up dahil tiyak na may foul play sa insidente. Kailangan rin ng masusing imbestigasyon sa nangyari. Lahat ng anggulo ay tinitingnan. “Hindi po Lily ang pangalan niya.” sabi ng pulis. “Alam ko. Puwede bang sa atin na lang ito? Huwag na rin po ninyong ipapaalam sa kanya kapag nagkamalay siya na alam ko ang totoo tungkol sa kanya.” “Makakaasa po kayo, Sir Xander.” “Salamat din po, PO2 Domingo.” Pinanindigan ni Xander na bagong empleyado niya si Lily at wala siyang alam tungkol dito. Tiyak na iimbestigahan nila si Victorina kapag nalaman nila ang totoo. Maging ang CCTV sa parking area ng HallyuTower ay sinikap nilang makunan ng kopya upang mapag-aralan kung paano nawalan ng preno ang sasakyan. Ang ilang araw ay inabot ng ilang linggo hanggang sa halos isang buwan nang hindi nakadalaw si Ella sa kanyang pamangkin. Nagtataka ang babae kumbakit hindi sinasagot ni Victoria ang kanyang mga tawag. Busy palagi ang cellphone nito. Madalas niya i
Magsisimula pa lang ang laban ni Victoria. Huli na ng datnan ni Ella ang kuwarto ni Victoria. “Congratulations, Victoria! Congratulations, Xander.” Hindi pa rin ipinaalam ni Ella kay Val na nakabalik na sa Pilipinas ang kanyang anak. Mahigpit ding bilin ni Victoria sa kanya na huwag itong ipapaalam sa ama. “Gusto ko pong ako mismo ang humarap kay Papa.” “Kailan pa?” “May tamang panahon para diyan, Tita.” “Victoria…” Niyakap ni Ella ng mahigpit ang kanyang pamangkin. Malaki ang pasasalamat niya na gising na sa wakas ang babae. “Tita Ella…” “Salamat sa Diyos at gumising ka na, Iha. Congratulations sa bagong buhay mo aside from a new life as Mrs. Yu. Anong plano mo ngayon?” “Walang magiging pagbabago, Tita. I will still work as his secretary.” “Huh, nasabi mo na ba ang tungkol kay Icelle?” halos pabulong na sabi ni Ella. “Tita, huwag po nating pag-usapan dito ang tungkol sa kanya. Kailangan pa ba niyang malaman ang tungkol kay Icelle?” “Huwag kang mag-alala. Mukhang mabait ang
Ayaw niyang pag-isipan na mayroon silang relasyon ng kanyang boss. Ibinaba nila si Victoria isang bloke lang ang layo sa Skyscraper Tower habang may dinaanan pa si Xander bago tuluyang pumasok sa opisina. “Pasalamat ka kay Sir Xander dahil mabait talaga siya. Kailangang maging mabait ka rin at marunong tumanaw ng utang na loob.” Dahil sa kabila ng mahabang absences niya mula sa aksidente ay may trabaho pa rin siyang babalikan. “Pagbubutihin mo ngayon ang trabaho mo, naiintindihan mo ba?” “Opo, Ma’am Geneva.” Nakaismid pa rin ito sa kanya at walang ipinagbago ang kanyang kasungitan. Matapos ang briefing sa kanyang trabaho ay bumalik na ito sa kanyang puwesto sa gilid, sa labas ng opisina ni Xander. “Do your best na makabawi this time.” “Yes, Ma’am!” Pagtalikod na pagtalikod ni Geneva ay niyakap si Victoria ng kanyang mga katrabaho. “Pinakaba mo kami, girl!” Niyakap siya ni Fatima. “Okay ka na ba talaga? Ready to work na ulit?” tanong ni Bambie. “Siya nga pala, alam mo bang nanal
Twenty-five minutes na lang ay natitira at late na talaga si Victoria. Napatalon ito sa kanyang kama habang ang anak ay nanunuod na ng paborito nitong palabas na cartoon sa sala. Dinig niya ang hagikhik nito. “Bakit hindi ninyo ako ginising?” “Lasing na lasing po kasi kayo, Ma’am. Inuwi po kayo ni Sir Xander dito sa bahay.” “Hay naku naman!” “Medyo galit po yata si Sir kagabi kasi nauna siyang umuwi at wala pa kayo. May tumawag sa kanya kasi lasing na lasing po kayo at hindi nila alam kung saan kayo ihahatid.” Umuusok ang ilong ni Xander pagdating sa opisina. Naka-close door meeting siya. Sina Bambie at Zeki ay nagkakasikuhan. Sina Tanya at Fatima ay nagkakatinginan na lang. Hindi nila alam kumbakit lahat sila ay ipinatawag. “Bakit tayo ipinatawag?” Kumibit-balikat ang ilan dahil hindi nila alam kumbakit sila nandoon. “Kayo lang ba ang empleyado ko?” Wala pa si Geneva at Lily. “Anong sinabi ko sa inyo pagdating sa mga drinking session ninyo?” “Huwag pong mali-late kahit makipag
“Alam mo palang masamang hindi kumakain tapos nagpapalipas ka ng pagkain. Eat with me.” Pinandilatan siya ng mata ni Xander. “NOW!” Hinila niya siya at hindi sinasadyang napakandong siya kay Xander. “Diyan mo ba gustong umupo?” “Ay! sorry po, Sir.” Kumain kami sa iisang plato. He used silver spoon and fork and Lily used plastic spork. “O, sa susunod…” Tumango siya. “Huwag magpapalipas ng pagkain.” At walang nakaalam sa nangyari. Malungkot na umuwi si Victoria. Hindi niya pinansin ang ulam na niluto ni Yaya Melai. Nakasubsob siya sa kanyang unan at nakaidlip. Nagulat siya ng may dumampi sa kanyang pisngi at yumakap sa kanyang beywang. “Sorry, Honey. I forgot, hindi ko pala dapat sinisigawan ang aking sensitive na secretary.” Tinakpan ni Victoria ang kanyang mukha. Lalo siyang sumubsob sa kanyang unan at ayaw niyang makita si Xander. Lately ay napapadalas ang pagpunta niya sa kanyang condo. “Tsss! Ewan ko sa’yo!” “Gawin mo kung ano ang ipinag-uutos ko sa iyo. Don’t take orders fro
Kaya ang pag-aasawa ay parang biyahe lang talaga. Minsan, may nauuna sa biyahe at mayroon namang nagpapa-last trip. May mga taong hindi naman nagmamadali pero susunod na lang o ‘di kaya naman ay hahabol na lang. Mahuli man daw sa biyahe ay makakabuo pa rin naman ng pamilya. Iyon ang mahalaga. Xander’s life started the day Victoria cross each other’s path even in the most unimaginable way. There is a reason why they have to meet again. He met several women but nothing compares to the young Newman. Hinangaan naman talaga noon si Xander ang kanyang Economics Professor. He was a graduating student by then. Hindi naman niya niligawan ang batam-bata pa noong teacher niya, si Miss Grace. Mahiyain at soft-spoken ang batang propesora. Si Xander lang ang tutok na tutok na nakikinig sa kanya. She never raises her voice. She always smiles and very calm ang kanyang boses that Xander would even dose off. Hindi niya namalayan, na silang dalawa na lang sa classroom. Hinintay pa siya ng guro na magi
Pinalapit ng pari sina Xander at Victoria sa mismong altar upang pumirma sa kanilang tipan sa Diyos. Isang sagradong kasunduan sa hapag ng Panginoon na sila ay magsasama sa hirap at ginhawa, sa sakit o kalusugan hanggang kamatayan ang maghiwalay sa kanilang dalawa. “This is what it feels to be under God’s grace, receiving his blessings through the sacraments. Thank you, Lord!” Tahimik na usal ni Xander ng mapatingala siya sa malaking krus. “Pasalubungan natin ng masigabong palakpakan sina Mr and Mrs. Alexander Damien Yu.” Walang pagsidlan ng tuwa ang bagong kasal at ang lahat ng dumalo matapos ang buong seremonya. Binati sila ng lahat ng nandoon ng malakas na palakpakan at humiling ng halik mula sa sa kanila. Hindi naman nila binigo ang kanilang mga bisita. Tuluyang bumalon ang luha sa mata ng dalawa. “I can’t believe it, Xander.” “This is our new beginning, Victoria.” Luhaan silang pareho. “Akala ko talaga ay tuluyan ka nang mawawala sa akin. Ah, Lord! Salamat!” “Thank God!” L
Pili lang ang mga bisita sa kasalang Newman - Yu. Sino ang makapagsasabi na ang sanggol na ipinanganak noong araw ding maaksidente si Xander at ang mga magulang niya ay nagbigay sa kanya ng panibagong pag-asa. He never told them one thing. “Xander, napakabait mo talaga!” “Salamat po, Tita.” “Gusto ko din sanang magkaroon ng anak na lalaki na kasing pogi at kasimbait mo.” “Kung may anak lang po kayo eh, siya na ang pakakasalan ko para maging mama ko na rin po kayo.” tugon ng lalaki. Buntis na noon si Cecilia. Nagulat na lang siya ng muli silang dumalaw sa kanya. Malaki na ang tiyan ng babae. “Xander, puwede mo bang ingatan ang anak ko kapag lumabas siya?” Nilapitan siya ng binatilyo at kinuha ni Cecilia kamay niya saka inilagay sa kanyang tiyan. Naka-total bed rest daw siya dahil delikado ang kanyang pagbubuntis. “Po?” “Babae ang magiging anak namin ng Tito Val mo. I like you for my Victoria to be his husband.” “Hala, Tita, mabuti po ba kung magugustuhan niya ako paglaki bala
Gustong magsisi ni Victoria sa kanyang mga ginawa. Hindi kasi niya naiintindihan ang lahat. Hindi naman nagalit si Xander sa kanya bagkus ay naawa siya para pahirapan ng ganoon. “Sigurado ka bang ikakasal tayo bukas? What about our reception and the entourage?” “It’s all done, my darling. I handled every tiny details for you. Ayokong ma-stress ka but I am so sorry to make you angry and worry. Mahal na mahal kasi kita kaya sinunod ko lang ang mahigpit na bilin ni Papa. In this way, I’d be able to redeem myself from having you disgraced for the first time. I never meant to play a game with you. I am not a great pretender infront of you. I really love you, Victoria.” “Oh, Xander!” Nasa gitna ng pagmumuni-muni si Victoria habang mahigpit niyang niyakap ang unan at inamoy ang pabango ni Xander ng bigla siyang mapabalikwas sa kanyang kinahihigaan. Pagkaalis na pagkaalis ni Xander ay nagulat siya sa sopresang inihanda ng mga kapatid ng kanyang fiance. All of them bought gifts for Victori
“I think so!” “Maalala pa kaya niya ang mga sinabi niya?” Napangiti lang si Xander dahil naaalala niya ang nangyari. Hindi na nakapasok si Victoria kinabukasan dahil sa dami ng nainom niya. Wala na ang magkakapatid na Yu. Umuwi na rin si Xander. Hindi niya alam kung anong nangyari. Lumabas siya ng kuwarto at nakitang naglalaro ang kambal sa bakuran. Nandoon din ang Mama at Papa niya. Lumabas siya para halikan ang mga bata at nilapitan na siya ni Ella. “Gising ka na pala. Do you want to eat?” Nagmamadaling umiwas ang babae ngunit hinila siya ni Ella sa kusina. “Let’s go out, Victoria. Gusto ko sanang mag-window shopping.” “Sige po. Tayo lang po ba o isasama natin si Papa at ang mga bata?” “Kung gusto mo…” Tumango siya. Tahimik na lang si Victoria. She doesn’t feel well that day. Masakit ang ulo niya sa hang-over. Hindi niya mapahindian ang ina na minsan lang magyaya sa kanya. Madalas nila iyong gawin kapag wala siya sa mood. Either, ibinubuhos niya sa pagkain o pagbili ng kung an
Kinabukasan ay maaga silang nagsalu-salo sa almusal. Hindi na nakaiwas si Victoria sa good morning kiss ni Xander. Hindi pa rin siya umimik. Hinayaan lang niya ang binata. “I’ll fetch you by six.” “Medyo busy ako eh. Huwag na lang.” “I said 6pm.” “I said I’m busy. Nakikinig ka ba sa akin?” “Okay, fine! Pero kapag mag-asawa na tayo, hindi na puwede ang ganyang sagot mo sa akin. Kapag sinabi kong susunduin kita ng 6pm, I’d be there before six and don’t keep me waiting.” “Kung magiging asawa mo ako?” “Victoria!” “Bakit, Mr. Alexander Damian Yu? Anong drama mo? Bakit mo ako susunduin ng bandang six? Ano? Tapos mo na akong paglaruan? Tsss!” “Hanggang dito ba naman sa pagkain eh magsasagutan kayong dalawa! Victoria!” “Sorry, Pa.” Yumuko ng tingin ang babae. “Wala ka nang pinipiling lugar!” "Kumain ka ng mabuti kung marami kang gagawin ngayon. You need that. Una na ako.” At nagdikit ang kanilang mga labi. “Victoria, okay ka lang ba?” tanong ni Ella. Halatang hindi siya masyadong
“OO bakit? Inggit ka sa buhok ko,” pagtataray niya. “Victoria!” sigaw ni Xander. Halos kaladkarin siya ni Xander. Na-hold siya sa Management Room for questioning. “Ano bang problema mo? Nakakahiya sa management.” sabi ni Xander. Mahigpit na hinawakan ni Xander si Victoria sa braso. “Pasensiya na sa abala.” Nagmamadaling umalis ang dalawa sa opisina. “Aray, nasasaktan ako!” Pinindot ng lalaki ang password pero tinakpan pa niya ito at hindi ipinakita sa babae. “Why did you change your password?” “Para wala nang makapasok dito na kung sinu-sino.” “Pati ako?” “OO, pati ikaw?” “Xander, why are you so cruel to me? Pagbalik natin from vacation, you changed,” bumuntung-hininga lang siya. ”Tell me!” “Tell you what? Halika, ihahatid na kita sa inyo.” “NO! Ayoko!” “Huwag ka ngang mag-asal bata. Tumigil ka ha!” “I am almost half of your age and still immature. Bata pa talaga ako.” “You stop it! Sumusobra ka na ha! Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan sa teacher ko!” “So, why is you
Nahintakutan si SallI. Inumangan ni Xander ng suntok ang bunsong kapatid sa pagiging taklesa niya. Hindi marunong maghinay-hinay ang kanyang bibig. “Papa naman eh. Huwag po kayong sumigaw.” Sumiksik siya sa likuran ni Xander. Alam niyang magagalit ito sa kanyang nalaman. “Pakakasalan ko naman po si Victoria, Papa. Huwag na po kayong mag-alala. Mahal na mahal ko po siya.” Hindi na pinalampas ni Xander ang pagkakataon. Kinontak na niya si Xity ng OLI GROUP. Hindi siya pahihindian ng fashion designer kahit rush niyang kakailanganin ang damit para sa entourage ng kasal nila ni Victoria. Hindi na rin ko siya inusisa pa. “Ms. Vanilla…” “Yes, Ms. Vanilla Oli speaking…” “Gusto ko sanang ipaggawa mo ako ng gown on my wedding day.” “Huh, who is this please?” “Mr. Alexander Damian Yu…” “My gosh, Xander! Kailan pa?” “Anong kailan pa?” “Ikaw? my gosh! “ “Malapit na akong ikasal.” “Should I come and see you? Anong wedding gown ang gusto mo?” Teka nga, parang iba na ang tinatakbo ng kani
Panay ang iyak ni Victoria. Hindi rin napigilan ang pagpupuyos ng galit ni Ella pati ni Val. Halos ma-high blood ang dalawa sa nangyari. Nagpatawag sila ng medic sa mismong gusaling iyon upang mabigyan ng first aid si Yaya Lita at Yaya Melai. Hindi naman ganoon kalalim ang sugat nila sa ulo. “Delikado ang lakad namin. Huwag kang mag-alala dahil hindi mapapahamak ang mga bata.” “Xander…” Pinahid ng lalaki ang luha ni Victoria. “Babalik ka ha! Babalikan ninyo ako ng mga bata.” “OO naman. Saan pa ba kami uuwi kundi rito sa iyo?” Lalong hinigpitan ni Victoria ang yakap sa kanya. Hinalikan siya ni Xander ng madiin. ”Hayan, huwag ka nang mag-alala.” Hindi pa sana siya bibitiw ngunit sumenyas na ang mga pulis. Naka-black suit na silang lahat. May mga helmet na itim pa at doon niya nakita ang mahahaba nilang armalite. Mukhang pinag-aralan din ni Geneva ang kanyang mga hakbang upang lansihin silang lahat habang abala sa burol. Hinawakan ni Luna si Victoria. Pinagitnaan siya nina Amber. “