Home / All / IN HIS ARMS (A BxB Story) / CHAPTER 2: FAMILY

Share

CHAPTER 2: FAMILY

Author: Plumarie02
last update Last Updated: 2021-08-30 16:14:15

IANNE’S POINT OF VIEW, 

Pagkauwi ko ng bahay ay problema agad ang sumalubong sa akin. Naabutan kong nag-aaway sina Mama at Papa, nagsisigawan sila na halos dinig na rinig na sa labas ang mga boses nila.

“Ryan naman! Saan mo dinala ang ganoon kalaking halaga ng pera?! For Pete’s sake! Kalahating milyon ang nawawala sa bank account natin! Nalugi na nang nalugi ang business natin hanggang sa binenta mo ng walang paalam tapos kinuha mo pa ‘yong kalahating milyon na napagbentahan?!” naghe-histerical na sigaw ni Mama pagkapasok ko ng bahay.

“M-Mama, P-Papa?” gulat kong tanong sa kanilang dalawa. Dahan-dahang lumingon sa akin si Mama na halatang galing sa pag-iyak, mugto ang kaniyang mga mata at namumula ang ilong.

“I-Ianne,” tanging naiusal ni Papa.

“N-Nag-aaway po ba kayo? Tama po ba ang narinig ko mula kay Mama? Anong nangyayari Mama, Papa?” tila nanghihina kong tanong sa kanila. 

“A-Anak, umakyat ka muna sa taas. Hayaan mo muna kaming mag-usap ng ama mo. Please lang,” nakapikit na saad ni Mama habang nakahawak sa ulo niya at nakaturo sa hagdan pataas sa kwarto ko.

“Sige na, Ianne. Huwag matigas ang ulo,” seryosong saad ni Papa.

Nag-aalangan pa akong tumango pero tumango pa rin ako kina Mama at Papa. Nagmano pa ako sa kanilang dalawa bago pumanhik sa kwarto ko. Pagkasara ko ng pintuan ng kwarto ko ay narinig ko na namang muli ang boses ni Mama. Halata mong galit na galit talaga ito.

“Ano Ryan, bakit hindi ka makasagot ha?!” sigaw ni Mama mula sa baba.

“Pinangsugal ko! Ano masaya ka na Ianelle?! Nasagot ko na ang tanong mo!” sigaw pabalik ni Papa.

“Ang sabihin mo pinangsugal at pinambabae mo! Ang kapal ng mukha mong gastahin ang pera na para sa anak mo! Lumayas ka Ryan, layas! Lumayas ka sa pamamahay ko!” umiiyak na sigaw ni Mama. 

Napapikit ako at kusang tumulo ang mga luha ko sa narinig mula kay Mama. May babae pala si Papa? Niloloko niya na pala si Mama, all this time ang akala ko ay masaya silang dalawa. Akala ko ay wala silang problema maliban sa negosyo nila.

“Talagang lalayas ako Ianelle! Nakapapagod at nakasasawa ka na. Nagsisisi akong ikaw ang pinakasalan ko. Sawang sawa na ako sa bunganga mo at diyan sa pag-uugali mo!” sigaw muli ni Papa, nakarinig ako na may parang nabasag sa may baba. Agad akong lumabas ng kwarto ko at bumaba.

Habang nasa hagdan ay kitang kita ko ang basag naming vase sa tabi ni Mama na ngayon ay nakasalampak na sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang duguan ang kamay ni Mama na halata mong napatukod sa mga bubog. T-Tinulak ba siya ni Papa?

Agad ko siyang dinaluhan at tinayo habang si Papa ay nagmamadaling umakyat ng hagdanan, patungo siguro sa kwarto nila ni Mama.

“Mama,” umiiyak kong tawag sa Mama ko na ngayon ay punong puno na ng luha ang buong mukha.

“A-Ayos lang ako, anak. Pasensya ka na ha, hindi ko na matutupad ang pinangako ko sayo na k-kompletong p-pamilya.” Pumiyok ang boses ni Mama at hindi na napigilan pa ang muling pag-iyak. 

Niyakap ko ng mahigpit si Mama at umiyak na rin sa balikat niya. Ito lang ang maitutulong ko kay Mama bilang anak niya, ang samahan siya sa sakit na nararamdaman niya. Napakalas ako ng yakap kay Mama ng marinig ang nagmamadaling yabag ni Papa.

“P-Papa, hindi ninyo po kailangang umalis. Hindi ninyo na po ba maayos ito ni Mama?” tila nagsusumamo kong saad kay Papa habang nakahawak sa braso niya upang pigilan siyang makalabas ng pinto. Halata mong desidido na siya sa pag-iwan sa amin ni Mama dahil dala niya ang lahat ng gamit niya.

“I’m sorry Ianne, alagaan mo ang Mama mo. Pagod na pagod na ako sa ina mo, patawarin mo sana ako Ianne pero ito ang mas nakabubuti sa aming dalawa.” Inalis nito ang pagkakahawak ko sa braso niya at tuluyan nang lumabas ng bahay.

Nanlambot ang tuhod ko at tuluyan ng napaluhod sa sahig. Tumulo na naman ang mga luha ko dahil sa pag-alis ni Papa, talagang iniwan niya na kami para sa ibang babae. Umalis siya at nag-iwan ng malaking problema sa amin ni Mama. Mas pinili niyang sirain ang pamilya namin para lang sa panandaliang saya.

Biglang nabuhay ang galit sa loob ko, galit na galit ako kay Papa at sa babae niya. Paano nila ito nagawa kay Mama? Ang kati-kati niyang babae para pumatol sa taong alam niyang may asawa na. Kapag nakita ko siya ay kakaladkarin ko siya at lalagasin ko ang buhok niya hanggang sa makalbo siya. 

Naikuyom ko ang mga kamao ko at pinagsusuntok ang sahig. Hindi ko ininda ang sakit ng pagtama ng kamao ko sa sahig, basta mailabas ko lang ang galit at ang sama ng loob ko.

“Ianne, anak! Tama na please, tama na anak. Huwag mong saktan ang sarili mo.” Natauhan ako nang biglang may yumakap sa aking likuran.

“Naging masama ba akong anak, Mama?” nagsusumamo kong tanong kay Mama.

“Hindi anak, hindi. Wala sa iyo ang mali, nasa ama mo. Hindi siya nakuntento sa pamilyang ito. Hindi siya nakuntento sa akin, naghanap siya ng iba dahil hindi ko na siya kayang bigyan ng isa pang anak.” Humagulgol si Mama pagkatapos niyang sabihin iyon. Humarap ako sa kaniya at pinahid ang mga luha niya.

“I-Iyan ba ang dahilan ni Papa, Mama?” muli kong tanong sa kaniya. Tumango si Mama sa akin.

“Hindi ko na siya mabigyan pa dahil hindi na pwede, kaya naghanap siya ng ibang babae na kayang ibigay ang gusto niya. Nakahanap siya at buntis ngayon ang babae niya,” nakayukong sagot ni Mama at halatang pinipigilan ang iyak niya. 

Lalong napakuyom ang mga kamao ko. Tumitindi ang galit sa puso ko, hindi ko dapat ito nararamadam pero lalong tumitindi ang pagkamuhi ko sa ama ko. Sinaktan niya ang kaisa-isang babae na minamahal at pinahahalagahan ko. 

“Bumagsak na ang negosyo natin at ngayon ay hawak na iyon ng mga Aristotle. Binenta ng ama mo sa pamilya nila ang negosyo natin at ngayon ay wala ng natira sa atin Ianne,” durog na durog na saad ni Mama sa akin. 

Napatahimik ako sa narinig, ang mga Aristotle ay isa sa mga pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas. Pagdating sa negosyo ay kilala sila bilang mga walang awa na nagpapabagsak ng mga maliliit na negosyo sa paraan na kukuhanin nila ito o gigipitin ka nila para ibenta mo sa kanila ang negosyo mo. Mahirap magmakaawa sa pamilya nila, napapikit ako ng mariin.

Biglang pumasok sa utak ko ang ipon ko mula sa ipon, sa scholarship ko at mula sa pagba-basketball ko. Ang huling tingin ko sa bank account ko ay umabot na ng three hundred thousand ang laman noon. Maliit na halaga lang iyon pero malaking tulong na iyon kay Mama. 

Alam ko namang sobrang halaga ng negosyo na nawala sa amin dahil minana pa iyon ni Mama sa mga magulang niya, pero sa ngayon ay kailangan muna naming makabangon. Ipinapangako ko Mama, babawiin ko ang negosyo natin.

“Huwag kang mag-alala Mama, gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko.” Hinahaplos ko ang ulunan ni Mama na ngayon ay nakatulugan na ang pag-iyak. Binuhat ko si Mama at dinala sa sofa upang doon ihiga.

Nilinis ko ang mga basag na paso at tinapon sa basurahan. Nilinis ko na rin ang sugat ni Mama at ang sugat sa kamay ko.

Dumiretso ako sa kusina at saka nagluto ng hapunan namin ni Mama. Pagkatapos kong magluto ay pinuntahan ko na si Mama at ginising upang makakain.

Habang kumakain kami ni Mama ay ramdam ko ang lungkot at pagkabalisa niya. Halata ko rin na pinipilit na lang niyang kumain dahil pinaghanda ko siya. Tahimik lang kaming dalawa at walang nagtangkang magsalita. 

Pagkatapos naming kumain ay pinaakyat ko na si Mama sa guess room, doon ko muna siya pinatulog para kahit papaano ay makalimutan niya si Papa.

Naghugas na rin ako ng plato at saka nagpasyang umakyat sa kwarto ko. Bago pa man ako makarating sa kwarto ko ay dumaan muna ako ng guess room upang silipin si Mama, tulog na itopero mugto ang mga mata. Napabuntong-hininga ako at saka sinara ang pinto.

Kinabukasan ay nagdadalawang isip pa ako kung papasok ako dahil maiiwan si Mama na mag-isa rito, pero pinilit ako ni Mama at sinigurado niya sa akin na ayos lang siya sa bahay mag-isa. Bibisitahin naman daw siya ni Tita Eve kaya wala akong dapat ipag-alala. 

Tinawagan ko rin si Tita Eve at siniguradong makapupunta siya at binilin ko na rin si Mama sa kaniya. Hindi ko rin naman kasi pwedeng baliwalain at pabayaan ang pag-aaral ko.

Nandirito kami ngayon ni Rica sa open field, nakaupo sa isang bench. Naikwento ko sa kaniya ang nangyari sa bahay kahapon.

“Grabe pala ang problemang kinahaharap ninyo ni Tita Ianelle ngayon. Naawa ako kay Tita, hindi ko akalain na magagawa iyon ni Tito Ryan. Sanay ako na nakikitang masaya ang pamilya ninyo. Hindi lang siguro ako makapaniwala,” malungkot na saad ni Rica habang hinahaplos ang kamao kong may benda.

“Tignan mo oh! Sinugatan mo pa iyong sarili mo,” inis niyang saad sa akin.

“Gusto kong bawiin ang negosyo namin,” usal ko sa kawalan at hindi pinansin ang sinabi niya.

“Edi magtrabaho ka sa mga Aristotle, hiring ng bagong secretary ang anak ng may ari ng Aristotle Corporation,” tila wala sa sariling saad ni Rica.

Napaisip ako bigla sa sinabi niya.

Related chapters

  • IN HIS ARMS (A BxB Story)   CHAPTER 3: MEETING

    IANNE’S POINT OF VIEW, ‘Edi magtrabaho ka sa mga Aristotle, hiring ng bagong secretary ang anak ng may ari ng Aristotle Corporation.’ ‘Edi magtrabaho ka sa mga Aristotle, hiring ng bagong secretary ang anak ng may ari ng Aristotle Corporation.’ ‘Edi magtrabaho ka sa mga Aristotle, hiring ng bagong secretary ang anak ng may ari ng Aristotle Corporation.’ Paulit-ulit na nag-replay sa utak ko ang sinabi ni Rica sa akin kanina. Nandirito ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga, wala si Mama dahil sinama siya ni Tita Eve sa farm nila upang makapag-relax at makalanghap ng sariwang hangin. Doon daw muna matutulog si Mama ng isang linggo kaya naiwan akong mag-isa rito sa bahay. Nagdadalawang isip pa ako sa sinabi ni Rica sa akin. Gusto kong makausap si Mr. Aristotle tungkol sa negosyo namin, kapag hindi siya pumayag sa iaalok ko ay wala na akong ibang option kung hindi magtrabaho bilang secretary ng kaniyang anak. Bumangon ako at nap

    Last Updated : 2021-08-30
  • IN HIS ARMS (A BxB Story)   CHAPTER 4: AGREEMENT

    IANNE’S POINT OF VIEW,“Hindi lang negosyo ang binenta ng ama mo sa akin,” seryoso niyang saad.“P-Po? Ano pong ibig ninyong sabihin?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.“I was about to contact you but you came here already.” Muli itong napabuntong-hininga.“Hindi ko po kayo maintindihan,” naguguluhan kong saad.“Ayon sa kasunduan namin ng iyong ama ay hindi lang La Ianelle Fashion ang binebenta niya sa akin, kung hindi pati ang nag-iisa niyang anak na nagngangalang Ianne Raine Demillo. At ikaw iyon, Ijo.”Tila gumuho ang mundo ko nang marinig ang pahayag ni Mr. Aristotle. Nanlambot ang mga paa ko at nanghina ang katawan ko, mabuti na lang at nakaupo ako ngayon. Kasi kung nakatayo ako ay baka kanina pa ako tumumba.Sunod-sunod tumulo ang mga luha ko dahil sa narinig.“B-Baka ho nagkakamali lang kayo.” Pumiyok pa ang boses ko habang sinasabi iyon

    Last Updated : 2021-08-30
  • IN HIS ARMS (A BxB Story)   CHAPTER 5: FIRST MET

    IANNE’S POINT OF VIEW,Pagkapasok ko sa office ni Sir Cloude ay wala pa siya sa upuan niya. Agad akong nagtimpla ng kaniyang kape at nilapag iyon sa table niya. Tinuruan ako ni Sheena kung paano ang tamang timpla ng kape ni Sir. Si Sheena ang madalas na taga timpla ni Sir Cloude noong wala pa ito na bagong secretary.Napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas at niluwa ang isang napakagwapong binata. Natulala ako sa kaniya.“A-Ang gwapo,” bulong ko. Natauhan ako nang bigla siyang magsalita.“Who are you?” galit nitong tanong sa akin at sinamaan pa ako ng tingin. Napatikhim ako at umayos nang tayo.“H-Hello Sir Cloude, I’m Ianne Rain Demillo. I've been assigned to you as your new secretary,” diretso kong sagot sa kaniya.“Okay, did my father tell you that I only allow girls in my office if they are my employees or if there is an emergency?” seryoso niyang tanong sa akin.&

    Last Updated : 2021-09-17
  • IN HIS ARMS (A BxB Story)   CHAPTER 6: WORKING STUDENT

    IANNE’S POINT OF VIEW,Utos doon, utos dito. Wala nang ibang ginawa si Sir Cloude kung hindi utusan ako nang utusan.Hindi naman sa nagrereklamo ako, wala akong karapatang magreklamo dahil trabaho ko naman talaga ito. Ang kaso ay hindi pa tapos ang nauna niyang inutos ay may kasunod na naman.Seriously?! Wala pang ilang sigundo ang niya tapos may panibago na agad.Hindi ko maintindihan kung sinusubukan niya ba ang pasensya ko o sadyang marami lang talagang gawain. Ilang araw na ang nakalilipas simula nang magsimula akong magtrabaho sa kaniya at Simula noon ay hindi ko na nakausap pang muli si Mr. Aristotle.Alam na rin ni Mama ang trabaho ko at ang katotohanang presyo ng utang ni Papa pero hindi ko pinaalam kay Mama ang parte na binenta ako ng sarili kong ama.Pinaalam ko na rin kay Mama ang naging desisyon ko, noong una ay nagalit pa siya sa akin pero kalaunan ay nakumbinsi ko rin siya.Hindi ko na tinangkang habuli

    Last Updated : 2021-09-24
  • IN HIS ARMS (A BxB Story)   CHAPTER 7: MALL

    IANNE’S POINT OF VIEW,“I-I'm not—” Naputol ang sasabihin ko nang bigla na naman siyang sumigaw.“Don't talk back!”“I-I’m sorry, Sir Cloude.”Pinagtitinginan na kami ng mga empleyado dahil sa malakas na sigaw ni Sir Cloude. Ang iba ay natatakot at ang iba ay nakikitaan ko ng awa sa akin.“Go to my office now! I won't tolerate that kind of act on my own company!”Napapikit ako nang mariin, kabago-bago ko pa lang pero katakot-takot na agad ang nangyari sa akin. Tumango ako sa kaniya at napayuko. Grabeng kahihiyan naman ang natamo ko ngayong araw.Hindi na siya muling nagsalita pa at galit na pumasok sa office niya, pabalagbag niya pang sinara ang pintuan ng office niya. Halata mong galit na galit siya.Halos hindi ko na magalaw pa ang mga paa ko sa kinatatayuan ko, ramdam na ramdam ko rin ang titig ng mga empleyadong nakasaksi sa galit ni S

    Last Updated : 2021-10-03
  • IN HIS ARMS (A BxB Story)   CHAPTER 1: IANNE

    IANNE RAIN DEMILLO’S POINT OF VIEW,Pawis na pawis ako habang patungo sa may bench na kinalalagyan ng bag ko. Agad kong kinuha ang water bottle ko sa bag at nilagok ito. Pagod na pagod ako sa practice namin ngayon sa basketball. Malapit na kasi ang laban namin sa ibang school.“Pawis na pawis ka na naman,” saad ni Rica habang pinupunasan ng towel ang noo at leeg ko na punong puno ng pawis.“Haler! Basketball po ang nilalaro ko kaya sino ang hindi pagpapawisan?” pilisopo kong bulong dito dahil baka may makarinig sa boses ko. Ang lambot at ang landi pa naman ng boses ko.“Huwag mo akong mapilosopo diyan Ianne Rain Demillo ha! Baka ibuking kita rito,” nanggigigil niyang saad sa akin.Hinarap ko siya at nginitian at saka kinurot ang pisnge niya.“Joke lang, eto naman! Ang cute cute mo talaga! Huwag mo akong tawagin sa buo kong pangalan, nakadidiri kaya!” gigil ko ring saad at binulong a

    Last Updated : 2021-08-30

Latest chapter

  • IN HIS ARMS (A BxB Story)   CHAPTER 2: FAMILY

    IANNE’S POINT OF VIEW,Pagkauwi ko ng bahay ay problema agad ang sumalubong sa akin. Naabutan kong nag-aaway sina Mama at Papa, nagsisigawan sila na halos dinig na rinig na sa labas ang mga boses nila.“Ryan naman! Saan mo dinala ang ganoon kalaking halaga ng pera?! For Pete’s sake! Kalahating milyon ang nawawala sa bank account natin! Nalugi na nang nalugi ang business natin hanggang sa binenta mo ng walang paalam tapos kinuha mo pa ‘yong kalahating milyon na napagbentahan?!” naghe-histerical na sigaw ni Mama pagkapasok ko ng bahay.“M-Mama, P-Papa?” gulat kong tanong sa kanilang dalawa. Dahan-dahang lumingon sa akin si Mama na halatang galing sa pag-iyak, mugto ang kaniyang mga mata at namumula ang ilong.“I-Ianne,” tanging naiusal ni Papa.“N-Nag-aaway po ba kayo? Tama po ba ang narinig ko mula kay Mama? Anong nangyayari Mama, Papa?” tila nanghihina kong tanong sa kanila.&nb

  • IN HIS ARMS (A BxB Story)   CHAPTER 1: IANNE

    IANNE RAIN DEMILLO’S POINT OF VIEW,Pawis na pawis ako habang patungo sa may bench na kinalalagyan ng bag ko. Agad kong kinuha ang water bottle ko sa bag at nilagok ito. Pagod na pagod ako sa practice namin ngayon sa basketball. Malapit na kasi ang laban namin sa ibang school.“Pawis na pawis ka na naman,” saad ni Rica habang pinupunasan ng towel ang noo at leeg ko na punong puno ng pawis.“Haler! Basketball po ang nilalaro ko kaya sino ang hindi pagpapawisan?” pilisopo kong bulong dito dahil baka may makarinig sa boses ko. Ang lambot at ang landi pa naman ng boses ko.“Huwag mo akong mapilosopo diyan Ianne Rain Demillo ha! Baka ibuking kita rito,” nanggigigil niyang saad sa akin.Hinarap ko siya at nginitian at saka kinurot ang pisnge niya.“Joke lang, eto naman! Ang cute cute mo talaga! Huwag mo akong tawagin sa buo kong pangalan, nakadidiri kaya!” gigil ko ring saad at binulong a

DMCA.com Protection Status