“BITAWAN mo ako!” Pagpupumiglas ni Cataleya sa matandang lalaki na mahigpit na hawak ang braso niya. Sa taglay nitong kalakasan ay nahihirapan siyang kumawala. Natatandaan niya ang itsura nito, ito ang isa sa mga resort owner na kumindat at may pagdilang pagnanasa sa kanya. In short, manyakis ito. “Ano bang kailangan mo sa akin huh?”“Calm down Miss, baka hindi mo ako nakilala, ako si Leon Rivero.” Tinangka nitong haplusin ang mukha niya pero mabilis siyang nag-iwas. Nandidiri siya sa ginagawi nito. “Mayaman ako, kaya kong ibigay ang lahat ng gusto mo basta pumayag ka lang sa gusto ko.”Pinanlisikan niya ito ng tingin at pilit pa ring binabawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito. “Sa’yo na ang pera mo Mr. Rivero. At pwede pa pakawalan mo na ako. Hinding-hindi kita papatulan.“Iyan ang gusto ko sa isang babae, palaban na pakipot muna,” nakangising sabi nito. Aliw na aliw pa itong pagmasdan ang nangangalit niyang mukha. “Sa una lang aayaw ka pero mamaya, hahalinghing ka sa sarap.”“No!
SA napapanood na CCTV footage, nakita ni Cataleya ang paglalakad niya sa pasilyo ng ikalawang palapag ng second floor ng hotel. Nang makarating siya sa comfort room, may sumusunod palang isang nilalang sa kanya. Walang iba kundi si Leon Rivero, nagpalinga-linga ito sa paligid na para bang may inaabangan. Hanggang sa pumasok ito sa isang nakabukas na suite. Panay ang pagsilip nito sa labas.Nakita muli ni Cataleya ang sarili na naglalakad muli sa pasilyo na kalalabas lang ng CR. Sa pagdaan niya sa may tapat ng naturang suite, huling-huli sa eksena kung paano siya hinablot ni Leon papasok sa loob ng hotel room.Nahagip din ng camera ang pagpupumiglas niya at maging pagsasara ng pinto. Ganap nan gang nabunyag ang isang katotohanang na hindi maitatago ng camera.Ang lahat ng nasa monitoring room ay napabuntong-hininga. Isang tahimik na tensyon ang nagsimulang mabuo sa paligid. Kaagad na binasag iyon ni Cataleya para muling i-depensa ang sarili. Siya ang agrabyado sa mga nangyari at hindi
“SIR Lukas?!” mulagat na sambit ni Cataleya sa pangalan ng boss niya. Bigla na lang itong sumulpot sa pag-uusap nila ni Romeo. Katulad ng gabi, wala siyang makitang emosyon sa mukha nito na nakatingin sa kanilang dalawa ng binatang kapitbahay. Napansin niya na nakasuot ito ng sando at board short. Sabagay, may pagka-alinsangan ang klima sa gabing iyon.“Hala andito ka pala Sir,” gulat na sabi ni Romeo, bigla itong nakadama ng hiya. “Sorry po kung naibuko ko po kayo kay Ma’am cat, na kayo ang tumulong sa kanya ng gabing iyon.”Kumibit-balikat ito. “It’s alright Romeo. Mas maganda nga na malaman na rin niya.”Minsan pang nanlaki ang mata niya sa kumpirmasyon na iyon ng binatang boss. Kahit paano ay bahagyang sinusundot rin pala ng kalambutan ang puso nito. Mixed ang nadarama niyang emosyon. May sama pa rin siya ng loob dito sa nangyari kaninang umaga sa meeting.“Ay ‘di salamat Mr. Adriatico.” Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Baka, sumbatan mo pa ako sa ginawa mong pagtulong mo sa akin.
“SORRY kung naka-istorbo ko ang pag-uusap ninyo, ka-video call ko kasi ang friend ko,” palusot na sabi ni Cataleya kina Lukas at Lorraine. Pinakatitigan pa niya ang hawak na cellphone kahit hindi siya nakakonekta kay Ria. Abot-abot ang kaba niya ng mga sandaling iyon.Nangunot ang noo ni Lukas. “Nasa trabaho ka Miss Domingo, pero nakikipag-video call ka ng ganitong oras?”“I’m sorry Sir,” mababang tonong paumanhin niya. “Bigla kasing tumawag ang friend ko. Baka kasi emergency.”“Okay never mind, basta make sure na hindi mo mapapabayaan ang work mo.” Binalingan nito ang dalagitang pamangkin. “Teka, kumain ka na ba my dear niece?”“Tamang-tama uncle, gutom na nga ako kaya nga pinuntahan kita dito sa office mo.” Humagikhik pa si Lorraine.Minsan pa siyang nanibago sa pagiging kalmado ng presensya ng boss niya. Tila yata natulong ang pagiging isang dragon nito.“Miss Domingo, lalabas lang kami saglit ng pamangkin ko huh,” untag ni Lukas sa kanya. “Kailangan pagbalik ko mamaya ay tapos na
KULANG na lang ay maipikit ni Cataleya ang mga mata nang masamyo pa niya ang mabangong hininga ni Lukas. Tila nanadya ito sa malapit na pagitan ng kanilang mga labi. May kung anong kakaibang init ang binubuhay nito sa bawat himaymay niya.“Inayos ko lang ang pagkakabit mo ng seat belt mo. Maluwag eh at delikado sa mga unexpected circumstance,” sabi nito. Napababa ang tingin niya sa abalang kamay nito.Inayos nga nito ang pagkasuksok ng latch plate sa buckle ng seat belt niya. Isang bagay na hindi niya napansin kaagad. Nakadama naman siya ng pagkapahiya sa sarili, pero hindi niya ipinahalata iyon sa boss niyang kasama. “Sorry, nagmadali kasi ako sa pagsakay dito sa SUV mo. Hindi ko na napansin ‘yan.”Inilayo nito ang sarili sa kanya at umayos muli ng upo sa driver’s seat. Natuon muli ang atensyon nito sa muli sa pagpapaandar ng kinaluuanan nilang sasakyan.“It’s alright, time to go again,” ani nito na hindi na siya nilingon pa. Naramdaman nila ang kanilang pag-andar sa gitna ng kalye.
“MAY ipapakiusap sana ako sa’yo, Ma’am Cataleyah,” muling sabi ni Conchita. Mababakas sa mga mata nito ang kislap ng pakikiusap.“Ano naman poi yon?” Nanatiling ang diretsong tingin niya sa ginang. “S”ya nga po pala, Cat na lang po ang itawag ninyo sa akin. Huwag n’yo na po akong tawaging Ma’am dahil hindi naman na kayo iba sa akin ni Aya.”Para kasi siyang nakasumpong ng bagong pamilya sa mag-ina na kasama niya ngayon sa bahay niya. Kung ayaw ni Lukas sa mga ito, sa parte niya ay hindi siya magdadamot ng pagmamahal at pagutulong. Magkataliwas ang mga desisyon nila ng kanyang boss. At least siya ay puso ang pinapairal niya.“Huwag mong sukuan ang anak kong si Lukas, Cat,” malumanay na sabi ni Conchita. “Sa pamamagitan mo kasi, kahit paano ay nagiging updated ako sa nangyayari sa buhay ng anak ko.”Hindi niya malaman ang magiging reaksyon niya. Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa labi niya. “Kaya ko naman hong pakisamahan at tiisin si Lukas sa trabaho, pero hindi ko po sigurado kung ma
PAGKAPIKIT ni Cataleya ng mga mata ay kaagad din siyang nagmulat. Pakiramdam niya ay napunta siya sa ibang dimensyon. Nawala ang pagka-antok sa diwa niya. Nanatili siyang naroon sa mamahaling sa silid sa hotel na iyon pero hindi na siya nag-iisa. May kasama siyang isang lalaki na hindi niya makita ng malinaw ang itsura. Nakatayo ito sa may gilid ng kama at alam niya na masuyong nakatingin ito sa kanya.“Hindi ka totoo,” aniya na napailing pa ang ulo niya. “Panaginip lang ang lahat ng ito.”Ang blangkong expression ng mukha nito ay kaagad na napalitan ng pagkaaliwalas. Hindi niya ganap na makita ang malagkit na tingin sa kanya. “Hindi ko alam ang sinasabi mo, but you are beautiful in my eyes tonight.”Sa boses pa lang ay naghatid ng kakaibang epekto sa katawan niya. Hot and sexy ang dating sa pandinig niya.Hindi pa rin makapaniwala na bumangon siya buhat sa pagkakahiga sa kama. Lumapit siya sa lalaking kasama niya sa silid na iyon. At ganap na ngang magkaharap silang dalawa.Halos hin
“KUNG pinapalayas mo na ako bilang secretary mo Sir Lukas,” matapang na sabi ni Cataleya sa bagong dating na boss. “Willing naman ho akong umalis. Kaya wala na tayong dapat pag-usapan pa.”Umiling ang ulo nito kasabay ang pagkunot ng noo. “It’s not about that, Miss Domingo!”“Then, diretsahin na ako Sir!” napatayo na siya na may kasamang pagkainis. Pilit niyang hinahabaan ang pisi ng pasensya para dito. kailangan pa rin na maging magalang siya kay Lukas.“Have you seen it?” Iniharap nito sa kanya ang screen ng mismong cellphone nito. Minsan pang nanlaki ang mga mata niya sa nakitang picture doon.Pamilyar sa kanya ang nasisilayan niyang imahe. Bigla tuloy niyang naalala ang cellphone niya. Kaagad niyang pinulot sa sahig at nagulat siya sa bumulagang video doon.“Hindi ito totoo!” Nagpalipat-lipat ang tingin niya screen ng cellphone niya at sa mukha ni Lukas. At ganap na niyang naunawaan ang lahat sa tila ma-intrigang araw na iyon.Isang intimate video ang naroon, kung saan siya napa
TUMIGIL ang van sa compound na nasa labas ng Metro Manila. Mula sa nasabing sasakyan ay sapilitang ibinaba ang dinukot na mag-asawa. May nakasaklob na sako sa mga ulo nito. Bumaba na rin ang mga goon saka pakaladkad na ipinasok ang mga bihag sa loob ng isang lumang bodega. Papakalat na ang dilim sa buong paligid.Sa loob ng bodega ay may dalawang upuang kahoy kung saan iniupo sina Lukas at Cataleya. Nagpapalag ang dalawa pero walang silang magawa para makatakas. Nakatali ang kanilang mga kamay at panibagong tali pa ang ginawa sa kanilang mga katawan sa kanilang kinauupuan.“Welcome,my dear Lukas at Cataleya,” anang ng isang boses na babae na may pagbubunyi ang tono.Kasabay n’on ay ang pagtanggal ng nakasaklob na sako sa kanilang mga ulo. Hindi makapaniwala si Lukas sa mukha ng taong nagpadukot sa kanila. “M-Mama Matilde, kayo ang may kagagawan nito?”Si Cataleya naman ay maang nakatingin sa may katandaan ng babae. Halatang may ginagamit para mapigilan ang pagkulubot ng mukha. Hindi n
"I admit Cataleya, iniwan nga kita noon dahil sa pagkagalit ko sa'yo," walang emosyong pag-amin ni Lukas. Nagtagis ang bagang nito pero sa kislap ng mga mata ay naroon ang pagka-guilt. "Inisip ko na niloko mo ako, dahil nalaman ko ng gabing iyon na ikaw pala ang kakambal ng namatay kong asawa.""At k-kailan nangyari iyon?" Kumabog ang dibdib niya sa walang kalinawang dahilan. Pakiramdam niya ay mas lalo pang nahiwa ang puso niya.Kagaya ng nitong nakaraang araw, wala siyang maapuhap sa alaala niya."It was three years ago, nang i- invite tayo ng father ko sa mansyon for a dinner date. Gusto ka nilang makilala," pagpapatuloy ni Lukas. "Pero malaki ang pagka-disgusto sa'yo ng Mama Matilde. Siya ang nagsiwalat ng pagkatao mo kasabwat ang dating secretary ng kakambal mo."Marahan siyang napatango ngunit may isang particular na emosyon ang nagnanais kumawala sa dibdib niya. Her temporary memory loss prevented her from fully bursting out."Iyong totoo Lukas, until now ay galit ka pa rin ba
"KANINONG bahay ito Lukas?" tanong ni Cataleya sa nagpakilalang asawa niya. Kabababa lang nila sa sasakyan at nasa harap sila ng dalawang palapag na bahay na tabing-dagat. "Ang ganda namam ng view dito."Sumalubong sa paningin ang tanawin ng dagat na kung saan ay may natatanaw siyang tila maliliit na isla.Nilingon siya ni Lukas, karga nito ang dalawa sa triplet na parehong nakatulog sa mahabang byahe. "Bahay mo ito my dear wife."Namanghang nanlaki ang mata niya. "Wow talaga, sa akin talaga ang bahay na ito.""Oo, dito ka tumira noong nag-stay ka pa dito sa El Nido," sagot ni Lukas. "Anyway, pumasok na muna tayo sa loob at para madala sa kwarto ang mga anak natin."Marahan siyang tumango at napasunod na lang sa muling paglakad ng asawa. Humahanga siya sa magandang interior ng bahay na pag-aari niya daw. Dulot ng amnesia niya ay hindi niya maalala ang pagiging bahagi n'on sa buhay niya.Isang kuwarto ang binuksan ni Lukas at nanatiling nakasunod siya dito. Marahan nitong inihiga sa ka
NAGISING siya ng umagang iyon na pakiramdam niya ay malakas na siya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Nakasanayan na ng mga mata niya ang kinaroroonan niyang apat na sulok ng silid, ang madalas niyang makamulatan sa bawat umaga.Isang malaking tanong sa kanya kung nasaan siyang lugar. Humakbang siya palabas silid. Marahan niyang pinihit ang seradura para ganap na siyang makalabas.Hindi pamilyar sa kanya ang pasilyo na nabungaran niya. malinis, maaliwalas at maalwan ang bahaging iyon ng kabahayan. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad.Natagpuan niya ang sarili na bumababa sa grand staircase. Indikasyon na naroon siya sa isang mansion. Pero ang tanong, kaninong bahay ang kinaroroonan niya?“Gising ka na pala, ahm okay na ba pakiramdam mo?” Salubong sa kanya ng isang matangkad at gwapong lalaki pagkababa niya ng hagdan. Kita niya ang concern sa mukha nito.Tumango siya pero kinikilala pa rin niya ang itsura nito. “Ayos naman ang pakiramdam ko. Teka, s-sino ka ba?”“Ak
CATALEYA gently stroked him. Tila may nakikipaglaban sa mahigpit niyang pagkakapit niya sa isang bagay nasa loob ng short ni Lukas. Biglang napahiwalay ang labi ng asawa sa kanya at napaungol ito sa bawat paghagod ng kamay niya sa ebidensya ng pagiging lalaki nito. Naroong nakagat pa nito ang sariling labi.“You’re making me crazy,” anas ni Lukas saka naipikit pa nito ang mga mata. Nanatiling pa ring nakaupo ito.Lihim naman siyang nangiti dahil nagawa niyang paligayahin ang asawa sa kanyang mga kamay. Lalo pa ito naging hot sa mga mata niya dahil nakikita niyang reaksyon ng gwapong mukha nito.Lalo pa niyang itinodo ang ginagawa niya. Ayaw niyang maputol ang mainit na sandaling iyon. She loves every inch of him.Maging si Lukas ay hindi na rin nakapagpigil sa matinding init na lumuukob dito. Marahan nitong inalis ang kamay niya na nasa loob ng shot nito. Naramdaman niya ang pag-angat ng katawan niya sa ere at saka niya namalayan na pangko na siya ng asawa.Iniangkla niya ang magkasug
“MAY kailangan ka ba sa akin Lukas?” tanong ni Cataleya sa asawa nang mabungaran niya ito sa mini-bar ng bahay nito. Prente itong nakaupo sa isang round table na kanugnog ng ipinasadyang table. Naka-display ang mga mamahaling alak at iba’t ibang uri ng kopita. A sign of luxurious living.Nilagok muna nito ang lamang alak ng hawak na kopita saka tumingin sa gawi niya. “May gusto lang akong sabihin about sa nangyari kanina sa mansion. Take a seat first.”Medyo kinakabahan na naupo siya sa upuang itinuro nito na malapit lang sa pwesto nito. Sinikap niya na maging kalmado. “I’m sorry kung naging rude o nawalan ako ng galang sa Mama Matilde mo.”Hindi kaagad ito tumugon bagkus ay kumuha pa ito ng isang kopita. Ipinatong sa mismong tapat niya saka sinalinan iyon ng vodka. “It’s not what I mean my dear wife. Ang totoo n’yan ay napahanga mo pa ako sa ginawa mo kanina. Hindi ko inaasahan iyon lalo na ang DNA result.”My dear wife. Tila musika iyon sa pandinig niya na kinasabikang marinig ng pu
“ARE you crazy Lukas?” naiiling na tumingin si Matilde sa gawi nh asawa saka bumalik ang tingin kay Cataleya. “Sa dami ng babae na pwede mong pakasalan ay ang oportunista pang ito ang napili mo. So disappointing.”Chin-up pa rin si Cataleya para ipakita na hindi siya apektado sa kagasapangan ng ugali ni Matilde. “I’m sorry Mama, ganap na kaming kasal at katulad mo ay isa na rin akong Adriatico.”Pinanlisikan siya ng matandang babae ng mata. “I can’t believe it, isang linggo lang akong nawala ng bansa pero ang daming naganap na hindi kaaya-aya.”“Ma, enough!” saway ni Lukas sa kinalakihan nitong ina. “Nasa harap tayo ng pagkain at pati ng mga apo ninyo.”Saka lang niya napansin ang triplet na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari. Kita sa inosenteng mga mukha ang kuryusidad.“Paano ka nakakasigurado na ikaw nga ang anak ng mga batang ‘yan?” tanong ni Mstilde na nakatingin sa tatlong anak niya. “Knowing Cataleya na isa ring manloloko. Hindi sapat na kamukha mo lang sila Lukas at ayok
MAKAILANG beses na dinala ni Lukas sa ikapitong langit si Cataleya. Nakasubsob sa pagitan ng mga nakabuka niyang hita ang ulo ng asawa. Pinagpapala ng labi at dila nito ang kaibuturan niya bilang isang babae. Napakapit siya sa gilid ng unan kasabay ang pag-arko ng sariling katawan.Isang malakas na ungol ang pinakawalan niya at tila namumuti ang mga mata niya. Hnggang sa parang hinang-hina siya matapos ang na parang may dam na nagpakawala ng tubig sa katawan niya.“L-Lukas,” anas niya sa pangaan ng asawa. Ngunit hindi pa ito tapos sa pagpapaligay sa kanya. Gumapang muli ang katawan nito paitaas sa kanya at muling nagpantay ang mga mukha nila.Pareho silang pawisan sa kabila na nakabukas ang aircon. May mga butil na nasabing likido mula dito ang pumatak sa mukha niya. Kitang-kita niya ang nag-aapoy na desire sa mga mata nito.Isang mainit na sandali na kinasabikan niyang mangyari kasama ang lalaking pinakamamahal niya.Naramdaman niya ang pagpasok nito sa kanya na sinundan ng pag-ulos.
"By the power vested in me by the Republic of the Philippines, here in the company of those who love and support you, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss each other! Friends, it’s my honor to introduce Lukas and Cataleya Adriatico.," masayang pronouncement ni Judge Alena Cortez sa kanilang kasal.Tila sa nakatitig sa kawalan si Cataleya sa mukha ni Lukas. May ngiting nakakintal sa labi niya pero sa mga mata niya ay nakasungaw ang isang lungkot na pilit niyang itinatago. Hinayaan niya ang asawa ang mag-initiate ng halik. Hanggang sa naramdaman niya ang pagdampi ng labi sa nito sa labi niya. Saglit lanh iyon dahil maging ito ay walang emosyon sa nasabing aksyon.Nagpalakpakan ang mga taong naroon sa loob ng opisina ng RTC judge. May tig- isang ninong at ninant sila na si Lukas mismo ang kumuha. Mga malapit nitong kaibigan sa negosyo. Naroon din ang nanay nitong si Conchita at kapatid na si Aya nasa Manila na rin naniniraham. Kita sa mukha ng mga ito ang kaligayahan pa