"Are you serious, auntie? Hindi ba't sobra naman po yata yan? What if she died? I don't want to go to jail…" Napapraning na usal ni Sofia ng malaman nya ang plano ni Mrs. Buenavista.
"Don't be scared, hija. Kahit naman ikamatay nya yun ay hindi ko hahayaang makulong tayo. Dahil wala namang makakaalam na tayo ang may pakana." Sambit ni Mrs. Buenavista. Hindi pa rin sang ayon si Sofia sa gusto nitong mangyari. Hindi sya mapalagay at pinag iisipan na kung dapat pa ba nyang sundin ang gustong ipagawa ni Mrs. Beunavista.
"But auntie… We can punish her naman sa iba pang paraan… Why do we need to hire someone para lang banggain sya? That's too cruel, auntie. I don't think kakayanin ng konsensiya ko…" Dahil sa hindi mapakali ay napapakagat na si Sofia sa kanyang kuko.
Matapos ang dalawang oras na paghihintay ay lumabas na rin ang doctor na nag opera kay Manang Fe. Agad na nagsitayuan sina Atanasha at mabilis n lumapit sa doctor. "Doc, kamusta na po si Manang Fe?" Tanong ni Red sa doctor.Hinubad muna ng doctor ang kanyang surgical mask at napabuga ng hangin, "For now she's okay. Naging successful naman ang operation namin sa kanya. Nag tamo sya ng mga bali sa katawan, in her arms, wrists, legs, and even her pelvis is broken. Wala naman kaming nakitang internal bleeding. Meron ding minor head wounds. But as what I have said, the surgery is successful and maya maya rin ay ililipat na sya sa recovery room but we still need to run some test and observe her. She'll stay there depending on how fast she wake up from the anesthesia. The nurse will watch all of her vital signs and help her if she have any side effects. After that, pwede na syang mailipat sa room ny
"Thank you for your cooperation, Ma'am. Gagawin po namin ang lahat para mahuli ang taong gumawa nito sa iyo.” Pagpapasalamat ng Detective kay Manang Fe, “Ma’am, Sir, mauuna na po ako.”“Thank you, Detective.” Sambit ni Red at inihatid papalabas ng hospital ang Detective na inatasan para tanungin ng mga iilang katanungan si Manang Fe na maaaring makatulong sa paghahanap ng taong sumagasa sa kanya.Habang nasa labas si Red ay agad nakinuha ni Atanasha ang kanyang phone at tumawag sa telepono ng kanilang bahay. Sa unang ring ay tila ba’y busy ang mga tao roon at wala manlang sumagot, mabuti na lamang at may sumagot agad sa pangalawang subok ni Atanasha na tawagan ang kanilang telepono sa sala.[Hello, Buenavista’s resi
“Mom, tell me the truth. Did you do that to Manang Fe?” Tanong ni Red sa kanyang ina habang hawak hawak ang magkabilaang balikat nito. Napalunok ng kanyang laway si Mrs. Buenavista at bahagyang napaatras. "Do what, hijo? Is something wrong?" Maang maangan ni Mrs. Buenavista."Mom, please… Totoo bang ikaw ang nagpa utos para sagasaan si Manang Fe? Totoo ba?!" Magkasalubong na ang mga kilay ni Red sa sobrang inis. Ngunit hindi pa rin nagpa tinag si Mrs. Buenavista."Sino namang nag sabi sayo nyan, yung asawa mo na naman ba na walang ginawa kundi ipahiya ang pamilya natin?!""Mom, wag ka ng mandamay pa ng ibang tao at aminin mo nalang sa akin. Is it true—?""No! I will never do such a thi
Isang oras matapos makaalis ni Red ay dumating na rin si Kuya Roy sa hospital. Nagtatakang nag hintay si Atanasha na may papasok pa ngunit wala ng pumasok sa pinto. "Kuya, si Maris po?" Tanong ni Atanasha."May aasikasuhin lang daw saglit, ma'am. Ito nga po pinadala nya na sa akin yung mga iniutos nyo raw." Usal ni Kuya Roy at ibinaba ang dalang mga bag sa sofa. Pag tapos ay dali dali syang lumapit at pinakatitigan si Manang Fe, "Oh, ito naman kung makatingin ay para bagang pumanaw na ako, jusmeyo!" Pabirong sambit ni Manang Fe ng makaramdam sya ng ilang sa titig ni Kuya Roy.Maya maya pa ay parang bata na tumaghoy si Kuya Roy, "Manang!" Tumatangis nitong sambit. Napa upo ito sa kama ni Manang Fe at hindi pa rin tumitigil sa pag iyak. "Ano bang iniiyak iyak mo diyan?" Suway ni Manang Fe dahil mas lalo pa nitong nilakasan ang kanyang
“Anong meron?” Walang ka expressiong sambit ni Atanasha.“Love, I’m just—” Napatingin si Atanasha sa paa ni Maris na may nakabalot na puting na nababakatan ng dugo. “Anong nangyari sa paa mo?” Nag aalalang tanong ni Atanasha. Agad siyang napalapit kina Red. Dinala naman ni Red si Maris sa sofa at dahan dahang ini upo roon.“Kukunin ko lang yung first aid kit.” Paalam ni Red at naglakad na papaalis.“Are you okay? Ano bang nangyari?” Pag ulit ni Atanasha sa kanyang tanong. "Na-nasanggi ko po kasi ate yung vase doon sa kusina… Tumalsik po sa paa ko yung bubog. Sorry ate, ikaltas nyo nalang po sa sahod ko yung nasira ko. Pasensya na po hindi ko po talaga sinasadya…"&
“Hi-hindi ko po nakakalimutan…” Maririnig ang takot sa panginginig ng boses ni Maris. Nakaramdam siya ng kaba ng bigla na lamang makarinig ng ingay galing sa itaas. Dali dali siyang pumasok sa kanyang kwarto at ini lock ito.[Are you even listening to what I am saying?]“Po? So-sorry po, kinailangan ko po kasing pumasok sa loob ng kwarto. Pwede nyo po bang ulitin yung sinasabi nyo… Kung ayos lang po?”Rinig na rinig ang mabigat na pag buga ng hangin sa kabilang linya, [I’m giving you three days para magawa yung bagay na iniuutos ko sayo. Don’t even think na mag sumbong sa mga kakilala mo, one wrong move at alam mo na kung saan hahantong yang katangahan mo kaya ayos ayusin mo!]
Pagkaalis nina Atanasha at Kuya Roy ay napag desisyonan ni Red na mahiga muna sa sofa. Nagpaalam din naman siya kay Maris na iidlip muna saglit dahil sobrang bigat na ng kanyang talukap. Tumango naman si Maris, "Sige po, Kuya. Manonood nalang po muna ako sa TV." Usal ni Maris.Wala pang sampung minuto ay maririnig na ang paghilik ni Red. Agad na pinatay ni Maris ang TV at nag lakad papalapit kay Red. Pinagmasdan niyang maigi kung natutulog na ba talaga ito. Napasulyap din siya kay Manang Fe at nakitang mahimbing na din ang pagkakatulog nito. Nakaramdam ng kaba si Maris at nagpalakad lakad sa loob ng kwarto habang pinag iisipan ang kanyang sunod na gagawin. Napakagat pa siya ng kanyabg kuko habang nakatingin pa rin kay Red. Matapos ang tatlong minutong paglalakad ay dahan dahan siyang umupo sa ulonan ni Red. Pinagsiksikan niya ang sarili niya roon at ng maka upo na ay 'saka niya dahan dahang iniangat ang ulo ni Red at ipinatong sa kanyang hita."Hmm…" Bigla na lamang bumilis ang tibo
Apat na araw na ang nakalipas simula ng maaksidente si Manang Fe. Naging mailap si Atanasha sa pag bisita kay Manang Fe dahil na rin sa hindi magandang nangyari na nakita nya roon. Palaisipan pa rin sa kanila ni Red kung paano nangyari iyon dahil si Red mismo ay hindi rin naramdaman ang pag lipat ni Maris. "Hindi muna pala ako makakabisita kay Manang Fe, pakisabi nalang na babawi nalang ako sa susunod na araw." Paalam ni Atanasha kay Red habang nag aayos ito ng kanyang gamit. Nagtatakang napatingin sa kanya si Red, "Where are you going?""Kay Angel, ang tagal na rin naming hindi nakapag kita. Uuwi ako before dinner, para sabay tayong kakain." Sambit ni Atanasha. Hindi naman na nag reklamo si Red at tumango na lang. "Gusto mo ba ihatid na kita?" Umiling naman si Atanasha at tumayo na, "No, wag na. Magsasabi nalang ako sayo kapag pauwi na ako." Sambit ni Atanasha at naglakad na papalabas ng kwarto.Bigla namang nag ring ang phone ni Red na agad niya namang sinagot. "Yes Detective?"[S