Isang oras matapos makaalis ni Red ay dumating na rin si Kuya Roy sa hospital. Nagtatakang nag hintay si Atanasha na may papasok pa ngunit wala ng pumasok sa pinto. "Kuya, si Maris po?" Tanong ni Atanasha.
"May aasikasuhin lang daw saglit, ma'am. Ito nga po pinadala nya na sa akin yung mga iniutos nyo raw." Usal ni Kuya Roy at ibinaba ang dalang mga bag sa sofa. Pag tapos ay dali dali syang lumapit at pinakatitigan si Manang Fe, "Oh, ito naman kung makatingin ay para bagang pumanaw na ako, jusmeyo!" Pabirong sambit ni Manang Fe ng makaramdam sya ng ilang sa titig ni Kuya Roy.
Maya maya pa ay parang bata na tumaghoy si Kuya Roy, "Manang!" Tumatangis nitong sambit. Napa upo ito sa kama ni Manang Fe at hindi pa rin tumitigil sa pag iyak. "Ano bang iniiyak iyak mo diyan?" Suway ni Manang Fe dahil mas lalo pa nitong nilakasan ang kanyang
“Anong meron?” Walang ka expressiong sambit ni Atanasha.“Love, I’m just—” Napatingin si Atanasha sa paa ni Maris na may nakabalot na puting na nababakatan ng dugo. “Anong nangyari sa paa mo?” Nag aalalang tanong ni Atanasha. Agad siyang napalapit kina Red. Dinala naman ni Red si Maris sa sofa at dahan dahang ini upo roon.“Kukunin ko lang yung first aid kit.” Paalam ni Red at naglakad na papaalis.“Are you okay? Ano bang nangyari?” Pag ulit ni Atanasha sa kanyang tanong. "Na-nasanggi ko po kasi ate yung vase doon sa kusina… Tumalsik po sa paa ko yung bubog. Sorry ate, ikaltas nyo nalang po sa sahod ko yung nasira ko. Pasensya na po hindi ko po talaga sinasadya…"&
“Hi-hindi ko po nakakalimutan…” Maririnig ang takot sa panginginig ng boses ni Maris. Nakaramdam siya ng kaba ng bigla na lamang makarinig ng ingay galing sa itaas. Dali dali siyang pumasok sa kanyang kwarto at ini lock ito.[Are you even listening to what I am saying?]“Po? So-sorry po, kinailangan ko po kasing pumasok sa loob ng kwarto. Pwede nyo po bang ulitin yung sinasabi nyo… Kung ayos lang po?”Rinig na rinig ang mabigat na pag buga ng hangin sa kabilang linya, [I’m giving you three days para magawa yung bagay na iniuutos ko sayo. Don’t even think na mag sumbong sa mga kakilala mo, one wrong move at alam mo na kung saan hahantong yang katangahan mo kaya ayos ayusin mo!]
Pagkaalis nina Atanasha at Kuya Roy ay napag desisyonan ni Red na mahiga muna sa sofa. Nagpaalam din naman siya kay Maris na iidlip muna saglit dahil sobrang bigat na ng kanyang talukap. Tumango naman si Maris, "Sige po, Kuya. Manonood nalang po muna ako sa TV." Usal ni Maris.Wala pang sampung minuto ay maririnig na ang paghilik ni Red. Agad na pinatay ni Maris ang TV at nag lakad papalapit kay Red. Pinagmasdan niyang maigi kung natutulog na ba talaga ito. Napasulyap din siya kay Manang Fe at nakitang mahimbing na din ang pagkakatulog nito. Nakaramdam ng kaba si Maris at nagpalakad lakad sa loob ng kwarto habang pinag iisipan ang kanyang sunod na gagawin. Napakagat pa siya ng kanyabg kuko habang nakatingin pa rin kay Red. Matapos ang tatlong minutong paglalakad ay dahan dahan siyang umupo sa ulonan ni Red. Pinagsiksikan niya ang sarili niya roon at ng maka upo na ay 'saka niya dahan dahang iniangat ang ulo ni Red at ipinatong sa kanyang hita."Hmm…" Bigla na lamang bumilis ang tibo
Apat na araw na ang nakalipas simula ng maaksidente si Manang Fe. Naging mailap si Atanasha sa pag bisita kay Manang Fe dahil na rin sa hindi magandang nangyari na nakita nya roon. Palaisipan pa rin sa kanila ni Red kung paano nangyari iyon dahil si Red mismo ay hindi rin naramdaman ang pag lipat ni Maris. "Hindi muna pala ako makakabisita kay Manang Fe, pakisabi nalang na babawi nalang ako sa susunod na araw." Paalam ni Atanasha kay Red habang nag aayos ito ng kanyang gamit. Nagtatakang napatingin sa kanya si Red, "Where are you going?""Kay Angel, ang tagal na rin naming hindi nakapag kita. Uuwi ako before dinner, para sabay tayong kakain." Sambit ni Atanasha. Hindi naman na nag reklamo si Red at tumango na lang. "Gusto mo ba ihatid na kita?" Umiling naman si Atanasha at tumayo na, "No, wag na. Magsasabi nalang ako sayo kapag pauwi na ako." Sambit ni Atanasha at naglakad na papalabas ng kwarto.Bigla namang nag ring ang phone ni Red na agad niya namang sinagot. "Yes Detective?"[S
Nang matapos si Red sa kanyang ginagawa ay agad siyang napatingin sa kanyang relo, “5:24 pm…” Bulong nito at ‘saka tumayo at lumabas ng kanyang office. Bumaba at pumunta sa kusina. Nang makarating sa kusina ay taimtim itong nag isip kung oorder nalang ba siya ng pagkain o siya na mismo ang magluluto. “No! I should cook, deserve naman ng aking lalove ang maipagluto paminsan minsan.” Nakangiting usal pa ni Red sa kanyang sarili.Habang nag iisip ng lulutuin ay napag desisyonan ni Red na magpatugtog para mas maging masaya ang kanyang pagluluto. Lazy Song by Bruno Mars playing~Today I don't feel like doing anythingI just wanna lay in my bedDon't feel like picking up my phone, so leave a message at the tone'Cause today I swear I'm not doing anything~Napapaindak pa si Red habang nakikinig ng music. Nagsimula na siyang kumuha ng kakailanganin para sa kanyang pagluluto. Naisip niyang mag luto ng Garlicky Roasted Cauliflower Pasta, Steak, grilled vegetables, and baked/mashed potatoes. “
Agad na hinabol ni Red si Atanasha. Muntik pa siyang madulas sa hagdan sa pagmamadali. Mabuti na lamang at hindi pa ito tuluyang nakakaalis. “Love, please naman oh… Can we please talk first?” Pagmamakaawa ni Red habang hinaharangan ang dinaraanan ni Atanasha.“Wala na tayong dapat pag usapan. Tama na yung nakita ko.” Walang expressiong usal ni Atanasha. “So pwede ba? Umalis ka diyan kundi tatadyakan kita!” “Sige! Tadyakan mo nalang ako, wag ka lang umalis please… We need to talk, Love. May mali sa mga nangyayari… Please listen to me.” Sapilitang niyakap ni Red si Atanasha na agad naman ikinainis nito. Itinulak niya papalayo si Red saka ito muling sinampal, “I thought, wala lang lahat ng napapansin ko sa inyong dalawa. Akala ko napapraning lang ako!” Natatwang usal ni Atanasha, “Pero hindi… Lahat pala ng yun sign na… Nagbubulag bulagan lang ako. Alam mo kung anong masakit, Red? Yung umasa akong pang habang buhay tayo, pero mali ako…” Nag simula ng traydorin si Atanasha ng kanyang mga
Nang makapasok sa loob si Atanasha ay agad siyang inabutan ng towel ni Angel. Hindi pa rin ito mapakali at nagpalakad lakad na para bang may hinahanap n akung ano. “Angel, kumalma ka nga. Ayos lang ako, okay.” Nakangiting usal ni Atanasha upang mapakalma ang kaibigan.“Anong okay? Ganyan itsura mo tapos okay ka lang? Ako ba’y pinaglololoko mo?” Nakapameywang pa ito sa harap ni Atanasha at pinandidilatan siya. Napabuga na lang ng hangin si Atanasha at napa ngiwi, “Hindi kita niloloko, totoong okay lang ko. Magiging hindi ako okay kug hindi mo ako pahihiramin ng damit dahil for sure maya maya ubo’t, sipon, at lagnat na ang abot ko.” “Oh, right… Wait a minute…” Paalam ni Angel at agad na pumasok sa kanyang kwarto upang kumuha ng damit na maisusuot ni Atanasha. Maya maya pa ay lumabas na ito na may dalang oversized shirt at pajama. Inabot niya ito kay Atanasha at itinuro ang banyo, “Maligo ka muna at ipaghahanda kita ng pagkain mo, teka kumain ka na ba?” Umiling naman si Atanasha dahila
Kinaumagahan ay maagang bumangon si Atanasha upang mag handa ng agahan nila ni Angel. Sa sobrang daming gumugulo sa isip niya ay hindi niya magawang makatulog. Ang ending ay buong magdamag siyang gising. Nang matapos sa paghahanda ng pagkain at mai set up ang mesa ay doon niya na ginising si Angel. "Angel, gising na… Oy, gising na… Breakfast na tayo, good morning." Nakangiting bati ni Atanasha dito.Agad namang nagising si Angel sa pag tawag nito at nakailang hikab muna bago ang desisyong tumayo na. Nang makapag hilamos ay sinimula na nilang kumain. "Wala nga pala akong work ngayon so masasamahan pa kita dito sa bahay, or if you want pwede naman tayong mga unwind? Saan mo ba gusto? Baguio? Tagaytay? Batangas?" Naeexcite na tanong ni Angel."Dito nalang siguro tayo sa condo mo… Parang hindi trip ng katawan ko ngayon ang gumala eh." Sagot naman ni Atanasha. Agad na napasimangot si Angel, "hmm, okay… Sabagay, kailangan mong mag pahinga."Tinapos na nila ang kinakain nila habang patuloy