Nang magising si Red ay ramdam niya na ang masakit na kumikirot sa kanyang ulo. Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at ang unang bumungad sa paningin niya ay isang liwanag. Napa takip pa siya ng kanyang mata ng bigla na lamang siyang nasilaw at hindi pa na poproseso ng kanyang mata ang liwanag."Gising na siya, thank you doc…" isang pamilyar na tinig ang kanyang narinig. Muli niyang iminulat ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang nag aalalang mukha ni Miss Dein."Sir, may masakit po ba sa inyo? Do you need anything?" Sunod sunod na tanong nito.Napailing na lamang si Red at dahan dahang bumangon. "Sir, sabi ng doctor ay hindi pa raw kayo pwedeng gumalaw galaw. So please, humiga po muna kayo at wag ng matigas ang ulo." Suway nu Miss Dein kay Red ngunit tulad kanina ay parang wala itong naririnig."Where's my wife? Where is Atanasha?" Natutuliro nitong tanong habang iniikot ang paningin sa buong silid. "Sir, wala po si Ma'am Atanasha sa bahay nyo. I already check th
Nagmamadaling umalis ng hospital sina Red dala dala ang pag asa na maabutan niya pa si Atanasha. Hindi siya mapakali at hindi magawang maikalma ang sarili. Hindi naman siya magawang malapitan at kausapin ni Miss Dein dahil alam nito kung gaano kaini nag ulo nito at hindi ito magandang oras para mangielam. Wala ng nagawa kundi manahimik na lamang.“Any update? Tell them to make sure na hindi makakaalis ng bansa si Atanasha.” Utos ni Red kay Miss Dein. Dali dali namang pinarating ni Miss Dein ang utos sa mga tao nila ngunit wala pa rin silang naririnig na balita mula sa mga ito."Wala na bang ibibilis to? Bilisan mo ang pagmamaneho!" Naiinis na utos ni Red. "Yes, boss." Sagot naman ng personal driver ni Red at mabilis na pinatakbo ang sasakyan.-Atanasha POVHabang nasa byahe ay hindi ko maiwasang maisip kung gaano ako naging malakas para sa sarili ko sa mga panahon na sunod sunod na lumalapit sa akin ang mga problema, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala kung paano ko kin
Tama ba tong gagawin ko? Bakit parang nakakaramdam ako na para bang hindi ko na dapat pang ituloy ito. Napailing na lamang si Atanasha at nag patuloy sa pag akyat. Bumungad sa kanila ang iilang staff na makakasama nila sa paglipad. "Welcome, Ma'am!" Bati ng mga ito sa kanila.Hindi mapigilan ni Atanasha ang mapa lingon sa bintana, hindi niya alam kung ano bang tinitingin tingin niya roon ngunit para bang may kung anong tumatawag sa kanya na hindi nya malaman kung ano. "Dahil lang siguro to sa wala akong tulog…" bulong ni Atanasha sa sarili. Napalingon naman sa kanya si Angel at nagtataka siyang tinignan, "May sinasabi ka, beshy?" Takang tanong nito sa kanya. Agad namang umiling si Atanasha at nginitian lamang ito.-Samantala, sa kabilang banda naman ay nagmamadali na bumaba ng sasakyan si Red ng makarating sa airport. Patakbo niyang pinasok ang entrance at bumungad sa kanya ang tumpok niyang mga tauhan na sapilitang hinaharang ng mga security guard."What is happening here? Nasaan
Biglang napa balikwas si Atanasha dahil sa kanyang masamang panaginip. Ibinalik na naman siya ng kanyang panaginip sa oras kung saan nasaksihan niya ang panggago ng dalawang taong kanyang pinagkakatiwalaan. Ngunit sa scenario na yun ay nakita niyang lumingon at pinakatitigan pa siya ni Red. Maya maya pa ay makikita ang bahgyang pag ngisi nito. Laking gulat niya ng makita na tumigil na sila sa pag hahalikan at pareho na itong nakatingin sa kanya. Sabay ang mga itong pinagtatawanan siya. Tawa na para bang hindi boses ng normal na tao. Nakakapanindig balahibo."Ma'am, are you okay? Do you want a cup of water?" Tanong ng isa sa mga flight attendant ng makita niyang parang hinahabol ni Atanasha ang kanyang hininga. Tumango naman si Atanasha at maya maya pa ay naalimpungatan na rin si Angel. Si Atanasha ang unang bumungad sa paningin ni Angel at ng makita niya itong parang nahihirapang huminga ay agad siyang napa ayos ng upo, "Beshy, anong nangyayari? Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong n
"Welcome home, Lady Callie!" Sabay sabay na bati ng mga ito ng makababa ng sasakyan sina Angel at Atanasha.Nag tinginan naman sina Angel at Atanasha at bahagyang nag ngitian sa sobrang tuwa. Hindi inaasahan ni Atanasha na ganito ka yaman ang pamilya nina Angel. Kilala kasi ang pamilya ng mga Martinez sa pagiging pribado at kung maibabalita o mapag uusapan man sila sa publiko yun na siguro ay tungkol sa mga businesses nila sa Pilipinas.Naglakad na palapit sa mga magulang nina Angel ang dalawa. Pakiramdam ni Atanasha ay icecelebrate ang kanyang ika 18 na kaarawan. Never niya kasing naranasan iyon dahil sa pagiging sakim ng kanyang ama. "Welcome home, my darling!""Welcome home, anak!"Sambit ng mga magulang ni Angel at agad naman silang niyakap nito. "I miss you, mommy, daddy…" Sambit ni Angel sabay halik sa mga pisngi ng kanyang mga magulang."This is her? Ikaw na ba ang anak ng mga Devon? Napaka ganda mo palang bata! Welcome sa bahay namin!" Masiglang pag welcome ng mga ito. “Pasok
Kinagabihan ay tumambay muna si Atanasha sa kwarto ni Angel. Bakas na ang pagod sa mukha ng dalawa ngunit wala pa rin ni isa sa kanila ang nagpahinga. "Excited ka na ba para bukas?" Nakangiting tanong ni Angel sa kaibigan.Naka upo sila ngayong dalawa sa massage chair ni Angel. Mabuti nalang talaga at dalawa ito kaya hindi na nila kailangang magsalit salitan pa. "Actually, kinakabahan nga ako eh… Parang hindi ko ata deserve na makatanggap ng sunod sunod na blessing galing sa inyo…""Ikaw talaga, alam mo beshy sobrang bait mong tao kaya kung ano man ang natatanggap mo ngayon, deserve mo yan. 'Saka ayaw mo bang maging magkapatid na tayo? Magkamukha naman tayo ah! Parehas naman tayong maganda medyo… lamang nga lang ako ng three percent." Pabirong sambit ni Angel sabay tawa ng malakas."Oo na sige na lamang ka na, three percent lang naman pala eh. Pero alam mo bakit kaya ganon no? Pag tapos kong maranasan lahat ng masasakit na bagay ay 'saka naman isa isang dumating lahat ng swerte sa aki
Naalimpungatan si Atanasha sa ingay na nanggagaling sa kanyang kwarto. Alam na alam niya na kung kaninong boses iyon. Paniguradong kahit kabilang barangay ay kayang kayang marinig ang pagsasalita ni Angel.“Omg, really?! Okay, okay, so pwede na talaga? Sure na ba yan?! Waaah!” Malakas na sigaw ni Angel habang nagtatalon talon pa sa tuwa habang may kinakausap sa kanyang phone. “Thank you so much, Peppy! Yep! See you soon! Bye~” Sambit pa nito at ng maibaba na ang tawag ay agad siyang umakyat sa kama ni Atanasha at nagtatalon talon doon habang sigaw ng sigaw na para bang nanalo ito sa lotto.“Angel, ano bang ginagawa mo? Ako ang nahihilo sa pinaggagagawa mo diyan. Sige ka kapag nahulog ka diyan siguradong mawawalan na ng laman yang utak mo.” Pananakot pa ni Atanasha para lamang tumigil ito. Agad naman itong na upo at pilit na iniharap sa kanya si Atanasha."Beshy! May good news ako!" Tuwan tuwang sambit nito. Halos hindi na nito maitago ang gilagid niya dahil sa sobrang pag ngiti."Hmm,
Nang maibaba ang tawag ay agad na tinawagan ni Manag Fe si Red. Mabuti na lamang ata agad rin itong sumagot sa kanyang tawag. [Manang? Napatawag po kayo, may kailangan ka po ba?] Sambit ni Red ng sagutin niya ang tawag."Pwede bang puntahan mo ako rito, hijo? Wala kasi rito si Roy at nalulungkot ako na mag isa lang akong kakain…"[Po? Saan po ba pumunta si Kuya Roy?]"Nagpaalam na uuwi muna raw siya sa pamilya niya. Ilang linggo na raw kasi siyang hindi nakakauwi. Pinayagan ko naman na, nakakaawa naman ang anak nun. Okay lang ba, hijo?"[Uhm… Sure, Manang Fe. Pupunta po ako, tatapusin ko lang po itong mga pinipirmahan ko, last naman na.]"Sige hijo, mag iingat ka ha!" Sambit ni Manang Fe bago ibababa ang tawag.-Samantala, nang matapos sa kanyang pinipirmahan si Red ay tumayo muna siya at inayos ang sarili. Dumiretso siya sa banyo at pag tingin niya sa salamin ay doon niya lamang nakita kung gaano kalaki ang ipinag bago ng kanyang mukha. Naghilamos na lamang siya at inayos ang kanya