Biglang napa balikwas si Atanasha dahil sa kanyang masamang panaginip. Ibinalik na naman siya ng kanyang panaginip sa oras kung saan nasaksihan niya ang panggago ng dalawang taong kanyang pinagkakatiwalaan. Ngunit sa scenario na yun ay nakita niyang lumingon at pinakatitigan pa siya ni Red. Maya maya pa ay makikita ang bahgyang pag ngisi nito. Laking gulat niya ng makita na tumigil na sila sa pag hahalikan at pareho na itong nakatingin sa kanya. Sabay ang mga itong pinagtatawanan siya. Tawa na para bang hindi boses ng normal na tao. Nakakapanindig balahibo."Ma'am, are you okay? Do you want a cup of water?" Tanong ng isa sa mga flight attendant ng makita niyang parang hinahabol ni Atanasha ang kanyang hininga. Tumango naman si Atanasha at maya maya pa ay naalimpungatan na rin si Angel. Si Atanasha ang unang bumungad sa paningin ni Angel at ng makita niya itong parang nahihirapang huminga ay agad siyang napa ayos ng upo, "Beshy, anong nangyayari? Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong n
"Welcome home, Lady Callie!" Sabay sabay na bati ng mga ito ng makababa ng sasakyan sina Angel at Atanasha.Nag tinginan naman sina Angel at Atanasha at bahagyang nag ngitian sa sobrang tuwa. Hindi inaasahan ni Atanasha na ganito ka yaman ang pamilya nina Angel. Kilala kasi ang pamilya ng mga Martinez sa pagiging pribado at kung maibabalita o mapag uusapan man sila sa publiko yun na siguro ay tungkol sa mga businesses nila sa Pilipinas.Naglakad na palapit sa mga magulang nina Angel ang dalawa. Pakiramdam ni Atanasha ay icecelebrate ang kanyang ika 18 na kaarawan. Never niya kasing naranasan iyon dahil sa pagiging sakim ng kanyang ama. "Welcome home, my darling!""Welcome home, anak!"Sambit ng mga magulang ni Angel at agad naman silang niyakap nito. "I miss you, mommy, daddy…" Sambit ni Angel sabay halik sa mga pisngi ng kanyang mga magulang."This is her? Ikaw na ba ang anak ng mga Devon? Napaka ganda mo palang bata! Welcome sa bahay namin!" Masiglang pag welcome ng mga ito. “Pasok
Kinagabihan ay tumambay muna si Atanasha sa kwarto ni Angel. Bakas na ang pagod sa mukha ng dalawa ngunit wala pa rin ni isa sa kanila ang nagpahinga. "Excited ka na ba para bukas?" Nakangiting tanong ni Angel sa kaibigan.Naka upo sila ngayong dalawa sa massage chair ni Angel. Mabuti nalang talaga at dalawa ito kaya hindi na nila kailangang magsalit salitan pa. "Actually, kinakabahan nga ako eh… Parang hindi ko ata deserve na makatanggap ng sunod sunod na blessing galing sa inyo…""Ikaw talaga, alam mo beshy sobrang bait mong tao kaya kung ano man ang natatanggap mo ngayon, deserve mo yan. 'Saka ayaw mo bang maging magkapatid na tayo? Magkamukha naman tayo ah! Parehas naman tayong maganda medyo… lamang nga lang ako ng three percent." Pabirong sambit ni Angel sabay tawa ng malakas."Oo na sige na lamang ka na, three percent lang naman pala eh. Pero alam mo bakit kaya ganon no? Pag tapos kong maranasan lahat ng masasakit na bagay ay 'saka naman isa isang dumating lahat ng swerte sa aki
Naalimpungatan si Atanasha sa ingay na nanggagaling sa kanyang kwarto. Alam na alam niya na kung kaninong boses iyon. Paniguradong kahit kabilang barangay ay kayang kayang marinig ang pagsasalita ni Angel.“Omg, really?! Okay, okay, so pwede na talaga? Sure na ba yan?! Waaah!” Malakas na sigaw ni Angel habang nagtatalon talon pa sa tuwa habang may kinakausap sa kanyang phone. “Thank you so much, Peppy! Yep! See you soon! Bye~” Sambit pa nito at ng maibaba na ang tawag ay agad siyang umakyat sa kama ni Atanasha at nagtatalon talon doon habang sigaw ng sigaw na para bang nanalo ito sa lotto.“Angel, ano bang ginagawa mo? Ako ang nahihilo sa pinaggagagawa mo diyan. Sige ka kapag nahulog ka diyan siguradong mawawalan na ng laman yang utak mo.” Pananakot pa ni Atanasha para lamang tumigil ito. Agad naman itong na upo at pilit na iniharap sa kanya si Atanasha."Beshy! May good news ako!" Tuwan tuwang sambit nito. Halos hindi na nito maitago ang gilagid niya dahil sa sobrang pag ngiti."Hmm,
Nang maibaba ang tawag ay agad na tinawagan ni Manag Fe si Red. Mabuti na lamang ata agad rin itong sumagot sa kanyang tawag. [Manang? Napatawag po kayo, may kailangan ka po ba?] Sambit ni Red ng sagutin niya ang tawag."Pwede bang puntahan mo ako rito, hijo? Wala kasi rito si Roy at nalulungkot ako na mag isa lang akong kakain…"[Po? Saan po ba pumunta si Kuya Roy?]"Nagpaalam na uuwi muna raw siya sa pamilya niya. Ilang linggo na raw kasi siyang hindi nakakauwi. Pinayagan ko naman na, nakakaawa naman ang anak nun. Okay lang ba, hijo?"[Uhm… Sure, Manang Fe. Pupunta po ako, tatapusin ko lang po itong mga pinipirmahan ko, last naman na.]"Sige hijo, mag iingat ka ha!" Sambit ni Manang Fe bago ibababa ang tawag.-Samantala, nang matapos sa kanyang pinipirmahan si Red ay tumayo muna siya at inayos ang sarili. Dumiretso siya sa banyo at pag tingin niya sa salamin ay doon niya lamang nakita kung gaano kalaki ang ipinag bago ng kanyang mukha. Naghilamos na lamang siya at inayos ang kanya
Habang nasa sasakyan pabalik sa kumpanya ay nasa isip pa rin ni Red ang mahabang litanya ni Manang Fe.Hijo, kapag mahal mo ang isang tao ay hindi mo dapat yan agad agad sinusukuan. Ipaglaban mo, kung ayaw niya na talaga atleast ginawa mo ang best mo para maisalba pa sa huling pagkakataon ang relasyon ninyo. Ano naman kung nakaalis na siya ng Pilipinas, edi habulin mo, puntahan mo. Maghihintay ka muna bang mapunta na siya sa iba bago ka magsisi na hindi mo manlang sinubukan na kausapin siya at ipilit pa sa huling pagkakataon na mag kaayos kayo?"Tama si Manang, walang mangyayari kung maghihintay lang ako ng himala na bumalik ng kusa sa akin si Atanasha… Kailangan kong kumilos…" Sambit ni Red sa sarili at mabilis na pinaharurot ang kanyang sasakyan.Nang makarating sa kumpanya ay dali dali siyang sumakay ng elevator upang hanapin si Miss Dein. Pag silip niya sa kanyang office ay wala ito doon kaya naman dali dali niyang hinanap ito sa kung saan ngunit hindi niya ito makita. Mabuti na l
“Si Madam Buenavista po sir… Ang mama niyo po ang nag utos sa akin. Sapilitan niya po akong inutusan. Noong una po ay tumanggi talaga ako. Alam nyo naman po kung gaano ka importante si Ma’am Atanasha sa akin… Ngunit ng madamay na ang pamilya ko ay doon na po ako nagkaroon ng takot na baka mapahamak po talaga ang pamilya ko sir… Kaya po nilagyan ko ng sleeping drops ang wine na iniinom nyo nung gabing yun… Pasensya na po kayo…” Pag hingi ng tawad ni Maris. Hindi pa rin ito tumitigil sa pag iyak at halos hirap na hirap na rin sa pag hinga dahil sa pag hikbi.“Bigyan nyo sya ng tubig.” Utos ni Red sa kanyang mga tauhan. Nang mapainom ng tubig si Maris at bahagyang napakalma ay muli siyang nilapitan ni Red, “Ito na huling pagkakataon na maaawa ako sayo. Ayoko ng makita pang muli yang pagmumukha mo at magpakalayo layo na kayo ng pamilya mo. Titriplihin ko ang pera na binigay sayo ng mama ko, sapat naman na siguro yun para magawa mong maitago ang buong pamilya mo.” Bulong ni Red kay Maris.
Tulalang nakatitig si Red sa kanyang phone habang pinapakinggan ang voice record na kanyang kinuhanan noong araw na sumugod siya sa mansion. Nagdadalawang isip pa ito kung ano ba ang dapat gawin sa ebidensyang magpapatunay na siya ay inosente. Tumayo siya mula sa pagkakahiga at lumabas ng kanyang silid at nag tungo sa kanyang opisina katabi lamang ng kanyang silid.Nang makapwesto sa harap ng kanyang laptop ay agad niyang ipinasa ang recorded voice audio sa kanyang laptop upang gumawa ng copy nito. Habang tinititigan ito ay hindi niya na napigilan ang sarili at nag simulang gumawa ng message kalakip ang recorded voice audio sa email ni Atanasha. Natigilan siya sandali ng bigla na lamang siyang mag alinlangan na isend ito. "Argh! Maybe I'll do it later." Hampas ni Red sa mesa at hinayaang naka bukas ang kanyang laptop.Pag labas niya ng kanyang office ay dali dali siyang bumaba upang pakainin ng agahan si Blaze. Dinig na kasi sa buong bahay ang pag tahol nito at hanggang ngayon ay mag
Atanasha "Well I found a woman, stronger than anyone I know, She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home, I found a love, to carry more than just my secrets, To carry love, to carry children of our own, We are still kids, but we're so in love, Fighting against all odds, I know we'll be alright this time, Darling, just hold my hand, Be my girl, I'll be your man, I see my future in your eyes.~" Pagkanta ni Red, “It is a song made by Ed Sheeran at gusto kong gamitin ang kantang ito para malaman ng babaeng pinakamamahal ko na siya lang ang nais kong makasama sa hirap at ginhawa. Alam kong marami na tayong pinag daanan pero tignan mo naman tayo ngayon, heto na tayo nandito na tayo sa parte kung saan unti-unti na nating natutupad ang mga bagay na pinapangarap lang natin. Ayoko ng mag sayang ng taon na wala ka sa buhay ko. You deserve the world and all the good things it has to offer. If I fail to find that world for you, I promise to give you mine! Atanasha Felise Martinez
Atanasha “The day has finally arrived. Two whole years with what feels like a lifetime's worth of the best memories. I used to believe that partnerships with this much love could only be found in the romantic movies that you always mock me for viewing. But here we are, a year later, and you have shown that you are wrong (despite your argument that rom-com gives me and the rest of the female population false hope — so I guess you have proven yourself wrong as well). I've never felt more at ease with anyone, mentally, physically, or emotionally. You are my refuge when I need it. You've given me so much over the last year, but what I value most about your love is the sense of security and reliance. You're my best friend, and I know you'll be there for me no matter what. Never let me face it alone. But you've also taught me how to be self-sufficient. This is something I will always treasure. Before you, I craved the attention of others and despised the prospect of ever being alone. But
AtanashaIsang buwan na ang nakalipas matapos i announced sa lahat ng tao ang pagbuo ng big 3 companies. Hindi ko pa rin makalimutan ang reaksyon ni Red nang malaman niyang ako ang isa sa mga tumulong upang maibalik niya ang kanyang kumpanya. Sobra sobra ang pagpapasalamat niya sa akin. At ngayon masasabi kong tama talaga ang naging plano ko dahil makikita naman ngayon ang resulta ng ginawa naming partnership. Mas lumago ang aming mga kumpanya dahil sa aming pagtutulungan at nakilala individually sa iba’t ibang bansa.Mayroon na kaming branch sa iba’t ibang bansa at talagang masasabi kong sobrang nagpapasalamat ako sa mga magulang ko na tumulong sa akin para maabot ang lhat ng ito at syempre kay mama na ansa heaven na hindi ako kinalimutan at patuloy akong ginagabayan.-Ngayong araw ang kaarawan ng pinakamamahal kong lalaki sa buong mundo. Syempre hindi ako papayag na hindi maging special ang birthday niya, kaya naman pinaghandaan ko talaga ito. Pinag piring namin siya para naman hin
AtanashaNgayon ko palang nabalitaan ang nangyari sa mama ni Red. Hindi ko alam na ganun karami pala ang naging biktima ng masamang pag uugali niya. Mabuti naman nakulong na siya. Kahit kailan ay hindi na talaga babait ang ugali nun at mas lalo lang siyang maraming mabibiktima.At dahil wala na ang nangunguna sa mga problema ko ay oras naman para ayusin ang mga nasira. Lumipad ako papuntang Manila kasama si Red at pinatuloy na muna siya sa hotel room ko. Hindi pa rin kasi tumitigil ang media sa paghahanap sa kanya at baka may iba pang mangyari kung makita nila si Red, mahirap na sa panahon ngayon dahil mainit pa sa mata ang apelyido nila at baka madamay pa si Red dahil sa kagagawan ng kanyang ina."Dito ka na muna, may kailangan lang akong asikasuhin kung may kailangan ka tawagan mo lang agad ako at pupunta agad ako dito, okay?" Paalam ko kay Red.Tumango naman ito at agad na akong umalis ng hotel. Nang makasakay ako ng sasakyan ay mabilis itong pinaandar ng aking driver at nag punta
Atanasha“Bakit hindi na kita matawagan? Ilang beses kitang sinubukang tawagan pero ni isa sa mga social media mo even yung number mo ay hindi na ma reach out…” Malungkot kong usal.Nandito na kami sa loob ng bahay ni Manang Fe. Hindi pa rin makapaniwala sila Manang Fe na nahanap ko ang location nila ngayon. Syempre, hindi ko naman sinabi kung kanino ko nalaman ang impormasyon. Ang sabi ko lang ay nag hire ako ng private investigator para mahanap kung nasaan sila."Susundan pa sana kita sa Australia pero nag simula na ang pag bagsak ng company. Kahit na inaasahan ko naman na babagsak ang company ay hindi ko inaasahang ganito kabilis. Para bang pumikit lang ako at pag dilat ko ay wala na sa akin lahat. Nang bumagsak ang kumpanya ay maraming nagpapakalat ng mga fake news na kaya raw bumagsak ang kumpanya dahil kinakarama na ito dahil sa mga empleyadong pinatay namin. Kahit kailan ay hindi namin magagawang pumatay ng mga inosenteng tao, pero may iilan naman akong narinig na dati na may m
AtanashaPangalawang araw na sa paghahanap ko kay Red. Mahigit limang private investigator na rin ang mga na hire ko para lang hanapin siya. May mga lugar naman silang mga ibinibigay sa akin ngunit kailangan pa nilang siguraduhin kung nandoon nga ba talaga si Red. Habang naghahanap kay Red ay unti unti ko na ring pinapakita sa Pilipinas ang mga produkto ko. Kaya naman sobrang abala rin ng aking secretary sa pag aasikaso nito. Si Jake naman ay palaging nakasunod sa akin sa kung saan ako mag punta.Sa mga araw na ito ay sobrang ingay pa rin ng media tungkol sa issue at problemang nangyayari sa mga Buenavista. Patuloy pa ring lumalabas ito sa mga balita at marami na ring mga chismis ang kumakalat ngayon at ginagawan ng kwento ang pamilya nila. Ginagawa ko naman ang makakaya ko upang mai take down lahat ng mga fake news na ipinakakalat nila, ngunit sa dami nito ay nahihirapan na rin akong isa isa itong mapatake down ng basta basta. Malaki na rin ang nagastos ko para lang doon.“Ma’am, tu
Atanasha Nang makarating ako dito sa Sydney, Australia ay agad akong pinag aral nila mommy at daddy sa kung paano ko mapapatakbo ng maayos ang kumpanya na hawak hawak ko ngayon. Halos buong dalawang linggo na puro libro at mga teachers na ang nakakasalamuha ko. Wala na tuloy akong balita kay Red kung ano na ba ang nangyayari sa kanya. Wala na kasi akong oras para maisingit pa na matawagan siya, pinagbabawalan din kasi ako nila mommy at daddy na gumamit ng aking phone. Confiscated lahat ng gadgets ko at pinapagamit lamang sa akin kapag kailangan ko sa aking pag aaral. “Hi, sweety! Don’t forget your next class. It is Marketing and ang professor mo para doon ay si Mr. Jimson. Isa siya sa mga mauutak sa mundo ng marketing at naging ka business partner din siya ng daddy mo kaya naman siya ang napili namin para maturuan ka dahil sa mundo ng business anak ay maiinvolve ka talaga sa marketing. Hinding hindi mo matatakasan iyan.” Nakangiting usal ni mommy. Argh! Kakatapos lamang ng three hou
Atanasha Nang matapos ang usapan namin Dalia hanggang sa pag uwi ko rito sa bahay ay talagang tinupad ko ang ipinangako ko sa kanya na hindi ko ipapaalam kay Red ang lahat ng nangyari kanina. Pag uwi ko ay abala pa rin si Red sa kaniyang ginagawa. Hindi naman na kwinestyon ni Red kung saan ako pumunta at mukhang wala pa rin ito sa kanyang sarili kaya naman hindi manlang nagawang mag tanong sa pinuntahan ko kanina. Habang tumatagal ay mas lalo akong naaawa sa kaniya. Hindi ko maatim na makita na ang pinakamamahal ko ay nagkakaganto. Nais ko mang aminin sa kaniya na nakita ko na si Dalia at alam kong nasa maayos siyang kalagayan ay pinipigilan naman ako ng konsensya ko dahil sa pangakong binitawan ko kay Dalia. Sinubukan ko naman siyang kausapin tungkol sa nangyari kanina ngunit ang sinasabi niya lang sa akin ay hindi naman daw iyon importante, tungkol lang daw sa pangungulit ng mama niya sa kanya. Tinanong ko rin siya kung ayos lang siya at kahit na sinasabi niyang oo ay alam kong iti
Atanasha“Paano ba kayo nagkakilala ni Kuya, Ate? Alam mo kasi yan si Kuya Red, hindi yan mahilig sa babae at sobrang ilap niyan sa babae. Tignan mo yan si Ate Sofia, matagal na yang umaaligid kay Kuya simula noong bata pa sila pero wala manlang naging chance kay Kuya at ni hindi manlang pinagbigyan ni Kuya kahit na puppy love lang. Akala nga ng lahat ay may pagka silahis si Kuya pero kilala ko siya alam kong wala lang talaga siyang oras sa mga ganoong bagay kaya ng malaman ko na may asawa na siya ay sobrang curious talaga ako sayo, ate..” Sambit ni Dalia.“Hindi ko alam kung saan sisimulan pero… ganito kasi ang nangyari,”—Flashback—"Hayop ka Mark..." lasing na lasing na usal ko habang tumutungga ng beer. Nandito ako ngayon sa bar pagkatapos kong hiwalayan yung hayop kong boyfriend. Nahuli ko siyang kahalikan ang kapatid ko na si Faye. Mga walang hiya! Sobrang baboy nilang dalawa. Bagay na bagay sila sa isa't isa pareho silang makati. "Akala mo kapag iniwan kita ay hindi na ako mak