WARNING!!
Andrea was so excited. She loves the spotlight that Joseph gave to her. Nakangiti siya habang kinakausap ang mga kaibigan niya.
"Oh! Andrea, don't forget to use protection!" sabi ng kaibigan niya habang ngumingisi.
"Haha para sa akin kahit huwag na.. mayaman naman si Joseph.. kung mabuntis ako okay lang.." mayabang na sabi ni Andrea.
Sisiguraduhin niya na hindi siya makakalimutan ni Joseph o baka naman mali siya? Baka hindi niya makakalimutan si Joseph.
Gabi na ng lumabas si Andrea sa eskwelahan nila. Tumingin siya sa paligid at nakita niya ang kotse ni Joseph. Lumabas si Joseph habang iniikot ang susi sa kanyang daliri.
<Hindi alam ni Carmela kung bakit iba ang inasta ng asawa niya. Alam naman ni Carmela na may balak silang mag-annulment ngunit gusto niya rin na maging kaibigan sana ito.Napailing na lang siya. "Baka stress siya sa pag-aaral niya.." dahilan ni Carmela sa utak niya.Nakaramdam siya ng awa para sa kanyang asawa. Alam niya kasi ang pakiramdam ng pressure sa pag-aaral.Kinuha niya ang pagkain na sana ay kakainin nila ni Joseph. Gustuhin man niya itapon, hindi kaya ng konsensya niya dahil mapalad siya kaysa sa mga taong nagugutom."Sayang naman ito.. Impakto talaga itong si Joseph.." dismayadong sabi niya. Kumain na lang siya mag-isa para hindi masayang ang pagkain na niluto niya.Galit na sinabunutan ni Joseph ang kanyang sarili. Hindi niya alam ang nangyari sa kanya.Nagkaroon naman na siya ng ex-girlfriend pero hindi naman ganoon ang nangyari sa kanya. Natatakot siya sa kakalabasan ng la
Hindi alam ni Joseph ang mararamdaman habang pinapanood ang dalawa. Nagtatawanan ang dalawa na parang sila lang ang tao sa mundo. Gusto niyang sugurin ang dalawa pero alam niya na kahit kasal silang dalawa ni Carmela, ay may usapan pa rin sila.Tinutulungan na siya ni Carmela upang hindi na siya bumagsak. "Bakit kaya ang sarap nilang sagasaan!" malakas na sigaw sa utak niya.Napabuntong hininga siya sa kanyang nararamdaman ngayon. Wala rin naman siyang balak na sabihin kay Carmela ang nararamdaman niya.Pinauna niya muna ang dalawa saka siya nag-park ng kanyang kotse. Mabilis siya bumaba roon at naglakad palapit kay Darwin. Nagulat naman ang kanyang kaibigan ng akbayan niya ito.Nakasimangot siyang tumingin sa kanyang asawa na namumula pa."Lintek! Talagang humaharot pa kay Darwin!" inis na sabi niya sa utak niya."Bro, saan ka ba galing? Umalis ka raw sabi ni Carmela nag-alala pa naman siya sa'yo!" anya ni Darwin.
Lumalakas ang tibok ng puso ni Joseph dahil sa ginawa ng asawa niya ngayon. Para sa kanya, nag-aalala ang asawa niya sa kanya.Kinagat niya ang kanyang labi upang hindi makita ng kaibigan niya na masaya siya! Panay ang lait niya kay Carmela ngunit sa huli bumagsak pa siya."Ayaw ko n'yan mamaya nilawayan mo na 'yan!" pag-iinarte ni Joseph. He smirked when he saw Carmela's angry face again.Hindi niya alam kung bakit sobrang saya niya kapag naiirita ang dalaga sa harapan niya.Pigil naman ang tawa ni Darwin sa kanyang kaibigan. Kilala niya si Joseph at alam niyang nag-iinarte si Joseph kay Carmela. Napaisip tuloy siya."May tinatago sa akin itong mokong na ito.." isip ni Darwin. Natatawa siya sa inaasta ni Joseph kay Carmela.Yes, hindi pa siya move-on kay Carmela ngunit mas gusto niya na lang na sumaya si Joseph sa piling ni Carmela. Ganoon ka-mature si Darwin dahil alam niya ang hirap ni Joseph ng iwanan ito ni Ayana.
Hindi makapaniwala si Carmela sa ginawa ni Joseph. Nakita niya na nakangisi si Joseph at umiiling na lamang sa kanya."Oh hindi ba, tumahimik ka rin.." natatawang sabi ni Joseph. Gusto na niyang bigyan ng upper-cut si Joseph ngunit baka halikan na naman siya nito. Gross!Hindi alam ni Carmela na baka nga nangdidiri lang siya na hinalikan siya ni Joseph, pero ang lakas ng tibok ng puso niya na parang gusto ng kumawala nito."Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong ni Joseph sa kanya. Nagsimula na itong magmaneho upang makauwi na sila."Ewan ko sa'yo! Manyak ka talaga eh!" inis na sabi ni Carmela."Aba talo ka pa na ikaw ang nahalikan ha.. ang daming gusto na humalik sa akin pero mapalad ka!" mayabang na sabi ni Joseph."As if naman gusto ko 'yong ginawa mo.. Alam mo na hindi kita type.. mag-asawa tayo, oo pero huwag mo ng gagawin 'yon!" inis na sabi ni Carmela. Naiinis siya dahil magmumukhang isa rin siya sa mga naging
Parehas na nanonood ng movie sila Carmela at Joseph. Napatingin si Carmela sa kanyang asawa ng umiiyak ito. Sumisinghot-singhot pa habang may katabing tissue."Bakit ka ba umiiyak?" tanong ni Carmela."Manhid ka ba? Hindi mo ba alam na nakakaiyak itong parte na ito! huhu!" atungal ni Joseph sabay singa habang may hawak na tissue."Sana pala hindi na lang tayo nanood.. Hindi naman kasi maganda.." sabi na lang ni Carmela. Kinagat niya ang kanyang labi dahil pinipigalan niya na huwag tumawa sa kanyang asawa.Ilang araw na rin silang nag-aaral ni Joseph, at para kay Carmela matalino naman ito. Sadyang tanga lang kapag wala sa hulog."Siguro bukas iiyak ka rin.." natatawang sabi ni Carmela. Masama tuloy na tiningnan siya ni Joseph."Ang ganda ng joke mo! Bawiin mo!" inis na sabi ni Joseph. Kinakabahan pa naman siya dahil baka bumagsak siya."Good luck ibig sabihin ko!" anya agad ni Carmela."Kapag ako bumagsak makiki
Kinakabahan si Carmela para kay Joseph. Ngayon ang examination nila at dito rin malalaman kung makakapasa ba si Joseph o hindi. Nakita niya na pangisi-ngisi lang si Joseph habang nagmamaneho. Napasimangot tuloy siya, bakit ba siya ang kinakabahan? "Sure ka ba na makakapasa ka?" tanong ni Carmela, hindi na siya mapalagay. Kawawa si Joseph kapag bumagsak ito lalo na kapag nalaman ng daddy nito. "Epal ka! Ang ganda na ng mood ko sinisira mo pa! Sigurado akong babagsak ako dahil magaling ka magturo.." pang-uuto ni Joseph. "Sana makapasa ka kasi lagot ka kay daddy mo kapag bumagsak ka.." sabi ulit ni Carmela.Hindi mapakali si Carmela at hindi niya alam kung bakit. "Basta ha! 'Yong sinabi ko sa'yo, lahat 'yan naituro ng teacher natin.. At saka sa calculations nakita ko naman na magaling ka ro'n at sigurado ako na magiging the best CEO kapag pinamana na sa'yo ang kompanya niyo.." sabi ni Carmela. Sumaya naman si Jose
Nagtataka naman si Carmela sa inaasta ng kanyang asawa na si Joseph. Napatingin pa siya kay Darwin upang alamin kung bakit parang nagalit si Joseph sa kanila. Nagkibit balikat lang ang lalaki ngunit nakangisi."Ano kayang nangyari sa impaktong 'yon?" tanong ni Carmela sa kanyang sarili.Si Danny naman ay nakatitig lang kay Carmela na parang si Carmela lang ang tao sa mundo. "Carmela, please!" iritadong sabi ni Danny. Demanding na ang tono ng lalaki sa kanyang kaibigan. Bumuntong-hininga na lamang si Carmela."Danny, ano ba ang pinagsasabi mo? I like you as my friend.. 'yun lang 'yon! Kung tungkol sa bangs mo, pinupuri kita dahil gusto ko maranasan mo na may nakaka-appreciate sa'yo kahit papaano.. We're friends, Danny but please, don't break our friendship.." sabi ni Carmela sa maayos na tono.Naging malungkot si Danny sa sinabi ni Carmela, akala niya may gusto talaga si Carmela sa kanya."Pero kasi--" hindi natulo
Kinakabahan si Joseph habang nag-a-announce ang kanilang teacher sa mga nakapasa. Pigil ang hininga niya dahil sa sobrang kaba."And last.." sabi ng teacher. Napahawak siya sa kanyang table ng mahigpit. Binigay niya ang kanyang best upang makapasa."Joseph Villanueva, you're passed! Congratulations! At si Joseph ang may highest grade sa examination." sabi ng kanyang teacher na nakangiti. Daig pa na tumigil ang kanyang mundo sa sobrang saya."Yes!" napatayo siya at napasigaw. Nakangiti lang ang kanyang guro. Si Darwin naman ay nag-thumbs up sa kanya bilang suporta."Kailangan malaman ni Carmela ito!" excited na sabi ni Joseph sa kanyang isip.Masaya siya na ibalita sa kanyang asawa na nakapasa siya dahil ito naman ang nagpakahirap turuan siya."Congrats bro!" Sabi agad ni Darwin. Bilib na bilib siya sa kanyang kaibigan, kailangan pala na si Carmela ang magturo sa kanya upang matuto."Parang gusto ko na rin magpaturo