Hinihingal na tumigil si Joseph sa paghalik kay Carmela. Ang lakas ng tibok ng kanyang dibdib at namamanhid ang kanyang pisngi. Napalunok siya, hindi yata siya magsasawang halikan ang babae na nasa harapan niya."B-bakit? B-bakit mo ako hinalikan?" hindi makapaniwala na tanong ni Carmela sa kanya. Napahakbang siya papaatras sa tanong ng babae sa kanya. Nagpadala siya sa inis o galit at selos na nararamdaman niya "Kasi.." bulong ni Joseph. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin."May gusto ka ba sa akin?" tanong ni Carmela. Hindi alam ni Carmela ngunit sa oras na maramdaman niya na pinagtitripan lang siya ng kanyang asawa at baka masipa niya lamang ito."Kasi.. naiinis ako sa'yo!" sigaw ni Joseph. Gusto niya ng umamin ngunit pinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya magmamahal ulit."Bakit ka naiinis? Lahat ba ng kinaiinisan mo ay hinahalikan mo?" inis na tanong ni Carmela. Nakaramdam siya ng inis at mukhang isa na rin si
Maraming tao ang nasa kaarawan ni Darwin. At hindi maiwasan ni Carmela ang mailang dahil ito ang unang beses niya na pumunta sa isang birthday celebration na ang nagdidiwang ay schoolmate niya.Nakita niya si Darwin na nakangisi sa ibang guest. Nakita sila nito ni Joseph at kumaway.Hinawakan naman siya ni Joseph sabay hila sa kanya papalapit kay Darwin Nakangisi si Darwin at halatang nakainom na."Happy Birthday, Darwin.." bati ni Carmela.Kuminang ang mata ni Darwin sa tuwa at niyakap siya ng mahigpit. Unang beses ni Carmela na dumalo sa kaarawan niya kaya sobrang saya niya.Joseph looked away. Ayaw niyang masira ang party ng kanyang kaibigan. At ayaw niya rin makahalata ang kanyang asawa sa inaasta niya."Bro, Happy birthday!" bati ni Joseph, ngisi ang tugon ni Darwin sa kanya sabay nakipag-fist sa kanya."Kumain muna kayo, nandoon ang food!" sabi ni Darwin sabay turo sa mga pagkain na nasa gilid."Asika
Humigpit ang yakap ni Carmela kay Darwin. Nawala na sa isip niya si Joseph. Balak niya talagang hanapin ang kababata upang sabihin na pinatawad niya ito sa pang-iiwan sa kanya. Ngunit si Darwin pala iyon, kaya pala palaging nakabantay sa kanya si Darwin. Sa tuwing binubully siya ng mga kapwa niya estudyante ay nand'yan si Darwin upang ipagtanggol siya. Malaki ang utang na loob niya sa lalaki.Ngayon naintindihan niya na kung bakit sinasabi niya sa kanyang sarili na may gusto siya kay Darwin. "I'm sorry, Carmela.." bulong ni Darwin sabay halik sa kanyang ulo. Napapikit si Carmela habang lumuluha. Si Darwin ang lalaking pinagkatiwalaan niya ng bata pa siya. Kaya lubos siyang nasaktan ng umalis ito ng walang paalam sa kanya."Balak sana kita hanapin kasi alam ko na may valid reason ka para umalis ng walang pasabi sa akin.." sagot ni Carmela. Bumitaw na sila sa pagkakayakap at ng lumingon si Carmela ay wala na si Joseph sa tabi niya.
Bernadette was happy. Isinama siya ni Martin sa party ng kakilala nito. Well, talagang proud naman si Martin sa kanya, dahil maganda siya. Nakita niya ang pagngisi ng mga kaibigan ni Martin, ang iba ay tumango lamang sa kanya at itinaas ang hawak na alak.Nakakapit siya kay Martin at halos hindi niya na bitawan. Ganoon niya kamahal si Martin, kaya sobrang selosa siya.Mga ilang oras ang lumipas nakaramdam na siya ng hilo. Hinila siya ng kaibigan ni Martin at inaya siyang sumayaw."Bernadette! Let's dance!" aya ng amerikanang kaibigan ni Martin.She looked at Martin. Tumango naman si Martin at tumayo na rin."Sumayaw ka na muna.. Makikipagkita lang ako sa mga friends ko sa taas.." paalam ni Martin sa kanya. Nakaramdam naman ng kilig si Bernadette dahil daig pa nila ang mag-asawa."Okay.. Huwag kang mangbabae ah.." nakangusong sabi ni Bernadette. Nakatingin lang siya kay Martin habang naglalakad ito papalayo sa kanya.
Nang makauwi si Carmela at Joseph sa kanilang bahay ay mabilis na umakyat si Carmela papunta sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang kaba niya kapag tumitingin si Joseph sa kanya"Carmela!" sigaw ni Joseph. Napahinto siya sa paghakbang at tumingin sa kanyang asawa."Bakit ka ba nagmamadali? Manood muna tayo ng movie!" pilit ang ngiti na sabi ni Joseph. Napabuntong-hininga na lamang si Carmela. Ayaw niya na magkaroon ng ilangan sa kanilang dalawa ni Joseph.Para sa kanya naging maayos naman ang pagsasama nila mag-asawa kahit magkaibigan lang ang turingan nilang dalawa."Galit ka ba dahil hinalikan kita? Akala ko okay lang sa'yo?" tanong ni Joseph. Tensyonado si Joseph dahil ayaw niya rin na makahalata si Carmela na may gusto siya rito."H-hindi naman 'yon!" sagot agad ni Carmela. Napakamot pa ito."It's just a kiss! wala naman ibig sabihin 'yon hindi ba?" tanong ni Carmela.
Lumipas ang araw na halos masama lang ang tingin ni Joseph sa dalawa. Iniiwasan niya na rin si Carmela na akala niya makakatulong sa kanya ngunit hindi, hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niya kay Carmela.Nakita ni Joseph ang dalawa na halos maglampungan na sa harapan niya Mukhang hindi rin siya na-miss ni Carmela dahil ang mga mata lang ng dalaga ay na kay Darwin. Malapit na siyang sumabog sa selos! Gusto niya ng maging bayolente pero pinipigilan niya."Si Darwin at Carmela na ba? Halos magkasabay parati silang pumapasok!"Napasulyap si Joseph sa nagsalita. Ilang araw na rin siyang hindi umuuwi sa bahay nila Carmela ngunit mukhang pinapalitan na siya ni Darwin sa asawa niya."Oo nga! Naglalakad yata silang dalawa papasok ng eskwelahan! Ang swerte ni Carmela!" sagot ng isa.Napakunot ang noo ni Joseph, gusto niyang patahimikin ang mga ito ngunit baka magtaka ang mga ito."Nako! Hindi na bago sa amin 'yan haha! Ang alam ko n
Napakuyom ang kamao ni Joseph sa mga nakita niya. Nagagalit na talaga siya sa nangyayari. Nakarinig siya ng bulungan ng mga estudyante na nasa cafeteria rin. Tumayo agad siya at sinundan ang dalawa ng hindi nila namamalayan. Hindi niya narinig ang usapan ng dalawa ngunit nakita niya ang paghalik ni Darwin sa kanyang asawa. Inis niya sinipa ang trash can na nasa harapan niya. Dapat masaya siya dahil nangyari na ang usapan nila ni Carmela ngunit naiinis siya, nagagalit siya sa kanyang sarili kung bakit hindi niya kayang sumugal.Gusto na niyang bangasan si Darwin at kunin si Carmela upang iuwi sa bahay nila. Napaupo siya, at gigil na sinabunutan ang sarili niya. Mahal niya na talaga si Carmela kaya nasasaktan siya ng todo ng makita ang dalawa. Tumalikod siya upang makaalis sa eskwelahan. Hindi niya kayang malayo kay Carmela, hindi niya kaya na mawala si Carmela sa kanya. Makasarili ba siya kung ipipilit niya ang sarili niya kay Carmela? Nagpapa-miss siya sa babae ngunit unti-unti ng
Mabilis ang pagmaneho ni Joseph pauwi sa bahay nila. Napakapit naman si Carmela dahil sa kaba."Alam mong hindi pa tapos ang klase ko! Tapos heto ka dinala ako sa bahay!" inis na sabi ni Carmela. Umismid lamang si Joseph habang nakatingin sa daan. Para sa kanya, ang ininarte talaga ni Carmela ay hindi nito makikita si Darwin. Ganoon siya ka-advance mag-isip."Kung magpapakamatay ka huwag mo akong idamay!" galit na sigaw ni Carmela. Huminto na ang kotse sa tapat ng bahay nila. Bumaba agad si Carmela at nagmadaling pumasok sa kanilang bahay.Ayaw niyang makausap si Joseph dahil sa iniasta nito. Para kay Carmela, siya dapat ang nagagalit dahil taksil ang asawa niya! Oo taksil na para sa kanya si Joseph!Arrange marriage man ang mayroon sila hindi sapat iyon para mangbabae ito."Carmela! Ano ba!" pasigaw na tawag ni Joseph sa kanya. Hindi lumingon si Carmela sa kanya kaya hinabol ni Joseph siya at hinawakan."Ganyan ka ba k