Home / All / I'm Marrying the Worst / Chapter 5: Yacht Surprise I

Share

Chapter 5: Yacht Surprise I

last update Last Updated: 2021-04-01 21:45:56

KHIO'S POV

I'm Khio Dione Farreño at your service! I'm a secret agent in our gency "Orion." And Querem is my bestfriend since when we're both wearing diapers and having our pacifiers! He's a multi-billionaire young tycoon in the Philippines. He even once part of our agency.

When we're on high school until college. He merely a ruthless agent that I've seen, but enough for that. I was surprised when Querem called me earlier. All of sudden it made me think that it's really important.  And my hunch is right!

I was taken a back when he mentioned Tyler Del Rio. Why the hell he need a full profile of Tyler Del Rio? Seems this is a big mess in something or someone? Maybe it's all about someone? Hmm, I don't even know, so I just do my job for my bestfriend.

I immediately sent it to him after a few minutes. Hmm, I smell something's gonna happen?! I know Querem very well. He didn't let anyone harm his beloved love ones! I was busy typing on something when someone was standing behind me and everything's went black.

ACIE'S POV

Nagising ako ng tamaan ako ng sikat ng araw. Hindi pala nakababa ang blinds ng bintana kaya pala mainit. Sumigid ang kirot ng aking kanang balikat ng gumalaw ako ng kaunti. Bumangon ako at tinanggal ko ang pagkakabuhol ng kapirasong tela na nakatali sa balikat ko. Isinuot ko ang damit kong nakita kong maayos na nakatiklop sa ibabaw ng bed side table.

Sa wari ko'y mag-aala una na ng hapon. Napahaba ata ang tulog ko. Habang bumababa ako ng hagdan ay todo ang kapit ko sa hawakan nito at talagang tinitingnan ko ang tinatapakan ko. Mahirap na't baka magpagulung-gulong ulit ako rito at hindi lang bugbog sa balikat ang makuha ko. Naghihikab akong pumasok sa kusina.

Agad kong naamoy ang mabangong amoy ng sinigang. Nagulat pa ako ng bahagya ng makita ko ang nasa edad kwarenta mahigit na babaeng nakatalikod sa gawi ko't nakaharap sa niluluto nitong sinigang. Napadako naman ang tingin ko sa lamesa dahil may nakaupo roong batang lalaki na sa tantya ko'y nasa limang taong gulang na.  Ang kulot nitong buhok na bumagay sa hugis ng mukha nito. Ang matataba nitong pisngi na parang ang sarap sarap panggigilan ng kurot!

Tumigil ito sa paglalaro sa kanyang mga laruang kotse-kotsehan at pinakatitigan ako't ngumiti ng pagkatamis tamis! Nilapitan ko ito at niyakap. Kinarga ko ito at marahang pinanggigilan ang magkabila nitong pisngi.

"Anong pangalan mo?" Nakangiti kong saad

"Atho po si Zai Miel Seno!" Magiliw na saad nito kahit na bulol

Humarap sa'kin ang matandang babae at nagpakilala

"Mabuti't gising ka na, hija. Malapit nang maluto itong sinigang."  Nakangiting saad nito

"Naku, pasensya na nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Rosalinda Serrano. Ako ang lola ni Zarie Mikael at ang caretaker nitong bahay." Magiliw na dagdag pa nito 

Iniupo ko ulit si Zarie sa kanyang upuan. Naglaro ito ng kanyang mga kotse-kotsehan na mapaghahalataan mong luma na ngunit magiliw pa rin nitong nilalaro. Umupo ako sa kalapit na upuan habang pinagmamasdan ko si Zarie na naglalaro. Ang gwapo niyang bata. Napakaswerte ng mga magulang niya dahil ang gwapo at ang cute ng anak nila.

Nakaramdam ako ng inggit dahil sa loob ng 2 taon na kasal kami ni Querem ay hindi pa rin kami nabibiyayaan ng supling. Kailan kaya kami magkakaroon ng sarili naming anak? Hindi man sabihin ni Querem ramdam kong gustung-gusto na niyang magkaroon kami ng anak. Nang sa gayo'y mas maging maganda na ang pakikitungo ni Querem sa'kin. Siguro naman kapag nagkaroon na kami ng anak ay mas magiging madali na lamang para sa kanya ang magbago.

Siguro magiging mabuting ama rin ito kapag nagkaroon na kami ng anak. Matiim akong napatitig kay Zarie. Parang may kamukha kasi siya, e. Iniisip kong maigi kung sino ba ang kamukha nito. Ilang minuto rin ang lumipas bago ko napagtantong kamukha ito ni Lucas!

Yung lalaking nakita ko malapit sa may kakahuyan noong isang araw! Anak niya kaya itong batang 'to? Hmm, napuno ng kyuryosidad ang utak ko habang nakatulala pa rin sa tahimik na naglalarong si Zarie. Kung hindi pa nagsalita si Manang Rosa, e hindi ako babalik sa realidad. Nakapaghanda na pala si Manang kaya naman nag-umpisa na rin kaming kumain.

Habang kumakain kaming tatlo'y hindi ko maiwasang magtanong kay Manang Rosa.

"Manang, pwede po bang magtanong?" Nahihiya kong tanong habang nanatiling nakatingin sa kinakain ko ang mga mata ko

"Oo naman, hija!" Malugod nitong saad na may kasamang ngiti

" Naku-curious po kasi ako kay Zarie e, pwede ko po bang malaman kung sino ang magulang niya?" Nahihiya ko pa ring saad sa kanya

Ilang sandaling bumaha ng katahimikan. Kahit mga kubyertos ay nanahimik sa aming mga pinggan. Napa-angat ako ng tingin at napatitig kay Manang Rosa. Pansin kong bigla na lamang lumungkot ang mga mata niya subalit ilang saglit pa'y muli itong ngumiti.

"Si Zarie, anak siya ni Lucas. Ang nag-iisa kong anak. Anak siya ni Lucas kay Zherine Catalina Almonde. Isang mayamang babae na aksidenteng napadpad dito sa Batangas. Mga 7 taon na ang nakalilipas. Sa isang hindi sinasadyang pagkakataon natagpuan siya ni Lucas malapit sa dagat. Sugatan at tila pagod sa ilang araw nitong pakikipagsabayan sa alon ng dagat. Dinala niya ito sa aming maliit na kubo at doon namin ito ginamot. Makalipas ang mahigit isang linggo'y nagising ito, subalit ni isang pangyayari sa buhay nito'y wala itong maalala. Inalagaan namin ito hanggang sa gumaling at lumakas. Nagkamabutihan sila ni Lucas at hanggang sa sumapit ang pangalawang taong paninirahan ni Zherine sa amin ay may balitang ito ang hinahanap ng mga Almonde ang nawawala nilang anak na babae. Mas naging maingat kami ni Lucas dahil kapag pumupuntang bayan si Lucas ay sumasama sa kanya si Zherine. Hanggang sa magbunga ang kanilang pagmamahalan at 'yon na nga'y si Zarie. Wala pang 1 buwan noon si Zarie nang may mga naka-amerikanang itim ang sapilitang pinasok ang maliit naming kubo at sapilitang kinuha si Zherine. Nasa kakahuyan si Lucas noon para kumuha ng mga kahoy. Kaya naman wala si Lucas noong kinuha si Zherine sa amin. Maraming taon na ang lumipas subalit ni anino manlang ni Zherine ay hindi na namin nasilayan pa." Pagkukwento ni Manang Rosa at ipinagpatuloy ang pagkain

Nalungkot ako sa ikinuwento ni Manang Rosa. Hindi ko akalain na ganoon pala ang pinagdaanan nila. Pinakatitigan ko ang inosenteng si Zarie na sarap na sarap sa pagkain nito. Naawa ako para sa bata. Ni hindi manlang niya nasilayan ang kanyang ina.

Napakalungkot naman ng nararanasan ni Zarie. Sigurado akong nagtatanong na ito patungkol sa kanyang ina. Ano kaya ang sinasabi nila rito? Nakakalungkot na isa ang batang ito na lumalaking walang inang kinagisnan. Ang sakit lang sa kalooban at hindi ko maiwasang mapaluha sa isiping sa tuwing hinahanap at nagtatanong ito sa kanyang ama at lola kung sino ang kanyang ina ay ano ang sinasagot ng mga ito?

"Pasensya na po at tinanong ko pa." Malungkot kong saad bago pinahid ang luhang tumulo sa kaliwa kong mata

Naku hija, wala iyon. Patuloy pa rin akong nananalangin sa Panginoon na sana'y makasama namin siyang muli. Nang makita't makilala siya ni Zarie. Pati na rin si Lucas. Alam kong matagal na itong nangungulila sa kanya!" Saad nito habang nakangiti at ipinatong ang isang kamay sa kamay kong nakapatong sa mesa

Nagpatuloy ang kwentuhan ng ilang bagay bago kami natapos kumain. Matapos naming mananghalian ay gumawa naman si Manang Rosa ng minatamis na saging na nilagyan nito ng sago't langka. Nagpaturo ako kung paano ito gawin. At kamuntikan ko na rin palang makalimutan itanong kung nasaan si Querem. Habang naghihimay ako ng langka, e naitanong ko na kay Manang Rosa.

"Nga po pala Manang, nasaan po pala si Querem?" Tanong ko habang pinapanood ko siyang maghiwa ng mga hinog na saba

"Ang sabi niya may pupuntahan lang daw siya, hindi naman sinabi kung saan." Saad nito habang busy pa rin sa paghihiwa ng mga saging

Hindi maalis sa isip ko kung saan nga ba nagpunta si Querem. Madalas naman itong hindi nagsasabi kung saan pupunta. Kapag tinatanong ko naman ay hindi ito nagsasalita o kaya naman ay nagagalit ito. Kaya naman madalas ay hindi na ako nagtatanong pa baka makatikim na naman ako ng wala sa oras. Nasa kalagitnaan kami ng pagluluto ng may marinig kaming kumaluskos mula sa labas.

Agad kaming nagkatinginan ni Manang Rosa at agad na naalerto. Kumuha ako ng kutsilyo sa knife rack at lumapit ako sa main door. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ko iyon. Handa ko nang undayan ng saksak ang sinuman ng bumukas ito at iniluwa nito si Lucas. Nanlaki pa ang mata nito ng makitang may hawak akong kutsilyo.

Ilang sandali pa'y nakabawi rin ako sa pagkagulat kaya naman ibinaba ko na ito at pinapasok siya. Nagdiretso ito sa kusina kung saan sinalubong ito ni Manang Rosa ng yakap at humalik pa ang matanda sa pisngi ng anak. Samantalang si Zarie naman ay hindi magkandaugaga sa pagbaba sa upuan at sinalubong ang ama. Niyakap nito ng mahigpit ang anak at hinalikan ito sa magkabila nitong pisngi. Nakita ko ang kislap ng mga mata nito ng makita nito ang anak.

Nainggit ako ng bahagya sa aking nasilayan kung kaya't umakyat ako sa kalawang palapag ng bahay at kinuha ang aking telepono. Pagkakuha ko nito'y nakita ko itong umilaw kaya naman agad ko itong binuksan upang makita ko kung ano ang natanggap nito. Napagtanto kong may mensaheng iniwan si Querem. Agad akong napangiti at binasa ko ito ng may galak sa puso. Napahiga pa 'ko sa kama ng mabasa ko kung ano ang nakasaad sa mensaheng galing kay Querem.

From: Querem

"Be ready at 6 pm. I'll be picking you up. Wear a decent dress. We're heading in somewhere :-)"

Nagpagulung-gulong pa ako sa kama matapos kong mabasa ang mensaheng pinadala ni Querem. Walang pagsidlan ang aking saya ng muli ko itong basahin. Mula kasi ng magpasya kaming ipakasal ng mga magulang namin, e ngayon niya lang ako inaya. Bukod sa mga family gatherings na kailangan, e present kami pareho. Ito ang kauna-unahang kusang loob na pag-aayang ginawa niya.

Kaya naman hindi nila maiaalis sa aking matuwa ng todo. Agad kong kinuha ang aking maleta at inihiga ito sa kama't saka ko ito excited na binuksan. Hinalungkat ko lahat ng gamit ko upang makakita ng magandang damit. Pasalamat nalang ako at may dala akong isang matatawag kong desente. Isa itong kulay pulang bestida na kita ang likod.

Mabuti na lamang at nailagay ko pala ito sa aking maleta. Dahil sumagi rin sa isip ko na baka may puntahan kaming pormal na lugar. At pasalamat rin ako na may nadala akong isang wedge sandals na kulay itim. At may maliit ring bag rito na maaari kong lagyan ng foundation kung sakali. Hinalungkat ko rin ang aking make up kit na nakasiksik sa isang bahagi ng aking maleta.

Napangiti na lamang ako ng mapagtanto kong kumpleto naman pala ang gamit ko. Agad ko itong inihelera sa kama. Nag-isip naman ako ng maaari kong gawin sa aking buhok. Inisip ko kung ikukulot ko ba ito o gagawin kong messy bun o ano. Hindi ako makapagdesisyon!

Kasalanan 'to ni Querem e! Masyado niya kong pinapakilig. Hindi ko namalayang lumipas ang oras. Hindi pa ako babalik sa katinuan kung hindi pa kumatok si Manang Rosa sa pintuan.

"Hija, luto na ang minatamis na saging. Bumaba ka na't nang makakain ka na." Sabi nito mula sa labas ng pinto

"Opo Manang, bababa na po!" Sagot ko bago nagmartsa patungong pintuan

Maya-maya ko na lamang siguro itutuloy ang pagiisip ko tungkol sa bagay na iyan. Kakain muna ako ng may lakas akong mag-ayos mamaya at nang lumitaw naman ang kagandahan ko sa paningin ni Querem!

Naabutan kong masayang kumakain sila Manang Rosa sa kusina ng akin itong datnan. Nang makita ako ni Manang ay agad itong tumayo at ikinuha ako ng minatamis na saging sa mangkok. Bumaha ang mabango nitong aroma ng ibinaba ito ni Manang Rosa sa aking harapan. Naglaway ako sa aking nakikita. Ang sabaw nitong kulay krema pati na ang mga sahog nitong saging, sago at langka!

Agad ko naman itong nilantakan. Napangiwi pa ako ng mapaso ako nito dahil nga bagong luto lamang ito. Napagalitan pa ako ni Manang dahil hindi daw ako nag-iingat. Nag-sorry na lamang ako at nagdahan dahan sa pagkain. Nang matapos ako'y napatingin ako sa orasang nakasabit sa kusina sa itaas ng isang painting. Nanlaki ang aking mata ng makita kong 4:30 na ng hapon!

Dali-dali naman akong pumanhik sa kwarto't nagdiretso sa banyo upang maligo. Wala nang panahon para magbabad pa sa bathtub! Matapos kong gawin ang mga ritwal ko sa paliligo ay agad akong lumabas. Kamuntikan pa akong madulas dahil sa kaunting sabon na nasa sahig. Mabuti na lamang at nakahawak ako sa sabitan ng towel dahil medyo mababa lamang ito.

Muli akong napangiti ng makalabas ako ng banyo. Nakasuot ako ng bath robe. Mabilis akong umupo sa harapan ng salamin at sinimulang ayusan ang sarili ko. Inumpisahan ko sa buhok. Matapos ang ilang oras na pag-iisip kung anong ayos ang gagawin ko ay naisip kong may ilang hibla akong ikukulot. Napagdesisyunan kong itataas ko ang aking buhok para mas mabigyang pansin ang batok at likod ko mamaya dahil backless ang susuotin kong dress.

Matapos kong ayusin ang aking buhok ay inayos ko naman ang aking mukha. Naglagay ako ng light make up dahil gabi na naman at hindi naman na papansinin ang mukha ko kung ganoon? Sa wakas ay natapos rin ako at isinuot ko na ang dress na dala ko pati na rin ang wedge. Natapos ako'y 5:30 na ng hapon. Hindi na ako makapaghintay kung saan man kami pupunta.

Saan naman niya kaya ako balak dalhin? Hmm, nagsisimula na namang mabuhay ang saya sa puso ko. Napagpasyahan ko munang tumambay sa veranda ng bahay. Nakatanaw ako sa malawak na dagat at sa papalubog na araw habang hinihintay kong dumating si Querem. Sa muli na nama'y hindi ko na namang maiwasang ngumiti.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Persima Salapuddin
exsiting this story more coin to unluch
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • I'm Marrying the Worst   Chapter 6: Yacht Surprise II

    THIRD'S PERSON'S POVHabang nakatanaw sa malawak na dagat at papalubog na araw si Acie ay hindi niya maiwasang mapangiti sa isiping saan siya dadalhin ni Querem. Hindi kasi ito yung tipo ng tao na mag-aaya ng ganitong mga pakulo. Siguro nga ay nagising na ito sa katotohanan! Labis siyang magpapasalamat kung ganoon nga ang nangyayari. Sana'y magtuloy-tuloy na ito para naman din iyong sa pagsasama nilang mag-asawa.Samantalang, abala naman si Querem sa paghahanda sa gabing ito. Aayain niya kasi si Acie ng date sa yateng pag-aari ni Apollo Villareal, isa sa mga naging kaibigan nila Khio noong nasa kolehiyo sila. Pinakiusapan ni Querem si Apollo na kung maaari niyang mahiram ang yate nito't gagamitin niya upang sorpresahin ang asawa niya. Noong una'y niloloko pa siya nito dahil hindi ito ang tipo ni Querem na basta basta na lamang mag-aaya ng babae. Kilala niya ito.Babae mismo ang nag-aaya ritong m

    Last Updated : 2021-04-01
  • I'm Marrying the Worst   Chapter 7: Photographs

    THIRD PERSON'S POVMaagang nagising si Querem subalit hindi pa ito tumatayo o gumagalaw manlang sa kama. Nakaunan kasi sa dibdib nito ang asawa't natatakot siya baka magising ito kapag gumalaw siya. Kaya naman kahit nangangalay at namamanhid na rin ang braso niya'y hindi siya gumalaw. Napangiti siya ng maalala ang nangyari kagabi. Akala ni Querem ay isa iyong panaginip.Hinawi niya ang mga buhok na nakaharang sa mukha ni Acie at pinagmasdan ito. Nilaro-laro niya ang ilang piraso ng buhok nito at inamoy-amoy. Naamoy niya ang mabango nitong buhok na amoy strawberry. Napangiti siya't muli itong pinaikot-ikot sa kanyang mga daliri. Ingat na ingat itong hindi magising ang asawa.Laking pasalamat naman nito't kahit anong gawin niyang laro sa buhok nito'y hindi manlang ito natitinag mula sa pagkakatulog. Tila napagod ito kagabi, a. Muli niya itong pinagmasdan. Hindi mabura-bura sa mga labi nito ng mapagmasdan nit

    Last Updated : 2021-04-01
  • I'm Marrying the Worst   CHAPTER 8: Conflict

    Read at your own risk QWERTY'S POV Nang makarinig ako ng tila nabasag na bagay ay agad akong napatakbo sa pinagmulan nito. Nakita ko si Acie na walang malay at may mga sugat sa kamay, braso, tuhod at binti. Sa di kalayuan ay may sobreng kulay dilaw at may mga litratong nakakalat sa sahig pati na ang isang note. Dali-dali ko namang nilapitan si Acie at tinawag si Apollo. "Apollo! Ready your car we're heading to the nearest hospital!" Nagmamadali kong saad bago pilit binuhat si Acie Narinig ko naman ang pag-start ng makina ng sasakyan at dali-dali kong binuhat si Acie papunta sa back seat. Matapos ko siyang isakay roon ay bumalik ako sa loob ng bahay para isara ito ngunit umagaw sa atensyon ko ang mga litrato kung kaya't kinuha ko rin ang mga ito bago ako pumasok sa back seat ng kotse. Mabilis naman itong pinaandar ni Apollo patungong ospital. Habang nasa byahe'

    Last Updated : 2021-06-06
  • I'm Marrying the Worst   Chapter 9: Coldness

    THIRD PERSON'S POVMakalipas ang ilang araw ay nakauwi na rin si Acie. Ngunit bago ito'y ini-advice ng ng doktor na uminom siya ng ilang vitamins at iwasan ang ma-stress dahil maselan ang pagbubuntis niya't maaari siyang magkaroon ng bleeding kung magpapatuloy ang ganitong estado ng kanyang emosyon. Dumaan sila sa pharmacy at bumili ng mga niresetang gamot. Pati na ng ilang mga prutas. Matapos niyon ay inihatid na nila Apollo't Qwerty si Acie sa bahay ng mga ito.Nang makauwi sila galing ospital ay malinis na ang bahay. Lalung-lalo na ang parte kung saan nabasag ang mga piraso ng vase na nasagi ni Acie noong nakaraang araw. Kung noong nakalipas na mga araw ay masayang umuuwi si Acie rito, ngayo'y mapait na ngiti ang nakapaskil sa mga labi nito mula ng unang tumapak ito sa kanilang bahay. Tahimik rin ito't hindi gaanong nagsasalita. Kung noong nakaraang araw ay puno ito ng saya ngayo'y para itong hangin na dumadaan-daan lan

    Last Updated : 2021-06-24
  • I'm Marrying the Worst   Chapter 10: The Dream

    THIRD PERSON'S POVKasarapan ng tulog nila Acie at Querem ng bigla na lamang managinip si Querem. Ang panaginip nito'y nasa bahay nila. Sa sala mismo. Nakahilera roon ang mga gamit ni Acie. Nakaharap sa kanya si Acie at walang anumang emosyong mababakas rito.Nakatingin lamang ito sa kanya nag blangko. Wala na 'yong dating may ngiti at labis na sayang nagniningning sa mga mata nito. Nakaharap ito sa kanya habang may sinasabi ito."Maghiwalay na tayo. Hindi ko na kayang makasama ka pa! Kung patuloy akong mananatili sa tabi mo'y patuloy lamang akong masasaktan. Ang tanga ko lang dahil nagpakasal ako sa isang katulad mo. Kahit bali-baliktarin man ang mundo ang manloloko'y mananatiling manloloko! Wala ka nang pag-asa, Querem. Now that I've gained my consciousness I realized tha

    Last Updated : 2021-06-24
  • I'm Marrying the Worst   Chapter 11: Life Line I

    QWERTY'S POVNoong nabasag 'yong basong natabig ni Acie sinalakay ako ng labis na kaba. Nanginig ang aking mga kalamnan. Nagsimulang tumulo ang aking mga luha. Nakaramdam ako nang takot na hindi ko naramdaman sa buong buhay ko. Sinimulan kong tawagan ang kakambal ko.Nanginginig kong dinala sa aking tainga ang aking telepono. Matapos ang ilang sandali'y sinagot nito 'yon. Narinig ko pa sa background nito ang tila nagpepresenta."Hello Qwerty, why did you call? I'm in the middle of an important meeting. Did something happened?" Sabi nito noong sinagot ang tawag"W-wala naman, I'm just checking you out if you're okay. I guess you're fine tho?" Sagot ko"Oh, is that so? I'm fine here don't worry. Take care Acie for me. I'd probably home late tonight!"

    Last Updated : 2021-06-24
  • I'm Marrying the Worst   Chapter 12: Life Line II

    QWERTY'S POVMabilis na sumagot ang nasa kabilang linya. Alam kong si Skye 'yon dahil siya lang naman ang nakatoka sa data base ng CDAL! Taon na rin ang lumipas at ito ang unang pagkakataong hihingi ako ng tulong sa mga taong dati kong kasama sa dati kong trabaho. Yes, I'm one of the assassins that loitering in such place. Only few can know who really I am! Not even my parents know my before job.Ang alam nila'y kaya dumami at nagkaroon ako ng sariling pera'y galing sa pera nila. No, definitely not. Galing ito sa mga missions na na-aaccomplished ko. At the age of 15 or 16, I can live all by myself. Dahil kumikita na ako ng million sa ilang missions lang na natatapos ko.Narecruit ako ni Zeus noong 14 years old pa lang ako. Nagpunta siya sa isang taekwando competition noon. At nakita niya kung paano ako makipaglaban. Noong natapos ang awarding at nakahanap siya ng tyempo'y nilapitan niya ko. Binigyan niya '

    Last Updated : 2021-06-24
  • I'm Marrying the Worst   Chapter 13: Let's have a Date

    ACIE'S POVNasilaw ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko sa pagitan ng mga kurtina na nagmumula sa labas ng bintana. Iminulat ko ang mga mata ko at napagawi agad ang aking tingin sa alarm clock na nasa bedside table. Ganoon na lamang ang pagrehistro ng gulat sa'king mata nang makita kong alas nuebe na ng umaga. Dali-dali akong tumayo at nagtungo sa banyo para magsipilyo at naghilamos. Sinabay ko na rin ang pagiipit ng buhok.Matapos nito'y dali-dali akong bumaba ng hagdan at iningatan kong huwag madapa dahil sa huling pagbaba ko nagpagulung-gulong ako't namaga ang braso. Kaya naman ingat na ingat ako lalo na't buntis ako. Nang makababa ako'y agad akong nagtungo sa kusina subalit napatigil ako mula sa entrada nito. Paano kasi'y nagkalat ang mga kagamitan pangluluto. Mayroon sa lababo, sa kitchen counter pati na rin sa sahig.Nagkalat rin ang iba't ibang ingredients para sa agahan. May mga hotdogs na

    Last Updated : 2021-06-25

Latest chapter

  • I'm Marrying the Worst   Author's Note

    Maraming maraming salamat po sa lahat nang sumuporta sa IMTW!!! Maraming salamat po sa matiyagang pag-iintay nang bawat updates. Ang story po ni Qwerty Dane Tuazon ay on going pa po kaya naman matatagalan pa po bago ko ito maipublished dito.Napakasarap sa pakiramdam na matapos kong muli sa panglwang pagkakataon ang story nila Querem. Kakaibang rollercoaster ride ang nangyari. nagpaiyak, nagpatawa, nagpasaya at marahil nakapagpakilig. Nagtapos man ang kwento nilang dalawa subalit hindi nangangahulugan na mabubura na lang din sila sa alaala.Marami itong iniwan na mga aral na maaaring makapagpabago nang 'yong pananaw sa buhay. Stay safe everyone...sit back and relax marami pang parating na storya...Salamat po sa pagsuporta... hanggang sa muli...-Moonlight_Zero

  • I'm Marrying the Worst   Special Chapter 7: The Chaos (Qwerty and Apollo)

    QWERTY'S POV19.8968° N, 155.5828° WSomewhere in HawaiiKita sa mga ulap ang nagbabadyang buhos ng napakabigat na ulan. Tila ba anumang oras ay nakahanda na itong kumawala. Bagama't nagbabadya ang ulan ay mababakas pa rin ang ganda't malakas na hangin na nagmumula sa dagat Pasipiko. Ang tahimik na cliff ay sandaling mababalutan pala ng kahindik-hindik na tanawin.Nagising ako na tila kakaiba ang pakiramdam. Akmang hahawakan ko ang parte ng batok ko ng mapagtanto kong nakagapos ako sa isang upuan. Nasilaw pa 'ko noong makita ko ng bumbilyang halos nasa gitna nitong kwartong kinalalagyan ko. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay at paa ko subalit hindi ko ito maigalaw dahil sa higpit ng pagkakatali ng mga ito. La

  • I'm Marrying the Worst   Special Chapter 6: Happily Married

    QUEREM'S POVLife is like a coffee... full of bitterness without sugarIt's like a book without covers on it. No one can shield you in such timesIt's like a boat with a hole on both sides that makes you sink in any momentIt's like an umbrella with lots of holes in it, you'll be soak in wet and might got fever.It's like a rotten food that make you sickA deep ocean that makes you drown...In short I can't live without her by my side. She's mean everything to me! The moment I saw her wayback grade school, she's stunning! I really love the way she smiled and laugh.

  • I'm Marrying the Worst   Special Chapter 5: Marrying Mr. Overacting

    ACIE'S POVIlang taon na ba? Almost 20 years na rin mula noong maging kumpleto ang pinapangarap kong pamilya. I have this lovingful, caring, handsome and overacting husband. And of course I have 4 lovingful, sweet, kind and caring children.My eldest Eiffel Raine, is now in grade 11. Looks like he's gaining same popularity like his father wayback when we're still studying. He's making name in the showbiz industry under the name of Eiffel Madrigal. Since then that he's being model some clothing line many agencies hooked by his looks and offered contracts.But, then we choose Ms. Breihanna Heather Victoria-Valiente. Wife of Dr. Desmond Valiente, a family friend. Since then his named became an atomic bomb. Always appeared in different magazines, tabloids, broadsheets and

  • I'm Marrying the Worst   Special Chapter 4: Zeillor Meige

    MEIGE'S POVAfter the incident in Mt. Makiling, Ricana and bad breathe friends got one month suspension plus 150 hours community service. Galit na galit si Mrs. Suarez noong nalaman nitong binubully pala ang unica hija niya.Kinagabihan din 'yon ko lang nakita si Zenith na ganoong kaalala. Pinatawag ng adviser namin sila Ricana and the chicken heads. Nagalit ang adviser namin noong malaman niyang ganoon ang ginawa nila rito. Hindi makapaniwala ang guro sa narinig mula kay Elara.Kung hindi lang ako talaga tinuruan ng magandang asal binalibag ko na sa pinakamalapit na puno ang tatlong 'yan! Sarap tanggalan ng anit eh. Ay, hindi ano na lang pala tatanggalan ko na lang ng pilikmata't kilay gamit yung dalawang pisong pinagpatong! Gigil nila ko, e!

  • I'm Marrying the Worst   Special Chapter 3: Zenith bulan

    ZENITH'S POVThird child of Mr. And Mrs. Querem Zanderick Tuazon. Zenith Bulan Alquous M. Tuazon. Currently in 7th grade and now, I'm stuck with this ugly seatmate named Elara Cialle Suarez. She's not that ugly tho.Actually she's pretty. Ayun nga lang kasi ang kapal ng salamin niya tapos bilog pa. Then may karamihan din ang pimples niya sa mukha. Lagi siyang binubully ng kaklase naming si Sneak. Akala mo naman gwapo mukha namang iguana laki pa ng mata!She's my classmate since pre school. And no one wants to be friend with her. I dunno why but, she seems kind and have a big heart. I always see her eating alone. Since pre school I don't have the courage to stand in front of her. I always pretend that I doesn't care at all but, I always find myself lending her a h

  • I'm Marrying the Worst   Special Chapter 2: Paris Laire

    PARIS' POVAside for being the EIC of the current school publication and one of the anchors of broadcasting team, one of my current hobby is drag racing. Mommy and Dada is against with it because it's too dangerous. I know it is but it makes me happy when I drive.Later on, they agreed with my hobby and immediately enrolled me to undergo training. Even Eiffel is a famous drag racer. We both compete through local and international. Before we drive go carts. At noong kaya na namin magdrive ng kotse nagdrive na kami gamit simulator.As usual I was here in our so called office to discuss some errands to do. The sports fest is coming and we need to discuss and plan everything. All of the staffs are here and we're in the middle of meeting someone knocks outside.I opened the door and my eyebrow raised and being in my most strict personality."What are you doing here, Kyros?"I ask him"Vi

  • I'm Marrying the Worst   Special Chapter 1: Eiffel Raine

    EIFFEL'S POVI'm the eldest among the four children of Querem and Acie Tuazon. They've been married for almost 20 years. Paris and I we're both in our teens. She's currently the Editor-In-Chief of our school publication. Also one of the anchors of their broadcasting team. She's really indeed a talented same as me. At my age I've done some big projects both local and international takes.I had the looks of my father. Many says I'm his carbon copy. I had this very annoying classmate slash enemy. She's daughter of Dr. Desmond Valentine, her name was Dionne Xermia. Sounds explainable but, yeah it's her name. Her mom is my current manager in the industry.She's so annoying to the point that she's acting like a bodyguard and shooing all the people whose come near me. She's a

  • I'm Marrying the Worst   Chapter 41: Epilogue

    ACIE'S POVThis is the most awaited day!!! My gosh, hindi ko ineexpect na sa pangalawang pagkakataon ay ikakasal ako... Sa lalaking ni sa hinagap ko'y magiging kabiyak ko pala. Ang buong akala ko noo'y wala nang pag-asa. Na mamumuhay na lang ako sa sakit at sa pagdaramdam. Subalit napakabait ng tadhana at ibinigay nito sa'kin ang matagal ko nang hinihiling.Na ang akala ko lang noon ay ang bukod tanging paraan ay ang paglayo nang tuluyan. Sa loob ng halos walong taon ay may mga oras at panahong sumasagi sa isipan ko si Querem. Na kung ano na bang lagay niya o kung mabuti na ba siya. Kung may iba na bang napupusuan o baka masaya na sa sarili niyang buhay.Hindi naging madali ang lahat. Nasira ang samahan sa pagitan namin. Nawalan kami ng unang supling subalit sa panahon

DMCA.com Protection Status