THIRD PERSON'S POV
Makalipas ang ilang araw ay nakauwi na rin si Acie. Ngunit bago ito'y ini-advice ng ng doktor na uminom siya ng ilang vitamins at iwasan ang ma-stress dahil maselan ang pagbubuntis niya't maaari siyang magkaroon ng bleeding kung magpapatuloy ang ganitong estado ng kanyang emosyon. Dumaan sila sa pharmacy at bumili ng mga niresetang gamot. Pati na ng ilang mga prutas. Matapos niyon ay inihatid na nila Apollo't Qwerty si Acie sa bahay ng mga ito.
Nang makauwi sila galing ospital ay malinis na ang bahay. Lalung-lalo na ang parte kung saan nabasag ang mga piraso ng vase na nasagi ni Acie noong nakaraang araw. Kung noong nakalipas na mga araw ay masayang umuuwi si Acie rito, ngayo'y mapait na ngiti ang nakapaskil sa mga labi nito mula ng unang tumapak ito sa kanilang bahay. Tahimik rin ito't hindi gaanong nagsasalita. Kung noong nakaraang araw ay puno ito ng saya ngayo'y para itong hangin na dumadaan-daan lang.
Tila nawalan ito ng ganang makita ang asawa. Kahit anino nito'y ayaw na ayaw nitong makita. Noong mga araw na nasa ospital pa si Acie ay laging naroon si Querem. Ngunit lagi itong pinapaalis ni Acie. Matapos paalisin ni Acie si Querem noong nakaraang nagising siya'y napakatigas ng ulo nito at sa tuwing nagigising siya'y nakikita niya ang pagmumukha ng manlolokong iyon.
Pinaki-usapan pa ni Acie si Qwerty na paalisin si Querem dahil umiinit ang dugo nito pag nakikita niya ni kapirasong buhok nito. Hindi naman nabigo si Acie dahil sa tuwing nagigising siya'y kusang umaalis si Querem. Na ikinatutuwa ni Acie. Kapag kasi naroon ang asawa'y naaalala lang niya ang panlolokong ginawa nito sa pang-limang pagkakataon. Naging maayos naman si Acie sa ospital dahil inaalagaan siya nila Apollo't Qwerty.
Pinaupo ni Qwerty si Acie sa sofa na naroon sa sala. Samantalang ito nama'y dumiretso sa kusina't inilagay roon ang mga pagkaing kanilang pinamili bago sila umuwi. Matapos nito'y bumalik si Qwerty sa sala't tinanong si Acie kung anong gusto nitong kainin.
"May gusto ka bang kainin, Acie?" Nakangiting tanong ni Qwerty rito
Tiningnan lamang siya ni Acie ng ilang segundo't hindi nagsalita
Napabuntong-hininga na lang si Qwerty at hinila si Apollo na nakaupo sa single sofa ng sala't sinabihang magluto ng pagkain para sa kanilang tatlo. Naiwang mag-isa si Acie sa sala. Nakatingin ito sa kawalan. Parang ang dami-dami nitong iniisip at tila nahuhulog ito sa kaisipang iyon. Hindi niya namalayang muling bumagsak ang kanyang mga luha.
Nasa ganoon siyang estado ng datnan siya ni Qwerty. Dali-dali itong lumapit sa kanya at inalo siya.
"Acie, why are you crying? May problema ba? May masakit ba sa'yo? Alam mo namang makakasama sa baby mo ang too much stress diba?" Alo ni Qwerty kay Acie habang tinutuyo nito ang mga luha nito
"Ate, ang sakit-sakit kasi, e! Hindi ko na kaya. Hindi ko pa kayang makita si Querem sa ngayon. Kasi pag nakikita ko siya nasasaktan ako! Alam mo 'yon? Ang sakit-sakit lang kasi na ibinigay ko nang lahat pero patuloy niya pa rin pala akong niloloko kapag nakatalikod ako!" Umiiyak na saad ni Acie kay Qwerty
Pinawi nito ang mga luhang kumakawala sa mga mata nito't niyakap ito at patuloy na inalo. Nasasaktan rin ito para sa kapatid. Naaawa siya rito. Ngayon pa't buntis ito. Ang laki naman kasing tanga ng kakambal niya, e!
Napakaswerte nito dahil mayroon siyang napagmahal na asaw pero anong ginagawa niya? Patuloy pa rin niya itong ginagago! Kapag lang talaga may nangyaring hindi maganda kay Acie ako na mismong kapatid niya ang makakalaban niya! Hindi ko alam kung bakit napakatanga ni Querem at patuloy pa rin siyang naghahabol sa babaeng 'yon! Hindi ba papasok sa makitid nitong utak na kasal na yung tao.
Nang maluto na ang mga pagkain ay inaya na ni Apollo sina Acie at Qwerty na kumain ng pananghalian. Naging maayos naman ang naging salu-salo nilang tatlo. Bagama't tahimik ay pinipilit pa rin ni Apollo na pagaanin ang ambiance sa pagitan nilang tatlo. Sinubukan ni Apollo na magatawa subalit naging awkward lamang ito nang tingnan siya ni Acie kaya naman tumahimik nalang ito't pinagpatuloy ang pagkain. Matapos ang pananghalian ay nagrequest si Acie kung maaari'y gusto niyang kumain ng cheesecake na gawa ni Apollo.
Nagkatinginan ang dalawa kapag kuwa'y tumango si Qwerty kay Apollo. Makahulugang tumango lang si Qwerty rito. Agad namang ngumiti si Apollo sa dalawa't nagtungo ito sa kusina. Upang magbake ng cheesecake na paborito ni Acie. Habang ang dalawa'y nagtungo sa may garden ng bahay.
ACIE'S POV
Kasalukuyan kaming nagpapalipas ng oras dito sa garden dahil naghahanda pa si Apollo ng cheesecake. Umalis sandali si Ate Qwerty upang kumuha ng ilang prutas at juice upang may makain kami habang naghihintay na matapos ang binebake nitong cheesecake. Nang makaalis si Ate Qwerty ay napatingin ako sa kawalan. Napahawak ako sa tiyan ko. Hinimas-himas ko ito't napangiti ako dahil naalala kong mayroon nang buhay sa loob nito.
Subalit hindi ko maiwasang malungkot dahil kapag mag-isa ako'y bumabaha sa isipan ko ang kataksilang ginawa ni Querem. Ang sakit lang dahil ngayon pang nalaman kong magkakaroon na kami ng anak ay saka naman niya ulit ginawa ang panloloko nila ng kabit niya. Tumungo ako't tiningnan ang aking tiyan saka ito hinaplos. Napangiti ako sa isiping ano kaya ang magiging kasarian niya? Babae ba o magiging lalaki siya?
Ngayon palang ay iniisip ko na kung ano ang ipapangalan ko sa kanya. O kung dapat na ba akong bumili ng mga baby clothes niya? Ano bang magandang kulay, blue or pink? Hindi ko namalayang napaluha na ako sa lalim ng mga iniisip ko. Hindi ko pa malalaman kung hindi pa dahil kay Ate Qwerty na nakabalik na pala tangan ang isang wooden tray na may lamang mga prutas at juice.
Inilapag nito iyon sa mesang naroon. Kapag kuwa'y naupo ito sa harapan ko. Nakatingin ito sa'kin ng matiim at seryoso. Napakunot naman ang noo ko dahil sa ipinakita nito. Maya-maya pa'y ako na ang nag-iwas ng tingin rito.
"Why are you crying again, Acie?" Tanong ni Ate Qwerty habang kumakain ng grapes
"Im just happy right now." Sagot ko rito bago ngumiti
Nagtaka naman ito dahil kanina lamang ay nagdadrama ako samantalang ngayo'y sinasabi kong masaya ako.
"Because I'm having a baby!" Dagdag ko pa sa sinabi ko dahil mukhang naguguluhan talaga ito
She just smiled to me and then, continued picking some fruits in the platter.
Nagpatuloy lamang ang aming kwentuhan. Hanggang sa lumabas si Apollo na dala-dala ang cheesecake na ginawa nito. Nasa pintuan pa lang siya papunta sa garden ay naamoy ko na ang mabangong aroma nito. Hindi ko maiwasang maglaway sa'king naamoy. Nang makalapit na ito sa'min ay agad akong kumuha ng slice para kainin dahil talagang kanina pa ko naglalaway sa cheesecake na 'to!
Mapatawa nalang ng mahina si Apollo, samantalang si Ate Qwerty ay napangiti na lamang sa akin ng makita nitong magana akong kumakain. Naupo si Apollo sa tabi ni Ate Qwerty at sabay itong kumain ng cheesecake. Narito pa't nilagyan ni Apollo ng isang slice ang platito ni Ate Qwerty. Ngumiti si Ate Qwerty kay Apollo't nagpasalamat ito. Masaya kaming kumain nang cheesecake na ginawa ni Apollo.
Hanggang sa sumapit ang kinagabihan ay kailangan nang umuwi ng dalawa. Subalit ipinagluto muna ako ng mga ito ng makakain. Kung sakali daw na magutom ako'y mayroon daw akong kakainin. Matapos kasi naming maubos ang cheesecake ay tinanong nila kung anong gusto kong dinner. Sinabi ko na kung pwede ay menudo. Napatawa pa si Apollo dahil naalala nito na nagpaturo daw si Querem rito kung paano magluto ng menudo noong nasa yate sila sa Batangas.
Agad namang binatukan ni Ate Qwerty si Apollo dahil sa sinabi nito. Agad namang napatahimik si Apollo dahil sa ginawa ni Ate Qwerty. Napanguso nalang si Apollo at napahimas sa batok nito. Matapos niyon ay tinanong naman nila ako kung anong gusto kong dessert. Sandali akong natigilan at nag-isip.
"I want mango grahams for dessert this dinner!" Saad ko sa kanila na may kasama pang pagpalakpak
Tumawa na lamang ang dalawa sa tinuran ko kaya naman nagpaalam muna si Apollo na bibili ng ingredients para sa mango grahams na nirequest ko. Samantalang si Ate Qwerty naman ay nag-umpisa nang magluto. Sa pagkakaalam ko'y masarap magluto si Ate Qwerty. Dahil minsan na akong nakatikim ng kanyang luto. Habang naghihiwa ito ng mga sangkap na gagamiti'y akmang tutulong ako ngunit agad niya kong sinaway.
"Acie, ako na dito. Doon ka nalang sa high stool panoorin mo na lang ako." Saad pa nito sa'kin na may kasama pang mahinang pagpalo sa aking kamay na may hawak na sibuyas
Ibinaba ko ito at nakangusong sinunod ang utos niya. Nang makaupo ako sa may island counter ay bigla nalang itong naglapag ng mga gummy bears. Natigilan ako sandali dahil may naalala ako ng makita ko ang mga gummy bears na nasa harapan ko. Subalit ipinilig ko ang ulo ko saka kumuha ng isa at kinain iyo. Na nasundan pa ng isa at isa pa at isa pa hanggang sa maubos ko ang laman ng platito.
Habang nagluluto si Ate Qwerty ay bigla ko na lamang nasagi ang basong pinaglalagyan ng pomelo juice ko. Nahulog ito sa sahig ta nagkabasag-basag. Pareho kaming gulat na napatingin sa piraso ng mga bubog sa sahig. Kinabahan ako ng sobra. May pamahiin na kapag nakabasag ka ng baso o ng kung ano mang gamit na babasagin ay may mangyayaring hindi maganda.
Agad akong kumilos para pulutin ang mga bubog na ito subalit hinila ako ni Ate Qwerty at siya ang naglinis nito. Nanginginig ang katawan ko lalung-lalo na ang mga kamay ko. Agad kinuha ni Ate Qwerty ang telepono niya't tinawagan ang kapatid. Sinagot nito iyon at bakas sa boses nito ang pagaalala.
"Hello Qwerty, why did you call? I'm in the middle of an important meeting. Did something happened?" Sabi nito noong sinagot ang tawag
"W-wala naman, I'm just checking you out if you're okay. I guess you're fine tho?" Sagot ni Ate Qwerty kay Querem
"Oh, is that so? I'm fine here don't worry. Take care Acie for me. I'd probably home late tonight!" Saad nito sa kabilang linya
"Okay, take care too, Rem. Drive safely okay?" Paalala pa ni Ate Qwerty
"Yes, thanks by the way." Saad nito bago ibinaba ang tawag
Matapos nito'y nanginginig ang mga kamay ni Ate Qwerty na ibinaba ang telepono upang tingnan. Bakas sa mata nito ang labis na takot at pagaalala. Maya-maya pa'y nanginginig nitong binalik sa tainga ang telepono na sa wari ko'y si Apollo naman ang tinawagan. Ilang segundo rin itong nag-intay bago sinagot ang tawag sa kabilang linya.
"H-hello Apollo?" Nagaalalang sambit nito
"O, Qwerty I'm on my way there. Nagdadrive kasi ako kaya di ko nasagot agad." Saad ni ng kausap
"Be careful, Apollo." Nagaalalang sabi ni Are Qwerty
"I will..." hindi na muli pang naituloy ni Apollo ang sasabihin dahil bigla na lamang pinagbabarip ang sasakyan nito kaya nawalan ito ng kontrol at sumalpok ito sa pinakamalapit na puno sa tabing kalsada.
"A-apollo? Apollo s-sumagot ka!" Nagaalalang sambit nito ng marinig ang nakakabinging putok ng mga baril at pagsalpok ng sasakyan sa isang bagay
"Qwe...rty, al-always rem...embe-r tha-t...I lo-ve yo...u" saad ni Apollo bago mamatay ang tawag
Doon na napaluha si Qwerty. Humarap ito sa'kin at nakita kong umaagos na ang mga luha nito. Napatayo ako ng wala sa oras sa high stool at napatakbo sa kanya.
"Ate a-anong nang-yari kay Apollo?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanya
"Hi-hindi ko a...lam, bigla nalang akong nakarinig ng mga putok ng baril at pagsalpok ng kotse." Humahagulgol nitong saad
Niyakap ko ito't inalo "Sige na ate, ako na ang bahala dito. Puntahan muna si Apollo." Saad ko rito matapos kong punasan ang mga luha nito
"Si-gurado ka ba? Ba-ka anong mangyari sa'yo kapag iniwan kita." Sabi nito sa'kin bago humiwalay sa yakap ko
"Ayos lang ako dito, Ate. Puntahan muna si Apollo. Kaya ko ang sarili ko. Huwag kang magalala." Paninigurado ko rito
Hinaplos ko ang pisngi niya't ngumiti. Para makuha niya ang nais kong iparating na magiging maayos lang ako dito sa bahay. Nang makumbinsi ko na siyang magiging maayos lang talaga ako'y agad rin itong nag-ayos. At nagpaalam sa'kin na hahanapin niya si Apollo. Sinabihan ko itong mag-ingat at hinatid ko pa ito sa labas ng gate. Nakasakay naman ito agad sa taxi na dumaan sa tapat ng bahay. Bago ito tuluyang sumakay sa taxi ay kumaway muna ako rito.
Nang nawala na sa paningin ko ang taxi na kinalalagyan ni Ate Qwerty ay pumasok na rin ako sa loob. Malamig na sa labas kaya agad rin akong naglakad patungo sa loob ng bahay. Nang maisara ko ang pintuan ng front door ay nagtungo ako sa kusina upang kumuha ng makakain. Hindi pa kasi ako nagugutom kaya napagpasyahan kong manood na lamang ng telebisyon sa sala. Naghagilap ako sa fridge ng kung anong maaring gawing snack.
Napangiti ako ng makakita ako ng frozen hotdogs, nuggets at fries. Kinuha ko ito't nilutong lahat. Mabuti na lamang at may olive oil pang stock. Habang nagpiprito ako'y iniisip ko kung ano bang masarap na dipping sauce ng mga ito. Nilinga-linga ko sa paligid ang paningin ko at mas lalong lumawak ang ngiti ko ng mamataan ko ang fish sauce at hot sauce.
Bigla akong natakam sa fish sauce at sa hot sauce na nakita kong nananahimik sa isang tabi ng kitchen. Kinuha ko ang dalawang ito at kumuha ako ng lagayan. Pag-alis ko sa takip ng fish sauce ay sumabog ang aroma nito sa magkabila kong ilong. Mas lalo akong naglaway sa naamoy ko. Isinunod ko naman ang hot sauce.
Nang mailagay ko na ang mga ito sa lagayan ay kumuha ako ng kutsara upang haluin ang mga ito. Nang makita kong nahalo ko na ito ng maayos ay isinawsaw ko ang daliri ko rito. Inilagay ko ito sa loob ng bibig ko't nilasahan. Napangiti ako ng malasahan kong masarap ito. Hindi ko inaasahang masarap palang pagsamahin ang dalawang ito?
Matapos nito'y binalikan ko na ang niluluto ko. Matapos ang ilang minutong pag-iintay ay sa wakas at luto na ang mga ito. Pakanta-kanta pa akong nagtungo sa sala't masayang inilapag ito sa center table. Prenteng-prente akong naupo sa sofa habang nakataas ang mga paa ko sa center table. Kinuha ko ang remote ng tv at binuhay ito.
Agad ko namang kinuha ang mga niluto kong pagkain at nilagay ito sa aking mga hita. Nang makahanap ako ng magandang palabas ay nilagay ko na ang remote sa tabi ko't inumpisahan ko nang kumain. Napapikit pa 'ko sa unang pagkakataong lumapat ang hotdog sa bibig ko. Hindi ko maiwasang ngumuya habang nakangiti dahil ang sarap pala ng ganitong dipping sauce! Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng bumukas ang pinto at niluwa niyon si Querem.
Niluwagan nito ang kurbata sa leeg at hinubad ang suot nitong coat. Bago inilagay sa single sofa. Lumakad ito patungo sa'kin at akmang hahalik ng iiwas ko ang mukha ko.
"Ano ba, nakitang nanonood yung tao, e! Harang ka naman ng harang!" Masungit sa angil ko sa kanya
Napabuntong hininga na lang ito at akmang uupo sa tabi ko'y sinigawan ko ito.
"Ano ba? Huwag ka ngang tumabi sa'kin. Ayokong mahawa ng germs na galing sa kabit!" Gigil na sabi ko bago ko ito tinapunan ng masamang tingin
"Fuck! What's your problem? Can't you see I'm tired from work then you treat me here as a trash?!" Sigaw nito sa'kin bago ako hinawakan sa braso. Sa higpit niyo'y para akong mababalian ng buto. Pati mga kuko nito'y bumabaon na sa balat ko
Imbes na ipakita ko ang takot mas nanaig sa'kin ang galit kaya naman sinigawan ko rin ito na siyang kinagulantang nito. "Bakit naisip mo ba ako noong nakipagkita ka sa kabit mo at masaya kayong kumakain sa isang restaurant? Sa tingin mo ba hindi ako nasaktan? Tangina mo, Querem! Hindi mo alam kung ano nararamdaman ko kaya huwag kang umastang santo! Kung patuloy kang magiging ganyan baka magising nalang ako isang araw na hindi na kita mahal!" Sigaw ko rito pabalik habang may diin kong sambit ang huling mga salita bago ko ito tinulak kaya naman napaatras ito't napatulala sa'kin
Umakyat na 'ko sa kwarto. Nawalan na 'ko ng ganang kumain at manood. Dumating na ang manlolokong feeling santo, e! Ngayon ko lang narealize na sa mga pinaggagagawa niya'y hindi malabo na isang araw iwan ko na lang siya. Nagsasawa na 'ko sa ugali niya.
Nagtungo ako sa banyo at nagbabad sa bathtub. Nilahyan ko ito ng mga bubbles para kumalma ako. Kailangan kong kumalma dahil kanina habang umaakyat ako'y naramdaman kong sumasakit ang tiyan ko. Kinausap ko na lamang ang aking anak at humingi ako ng tawad dahil narinig niyang nag-away kami ng daddy niya. Nagmulat ako ng mata at napatingin sa labas. Glass wall ang pader ng aming banyo.
Hindi ka kita mula sa labas subalit kita mo sa loob ang mga nangyayari sa labas. Napatingin ako sa maliwanag na buwan at mga bituin sa kalangitan. Itinaas ko ang kanang kamay ko na tila inaabot ang mga ito. Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon bago ko ibinaba ang kamay ko't ngumiti. Kalma na ang buong sistema ko. Ilang minuto pa'y umahon na'ko sa bathtub at nagshower gamit ang maligamgam na tubig.
Nang kukuhanin ko na ang robe at towel ko'y kamuntikan na akong madulas! Hindi ko napansin na may natira pa palang pinagsabunan sa sahig. Mabuti na lamang at napahawak ako sa towel rack kaya naman hindi ako tuluyang nadulas. Napabuntong hininga ako dahil hindi ko inaasahan na ganoon ang mangyayari. Mas mabuti nang magdoble ingat ako ngaton dahil buntis ako't maselan ang pagbubuntis ko.
Nang makalabas ako ng banyo'y pumasok ako sa walk in closet ko. Naghanap ako ng damit na maaari kong isuot. Nang makahanap ako'y kinuha ko na ito't lumabas na ng closet. Suot ko ang isang maluwang na t-shirt at isang kulay baby blue na panjama. Tinuyo ko ang buhok ko gamit ang blower at humilata sa kama't kinuha ang isa sa mga gusto kong libro't binasa ito.
Naiwan sa sala si Querem na tulala. Hindi niya inaasahan na ganoon ang iaasal ng asawa niya. Nakaramdam siya ng matinding takot ng ituran nitong iiwan siya nito. Napaupo ito sa sahig dahil sa panginginig ng kanyang tuhod. Tila nawalan siya ng lakas dahil paulit-ulit na nagpeplay sa utak niya ang sinabi ng asawa. Mas natatakot siya sa na baka hindi na sila magkasundo pang muli ng asawa niya.
Marahas na napasapo ang magkabila niyang mukha ang dalawang kamay. Sinabunutan niya ang sarili dahil sa pagkainis sa sarili. Hindi niya sinasadyang mangyari 'yong kanina. Nadala lang siya ng galit dahil nasanay siya na sinasalubong siya ng asawa kapag umuuwi ito. Nanibago siya sa araw na ito.
Magmula kasi noong naospital ito't minura siya at pinalabas ng silid ay doon na siya nag-umpisang mangamba at magalala na baka isang araw magising na lamang siyang wala na ito sa tabi niya. Inaamin niya na nasanau siyang nasa tabi niya lagi ang asawa kahit pa nasasaktan niya ito. Subalit sa itinatakbo ng mga pangyayari'y mukhang nag-uumpisa na itong lumaban pabalik. Na hindi niya masisisi dahil maiksi ang pasensya niya sa bagay-bagay pero noong nakilala't naging asawa niya si Acie ay may ilang katangian na akong nabago sa sarili ko. Napansin iyon sa opisina't lalung-lalo na ni Apollo.
Hindi maiwasang mag-alala ni Querem sa huling binitawang mga salita ng asawang si Acie. Hindi siya sanay ng wala ito sa tabi nito. Hindi siya sanay na hindi siya nito inaasikaso. Hindi siya sanay na hindi siya pinapansin nito. Hindi siya sanay na walang nagaalala't naghihintay sa kanya gabi-gabi kapag ginagabi siya ng uwi galing opisina.
Ang mga litratong 'yon. Hindi ko alam kung paano nagkaroon niyon si Acie. Hindi ko siya niloloko. Nakipagkita ako kay Amie para sabihing nakamove on na 'ko sa kanya. Na nagugustuhan ko na si Acie dahil hindi naman ito mahirap mahalin.
Kaya naman kami masaya noong araw na 'yon ay dahil nalaman kong buntis pala si Amie. Hindi ko na ipinaalam kay Acie na makikipagkita ako rito. Dahil alam kong mag-aaway lang kami't masasaktan ko lang siya. Alam kong mali 'yong ginawa ko dahil asawa ko siya't karapatan niyang malaman ang lahat. Subalit mas gugustuhin kong ayusin muna ang gusot na mayroon ako bago ko ayusin ang mayroon kami ni Acie.
Kahit na nanghihina't nanlalambot ang katawan ni Querem ay umakyat pa rin ito patungo sa kanilang kwarto. Nawalan siya ng ganang kumain. Nagkaroon ng maliit na selebrasyon sa opisina dahil sa isang malaking investor na naisara nilang deal. Alak lang ang ininom niya roon at hindi ito kumain ng anuman. Nakauwi siya ng bahay na amoy alak.
Aniya'y mas masarap kumain sa bahay kung ang nagluto't naghanda ay ang asawa. Sabi nito sa mga tao sa opisina. Na ikinahiyaw at kantiyaw ng mga ito. Nang makapasok siya sa kwarto nila'y nakita niya ang asawang nakasandal sa headboard ng kama't may hawak na libro. Nilapitan niya ito't kinuha ang librong nasa mga kamay nito at nilagay niya 'yon sa ibabaw ng bedside table sa tabi ng lamp shade.
Inayos niya ang pagkakahiga nito. Matapos niyon ay agad siyang pumasok sa banyo upang magshower dahil baka mas lalong magalit sa kanya ang asawa kapag naamoy siyang amoy alak. Matapos niyang magshower ay naglakad siya patungong walk in closet. Nang makapasok siya roon ay napansin niya ang ilang litratong nagkalat sa sahig. Nilapitan niya ang mga ito't kinuha.
Muling bumaha ng kaba sa kanyang dibdib ng makitang litrato ito nila ni Amie sa isang parke. Hindi kaya nakita ito ng asawa niya't naging ganoon na lang ang galit nito sa kanya? Kinuha ang mga iyon at ang ilan pang nakalagay sa isang drawer ng kanyang walk in closet. Kinuha niya ang isang stainless na trash bin at kumuha ng posporo. Inilagay niya roon ang lahat ng memorabilia na mayroon sila ni Amie.
Gamit ang posporo'y sinunog niya ang mga ito. Panahon na upang umalis sa nakaraan. Pinanood ni Querem na maging abo ang mga ito. Nang tuluyang matupok ang maliit na apoy na iyon ay nagbihis na siya. Lumabas siyang tanging blue boxer shorts lamang ang suot.
Maingat siyang umakyat sa kabilang bahagi ng kama. Ganoon pa rin ang posiston ng asawa niya. Ni hindi manlang ito gumalaw mula ng umalis siya kanina. Naririnig niya ang mahinang paghilik nito. Napangiti siya't iniyakap nito ang isang braso sa baywang nito.
Napadako ang tingin niya sa tiyan nitong hindi pa ganoong kahalata ng umbok. Hinaplos niya 'yon at kinausap. Nilapit pa niya ang kanyang tainga rito.
"Hello little human, I'm sorry if you heard me and mommy fighting. It's just that I'm tired from work. I have tons and tons of papers that I need to signed and read. I'm glad that I'm your father. Tho our relationship is not always stable, I promised that I'll do my best to keep you two in my life...forever." nakangiting sambit ni Querem bago hinalikan ang tiyan ng asawa
Kinumutan niya ito at niyakap niya ang asawa. Iniunan pa niya ito sa kanyang dibdib. Ilang saglit pa'y iniyakap ni Acie ang isang braso nito rito at idinantay ang isang binti. Naestatawa naman si Querem dahil ramdam nito na ang binti ng asawa'y nasa kanyang pagkalalaki. Ilang beses siyang napalunok at pilit iwinawaksi sa isip ang init na nadarama.
Nasa state of shock pa rin si Querem ng magsalita si Acie.
"Hmm...I...love...you...Rem ashfjfkgldka" saad nito bago ito mas sumiksik sa dibdib ng asawa
Napangiti si Querem sa narinig mula sa asawa. Hinalikan niya ang noo nito.
"I love you, Acie" saad nito bago tuluyang ipinikit ang mata't tuluyang nagpadala sa antok
THIRD PERSON'S POVKasarapan ng tulog nila Acie at Querem ng bigla na lamang managinip si Querem. Ang panaginip nito'y nasa bahay nila. Sa sala mismo. Nakahilera roon ang mga gamit ni Acie. Nakaharap sa kanya si Acie at walang anumang emosyong mababakas rito.Nakatingin lamang ito sa kanya nag blangko. Wala na 'yong dating may ngiti at labis na sayang nagniningning sa mga mata nito. Nakaharap ito sa kanya habang may sinasabi ito."Maghiwalay na tayo. Hindi ko na kayang makasama ka pa! Kung patuloy akong mananatili sa tabi mo'y patuloy lamang akong masasaktan. Ang tanga ko lang dahil nagpakasal ako sa isang katulad mo. Kahit bali-baliktarin man ang mundo ang manloloko'y mananatiling manloloko! Wala ka nang pag-asa, Querem. Now that I've gained my consciousness I realized tha
QWERTY'S POVNoong nabasag 'yong basong natabig ni Acie sinalakay ako ng labis na kaba. Nanginig ang aking mga kalamnan. Nagsimulang tumulo ang aking mga luha. Nakaramdam ako nang takot na hindi ko naramdaman sa buong buhay ko. Sinimulan kong tawagan ang kakambal ko.Nanginginig kong dinala sa aking tainga ang aking telepono. Matapos ang ilang sandali'y sinagot nito 'yon. Narinig ko pa sa background nito ang tila nagpepresenta."Hello Qwerty, why did you call? I'm in the middle of an important meeting. Did something happened?" Sabi nito noong sinagot ang tawag"W-wala naman, I'm just checking you out if you're okay. I guess you're fine tho?" Sagot ko"Oh, is that so? I'm fine here don't worry. Take care Acie for me. I'd probably home late tonight!"
QWERTY'S POVMabilis na sumagot ang nasa kabilang linya. Alam kong si Skye 'yon dahil siya lang naman ang nakatoka sa data base ng CDAL! Taon na rin ang lumipas at ito ang unang pagkakataong hihingi ako ng tulong sa mga taong dati kong kasama sa dati kong trabaho. Yes, I'm one of the assassins that loitering in such place. Only few can know who really I am! Not even my parents know my before job.Ang alam nila'y kaya dumami at nagkaroon ako ng sariling pera'y galing sa pera nila. No, definitely not. Galing ito sa mga missions na na-aaccomplished ko. At the age of 15 or 16, I can live all by myself. Dahil kumikita na ako ng million sa ilang missions lang na natatapos ko.Narecruit ako ni Zeus noong 14 years old pa lang ako. Nagpunta siya sa isang taekwando competition noon. At nakita niya kung paano ako makipaglaban. Noong natapos ang awarding at nakahanap siya ng tyempo'y nilapitan niya ko. Binigyan niya '
ACIE'S POVNasilaw ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko sa pagitan ng mga kurtina na nagmumula sa labas ng bintana. Iminulat ko ang mga mata ko at napagawi agad ang aking tingin sa alarm clock na nasa bedside table. Ganoon na lamang ang pagrehistro ng gulat sa'king mata nang makita kong alas nuebe na ng umaga. Dali-dali akong tumayo at nagtungo sa banyo para magsipilyo at naghilamos. Sinabay ko na rin ang pagiipit ng buhok.Matapos nito'y dali-dali akong bumaba ng hagdan at iningatan kong huwag madapa dahil sa huling pagbaba ko nagpagulung-gulong ako't namaga ang braso. Kaya naman ingat na ingat ako lalo na't buntis ako. Nang makababa ako'y agad akong nagtungo sa kusina subalit napatigil ako mula sa entrada nito. Paano kasi'y nagkalat ang mga kagamitan pangluluto. Mayroon sa lababo, sa kitchen counter pati na rin sa sahig.Nagkalat rin ang iba't ibang ingredients para sa agahan. May mga hotdogs na
ACIE'S POVMatapos naming mag-agahan ay agad naman akong nag-ayos para sa aming date. Hindi ko maiwasang kiligin sa isiping inaya niya akong makipagdate sa kanya. Hindi ko alam kung anong naisip ni Querem at inaya niya ako. Alam ko namang ayaw na ayaw nito sa matataong lugar. Lalo na ang mall.Noon kasi'y nagpaalam ako rito na pupunta lang ako sa mall dahil may bibilhin lang sana ako. Nagalit lamang ito sa'kin. Bakit ako pa raw ang kailangang pumunta, e pwede ko naman daw itong ipakisuyo. Kanino ko naman ipapakisuyo, e dalawa lang naman kami dito sa bahay. Hindi nalang ako umimik noon dahil alam kong kapag uminit ang ulo niya'y pag-aawayan na naman namin 'yon.Matapos kong maligo'y pumasok ako sa walk in closet namin ni Querem. Kamuntikan pa 'kong madapa dahil sa maliit na trash bin na nakaharang sa daan. Tiningnan ko 'yon at napansin kong may mga sunog na papel rito. Napakunot na lang ang noo ko sa nakita
ACIE'S POVDumating na yung mga pinamili naming gamit kahapon. Mabuti na lamang at linggo ngayon at walang pasok si Querem. Kaya naman hindi ako nahirapang ipasok ang mga gamit na 'yon. Tinitingnan ko lang naman si Querem na ipasok ang mga 'yon. Gusto ko sanang tumulong kaso noong susubukan kong buhatin ang isang magaan na box ay tinampal nito ang kamay ko.Aniya pa'y baka daw mapano pa 'ko kaya naman minanduhan na naman ako nito na maupo sa sofa at panoorin na lamang itong magbuhat ng mga dineliver na gamit galing sa department store ng mall na binilhan namin noong isang araw. Kaya naman nakanguso akong bumalik sa kinauupuan ko kanina at tahimik na umupo roon. Para akong tangang pabagu-bago nang pwesto sa pag-upo. Hindi ako sanay nang walang ginagawa. Pero anong magagawa ko buntis ako at kaunting pagkakamali lamang ay maaaring mawala sa'min ang aming anak.Kaya naman kahit na napipilitan ay sinunod ko pa
Warning: Matured contents ahead. Read your own risk.THIRD PERSON'S POVNang makalabas si Querem nang kwarto ni Acie ay agad itong napabuntong hininga. Akala mo'y hinahabol nang kabayo ang kanyang dibdib noong nginitian siya ng asawa. Para siyang bulateng inasinan. Kung hindi pa may dumaang nurse ay hindi ito titigil sa kakasayaw na akala mo'y siya lang ang tao roon. Agad namang bumalik sa pagiging poker face nito at napasapo sa mukha noong maalala niya ang request ng asawa.Hindi season ng avocado ngayon. Napasapo siya sa mukha na tila problemado dahil hindi niya alam ang itsura ng atsara! Tska isa pa naisip niya kung nakakain ba 'yon? Tska anong gagawin nito sa calamansi? Tapos pinaghahanap pa siya ng lemon na tig-kalahati ang kulay.May nag-eexist ba na lemon na kalahating dilaw at kalahating berde? Ang hirap naman! Wala sa sariling napasabunot si Querem sa sar
ACIE'S POVAt nang sinabi kong all day ay hindi talaga ako tinantanan ni Querem. Hindi ko na namalayan kung naka-ilan kami dahil sa sobrang pagod ko'y dinapuan na ako ng labis na antok kahit na pinaghahalik-halikan ako ni Querem ay tinulugan ko na 'to. Knowing him he's insatiable! Malakas ang stamina ni Querem pagdating sa sex. Kung hindi ko pa sinabing inaantok na talaga ako'y hihirit na naman ito ng isa pa.Talagang pinanindigan nito nang sinabi kong buong araw. May sinabi pa ito na hindi ko naman na naintindihan dahil hinihila na talaga ako ng antok. The usual I woke up early in the morning. And this time I woke up with morning sickness. I hurriedly go to the bathroom.I sat on the cold tiled flooring and vomit until I have no food to throw at all. I feel so weak and unable to walk. My knees are getting weak also. I was in the sink and staring in my reflection when Querem's entered and his eyes wa
Maraming maraming salamat po sa lahat nang sumuporta sa IMTW!!! Maraming salamat po sa matiyagang pag-iintay nang bawat updates. Ang story po ni Qwerty Dane Tuazon ay on going pa po kaya naman matatagalan pa po bago ko ito maipublished dito.Napakasarap sa pakiramdam na matapos kong muli sa panglwang pagkakataon ang story nila Querem. Kakaibang rollercoaster ride ang nangyari. nagpaiyak, nagpatawa, nagpasaya at marahil nakapagpakilig. Nagtapos man ang kwento nilang dalawa subalit hindi nangangahulugan na mabubura na lang din sila sa alaala.Marami itong iniwan na mga aral na maaaring makapagpabago nang 'yong pananaw sa buhay. Stay safe everyone...sit back and relax marami pang parating na storya...Salamat po sa pagsuporta... hanggang sa muli...-Moonlight_Zero
QWERTY'S POV19.8968° N, 155.5828° WSomewhere in HawaiiKita sa mga ulap ang nagbabadyang buhos ng napakabigat na ulan. Tila ba anumang oras ay nakahanda na itong kumawala. Bagama't nagbabadya ang ulan ay mababakas pa rin ang ganda't malakas na hangin na nagmumula sa dagat Pasipiko. Ang tahimik na cliff ay sandaling mababalutan pala ng kahindik-hindik na tanawin.Nagising ako na tila kakaiba ang pakiramdam. Akmang hahawakan ko ang parte ng batok ko ng mapagtanto kong nakagapos ako sa isang upuan. Nasilaw pa 'ko noong makita ko ng bumbilyang halos nasa gitna nitong kwartong kinalalagyan ko. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay at paa ko subalit hindi ko ito maigalaw dahil sa higpit ng pagkakatali ng mga ito. La
QUEREM'S POVLife is like a coffee... full of bitterness without sugarIt's like a book without covers on it. No one can shield you in such timesIt's like a boat with a hole on both sides that makes you sink in any momentIt's like an umbrella with lots of holes in it, you'll be soak in wet and might got fever.It's like a rotten food that make you sickA deep ocean that makes you drown...In short I can't live without her by my side. She's mean everything to me! The moment I saw her wayback grade school, she's stunning! I really love the way she smiled and laugh.
ACIE'S POVIlang taon na ba? Almost 20 years na rin mula noong maging kumpleto ang pinapangarap kong pamilya. I have this lovingful, caring, handsome and overacting husband. And of course I have 4 lovingful, sweet, kind and caring children.My eldest Eiffel Raine, is now in grade 11. Looks like he's gaining same popularity like his father wayback when we're still studying. He's making name in the showbiz industry under the name of Eiffel Madrigal. Since then that he's being model some clothing line many agencies hooked by his looks and offered contracts.But, then we choose Ms. Breihanna Heather Victoria-Valiente. Wife of Dr. Desmond Valiente, a family friend. Since then his named became an atomic bomb. Always appeared in different magazines, tabloids, broadsheets and
MEIGE'S POVAfter the incident in Mt. Makiling, Ricana and bad breathe friends got one month suspension plus 150 hours community service. Galit na galit si Mrs. Suarez noong nalaman nitong binubully pala ang unica hija niya.Kinagabihan din 'yon ko lang nakita si Zenith na ganoong kaalala. Pinatawag ng adviser namin sila Ricana and the chicken heads. Nagalit ang adviser namin noong malaman niyang ganoon ang ginawa nila rito. Hindi makapaniwala ang guro sa narinig mula kay Elara.Kung hindi lang ako talaga tinuruan ng magandang asal binalibag ko na sa pinakamalapit na puno ang tatlong 'yan! Sarap tanggalan ng anit eh. Ay, hindi ano na lang pala tatanggalan ko na lang ng pilikmata't kilay gamit yung dalawang pisong pinagpatong! Gigil nila ko, e!
ZENITH'S POVThird child of Mr. And Mrs. Querem Zanderick Tuazon. Zenith Bulan Alquous M. Tuazon. Currently in 7th grade and now, I'm stuck with this ugly seatmate named Elara Cialle Suarez. She's not that ugly tho.Actually she's pretty. Ayun nga lang kasi ang kapal ng salamin niya tapos bilog pa. Then may karamihan din ang pimples niya sa mukha. Lagi siyang binubully ng kaklase naming si Sneak. Akala mo naman gwapo mukha namang iguana laki pa ng mata!She's my classmate since pre school. And no one wants to be friend with her. I dunno why but, she seems kind and have a big heart. I always see her eating alone. Since pre school I don't have the courage to stand in front of her. I always pretend that I doesn't care at all but, I always find myself lending her a h
PARIS' POVAside for being the EIC of the current school publication and one of the anchors of broadcasting team, one of my current hobby is drag racing. Mommy and Dada is against with it because it's too dangerous. I know it is but it makes me happy when I drive.Later on, they agreed with my hobby and immediately enrolled me to undergo training. Even Eiffel is a famous drag racer. We both compete through local and international. Before we drive go carts. At noong kaya na namin magdrive ng kotse nagdrive na kami gamit simulator.As usual I was here in our so called office to discuss some errands to do. The sports fest is coming and we need to discuss and plan everything. All of the staffs are here and we're in the middle of meeting someone knocks outside.I opened the door and my eyebrow raised and being in my most strict personality."What are you doing here, Kyros?"I ask him"Vi
EIFFEL'S POVI'm the eldest among the four children of Querem and Acie Tuazon. They've been married for almost 20 years. Paris and I we're both in our teens. She's currently the Editor-In-Chief of our school publication. Also one of the anchors of their broadcasting team. She's really indeed a talented same as me. At my age I've done some big projects both local and international takes.I had the looks of my father. Many says I'm his carbon copy. I had this very annoying classmate slash enemy. She's daughter of Dr. Desmond Valentine, her name was Dionne Xermia. Sounds explainable but, yeah it's her name. Her mom is my current manager in the industry.She's so annoying to the point that she's acting like a bodyguard and shooing all the people whose come near me. She's a
ACIE'S POVThis is the most awaited day!!! My gosh, hindi ko ineexpect na sa pangalawang pagkakataon ay ikakasal ako... Sa lalaking ni sa hinagap ko'y magiging kabiyak ko pala. Ang buong akala ko noo'y wala nang pag-asa. Na mamumuhay na lang ako sa sakit at sa pagdaramdam. Subalit napakabait ng tadhana at ibinigay nito sa'kin ang matagal ko nang hinihiling.Na ang akala ko lang noon ay ang bukod tanging paraan ay ang paglayo nang tuluyan. Sa loob ng halos walong taon ay may mga oras at panahong sumasagi sa isipan ko si Querem. Na kung ano na bang lagay niya o kung mabuti na ba siya. Kung may iba na bang napupusuan o baka masaya na sa sarili niyang buhay.Hindi naging madali ang lahat. Nasira ang samahan sa pagitan namin. Nawalan kami ng unang supling subalit sa panahon