I feel sad for Atisha. Ang sakit sa dibdib habang sinusulat ko ito.
***Portion of the past***Malakas ang buhos ng ulan, at mahigpit ang paghawak ni Rejane sa payong niya. Nagmamadali siyang pumunta sa bahay ni Atisha at Bernardo dahil sa natanggap niyang mensahe mula kay Ati.Pagbukas niya ng pinto, nagulat siya nang makita niya na maraming kalat sa loob ng bahay.Para bang wala ng nakatira.“Ati?” tawag niya.“Jane…”May boses na tumatawag sa kaniya mula kusina. Mahina lang iyon, pero alam niyang doon nanggaling.Pumunta siya ng kusina at agad siyang napasinghap nang makita niya si Atisha, maraming pasa sa mukha at nakagapos ang dalawang kamay. Hindi makaalis, at umiiyak.“Jane, tulungan mo ‘ko.”Ang lakas ng tibok ng puso ni Rejane at agad niya itong nilapitan. “Ati, anong nangyari sayo?”Niyakap niya si Atisha nang humagolgol ito. Putok ang labi, maraming sugat at halos hindi na makilala ang mukha sa pamamaga at pangingitim.“Sinaktan ako ni Bernardo, Jane. Sabi niya mal@ndi daw ako at hindi siya naniniwalang anak niya ang dinadala ko.”Biglang kin
***Present***“This can’t be happening.” Halos maiyak-iyak na si Nice sa kwarto niya.Aligaga at hindi na rin siya lumalabas ng bahay para puntahan si Loreen at guluhin dahilan kung bakit matiwasay ang araw ni Loreen ngayon.“Ako lang ang dapat anak ni dad. I got rid of Beth, hindi pwedeng may anak na lilitaw ulit. Hindi ako papayag.” Labis ang takot niya pagka’t batid niyang siya ay ampon kaya wala siyang laban sa totoong kadugo.Noon pa niya iniisip bakit ayaw ng dad niya kay Beth kung kadugo niya ito. Kahit pa sabihing nagtaksil ang asawa nitong si Atisha dapat mahalin pa rin nito si Beth. Now na nalaman niyang, iba pala ang ama ni Beth, naiintindihan na niya bakit mas pinapaboran pa siya ng daddy niya.Ngayon na lumitaw ang totoong anak nito, pakiramdam niya e lahat ng pagmamahal na nakukuha niya ay mawawala.Nang marinig niya ang boses ni Bernardo sa labas ng kwarto niya, nagmamadali siyang lumabas.“Dad!”Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan para salubungin ito. Niyakap niya ito a
Maaga pa lang ay nakahanda na si Leah. Excited siya pagka’t inaya siya ni Beth na sabay sila magbreakfast bago pumasok ng trabaho.“Anak, papasok ka na?” tanong ni Rejane sabay tingin sa orasan. Kakalabas lang niya ng kwarto niya nang makasalubong niya si Leah na bihis na bihis na. “Ang aga pa ah. Hindi pa ako nakapagprepare ng breakfast.”“No need na ma. Kina Beth ako mag-aalmusal ngayon.”“Beth?”“Yes ma. Inaya niya ako kagabi.”Naging seryoso ang mukha ni Rejane. “First name basis na kayo?”“Ah yes ma. Iyon kasi sabi niya. Ang bait niya diba ma?”Nag-alala ang mukha niya. “Anak, paano kaya kung bawas-bawasan mo ang pagsama sa kaniya.”Kumunot ang noo ni Leah, tila hindi nagustuhan ang narinig. Kung may ayaw man siya mangyari, yun ang paglayuin sila ni Beth.“Ma, ano na naman ba ito?”“I mean, hindi ba, naging ama niya si Bernardo? Paano kung mas lalong masira ang friendship niyo dahil sa biological dad mo?”“MA!” Umagang umaga pa lang, nasira na ang mood niya. “Hindi masisira ang fr
“Hubby, is this really necessary?” hindi na napigilan ni Beth magtanong dahil kanina pa siya hindi nilulubayan ni Lucio.Pagpasok nila kanina, hindi na ito umalis sa tabi nila ni Leah kaya si Leah e namumula ang pisngi pagka’t hindi niya nakakayanan ang mga act of service ni Lucio kay Beth.“Why? Ayaw mo na ba sa akin?” ngumuso si Lucio, pinapakitang kawawa siya.Huminga ng malalim si Beth at tumingin sa harapan. “Pakiramdam ko ay para akong bata.”“Yeah because you are my baby. Say ahhh.” Tapos may kutsara ng may lamang pagkain ang nasa harapan niya.Sinusubuan siya ni Lucio. Tinalo pa niya ang PWD at kung tratuhin siya ng asawa niya ay para bang wala siyang kamay.“Hubby, nakakahiya kay Leah.” Bulong niya kasi siya ang nahihiya na sobra silang PDA ngayon.Tumingin si Lucio kay Leah na hindi magets ang hiyang nararamdaman ni Beth. “Leah, ayos lang ba sayong subuan ko ang misis ko?”Si Leah na pahigop pa lang ng kape e naubo. ‘Bakit pa nila ako tinanong?’“Leah, are you okay?” lalapita
Hindi alam ni Leah kung anong dahilan at pinatawag siya sa opisina ni Aidan.‘May nagawa ba akong hindi maganda? Dahil sa absent ko?” nag-ooverthink na siya.Pagpasok niya sa loob, naabutan niya itong may ginagawa, may mga pinipirmahang mga tambak na dokumento sa kaniyang table.“Leah, have a seat.”Ibinaba ni Aidan ang eye glasses niya at pagkatapos ay nilagay ang mamahalin niyang ballpen sa lagayan. Napalunok si Leah at kinakabahan.“How’s Beth?”Napakurap-kurap siya. “Po?”Nagtataka siya. Bakit tinatanong ni sir si Beth? ‘Don’t tell me-'Sumimangot si Aidan. “Don’t get the wrong idea at nautusan lang ako ng isang lalaking makapal ang mukha.”On the other side of the world, napabahing si Lucio habang nasa gitna siya ng meeting at napakamot sa ilong.“Sir, are you okay?” tanong ni Regar sa tabi.“Yeah I am okay…”Tumikhim si Leah. “Wala naman po akong sinasabi sir.”“It’s written over your face.”Ngumuso siya.‘Ang swerte ni Beth pero deserve niya ito lahat sa kabila ng naranasan niya
"Wife, are you okay?" ang tanong ni Lucio kay Beth matapos nilang makalayo kay Leah. Alam niyang nakatingin si Beth sa side mirror kung saan pinapanood nito si Leah na kausap si Bernardo.They've seen him, pero pinili nilang balewalain ito para lang respeto kay Leah."Yes hubby." Sagot ni Beth kahit matutunugan ang lungkot."Are you still yearning for his affection?"Hindi agad nakasagot si Beth.May minsan na napapaisip siya, paano kaya kung minahal rin siya ni Bernardo?"Konti na lang, mawawalan na rin ako ng pakialam sa kaniya."Napatitig nalang si Lucio sa harapan. Sa sagot na iyon, alam niyang malungkot pa rin ang asawa niya at hindi pa rin ito tuluyang nakawala kay Bernardo.Hinawakan niya ang kamay ni Beth kaya napatingin ito sa kaniya."Why not you call me dad and I will spoil you with lots of love?""What?" natawa si Beth. "Silly. You can't be my husband and dad at the same time. It feels so weird."Ngumuso si Lucio. "Then why not you practice na lang to call me dad para sa fu
Unang beses nila itong may hindi pagkakaunawaan na hindi agad naayos. Nakatagilid ng higa si Beth, nakatalikod kay Lucio.Masiyado siyang nainis sa usapan nila kanina. Kahit nagsorry na ito, hindi pa rin niya ito kayang harapin.Unconsciously, napahawak siya sa tiyan niya. Natatakot siyang baka nga ay buntis na siya.'Please, huwag muna...' ang sinasabi niya, kanina pa. Gusto niyang sisihin ang sarili niya na hindi siya nagdoble ingat.Naramdaman niyang hinawakan ni Lucio ang braso niya, tila hinahaplos ito ng may pag-iingat. Pumikit siya ng mariin at ayaw niya itong tignan. "I'm sorry." Ilang sorry na niya yung narinig. "Please bati na tayo... Ayoko matulog na hindi tayo bati. Sorry, wife. I'm really sorry."Napilitan siyang humarap, nasa gilid ng mga mata ang mga luhang nagbabadyang tumulo. "Ayoko pa magkababy." Ang sabi niya, halos pumiyok ang boses niya. "Natatakot ako magkababy. Sabi ko kung ibigay, tatanggapin ko pero kanina, takot na takot ako. Ayoko pa."Lungkot ang dumaan
"Good morning," yun ang unang narinig ni Beth pagkagising niya.Nanlaki ang mata niya nang makita niya ang dad niya. "Dad?"Agad siyang bumangon. "Anong oras ka nakarating. Why are you here?"Ngumuso si Manzo. "Bawal ba dalawin ang anak ko?""No but I'm surprised kasi hindi ka nagpasabi na dadalawin mo ko ngayon."Ngumiti si Manzo at hinaIikan ang noo niya. "Daddy made you something. Come."Hinawakan ni Manzo ang kamay niya kaya tumayo siya. Agad niyang isinabit ang kamay niya sa siko ng daddy niya at ngumiti.Tapos nakita niya si Lucio na hubad ang pang itaas, tanging apron lang ang suot at nakasilip ang kalahati ng katawan mula sa pinto."Good morning, my beautiful wife."Ngumuso si Beth at namula. "Good morning, hubby. Bakit ganyan suot mo?""Tinuruan ako ni dad ng recipe niya sa paggawa ng hot chocolate. He made our breakfast tapos ako assistant niya."Natuwa si Beth sa narinig niya na nagbonding ang asawa niya at daddy niya."Daddy, what do you think of my husband?" she asked. "Ma
Hindi inakala ni Loreen na mararanasan niya ito lahat. Wala sa isipan niya dati na aabot siya sa puntong ipagsisigawan nalang niya na sana ay tapusin na ang buhay niya.The pain is draining her. Sa sobrang sakit, pakiramdam niya ay impyerno ang napuntahan niya.Sobra siyang napakampante na hindi mabubunyag ang tungkol kay Rainah.Ngayon, she’s paying the price.Habang nasa loob siya ng kwarto, may lalaking pumasok at inabutan siya ng tubig.“Please, t-tulungan mo ‘ko.” Pagmamakaawa niya. “K-Kahit magkano, magbabayad ako. Triple pa ang bayad ko sa sahod niya sayo.”Tumingin sa kaniya yung lalaki pagkatapos ay napailing.“Bakit ko naman tutulungan ang isang criminal na kagaya mo?”Sunod-sunod na tumulo ang luha niya. Gusto pa niyang mabuhay.“Please… Hindi ko sinasadya ang nangyari kay Rainah. Maawa naman kayo sa akin oh.”“Mali ka ng binangga.” Sabi no’ng lalaki sa kaniya. “Hindi mo dapat pinakialaman si Ms. Rainah.”“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Kamuntikan na niya akong pinatay.
A week after…No sign of Loreen, no sign of Nice… as if they both are gone.Sa pagkawala ni Loreen, naging sanhi iyon para bumagsak ang katawan ni Sr. Floreza.Nag-aalala si Beth habang nakatingin dito na nakaratay sa kama. Mag-iisang linggo na itong may sakit dahil sa stress at pag-aalala kay Loreen.Pansamantala muna siyang bantay dito dahil marami pang inasikaso si Lucio lalo’t kaliwa’t kanan ang negosyo na inaatupag niya ngayon.Napatayo siya nang makitang nagmulat ng mata ang senior.“D-Dad,” agad niya itong nilapitan.Tumingin ang senior sa kaniya. “Is there no sign of my daughter?”“Wala pa, dad.”Makikita ang pagdaan ng lungkot sa mukha ng senior. Hindi na niya alam saan niya hahanapin ang anak niya.Kita sa CCTV footage ang ginawang krimen ni Loreen at Nice at kita rin ang pagtakbo ni Loreen palabas.Pero kahit anong hanap nila dito, wala na silang makitang bakas nito.“I’m sorry. I know it’s been hard for you.” Sabi ng senior kay Beth. “But I cannot help it. She’s still my da
Tumulo ang luha ni Leah.Dahil likod, braso at hita ang nasaksak ni Nice kanina, nagkaroon pa siya ng oras para harapin ito.Pero hindi ibig sabihin no’n na hindi na siya nanghihina.Nanlalabo na ang paningin niya. At hindi niya mapigilang hindi umiyak dahil alam niyang hindi niya na maipagtatanggol ang kapatid niya.Nagtataka siya bakit nakalagpas sila Nice sa security. She wondered anong nangyari sa labas. “Stop hoping for back-up. Patay na lahat ng iniwan ni Lucio sa labas.” Sabi ni Loreen. Tinulak siya ni Nice kaya nakawala ito sa harapan niya.Tumingin siya kay Loreen kung saan nakatutok pa rin ang baril sa kaniya.“Ako nalang ang patayin mo, huwag na ang kapatid ko.” Pagmamakaawa niya.Tumawa si Loreen.“Ikaw at si Beth, malaki ang ginawa niyong kasalanan sa pamilya namin. That wench ruined my family. Lucio crushed Joliever’s leg because of her at IKAW! ANONG KARAPATAN MO PARA SIRAIN ANG PANGALAN NG PAMANGKIN KO? YOU PUT OUR FAMILY NAME IN SHAME!”“Kill that b*tch Loreen!” Sab
Pagkapasok ni Leah sa loob ng kwarto ni Beth, nakita niya itong nagpapahinga sa kama pero gising.“Leah?” gulat na gulat ito at hindi makapaniwala na nakita siya nito.Agad siyang tumakbo at niyakap ang kapatid. “I’m sorry.” Unang sinabi niya.“Huh? Pero bakit ka humihingi ng sorry? Wala ka namang mali na ginawa.”“Sa video. Alam kong napanood mo na yun.”Huminga ng malalim si Beth. “Iyon ba ang dahilan kung bakit umiyak ka noon?”Tumingin siya sa sahig, nahihiyang salubungin ang mga mata ni Beth.“Isa yun sa dahilan. Matapos kong malaman na ama ko si Bernardo, nagpatong-patong yung guilt ko. Ayoko kasi masira ang friendship natin kaya natakot ako.”“Well, hindi ko sasabihing hindi ako nasaktan kasi umiyak ako nong nakita ko yung video na yun noon. Pero kung titignan, naging eye-opener ko yun noon para humiwalay ako sa kaniya.”Nag-angat siya muli ng tingin.“Bago pa yung video, alam ko na talagang nagloloko si Joliever sa akin, wala lang ebidensya. Kaya kahit ilang ulit na akong nasak
Marami ang nagulat sa nangyari lalo na iyong mga taong humusga noon kay Beth. Sa caption ng video, ibinunyag na kaya naghiwalay si Joliever at Beth ay dahil unang nagloko si Joliever.Yung mga taong inakusahan na nagloko si Beth at biktima si Joliever, ay nakakaramdam na ng hiya ngayon.Hindi sila makapaniwala sa kanilang napanood.Kahit si Monique na siyang anonymous na nagpost no’ng video ay gulat na gulat pa rin.Tinanong niya si Leah kung sigurado ba ito sa gagawin, pero si Leah pa mismo ang nag-udyok sa kaniya na gawin iyon.Walang nagawa si Monique kun’di sundin ang pabor na hinihingi nito.Kaya kalat na sa social media ang nangyari at halos pagpyestahan na ng lahat ang mga Floreza.Kung nakarating iyon sa ibang tao, nakarating rin iyon kay Sr. Floreza.Because of this, he came up a decision na alam niyang hindi papaboran ni Roviech.He will send Joliever abroad, at hindi niya ito pababalikin ng bansa hangga’t nabubuhay pa siya. It’s his way of protecting him at huli na rin niyan
Napasinghap sina Loreen matapos buksan ni Lucio ang pinto.Sumigaw agad si Ashanelle at agad nilang nilapitan si Joliever na wala ng malay ngayon.Lucio just walk freely, like he did not do wrong.Nilapitan siya ni Lucinta. “Come, bukas ka na pumunta ng hospital. Hindi ka dapat makita ni Beth na ganito at baka matakot yun at mag-alala.”Nagpatianod si Lucio sa mama niya, walang pakialam sa masasamang tingin ng mga kapatid.Nang mawala sila, agad tumayo si Loreen.“Are you happy now dad?? Tignan mo ang apo mo!”Tumingin ang senior kay Joliever at para siyang kinakapos ng hininga sa kaniyang nakita.Dinala nila agad si Joliever sa hospital.Umiiyak si Ashanelle at Loreen habang si Roviech e nagpaiwan. Nang tumingin ito sa dad niya, agad niya itong kwinelyuhan.Umalma ang mga bodyguards pero tinaas ng senior ang kamay niya para pigilan sila.“Pinakita mo lang sa amin kung gaano ka kawalang kwentang ama!”Nalungkot ito pero hindi niya yun pinakita. Paano niya magawang mamili sa anak niya a
Lucio and Joliever are now inside the room. No one can open the door.Kaya hindi nila makita anong ginagawa ni Lucio kay Joliever para sumigaw ito nang sobrang lakas.Pigil pigil ni Roviech ang sarili. He’s powerless. He cannot help his son, na sumisigaw para humingi ng tulong sa kaniya. Kung tutulungan niya ito, takot siyang mawalan siya ng mana.“D-DAAAAAAAD!!!!” Nagmamadaling pumasok si Ashanelle at halos mahimatay siya nang marinig ang sigaw ng anak.“Roviech, our son!” lumuluhang sabi nito.Tumingin si Asha kay senior Floreza. Agad itong lumapit at hinawakan niya ang kamay nito. “Dad, have mercy… Please..”But Leo just stared at her blankly. “Muntik ng mamatay si Beth dahil sa ginawa ng anak mo.”“Why are you siding that woman? Joliever is your grandson!”“Beth is my son’s wife. I did help your son Ashanelle. Kung hindi ko kinausap si Lucio, baka kamatayan ang inabot ng anak mo!”“AAAAAAHHHHHH!!!” Napatingin sila muli sa kwarto nang sumigaw na naman si Joliever.“Dad please…. Pigi
Hindi alam ni Loreen bakit iba ang mood pag-uwi niya galing ng coffee shop.Aligaga ang lahat ng katulong at pakiramdam niya ay may hindi magandang nangyayari.“What happened?” tanong niya sa isang katulong na nakasalubong niya.“Ms. Loreen, may n-nangyari po kasi kay sir Joliever.”Nang marinig niya yun, nagmamadali siyang pumunta ng sala. Naabutan niya si Joliever na maraming pasa sa mukha.Agad nanlaki ang mata niya at nilapitan ito agad.“Hijo, what happened to your face?”Agad yumakap si Joliever sa kaniya, parang isang spoiled na batang napagalitan ng nakakatanda.“Get away from that bastard Loreen. Wala na yang ginawang tama kun’di ang suwayin akoat bigyan ng problema.” Sabi ni Roviech.“Kuya! Ano bang nangyayari sayo? He is your son. Kahit pa anong nagawa niyang mali, hindi mo dapat siya sinasaktan ng ganto.”Inakala niyang kapatid niya ang naglagay ng pasa sa mukha ni Joliever.“He got that from Floyen!”“What? Magsasampa tayo ng kaso! Sino siya para saktan ang pamangkin ko ng
Takot na takot si Beth sa sinabi ni Joliever. Parang hindi siya makapaniwala na nasasabi nito ngayon ang mga bagay na yun.“L-Let’s talk about it paglabas natin ng elevator.” Aniya at pinilit pa niyang ngumiti.“Kung ganoon, p-payag ka ng patayin natin yan?”Humarap si Beth sa front door para maiwasan niya ang mga mata ni Joliever. Hindi niya alam paano itago ang tunay na nararamdaman niya.“Y-Yeah…” Aniya sabay hawak sa tiyan niya.Niyapos siya ni Joliever ng yakap mula sa likuran at napatalon siya sa gulat.Hindi sinasadyang napalayo siya dito.Sumama ang mukha ni Joliever sa kaniya.“Why?”“N-Nagulat lang ako.”Tinitigan ni Joliever ng mabuti ang mukha niya. Pagkatapos ay umabante ito palapit sa kaniya. “You’re lying.”“H-Huh? W-What do you mean?” Beth tried to act like everything is fine.“Hindi mo ipapalaglag ang baby…”Hindi na alam ni Beth kung anong gagawin niya. Hindi niya kayang itago ang kaba niya.“Beth, sabi ko diba kailangan kita?”“O-Oo J-Joliever. B-Babalik naman ako sa