It takes time to heal guys. But don't worry, may Lucio siya lagi. Magiging worth it rin lahat.
Mix emotion si Beth sa loob ng banyo. Kahit na umiyak siya, siniguro niyang lalabas siya ng banyo na hindi namamaga ang mata.At buti nalang din dahil nasa labas ng pinto si Lucio, naghihintay sa kaniya. Nakakrus ang kamay sa dibdib at halatang hinihintay siya.“Si dad?” mahinang tanong niya.“Umuwi na siya.”Tumango siya. “Bihis lang ako.”Kumunot ang noo ni Lucio habang nakatitig sa mukha niya. Natatakot tuloy siyang baka napansin nito ang pag-iyak niya sa loob ng banyo.“Bakit?”“Nothing.. Ako na maghahanda ng damit mo. Anong susuotin mo ngayon?”Tumalikod si Lucio at naglakad na papunta ng closet.“Yung white polo and then yung pants.”Tumango ito.Nagbago ang expression sa mukha ni Beth at mahigpit ang paghawak niya sa towel na nakapulupot sa katawan niya. Pakiramdam niya e kailangan niyang humingi ng tawad sa asawa niya. Pero hindi niya alam saan siya magsisimula. Samantala, kita sa mukha ni Lucio na nababahala siya at nag-alala habang dinadampot ang damit ni Beth.Alam niyang
Mahigpit ang pagkakahawak ni Beth sa bag niya habang nakatingin sa sasakyan ni Lucio na papalayo.Ito ang naghatid sa kaniya sa trabaho at kahit na nakangiti ito sa kaniya kanina, ramdam niyang malungkot ito.Napatingin siya sa orasan at gusto niya ng umalis. Wala siyang balak pumasok dahil iba ang plano niyang gawin ngayon. Gusto niyang makasigurado kung nagdadalang tao ba siya. Kung tama ba ang hinala ni Lucio sa kaniya.Sa may hindi kalayuan, nakita siya ni Leah.“Beeeeth!”Pero hindi niya ito napansin. Maglalakad na sana siya paalis nang biglang humarang si Bernardo sa dinadaanan niya.Halos mapatalon siya sa gulat.Nanlaki rin ang mga mata niya.‘Anong ginagawa niya dito?’Unconsciously, nailagay niya ang bag niya sa harapan ng tiyan niya na para bang pinoprotektahan niya ito laban kay Bernardo kahit pa hindi siya sigurado kung buntis ba siya.Kahit ayaw niyang mabuntis, it’s a motherly instinct na gusto niyang protektahan ang anak.“Anong ginagawa mo dito?” sinubukan niyang magin
“Nakakainis.” Bulong ni Beth dahil ayaw matigil sa pagtulo ang luha niya. Inis na inis siya at galit, kaya umiiyak siya.Nagulat siya nang may panyo siyang nakita sa harapan. Nang mag-angat siya nang tingin, nakita niya si Leah na nakangiti sa kaniya.“Kung hindi ka titingin sa dinaraanan mo, baka e madapa ka.”Mas lalo siyang ngumuso at umiyak. Agad niyang niyakap si Leah.Pero pagyakap niya, nagulat siya nang marinig ang mas malakas pang paghikbi ni Leah.“Naiinis ako sa kaniya! Gusto ko siyang kalbuhin.” Ani Leah at humagolgol.Natawa tuloy siya at kumalas sa yakap. “Bakit pati ka umiiyak?”“Kasi pinaiyak ka ng matandang yun.”“Matanda?” natatawa niyang tanong.“Bakit? Don’t tell me nababataan ka sa kaniya?”Pinunasan ni Beth ang mata niya at napailing. Hindi siya makapaniwala sa kaibigan.“Leah, he’s your dad.”“Hindi ko siya ama. Wala akong ama na panot at matanda na. Kung magkakaroon man ako ng papa, dapat kamukha ni Jericho Rosales.”Napatakip si Beth sa bibig niya at natawa. “P
“Basta sundin mo lang ang mga sinabi ko sayo Mrs. Floreza, at magiging maayos po ang lahat. Walang magiging problema ang baby.”Natuwa si Beth sa narinig niya mula sa sinabi ng doctor. Matapos niyang makitang positive ang resulta ng pregnancy test, dumiretso na sila ni Leah sa pinakamalapit na hospital para magpatingin.“Kita mo na Beth? Magiging okay ang lahat saka isa pa, nandito ako kapag hindi mo na kaya. Tutulungan kita sa abot ng makakaya ko.”Ngumiti siya. “Salamat Leah. Akala ko nakakatakot maging mommy, pero hindi pala. Masaya pala sa pakiramdam na magkakaanak na kami ng asawa ko.”Ngumiti ang doktora sa harapan. “Naku, wala kang dapat ikabahala. As long as mabait ang asawa mo at inuuna ka niya lagi, magiging maayos lang ang pregnancy journey mo.”“Salamat po sa words of encouragement, doc.”“Walang anuman yun. Nasaan pala ang mister mo?”“Nasa trabaho po.”“Oh. I’m sure matutuwa yun pag-uwi niya.”Nagbaba nang tingin si Beth. Ang init ng pisngi niya at iniimagine na niya kung
Wife: Hubby, please go home.Nang mabasa ni Lucio ang text ni Beth, nagmamadali siyang bumaba, walang pakialam sa meeting nila mamaya. Nakasalubong pa niya si Cly na nakatitig sa kaniya.“Brute, where are you going? Nakasunod na sila.” Sabi nila patukoy sa iba pa nilang mga kaibigan.“Need to go home. Beth messaged me.”Sinundan lang siya ni Cly ng tingin. Hindi na siya nito pinigilan dahil alam nitong wife comes first than anything else.Pagdating niya ng parking lot, naroon na nga ang iba niyang mga kaibigan na kakalabas lang ng sasakyan. “Saan ka?” Hut asked, kunot pa ang noo.“Need to go home.”Sumakay siya ng sasakyan niya at pinaharurot niya iyon pauwi.“Hindi ba si Lucio iyon?” Lux“Hey, akala ko ba may meeting? Bakit siya uuwi?” Fero“Let him be. Mukhang may problema yata ang asawa niya.” Jed na nakatingin sa sasakyan ni Lucio.Habang nagmamaneho ng sasakyan, lumilipad na ang isipan ni Lucio kay Beth.‘What’s the matter? Bakit niya ako pinapauwi? Is there something wrong sa ba
“Hindi pa ba yan nagigising?” nayayamot na tanong ni Aidan dahil halos lumabas ang puso nila kanina sa pag-aalala sa kanilang kaibigan.Gaya ni Lucio, iniisip rin niyang baka may nangyaring masama sa baby.“Gusto mo ba siyang ilibing ng buhay?” suhestyon ni Hut dahil naalala niya kanina kung paano muntik ng ibangga ni Aidan ang sasakyan niya sa pagmamadali sa pagsunod kay Lucio.“Wala ba kayong konsensya?” kunot noong tanong ni Lux.“Guys, gusto niyo ng beer?” tanong ni Fero sa kanila na nasa kusina at pinapakialaman ang fridge ni Lucio.“Isa akin!” Natatawag sabi ni Floyen. Enjoy na enjoy siya sa pakikinig kung paano minura ni Hut si Aidan at Lucio.“Bigyan mo na kami isa-isa.” Sigaw rin ni Cly.Bumuntong hininga si Jed at humihingi ng paumanhin ang matang nakatingin kay Beth. “Pasensya na Beth.” Aniya dahil nagkakalat ang mga kaibigan niyang kinulang sa buwan.“Ayos lang. Huwag kayong mahiya sa akin.”Napatingin ulit si Jed kay Lucio na nasa sofa at pinapaypayan ng mga kaibigan nila
Kung saan lahat ay nagkakasiyahan, hindi mapakali si Leah at iniisip niya ang mama niya na nasa bahay.Alas onse na ng gabi, at dahil sa kumpirmadong buntis si Beth, nagkakaayaan ang magtropa na huwag na muna umuwi dahil iinom muna sila.Iyong may mga asawa, nagpaalam na sa mga misis na matatagalan sila sa pag-uwi.Rinig na rinig sa loob ng bahay kung paano pagmumurahin ni Lucio ang mga kaibigan niya dahil sa walang humpay nilang pang-aalaska dito. "Fvck! Pwede ba umalis na kayong lahat?" Lucio"Dude, this prick, muntik na niya kaming ipakilala kay San Pedro." Turo ni Hut kay Aidan. Kanina pa siya hindi matapos dahil sa ginawa ni Aidan na sa bilis ng pagpapatakbo, muntikan na silang mag trip to heaven. "You're such a gay!" Aidan said kaya hinabol siya ni Hut ng bote ng alak. "Wooohhhh! Party na to!" Sigaw ni Fero at niyugyog ang beer. At pinatugtog ni Aris ang speaker at nagsayawan ang lahat maliban kay Jed na napupuno na sa kanila. Sina Ambross naman e hindi tinantanan si Lucio s
Few hours ago...10 o'clock in the evening, wala pa rin si Leah. Panay tingin si Rejane sa orasan niya at nakatingin siya sa labas.Alam niyang mas mabuti nga kung hindi na magiging malapit si Leah at Beth sa isa't-isa pero hindi niya kayang kunin ang isa sa kaligayahan ng anak niya.Naging masama na siyang kaibigan noon kay Atisha. Ayaw niyang maging masamang ina kay Leah.Kaya kung ayaw nito malayo kay Beth, hindi niya iyon ipagkakait sa anak niya. Kahit pa magalit si Manzo, wala siyang pakialam.Anak niya na ang uunahin niya sa lahat.May nakita siyang sasakyan na huminto sa tapat ng bahay niya kaya nagmamadali siyang lumabas, inakalang si Leah iyon.Nang buksan niya ang pinto, napahinto siya at nanlaki ang mata nang makita si Bernardo."Bernardo? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya na gulat na gulat lalo pa't hindi niya inaasahan na pupunta ito sa kanila mga ganitong oras."Gusto sana kitang makausap tungkol sa anak natin." Sabi nito, walang emotion ang mga mata.Napatingin si Rej
News spread, agad dumating sa tenga ni Beth ang nangyari kay Bernardo, at ang balitang pinatay ito ni Leah.Agad niya itong pinuntahan sa presinto, habang umiiyak at nag-aalala.“Leah!”Nakita niya si Leah, nakaposas at nakaupo sa isang upuan na gawa sa plastik.Nang makita siya ni Leah, agad tumulo ang luha nito na agad niyang pinunasan.“A-Anong nangyari?” tanong niya matapos niya itong yakapin.Tumingin si Leah sa likuran niya, particularly kay Lucio, bago siya nito tignan sa mga mata.“Anong ginagawa mo dito? Hindi ka na dapat nagpunta dito.”“Anong hindi na dapat? Ipapakulong ka nila.”“Dapat naman talaga nila akong ipakulong.” Sagot ni Leah sa kaniya na agad ikinalukot ng mukha niya.“Leah,”“Pinatay ko siya. Kaya dapat lang naman talaga ako ikulong.”Hinawakan niya ang kamay ni Leah. “Hindi ako naniniwala. Ilalabas kita dito.”Tumingin si Leah sa kaniya. “Bakit pa?” yung boses niya, galit pero yung mata ay umiiyak.Isa na siyang criminal, at hindi niya kayang makita siya ni Bet
Alam ni Bernardo na hangga’t nabubuhay siya, habambuhay dadalhin ng anak niyang si Leah ang sakit dahil sa ginawa niya kay Rejane.Hindi na niya kayang makasakit pa sa mga anak niya.Isa pa, handa na siya. Tinanggap na niya ang kapalaran niya. Gusto nalang niya ay hindi na umiyak si Beth at Leah dahil sa kaniya. Tumitindi na rin ang sakit sa loob niya. In any minute, alam niyang lilisanin na niya ang mundo. Malungkot lang siya dahil hindi niya nakuha ang kapatawaran ni Beth.At naiintindihan naman niya kung bakit hirap ito patawarin siya.He caused so much of pain to her. He crushed her soul, he abandoned her. At tama ito, hindi mabubura ng sorry niya ang lahat ng ginawa niya. Namamanhid na ang tuhod niya dahilan kung bakit natumba siya sa sahig."Tara sa hospital," Sabi ni Leah. "Maliligtas ka pa."Natigilan si Bernardo ng ilang sandali. Hindi niya aakalain na gusto pa siyang iligtas ng anak niya sa kabila ng lahat ng ginawa niyang kasalanan. Narealize niyang mababait si Beth at
Isang linggo na ang lumipas. Hindi pa lumalabas ang resulta ng DNA test.Maliban doon, hindi na rin nila nakita si Leah. Hindi rin daw ito pumasok sa trabaho.Hindi alam ni Beth kung nasaan ito dahil hindi rin nito sinasagot ang tawag niya.Kaya nag-aalala na siya.Dahil sa nangyari sa kaniyang pagkidnap, hindi na rin siya pumasok sa hotel.Iniisip niyang baka magresign nalang siya dahil hindi naman pwedeng palagi siyang absent.“Wife,”Napalingon siya sa likuran at nakita niya si Lucio. “Pasok ka na.”Nasa garden kasi siya at nagpapahangin.Tumayo siya at lumapit dito. “Hubby, nag-aalala ako kay Leah. Nasaan na kaya siya.”Nitong mga nakaraang araw, hindi mapakali ang kalooban niya at puro si Leah ang iniisip niya.“Huwag kang mag-alala, sigurado akong ayos lang siya.” Sabi ni Lucio ng sa ganoon, gumaan ang pakiramdam niya.Hindi alam ni Beth, ang Leah na hinahanap niya ay kaharap ngayon ni Bernardo.Nasa loob sila ng bahay ni Bernardo, specifically, nasa hapagkainan. May mga pagkain
Nagising si Beth na hawak hawak ni Lucio ang kamay niya.Nang tignan niya ang paligid, natanto niyang nasa loob na siya ng kwarto nila mag-asawa.Sinubukan niyang maupo dahilan para magising si Lucio sa tabi.“Wife,” nanlalaki ang mata nito at agad na tumayo para mayakap siya.“Nag-alala ako sayo.”Naalala niya ang nangyari sa pagitan nila ni Bernardo kanina. Sumisikip na naman ang puso niya at gusto na naman niyang maiyak.“G-Galing ako kay Bernardo, hubby..”Natigilan si Lucio.“Sabi niya, anak daw niya ako.”Kumalas si Lucio ng yakap sa kaniya at tumingin sa mga mata niya. “A-Anong sabi niya?”“Sabi niya ay anak daw niya ako. Na pinaniwala lang daw siya sa isang kasinungalingan na anak ako ni Manzo kaya siya naging malupit sa akin. N-Naguguluhan ako.”Agad naisip ni Lucio si Rejane at Manzo.‘Kung totoo ang sinasabi ni Bernardo, maaaring ito ang dahilan kung bakit niya nagawang patayin si Rejane.’ Ani Lucio sa isipan niya.Kumuyom ang kamao niya. Hindi niya mapigilan ang umuusbong n
Napansin ni Bernardo na gising na si Beth. Nakaupo na ito sa kama at masamang nakatingin sa kaniya.“Bakit mo ‘ko dinala dito?”Hindi niya pinansin ang galit sa mata nito. Tumayo siya para lapitan ito.“Are you hungry, anak? Daddy prepare your food. K-Kumain ka muna.” Aniya sabay lapit no’ng ginawa niyang sopas para kay Beth.Pero iwinaksi ni Beth ang kamay niya dahilan para mabitawan niya ang pagkain at mahulog sa sahig.Akala ni Beth e magagalit si Bernardo, pero hindi, nagmamadali ito na kumuha ng basahan para punasahan ang nahulog na sopas.“A-Ayaw mo ba dito? Gusto mo bang lutuan kita ng bago? M-May gusto ka bang kainin, anak?”“Bakit mo ba ito ginagawa?”Napatigil si Bernardo. Nanginig ang kamay ng ilang sandali.“S-Sa kusina lang ako, lulutuan kita ng bago.”Tumalikod siya at aalis na sana.“BAKIT MO BA ITO GINAGAWA?”Na statwa siya sa kinatatayuan niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa bowl.“Masaya ka ba talaga na makitang nasasaktan ako? Ikakatuwa mo ba talaga na umiiyak ako
Hindi alam ni Leah kung tama ba ang narinig niya.“Hindi pa maaaring nasabi ni Rejane ito sayo. Ang mama mo, si Bernardo at mama ni Beth na si Atisha ay matalik na magkaibigan noon. Si Atisha ay ang long-time partner ko na inagaw sa akin ni Bernardo. Dahil galing si Atisha sa isang marangyang pamilya, pinilit siyang ipakasal kay Bernardo dahilan kung bakit nagkahiwalay kami.”“Teka. What kind of b*llshit is this? Ano bang sinasabi mo?”Gusto niyang malaman agad kung anong nagawa ng mama niya. Kung bakit buhay nito ang pinagbayad sa nagawa nito.Pero hindi nakinig si Manzo, nagpatuloy ito sa pagsasalita.“Ginahasa ni Bernardo si Atisha at si Beth ang naging bunga.” Hindi na niya sinabi ang tungkol sa kakambal nito para hindi na humaba ang usapan.“And your mother was in love with Bernardo.”Namilog ang mata ni Leah.“Nagsinungaling siya noon kay Bernardo at siniraan niya si Atisha. Sinabi niya na ang pinagbubuntis ni Atisha ay anak ko ng sa ganoon, mapilitan si Bernardo na hiwalayan si
Nagkakagulo na ang lahat sa biglaang pagkawala ni Beth. Nag-alala si Leah at umiiyak at sinisisi niya ang sarili niya.Iniisip niya na sana ay sinamahan niya na lang si Beth kanina baka ay hindi pa ito nawala.“Leah, kalma. Everything will be fine.” Sabi ni Monique na pinapakalma si Leah na kanina pa umiiyak.Nagtawag na rin sila ng mga pulis para mas mapadali ang paghahanap kay Beth.“Pero kasi ma’am Monique, dapat sinamahan ko siya kanina na lumabas. Bakit kasi hindi ako sumunod.”“Hindi mo kasalanan Leah. Saka kung matataranta tayong lahat, baka mas lalong mapahamak si Beth. Isa pa, ginagawa na nina sir Lucio lahat.”Tumingin sila kay Lucio na seryosong kausap ngayon ni Aidan.Mukha lang siyang kalmado pero yung kalooban niya ay nagwawala na at halos mamatay siya sa pag-aalala para sa asawa niya.“Lucio, hindi sinasagot ng assistant niya ang tawag.” Sabi ni Aidan na tinatawagan si Roween.Si Roween ang pinaka pinaghihinalaan ni Lucio na kumuha sa asawa niya.“Fvck!” Malutong na mura
Midnight, nagising si Lucio at naabutan niya si Beth na mahimbing na natutulog sa tabi niya.He smiled and kissed her lips then went down to her tummy for another peck.Lumabas siya ng kwarto just to get a glass of water, pero natigilan siya nang may marinig na iyak na mula sa sala.Nakita niya si Leah.Agad naman itong natigilan nang mapansin siya nito.“P-Pasensya na kayo sir. N-Namiss ko lang po si mama.”Lucio just nodded.Hindi pa niya sinabi ang katotohanan kay Leah dahil hindi pa lumalabas ang resulta ng imbistigasyon niya kung anong kaugnayan ni Manzo kay Rejane.Gusto lang niyang masiguro na hindi madadawit ang asawa niya.He put Beth above else. Di bale kung sino ang masagasaan niya sa pagprotekta sa asawa niya.“It’s fine,” mahinang sabi niya. “And sorry. I didn’t mean to disturb your moment.”“A-Ayos lang po.” Nahihiyang sagot ni Leah lalo pa’t siya lang iyong nakikitira.Tumahimik ng ilang segundo bago nagsalita muli si Lucio.“Uhm.. Can I ask, hindi ba biological dad mo s
Napahawak si Nice sa pisngi niya. Masakit pero mas masakit ang damdamin niya dahil sa katotohanang nagawa siyang pagbuhatan ng kamay ng daddy niya na walang ibang ginawa kun’di mahalin lang siya noon.“D-Dad,” sabi niya habang umiiyak. ‘Bakit? Bakit mo ko nagagawang saktan ngayon?’“Wala kang utang na loob Nice!” Lasing na sabi ni Bernardo. “Binigay ko sa’yo lahat na dapat sana’y binigay ko sa anak ko!”Umupo si Bernardo sa sofa at napahilamos sa mukha niya gamit ang kamay.“Hindi ko alam bakit pinili kita kesa kay Beth. Hindi ko alam bakit ikaw ang pinili kong mahalin imbes ang anak ko.”“Bernardo! Tumahimik ka na!” Pakiusap ni Merna dahil siya ang nasasaktan para sa anak niya.“Bakit ako tatahimik? Dapat malaman ng anak mo na sobra ang pagsisisi ko na mas pinaboran ko siya noon kesa sa tunay kong anak!”“Hindi mo anak si Beth!” Merna“ANAK KO SI BETH! ANAK NAMIN SIYA NI ATISHA!”Tumingin si Bernardo kay Nice na puno ng sakit ang mukhang nakatingin sa kaniya.“At ang anak kong yun, hi