Guys, I will update 3 chapters bukas. Just today and yesterday e busy day ko at daming ginawa. Anyway, si uncle natin ang na-emergency hahaha
“Hindi pa ba yan nagigising?” nayayamot na tanong ni Aidan dahil halos lumabas ang puso nila kanina sa pag-aalala sa kanilang kaibigan.Gaya ni Lucio, iniisip rin niyang baka may nangyaring masama sa baby.“Gusto mo ba siyang ilibing ng buhay?” suhestyon ni Hut dahil naalala niya kanina kung paano muntik ng ibangga ni Aidan ang sasakyan niya sa pagmamadali sa pagsunod kay Lucio.“Wala ba kayong konsensya?” kunot noong tanong ni Lux.“Guys, gusto niyo ng beer?” tanong ni Fero sa kanila na nasa kusina at pinapakialaman ang fridge ni Lucio.“Isa akin!” Natatawag sabi ni Floyen. Enjoy na enjoy siya sa pakikinig kung paano minura ni Hut si Aidan at Lucio.“Bigyan mo na kami isa-isa.” Sigaw rin ni Cly.Bumuntong hininga si Jed at humihingi ng paumanhin ang matang nakatingin kay Beth. “Pasensya na Beth.” Aniya dahil nagkakalat ang mga kaibigan niyang kinulang sa buwan.“Ayos lang. Huwag kayong mahiya sa akin.”Napatingin ulit si Jed kay Lucio na nasa sofa at pinapaypayan ng mga kaibigan nila
Kung saan lahat ay nagkakasiyahan, hindi mapakali si Leah at iniisip niya ang mama niya na nasa bahay.Alas onse na ng gabi, at dahil sa kumpirmadong buntis si Beth, nagkakaayaan ang magtropa na huwag na muna umuwi dahil iinom muna sila.Iyong may mga asawa, nagpaalam na sa mga misis na matatagalan sila sa pag-uwi.Rinig na rinig sa loob ng bahay kung paano pagmumurahin ni Lucio ang mga kaibigan niya dahil sa walang humpay nilang pang-aalaska dito. "Fvck! Pwede ba umalis na kayong lahat?" Lucio"Dude, this prick, muntik na niya kaming ipakilala kay San Pedro." Turo ni Hut kay Aidan. Kanina pa siya hindi matapos dahil sa ginawa ni Aidan na sa bilis ng pagpapatakbo, muntikan na silang mag trip to heaven. "You're such a gay!" Aidan said kaya hinabol siya ni Hut ng bote ng alak. "Wooohhhh! Party na to!" Sigaw ni Fero at niyugyog ang beer. At pinatugtog ni Aris ang speaker at nagsayawan ang lahat maliban kay Jed na napupuno na sa kanila. Sina Ambross naman e hindi tinantanan si Lucio s
Few hours ago...10 o'clock in the evening, wala pa rin si Leah. Panay tingin si Rejane sa orasan niya at nakatingin siya sa labas.Alam niyang mas mabuti nga kung hindi na magiging malapit si Leah at Beth sa isa't-isa pero hindi niya kayang kunin ang isa sa kaligayahan ng anak niya.Naging masama na siyang kaibigan noon kay Atisha. Ayaw niyang maging masamang ina kay Leah.Kaya kung ayaw nito malayo kay Beth, hindi niya iyon ipagkakait sa anak niya. Kahit pa magalit si Manzo, wala siyang pakialam.Anak niya na ang uunahin niya sa lahat.May nakita siyang sasakyan na huminto sa tapat ng bahay niya kaya nagmamadali siyang lumabas, inakalang si Leah iyon.Nang buksan niya ang pinto, napahinto siya at nanlaki ang mata nang makita si Bernardo."Bernardo? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya na gulat na gulat lalo pa't hindi niya inaasahan na pupunta ito sa kanila mga ganitong oras."Gusto sana kitang makausap tungkol sa anak natin." Sabi nito, walang emotion ang mga mata.Napatingin si Rej
Nakasandal si Bernardo sa pader habang nakatingin kay Rejane. Pwede pa siyang mabuhay kung nadala siya sa hospital o tumawag siya agad ng ambulansya, pero si Bernardo, kinuha ang cellphone niya.Tila ba wala itong balak na buhayin pa siya. Nakadalawang tawag na rin si Leah, pero nakatitig lang doon si Bernardo, hinahayaan mamatay ang tawag. "I-Is that my daughter?" Mahinang sabi ni Rejane. "Please, hayaan mo 'kong marinig ang boses niya."Pagsusumamong sabi nito pero isang malamig lang na tingin ni Bernardo ang sinukli sa kaniya. Gulong gulo ang utak ni Bernardo. Gusto niyang patayin agad si Rejane, pero mas pinili niyang yung lason nalang ang unti-unting pumatay dito.Gusto niyang maranasan muna ni Rejane ang sakit. Gusto niyang pahirapan ito sandali.At kahit nagsusumamo ito sa cellphone niya, hindi niya pa rin binigay. Ayaw niyang ipaka-usap si Leah.Gusto niyang mamatay si Rejane na hindi makausap ang anak.Iyon ang ganti niya.Ang pinakamasakit na ganting magagawa niya. "Pakiu
"Beth, hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." Ang sabi ni Lucinta na kanina pa nagpupunas ng luha.Namumula ang pisngi ni Beth. Hindi niya aakalain na ganito ang magiging reaction ng mother-in-law niya sa kaniya."Alam mo ba, gabi gabi ko pinalangin ito. Na sana e maghilom lahat ng sugat mo sa nakaraan ng sa ganoon e matanggap mo ang bagong buhay na ipagkakaloob sa inyo ni Lucio."Yumakap si Beth sa mother-in-law niya. "Hindi ko na po aabalahin ang sarili ko sa pangit na nakaraan ko. Gusto ko ng magfocus sa pamilya namin ni Lucio."Ngumiti si Lucinta. She's happy for this blessings. "Ma'am, nandito na po ang senior at sina sir Roviech." Sabi ng katulong."Papasukin mo sila."Humawak si Beth sa kamay ni Lucinta habang hinihintay nila pumasok ang senior kasama sina Roviech at pamilya nito.Nang makapasok ang mga bisita, agad na lumapit si Leo sa kaniya."Hija, congratulations." "Thank you dad.""Congrats." Sabi rin ni Roviech kaya napabaling ang attention niya dito.Batid niyang
Hindi mawala sa isipan ni Beth ang sinabi ni Joliever.'May isa pang anak si daddy?' hindi niya alam kung ano itong nararamdaman niya.Kung totoo man iyon, pakiramdam niya ay matatakot siya. Matatakot siyang magaya siya noon kay Bernardo na siya ang hindi paborito. Na siya ang outcast at mas mahal nito ang isang anak.'Stop it Beth. Hindi ganoon si dad. He loves you.' Pagkumbinsi niya sa sarili niya."What are you thinking?" tanong ni Lucio. Nasa loob na sila ng sasakyan ngayon, pauwi ng bahay nila."Yung sinabi ni Joliever kanina."Biglang nag-alala ang mukha ni Lucio. "Are you bothered by it?"Tumango siya. "Natatakot akong hindi ako maging favorite ulit kung may kapatid ako kay dad. Baka magaya ako no'ng nasa kay Bernardo pa ako."Hinawakan ni Lucio ang kamay niya. "May anak man siya o wala, always remember na favorite ka namin ng baby natin."Bigla siyang napatigil doon, at pagkaraan ay ngumiti sabay tingin sa tiyan niya."Talaga? Ako ang favorite niyo?""Oo naman. Favorite kita la
"Please wife, wait for me. Sabay tayong pupunta kay Leah mamaya pag-uwi ko." Pakiusap ni Lucio dahil kailangan pa niyang bumisita sandali sa office lalo't wala si Regar ngayon para mautusan niya.He's afraid na umalis si Beth ng hindi siya kasama at baka mapano ito."I'll wait for you, hubby."Lucio kissed her lips bago ito pumasok ng sasakyan at umalis. Kumaway si Beth hanggang sa nawala sa sa paningin niya ang sasakyan ni Lucio.Totoong nag-aalala siya para kay Leah pero kailangan niyang makinig sa asawa niya lalo pa't buntis na siya.Tinawagan niya si Regar para mangamusta kung ano ng nangyari kay Leah, pero hindi nito sinasagot ang tawag niya kaya hula niya ay busy pa ito."Ma'am Beth, pumasok na po muna kayo." Sabi ng katulong na dinalhan pa siya ng jacket lalo pa't umaambon."Sige," papasok sana siya sa loob nang marinig niyang may nagwawala sa labas ng bahay nila."Papasukin niyo ko! Gusto kong makausap ang anak ko!"Kumunot ang noo ni Beth dahil nabobosesan niya si Bernardo."
Apat na araw na ang lumipas mula nang may mangyaring masama kay Rejane.At ngayon ay ang araw kung saan hinahatid na siya ni Leah sa hukay.Dahil wala silang kaanak, siya lang, si Beth, Lucio, Regar, Aidan at Monique ang naroon.Masama rin ang panahon, na para bang nagdadalamhati ito sa nararamdaman ni Leah. Ulila na siya ngayon, wala na siyang mama.At ang masakit pa sa lahat, hindi man lang niya nakita o nakausap si Rejane.Kahit sandali man lang, sana ay nakausap niya ang mama niya.Kaya labis ang iyak niya at pagsisisi at halos yakapin na niya ang kabaon ng mama niya.Si Beth na kasama niya ay umiiyak rin, naaawa sa kaniya.“Maaaaa… Bakit mo naman ako biglang iniwan?” nagpapadyak si Leah, ang sakit ng puso niya dahil hindi pa siya handa.Hindi pa siya handang magpaalam.“Mama naman e, ang daya mo naman e… Bakit mo naman ako nagawang iwan… Wala na akong kasama… Paano nalang ako nito mama? Wala na akong kakampi. Maaaaaa!”Hindi kayang itayo ni Beth si Leah kaya lumapit na rin Monique
Hindi inakala ni Loreen na mararanasan niya ito lahat. Wala sa isipan niya dati na aabot siya sa puntong ipagsisigawan nalang niya na sana ay tapusin na ang buhay niya.The pain is draining her. Sa sobrang sakit, pakiramdam niya ay impyerno ang napuntahan niya.Sobra siyang napakampante na hindi mabubunyag ang tungkol kay Rainah.Ngayon, she’s paying the price.Habang nasa loob siya ng kwarto, may lalaking pumasok at inabutan siya ng tubig.“Please, t-tulungan mo ‘ko.” Pagmamakaawa niya. “K-Kahit magkano, magbabayad ako. Triple pa ang bayad ko sa sahod niya sayo.”Tumingin sa kaniya yung lalaki pagkatapos ay napailing.“Bakit ko naman tutulungan ang isang criminal na kagaya mo?”Sunod-sunod na tumulo ang luha niya. Gusto pa niyang mabuhay.“Please… Hindi ko sinasadya ang nangyari kay Rainah. Maawa naman kayo sa akin oh.”“Mali ka ng binangga.” Sabi no’ng lalaki sa kaniya. “Hindi mo dapat pinakialaman si Ms. Rainah.”“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Kamuntikan na niya akong pinatay.
A week after…No sign of Loreen, no sign of Nice… as if they both are gone.Sa pagkawala ni Loreen, naging sanhi iyon para bumagsak ang katawan ni Sr. Floreza.Nag-aalala si Beth habang nakatingin dito na nakaratay sa kama. Mag-iisang linggo na itong may sakit dahil sa stress at pag-aalala kay Loreen.Pansamantala muna siyang bantay dito dahil marami pang inasikaso si Lucio lalo’t kaliwa’t kanan ang negosyo na inaatupag niya ngayon.Napatayo siya nang makitang nagmulat ng mata ang senior.“D-Dad,” agad niya itong nilapitan.Tumingin ang senior sa kaniya. “Is there no sign of my daughter?”“Wala pa, dad.”Makikita ang pagdaan ng lungkot sa mukha ng senior. Hindi na niya alam saan niya hahanapin ang anak niya.Kita sa CCTV footage ang ginawang krimen ni Loreen at Nice at kita rin ang pagtakbo ni Loreen palabas.Pero kahit anong hanap nila dito, wala na silang makitang bakas nito.“I’m sorry. I know it’s been hard for you.” Sabi ng senior kay Beth. “But I cannot help it. She’s still my da
Tumulo ang luha ni Leah.Dahil likod, braso at hita ang nasaksak ni Nice kanina, nagkaroon pa siya ng oras para harapin ito.Pero hindi ibig sabihin no’n na hindi na siya nanghihina.Nanlalabo na ang paningin niya. At hindi niya mapigilang hindi umiyak dahil alam niyang hindi niya na maipagtatanggol ang kapatid niya.Nagtataka siya bakit nakalagpas sila Nice sa security. She wondered anong nangyari sa labas. “Stop hoping for back-up. Patay na lahat ng iniwan ni Lucio sa labas.” Sabi ni Loreen. Tinulak siya ni Nice kaya nakawala ito sa harapan niya.Tumingin siya kay Loreen kung saan nakatutok pa rin ang baril sa kaniya.“Ako nalang ang patayin mo, huwag na ang kapatid ko.” Pagmamakaawa niya.Tumawa si Loreen.“Ikaw at si Beth, malaki ang ginawa niyong kasalanan sa pamilya namin. That wench ruined my family. Lucio crushed Joliever’s leg because of her at IKAW! ANONG KARAPATAN MO PARA SIRAIN ANG PANGALAN NG PAMANGKIN KO? YOU PUT OUR FAMILY NAME IN SHAME!”“Kill that b*tch Loreen!” Sab
Pagkapasok ni Leah sa loob ng kwarto ni Beth, nakita niya itong nagpapahinga sa kama pero gising.“Leah?” gulat na gulat ito at hindi makapaniwala na nakita siya nito.Agad siyang tumakbo at niyakap ang kapatid. “I’m sorry.” Unang sinabi niya.“Huh? Pero bakit ka humihingi ng sorry? Wala ka namang mali na ginawa.”“Sa video. Alam kong napanood mo na yun.”Huminga ng malalim si Beth. “Iyon ba ang dahilan kung bakit umiyak ka noon?”Tumingin siya sa sahig, nahihiyang salubungin ang mga mata ni Beth.“Isa yun sa dahilan. Matapos kong malaman na ama ko si Bernardo, nagpatong-patong yung guilt ko. Ayoko kasi masira ang friendship natin kaya natakot ako.”“Well, hindi ko sasabihing hindi ako nasaktan kasi umiyak ako nong nakita ko yung video na yun noon. Pero kung titignan, naging eye-opener ko yun noon para humiwalay ako sa kaniya.”Nag-angat siya muli ng tingin.“Bago pa yung video, alam ko na talagang nagloloko si Joliever sa akin, wala lang ebidensya. Kaya kahit ilang ulit na akong nasak
Marami ang nagulat sa nangyari lalo na iyong mga taong humusga noon kay Beth. Sa caption ng video, ibinunyag na kaya naghiwalay si Joliever at Beth ay dahil unang nagloko si Joliever.Yung mga taong inakusahan na nagloko si Beth at biktima si Joliever, ay nakakaramdam na ng hiya ngayon.Hindi sila makapaniwala sa kanilang napanood.Kahit si Monique na siyang anonymous na nagpost no’ng video ay gulat na gulat pa rin.Tinanong niya si Leah kung sigurado ba ito sa gagawin, pero si Leah pa mismo ang nag-udyok sa kaniya na gawin iyon.Walang nagawa si Monique kun’di sundin ang pabor na hinihingi nito.Kaya kalat na sa social media ang nangyari at halos pagpyestahan na ng lahat ang mga Floreza.Kung nakarating iyon sa ibang tao, nakarating rin iyon kay Sr. Floreza.Because of this, he came up a decision na alam niyang hindi papaboran ni Roviech.He will send Joliever abroad, at hindi niya ito pababalikin ng bansa hangga’t nabubuhay pa siya. It’s his way of protecting him at huli na rin niyan
Napasinghap sina Loreen matapos buksan ni Lucio ang pinto.Sumigaw agad si Ashanelle at agad nilang nilapitan si Joliever na wala ng malay ngayon.Lucio just walk freely, like he did not do wrong.Nilapitan siya ni Lucinta. “Come, bukas ka na pumunta ng hospital. Hindi ka dapat makita ni Beth na ganito at baka matakot yun at mag-alala.”Nagpatianod si Lucio sa mama niya, walang pakialam sa masasamang tingin ng mga kapatid.Nang mawala sila, agad tumayo si Loreen.“Are you happy now dad?? Tignan mo ang apo mo!”Tumingin ang senior kay Joliever at para siyang kinakapos ng hininga sa kaniyang nakita.Dinala nila agad si Joliever sa hospital.Umiiyak si Ashanelle at Loreen habang si Roviech e nagpaiwan. Nang tumingin ito sa dad niya, agad niya itong kwinelyuhan.Umalma ang mga bodyguards pero tinaas ng senior ang kamay niya para pigilan sila.“Pinakita mo lang sa amin kung gaano ka kawalang kwentang ama!”Nalungkot ito pero hindi niya yun pinakita. Paano niya magawang mamili sa anak niya a
Lucio and Joliever are now inside the room. No one can open the door.Kaya hindi nila makita anong ginagawa ni Lucio kay Joliever para sumigaw ito nang sobrang lakas.Pigil pigil ni Roviech ang sarili. He’s powerless. He cannot help his son, na sumisigaw para humingi ng tulong sa kaniya. Kung tutulungan niya ito, takot siyang mawalan siya ng mana.“D-DAAAAAAAD!!!!” Nagmamadaling pumasok si Ashanelle at halos mahimatay siya nang marinig ang sigaw ng anak.“Roviech, our son!” lumuluhang sabi nito.Tumingin si Asha kay senior Floreza. Agad itong lumapit at hinawakan niya ang kamay nito. “Dad, have mercy… Please..”But Leo just stared at her blankly. “Muntik ng mamatay si Beth dahil sa ginawa ng anak mo.”“Why are you siding that woman? Joliever is your grandson!”“Beth is my son’s wife. I did help your son Ashanelle. Kung hindi ko kinausap si Lucio, baka kamatayan ang inabot ng anak mo!”“AAAAAAHHHHHH!!!” Napatingin sila muli sa kwarto nang sumigaw na naman si Joliever.“Dad please…. Pigi
Hindi alam ni Loreen bakit iba ang mood pag-uwi niya galing ng coffee shop.Aligaga ang lahat ng katulong at pakiramdam niya ay may hindi magandang nangyayari.“What happened?” tanong niya sa isang katulong na nakasalubong niya.“Ms. Loreen, may n-nangyari po kasi kay sir Joliever.”Nang marinig niya yun, nagmamadali siyang pumunta ng sala. Naabutan niya si Joliever na maraming pasa sa mukha.Agad nanlaki ang mata niya at nilapitan ito agad.“Hijo, what happened to your face?”Agad yumakap si Joliever sa kaniya, parang isang spoiled na batang napagalitan ng nakakatanda.“Get away from that bastard Loreen. Wala na yang ginawang tama kun’di ang suwayin akoat bigyan ng problema.” Sabi ni Roviech.“Kuya! Ano bang nangyayari sayo? He is your son. Kahit pa anong nagawa niyang mali, hindi mo dapat siya sinasaktan ng ganto.”Inakala niyang kapatid niya ang naglagay ng pasa sa mukha ni Joliever.“He got that from Floyen!”“What? Magsasampa tayo ng kaso! Sino siya para saktan ang pamangkin ko ng
Takot na takot si Beth sa sinabi ni Joliever. Parang hindi siya makapaniwala na nasasabi nito ngayon ang mga bagay na yun.“L-Let’s talk about it paglabas natin ng elevator.” Aniya at pinilit pa niyang ngumiti.“Kung ganoon, p-payag ka ng patayin natin yan?”Humarap si Beth sa front door para maiwasan niya ang mga mata ni Joliever. Hindi niya alam paano itago ang tunay na nararamdaman niya.“Y-Yeah…” Aniya sabay hawak sa tiyan niya.Niyapos siya ni Joliever ng yakap mula sa likuran at napatalon siya sa gulat.Hindi sinasadyang napalayo siya dito.Sumama ang mukha ni Joliever sa kaniya.“Why?”“N-Nagulat lang ako.”Tinitigan ni Joliever ng mabuti ang mukha niya. Pagkatapos ay umabante ito palapit sa kaniya. “You’re lying.”“H-Huh? W-What do you mean?” Beth tried to act like everything is fine.“Hindi mo ipapalaglag ang baby…”Hindi na alam ni Beth kung anong gagawin niya. Hindi niya kayang itago ang kaba niya.“Beth, sabi ko diba kailangan kita?”“O-Oo J-Joliever. B-Babalik naman ako sa