NATASHA Unti-unting nagising ang diwa ko dahil sa mahinang pag-tatalo. Naramdaman ko rin ang pananakit ng aking katawan lalo na ang ulo. Sa boses pa lang na aking naririnig alam kong ang asawa ko iyon at sila Kiel. Kabisado ko ang boses nilang tatlo. Ano ang pinag-tatalunan nila? Mukhang nag-didiskusyon sila at hindi nagkakasundo sa isang bagay. Gusto kona sana mag-mulat at tignan sila pero parang may pumipigil sa akin na ‘wag muna at hayaan na pakinggan ang pinag-uusapan nila. Hindi ko naman ugaling makinig sa usapan ng iba pero narinig ko kanina na nabanggit ang pangalan ko. I'm curious. “King, are you sure about this?” Kung hindi ako nagkakamali si Kiel ang nag-tanong. “Yes. She needs to know the truth.” Seryosong sagot naman ng asawa ko. Bigla akong kinabahan. Ako ba ang tinutuloy niya? Kung ako nga ano ang dapat kong malaman? “But king, It's too dangerous to both of you especially to Mam Natasha..I know you're just worried about her, but haven't
Matapos namin mag-kwentuhan ay umorder si Lolo J ng pagkain namin. Dumating din si Giselle at Rose kaya naging kumpleto kami. Hanggang sumapit ang gabi at kailangan na nilang umuwi. Kami na lang ni Giovanni ang naiwan sa kwarto ko. Hindi pa daw ako pwede lumabas dahil kailangan pang imonitor ang sugat ko sa ulo. Siguro aabutin pa daw ako ng dalawang araw dito sa hospital. “Rest wife, kailangan makabawi ng katawan mo.” Malambing na sabi ng asawa ko habang inaayos ang pag-kakahiga ko. Ngumiti naman ako sa kanya saka sinenyasan siyang tumabi sa akin. “Tabi tayo matulog.” Napatigil naman siya sa ginagawa saka ako tinignan. “Are you sure?” Paninigurado nito na siyang kinatawa ko. Parang hindi naman kami nagtatabi matulog. “Yes, Gusto kong katabi kita kasi kapag magkatabi tayo kumakalma ang katawan ko at masarap ang nagiging tulog ko. Feeling ko safe ako lagi sa mga bisig mo.” Nakangiti kong sambit, tila naman siya natigilan sa aking sinabi. Namula rin ang tenga nito at
GIOVANNI'S POV PARA akong sinabugan ng bomba at paulit-ulit binaril dahil sa nakita kong reaksyon ni Natasha. Napakasakit makita sa maganda niyang mga mata ang takot at galit para sa akin. Dumating na ang pinaka-kinatatakutan ko. “Natasha!” Tawag ko dito at akmang siyang susundan pero mabilis akong napigilan ni Zamora. “Don't follow her, King. Let Mam Natasha think first.” Mahinahong sabi niya kaya hindi na ako sumunod pa. “Putangina!” Galit na sigaw ko sabay sunod-sunod na sinuntok ang pader sa aking gilid. Wala akong pakealam kung dumudugo na ang kamao. Fvck! bakit ngayon pa niya nalaman ang tungkol sa isa pang pagkatao ko? Bakit sa maling paraan pa! Sigurado narinig niya ang pinag-usapan namin kaya gano'n na lang ang kanyang takot. “King, kumalma ka.” Galit kong hinarap si Vasquez. “Kalma? How can I calm down if I know my wife is mad and afraid of me! How can I explain everything to her? Fvck!” Tinalikuran ko sila saka muling pumasok sa loo
NATASHA'S POV TATLONG ARAW na ang lumipas naging mahinahon na ako. Nawala na ang galit na nararamdaman ko at takot. Kahit papaano kumalma na ang sistema ko. Naiwan na lang sa akin ang mga katanungan, anong naging dahilan ni Giovanni para humantong siya sa ganito? Gusto kona malaman ang kanyang dahilan. Na-ihanda kona ang sarili sa ano mang maririnig ko sa kanya. Sa totoo lang hindi naging madali para sa akin lahat lalo na ng araw na malaman ko ang tungkol sa sekreto ng asawa ko. Para akong sinaksak dahil masakit para sa akin. Hindi ko akalain na sa likod ng kanyang pagiging malambing, maalaga ay isa pala siyang Mafia Boss. Nakakagulat dahil hindi ko man lang nahalata iyon. Ni hindi nga pumasok sa isip ko ‘yon. Sa nakalipas na mga araw iniiwasan ko pa si Giovanni dahil hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan dahil sa naging reaksyon ko. Nahihiya ako sa naging asal ko, pero hindi naman din niya ako masisisi lalo't pa nagulat ako. Nakakatakot kaya malaman
NATASHA'S POV PAGKATAPOS naming makapag-usap ng maayos ni Giovanni ay sabay na kaming bumalik sa mansyon at dumeretso sa kitchen para kumain. Gumaan na ang pakiramdam ko dahil ok na kaming dalawa. Ang sarap sa feeling na naging open na kami sa isa't isa ng asawa ko, Wala ng secrets. Isa pa proud ako sa sarili ko dahil hindi ako nag-pakain sa takot at galit. Naging maintindihin ako at alam kong iyon ang tama for us. Dapat sa isang relasyon marunong kang makinig, mag-tiwala, hintayin ang explanation ng partner mo para alam mo ang side niya. Para mas nagkakaintindihan kayo. At iyon ang natutunan ko sa relasyon namin ni Giovanni. Hindi dapat pinapairal ang pride, galit, takot. Kapag iyon ang pinairal mas magiging malala ang lahat. Imbes na maayos, lumalala pa. “Wife, tatawag ako sa kompanya mamaya. I will take a leave for 2 weeks. I will train you from martial arts, using weapons, stringking arts, and Throwing arts. Lahat ituturo ko sa ‘yo, mag-sisimula tayo kung ano
Mabilis naman itong mga tumayo saka gulat na napatingin sa amin. “King..” “Bakit kasama mo si Mam Natasha, King? Ok na kayo?” Hindi sila makapaniwalang nagpabalik-balik ang tingin sa aming mag-asawa. “Yeah, we're ok now. Napaliwanag kona sa kanya ang lahat.” Seryosong sagot ni Hubby saka kami lumapit sa kanila. Pinag-hila niya ako ng upuan. “Thanks, hubby.” Pasasalamat ko ng maka-upo. Tumabi naman siya sa akin. “Oh, that's great! Pero anong ginagawa niyo dito? Bakit hindi ka nag-pasabi na pupunta pala kayo dito, King?” Tanong ni Kiel saka bumalik sa kanyang upuan. “Well, I'm starting teaching Natasha self defense. Atleast she know how to fight if ever na may mang-yari sa kanya. Alam niya kung paano depensahan ang sarili. We're here to show her our different types of guns and weapons.” Paliwanag ni Hubby sa kanila na siyang kinatango lang nung dalawa. “That's good, King. At least Natasha knows how to fight.” Sagot naman ni Sean sabay baling sa aki
NATASHA'S POV “Wife, don't give your best when your fighting. May tamang oras para doon. ‘yung tama lang at kaya mo sila matalo. Wag na wag kang magpapadala sa salita at kayabangan ni Zamora at Vasquez. Magaling manlinlang ang dalawang iyon. Focus on the opponent and look into their eyes. Your senses and eye should be alert always. Wag mong ibaba ang depensa mo. tandaan mo lahat ng tinuro at binilin ko sa ‘yo ha?” Ngumiti naman ako saka sunod-sunod na tumango. Nandito na kami sa hideout nila kung saan ang training room. Dito kami mag-lalaban nila Kiel. Gusto makita ni Hubby kung nag-improve ba ako. Wag na wag daw ako magpapakampante dahil binilinan niya ang dalawa na labanan ako pero ‘wag ibubuhos ang lakas nila. Kaya alam kong mapapalaban talaga ako ngayon. “Yes, Hubby! Tandang-tanda ko lahat ng tinuro mo sa akin.” Gusto ko maging magaling katulad nilang tatlo. “Tsk, Why do they take so long?” Iritadong tanong ni Hubby, sabay tingin sa kanyang relo. Oo
NATASHA'S POV Wow, so ganito pala sila kapag may transaksyon na gagawin. Lahat planado at detalyado. Tahimik lang akong nakikinig at nakamasid sa kanila habang nag-sasalita si Sean sa harap. Hindi ko akalain na ang limang kasama ko ngayon sa loob ng conference room na ito ay malalakas at magagaling. At mas nagulat ako na si Rose at Giselle ay miyembro ng Black organization. Sa totoo lang wala sana akong balak sumama sa transaksyon nila Hubby dahil gusto ko muna mag-sanay ng mag-sanay para mas lumakas. Kaso kapag naiisip ko ang mga babaeng binili ng Hayashi na ‘yon ay kumukulo ang dugo ko. Babae ako at may kapatid na babae, may mga kaibigan na babae. Hindi ko maatim na ibebenta sila sa mga sindikato o matatandang mayaman at gagawin lang silang parausan. Akala ko pa naman kahit papaano ay may bait ang Hayashi na iyon. Yun pala nasa loob ang kulo. Matapos ang meeting nila ay lumabas na sila Sean. May binigay na kanya-kanyang trabaho ang asawa ko sa kanila. Habang