I BELONG WITH YOU
By: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 34][Athena’s POV]Levi claimed my lips at hindi na ako nakaangal pa nang bigla niya akong buhatin at dalhin sa sala, as usual para ihiga sa sofa. He usually do that. Paborito niya talaga ang sofa para gawin ang maka-mundong kaisipan niya. Naalala ko pa tuloy ng minsang maabutan kami ng mga kaibigan ko sa sofa, doing something, mabuti na lamang at hindi pa kami totally naked that moment.“Levi…” I tried to protest when he pulled down my cotton shorts including my undies. “Lalamig ‘yong pagkain.”“Okay lang kung kasabay naman nito ay ang paglamig ng ulo mo.” He answered grinning before he bent down his head and started feasting.I bit my lower lip as I covered my mouth with both my hands to stop myself from screaming. Kakaiba talaga ‘yong mga trip ni Levi sa buhay. Gusto niya talaga ‘yong parang malalagutan ako ng hininga.“Levi…” I called him as I gI BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 35]-----[Athena’s POV]Nagising ako nang maramdaman kong may malamig na tubig na sumaboy sa mukha ko. Bahagya pa akong naubo.“Masarap ba ang tulog mo?” Nakangising tanong sa akin ni Sir Peter habang nakatayo siya sa harapan ko. Ako nama’y nakaupo sa isang silya habang nakatali palikod ang magkabila kong kamay. Inilibot ko ang aking paningin at napansin kong nasa loob kami ng isang malawak at magandang silid.“Saan mo ako dinala?” Matapang na tanong ko sa kanya.“Nandito ka sa resort ko.” Tugon niya. “Alam mo bang pinagmamasdan kita habang natutulog ka, ang ganda mo pala.”“Ano bang trip mo?” Galit kong tanong sa kanya. “Naghihiganti ka ba dahil natanggal ka sa trabaho mo?”“Kung hindi ka sana umepal. Alam mo bang pinaghirapan ko ang posisyong kinalalagyan ko. Konting taon na lang sana at papalit na ako sa posisyon ni Architect Lulu, pero pasikat ka, eh. Masyado kang n
I BELONG WITH YOU[General Fiction/Romance]-----[PROLOGUE]Mahirap i-let go ang isang taong mahal na mahal mo, lalo pa kung ito na ang taong pinapangarap mong makasama hanggang sa pagtanda, subalit kahit gaano pa kahirap minsan ay kailangan natin itong gawin para sa ikabubuti nang lahat… para rin sa kanyang ikaliligaya.Wala akong pinagsisisihan sa naging desisyon kong palayain ang aking ex-girlfriend na si Keera dahil ramdam ko namang hindi ako ang totoong mahal niya kundi ang nakababatang kapatid kong si Dylan.Ilang taon na rin ang nakalilipas magmula nang maghiwalay kami, subalit wala namang nabago sa aming samahan. Ang totoo nga niya’y mas lalo pa kaming naging close lalo pa ngayong sister-in-law ko na siya. Last year lang ay kinasal sila ni Dylan at ako pa ang naging best man. Masaya ako para sa kanilang dalawa. Nakikita ko naman kung paano s’yang alagaan ng kapatid ko kaya panatag ang kalooban kong nasa mabuting kamay siya.Inihinto ko ang aking sasakyan sa tapat ng isang con
I BELONG WITH YOU[General Fiction/Romance]A/N: Must read the Prologue first before this chapter. Thanks.-----[CHAPTER 1][Athena’s POV]‘Guys, bakit absent si Athena?’ Nabasa kong message ng isa sa mga kaibigan kong si Myka sa group chat naming magkakaibigan no’ng nagdaang gabi.‘Ayiee, miss niya si Athena.’ May himig panunukso sa message ng isa ko pang kaibigang si Aria.‘Nami-miss ko talaga siya kasi walang kumokontra sa mga sinasabi ko, eh.’ Reply ni Myka with a laughing face emoticon.Napangiti ako. Boyish akong kumilos kaya nama’y madalas akong tuksuhin ng mga kaibigan ko na babae rin daw ang gusto ko. At si Myka na madalas kong kaaway simula pa no’ng high school kami’y madalas nilang itukso sa akin. Sanay na ako sa kanila kaya tinatawanan ko na lang sila at sinasakyan ang mga pangti-trip nila, pero sigurado naman ako sa sarili ko na hindi ako lesbian. Pero, wala rin akong interes sa mga lalaki kasi pakiramdam ko’y pare-parehas lamang silang manloloko. Siguro’y masaya na ako
I BELONG WITH YOU[General Fiction/Romance][CHAPTER 2][Athena’s POV]‘Hindi ba? Sorry, akala ko bakla ka.’Bahagya akong yumuko para itago ‘yong napipinto kong pagtawa. Gusto kong matawa sa naging reply ko sa text ni Levi. Alam ko namang hindi siya bakla, pero tila ba gusto ko s’yang pag-tripan, tutal siya naman ang naunang nag-text sa akin.‘What?! Paano mong nasabing bakla ako? Do I look like one?’ He texted.‘To be honest, hindi ka naman mukhang bading, napi-feel ko lang.’ Pigil talaga ‘yong tawa ko habang nagta-type ako.‘Dahil hindi ako marunong magpalit ng gulong? Iyon ba ang pinag-basehan mo?’‘Hindi naman ‘yon. Basta, ramdam ko lang.’“Hoy, Athena!” Kinuha ni Melchor ‘yong atensiyon ko kaya maang akong napatingin sa kanya. “Kilig na kilig lang ang peg?”“Huh?”“Tawa ka kaya ng tawang mag-isa diyan.” Turan ni Myka. Mga nakatingin pa rin pala sa akin ang mga kaibigan ko.“Nakakatawa kasi si Lino, eh.” Pagkuwa’y turan ko.“Sigurado ka bang bakla ‘yang Lino na ‘yan?” Natatawang
I BELONG WITH YOU[General Fiction/Romance][CHAPTER 6][Athena’s POV]Araw ng Linggo, wala akong pasok. Wala rin akong lakad at tila wala rin sa mood ang mga kaibigan kong guluhin ang tahimik kong buhay. Mabuti naman at makapagpapahinga ako.Pasalampak akong naupo sa sofa bago ko dinampot ang sketch pad ko. Inspired akong mag-drawing ng mga sandaling iyon. Naisip kong ipinta ‘yong mukha ni Levi. Kasalukuyang nasa parte na ako ng labi nito nang marinig kong may nag-doorbell. Inilapag ko ‘yong sketch pad ko sa center table bago ako tumayo mula sa pagkakaupo.“Hi.” Nakangiting bati ni Levi sa akin.“A-Anong ginagawa mo rito?” Gulat kong tanong sa kanya. Napatingin pa ako sa isang bouquet ng red roses na dala niya at isang box ng Ferrero chocolate.“Manliligaw.”“Manliligaw?” Kunot-noo kong tanong sa kanya bago ako sumulyap sa relo ko. Alas-dies pa lang ng umaga. “Levi, ang aga pa. May lahi ka bang Chinese?”Tumawa siya. “Daig ng maagap ang masikap, ‘ika nga nila. At saka, mahirap ng mau
I BELONG WITH YOU[General Fiction/Romance][CHAPTER 7][Athena’s POV]“Ouch!” Reklamo ko nang biglang hablutin no’ng isang lalaki ‘yong buhok ko. Mabilis n’yang nabuksan ‘yong pintuan ng passenger’s seat at akmang hihilain niya akong palabas, pero agad kong kinagat ‘yong kamay n’yang nakahawak sa buhok ko kaya nabitiwan niya ito. Tinadyakan ko siya ng ubod-lakas, na-out of balance siya. Aayos sana ako ng upo, subalit nahagip no’ng isa pang lalaki ‘yong magkabilang paa ko dahilan upang mapahiga ako. Pilit niya akong hinila palabas, humawak ako sa sandalan ng upuan para hindi niya ako tuluyang mahila, subalit nakitulong ‘yong ikatlong lalaki kaya wala akong nagawa kundi ang mapasunod sa nais nila.Nagtawanan sila na tila ba mga baliw ng tuluyan na nila akong mailabas ng kotse ko. Binuhat ako no’ng isang lalaki at pilit akong ipinasok nito sa loob ng kotse nito. Nagpumiglas ako at nang makahanap ako ng tiyempo ay sinuntok ko ito sa mukha ba
I BELONG WITH YOU[General Fiction/Romance][CHAPTER 8][Athena’s POV]First time kong umiyak sa harapan ng isang lalaki, at kay Levi pa. Hindi ko na kasi napigilan ‘yong emosyon ko. Pakiramdam ko’y ang bigat-bigat ng kalooban ko at kailangan ko itong mailabas para gumaan ‘yong pakiramdam ko. Sa totoo lang ay gustong-gusto ko nang umiyak no’ng kasalukuyan akong hinahabol no’ng mga lalaki, subalit nagpigil ako dahil ayaw kong iparamdam sa mga ito na natatakot ako.Naramdaman kong bahagyang yumuko si Levi para hagurin ‘yong likuran ko kaya lalo lamang akong napahikbi.“You are safe now.” Halos pabulong n’yang turan. Bahagya akong tumingala sa kanya. Masuyo s’yang ngumiti sa akin.“Thank you.”“Kuya, excuse me.” Narinig kong turan ni Dylan buhat sa likuran ni Levi. Bahagya pa itong tumikhim. Noon ko lang naalalang kasama nga pala ito ni Levi. “Si daddy, kakausapin ka raw.” Turan nitong iniabot ang phone kay Levi.
I BELONG WITH YOU[General Fiction/Romance][CHAPTER 9][Athena’s POV]‘Guys, may batchmate ba tayo na Lino ang pangalan?’ Nabasa kong tanong ni Keera sa group chat naming magkakaibigan.‘Lino? Anong apelyido?’ Tanong ni Myka. ‘Parang wala kasi akong maalalang Lino, eh.’‘Hindi ko alam kung anong last name. Basta Lino lang, eh. Magaling na soccer player daw.’‘Kilala ko ang mga magagaling na soccer player sa batch natin at wala naman akong maalalang may Lino do’n.’ Turan ni Melchor.‘Oo nga.’ Si Myka ulit. ‘Bakit ba? Wanted ba ang Lino na ‘yan?’‘Tinatanong kasi ako ni Dylan, eh. Pinapatanong daw ni Levi.’ Tugon ni Keera.Napangiti ako. Hindi talaga maka-move on ang loko. Nagtanong pa talaga. Sa isip-isip ko.‘Hoy, Athena, puro seen ka diyan. Wala ka na bang daliri pang-type?’ Myka noticed me with a laughing face emoticon kaya natawa ako.‘Athena, player soccer ka dati, may ki
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 35]-----[Athena’s POV]Nagising ako nang maramdaman kong may malamig na tubig na sumaboy sa mukha ko. Bahagya pa akong naubo.“Masarap ba ang tulog mo?” Nakangising tanong sa akin ni Sir Peter habang nakatayo siya sa harapan ko. Ako nama’y nakaupo sa isang silya habang nakatali palikod ang magkabila kong kamay. Inilibot ko ang aking paningin at napansin kong nasa loob kami ng isang malawak at magandang silid.“Saan mo ako dinala?” Matapang na tanong ko sa kanya.“Nandito ka sa resort ko.” Tugon niya. “Alam mo bang pinagmamasdan kita habang natutulog ka, ang ganda mo pala.”“Ano bang trip mo?” Galit kong tanong sa kanya. “Naghihiganti ka ba dahil natanggal ka sa trabaho mo?”“Kung hindi ka sana umepal. Alam mo bang pinaghirapan ko ang posisyong kinalalagyan ko. Konting taon na lang sana at papalit na ako sa posisyon ni Architect Lulu, pero pasikat ka, eh. Masyado kang n
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 34][Athena’s POV]Levi claimed my lips at hindi na ako nakaangal pa nang bigla niya akong buhatin at dalhin sa sala, as usual para ihiga sa sofa. He usually do that. Paborito niya talaga ang sofa para gawin ang maka-mundong kaisipan niya. Naalala ko pa tuloy ng minsang maabutan kami ng mga kaibigan ko sa sofa, doing something, mabuti na lamang at hindi pa kami totally naked that moment.“Levi…” I tried to protest when he pulled down my cotton shorts including my undies. “Lalamig ‘yong pagkain.”“Okay lang kung kasabay naman nito ay ang paglamig ng ulo mo.” He answered grinning before he bent down his head and started feasting.I bit my lower lip as I covered my mouth with both my hands to stop myself from screaming. Kakaiba talaga ‘yong mga trip ni Levi sa buhay. Gusto niya talaga ‘yong parang malalagutan ako ng hininga.“Levi…” I called him as I g
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 33][Athena’s POV]Kabadong-kabado ako nang pumasok ako sa loob ng opisina ni Sir Luciano. As usual, nakasimangot ito pagpasok ko.“Ilang araw kang nawala. Hindi ba’t ikaw ang arkitektong in-assign ko sa Hernandez Residence Project natin?” Mataas ang tonong turan nito.“Sorry, Sir, but while I was in Baguio, nakikipag-communicate naman po ako kay Engineer Cindy. Ina-update naman po niya ako, time to time po.” Magalang kong tugon habang nakatayo ako sa kanyang harapan.“At nagawa mo pang magbakasyon?” He asked holding my gaze. Bigla tuloy akong nahiya. “Were you with my grandson?”“Yes, Sir.” Tugon kong napayuko. Tila hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Natatakot ako. Natatakot ako sa posibleng masasakit na salitang itatapon niya sa akin.“Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa apo ko, tanging ikaw lang ang babaeng kinahibangan niya ng ganito. No’ng sila ni Keera ay hin
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 32][Athena’s POV]Nang malaman ko ang bahay ni Architect Lulu ay agad ko s’yang pinuntahan nang araw din na nalaman ko ang tungkol sa nakaraan nila ng daddy ko.“Good evening po. Nandiyan po ba si Architect Lulu?” Tanong ko sa isang may edad ng babae na nagbukas ng gate nang mag-doorbell ako.“Oo. Sino sila?”“Ako po si Athena. Superior ko po siya.” Magalang kong tugon dito. “P’wede ko po ba s’yang makausap?”“Sige. Pasok ka, Ineng.”“Salamat po.” Tugon kong sumunod dito papasok sa loob ng kabahayan. Tinawag nito si Architect Lulu na abala sa pagluluto. Nalaman kong nakatatandang kapatid pala ito ni Architect Lulu.“Hi, Athena. What are you doing here?” Nakangiting tanong sa akin ni Architect Lulu.“Uhm, wrong timing po yata since nagluluto na po kayo ng hapunan, pero p’wede ko po ba kayong maimbitahang kumain sa labas?”
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 31][Athena’s POV]“Baby, you alright?” Ulit ni Levi habang bahagyang nakakulong ang magkabila kong pisngi sa kanyang mga palad. Mababakas ang labis-labis na pag-aalala sa kanyang mukha.“Y-Yeah, I’m fine.” Alanganing sagot ko habang pinakikiramdaman ko ang mga taong nasa paligid namin ng mga sandaling iyon. Ang mga matang nagmamasid sa amin.“I don’t want to see your face inside this building anymore.” Galit na turan ni Levi kay Sir Peter nang muli niya itong balingan. “Ni anino mo ay ayaw ko nang makita pa. Lumayas ka na at hakutin mo na ang lahat ng gamit mo, ngayon din.”“Pero, Sir, handa ho akong humingi ng tawad kay Athena. I mean, kay Architect Athena. Kung gusto n’yo ho’y luluhod pa ako sa harapan niya, huwag n’yo lang ho akong paalisin, Sir. Please?”“No. The damage has been done. My decision is final.”“Levi---” Tinangka kong awat
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 30][Athena’s POV]Naramdaman ko ang presensiya ni Levi sa likuran ko habang nakahiga ako sa kama namin, pero hindi ko siya nilingon dahil abala ako sa pagtitig sa larawan ng isang masayang pamilya. Fb friend ko si Lino Hernandez kaya naman nang may i-tag na photo sa kanya si Hera Blake Hernandez ay nakita ko ito sa newsfeed ko.Family picture kung saan naroroon ang mommy ko kasama ang pamilyang kinabibilangan niya ngayon. Agad kong pinahid ang luhang namuo sa sulok nang magkabila kong mata lalo pa nang maramdaman ko ang mga bisig ni Levi na pumulupot sa aking bewang.“Faith…” He sexily uttered my name as he started nuzzling my neck and gently bit it.“Sabino.” Saway ko sa kanya. “Baka magka-marka. Magmi-mistula akong kinagat ng bampira.”Humagalpak siya ng tawa dahil sa tinuran ko.“Na-miss kita, eh.” Turan niya habang patuloy siya sa gina
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 29][Athena’s POV]After an hour ay napalitan ko rin ang gulong ng kotse ni Sir Luciano. Nakakatawa lang kasi hindi niya talaga inalis ‘yong tingin niya sa ginagawa ko mula ng magsimula ako hanggang sa natapos.“Okay na, Sir.” Turan ko sa kanya nang lumakad ako patungo sa compartment para ibalik dito ‘yong toolbox, pero nanatili siya sa kanyang kinatatayuan habang tinitingnan niya ‘yong gulong. Ewan ko, pero tila ba hindi siya makapaniwala na napalitan ko ito. “Is something wrong, Sir?”“Nothing. I’m just amazed.” Turan n’yang sinulyapan ako. Bahagya kong kinagat ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang napipinto kong pag-ngiti.Bigla ko tuloy naalala ‘yong reaksiyon ni Levi no’ng pinalitan ko rin ‘yong gulong ng kotse nito. Halos parehas silang mag-lolo ng reaksiyon gayong para sa akin ay wala namang dapat ikamangha kasi maliit na bagay lang naman ‘yong gi
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 28][Athena’s POV]Mas pinili kong manahimik na lang kahit gustong-gusto ko nang patulan si Sir Peter. Baguhan pa lang ako at hindi ko p’wedeng ipakita agad ang kamalditahan ko kahit pa sabihing asawa ako ng isa sa may-ari nang kumpanyang pinapasukan ko. Nakakahiya naman kay Levi kong lilikha ako ng eskandalo.Sumapit ang lunch. May usapan kami ni Levi no’ng umaga na sabay kaming kakain sa labas kapag wala s’yang meeting, pero nang dumaan ako sa opisina niya’y nalaman ko kay Christine na lumabas si Levi kasama ang lolo at ang daddy niya kaya naisipan kong mag-lunch na lang mag-isa.Nang makalabas na ako ng building ay palinga-linga ako para maghanap ng malapit na p’wedeng makainan. Wala kasi akong kotse kaya hindi ako makalayo, pero tila puro matataas na building din ang nasa paligid kaya naisipan kong tumawid na lang sa kabilang kalsada para pumara ng taxi at akmang
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 27][Athena’s POV]“Naku!” Pagkuwa’y narinig kong turan ni Christine nang dali-dali itong lumapit sa mesa ni Levi bago nito pasimpleng inilawit ang kamay sa ilalim ng mesa kung saan ako nakatago. Natunugan ko naman ang nais nito kaya ibinigay ko rito ang phone ko. “Naiwan pala ni Sir Levi itong cell phone niya. Importante pa naman ito.”“Nagu-ulyanin na ba si Levi para maiwan niya iyan?” Mababakas ang galit sa tinig ng lolo ni Levi. “Kaya naman pala kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya, pero hindi siya sumasagot.”“Sa dami po sigurong iniisip ni Sir Levi, Sir Luciano.”“Ayon na nga, ang dami na n’yang iniisip tapos magdadagdag pa siya ng babae.”“Sino pong babae?” Halata ang kuryusidad sa tinig ni Christine.“Hindi ko nga alam kung sino ‘yang babaeng kinalolokohan ng boss mo. Napapabayaan na tuloy niya ang kanyang trabaho.” Tugon ng lolo n