I BELONG WITH YOU
[General Fiction/Romance][CHAPTER 2][Athena’s POV]‘Hindi ba? Sorry, akala ko bakla ka.’Bahagya akong yumuko para itago ‘yong napipinto kong pagtawa. Gusto kong matawa sa naging reply ko sa text ni Levi. Alam ko namang hindi siya bakla, pero tila ba gusto ko s’yang pag-tripan, tutal siya naman ang naunang nag-text sa akin.‘What?! Paano mong nasabing bakla ako? Do I look like one?’ He texted.‘To be honest, hindi ka naman mukhang bading, napi-feel ko lang.’ Pigil talaga ‘yong tawa ko habang nagta-type ako.‘Dahil hindi ako marunong magpalit ng gulong? Iyon ba ang pinag-basehan mo?’‘Hindi naman ‘yon. Basta, ramdam ko lang.’“Hoy, Athena!” Kinuha ni Melchor ‘yong atensiyon ko kaya maang akong napatingin sa kanya. “Kilig na kilig lang ang peg?”“Huh?”“Tawa ka kaya ng tawang mag-isa diyan.” Turan ni Myka. Mga nakatingin pa rin pala sa akin ang mga kaibigan ko.“Nakakatawa kasi si Lino, eh.” Pagkuwa’y turan ko.“Sigurado ka bang bakla ‘yang Lino na ‘yan?” Natatawang sabi ni Aria. “Baka mamaya magka-in love-an kayo n’yan ha.”“No way!” Maagap kong tugon.‘Gusto mong patunayan ko sa’yong hindi ako bakla, Ms. Athena Faith?’ Muling text ni Levi with a winking face emoji.‘How?’ Nangingiting reply ko sa kanya.‘I’ll kiss you.’‘Do it and I’ll kill you.’ I texted with an angry face emoji.‘Natakot ang siga?’ He replied with a laughing face emoji.‘Hindi ah. Wala yata akong kinatatakutan.’‘Talaga? Well, let’s see.’ He replied with a winking face emoji.Akmang magre-reply pa sana ako kay Levi nang marinig kong tumunog ang doorbell. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at binuksan ang pintuan.“Hi, Athena.” Nakangiting bati sa akin ni Keera.“Uh-oh.” Nakangiti ring reaksiyon ko. “Akala nami’y hindi ka na makakarating.”“P’wede ba ‘yon?” Tugon n’yang pumasok sa loob ng bahay. “Never pa naman akong um-absent, ah.”“Hala!” Nakangising turan ni Melchor nang makita nito si Keera. “Buti at nakalakad ka pa, girl?”“Ano?” Kunot-noong tanong ni Keera. “Bakit naman ako hindi makakalakad?”“Kasi akala nama’y nilumpo ka na ni Dylan, eh.” Si Myka ang sumagot bago ito humagalpak ng tawa pati si Aria.“Mga baliw kayo.” Natatawang sita ni Keera sa mga ito. “Masyado kayong maka-mundong mag-isip. Huwag n’yo ngang lasunin ang isip ni Athena.”“Ano ka? May Lino na ‘yan, ‘no?” Turan ni Melchor.“Sinong Lino?” Tanong ni Keera nang maupo ito sa tabi ni Melchor.“Bagong kapit-bahay daw niya na bading.” Si Aria ang sumagot.“Talaga?” Nakangiting tumingin sa akin si Keera.“Uh-huh.” Si Melchor. “At tingnan mo, may pa-bulaklak pa ‘yong new neighbor ni Athena.”“Wow!” Nakangiting sabi ni Keera nang tumingin ito sa mga bulaklak na binigay ni Levi. “Ang ganda, ah. Ayiee! Dalaga na ang Athena namin.”“Exactly.” Maharot na turan ni Melchor, bahagya pang kumumpas ang mga daliri nito sa hangin.“Bading ‘yon, Keera.” Turan kong nakangiti.“May mga bading naman na nagiging tunay na lalaki ah, kapag natatagpuan nila ang tunay na pag-ibig.” Tugon niya nang damputin niya ‘yong card. Binuksan niya ito at binasa. Saglit s’yang natigilan bago niya ako nilingon. Nagtama ‘yong mga paningin namin.“Is something wrong?” I asked confusingly.“Wala naman.” Nakangiti n’yang tugon. “Parang penmanship kasi ni Levi, eh.”Napalunok ako at bigla akong kinabahan sa sinabi ni Keera. Patay! Baka mabuko ako ng wala sa oras. Malamang na nakabisado niya talaga ang penmanship ni Levi kasi matagal niya itong naging kasintahan.“Pero kunsabagay, may mga magkakatulad naman ng penmanship.” Saka lamang ako nakahinga ng maluwang ng bitiwan niya ‘yong card at nakihalubilo siya kina Myka at Aria na abala sa paglalaro ng Jenga.-----“Athena, nagawa mo na ba ‘yong walk through para sa resort sa Batangas?” Tanong sa akin ng ka-trabaho kong si Vince.“Yup.” Tugon ko.Licensed Architect ako at nagta-trabaho ako bilang isang Senior Architect sa isang private company na pag-aari ng kaibigan ng daddy ko. Bale, contractor kami. Hindi kalakihan ang kinabibilangan kong kumpanya, pero marami kaming proyekto. Ang totoo nga niyan ay isang maliit na building lamang ang opisina namin. Bale, dalawang kuwarto lang. Isa, para sa may-ari na nagsisilbi naming boss at ang ikalawa’y para sa aming mga empleyado. Sama-sama na kami sa isang silid. Sa Accounting, si Elvie at Alicia. Sa Engineering and Architecture ay si Paul, Vince, Kevin at ako. Anim lamang kaming empleyado, pero masaya naman kami. Sapat naman ang aming mga sinusuweldo. Wala namang nagrereklamo at isa pa’y napaka-bait din ng aming amo.“P’wedeng patingin?” Tanong ni Vince na lumapit sa likuran ko.“Sure.” Nakangiting tugon ko bago ko ipinakita sa kanya ‘yong ginawa kong walk through presentation para sa bagong project namin.“Aysus. Style mo, Vince, bulok.” Biro ni Elvie.“Kaya nga. Nagpapanggap ka lang para makalapit ka kay Athena, eh.” Singit ni Kevin, junior architect namin.“Ayiee!” Tukso ni Alicia.“Huwag nga kayong ganyan.” Nakangising saway ko sa kanila. “Nagba-blush si Vince, eh.”Nagtawanan ang lahat maliban kay Vince. Pulang-pula ang pisngi n’yang maputi. Pamangkin siya ng amo namin. Mabait siya at cute. Medyo payat nga lang ang kanyang pangangatawan. Ang totoo’y nagtangka s’yang manligaw sa akin, subalit hindi pa man lang siya nakapagsisimula’y tinapat ko na siya na wala akong planong magpaligaw sa kahit sino. Tinanggap naman niya ito at sinabing masaya na raw siya kahit hanggang magkaibigan lang kami.“Athena, may naghahanap sa’yo sa labas.” Turan ng engineer naming si Paul pagkapasok nito sa opisna. Galing ito sa labas, bumili ng pagkain.“Sino raw?” Tanong ko.“Hindi ko kilala.” Tugon nitong naupo sa p’westo nito.“Hindi ba si Myka?” Malapit lang ang pinapasukan ni Myka sa opisina namin kaya may mga araw na dinadaanan ako nito t’wing lunch time para magpalibre.“Hindi. Kilala ko si Myka, eh at saka lalaki ‘yong naghahanap sa’yo. Mukhang mayaman.”“Eh, si Vince?” Nakangising tanong ni Kevin. “Mukhang ano si Vince?”“Mukhang mayabang.” Nakangisi ring tugon ni Paul na ikinatawa ng lahat.“Kapag ako yumaman, yari kayo sa akin.” Natatawa na lang na sabi ni Vince. Sana’y na ito sa mga pang-aasar ng mga katrabaho namin.Pinatay ko ang PC ko bago ako tumayo mula sa pagkakaupo. Sumulyap ako sa relo sa kaliwa kong braso. Alas-dose na rin pala. Lunch time na.“Ayiee! May date si Athena.” Nakangiting turan sa akin ni Alicia nang palabas na ako.“Sira!” Natatawa kong sabi. “Baka kliyente ‘yon.”“Mukha nga.” Pahabol ni Paul, pero hindi ko na ito pinansin. Tuluyan na akong lumabas ng opisina.“Hey, Batman Lover.” Nagulat pa ako nang biglang may nagsalita buhat sa likuran ko. Patungo sana kasi ako sa kinapaparadahan ng kotse ko.“Oh, hi.” Pagkuwa’y bati ko kay Levi nang lingunin ko siya. Saglit ko s’yang pinasadahan ng tingin. He’s wearing a usual corporate attire. Boyish ako, pero aminado naman ako na marunong akong um-appreciate ng mga lalaking guwapo. At si Levi, he’s one of them. Hindi lang siya guwapo kundi sobrang guwapo at ang linis-linis n’yang tingnan, ‘yong tipong parang ang bango-bango niya. I think he’s perfect from head to toe.“Tititigan mo lang talaga ako?” He asked grinning kaya pakiramdam ko’y uminit ‘yong magkabila kong pisngi. Bwisit! Titig na ba ‘yong nagawa ko? Tanong ko sa isip.“Well, kinikilatis ko lang kung ano talaga ‘yong kulay mo.” Pagkuwa’y bawi ko. Siyempre, hindi ko p’wedeng ipahalata na nagu-guwapuhan ako sa kanya kasi nakakahiya naman. He laughed softly.“Pinaghihinalaan mo talaga ‘yong pagkatao ko?” Nakangiting tanong niya.“Gano’n na nga.” Nakangiti ring tugon ko sa kanya.“Well, mamaya ay patutunayan ko sa’yong mali ka.”“Subukan mo lang na may gawing hindi ko magugustuhan, bubugbugin talaga kita.” Banta kong ipinakita sa kanya ‘yong kamao ko. Humagalpak siya ng tawa.“Nakakatakot ka naman. Ang tapang mo.”“Talaga.” Turan kong tinalikuran siya. Sinundan niya ako.“Dapat pala ang pangalan mo ay Amazona Faith.” Biro niya. Huminto rin siya nang huminto ako sa tapat ng pintuan ng kotse ko.“Hindi nakakatawa.”“Well, hindi naman ako nagpapatawa.” Tiningnan ko siya ng masama. Napansin kong pigil ang ngiti niya.“Ano bang ginagawa mo rito?”“Aayain kitang mag-lunch.” Tugon niya. “Treat ko.”“Ano bang palagay mo sa akin, walang pang-treat sa sarili ko?”“Hindi naman.” Tumatawang tugon niya. “Gusto ko lang talagang makabawi sa ginawa mong pagtulong sa akin.”“Hindi ka talaga maka-move on, ano?”“Of course. Malaking bagay ‘yong nagawa mo para sa akin, ayaw mo namang magpabayad kaya naisip ko na baka sa ganitong paraan ay makabawi naman ako kahit papaano.”“Kapag sumama ba akong mag-lunch sa’yo ngayon ay iko-consider mo na nakabawi ka na?”“Gano’n na nga.” Nakangiting tugon niya.“Sabi mo ‘yan ha.”“Yes, Ms. Amazona… I mean Athena.” Natatawang turan niya.“Hanggang mamaya’y masasapak kita, tingnan mo.” Seryosong banta ko sa kanya kaya tumawa siya. “So, saan tayo?”“Kung saan mo gusto.”“P’wedeng sa karinderya na lang?” Nakangiting tanong ko. Hindi siya umimik, tila ba nag-iisip siya ng isasagot. Alam kong hindi siya kumakain sa karinderya, malamang ay hindi niya pa nasubukan. “Sige na nga, Seafood Island na lang.”“Mas mainam.” Ngumiti siya. “Hilig mo ang seafoods?”“Yup. Kahinaan ko, actually.”“Magkaibigan nga kayo ni Keera.” Actually, magkasundong-magkasundo talaga kami ni Keera kapag usapang seafoods.“Miss mo siya?” May himig panunukso sa tinig ko.“Hindi, ah. Matagal na akong naka-move on at saka masaya na ako para sa kanila ng kapatid ko.” Nakangiting tugon niya.“That’s good. I’m happy for you. So, tara na.” Turan ko at akmang bubuksan ko na ‘yong pintuan ng kotse ko nang pigilan niya ako. “What?”“Do’n tayo sa kotse ko sasakay.”“Do’n ka sa kotse mo siyempre tapos ako rito sa kotse ko, malamang.” Paliwanag ko. “Mauna ka tapos susundan na lang kita.”“What?” Kunot-noong tanong niya. “Hindi ba p’wedeng sa iisang kotse na lang tayo kasi iisang lugar lang naman ‘yong pupuntahan natin?”“Ayaw ko. Gusto kong magsolo.”“Pero, Athena…”“Paano pag-uwi ko? Maglalakad ako, gano’n?” Pagtataray ko sa kanya. Sa totoo lang ay ayaw kong sumakay sa kotse niya na kasama siya. Ewan ko kung bakit, basta ayaw ko lang… walang makakapilit sa akin dahil pabebe ako. Gusto kong matawa sa isiping iyon.“Sinabi ko bang paglalakarin kita? Siyempre, ihahatid kita pabalik dito.”“Ayaw ko. Pahihirapan mo pa ‘yong sarili mo, eh.”“Maliit na bagay lang iyon, Athena.” Giit niya. “At saka, ako naman ang mahihirapan eh, hindi ikaw.”“Ah, basta. Ayaw ko.”“Kabawasan ba sa pagiging Amazona mo ‘yong pagsakay sa kotse ko---Aray!” Sigaw niya nang suntukin ko siya sa mukha. Napaawang ang bibig niya nang tumingin siya sa akin. Halatang nagulat siya.“Isang tawag mo pa sa akin ng Amazona, hindi lang ‘yan ang matitikman mo.”Hindi siya umimik. Saglit s’yang nag-isip bago siya luminga sa paligid at halos mapasigaw ako nang walang sabi-sabing binuhat niya ako.“Levi, sh*t!” Asar kong sabi nang pilit niya akong ipinasok sa kotse niya. Iniupo niya ako sa passenger’s seat. Itinulak ko siya sa bwisit ko, pero dahil matigas ‘yong katawan niya kaya hindi siya natinag. Nanatili s’yang nakaharang sa pinto. “Aalis ka diyan o tatadyakan kita?”“Mananatili ka diyan o hahalikan kita?” Seryosong banta niya.Napalunok ako bago ko bahagyang kinagat ‘yong pang-ibaba kong labi para pakalmahin ‘yong sarili ko. Inis kong itininulak ‘yong kamay n’yang nakahawak sa akin. Hindi na ako nagpumilit pang lumabas ng kotse niya sa takot na baka makaranas ako ng halik sa unang pagkakataon.-----To be continued.I BELONG WITH YOU[General Fiction/Romance][CHAPTER 6][Athena’s POV]Araw ng Linggo, wala akong pasok. Wala rin akong lakad at tila wala rin sa mood ang mga kaibigan kong guluhin ang tahimik kong buhay. Mabuti naman at makapagpapahinga ako.Pasalampak akong naupo sa sofa bago ko dinampot ang sketch pad ko. Inspired akong mag-drawing ng mga sandaling iyon. Naisip kong ipinta ‘yong mukha ni Levi. Kasalukuyang nasa parte na ako ng labi nito nang marinig kong may nag-doorbell. Inilapag ko ‘yong sketch pad ko sa center table bago ako tumayo mula sa pagkakaupo.“Hi.” Nakangiting bati ni Levi sa akin.“A-Anong ginagawa mo rito?” Gulat kong tanong sa kanya. Napatingin pa ako sa isang bouquet ng red roses na dala niya at isang box ng Ferrero chocolate.“Manliligaw.”“Manliligaw?” Kunot-noo kong tanong sa kanya bago ako sumulyap sa relo ko. Alas-dies pa lang ng umaga. “Levi, ang aga pa. May lahi ka bang Chinese?”Tumawa siya. “Daig ng maagap ang masikap, ‘ika nga nila. At saka, mahirap ng mau
I BELONG WITH YOU[General Fiction/Romance][CHAPTER 7][Athena’s POV]“Ouch!” Reklamo ko nang biglang hablutin no’ng isang lalaki ‘yong buhok ko. Mabilis n’yang nabuksan ‘yong pintuan ng passenger’s seat at akmang hihilain niya akong palabas, pero agad kong kinagat ‘yong kamay n’yang nakahawak sa buhok ko kaya nabitiwan niya ito. Tinadyakan ko siya ng ubod-lakas, na-out of balance siya. Aayos sana ako ng upo, subalit nahagip no’ng isa pang lalaki ‘yong magkabilang paa ko dahilan upang mapahiga ako. Pilit niya akong hinila palabas, humawak ako sa sandalan ng upuan para hindi niya ako tuluyang mahila, subalit nakitulong ‘yong ikatlong lalaki kaya wala akong nagawa kundi ang mapasunod sa nais nila.Nagtawanan sila na tila ba mga baliw ng tuluyan na nila akong mailabas ng kotse ko. Binuhat ako no’ng isang lalaki at pilit akong ipinasok nito sa loob ng kotse nito. Nagpumiglas ako at nang makahanap ako ng tiyempo ay sinuntok ko ito sa mukha ba
I BELONG WITH YOU[General Fiction/Romance][CHAPTER 8][Athena’s POV]First time kong umiyak sa harapan ng isang lalaki, at kay Levi pa. Hindi ko na kasi napigilan ‘yong emosyon ko. Pakiramdam ko’y ang bigat-bigat ng kalooban ko at kailangan ko itong mailabas para gumaan ‘yong pakiramdam ko. Sa totoo lang ay gustong-gusto ko nang umiyak no’ng kasalukuyan akong hinahabol no’ng mga lalaki, subalit nagpigil ako dahil ayaw kong iparamdam sa mga ito na natatakot ako.Naramdaman kong bahagyang yumuko si Levi para hagurin ‘yong likuran ko kaya lalo lamang akong napahikbi.“You are safe now.” Halos pabulong n’yang turan. Bahagya akong tumingala sa kanya. Masuyo s’yang ngumiti sa akin.“Thank you.”“Kuya, excuse me.” Narinig kong turan ni Dylan buhat sa likuran ni Levi. Bahagya pa itong tumikhim. Noon ko lang naalalang kasama nga pala ito ni Levi. “Si daddy, kakausapin ka raw.” Turan nitong iniabot ang phone kay Levi.
I BELONG WITH YOU[General Fiction/Romance][CHAPTER 9][Athena’s POV]‘Guys, may batchmate ba tayo na Lino ang pangalan?’ Nabasa kong tanong ni Keera sa group chat naming magkakaibigan.‘Lino? Anong apelyido?’ Tanong ni Myka. ‘Parang wala kasi akong maalalang Lino, eh.’‘Hindi ko alam kung anong last name. Basta Lino lang, eh. Magaling na soccer player daw.’‘Kilala ko ang mga magagaling na soccer player sa batch natin at wala naman akong maalalang may Lino do’n.’ Turan ni Melchor.‘Oo nga.’ Si Myka ulit. ‘Bakit ba? Wanted ba ang Lino na ‘yan?’‘Tinatanong kasi ako ni Dylan, eh. Pinapatanong daw ni Levi.’ Tugon ni Keera.Napangiti ako. Hindi talaga maka-move on ang loko. Nagtanong pa talaga. Sa isip-isip ko.‘Hoy, Athena, puro seen ka diyan. Wala ka na bang daliri pang-type?’ Myka noticed me with a laughing face emoticon kaya natawa ako.‘Athena, player soccer ka dati, may ki
I BELONG WITH YOU[General Fiction/Romance][CHAPTER 10][Athena’s POV]Bahagya akong nag-inat nang magising ako. Sobrang lamig sa kuwartong kinaroroonan ko kahit balot na balot ‘yong katawan ko ng isang comforter. Napakunot-noo ako ng marealize kong nasa loob ako ng silid na hindi familiar sa akin.“Oh, no!” Bahagya kong natampal ‘yong noo ko nang bumangon ako. Biglang lumilis ‘yong comforter and sh*t! Nakahubad ako. “Anak ng tipaklong!” Bulalas ko nang marealize kong hindi lang pang-itaas ang wala ako kundi I was totally naked under the comforter.Napalunok ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kuwartong kinaroroonan ko. Isang matandang babae ang iniluwa nito. Nakangiti ito sa akin. Agad kong hinila paitaas ang comforter para takpan ang dibdib ko. Alanganin akong ngumiti rito. Pakiramdam ko’y pulang-pula ang aking pisngi ng mga sandaling iyon dahil sa labis na hiya.“Good morning.” Bati nito sa akin.“G-Good m
I BELONG WITH YOU[General Fiction/Romance]A/N: Just a friendly reminder. General fiction po ito at hindi teen fiction, so may mga salita at eksena na hindi angkop sa mga batang mambabasa. Salamat.-----[CHAPTER 11][Athena’s POV]Namilog ‘yong mga mata ko nang biglang angkinin ni Levi ‘yong mga labi ko. Anak ng tipaklong naman! Wala man lang pasabi. Hindi ako ready. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.He pulled me and guided me to sit astride on his lap facing him. He nibbled my lower lip asking for approval to enter his tongue inside my mouth.“Baby.” He breathed as he guided my arms to wrap around his neck. “Open your mouth, please?”“Ha?” I asked and gasped when he immediately invaded my mouth with his tongue. Gosh! Hind ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga oras na iyon. Nakikiliti ako. Pakiramdam ko’y biglang nanghina ‘yong mga tuhod ko. It was my first kiss kaya hindi ko malaman kung sa paanong
I BELONG WITH YOU[General Fiction/Romance][CHAPTER 12][Levi’s POV]Bahagya kong minasahe ang magkabilang sentido ko. Pakiramdam ko’y nagdo-doble na ang tingin ko sa mga numerong tinitingnan ko. Kabibigay lang ng report sa akin ng Accounting department regarding sa Finances ng kumpanya. Alas-nuebe pa lang ng umaga, pero pakiramdam ko’y maghapon na akong nagta-trabaho.“Hi, Sir Levi.” Nakangiting bati sa akin ni Christine. Secretary ko ito. “May nagpapabigay po nito sa inyo.” Inilapag niya sa mesa ko ang isang cup ng brewed coffee.“Sino?” Kunot-noo kong tanong sa kanya.“Hindi ko po kilala, Sir, actually ngayon ko lang po siya nakita, pero maganda po siya.” Nanatili s’yang nakangiti sa akin na tila ba nanunukso kaya napangiti rin ako.“Okay, Christine. Salamat.”“Feeling ko siya ‘yong lagi n’yong kasama kapag lumalabas ka, Sir.” Biro niya kaya natawa ako. “Ayiee! Si Sir Levi, in love siya.”“
I BELONG WITH YOU[General Fiction/Romance][CHAPTER 13][Athena’s POV]“Ano ‘yon, Athena?” I heard Myka beside me kaya natigilan ako. Hindi pala ako p’wedeng mang-away dahil tiyak akong magtataka ang mga kaibigan ko kung makikita nilang susugurin ko si Page gayong wala naman silang ideya kung bakit.“Page, ano ka ba?” Tila napapasong turan ni Levi kay Page bago niya inalis ang mga braso nitong nakayakap sa kanya.“Sabi ko, tara na.” Pagkuwa’y turan ko kay Myka bago ako tumayo mula sa pagkakaupo ko. Nanatiling nakakuyom ang aking mga kamao. Nagtama ang mga paningin namin ni Levi. Nakita ko ang pag-aalalang rumehistro sa kanyang mukha, samantalang galit naman ang mababakas sa akin.Sinadya kong dumaan sa awang sa pagitan nina Levi and Page bago ko binangga si Page para ma-realize niya na hindi uubra sa akin ang pagiging maharot niya. Dapat malaman niya na hindi lahat ng lalaki ay p’wede n’yang halikan ng basta-basta.
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 35]-----[Athena’s POV]Nagising ako nang maramdaman kong may malamig na tubig na sumaboy sa mukha ko. Bahagya pa akong naubo.“Masarap ba ang tulog mo?” Nakangising tanong sa akin ni Sir Peter habang nakatayo siya sa harapan ko. Ako nama’y nakaupo sa isang silya habang nakatali palikod ang magkabila kong kamay. Inilibot ko ang aking paningin at napansin kong nasa loob kami ng isang malawak at magandang silid.“Saan mo ako dinala?” Matapang na tanong ko sa kanya.“Nandito ka sa resort ko.” Tugon niya. “Alam mo bang pinagmamasdan kita habang natutulog ka, ang ganda mo pala.”“Ano bang trip mo?” Galit kong tanong sa kanya. “Naghihiganti ka ba dahil natanggal ka sa trabaho mo?”“Kung hindi ka sana umepal. Alam mo bang pinaghirapan ko ang posisyong kinalalagyan ko. Konting taon na lang sana at papalit na ako sa posisyon ni Architect Lulu, pero pasikat ka, eh. Masyado kang n
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 34][Athena’s POV]Levi claimed my lips at hindi na ako nakaangal pa nang bigla niya akong buhatin at dalhin sa sala, as usual para ihiga sa sofa. He usually do that. Paborito niya talaga ang sofa para gawin ang maka-mundong kaisipan niya. Naalala ko pa tuloy ng minsang maabutan kami ng mga kaibigan ko sa sofa, doing something, mabuti na lamang at hindi pa kami totally naked that moment.“Levi…” I tried to protest when he pulled down my cotton shorts including my undies. “Lalamig ‘yong pagkain.”“Okay lang kung kasabay naman nito ay ang paglamig ng ulo mo.” He answered grinning before he bent down his head and started feasting.I bit my lower lip as I covered my mouth with both my hands to stop myself from screaming. Kakaiba talaga ‘yong mga trip ni Levi sa buhay. Gusto niya talaga ‘yong parang malalagutan ako ng hininga.“Levi…” I called him as I g
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 33][Athena’s POV]Kabadong-kabado ako nang pumasok ako sa loob ng opisina ni Sir Luciano. As usual, nakasimangot ito pagpasok ko.“Ilang araw kang nawala. Hindi ba’t ikaw ang arkitektong in-assign ko sa Hernandez Residence Project natin?” Mataas ang tonong turan nito.“Sorry, Sir, but while I was in Baguio, nakikipag-communicate naman po ako kay Engineer Cindy. Ina-update naman po niya ako, time to time po.” Magalang kong tugon habang nakatayo ako sa kanyang harapan.“At nagawa mo pang magbakasyon?” He asked holding my gaze. Bigla tuloy akong nahiya. “Were you with my grandson?”“Yes, Sir.” Tugon kong napayuko. Tila hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Natatakot ako. Natatakot ako sa posibleng masasakit na salitang itatapon niya sa akin.“Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa apo ko, tanging ikaw lang ang babaeng kinahibangan niya ng ganito. No’ng sila ni Keera ay hin
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 32][Athena’s POV]Nang malaman ko ang bahay ni Architect Lulu ay agad ko s’yang pinuntahan nang araw din na nalaman ko ang tungkol sa nakaraan nila ng daddy ko.“Good evening po. Nandiyan po ba si Architect Lulu?” Tanong ko sa isang may edad ng babae na nagbukas ng gate nang mag-doorbell ako.“Oo. Sino sila?”“Ako po si Athena. Superior ko po siya.” Magalang kong tugon dito. “P’wede ko po ba s’yang makausap?”“Sige. Pasok ka, Ineng.”“Salamat po.” Tugon kong sumunod dito papasok sa loob ng kabahayan. Tinawag nito si Architect Lulu na abala sa pagluluto. Nalaman kong nakatatandang kapatid pala ito ni Architect Lulu.“Hi, Athena. What are you doing here?” Nakangiting tanong sa akin ni Architect Lulu.“Uhm, wrong timing po yata since nagluluto na po kayo ng hapunan, pero p’wede ko po ba kayong maimbitahang kumain sa labas?”
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 31][Athena’s POV]“Baby, you alright?” Ulit ni Levi habang bahagyang nakakulong ang magkabila kong pisngi sa kanyang mga palad. Mababakas ang labis-labis na pag-aalala sa kanyang mukha.“Y-Yeah, I’m fine.” Alanganing sagot ko habang pinakikiramdaman ko ang mga taong nasa paligid namin ng mga sandaling iyon. Ang mga matang nagmamasid sa amin.“I don’t want to see your face inside this building anymore.” Galit na turan ni Levi kay Sir Peter nang muli niya itong balingan. “Ni anino mo ay ayaw ko nang makita pa. Lumayas ka na at hakutin mo na ang lahat ng gamit mo, ngayon din.”“Pero, Sir, handa ho akong humingi ng tawad kay Athena. I mean, kay Architect Athena. Kung gusto n’yo ho’y luluhod pa ako sa harapan niya, huwag n’yo lang ho akong paalisin, Sir. Please?”“No. The damage has been done. My decision is final.”“Levi---” Tinangka kong awat
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 30][Athena’s POV]Naramdaman ko ang presensiya ni Levi sa likuran ko habang nakahiga ako sa kama namin, pero hindi ko siya nilingon dahil abala ako sa pagtitig sa larawan ng isang masayang pamilya. Fb friend ko si Lino Hernandez kaya naman nang may i-tag na photo sa kanya si Hera Blake Hernandez ay nakita ko ito sa newsfeed ko.Family picture kung saan naroroon ang mommy ko kasama ang pamilyang kinabibilangan niya ngayon. Agad kong pinahid ang luhang namuo sa sulok nang magkabila kong mata lalo pa nang maramdaman ko ang mga bisig ni Levi na pumulupot sa aking bewang.“Faith…” He sexily uttered my name as he started nuzzling my neck and gently bit it.“Sabino.” Saway ko sa kanya. “Baka magka-marka. Magmi-mistula akong kinagat ng bampira.”Humagalpak siya ng tawa dahil sa tinuran ko.“Na-miss kita, eh.” Turan niya habang patuloy siya sa gina
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 29][Athena’s POV]After an hour ay napalitan ko rin ang gulong ng kotse ni Sir Luciano. Nakakatawa lang kasi hindi niya talaga inalis ‘yong tingin niya sa ginagawa ko mula ng magsimula ako hanggang sa natapos.“Okay na, Sir.” Turan ko sa kanya nang lumakad ako patungo sa compartment para ibalik dito ‘yong toolbox, pero nanatili siya sa kanyang kinatatayuan habang tinitingnan niya ‘yong gulong. Ewan ko, pero tila ba hindi siya makapaniwala na napalitan ko ito. “Is something wrong, Sir?”“Nothing. I’m just amazed.” Turan n’yang sinulyapan ako. Bahagya kong kinagat ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang napipinto kong pag-ngiti.Bigla ko tuloy naalala ‘yong reaksiyon ni Levi no’ng pinalitan ko rin ‘yong gulong ng kotse nito. Halos parehas silang mag-lolo ng reaksiyon gayong para sa akin ay wala namang dapat ikamangha kasi maliit na bagay lang naman ‘yong gi
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 28][Athena’s POV]Mas pinili kong manahimik na lang kahit gustong-gusto ko nang patulan si Sir Peter. Baguhan pa lang ako at hindi ko p’wedeng ipakita agad ang kamalditahan ko kahit pa sabihing asawa ako ng isa sa may-ari nang kumpanyang pinapasukan ko. Nakakahiya naman kay Levi kong lilikha ako ng eskandalo.Sumapit ang lunch. May usapan kami ni Levi no’ng umaga na sabay kaming kakain sa labas kapag wala s’yang meeting, pero nang dumaan ako sa opisina niya’y nalaman ko kay Christine na lumabas si Levi kasama ang lolo at ang daddy niya kaya naisipan kong mag-lunch na lang mag-isa.Nang makalabas na ako ng building ay palinga-linga ako para maghanap ng malapit na p’wedeng makainan. Wala kasi akong kotse kaya hindi ako makalayo, pero tila puro matataas na building din ang nasa paligid kaya naisipan kong tumawid na lang sa kabilang kalsada para pumara ng taxi at akmang
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 27][Athena’s POV]“Naku!” Pagkuwa’y narinig kong turan ni Christine nang dali-dali itong lumapit sa mesa ni Levi bago nito pasimpleng inilawit ang kamay sa ilalim ng mesa kung saan ako nakatago. Natunugan ko naman ang nais nito kaya ibinigay ko rito ang phone ko. “Naiwan pala ni Sir Levi itong cell phone niya. Importante pa naman ito.”“Nagu-ulyanin na ba si Levi para maiwan niya iyan?” Mababakas ang galit sa tinig ng lolo ni Levi. “Kaya naman pala kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya, pero hindi siya sumasagot.”“Sa dami po sigurong iniisip ni Sir Levi, Sir Luciano.”“Ayon na nga, ang dami na n’yang iniisip tapos magdadagdag pa siya ng babae.”“Sino pong babae?” Halata ang kuryusidad sa tinig ni Christine.“Hindi ko nga alam kung sino ‘yang babaeng kinalolokohan ng boss mo. Napapabayaan na tuloy niya ang kanyang trabaho.” Tugon ng lolo n