Alas singko pa lamang ng madaling-araw ay gising na si Nathalie. Pupunta kasi siya sa palengke para bilhin ang mga kakailanganin para sa lulutuing paboritong ulam ng kanyang tatay, ang kare-kareng laman at balat ng baka.Excited siyang nagbihis ng pang-alis at pagkatapos ay agad nang umalis na may suot na face mask at sumbrero. Malapit lang ang palengke sa apartment na tinitirhan niya kaya nilakad na lamang niya ito. Napansin niya na parang hindi natutulog ang mga tao sa Maynila dahil hindi halos nawawalan ng tao sa labas kahit malalim na ang gabi, o lalo na kapag papaumaga na.Mas marami pa ngang tao sa madaling-araw, dahil ang iba ay namamasada na ng jeep o tricycle. May mga nakikita naman siya na nagdedeliver na ng mga gulay at prutas. May mga sariwang isda din at bagong katay na karne at manok.Ibang-iba ito sa probinsiyang kinalakhan niya dahil alas diyes pa lamang ng gabi ay tahimik na sa kanilang lugar at ang iba pa nga, lalong-lalo na ang mga matatanda ay tulog na ng mas maaga
Hindi na nakapunta pa si Nathalie para dalhin ang nilutong ulam at makasabay sa pagkain ng almusal ang kanyang tatay dahil sumama siya sa kanyang tiyo Tonyo para pagbigyan ito sa huling pagkakataon para magpanggap bilang si Andeng.Ngunit bago iyon ay sinamahan muna siya nitong ipapalit ang cheke para makasigurado siya na hindi ito tatalbog. Nag-open na rin siya ng bagong account para doon muna ideposito ang kanyang pera."Oh ano, naniniwala ka ngayon s akin?" nakangising tanong dito ng kanyang tiyuhin at irap lang ang isinagot niya dito. Wala pa rin siyang tiwala sa mga ito.Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya habang nakatayo sa likod ng entablado kung saan hinihintay niyang tawagin siya ng kanyang tiyuhin. Kasalukuyan na kasi itong iniinterview ng mga reporters tungkol sa pagtakbo niya sa election bilang Mayor. Naririninig din niya ang iba na isinisingit ang pagtatanong tungkol sa scandal ni Andeng, pero isa man sa mga ito ay walang isinagot ang mag-asawa.Iyon ang dahilan kun
Paglabas ni Nathalie ay parang tumigil ang mundo niya nang makita kung gaano kadami ang taong naghihintay para makita siya. Napahinto naman ang lahat sa kanilang mga ginagawa. Lahat ng tao sa paligid niya ay napasinghap sa pagkabigla at ang kanilang mga mata ay nagpalipat-lipat sa pagitan nila ni Andrea, at hindi maikakaila sa mukha ng mga ito na halatang nagulat dahil sa nasaksihan. Natahimik ang paligid, at ang mga reporters ay namangha sa pagiging kalmado niya, pero lingid sa kaalaman ng mga ito ay sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. At sa patuloy na pagkislap ng mga camera ay nagsimulang sumakit ang kanyang mga mata kaya naman tumalikod siya sa mga ito.Muli siyang humarap nang marinig ang tanong ng isang reporter."Sino ka? Bakit mo ginagaya ang mukha ni Miss Andrea? Ikaw ba talaga ang babae na nasa viral video?" tanong ng isang matabang reporter.Saglit siyang nag-alinlangan bago sinulyapan si Tonyo, na binigyan siya ng babalang tingin. Huminga muna siya ng malalim, at na
Bakit nandito si Caleb? Nandoon din ba siya sa loob noong sinabi ko na ako 'yung nasa video? Naniniwala kaya siya doon?Base sa ekspresyon ng mukha nito habang nanlilisik ang mga matang nakatunghay sa kanya ay biglang nanlambot si Nathalie. Pero hindi niya inakalang ililigtas pa rin siya nito kahit nalaman nito na isa siyang maruming babae na sadyang wala namang katotohanan. At ngayon pa lamang ay ipinangako niya na sa sarili na iiwasan ang lalaking ito simula ngayon.Pinunasan niya ang kanyang basang mukha gamit ang likod ng kanyang kamay. Wala na siyang pakialam kung ano ang itsura niya sa harap ng lalakeng ito. Kanina bago siya humarap sa mga press ay pinintahan ang mukha niya ng pagkakapal-kapal na make-up kaya naman ngayong humulas na ito dahil sa ulan ay sigurado siyang nakakatawa ang itsura niya."Hey, are you okay?" tanong sa kanya ni Caleb, pero wala siyang maramdaman ni katiting na pag-aalala mula sa boses nito. Biglang lamig ng pakikitungo nito sa kanya, ibang-iba noong ang
"'Tay!" nanginginig ang buong katawan na sigaw niya. "Nasaan ang tatay ko? Ilabas niyo ang tatay ko!"Hindi siya naniniwalang patay na ito. Malakas pa ito noong huli silang magkita. Nakakatayo na nga ito eh. Malapit na itong gumaling. Actually, magaling na ito. Nanghihina lang ito dahil wala itong ginagawa at nasa loob lang lagi ng kwarto."Nanay Rosa, sabihin mo sa akin na hindi totoo ang sinasabi mo." kinuha niya ang dalawang kamay ng matanda at mahigpit na hinawakan ang mga ito. "Nanay Rosa, ikaw palagi ang kausap ng tatay ko. Masaya na siya dahil dinalaw ko di ba? Bakit 'nay? Sabihin mo sa akin kung anong nangyari?""Anak, makinig ka," nanginginig ang boses na sagot ng matanda. "Kahapon masayang-masaya pa kami ng tatay mo pagkagising at sobrang excited niya. Ang sabi niya maaga ka daw pupunta dito dahil sabay kayong mag-aalmusal. Ipagluluto mo daw siya ng paborito niyang kare-kareng balat at laman ng baka. Pagkatapos..." nauutal na ang matanda dahil sa pagpipigil nitong humagulgol
Paglabas ng kuwarto bitbit ang box ay napaupo sa isang sulok si Nathalie habang patuloy pa rin sa pag-iyak habang yakap ang box. Hindi niya kayang tignan ng matagal ang tatay niya. Kanina habang yakap-yakap niya ang katawan nito at habang humahagulgol siya ay hindi niya maiwasang maghinanakit dito.Madaming katanungan ang gumugulo sa isip niya. Bakit siya iniwang mag-isa? Ano ang nagtulak dito para gawin iyon? Bakit nito kinitil ang buhay nito?Kailangan niyang malaman ang katotohanan. Kailangan niya malaman ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon. Kaya naman agad niyang pinunasan ang luha sa kanyang mga pisngi at binuksan ang box kung saan nandodoon ang lahat ng gamit ng tatay niya.May nakita siyang mga susi, wallet, at pati na din ang wedding ring nito na hindi nito tinanggal kahit kailan. Mayroon din siyang nakitang mga tuyong bulaklak. Ang bulaklak na ibinigay niya noong unang beses niya itong dinalaw sa bahay kanlungan.Naghalungkat pa siya sa loob ng box at naagaw ng atensiyon
Sa mismong oras din na iyon ay inilabas mula sa kwarto ang tatay ni Nathalie. At ilang minuto lamang ang lumipas ay may ipinasok naman na isa pang pasyente sa kuwarto na ginamit nito.Agad na inayos ni Caleb ang lahat ng kakailanganin para madala agad ito sa Amerika gamit ang private jet ng mga Lopez."David, please take good care of the man. Ikaw na muna ang bahala sa kanya, okay? Kapag hindi na ako busy ay susunod ako sa Amerika. I need to be there at the engagement party tonight." utos niya kay David. Nasa airport na sila kasama ang limang doctor at tatlong nurse para mag-asikaso sa pasyente. "But sir, hindi niyo ba pwedeng ipostpone na muna ang engagement? Akala ko ba hindi pa kayo sigurado kay Miss Andrea?" nagtatakang tanong ni David sa kanya. "Everything's already prepared, David. Wala nang atrasan pa ito." he said, gently patting his personal assistant's shoulder. "Give me updates from time to time, okay?""Yes, sir." sagot ni David bago ito tumalikod at umakyat na sa privat
"Really man? Tuloy-tuloy na ba talaga ang kasal mo? Baka magsisi ka?" pabirong saad ni Daniel bago tinapik-tapik ang balikat ni Caleb na parang nakakaloko. "Baka matulad ka sa akin ha? Akala ko kasi kapag naikasal na, siya na talaga ang babae para sa akin habang-buhay.""Huwag mo akong itulad sa'yo. Babaero ka kasi." natatawa at napapailing na lamang ang binata sa tinuran ng kaibigan."Ako, babaero? Look who's talking!" sagot naman nito."Shut up! Nagbago na ako!" pabirong batok niya dito. Alam niyang umattend lang ng engagement party ang kaibigan para asarin siya."Nasaan nga pala si David?" tanong nito habang inililibot ang mga mata sa bulwagan habang salubong ang mga kilay nito at inisa-isa ang mga bisita sa loob. Ang lahat ay nakasuot ng magagarbong damit---mapa-dress or gown man ito, o mamahaling mga suit. Walang gustong magpatalo. Walang gustong masapawan.Hindi agad nakasagot si Caleb. Hindi pwedeng malaman ni Daniel ang pagpapadala niya sa lalaking nagligtas sa kanya sa Amerik
Inunang chineck ni Nathalie ang walk-in closet ni Andeng at isa-isa niya itong binuksan. Hinawi niya ang mga damit nito na nakahanger at pinagbubuksan ang mga drawer nito. Tinignan niya din kung nasa taas ba ito, pero wala siyang makita ni anino ng urn.Pagkatapos niya sa mga damitan nito ay sa lagayan naman ng mga sapatos siya nagcheck gamit ang flashlight ng cellphone, pero negative pa rin. Dumapa siya at naghanap din sa ilalim ng sofa at mesa sa loob ng kuwarto, pati na rin sa ilalim ng kama nito, pero wala talaga. Tatayo na sana siya mula sa pagkakadapa nang bigla niyang marinig na may nagbubukas ng pinto ng kuwarto. Agad niyang pinatay ang flashlight, at mabilis na gumulong siya sa ilalim ng kama para magtago.“Andrea?” boses iyon ni Daphne. “Andrea, what are you doing? Gabing-gabi na, ano na naman ang kinakalikot mo? Ang ingay-ingay, hindi ako makatulog.”Pero walang sumagot dito, kaya pumasok ito sa loob ng kuwarto ni Andeng, at napatakip naman siya sa bunganga niya habang si
Nabigla man si Nathalie sa ginawa ni Andeng sa kanya ay sisiguraduhin niyang hindi siya magpapatalo dito kahit nakaharap pa ang mga magulang nito.Mabilis na iwinasiwas niya ang kanyang bag at nasapol sa mukha ang pinsan, dahilan para mabitawan nito ang buhok niya, bago buong pwersang itinulak ito, at malalaglag na sana siya sa hagdan pababa sa basement kung hindi lang ito nasalo ni Tonyo na mabilis na tumakbo papunta sa kanila."Andrea!" nanlalaki ang mga matang sumugod din si Daphne at mabilis na niyakap ang stepdaughter pagkatapos itong mailigtas ni Tonyo. "Are you okay, sweetie? Oh my God, muntikan ka nang mahulog!""No, mommy, I'm not okay! Look at my face, it hurts!" Itinuro nito ang mukha na tinamaan ng kanyang bag at saka ito umatungal ng iyak at yumakap sa mag-asawa."Kung may gusto kang malaman sa akin tungkol sa mga nangyari sa amin ni Caleb, siguraduhin mo muna na marunong kang makipag-usap ng maayos at maging mabait sa akin!" pag-ismid niya dito, bago taas ang noong iniwa
Namumula ang mukha na umalis sa pagkakaupo sa kandungan ni Caleb si Nathalie at mabilis na dinampot ang kanyang bag bago binuksan ang pinto ng kotse. Narinig niya pa ang malalim na pagbuntong-hininga ng binata bago siya bumaba at pabagsak na isinarado ang pinto.Ano na naman itong ginawa niya? Dumadami na talaga ang kasalanan niya kay Andeng. Feeling niya ay pinagtataksilan niya ito, kahit na isa talaga ito sa plano niya at parte ng kanyang paghihiganti. Ang paluhain silang lahat ng dugo, pero bakit parang nakukonsensiya siya?Itinulak niya ang pinto ng gate at nakahinga siya ng maluwag nang mapagtantong bukas ito, kaya walang lingon-likod na dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay kahit nakita niya na hindi pa umaalis ang kotse ni Caleb. Pagsarado niya ng gate ay saka lang niya narinig na umalis na ito.Pagpasok sa sala ay sakto namang pababa sa hagdan si Andrea na nakasuot pa ng pajama at mukhang nagmamadali ito. Narinig siguro nito na may dumating na sasakyan kaya dali-dali it
Bumaba sila ni Mrs. Lopez na magkahawak ang mga kamay papunta sa dining room, at doon nga ay nakita ulit niya ang tatay ni Caleb na kamukhang-kamukha nito na nakapwesto sa pinakapuno ng mahabang mesa. Napakagaan ng awra ng mukha nito at hindi niya maiwasang maalala na naman ang tatay niya.Agad na ibinaba nito ang newspaper na hawak at tinignan sila ng may ngiti sa mga labi. "Good morning to both of you," bati nito sa kanila bago ito humalik sa asawa, at isang mahinang good morning naman ang isinagot niya dito.Nakaupo sa kaliwa nito ang babaeng anak ng mga ito na si Diane, at walang kangiti-ngiti sa mga labi nito na pinagmamasdan siya.Bigla siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito kaya nag-iwas siya ng tingin at itinuon ang pansin kay Caleb na agad silang ipinaghila ng upuan nang makita silang pumasok sa dining room at nang magtama ang mga paningin nila ay nang-aasar pang kinindatan siya nito.Pinandilatan niya ito ng mga mata at natatawang umupo ito sa tabi ni Diane."Dito ka mau
Nang maramdaman ni Caleb ang pantay na paghinga ni Nathalie, katunayan na nakatulog na ito ay dahan-dahan niyang inihiga ito sa kama. Pinagmasdan niya muna ang mukha nito ng ilang segundo, bago umakyat ang kanyang kamay at masuyong hinaplos ito.Magkamukha sila ni Andrea, pero mas maamo ang aura ni Nathalie. Nakuha man nitong kopyahin ang mukha ng pinsan,pero hindi nito maitatago ang inosenteng personalidad nito. Ang ngiti nitong napakaganda, ang mga labi nitong kaakit-akit sa paningin niya, at kaysarap halikan, at ang mga mata nitong parang nang-aakit kapag tinititigan siya.Caleb didn’t know how to hide his feelings from this girl anymore. No matter how much he tried to stop his heart from beating towards her, he had no idea why, but he just couldn’t.He tried his hardest to distract himself with work for the past few days, but no matter how much work he did, Nathalie would always slip into his mind. And it was starting to drive him crazy, kaya naman minabuti niyang magtrabaho sa ta
Pag-akyat ni Nathalie sa taas ay hawak-hawak ni Caleb ang kamay niya, at wala siyang magawa dahil nakatingin sa kanila ang nanay nito. Pero pagpasok nila sa kuwarto ng binata at nang maisarado ang pinto ay mabilis niyang hinila ang kamay at matalim ang mga matang tinignan ito.“Bakit ba ipinagpipilitan mo sa mommy mo na ako si Andrea?”singhal niya dito.“Ako?” itinuro ni Caleb ang sarili.”Ako ba talaga? Eh ikaw nga itong nag-umpisa, tapos ako ang sisisihin mo?” napapailing na saad nito bago naghubad ng damit sa harap niya.“A-anong ginagawa mo?” tanong niya dito bago umiwas ng tingin at humalukipkip.“As if namang hindi mo pa ito nakikita.” pinaikot nito ang mga mata. “But I have to tell you that my offer still stands. Be my wife, Nathalie.”Haharap na sana siya dito nang bigla itong maghubad ng pantalon. “Ayoko.” matigas na sagot niya. Hinding-hindi ako magpapakasal sa’yo.” “Sigurado ka na ba diyan?” narinig na naman niya ang nang-aasar na tono nito,at napalunok siya nang marinig ang
Nakaramdam ng sari-saring emosyon si Nathalie habang pauwi sila sa bahay ng mga Lopez at nakaupo siya sa likod ng kotse ng mga ito katabi ang ginang. Kakuwentuhan niya si Mrs. Lopez habang hawak ang kamay niya na giliw na giliw sa kanya. Paminsan-minsan ay nagtatanong ito at sinasagot naman niya ito ng may pilit na ngiti sa mga labi.At si Caleb na nakaupo sa harap nila ay pangiti-ngiti lang at palingon-lingon sa kanila na parang natutuwa pa ito sa nangyayari habang siya ay sobrang nerbiyos na at hindi mapakali sa kanyang kinauupuan.Kalahating oras ang itinagal ng biyahe nila bago sila nakarating sa malaking bahay ng mga Lopez. Isang maid ang nagbukas ng gate at maluwang ang ngiti na sinalubong sila nito at iginiya sa loob ng magara at malaking sala.Nagulat pa siya nang dalawa pang maid ang bumungad sa sala at may bitbit na mga tray. Ang isa ay mga baso na may lamang juice at iba pang inumin ang dala, samantalang ang isa naman ay iba’t ibang cookies and pastries ang laman ng dalang
"Hoy, Nathalie!" sigaw naman ng isa pang babae dito. "Ang bait ng pamilya ng pinsan mo sa'yo! Pinatuloy ka nila sa bahay nila at pinag-aral pa, tapos ito lang ang igaganti mo? Tignan mo nga 'yang suot mo. Binilhan ka pa ng mga branded na damit. Mas mabuti siguro kung ibalik mo na lang 'yung dati mong mukha at umalis ka na sa kanila. Hindi ka ba nahihiya na kinokopya mo ang lahat nang meron si Andrea?"Hindi sila pinansin ni Andrea, at nagpatuloy na lumapit sa kanila habang nakatitig ito kay Caleb. Pero ni hindi man lamang siya tinapunan ng tingin ng binata."Tignan mo. Bakit ganyan siya makatingin sa boyfriend ng pinsan niya? Parang nang-aakit." bulong ng isa pang babae, at alam ni Nathalie na dinig iyon ni Andrea at ng ibang tao doon."What are you doing here?" tanong dito ni Caleb nang makalapit siya, at halos manlumo siya sa malamig na tono ng kasintahan. "Di ba dapat nasa school ka pa ngayon at nag-aaral?"Kinagat ni Andrea ang pang-ibabang labi bago pailalim at matalim na tinigna
Mabilis ang mga kilos na nagsuot ng sapatos si Nathalie. Habang wala si Caleb ay pupuslit siya. Dadalawin niya si Jasmine at titignan niya kung tinupad nga ng kanyang tiyuhin ang nakasulat sa papel. Magaling lang ito sa salita, pero hindi ito tumutupad sa usapan.Akala siguro ng tiyuhin niya ay mababasa ni Caleb ang sulat nito sa kanya kaya nagpapagood shot na naman ito. Itinapon na niya sa basurahan ang sulat nito noong nakaraang araw at baka mabasa pa ito ng binata. Inayos niya ng dress at tumayo mula sa kama. Sana lang ay mamaya pa ang balik ng binata sa kuwarto niya. Hindi kasi siya makagalaw kapag nandito ang binata. Halos lahat ng galaw niya ay bantay na bantay nito. Ginagawa siyang parang bata. Dito na rin halos ito nagtatrabaho dahi lagi itong may bitbit na laptop. Kung tutuusin nga ay dapat noong isang araw pa siya nakalabas dahil hilom na halos lahat ng sugat niya, at nagfefade na rin ang mga marka sa balat niya.Mabuti na lamang at naisipang magdala ni Caleb ng make-up ka