"M-magbibihis muna ako..." bulong ni Nathalie habang nakatungo. Napansin niyang suot pa rin niya ang jacket ni Caleb. Ayaw niyang salubungin ang mga mata ng binatang nagligtas sa kanya. "Salamat nga pala sa pagligtas mo sa akin..."Tumango lamang si Caleb at saka sinundan ng tingin ang papalayong dalaga habang papunta ito sa locker room. Paglingon niya kay Daniel ay napansin niyang mabilis itong nagtatype ng message sa cellphone nito. Malamang ay gumagawa na naman ito ng dahilan sa asawa. Wala nang nagawa si Caleb kung hindi ang umiling at bumuntong-hininga ng malalim. Habang nakasandal sa dingding at hinihintay ang dalaga na lumabas ay biglang tumunog ang kanyang cellphone na nasa bulsa ng kanyang pantalon. When he checked it, he saw a message coming from Andrea."Hi, Caleb. Can I go to your office tomorrow?""Why?""I just want to see you. I miss you." at nagsend pa ito nang tila naiiyak na emoji."I'm busy. I'll just call you when I'm ready to see you." Sa sobrang busy niya sa pa
Nagulat sina Caleb at Daniel nang makarinig sila ng malakas na sigaw mula sa locker room kung saan naroon si Nathalie kaya naman dali-dali silang tumakbo papunta doon, ngunit napahinto sila nang makasalubong nila si Jane."Miss, anong nangyari?" tanong ni Daniel dito, ngunit dire-diretso lamang ang babae at hindi ito pinansin. Pero maagap si Caleb kaya naman nahuli niya ang isang braso nito at hinila ito palapit sa kanya. "Miss, tinatanong kita.""Ano ba! Bitawan mo ako!" sigaw ng babae at nagsimulang magpumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak niya."Jane?" tanong nito na agad nakilala ang babae. "What happened? Anong ginawa mo sa kanya?""Hindi ko alam. Wala akong ginawa sa kanya. Huwag mo akong pagbibintangan!" sigaw nito. Mababanaag sa mukha nito ang takot at nerbiyos. Pero bago pa man siya macorner nang dalawa at malaman na may ginawa siyang hindi maganda sa dalaga ay iwinasiwas niya ang kanyang kamay na hawak ni Caleb at agad na kumaripas paalis.Hinabol siya ni Daniel, at si C
"Tapos ko na ang pinapagawa mo, Bruno..." nakangising wika ni Jane sabay lahad ng palad sa harap nito. "Asan na ang pera ko? Gusto ko buo ha. Ayaw ko ng partial.""Ganun ba?" Tumango-tangong sagot ng bruskong lalake. "Nasaan na siya?""Hindi ko alam. Pero nakita ko lumabas siya ng locker room at tumakbo papunta sa backdoor." Sagot nito na hindi pa rin inaalis ang kamay sa harap nito. "Asan na? May customer pa 'ko."Pero imbis na bayaran siya ni Bruno ay itinulak siya nito ng malakas at saka patakbong lumabas ng club."Hoy Bruno! Bumalik ka dito! Ibigay mo sa akin ang pera ko, walanghiya ka!" galit na sigaw ni Jane habang bumabangon mula sa pagkakabagsak sa isang mesa bago niya ito hinabol ito, pero napaiyak na lamang siya nang bigla itong mawala sa kanyang paningin.Nanlulumong napasandal na lamang siya sa dingding. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng awa sa babaeng sinira niya ang mukha.Pag-ikot naman ni Bruno sa likod ng establisyemento ay agad niyang nakita si Nathalie na hawak-hawak
"Isipin mo itong mabuti, iha." nagulat pa siya sa tinig ni Daphne dahil sa sobrang lalim ng iniisip niya. "Kung may nangyaring masama sa'yo sa club na iyon, maililigtas mo pa ba ang tatay mo? Dito sa gagawin mong pagpapanggap bilang si Andrea, isang gabi lang ang ibibigay mo, iha. At sigurado makakaligtas na ang tatay mo. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? Isang gabi lang, Natnat. Pasalamat ka nga at hindi nakuha 'yang pinakaiingat-ingatan mo, eh di parang pinatay mo na din ang tatay mo kapag nangyari nga iyon."Sa sinabing iyon ni Daphne ay naningkit ang mata niya sa galit. Paano nasasabi ng babaeng ito ang ganoong bagay sa sitwasyon niya ngayon? Muntik na siyang mamatay. Ang tatay niya naman ay nasa bingit ng kamatayan."Anong sinabi mo?" nanggagalaiti sa galit na singhal niya dito. Wala na siyang pakialam kahit asawa pa ito ng tiyuhin niya. "Bawiin mo ang sinabi mo!""Hindi ko babawiin ang sinabi ko." nagmamatigas namang saad ni Daphne. "Gusto kong ipaintindi sa'yo kung ano ang p
Naging busy si Daphne sa mga sumunod na araw dahil inaayos niya ang mga papeles na kakailanganin sa paglipad nila ni Nathalie papuntang South Korea. Bumili din siya ng isang apartment kung saan plano niyang doon muna pansamantala maninirahan ang dalaga.Hindi ito pwedeng mag-stay sa kanyang bahay dahil hindi ito pwedeng makita ng ibang mga katulong.Baka sulsulan pa nila ito at magbalak na namang tumakas o kaya ay kung anong plano na naman ang mabuo sa isipan nito.Habang papunta sa hospital upang dalawin ang dalaga ay nakatanggap siya ng message mula sa cardiologist ni Roberto. "Hey,doc. How's Robert?" tanong niya dito."He's awake. You can visit him now...'' sagot naman ng doctor bago nito ibinaba ang tawag.Ang unang plano niya ay iuuwi muna niya si Nathalie sa apartment at doon na muna maghintay habang inaayos ang pagpunta nito sa Korea, pero dahil gising na si Berto ay dadalawin na lang muna niya ito.Dumaan muna siya sa isang supermarket at bumili ng mga prutas. Pagdating niya sa
Dumating na ang araw na pinakahihintay nila. Ang pagpunta ni Daphne at Nathalie sa South Korea upang ipaplastic surgery ang huli. Pero bago sila bumiyahe papunta sa airport ay hiniling muna ng dalaga na madalaw ang kanyang ama sa hospital at masilip man lamang ang kalagayan nito bago siya umalis."Bilisan mo. Huwag kang magpapakita sa kanya at baka malate tayo sa airport." Mahigpit na bilin sa kanya ni Daphne. "Baka mapurnada pa ang mga plano ko dahil sa inyong mag-ama."Tumango siya at naglakad na papasok ng hospital at papunta sa kwarto ni Berto. Habang daan ay hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata. Ilang buwan ding hindi niya makikita ang tatay niya, pero sinigurado naman ni Daphne na hindi niya ito pababayaan.Huminto siya sa tapat ng kuwarto nito bago siya dumungaw sa maliit na salaming dingding ng pinto. Inayos muna niya ang kanyang face mask at shades bago ibinalabal ang scarf sa ulo niya paikot sa kanyang leeg.Hindi siya pwedeng makilala ng tatay n
After five monthsAndrea was busy in front of her vanity mirror, applying lipstick to her lips, when the shrill ringing of her phone startled her. Upon glancing down at the caller ID, her eyes widened in surprise at the sight of Caleb's name.Clearing her throat, she answered the call with the sweetest voice she could muster. "Yes, Caleb?"Naging busy si Caleb sa iba't ibang business trips abroad and meetings with clients, kaya naman pakiramdam ni Andrea ay iniwan siya sa ere ng kasintahan. Ang huling pagkikita nila ay noon pang dumalaw ang mga ito sa bahay nila kasama ang parents nito.Tumatawag ito paminsan-minsan at kinakamusta siya. Pero mas madalas nitong itanong ang 'katulong' daw nila. Mukhang sumasagap lamang ito ng balita tungkol sa babaeng iyon, kaya siya nito tinatawagan. But he would always remind her that they would meet in no time and she should prepare herself.Kaya naman sa sobrang pagkainip ay nakipagdate siya kung kani-kanino, at nakipag-one-night stand sa mga lalaki
Habang naglalakad sa hallway papunta sa kwarto ni Caleb ay hindi maiwasan ni Nathalie na kabahan ng sobra-sobra dahil ito na ang pinakahihintay nilang sandali. Ang gabing kailangang maibigay niya ang lahat-lahat sa kasintahan ng kanyang pinsan.Hindi siya kailanman naging handa para sa gabing ito, pero para sa tatay niya ay gagawin niya ang lahat. Kaya naman lahat ng pag-aalinlangang nararamdaman ay isinantabi niya muna.Bago siya pumunta dito ay pinainom muna siya ni Daphne ng ilang shots ng brandy. Kahit na hindi siya umiinom ay napilitan siya dahil sabi nga ng asawa ng kanyang tiyuhin ay makakatulong daw ito pampakalma at pampalakas ng loob.But it turned out that the alcohol in her system did nothing to calm her, but instead made her nervous even more.Nang sa wakas ay nasa tapat na siya ng pinto ng kwarto ng binata nang eksaktong alas-diyes ay huminga muna siya ng malalim at saka itinaas ang kanang kamao para kumatok, ngunit hindi pa dumidikit ang kanyang balat sa pinto ay bigla
Inunang chineck ni Nathalie ang walk-in closet ni Andeng at isa-isa niya itong binuksan. Hinawi niya ang mga damit nito na nakahanger at pinagbubuksan ang mga drawer nito. Tinignan niya din kung nasa taas ba ito, pero wala siyang makita ni anino ng urn.Pagkatapos niya sa mga damitan nito ay sa lagayan naman ng mga sapatos siya nagcheck gamit ang flashlight ng cellphone, pero negative pa rin. Dumapa siya at naghanap din sa ilalim ng sofa at mesa sa loob ng kuwarto, pati na rin sa ilalim ng kama nito, pero wala talaga. Tatayo na sana siya mula sa pagkakadapa nang bigla niyang marinig na may nagbubukas ng pinto ng kuwarto. Agad niyang pinatay ang flashlight, at mabilis na gumulong siya sa ilalim ng kama para magtago.“Andrea?” boses iyon ni Daphne. “Andrea, what are you doing? Gabing-gabi na, ano na naman ang kinakalikot mo? Ang ingay-ingay, hindi ako makatulog.”Pero walang sumagot dito, kaya pumasok ito sa loob ng kuwarto ni Andeng, at napatakip naman siya sa bunganga niya habang si
Nabigla man si Nathalie sa ginawa ni Andeng sa kanya ay sisiguraduhin niyang hindi siya magpapatalo dito kahit nakaharap pa ang mga magulang nito.Mabilis na iwinasiwas niya ang kanyang bag at nasapol sa mukha ang pinsan, dahilan para mabitawan nito ang buhok niya, bago buong pwersang itinulak ito, at malalaglag na sana siya sa hagdan pababa sa basement kung hindi lang ito nasalo ni Tonyo na mabilis na tumakbo papunta sa kanila."Andrea!" nanlalaki ang mga matang sumugod din si Daphne at mabilis na niyakap ang stepdaughter pagkatapos itong mailigtas ni Tonyo. "Are you okay, sweetie? Oh my God, muntikan ka nang mahulog!""No, mommy, I'm not okay! Look at my face, it hurts!" Itinuro nito ang mukha na tinamaan ng kanyang bag at saka ito umatungal ng iyak at yumakap sa mag-asawa."Kung may gusto kang malaman sa akin tungkol sa mga nangyari sa amin ni Caleb, siguraduhin mo muna na marunong kang makipag-usap ng maayos at maging mabait sa akin!" pag-ismid niya dito, bago taas ang noong iniwa
Namumula ang mukha na umalis sa pagkakaupo sa kandungan ni Caleb si Nathalie at mabilis na dinampot ang kanyang bag bago binuksan ang pinto ng kotse. Narinig niya pa ang malalim na pagbuntong-hininga ng binata bago siya bumaba at pabagsak na isinarado ang pinto.Ano na naman itong ginawa niya? Dumadami na talaga ang kasalanan niya kay Andeng. Feeling niya ay pinagtataksilan niya ito, kahit na isa talaga ito sa plano niya at parte ng kanyang paghihiganti. Ang paluhain silang lahat ng dugo, pero bakit parang nakukonsensiya siya?Itinulak niya ang pinto ng gate at nakahinga siya ng maluwag nang mapagtantong bukas ito, kaya walang lingon-likod na dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay kahit nakita niya na hindi pa umaalis ang kotse ni Caleb. Pagsarado niya ng gate ay saka lang niya narinig na umalis na ito.Pagpasok sa sala ay sakto namang pababa sa hagdan si Andrea na nakasuot pa ng pajama at mukhang nagmamadali ito. Narinig siguro nito na may dumating na sasakyan kaya dali-dali it
Bumaba sila ni Mrs. Lopez na magkahawak ang mga kamay papunta sa dining room, at doon nga ay nakita ulit niya ang tatay ni Caleb na kamukhang-kamukha nito na nakapwesto sa pinakapuno ng mahabang mesa. Napakagaan ng awra ng mukha nito at hindi niya maiwasang maalala na naman ang tatay niya.Agad na ibinaba nito ang newspaper na hawak at tinignan sila ng may ngiti sa mga labi. "Good morning to both of you," bati nito sa kanila bago ito humalik sa asawa, at isang mahinang good morning naman ang isinagot niya dito.Nakaupo sa kaliwa nito ang babaeng anak ng mga ito na si Diane, at walang kangiti-ngiti sa mga labi nito na pinagmamasdan siya.Bigla siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito kaya nag-iwas siya ng tingin at itinuon ang pansin kay Caleb na agad silang ipinaghila ng upuan nang makita silang pumasok sa dining room at nang magtama ang mga paningin nila ay nang-aasar pang kinindatan siya nito.Pinandilatan niya ito ng mga mata at natatawang umupo ito sa tabi ni Diane."Dito ka mau
Nang maramdaman ni Caleb ang pantay na paghinga ni Nathalie, katunayan na nakatulog na ito ay dahan-dahan niyang inihiga ito sa kama. Pinagmasdan niya muna ang mukha nito ng ilang segundo, bago umakyat ang kanyang kamay at masuyong hinaplos ito.Magkamukha sila ni Andrea, pero mas maamo ang aura ni Nathalie. Nakuha man nitong kopyahin ang mukha ng pinsan,pero hindi nito maitatago ang inosenteng personalidad nito. Ang ngiti nitong napakaganda, ang mga labi nitong kaakit-akit sa paningin niya, at kaysarap halikan, at ang mga mata nitong parang nang-aakit kapag tinititigan siya.Caleb didn’t know how to hide his feelings from this girl anymore. No matter how much he tried to stop his heart from beating towards her, he had no idea why, but he just couldn’t.He tried his hardest to distract himself with work for the past few days, but no matter how much work he did, Nathalie would always slip into his mind. And it was starting to drive him crazy, kaya naman minabuti niyang magtrabaho sa ta
Pag-akyat ni Nathalie sa taas ay hawak-hawak ni Caleb ang kamay niya, at wala siyang magawa dahil nakatingin sa kanila ang nanay nito. Pero pagpasok nila sa kuwarto ng binata at nang maisarado ang pinto ay mabilis niyang hinila ang kamay at matalim ang mga matang tinignan ito.“Bakit ba ipinagpipilitan mo sa mommy mo na ako si Andrea?”singhal niya dito.“Ako?” itinuro ni Caleb ang sarili.”Ako ba talaga? Eh ikaw nga itong nag-umpisa, tapos ako ang sisisihin mo?” napapailing na saad nito bago naghubad ng damit sa harap niya.“A-anong ginagawa mo?” tanong niya dito bago umiwas ng tingin at humalukipkip.“As if namang hindi mo pa ito nakikita.” pinaikot nito ang mga mata. “But I have to tell you that my offer still stands. Be my wife, Nathalie.”Haharap na sana siya dito nang bigla itong maghubad ng pantalon. “Ayoko.” matigas na sagot niya. Hinding-hindi ako magpapakasal sa’yo.” “Sigurado ka na ba diyan?” narinig na naman niya ang nang-aasar na tono nito,at napalunok siya nang marinig ang
Nakaramdam ng sari-saring emosyon si Nathalie habang pauwi sila sa bahay ng mga Lopez at nakaupo siya sa likod ng kotse ng mga ito katabi ang ginang. Kakuwentuhan niya si Mrs. Lopez habang hawak ang kamay niya na giliw na giliw sa kanya. Paminsan-minsan ay nagtatanong ito at sinasagot naman niya ito ng may pilit na ngiti sa mga labi.At si Caleb na nakaupo sa harap nila ay pangiti-ngiti lang at palingon-lingon sa kanila na parang natutuwa pa ito sa nangyayari habang siya ay sobrang nerbiyos na at hindi mapakali sa kanyang kinauupuan.Kalahating oras ang itinagal ng biyahe nila bago sila nakarating sa malaking bahay ng mga Lopez. Isang maid ang nagbukas ng gate at maluwang ang ngiti na sinalubong sila nito at iginiya sa loob ng magara at malaking sala.Nagulat pa siya nang dalawa pang maid ang bumungad sa sala at may bitbit na mga tray. Ang isa ay mga baso na may lamang juice at iba pang inumin ang dala, samantalang ang isa naman ay iba’t ibang cookies and pastries ang laman ng dalang
"Hoy, Nathalie!" sigaw naman ng isa pang babae dito. "Ang bait ng pamilya ng pinsan mo sa'yo! Pinatuloy ka nila sa bahay nila at pinag-aral pa, tapos ito lang ang igaganti mo? Tignan mo nga 'yang suot mo. Binilhan ka pa ng mga branded na damit. Mas mabuti siguro kung ibalik mo na lang 'yung dati mong mukha at umalis ka na sa kanila. Hindi ka ba nahihiya na kinokopya mo ang lahat nang meron si Andrea?"Hindi sila pinansin ni Andrea, at nagpatuloy na lumapit sa kanila habang nakatitig ito kay Caleb. Pero ni hindi man lamang siya tinapunan ng tingin ng binata."Tignan mo. Bakit ganyan siya makatingin sa boyfriend ng pinsan niya? Parang nang-aakit." bulong ng isa pang babae, at alam ni Nathalie na dinig iyon ni Andrea at ng ibang tao doon."What are you doing here?" tanong dito ni Caleb nang makalapit siya, at halos manlumo siya sa malamig na tono ng kasintahan. "Di ba dapat nasa school ka pa ngayon at nag-aaral?"Kinagat ni Andrea ang pang-ibabang labi bago pailalim at matalim na tinigna
Mabilis ang mga kilos na nagsuot ng sapatos si Nathalie. Habang wala si Caleb ay pupuslit siya. Dadalawin niya si Jasmine at titignan niya kung tinupad nga ng kanyang tiyuhin ang nakasulat sa papel. Magaling lang ito sa salita, pero hindi ito tumutupad sa usapan.Akala siguro ng tiyuhin niya ay mababasa ni Caleb ang sulat nito sa kanya kaya nagpapagood shot na naman ito. Itinapon na niya sa basurahan ang sulat nito noong nakaraang araw at baka mabasa pa ito ng binata. Inayos niya ng dress at tumayo mula sa kama. Sana lang ay mamaya pa ang balik ng binata sa kuwarto niya. Hindi kasi siya makagalaw kapag nandito ang binata. Halos lahat ng galaw niya ay bantay na bantay nito. Ginagawa siyang parang bata. Dito na rin halos ito nagtatrabaho dahi lagi itong may bitbit na laptop. Kung tutuusin nga ay dapat noong isang araw pa siya nakalabas dahil hilom na halos lahat ng sugat niya, at nagfefade na rin ang mga marka sa balat niya.Mabuti na lamang at naisipang magdala ni Caleb ng make-up ka