"Hmm? Ang ibig mong itanong ay kung paano ko nasabi na Tyrant ang Duke?" Na ipilig ni Soly ang ulo ng mag-tanong. "Tell me." Bagamat hindi napansin ni Soly, bahagyang lumamig ang boses ni Lucy ng oras na yun. Nabuo sa kanyang dibdib ang pagnanais na malaman ang ibig sabihin ng salitang binitawan ni Soly. "Hindi ka nga pala originally na taga-rito. Pwes! Makinig ka My Lady." Umayos ng upo si Soly bago nagpatuloy. "Si Duke Eckiever Arkhil ay kapatid ng dating Reyna ng Prekonville. At anak ng tinaguriang Lion ng digmaan. Ng mamatay ang kanyang mga magulang sa edad na lima, naka-hiligan na ng Duke ang mag-ensayo ng espada." "Five years old!?" Gulat na bulalas ni Lucy. "Yes! At ito pa. Ng tumuntong siya sa edad na 7,namatay naman ang kanyang Ate, I mean ang Reyna, pagkatapos manganak sa Crowned prince. Simula nong araw na yun, hindi na nakakausap ng mga taga-silbi ng Dukedom ang batang Duke. Hanggang sa tumuntong siya sa edad na labing-dalawa." "What happened?" Natuon na nga a
"Babae'ng pinag-sasabi mo? Alam mo nang ayaw ngang malapitan ng babae yan diba?" Sagot ni Von na nag-simula na ring mag-linis. "Tigilan mo na ang kakaisip ng imposible, tulungan mo na lang ako dito para makauwi na tayo. Gusto ko ng magpahinga, aba!" Naka-pout na kumilos ang napapa-isip pa rin na si Edward. Samantala.. Mabilis na pinapatakbo ni Eckiever ang kanyang kabayo kahit nga ba hindi pa rin mapakali ang kanyang isip. Hanggang sa nga sandaling iyon kasi ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip ang sinabi ni Estacie. Nagtataka si Eckiever kung bakit hindi natatakot ang dalaga na pwede nga niya itong parusahan ng kamatayan. Bakit ba parang malakas ang loob ng babae hindi ito mapaparusahan? Napapaisip din si Eckiever na baka ang dahilan ng pagmamataas ni Estacie ay dahil apo ito ng Hanvoc family. Subalit imposible ding mangyari iyon dahil simula ng mapangasawa ng anak ng Hanvoc ang Baron, tinalikuran na ng Pamilya Hanvoc ang anak. Ayun sa sinabi ng Ate ni Eckiever noon bago
Nagkagulo ang mga kawal at tauhan ng Dukedom ng dumating sila Estacie Na bitbit ang walang malay na Duke. Bagamat sobrang putla na ng lalake. Siguro ay dahil sa lason na nasa loob ng katawan nito. Kanina, bago sila dumiritso sa Dukedom, dumaan muna sila sa bahay ni Estacie at kumuha ng telang ibabalot sa katawan ng Duke. Ayaw niyang idisplay ang katawan ng Duke sa kalsada habang tumatakbo ang kabayo. Mabuti na lang malaki ang kabayo ng Duke, nakaya silang tatlo. Well, hindi rin naman sila mabigat ni Elena. "Miss. Estacie Somyls!" Sigaw ng isang lalakeng nakasuot ng kulay itim na long-sleeves at itim din na pambaba. Hindi niya alam kung paanong nakilala siya ng lalake pero wala na siyang pakialam doon. Hindi rin naman niya ito kilala. "Kung lumapit ka sa akin para magpasalamat, hindi ako ang dapat mong pasalamatan kundi ang dalagita na nasa tabi ko, Mr. Siya ang unang nakakita sa Duke at nagpa-tulong lang sa akin dahil hindi siya marunong magpatakbo ng kabayo." Awat ni Estacie sa
Sapo ni Estacie ang kanyang noo habang sakay ng kalesa na mag-hahatid sa kanila ni Elena pabalik sa mismong bahay ni Estacie. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nahilo kanina at nawalan ng malay. Nang magkamalay nga siya, napapalibutan na siya ng mga doktor ng Dukedom pati na rin ang Butler ng Palasyo. Naalala pa niya kung paanong halos yakapin na siya ng doktor upang hindi siya umalis. Habang ang Butler naman ay nagmama-kaawang wag siyang umalis. Natatandaan din niya ang salitang binitiwan niya sa mga ito. "Kung totoo nga ang sinasabi ninyo na isa akong Saint, then i have a request bilang kabayaran sa pagliligtas ko sa amo ninyo." Noong una ay natigilan ang mga ito, subalit napilitan ding sumang-ayon sa sinasabi niya at tinanong pa nga si Estacie kung ano daw ang hiling niya. "I want only you-the people who witnessed what happened, to know what I did. Ayaw kong lalabas ang balitang pinagaling ko ang Duke." Yan ang sinabi niya. Tinanong pa nga siya ng Butler kung sasabihin
"Hindi na ba kayo nahihiya sa mga tao? Naturingang myembro kayo ng Noble family! Somyls!" Mariin ang pagkaka-bigkas ng Baron sa kanyang bawat salita. "Hindi ba at pinalayas mo na ako sa bahay, Mr. Somyls? Ang pinagsasabihan mo ba ang mag-ina mo?" Napa-singhap ang dalawang babae na naka-salampak sa lupa. Ang mga tao naman na sa paligid ay napa-takip ng mga bibig. Ang Baron ay dumilim ang mukha habang naka-titig sa kanya. "Elvidio, maawa ka kay Estacie. Intindihin mo siya. Alam ko, nagkakaganyan siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na wala na ang kanyang tunay na ina." Mabilis na nakatayo si Juvilina at humawak sa braso ng Baron. "Tama ang Mama, Papa. Ramdam ko na hindi nya pa nakakalimutan ang Mama nya. Kung ako din ang sa kalagayan niya, malamang ay sasaktan ko rin ang ipapalit mo sa aking Mama." Dugtong naman ni Lucy na hindi naman tumayo. Sa sinabi ni Lucy, alam ni Estacie na iba ang pagkaka-intindi ng mga tao. Parang sinabi na kasi ni Lucy na sinasaktan
"Hindi mo masagot si Papa? Siguro tama ang hinala ni Papa na kumapit ka na sa lalake para may makain." Sabi ni Lucy na talagang kumuha ng atensyon ni Estacie. Kumapit sa lalake? Bakit parang baliktad ata? Sa pagkakatanda ni Estacie sa unang araw na napadpad siya sa Prekonville, si Lucy at ang Crowned prince ang nagpakidnap sa totoong Estacie para patayin. Patayin upang mawala na sa landas nilang dalawa. Alam ni Lucy na si Estacie ang fiance ng Prinsipe subalit nagawa netong akitin ang lalake. Sabagay, perfect match naman talaga sila. Napatingala si Estacie at isang pekeng halakhak ang kumawala sa kanyang bibig. "Ako? Kumapit sa lalake para may makain?" Dahan-dahan siyang humarap sa mga ito. "Kung kapatid ng adopted mother mo ang may-ari ng bahay na tinitirhan mo, pagkapit sa lalake ang tawag dun? Eh ano naman ang tawag sa ginawa ng mama mo? Sumama dito sa dating asawa ng Mama ko, dahil walang makain sa isla na pinanggalingan nyo?" Taas ang kilay na tanong niya. Mga salitang nagp
Malakas na humagulgol ng iyak si Lucy habang yakap-yakap ni Juvilina. Ang Baron naman ay pasimpleng sinulyapan si Estacie na kasalukuyang nagpapag-pag ng damit na may mga tuyong dahon dahil sa ginawa. Hindi man lang binigyang pansin ng dalaga ang bagong dating. "Baron?" Pag-uulit ng Duke nang hindi sumagot ang tinanong. Isang buntong hininga ang ginawa ni Estacie bago isinuklay ang mga daliri sa sariling buhok. Medyo nagulo yun dahil sa pagsabunot sa kanya ni Lucy kanina. Kahit papano ay nabawasan ang tinitimping galit niya sa babae. Tungkol sa sinabi niyang pagtatalik ni Lucy at ng Crowned prince, totoo yun. Nakita talaga niya-este ng totoong Estacie ang nangyari. Isang gabing iniyakan ng totoong Estacie ang kanyang nakita."Pasensya na Duke Arkhil. Hindi ko nagawang kontrolin ang mag-ina ko ng sumugod sila dito sa bahay ng anak kong si Estacie." Sa wakas ay nahanap na narin ng Baron ang sariling boses. Pero lahat ng naroon kasama si Estacie ay literal na napa-tingin sa Baron.
Naka-sulyap si Estacie sa kalangitan bago muling tumingin sa labas ng gate. May ilan sa mga ito ang umiiyak habang ang ilan ay naka-tulala habang nakasalampak sa lupa. Natatakot ang mga ito sa maaring gawin ng kapatid ng kanyang bagong ina-inahan. Alam ni Estacie na hideout lang ni Clewin ang bahay na tinitirhan nila ni Vista sa ngayon, kaya nga malayo ito sa kabayanan. Kundi ba naman kasi sa Duke, malamang ay hindi malalaman ni Lucy ang bahay. Tungkol nga pala sa Duke na nakatayo sa harapan ni Estacie, kanina pa niya ito hindi pinapansin dahil nga masyado pang magulo ang isip niya. Galit din siya dahil nga, hindi naman mangyayari ang gulo kanina kung hindi dinala ng lalake si Lucy doon. Tapos medyo napapa-isip pa si Estacie tungkol sa Saint's healing power na meron daw siya, ayun sa doktok ng Dukedom. "Kung gusto mong makausap si Uncle Clewin, hintayin mo siya, My Lord. Tutal naman, kailangan mong magpaliwanag sa kanya kung paano nalaman ng anak ni Barones Somyls ang lugar na ito."
Ilang sandali na hindi naka-imik si Elena. Nakatayo lang siya habang nakikinig sa mahinang pag-hikbi ni Clewin sa leeg niya. Para siyang natuklaw ng ahas ng marealize ang mga sinabi ng binata. So, naaalala na ni Clewin ang lahat ng nangyari 2 months ago? Ngayon lang ba niya naalala o simula't sapul, ay hindi naman talaga nakalimutan ng binata ang lahat? "Sir Clewin.." Tawag niya sa pangalan ng binata. "Hmm?" "Hindi mo nakalimutan ang gabing yun, tama ba ako?" Ilang segundo bago gumalaw si Clewin. Dalawang beses itong tumango kasabay ng pag-higpit ng yakap neto sa katawan ni Elena. "Then why did you act like nothing happened?" Parang hindi na naghiwalay ang mga labi ni Elena habang nagsasalita. Bumilis na din ang tibok ng kanyang puso dahil sa tinitimping galit para sa lalaki. "I was scared.. And guilty at the same time. I'm sorry.. I was a coward." Hindi alam ni Elena kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling yun. Galit siya, yes. Pero may kung ano pang pakiramdam ang hindi
Dala ng pinaghalong galit, sama ng loob at gulat, malakas na naitulak ni Elena si Clewin upang makawala dito. Tsaka walang babala na malakas niya itong sinampal. Sampal na nagpa-pabalik sa katinuan ni Clewin. Pero sandali lang naman, dahil muling dumilim ang anyo ng binata at tsaka walang sabi-sabing tinalikuran si Elena at muling pumasok sa loob ng reception. Naiwan si Elena na tutop ang dibdib at bibig. Napapa-iyak dahil sa sama ng loob. Sino ba namang hindi magagalit? Ang lalaking pumwersa sa kanya two months ago ay walang maalala. Tapos, bigla na lang niya nalaman, a month ago na engaged na rin ito. She was trying her best to move on and hide the nightmare she've been through, pero heto ngayon at bigla na lang netong sasabihin na naalala neto ang nangyari? Ngayon lang? Ngayon na kung saan tanggap na niya ang sitwasyon niya? She is maybe young, but her mind and heart are all matured. Naging matured sya simula noong araw na makilala niya si Estacie habang may sakit ang kanyang
Sa gitna ng malawak na hardin ng dukedom, nakapalibot ang matataas na pine tree na inobrahan ng maihahalintulad sa isang malapad na bakuran. Sa entrada ng nasabing pine tree yard ay naka-arko ang buhay na halaman na maihahalintulad sa rose, bagamat walang tinik ang mga sanga. Sa bawat dampi ng hangin sa bulalak na kulay dilaw, ay ang paglaganap ng mahalimuyak na amoy na nang-gagaling sa bulaklak. Pag-pasok mo sa nasabing entrada, naghihintay ang isang metrong lapad ng marble na pinag-dugtong dugtong upang maabot ang pinaka-altar sa unahan. Yes, narito tayo sa lugar kung saan idadaos ang engrandeng kasal ng dalawang pusong pinag-tambal ng pasaway na tagapag-bantay ng mahiwagang lagusan ng paraiso. Suot ni Estacie ang kulay puting damit pangkasal na gawa sa silk at laces. Nilagyan ng totoong diamond na kinuha at inipon mula sa Dukedom treasury. Sa bawat bahagi ng nasabing aisle, naghihintay ang mga pinaka-mahahalagang tao na naging parte ng buhay ng dalawang ikakasal. At sa hilira
Halos hindi magkanda-ugaga ang mga doktor ng Dukedom ng bigla na lang silang ipatawag ng Duke sa Somyls mansyon. Nakarating din sa prinsesa ng Prekonville ang nasabing pagpa-patawag kaya kahit si Sylvia ay nag-aalalang nag-dala ng Imperial doctor sa Somyls mansyon. Subalit ang pag-aalala ay napalitan ng samot-saring pakiramdam ng makita ang sitwasyon ng kaibigang si Estacie. Her friends has bite marks on her neck, and even on her thighs. Lalong namilog ang kanyang mga mata ng makita ang mga putol-putol na dahon ng damo at dahon ng puno sa buhok ng kaibigan. "S-sinong hayop ang gumahasa sa kaibigan ko?! Tell me! I will punish him to death!" Bulyaw ni Sylvia sa Uncle na Duke na kasalukuyang naka-ngiti na parang baliw. Napa-iwas naman ng tingin si Estacie sa kaibigan habang ang nga doktor ng dukedom ay lihim na pinagpapawisan habang lihim din na nagbubunyi. "Napaka-walang puso ang hayop na gumahasa sa kaibigan ko. Uncle! Kailangan nating mahanap ang kung sino mang may gawa neto!" Ma
"We-we can do it at home.. Bakit kaya hindi-" Napa-singhap na lang si Estacie ng muling sakupin ni Eckiever ang kanyang labi. Kasunod ng pag-angat nito sa kanyang saya. "Damn it..!" Ani Eckiever bago pansamantalang humiwalay sa katawan ni Estacie. Akala ng dalaga ay titigil na si Eckiever pero nanlaki ang kanyang mga mata ng ikumpas ng lalaki ang kamay at pumaikot sa kanila ang kulay violet na usok. At sa isang kisapmata lang, natuklasan na lang ni Estacie na wala na silang saplot. "W-what.. H-hey!" Hindi niya tuloy alam kung ano ang tatakpan. But of course hindi ang mga mata niya. Lalo na at ang ganda ng tanawin na nakikita niya. "What? Natatakot ka na? Pagkatapos mong buhayin ang tinitimpi kong self control?" Paos at habol ang hininga na sambit ni Eckiever. His bloodshot eyes stares at her as if she's his prey. Ilang beses ding binasa ng binata ang sariling labi habang pinapasadahan siya ng tingin mula sa mata hanggang sa paa. Nakita pa ni Estacie kung paano gumalaw ang Adams
Parang mabubuwal na napa-atras si Estacie ng isang hakbang. Habang si Eckiever naman lalong humigpit ang hawak sa kanyang espada. Tiim ang mga bagang na sinisikap intindihin ang reaksyon ng dalaga sa kanyang harapan. Iqlqng sandali pa, tumuwid na rin ng tayo si Estacie at tsaka napa-sulyap sa kabayo sa di kalayuan. "Take me home." Aniya. Napa-hugot naman ng hininga si Eckiever at kalamadong ibinalik sa puluhan kanyang espada. Pagkatapos ay inialok ang kamay kay Estacie upang alalayan itong lumakad palapit sa kabayo. "No thanks, kaya kong lumakad mag-isa." Malamig na sagot ni Estacie bago nagpatiuna lumakad. Naiwan si Eckiever na napa-tulala. This kind of treatment, ganitong-ganito si Estacie noong una palang silang magkakilala. The coldness, it's chilling his bones. "Let's talk." Sa wakas, natanggal na ang barrier ng pag-titimpi ng binata. "I said, I wanna go home. Gusto ko mag-pahinga. Saka na tayo mag-usap." Sagot ni Estacie habang patuloy na lumalakad. Naikuskus ni Eckieve
A while ago. Parang gustong sumabog ni Eckiever ng makitang umiiyak si Estacie sa loob ng silid. Inisip niya na umiiyak ang dalaga dahil nasasaktan ito sa pagkamatay ng dating nobyo. Sa pag-iisip na mahal pa ni Estacie ang dating prinsipe, naramdaman ni Eckiever sa kauna-unahang pagkakataon ang sakit sa dibdib na bago lang niya naramdaman. "Jessa ang pangalan ko, Jessa Derylin. I'm from the future." Nang marinig niya ang katagang yan.. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot. Kaya nag desisyon siyang lumabas ng silid upang makapag-isip. However, biglang dumating ang taga-sunod ng hari at ipinatawag siya. "Nakatanggap ako ng balita na kasalukuyang lumilibot sa labas ng Prekonville ang anak ng dating pinuno ng Escorpion. Malakas ang kutob ko na ang anak ng Baron na si Estacie Somyls ang kanilang target." Nang marinig ni Eckiever ang sinabi ng hari. Bigla siyang natigilan. Kung si Estacie Somyls ang target ng Escorpion, then, th
Kanina pa natapos ang paghahatol pero kanina pa rin walang imik si Estacie. Nasa loob siya ng isang silid sa loob ng palasyo. Si Eckiever naman ay ipinatawag ng hari pagkatapos na pagkatapos ng paghahatol. Habang mga kasundaluhan ay patuloy na nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanilang mga ka-baro ng malaman ang totoong nangyari. "I'm sorry..." Paulit-ulit na nagre-replay sa isip ni Estacie ang huling salitang binitawan ni Sinylve. At malinaw din sa kanyang isip ang luhang tumulo mula sa mga mata ng binata. Ramdam ni Estacie ang paninikip ng kanyang dibdib. Reaksyon ba yun ng katawan ng totoong Estacie? "I'm sorry.." Napapikit si Estacie ng muling maalala ang huling salitang binitawan ni Sinylve. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Maaring hindi nga siya ang totoong Estacie, pero nararamdaman niya ang sakit ng kanyang dibdib nga mga sandaling yun. Ibig sabihin ba, minahal talaga ni Estacie ang prinsipe noon? Maari. "Why are you crying?" Malamig ang boses ng Duke ng mapagbuksan ang
"1st battalion Commander?!" Parang nakakita ng multo na bulalas ni Sinylve. "Your Majesty, The king, Your Majesty Princess Sylvia." Sabay na pag-bati ni Eckiever at Estacie sa mga bagong dating. Tango lang ang iginanti ng hari habang si Sylvia naman ay matamis na ngumiti kay Estacie. "F-father.. P-paanong kasama nyo ang-" "Knights! Capture this traitor!" Malakas na sigaw ng hari na nagpa-putla sa mukha ni Sinylve. "Father, wait! At least t-tell me what's going on! I won the battle, hindi ba dapat ay ibalik mo na sa akin ang dati kong titulo-ugh!" Isang malakas na sampal ang naging sagot ng hari. "You son of a bitch! Wala akong anak na traydor at kayang gawin ang nakakasukang ginawa mo sa kasundaluhan ng Prekonville!" Sigaw ng hari na malinaw pa bukal ng tubig ang galit. "Bring him to the palaaa to receive his death punishment!" Kahit nagpapalag at sumisigaw walang nagawa si Sinylve ng agawin ng Imperial knights ang kanyang espada at tsaka siya kinaladkad habang sumusunod sa h