JACK WAS THE kind of man na mapapaamo kahit ang pinakamalditang babae sa balat ng lupa—ganito ilarawan ni Shaira ang lalaki. Maya could see it. Napaka-friendly ng binata. Gentleman din, maasikaso pero… “Maling babae ang pinagtutuunan niya ng pansin, Shai.” She let out a frustrated sigh. Wala siyang maipintas sa binata, kung ‘di iyon lang. “Ano ka ba? He’s just friendly to all women around him. Porke ba may asawa ka na, tingin mo hindi mo na deseve ang gano’ng treatment sa ibang lalaki? Be mature, Maya!” Wala namang imikan si Yanna na abala sa lunch nito. Mukhang naririndi ito sa mga sinasabi ni Shai. Simula pa nang makauwi sila mula sa resort, walang bukambibig si Shaira kung hindi “kumusta si Jack” para sa kanya, at kung hiningi daw ba ang number niya. Si Jack kasi ang naghatid sa kanya sa tinutuluyang apartment, sa utos na rin ni Shaira. Hindi naman ito nagpumilit na pumasok sa bahay niya though he asked nicely kung pwede makainom ng tubig before he could go on his way home.
ILANG ARAW nang nag-aalala si Miguel kay Maya. Matapos nitong ipaalam sa kanya na tuloy na ang pag-resign nito sa trabaho ay hindi niya na ito ma-contact. Tinanong niya rin ang mga kaibigan nito na sina Yanna at Shaira, pero ang tanging sagot lang ng dalawa ay nag-resign na si Maya at wala na silang balita.Sakto naman na binigyan sila ng tatlong araw na pahinga habang nakaangkla ang barko na pinagtatrabahuhan nila.Kahit para sa pagre-relax at magpapakasaya ang tatlong araw na iyon, nagpaalam siya sa mga kasamahan na gusto niya mapag-isa. Sinabi niya naman sa mga ito ang dahilan kaya hindi na siya pinilit na maki-jam.Pumunta siya sa hotel room na tinutuluyan at sinubukang i-locate si Maya. Last na nakita ang location ng phone nito sa global map ay sa bahay nito ilang araw na ang nakararaan.Agad niyang tinawagan si Brix at pina-check si Maya. Wala siyang ibang aasahan kung hindi ang mga koneksyon nito pati na ang mga tauhan.Wala siyang ibang mag
DAHAN-DAHANG nagmulat ng mata si Miguel. Para siyang nagising sa napakahabang panaginip—isang napakagandang panaginip.“Maya…”Nakatulugan niya ang mga basag na bote sa harap niya. Nilibot niya ang tingin at muli siyang binalot ng pangungulila. Muling nanikip ang dibdib niya nang maalala na isang divorce paper ang naghihintay sa pag-uwi niya kahapon.He picked up his self and tried to walk straight, back to their room. Hindi dapat siya magpatalo sa isang kapirasong papel. Kinuha niya ang phone niya, at tulad ng dati ay nag-message siya sa asawa.“Good morning. Ingat ka sa maghapon.”Agad iyon nakita ni Maya. Naghintay siya ng reply, pero lumipas lang ang thirty minutes, wala kahit pag-react man lang.Naisip niyang puntahan ang study room. Marahil ay may iniwan itong clue na magpapagaan kahit papaano ng loob niya. Lahat ng sulok ng kwarto, maging ang computer, lahat ng makita niya ay puro lang learning mat
ILANG ARAW pa ang lumipas. Hindi naman siya kinukulit ni Maya na pirmahan ang divorce paper, pero hindi naman siya nito kinakausap. Hindi sinasagot ang mga tawag at mensahe niya. At sa mga nakalipas na araw na iyon ay napansin niya ang interval ng pagpapalit ng shift ng mga guard.At ngayon, muli niyang susubukan ang swerte niya.He waited until it was time to change guards. It would take at most a minute before they were all set in their posts. Sinamantala niya ang kaunting oras na iyon para tawirin ang mataas na bakod. Akala niya ay sapat ang isang minuto para makaabot man lang siya kahit hanggang sa tapat ng balkonahe ni Maya, pero nagkakamali siya.It took him a lot of time playing run and hide with the guards. Minsan pa na nag-ala-ninja siya at nag-camouflage sa damuhan at pader. Marahil kung nanonood lang si Maya sa kanya, humagalpak na naman ito ng tawa sa mga pinaggagagawa niya.Naiiling na nangingiti siya. Hindi naman gano’n kababaw ang taw
“Nasaan ang divorce paper?”Napamaang siya sa tanong ni Maya. They just ended a satisfying lovemaking, and now, she was hiding her body from him while asking for that thing!“Mukha ba akong basurahan para hanapan mo ng basura?” Pilit niyang kinakalma ang sarili. Sinamahan niya rin sa ilalim ng kumot ang asawa.“Did you sign it?” tanong ulit nito, tila hindi alintana ang inis sa mukha at boses niya.“Pinipirmahan pala iyon? Hala! Pinunit ko,” painosenteng sabi niya.Sa inis ay hinampas siya ng unan ni Maya. Sinalo niya iyon at binato sa kung saan, saka hinila payakap si Maya.“M-Magbihis ka nga muna!” asik nito at tinulak siya.Napakamot na lang siya sa batok niya. Kinuha niya ang damit niya na nasa bandang paanan lang ng kama at sinuot sa harap mismo ni Maya. Hindi naman siya nilulubayan ng tingin nito. Nang matapos, akma siyang babalik sa paghiga sa tabi ng asawa nang pigila
HINDI SIYA pinakinggan ni Maya ng araw na iyon. She just stormed out of the house kahit malakas pa ang ulan. Wala siyang nagawa kung hindi habulin ito at ihatid na sa bahay nito. It simply means na buo na ang desisyon ni Maya na makipaghiwalay sa kanya.Kagigising niya lang at una niyang nabasa ang message ni Maya na sa ibang araw na lang nito dadalhin ang bagong kopya ng divorce paper, kasama na ang lawyer nito para daw wala na siyang gawing kalokohan.Hindi niya alam kung anong gagawin ngayon. Hindi niya alam kung saan pupunta. Lumipas ang ilang araw, para siyang teenager na unang beses nakaranas ng heartbreak at nagmumukmok mag-isa sa kwarto.“I shouldn’t ruin myself just because of it.”Bumangon siya at mabilisang ligo ang ginawa niya. Napagpasiyahan niya na pumunta na lang sa club, kahit tirik na tirik ang araw, bakasakaling malaman niya kung ano sa pakiramdam ang maghanap ng iba habang kasal pa—tulad ng ginawa ni Maya. Baka m
NANG BUHATIN niya sa kanyang bisig si Maya ay hindi na ito naka-hindi pa. Dinala niya ito sa kwarto nila at maingat na inihiga. If this will be the last time he will lay her on their bed, hindi niya sasayangin ang bawat segundo na sambahin ang katawan nito.Hindi naman ito nagpakita ng kahit na anong pagtutol kaya mabilis niya lang naalis lahat ng saplot nila sa katawan.Tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita niya ang tahi sa tiyan nito. Mukhang napansin naman nito ang matagal na pagtitig niya kaya tinakpan nito iyon ng kamay.“Maya, don’t. It’s beautiful. I mean, everything about you is beautiful.”Nalunok niya ang sariling boses. He should stop looking at her wonderful side!Pabagsak na humiga siya sa ibabaw nito at kinagat ang balikat nito. “I should hate you. I hate you, Maya! You’re not beautiful at all. You’re just a—something. Fuvk!”He wanted to curse her to dȇath but
PUPUNGAS-PUNGAS na bumangon si Miguel mula sa sofa. Sumasakit ang sentido niya, kumikirot na parang gusto niya na lang iumpog sa corner ng pinto. Nasilaw pa siya sa liwanag mula sa araw na nag-reflect sa sahig. Naniningkit na tinungo niya ang kusina. Napakamot pa siya sa likod at tiyan niya, parang may tumutusok at nangangati siya.Nang hubarin niya iyon, puno lang naman ng maliliit na tuyong dahon mula sa ligaw na damo.Dumiretso siya sa lababo at nagmumog ng mouthwash. He was so unmotivated to even take a bath.Uminom na rin siya ng kape. Pagkatapos ay um-order ng pagkain. Bitbit ang dalawang bote ng alak, bumalik siya sa sala. Nakasalubong niya pa si Brix na pababa ng hagdan. Bagong ligo ito.“Anong ginagawa mo rito? Kararating mo lang? Sana nagsabi ka na pupunta ka, dinagdagan ko sana iyong take out.”“Kagabi pa ako—sandali, wala kang naalala?”“Anong naalala?” inis na tanong niya at naupo na sa