“Ehh? N-Nakakahiya…” mahinang reklamo ni Analyn, sabay hinawakan ang kamay ni Anthony na nasa buhok niya para sana alisin ito. “Bakit ka mahihiya?” Naalis na ni Anthony ang sinasabi niyang dumi, at ngayon ay nakatingin siya sa mukha ni Analyn. “Si Elle lang naman ang nandito. Hindi na ‘yan iba sa atin.”“Ibang klase ka talaga, Kuya Anthony! Kaya naiinggit ang ibang tao kay Analyn, eh…” sabat naman ni Elle.“Ooops! Dapat yata Ate Analyn na ang itawag ko sa ‘yo,” patungkol niya kay Analyn. Biglang namilog ang mga mata ni Analyn. “Bakit mo ko tatawagin ng ganun?”“Siyempre. Kuya ang tawag ko kay Kuya Anthony. Eh, asawa ka niya. Eh di, dapat Ate Analyn ang itawag ko sa ‘yo.”Bahagyang napaubo si Analyn. “Alam mo, ikaw… ang dami mong alam sa buhay. Tara na! Ihahatid na kita sa labas. Baka gabihin ka pa sa daan,” sabi ni Analyn habang naglalakad papunta sa kinatatayuan ni Elle, sabay hila sa babae ng nasa tapat na siya nito.“Bye, Kuya!” pahabol ni Elle bago tuluyang sumara ang pintuan.
Pagpasok sa loob ng bahay, tulala si Analyn. Nakatunghay si Anthony sa laptop niya ng napansin niya ang naglalakad na asawa. Ng nakita niya ang itsura nito, napahinto siya sa binabasa at saka tumayo, hinarang si Analyn. “Okay ka lang ba?” tanong niya sa babae. Sinalat pa nito ang noo nito. Pinilit ni Analyn ngumiti at saka ipinakita kay Anthony ang hawak na telepono. “Wala lang ‘to. May nabasa lang kasi akong balita na hinuli raw si Kaye kahapon dahil nagda-drugs daw siya.”Pansin ni Analyn na tila dumilim ang mukha ni Anthony, pero agad ding umaliwalas ang mukha nito. “Alam mo namang matindi ang kampanya ng Tierra Nueva tungkol sa droga. Kung talagang gumagamit siya ng droga, malamang na makukulong talaga siya,” sabi pa ni Anthony. “Pero hindi ba parang napala-coincidence?” tanong ni Analyn.Nahulaan ni Anthony ang ibig sabihin ng tanong ni Analyn. “It’s not me.” Agad namang na-guilty si Analyn, pilit niyang binabale-wala ang nasa isip niya kanina pa. “Sorry…” sabi niya at saka
Pinaningkitan ni Anthony ng mga mata si Analyn. Takot na umiling si Analyn at saka muling humakbang paatras. “Ayoko, Anthony. Hindi ako papasok diyan, uuwi na ko.”“Analyn, huwag kang makulit.” Pagkasabi nun ni Anthony ay inisang hakbang niya si Analyn at saka sinaklit ang babae sa beywang at saka walang hirap na binuhat paalis doon. Karga-karga ni Anthony si Analyn habang naglalakad sa pinaka loob ng shop.“Anthony! Ibaba mo ako! Ayoko! Ayokong magpa-tattoo!”Pagdating sa isang kuwarto, agad na isinara ni Anthony ang pintuan nun at saka mahinang ibinalibag si Analyn sa kama. Pinilit bumangon ni Analyn pero hinawakan agad ni Anthony ang braso ni Analyn at saka itinali iyon sa kama.“Anthony? Ano’ng ginagawa mo?!” Hindi sumagot si Anthony hanggang sa maitali niya pa ang isa pang kamay ni Analyn at ang dalawa pang binti nito. “Anthony!” Pero hindi pa rin siya pinansin ng lalaki, sa halip ay hinila nito ang kurtina roon kaya dumilim sa loob ng kuwarto. “Anthony… maawa ka, please…” k
“Anthony, tapos na ba kayo?” Biglang tumuwid ng tayo si Anthony at saka humiwalay kay Analyn. Naglakad ito papunta sa kurtinang nagsisilbing tabing ng kuwarto. Nakatayo roon ang matandang sumalubong sa kanila kanina. “Maraming salamat sa pagpapagamit ng lugar at mga tools, Uncle Hans.”Iwinasiwas ng matanda ang kamay niya, na parang sinasabi nito na ‘walang anuman’. Saka lang niya napansin si Analyn. Itinuro niya ang babae. “Kaano-ano mo ang magandang babaeng ito?”Biglang nakaramdam ng hiya si Analyn. Napaatras siya, alam niya na ang isasagot ni Anthony kahit hindi pa niya naririnig. Paano siya ide-deny ni Anthony? Ano’ng sasabihin nito? Na kaibigan lang siya? Girlfriend? Malabo ‘yun. Pero biglang hinawakan ni Anthony ang kamay niya at saka siya hinila palapit sa kanya. “I am married, Uncle Hans. And this is my wife.”Napamaang si Analyn. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Anthony kaya napatingala siya sa lalaki. “Talaga ba? Nagpakasal ka na?” masayang tanong ni Hans, pagkat
Sa unang dalawang laro, tinuruan muna ni Anthony si Analyn. Sa ikatlong round, nagsimula na ang totoong laro. “Best of three? Best of five?” tanong ni Anthony. “Three lang!” “Wow, confident…”Tumawa lang si Analyn. Sa una at pangalawang round, nanalo si Anthony. “One more win at talo ka na. Makukuha ko na ang reward ko,” nakangiting sabi ni Anthony habang binabalasa ang mga baraha. “Dinaya mo ba ako?” tanong ni Analyn. “Excuse me? Bakit ko naman gagawin ‘yun? Kahit kailan hindi ako nandadaya sa mga kalaro ko.”“Hmp!”“Natatakot ka bang matalo kita? Magaling lang talaga ako.”“Natatakot lang ako sa reward na nasa isip mo.” Inirapan pa ni Analyn ang lalaki. “Kaya humanda ka ng matalo sa third round,” bigay babala ni Anthony.Tumaas ang isang kilay ni Analyn. “Hindi ka sure…”“Game,” sa halip ay sagot ni Anthony sabay ipinamahagi na sa kanilang dalawa ang mga baraha. Sinamang-palad na matalo si Anthony sa pangatlong round. “Haha! I told you… hindi ka sure…” malakas ang tawa na
Nasa loob ng kotse sila Anthony at Analyn. Doon nila itinuloy ng paghahalikan kanina sa daan galing sa shop ni Hans. Nahihiya raw kasi si Analyn sa maaaring makakita sa kanila roon. Pero hindi lang basta halik ang ginagawa sa kanya ni Anthony doon. Nakatanggal ang ilang butones ng blusa ni Analyn, habang ang isang kamay ni Anthony ay nasa loob ng bra ni Analyn, sakop ang isang dibdib niya. “Anthony… kiss lang ang sabi mo…” kunwari ay pagrereklamo ni Analyn, “bakit may pagdukot ka pa diyan…”Nag-angat ng mukha niya si Anthony mula sa paghalik sa leeg ni Analyn, pero hindi niya inalis ang kamay niya sa dibdib ng asawa. Sa halip ay minasahe pa niya itong maigi, tinutukso ito. “My bad… ako nga pala ang natalo sa laro. Sorry… ano’ng gusto mong hilingin bilang premyo mo?” May naisip na kanina pa si Analyn, pero hindi niya agad nasabi kay Anthony dahil sa panghaharot nito sa kanya. “Tinatanong mo kanina kung bakit nasa bahay si Elle, di ba?” Sa halip na sagutin ang tanong ni Analyn, mu
Masasabi ni Analyn na napakalaking bagay na galing siya sa Creatives, Inc.. Idagdag pa na nakuha niya ang pinakamataaas na award sa taunang pa-contest ng Philippine Designer’s Association. Naging madali para sa kanya ang pag-aayos ng bubuksan na design company. Idagdag pa nagkaroon siya ng mga koneksyon sa gobyerno magmula noong naupo siyang department head ng Design department at nanalo siya sa maraming design projects. Pinangalanan nila ang maliit na kumpanya nila ni Elle ng Blank. Ibig sabihin ay blanko, nagsimula sa wala. Naisipan ni Analyn na tawagan si Michelle at alukin ng trabaho sa kumpanya nila ni Elle. Matagal na rin naman ang babae sa ganoong industriya at mapagkakatiwalaan ito, kaya alam ni Analyn na magiging malaking tulong sa kanya ang kaibigan. [“Of course, I’m willing to help!”]“Pero hindi pa namin kayang ibigay ang sahod at benefits na kinikita mo sa Creatives.” [“Alam ko. Pero iba kasi kapag ikaw ang ka-trabaho.”]“Wala pang maipagmamalaki ang Blank.”[“So what
Nasa 25th floor ang opisina ng Blank. Inokupa nila ang buong palapag. Binayaran na ni Elle ang pang-isang taong upa sa buong palapag. Kaya kailangang kumita sila agad para mabawi na agad nila ang ibinayad sa renta.Maraming bisita ang nagpunta sa opening. Mga dating nakikilala ni Analyn sa Creatives, Inc. Mga dating naging kliyente at mga nakasalamuha sa pagdidisenyo. Humahalimuyak ang buong palapag sa dami ng mga ipinadalang bulaklak ng mga kakilala nila Analyn at Elle. Hindi rin nahihinto si Michelle sa pagre-register ng mga dumarating na mga bisita. At siyempre, hindi pwedeng wala roon ang Papa ni Analyn. Gusto ng babae na masaksihan ng Papa niya ang importanteng bagay na ito sa buhay niya.Hindi makakarating si Anthony. Pero para kay Analyn, okay na rin iyon. Ayaw niyang isipin ng mga tao na puppet lang siya ni Anthony sa maliit na negosyo na ito. Gusto niyang matanim sa isip ng mga tao na pinagpaguran niya ang kung anong meron siya ngayon.Hindi na nagulat si Analyn ng dumating
Pagkatapos ng hindi pagkikita ng ilang araw, naging napakainit ng naging pagniniig ng mag-asawa. Himbing na himbing ang tulog ni Anthony ng nagising si Analyn. Dahan-dahan siyang bumangon. Nang bigla niyang naalala si Elle, baka sumagot na ang kaibigan sa mga text niya.Agad niyang dinampot ang telepono at saka binuksan iyon. Meron na ngang sagot si Elle. Hindi lang isa, kung hindi marami. Agad niyang binuksan ang mga mensahe nito. Nakalagay doon na nagpunta siya ng San Clemente para may asikasuhin tungkol sa negosyo nila. Sinabi rin niya na huwag siyang mag-alala dahil hindi pa sila nagpapanagpo ulit ni Alfie at okay lang siya. Huling mensahe ni Elle na huwag siyang mag-alala para sa kanya. Napa-isip si Analyn. May mali sa mga mensahe ni Elle. Masyado iyong pormal. Parang malayo sa Elle na kilala niya na laging may halong biro o sarkasmo ang pagsasalita nito kahit pa sa text lang. Parang hindi niya ma-imagine na ganun magsalita si Elle katulad ng nabasa niya.Sandali. Kailan pa kam
Humalakhak ng malakas si Eric.Tila naaliw ito sa sinabi ni Elle. “Joke ba ‘yan, Elle?” Pagkatapos ay muling tumawa ito.Natigilan si Elle, saka umiling. “Hindi. Totoo ang sinasabi ko.”Huminto sa pagtawa si Eric at saka itinulak si Elle. “Tapos na ang pagiging doktor at pasyente natin. Tapos na ang pagiging doktor ko sa ‘yo.”“Aw, come on, Doc Eric. Ang sabi mo noon ako lang ang gusto mong maging pasyente mo bilang isang psychologist. Actually, naguguluhan nga ako. Babalik ka pala rito sa San Clemente para pamahalaan ang mga negosyo ng pamilya n’yo, pero bakit ka pumunta sa Tierra Nueva para maging doktor ko?” Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Eric at saka napailing. Bakit ba kasi halos lahat ng mga babae, tingin agad nila sa sarili nila ay espesyal sila sa mata ng isang lalaki? “Sa tingin mo, bakit?” mapanghamong tanong ni Eric kay Elle.Nagsalubong ang mga kilay ni Elle. “Hindi dahil sa akin?” Hinawakan ni Eric ang baba ni Elle, “masyado kang careless, Elle. Ano’ng n
“Sino ang batang ‘yan? Kamag-anak ba ni Anthony ‘yan?” “Hindi… bakit? Bakit parang apektado ka dun sa bata?”Nakahinga ng maluwag si Damian ng marinig niya ang sagot ni Analyn. “Pero bakit may mga litrato siya rito? At kasama pa lagi si Anthony?”“Kababata siya ni Anthony.”Tumango si Damian at saka sunod-sunod na lumunok. Ibinalik niya ang hawak na larawan. “Wala naman. Nagtaka lang ako kasi kamukhang-kamukha mo talaga.”Nagkibit-balikat si Analyn. “Ewan ko lang kung ano ang itsura niya ngayon na malaki na siya.”Piping naidasal na lang din ni Analyn na sana ay buhay pa si Ailyn na kababata ni Anthony.“Sa tingin ko, mas maganda ka sa kanya ngayon,” nakangiting komento ni Damian na may kasama pang pagtapik sa balikat ng anak. SAN CLEMENTE. Huling araw na ni Anthony ngayon sa nasabing lugar. Bukas ay babalik na siya sa Tierra Nueva. Bilang huling gabi, tinipon niya ang mga matataas na opisyal ng DLM, para magsalo silang lahat sa isang hapunan at para na rin magbigay si Anthony n
Kinabukasan ng umaga, nadatnan ni Analyn ang ama na nagpapa-araw sa bakuran. “Papa, ang aga mo namang magising?”“Nako… ganitong oras talaga ako magising. Palibhasa, ang natatandaan mo lang sa akin eh noong tulog lang ako ng tulog sa ospital.”Tumawa si Analyn.“Bakit wala pa siya?” tanong ni Damian. Kumunot ang noo ni Analyn. “Sino'ng siya?” Sumama ang tingin ni Damian sa anak. “Sino pa? Eh, di si Anthony! Sino pa ba?” Muling tumawa si Analyn. Gusto lang naman talaga niyang biruin ang ama.“Bakit kasi hindi mo tawagin sa pangalan niya? Dati naman ang tawag mo kay Eric, ang kaibigan kuno. Hindi rin sa pangalan niya,” natatawa pa ring sabi ni Analyn. Lihim na napangiti si Damian. Napansin niyang kaswal na lang na nababanggit ng anak si Eric. Ibig sabihin ay naka-move on na ito sa relasyon niya dati sa lalaki.“Siyempre! Pinalaki kita, dinamitan, tapos kukunin ka lang sa akin ng kung sinong poncio pilato?” galit-galitan na sagot ni Damian.“Okay, fine,” nakangiting sagot ni Analyn
Nang dumating sila Analyn at Damian sa bahay nila Analyn ay naayos at nalinis na ng mga kasambahay ang tutuluyang kuwarto ng ama. Naiilang si Damian magkikilos sa bahay ni Analyn. Hindi siya nasanay na may mga katulong na umaaligid sa kanya. Simple lang ang buhay niya noong bago siya magkasakit. Isa pa, nalalakihan siya sa bahay na iyon. Sobrang laki, at sobrang tahimik. Pero nagustuhan niya ang hardin. Doon lang siya nakatagpo ng kapayapaan. Pagkatapos kumain ng hapunan, hinanap ni Analyn ang ama pagkatapos niyang mag-shower. Nakita niya ito sa balkonahe at nakatingin sa malayo. Base sa mukha nito, hindi siya mukhang masaya.“Papa, bakit ka nakatulala riyan?” Parang biglang nagising si Damian at saka nilingon ang anak. “Wala lang… naninibago lang. Para kasing ibang-iba na ang paligid ngayon, kumpara nung bago ako nakatulog ng mahaba.” “Sa tingin mo ba nagbago na ko?” “Hindi ikaw ang sinasabi ko. Ang pananaw ko ang nagbago. Maupo ka.” Agad namang naupo si Analyn. “Nasaan naman
Nakahinga ng maluwag si Analyn ng nakita niya ang Papa niya at si Jan na magka-usap sa labas ng clinic nito. Naramdaman siguro ng dalawang lalaki ang presensiya niya dahil sabay itong lumingon sa direksyon niya. Agad na ngumiti si Damian kay Analyn. “Etong si Analyn, masyadong nag-aalala sa akin. Hindi naman ako mawawala,” sabi ni Damian habang papalapit na si Analyn.Akmang tatayo si Damian kaya agad itong inalalayan ni Jan. “Ganun lang talaga ang mga anak. Gusto lang nila masiguro na okay ang magulang nila,” sabi ni Jan habang nakaalalay kay Damian. Nahihiyang hinarap ni Analyn si Jan. “Thank you, Doc Jan. Pasensiya na sa abala. Sobrang nag-alala lang talaga ako kay Papa.”Naiilang naman si Jan kay Analyn kaya hindi niya ito direktang matingnan sa mga mata nito.“Wala ‘yun. Pasyente ko rin naman si Tito, at natural na magmalasakit pa rin ako sa kanya.” Pagkasabi nun ay inabot ni Jan kay Analyn ang resulta ng mga test ni Damian.“Okay naman ang mga result niya. Everything is g
Malayo-layo na ang nalakad ni Analyn pero ramdam na ramdam pa rin niya ang galit sa dibdib niya. “Ibang klase talaga!” inis na sabi ni Analyn.Pumara siya ng taxi at saka nagpahatid sa opisina. Nanginginig pa rin ang katawan ni Analyn kahit nung dumating na siya sa opisina ng Blank. “Oh, sister? Ano'ng nangyari sa ‘yo?” nagtatakang tanong ni Michelle. “Wala lang,” tipid na sagot ni Analyn, at saka dumiretso sa CR.Nakatitig si Analyn sa salamin habang nasa isip niya ang imahe ng mukha kanina ni Edward. Kilala niya si Edward bilang isang matino at matuwid na tao. Kung hindi lang sila magkaaway ni Anthony, baka sakaling naging magkaibigan pa sila. Pero malabo na ngayon ang maging magkaibigan pa sila dahil sa salitang sinabi ni Edward kanina. “Lover… hah! Paano niya nagawang sabihin ”yun?”Tinitigan ni Analyn ang repleksyon niya sa salamin. Iniisip niya na baka mali ang pagkakakilala niya kay Edward. Baka ganun na talaga ang ugali nito sa simula pa lamg at nagpapanggap lang na mat
Naguguluhan si Analyn. Marami siyang tanong sa isip niya. Kinuha niya ang telepono sa bag niya at saka tumipa ng tumipa roon. Mahaba na ang nata-type niya at saka niya pinindot ang SEND na buton. Palaisipan sa kanya kung ano ba ang naging kasalanan ng ama ni Edward at nakulong ito. At alam niyang si Anthony ang tamang tao na tanungin tungkol dito.Medyo naiinip na si Analyn sa paghihintay sa sagot ni Anthony. Inisip niyang baka naka-alis na ang eroplanong sasakyan ng asawa kaya hindi na ito nakasagot sa kanya. Kaya naman ng tumunog ang telepono niya ay nagulat siya. From: AnthonyAng mga pamilya ng Zamora at De la Merced ay may magkasalungat na relasyon. Nang pa-mahalaan ng Papa ko ang mga negosyo ng De la Merced, marami siyang binagong mga policy.Sinuyo niya ang mga Zamora para maging ka-alyado sila ng De la Merced. From: AnthonyNang nagtagumpay na si Papa at nakuha naniya ang loob ng matandang Zamora, agad na Silang nagpirmahan ng kontrata. Pagkatapos nun, tumaas na an
“Hindi na kami magtatagal, baka mahuli ako sa flight ko,” anunsyo ni Anthony, “sumaglit lang talaga kami ng asawa ko rito.”“Salamat,” sagot ni Mercy. Nasa lobby na ng ospital sina Anthony at Analyn. “Kailangan ko ng umalis, misis ko. Ipahatid na lang kita sa driver?” “Okay.”Samantala, kasunod na bumaba nila Anthony at Analyn si Edward, kaya nakita pa sila ng huli roon sa lobby ng ospital. Naabutan niya na hawak ni Anthony sa mga balikat niya si Analyn at binigyan ito ng halik sa kanyang noo. Sakto rin na pumarada ang sasakyan ni Anthony sa tapat ng dalawa at saka sumakay na roon si Anthony. Ibinaba ni Anthony ang salaming bintana.“Naalala ko pala. Iyong bahay na tinitirhan ngayon ng Papa mo, si Vhance ang naghanap nun, di ba?” “Oo.”“I don’t have the time. Kunin mo muna ang Papa mo roon at patirahin mo muna sa bahay natin. Nag-away kami ni Vhance. Mabuti na ‘yung nag-iingat tayo. Hindi natin alam ang takbo ng isip niya. Pwedeng gamitin niya ang Papa mo laban sa akin.”Alam