“Pasensiya na. Pero pag-aari ng ama ni Anthony De la Merced ang pendulum clock nung nabubuhay pa ito. Kaya importante ngayon na makuha niya ang item. Sana mapagbigyan ni Mr. Sixto ito,” sagot ni Analyn.Tumayo na ang sekretarya at nagbalik sa upuan sa tabi ni Sixto. May sinabi ito sa amo, dahilan para lingunin ni Sixto si Analyn.Namalayan na lang ni Analyn na umabot na ng ninety million ang bid. Nalula si Analyn sa halaga. Minabuti niyang ipaalam kay Anthony ang kasalukuyang halaga ng pinakamataas na bid. Habang naghihintay ng reply ni Anthony, napansin niyang tumayo si Sixto mula sa upuan niya at lumapit sa kanya. Umupo ito sa inupuan kanina ng sekretarya niya. Hindi agad nagsalita si Sixto, katulad ng inaasahan ni Analyn. Kalmado lang ito na nag-dekuwatro ng upo. “Ang prinsesa ko bang si Brittany ang nag-utos sa iyo para mag-bid kay Anthony?” Nakangiting umiling si Analyn. “Busy ngayon ang boss, kaya ako ang pinapunta niya rito.”Hindi inaalisan ng tingin ni Sixto ang mukha ni
Bumaba ng taksi si Analyn. Nasa harap siya ngayon ng Peach Blossom Restaurant, isang fine dining na kainan. Ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon sa isang mamahaling restaurant sa kabila ng kakapusan niya sa pera? Isinet lang naman siya ng blind date ng Mama niya. Tiningnan ni Analyn ang pambisig na relo. Sakto lang siya sa oras. Sinadya niyang hindi dumating ng mas maaga sa sinabing oras ng Mama niya. Hindi naman kasi siya interesado sa date na ito. Minabuti ni Analyn na pumasok na sa loob ng restaurant. Sinalubong siya ng staff pagkapasok niya ng pintuan.“Hi. Reservation under Michael Corpuz?” Hindi naman sa excited na si Analyn na makita ang itsura ng Michael Corpuz na iyon, pero gusto na niya kasing matapos na ang date na ito. Tumingin ang staff sa monitor sa harapan niya. Piping ipinalangin ni Analyn na sana ay nag-kansel na lang sana ang ka-date. “Yes, Mam. Table number 15. Kaya lang Mam, as of now, hindi pa po dumarating si Sir Michael.” Nakaramdam ng tuwa si Analyn.
Natigilan si Analyn. Kilala niya ang boses na iyon. Hindi siya pwedeng magkamali. At para makasigurado, dahan-dahan niyang nilingon ang pinanggalingan ng boses. Nang makita ni Analyn ang lalaki, pakiramdam niya ay nawalan siya ng oxygen sa katawan. “Sir Anthony.” Pinilit ngumiti ni Analyn, pero hindi lang niya alam kung anong itsura ng mukha niya sa ngayon. “Bending an ear?” tanong ni Anthony sa dalaga habang matiim na nakatitig dito. Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Analyn. “No, Sir. Wala akong narinig. Busy ang tenga ko. Tama. Ganun nga.”“Come here,” malamig ang boses na utos ni Anthony. Nag-alangan si Analyn na sundin ang utos ni Anthony. Pero sumunod din siya. After all, si Anthony de la Merced lang naman ang lalaki. Ang may-ari ng kumpanyang pinapasukan niya. 26 years old, at isa sa pinakamayamang tao sa buong bansa, na may worth na ten billion. At siya, si Analyn Ferrer, ay isa lang simple at ordinaryong empleyado ng DLM Group of Companies. Isa siyang designer sa Creat
Nagulat si Analyn nang mabilis na tumayo si Anthony. Mabilis itong naglakad palayo. Napamaang si Analyn. “Sir Anthony!”Huminto sa paglakad si Anthony at saka nilingon si Analyn. "Let’s go!” Naguguluhan man ay agad na tumayo si Analyn at saka mabilis na naglakad bitbit ang bag niya papunta sa kinatatayuan ni Anthony. Hindi pa man din siya tuluyang nakakalapit dito ay nagpatuloy uli si Anthony sa paglakad kaya hinabol ito ni Analyn. “Sir Anthony, saan tayo pupunta?” Hindi siya sinagot ni Anthony hanggang sa naglakad ito papunta sa sasakyan niya. Nang mapansin nito na wala na siyang kasunod ay huminto ito at saka humarap sa direksyon ni Analyn. “Kunin mo na ang birth certificate mo para makapagpakasal na tayo.”Napamaang si Analyn. “Ngayon na, Sir?” “Yes,” malamig na sagot ni Anthony kasabay ng malamig nitong pagtitig kay Analyn kaya agad na kumilos ang dalaga.“Tell me your address,” utos uli ni Anthony ng naka-usad na ang sasakyan niya. Inihatid ni Anthony si Analyn sa isang l
Nang lumabas si Analyn mula sa kuwarto niya ay agad siyang sinalubong ng Mama niya. Nakakapagtakang kalmado na ito. “Analyn, sorry na. Nabigla lang ako kanina. Okay lang sa akin kung sino man iyong pinakasalan mo. Pamilya pa rin tayo, hindi ba? Pero magpapakasal na ang kapatid mo at si Tin. At bilang nag-iisang kapatid ni Jiro, obligasyon mo na bigyan sila ng perang pampakasal nila.”Bahagyang hinawi ni Analyn ang Mama niya at saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa pintuan.“Wala ho akong pera.”Nagulat si Analyn nang ubod lakas siyang pinaharap ng Mama niya paharap dito. “Kung ganon, hiwalayan mo ang lalaking ‘yan. Pansamantala, makipag-live in ka muna kay Michael habang pinoproseso pa ang paghihiwalay n’yo. Kailangan natin ang pera ni Michael sa pagpapakasal ni Jiro.”Ubod lakas na tinagtag ni Analyn ang kamay ng Mama niya na nakahawak pa ng mahigpit sa braso niya. “Okay ka lang, ‘Ma? Para naman akong piraso ng karne na binebenta mo kung kanino.”“Hoy, Analyn. Pinalaki ka namin
Alam ni Analyn na gusto lang siyang inisin ni Anthony kaya inilagay roon ang size ng underwear niya. Kaya naman itiniklop na lang niya ang papel at saka iniwan sa ibabaw ng kama niya. Gusto niyang mag-shower nang mabilis bago tuluyang mahiga sa malambot na kama. Nakahiga na si Analyn nang maalala niyang kailangan niyang magsabi sa boss niya na hindi siya papasok bukas. As usual, inaasahan na niyang magagalit ang boss niya. Nag-half day na raw siya ngayong araw tapos ay wala pa siya bukas. Binigyan pa siya ng ultimatum nito. Na kung hindi siya papasok bukas ay ima-mark siyang absent ng isang buong linggo. Ibig sabihin, hindi siya makukuha ang sahod ng pang isang linggo. Napabuntong-hininga na lang si Analyn. Malaking bagay din iyong sahod niya ng isang linggo. Sabi nga nga nila, sahod is life!Pero hindi naman niya pwedeng idahilan sa boss niya na sasamahan niya si Anthony na dalawin ang lolo nito. Hindi pwedeng malaman sa opisina na nagpakasal siya sa boss ng DLM. Well, Sir Anthony
Sa wakas ay nakarating na sila Analyn at Anthony sa ospital. Bumaba si Athony para may kuhain sa likod na compartment ng sasakyan niya. Nang isara na niya ito ay saka lang niya napansin na nakatayo si Analyn sa tabi niya. “Nervous?” seryosong tanong niya sa dalaga.Pinaikot ni Analyn ang mga mata niya, sabay sabing, “sus! Bakit naman ako kakabahan? Sisiw na sisiw lang ‘to.” Nagkibit-balikat si Anthony. “Sisiw pala, eh. Eh di, tara na,” pagkatapos ay nauna na itong naglakad kay Analyn. Agad namang sumunod sa kanya si Analyn, pero sa totoo lang ay kinakabahan talaga siya. Habang nag-aabang sila sa pagdating ng elevator, hindi napigilan ni Analyn na magtanong kay Anthony. “Sir Anthony, masungit ba ang Lolo mo?”“Nope.” “Okay,” sabi ni Analyn at saka palihim na nagbuga ng hangin. “Just call me simply Anthony. Or Ton.”“Ha?” naguguluhang tanong ni Analyn. “I told you before, alam ni Lolo na may girlfriend na ako ng two years, di ba?”“Ow.” Naintindihan na ni Analyn. Meron nga ba
Nang isara ni Analyn ang pinto, binawi ni Anthony ang tingin niya roon. Muli niyang ibinaba ito sa chess board, at saka nagsalita nang hindi tumitingin sa lolo niya. “Yes, Lolo. Nung una. Pero ngayon gusto ko na si Analyn bilang siya.”Ngumiti si Greg.“It’s good that you really like Analyn. Ngayong lumagay ka na sa tahimik, matatahimik na rin ako. Hindi na kita kukulitin. Hindi na ako manghihinayang na mawala. Kasi alam kong may mag-aalaga na sa ‘yo.” “Lolo…”Bahagyang tumawa si Greg.“Ano? Sa kamatayan na rin naman ako papunta talaga. Son, I am eighty years old already. Ano pa ba ang gusto mo? Umabot pa ako ng one hundred? Hinihintay na ako ng Lola mo. Ang gawin mo na lang, bilisan mo na at bigyan n’yo na ako ng apo sa tuhod ni Analyn,” nakangiting litanya ni Greg na para bang normal na paksa lang ang pinag-uusapan nila ni Anthony. Nag-alangang sumagot si Anthony, pero nang makita niya sa mukha ng lolo niya ang saya, napilitan siyang sagutin ito.“Sige, ‘Lo,” Samantala, sa labas
“Pasensiya na. Pero pag-aari ng ama ni Anthony De la Merced ang pendulum clock nung nabubuhay pa ito. Kaya importante ngayon na makuha niya ang item. Sana mapagbigyan ni Mr. Sixto ito,” sagot ni Analyn.Tumayo na ang sekretarya at nagbalik sa upuan sa tabi ni Sixto. May sinabi ito sa amo, dahilan para lingunin ni Sixto si Analyn.Namalayan na lang ni Analyn na umabot na ng ninety million ang bid. Nalula si Analyn sa halaga. Minabuti niyang ipaalam kay Anthony ang kasalukuyang halaga ng pinakamataas na bid. Habang naghihintay ng reply ni Anthony, napansin niyang tumayo si Sixto mula sa upuan niya at lumapit sa kanya. Umupo ito sa inupuan kanina ng sekretarya niya. Hindi agad nagsalita si Sixto, katulad ng inaasahan ni Analyn. Kalmado lang ito na nag-dekuwatro ng upo. “Ang prinsesa ko bang si Brittany ang nag-utos sa iyo para mag-bid kay Anthony?” Nakangiting umiling si Analyn. “Busy ngayon ang boss, kaya ako ang pinapunta niya rito.”Hindi inaalisan ng tingin ni Sixto ang mukha ni
Hindi nakasama ni Analyn si Mrs. Chan sa bidding. Masama raw kasi ang pakiramdam nito. Agad namang gumawa ng paraan si Anthony para makapasok si Analyn sa bidding. Ibinigay niya sa asawa ang imbitasyon na para sa kanya para mag-representa para sa kanya.Kaya ng makita ng staff ang hawak na imbitasyon ni Analyn, walang tanong-tanong na pinapasok niya ito sa loob ng venue. Agad na naghanap ng puwestong mauupuan si Analyn, bahagya siyang kinakabahan dahil mag-isa lang siya. Hindi pa siya nagtatagal na nakaupo ng may narinig siyang nag-uusap sa gawing likuran niya.“Narinig ko sa labas na nandito rin daw si Sixto Esguerra ngayon.”“Talaga ba? Naku, alam na kapag um-attend ng bidding ang isang Sixto Esguerra. Ano kaya ang gusto niyang makuha sa ibi-bid ngayon?”“Pwede naman niyang iutos na lang sa tauhan niya ang pag-bid. Parang nakakapagtaka naman na siya mismo ang pupunta rito para makipaglabanan sa bidding.”“Malamang, ganun ka-importante ang bagay na ‘yun. Naku, kaabang-abang ang baga
alawang araw ng nanatili sila Anthony at Analyn doon sa hotel. Hindi umalis si Anthony at lahat ng mga business transactions at mga meeting niya ay pina-kansel niya munang lahat. Wala silang ginawa ni Analyn maghapon kung hindi ang manood ng mga pelikula at mga kung ano-anong palabas sa cable habang yakap-yakap ni Anthony sa Analyn sa kama. Ang pagkain nila, puro room service. Isang action movie ang pinapanood nila ngayon. Feel na feel ni Analyn ang kasalukuyang eksena ng biglang mag-ring ang telepono niya. Hindi agad tumalima si Analyn. Masyado itong naka-concentrate sa pinapanood. Hindi rin tumitigil ang pag-ring ng telepono. Hanggang sa mainis na siya sa walang tigil na pagtunog ng telepono. Naisipan niyang utusan si Anthony. “Abutin mo ang phone ko, please. Ang ingay, eh!” Agad namang sumunod si Anthony. Mas malapit kasi siya sa kinalalagyan ng telepono ni Analyn. Pero pagkadampot ni Anthony sa telepono, naputol na ang tawag. Sa halip, isang text message ang big
Sumimangot si Analyn. Wala naman kasing kakaiba sa call log at sa contacts ng telepono ni Anthony. Sa totoo lang, iilan nga lang ang naka-save na numero roon. Palibhasa, magaling tumanda ng numero si Anthony. Kaya niyang maitambal ang numero at ang taong nagma-may ari nun sa isip lang niya.Ang social media account niya naman, ni walang notification at ang chatbox niya ay dalawang tao lang ang lagi niyang kausap. Siya at si Lolo Greg.Marami namang chat request pero hindi sinasagot ni Anthony ang mga iyon. Pinindot ni Analyn ang chat ni Greg, nakita niya ang huling mensahe nito na lagi siyang uuwi ng maaga para raw nagkikita silang dalawa lagi. Hindi napigilan ni Analyn ang matuwa. Bigla niya tuloy na-miss ang matanda. Pinuntahan niya ang chatbox na para sa kanya, at saka pinalitan ang pangalan niya roon ng ‘Babe’. Hindi napigilan ni Analyn ang mahinang mapahagikgik sa ginawa niya, sabay iniisip niya kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Anthony kapag nakita iyon. Saka lang naalal
“Saan ka galing?” tanong ni Anthony na may dalang dalawang plastic bottle ng mineral water. Galing siya sa labas, sa kusina ng kuwartong okupado lang dapat ni Analyn. Natigilan si Analyn sa tanong ni Anthony. Itinuro niya ang direksyon ng CR sa kuwarto sa hotel. “Nag-CR. Bawal ba?” “Bakit mo pa sinuot ang damit mo kung sa CR ka lang pupunta?” Napatingin si Analyn sa suot na damit pangtulog. Pagkatapos ay nagtatakang nag-angat ng tingin kay Anthony. “Bakit? Ano’ng masama?” naguguluhan niyang tanong. Ibinaba ni Anthony ang dalawang plastic bottle sa ibabaw ng bedside table.“Dapat hindi ka na nagdadamit kasi huhubarin ko lang uli ‘yan.” Pagkasabi nun ay binuhat ni Anthony si Analyn at saka bahagyang initsa sa ibabaw ng kama. “Anthony!” Malokong nakangiti si Anthony na tumabi kay Analyn. “Hindi pa tayo tapos. Kaya huwag ka munang nagsusuot ng damit,” sabi nito habang hinuhubad ang damit pantulog ng babae. Wala namang nagawa si Analyn kung hindi ang sumunod. After all, tatlong
Wala na sa mood si Analyn kaya nagpaalam na siya kay Mrs. Chan. Lumabas na siya sa venue at saka naglakad papunta sa direksyon ng elevator. Kasama sa binayaran ng auctioners ang isang kuwarto sa hotel. Napagdesisyunan ni Analyn na doon na lang magpalipas ng oras. Wala rin naman siya sa mood umuwi, at sayang ang ibinayad ni Mrs. Chan kung hindi niya gagamitin ang kuwarto. Sinalubong si Analyn ng tahimik at may kadiliman na corridor pagkalabas niya ng elevator. Mag-isa lang siyang naglalakad. Ang tanging ingay lang na maririnig ay ang ingay ng mga takong ng sapatos niya. Pagliko ni Analyn papunta sa hanay ng kuwarto niya ay may bigla na lang humila sa kanya. Mabilis siya nitong isinandal nito sa pader at saka siniil ng halik. Sinubukang magpumiglas ni Analyn pero sadyang malakas ang lalaki. Pero ng makilala niya ang amoy nito ay saka lang niya nakilala ang lalaki. “Anthony!” sambit ni Analyn ng makawala ang mga labi niya mula sa halik ni Anthony. Bahagyang tumawa si Anthony at sak
Kahit na nakaupo lang, kapansin-pansin pa rin ang taglay na matapang na aura ni Anthony. Hindi pwedeng hindi mapapalingon ang dadaan sa puwesto niya. May babaeng naupo sa tabi niya. May inabot iyon na papel at ballpen kay Anthony. Binasa iyon ng lalaki at saka pinirmahan. Wala siyang kaalam-alam na kanina pa siya pinagmamasdan ni Analyn mula sa di-kalayuan.Napansin ni Mrs. Chan si Analyn. Bumulong ito sa tapat ng tenga niya. “Gusto mo bang lapitan siya at mag-hello?”Agad na binawi ni Analyn ang tingin niya kay Anthony. “Hindi.”Naiinip na si Analyn. Hindi pa nagsisimula ang bidding. Parang gusto na nga niyang magpaalam kay Mrs. Chan at umuwi na. Pero nasa lugar na siya. Hahayaan na lang niya na maranasan niya ang mga ganitong event sa buhay ng mga mayayaman. Anong malay niya, baka bukas-makalawa, wala na siya sa sirkulasyon na ito.Dahil katabi siya ni Mrs. Chan, maraming nag-aatend sa bidding ang lumalapit sa ginang at nakikipag-usap dito. Isinasabay na ni Mrs. Chan na ipakilal
Kinabukasan, maagang umalis si Analyn. Sinamahan niya sa check up ang Papa niya. “Magaling na ang Papa mo. Konting therapy na lang at ituloy lang ang mga gamot niya, ilang buwan pa at magiging one hundred percent na siyang makakabalik sa dati,” nakangiting sabi ni Jan. Tipid na ngumiti si Analyn. “Mabuti naman.” “By the way, binuwag na ang medical team na binuo ni Sir Anthony,” pahabol ni Jan. Tumango lang si Analyn. Inaasahan naman niya iyon. Nagtataka lang siya na hindi man lang binanggit ni Anthony sa kanya. “Tutuloy na kami, Doc Jan,” paalam ni Analyn sa doktor at saka tumayo na.Sumunod na ring tumayo si Damian. “See you sa next check up po,” nakangiting paalam ni Jan kay Damian.Nang lumabas si Analyn at ang Papa niya mula sa clinic ni Jan, may narinig siyang boses. “Mrs. De la Merced!” Nagtuloy-tuloy lang sa paglakad si Analyn, hindi pinansin ang narinig niya. Unang-una, naisip niya na hindi naman siguro siya ang tinatawag dahil wala namang nakakaalam na asawa siya ni
Kung kanina ay buo sa loob ni Brittany na maghintay kay Anthony, ngayon ay tila nawalan na siya ng tapang. Mangiyak-ngiyak na niligpit niya ang mga gamit at saka tumayo na mula sa sofa sa opisina ni Anthony kung saan siya naghihintay. Tumayo na siya at nakahanda ng lumabas mula roon ng bumukas ang pintuan at pumasok doon ang bulto ni Anthony. Kakaiba talaga ang aura ng lalaki kaya siguro hindi magawa ni Brittany na pakawalan ito. Sa kabila ng seryosong mukha ng lalaki, biglang napangiti si Brittany. Dumating ito, ibig sabihin ay importante siya rito. Matikas na naglakad si Anthony palapit kay Brittany. Lalong lumapad ang ngiti ni Brittany sa binata.“Anthony, kanina pa ako naghihintay sa ‘yo. Akala ko hindi mo na ako babalikan dito. By the way, dahil sa paghihintay ko sa ‘yo rito nagutom na ako. Let’s have dinner? May alam akong bagong bukas na resto sa isang bagong bukas na hotel sa–”“Hindi ako bumalik dito para makipag-dinner sa ‘yo.”Alanganing ngumiti si Brittany. Something is