“Saan ka galing?” tanong ni Anthony na may dalang dalawang plastic bottle ng mineral water. Galing siya sa labas, sa kusina ng kuwartong okupado lang dapat ni Analyn. Natigilan si Analyn sa tanong ni Anthony. Itinuro niya ang direksyon ng CR sa kuwarto sa hotel. “Nag-CR. Bawal ba?” “Bakit mo pa sinuot ang damit mo kung sa CR ka lang pupunta?” Napatingin si Analyn sa suot na damit pangtulog. Pagkatapos ay nagtatakang nag-angat ng tingin kay Anthony. “Bakit? Ano’ng masama?” naguguluhan niyang tanong. Ibinaba ni Anthony ang dalawang plastic bottle sa ibabaw ng bedside table.“Dapat hindi ka na nagdadamit kasi huhubarin ko lang uli ‘yan.” Pagkasabi nun ay binuhat ni Anthony si Analyn at saka bahagyang initsa sa ibabaw ng kama. “Anthony!” Malokong nakangiti si Anthony na tumabi kay Analyn. “Hindi pa tayo tapos. Kaya huwag ka munang nagsusuot ng damit,” sabi nito habang hinuhubad ang damit pantulog ng babae. Wala namang nagawa si Analyn kung hindi ang sumunod. After all, tatlong
Sumimangot si Analyn. Wala naman kasing kakaiba sa call log at sa contacts ng telepono ni Anthony. Sa totoo lang, iilan nga lang ang naka-save na numero roon. Palibhasa, magaling tumanda ng numero si Anthony. Kaya niyang maitambal ang numero at ang taong nagma-may ari nun sa isip lang niya.Ang social media account niya naman, ni walang notification at ang chatbox niya ay dalawang tao lang ang lagi niyang kausap. Siya at si Lolo Greg.Marami namang chat request pero hindi sinasagot ni Anthony ang mga iyon. Pinindot ni Analyn ang chat ni Greg, nakita niya ang huling mensahe nito na lagi siyang uuwi ng maaga para raw nagkikita silang dalawa lagi. Hindi napigilan ni Analyn ang matuwa. Bigla niya tuloy na-miss ang matanda. Pinuntahan niya ang chatbox na para sa kanya, at saka pinalitan ang pangalan niya roon ng ‘Babe’. Hindi napigilan ni Analyn ang mahinang mapahagikgik sa ginawa niya, sabay iniisip niya kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Anthony kapag nakita iyon. Saka lang naalal
alawang araw ng nanatili sila Anthony at Analyn doon sa hotel. Hindi umalis si Anthony at lahat ng mga business transactions at mga meeting niya ay pina-kansel niya munang lahat. Wala silang ginawa ni Analyn maghapon kung hindi ang manood ng mga pelikula at mga kung ano-anong palabas sa cable habang yakap-yakap ni Anthony sa Analyn sa kama. Ang pagkain nila, puro room service. Isang action movie ang pinapanood nila ngayon. Feel na feel ni Analyn ang kasalukuyang eksena ng biglang mag-ring ang telepono niya. Hindi agad tumalima si Analyn. Masyado itong naka-concentrate sa pinapanood. Hindi rin tumitigil ang pag-ring ng telepono. Hanggang sa mainis na siya sa walang tigil na pagtunog ng telepono. Naisipan niyang utusan si Anthony. “Abutin mo ang phone ko, please. Ang ingay, eh!” Agad namang sumunod si Anthony. Mas malapit kasi siya sa kinalalagyan ng telepono ni Analyn. Pero pagkadampot ni Anthony sa telepono, naputol na ang tawag. Sa halip, isang text message ang big
Hindi nakasama ni Analyn si Mrs. Chan sa bidding. Masama raw kasi ang pakiramdam nito. Agad namang gumawa ng paraan si Anthony para makapasok si Analyn sa bidding. Ibinigay niya sa asawa ang imbitasyon na para sa kanya para mag-representa para sa kanya.Kaya ng makita ng staff ang hawak na imbitasyon ni Analyn, walang tanong-tanong na pinapasok niya ito sa loob ng venue. Agad na naghanap ng puwestong mauupuan si Analyn, bahagya siyang kinakabahan dahil mag-isa lang siya. Hindi pa siya nagtatagal na nakaupo ng may narinig siyang nag-uusap sa gawing likuran niya.“Narinig ko sa labas na nandito rin daw si Sixto Esguerra ngayon.”“Talaga ba? Naku, alam na kapag um-attend ng bidding ang isang Sixto Esguerra. Ano kaya ang gusto niyang makuha sa ibi-bid ngayon?”“Pwede naman niyang iutos na lang sa tauhan niya ang pag-bid. Parang nakakapagtaka naman na siya mismo ang pupunta rito para makipaglabanan sa bidding.”“Malamang, ganun ka-importante ang bagay na ‘yun. Naku, kaabang-abang ang baga
“Pasensiya na. Pero pag-aari ng ama ni Anthony De la Merced ang pendulum clock nung nabubuhay pa ito. Kaya importante ngayon na makuha niya ang item. Sana mapagbigyan ni Mr. Sixto ito,” sagot ni Analyn.Tumayo na ang sekretarya at nagbalik sa upuan sa tabi ni Sixto. May sinabi ito sa amo, dahilan para lingunin ni Sixto si Analyn.Namalayan na lang ni Analyn na umabot na ng ninety million ang bid. Nalula si Analyn sa halaga. Minabuti niyang ipaalam kay Anthony ang kasalukuyang halaga ng pinakamataas na bid. Habang naghihintay ng reply ni Anthony, napansin niyang tumayo si Sixto mula sa upuan niya at lumapit sa kanya. Umupo ito sa inupuan kanina ng sekretarya niya. Hindi agad nagsalita si Sixto, katulad ng inaasahan ni Analyn. Kalmado lang ito na nag-dekuwatro ng upo. “Ang prinsesa ko bang si Brittany ang nag-utos sa iyo para mag-bid kay Anthony?” Nakangiting umiling si Analyn. “Busy ngayon ang boss, kaya ako ang pinapunta niya rito.”Hindi inaalisan ng tingin ni Sixto ang mukha ni
Walang nagsasalita sa dalawa habang nasa biyahe. Hindi alam ni Analyn kung ano ba ang io-open na topic dahil isang beses pa lang naman niyang nakasalamuha ang dalaga, at simpleng ipinakilala lang sila sa isa’t isa ni Edward. “Hindi ko inaasahan na makikita kita dun sa auction,” biglang sabi ni Kaye.“May nakisuyo lang para mag-bid ako.”“Sino si Edward? O si Anthony?”Ayaw na ni Analyn na maiugnay pa siya ni Kaye kay Edward kaya sinabi niya ang totoo.“Don’t worry. Hindi si Edward.”“Oh… pasensiya na. Para kasing super close kayo ni Edward kaya inisip kong siya. Minsan nga iniisip ko kung may espesyal ba kayong relasyong dalawa,” sabi ni Kaye pero sa harapan pa rin nakatingin.“Hindi ka dapat nag-iisip ng ganun, lalo na at malapit na kayong ikasal.”“Hah! Hindi mo ba nabalitaan? Wala na kami ni Edward. Nakipaghiwalay siya sa akin pagkatapos mo siyang lapitan doon sa isang bilyon na gusto mong utangin sa kanya. Hindi kasi ako pumayag. Anyway, mag-aasawa na dapat kami. So, all the w
Agad na nanginig ang katawan ni Analyn, kasabay ng kilabot na gumapang dito sa naisip niyang pwedeng mangyari sa kanya ngayon. Sa isip niya ay namura niya si Kaye. Bakit kailangang siya ang magdusa sa pang-iiwan sa kanya ni Edward? “Demonyo ka!” galit na sabi ni Analyn sa lalaki. Pero parang balewala lang sa lalaki ang sinabi niya. Ngumisi lang ito. “Gusto kong subukan kung magaling ka ba sa kama para mabaliw sa iyo si Anthony. Tingnan natin kung ililigtas ka ba niya.”Biglang naisip ni Analyn ang mga mensaheng ipinadala niya kay Anthony na hindi pa nito sinasagot. Hindi niya alam kung sadya bang busy ito. Kung hindi pa rin mababasa ni Anthony ang mga text niya, malamang na hindi ito makarating agad dito sa lugar at hindi siya mailigtas mula sa maduming balak ng lalaki sa harapan niya. Nalungkot si Analyn. Bigla siyang nawalan ng pag-asa na maililigtas pa siya ni Anthony ngayon.KAKADATING lang ni Anthony sa hotel room nila ni Analyn. Nauna siyang bumaba ng sasakyan sa sekretarya
“Details?” seryosong tanong ni Anthony. Nakakatakot ang itsura nito ngayon. Parang ang lalapit sa kanya ngayon ay hindi na mabubuhay. “Na-check na po namin, boss. Andres Yu ang pangalan. Officer sa Department of Customs. Ang asawa niya ay bagong promote lang ng Presidente at mago-oath taking sa sunod na buwan.”Nagngalit ang bagang ni Anthony. “Parang ayaw na niyang umabot sa oathtaking ng asawa niya, ah?”Tinawagan ni Anthony sa telepono niya ang chief ng security group niya. “Ipahanap mo si Kaye Suarez!”Sakto naman na huminto ang kotse ni Anthony sa harap ng hotel kaya nagmamadali na siyang sumakay. Ang bawat segundo ay mahalaga para sa kanya. Halos paliparin na ni Karl ang sasakyan, at hindi mapigilan ng sekretarya na mapakapit nang mabuti sa hawakan sa tapat niya.Nakarating naman sila agad sa address na nakalap ng sekretarya ni Anthony. Nakiramdam muna sila bago tuluyang bumaba ng sasakyan si Anthony. Nang nagsimula ng maglakad si Anthony patungo sa bahay ni Andres, biglang
“Analyn, hindi mo kailangang magsinungaling sa akin.”Kinagat ni Analyn ang ibabang labi. “May alam ka ba?”Hindi sumagot si Anthony, kaya alam na ni Analyn ang ibig sabihin nun. “I’m sorry… pwede ba’ng saka na natin pag-usapan ang tungkol dito?”“Gaano mo na katagal kakilala si Eric?” sa halip ay sagot ni Anthony.“Siya…” Hindi masabi ni Analyn ang dapat sabihin. Ang tanging nagawa niya ay magyuko ng ulo. “Ano?” ungkat ni Anthony. Mas mataas na ang boses nito.Lumunok ng malaki si Analyn, bago lakas-loob na nagsalita. “Siya… ang first… boyfriend ko…”Kumuyom ang palad ni Anthony sa narinig. Magkahalong galit at selos ang nararamdaman niya. “‘Yung senior? Mula sa St. Andrew’s? Bumalik siya sa Tierra Nueva para makita ka?”Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Analyn. “H-Hindi. Hindi ko alam. Ewan ko. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya bumalik dito.”“May gusto ka pa ba sa kanya?” muling tanong ni Anthony.“Apat na taon na ang nakaraan, Anthony. Marami ng nagbago sa akin.”
Pagdating ni Analyn sa sasakyan, abala ang asawa sa laptop niya. “Talagang hindi ka pwedeng umalis na hindi mo kasama ang laptop mo, ano?” puna ni Analyn. Nag-angat ng tingin si Anthony kay Analyn at saka ngumiti. “Masanay ka na, babe.”“Ano pa nga ba?”“Pahahatid na lang kita kay Karl sa bahay. Biglang nakipag-meeting ngayong araw ‘yung bagong naga-apply na investor.” “Hindi. Sasama ako sa ‘yo.” Tumaas ang isang kilay ni Anthony. “Hindi ka ba naniniwala sa akin? Sa DLM nga ako pupunta. Promise.” “No. Sabi mo na masanay na ako. So kailangan ko na ring masanay sa mga trabaho mo bilang ako si Mrs. De la Merced.”Malapad na napangiti si Anthony. “I like that…”Gumanti naman ng ngiti si Analyn. “Okay, read this habang nasa biyahe tayo para may idea ka sa background ng company nung investor.”NANG dumating sila sa conference room ng DLM, wala pa roon ang ka-meeting ni Anthony. “Baka gusto mong umatras, may panahon ka pa,” sabi ni Anthony sa asawa. “No. Kaya ko ‘to.”“Okay, sabi
“B-Bakit mo naman naitanong bigla?”Nagkibit-balikat si Anthony. “Wala lang. Naisip ko lang na maganda ang lugar na ito dito sa campus para manligaw. Romantic. Malaki ang tsansa na sagutin ka ng liligawan mo.”Hindi alam ni Analyn kung ano ba talaga ang motibo ni Anthony sa pagtatanong nun. Sa halip, ang ginawa niya, ibinalik niya ang tanong dito. “Ikaw ba, nagkaroon ka ba ng girlfriend mo rito sa St. Andrew's?”“Wala. Saka isang taon lang ako rito, di ba? Sa abroad na ako nagpatuloy ng pag-aaral. At wala rin akong naging panahon sa panliligaw doon. Puro aral lang ang ginawa ko dahil kailangan ko ng matataas na grades.”“Sus! Maniwala ako sa ‘yo. Sa guwapo mong ‘yan, imposibleng walang aaligid na babae sa ‘yo.” “Ang dami mong sinasabi, pero hindi mo pa rin sinagot ang tanong ko.” Ibinalik ni Analyn ang tingin sa lagoon. Mukhang hindi na niya maiiwasan ang tungkol sa topic na ‘yun. Huminga siya ng malalim bago sinagot ang tanong. “Nag-date kami ng mahigit sa isang taon. Tapos nagp
Iginiya ni Anthony ang asawa papunta sa walk-in closet para magpalit ng damit. “Ano’ng isusuot ko?”“Anything simple. Just like you.” NANG igiya ni Anthony pababa ng hagdan si Analyn, hindi napansin ni Anthony ang kabang mababanaag sa mga mata nito. “Parang nakakahiya na pumunta roon, Anthony.”“Bakit ka mahihiya?” Naglalakad na sila papunta sa sasakyan ni Anthony. Napansin ni Analyn ang mga bodyguard nito na nakakalat sa bakuran at ang mga sasakyn na gagamitin nila para maging convoy nila. Mukhang napaghandaan na ni Anthony ang lakad nila na ito. “Mapi-pictyuran ka dun kasama ako.” “I don’t care, misis. Sakay na.” Mukhang wala namang choice si Analyn, katulad ng wala rin siyang choice kagabi ng paulit-ulit siyang inangkin ni Anthony. Habang nasa biyahe, may mga tanong sa isip ni Analyn na gusto niyang masagot. Katulad ng: bakit parang bigla ay gusto siyang dalhin ni Anthony sa eskwelahan niya? May nalaman ba ito? Nakarating na sila sa St. Andrew’s University. Sobrang dami
Nagpunta si Analyn sa opisina niya. Ilang araw na kasing sa on-line lang siya nagtatrabaho kaya nakokonsiyensya siya. Parang hindi siya hands-on na may-ari ng kumpanya. Dumaan muna siya sa isang pizza store para bilhan ng merienda ang mga empleyado niya. Lahat sila ay nagulat pagkapasok ni Analyn sa pintuan ng opisina nila.“Wow, boss Analyn… lalo ka yatang gumanda?” papuri ni Michelle.Alam man ni Analyn na binobola siya ng kaibigan, pero gumaan ng konti ang nararamdaman niyang bigat ng katawan dahil sa isyu nila ni Anthony. “Kaya ayaw kong pumupunta rito sa opisina, may dala na nga akong pagkain n;yo, binobola n’yo pa ako.” Nagtawanan tuloy ang iba pang naroroon. Nagkataon na nandoon din pala si Elle. “Mukhang okay na kayong dalawa ni Kuya Anthony, ah?”“Ikaw talaga, napaka-tsismosa mo.”“Curious lang ba. Iba ‘yun sa tsismosa. Saka, halos lahat yata ng tao dito sa Tierra Nueva, curious sa love story n’yong dalawa. In fact, pati nga ang psychologist ko, interesado sa kuwento n’
“Sir Anthony, hinahanap mo raw ako?” Nag-angat ng tingin si Anthony mula sa mga pinipirmahang papeles. Kasunod na pumasok ni Ailyn ang sekretarya ni Anthony. “Cellphone?” tanong ni Anthony kay Ailyn, sabay lahad ng isang kamay niya para hingin ang telepono ng babae. Ang sekretarya ni Anthony sa halip ang nag-abot ng telepono ni Ailyn sa amo. Malamang ay nakuha na nito ang telepono sa labas pa lang ng opisina ng huli. “Password?” tanong ni Anthony ng hindi tinitingnan si Ailyn at sa halip ay sa screen ng telepono nito siya nakatingin.“Bakit, Sir Anthony? Ano’ng gusto mong makita sa telepono ko?” “Password?” ulit ni Anthony sa tanong niya. Huminga ng malalim si Ailyn at saka nagsalita. “0315”Nagsalubong ang mga kilay ni Anthony ng narinig ang password na sinabi ni Ailyn. Agad niyang pinindot ang mga numero at ng mabuksan ay dumiretso siya sa gallery. Pero wala ang hinahanap niyang video at picture roon. Tatatlo lang yatang picture ang nakalagay doon.Pabalibag na ibinaba ni Anth
Iyon ang video ng nagawa niyang pagkakamali sa Hongkong. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit wala sa mood ang asawa. Ibinalik ni Anthony ang telepono ni Analyn at saka nagpaliwanag. “Nung nasa Hongkong. Akala ko, ikaw ‘yung pumasok sa kuwarto ko. Kaya hinila ko ‘yung tao sa kama ko. P-Pero hindi ito katulad ng nasa isip mo. Hindi kumpleto ang video na ‘to. Dahil hindi nagtagal, nalaman ko agad na hindi pala ikaw ‘yun. Kaya huminto ako agad. Hindi natuloy. Promise, walang nangyari sa amin,” hindi magkandatutong paliwanag ni Anthony. Halos nauutal na sa pagpapaliwanag si Anthony, Ngayon lang yata may kinatakutan ang isang Anthony De la Merced. Pero kitang-kita ni Analyn sa mukha nito na nagsasabi ito ng totoo at hindi lang gumagawa ng istorya.“So, totoo nga ‘yang video na ‘yan?”Hindi sumagot si Anthony, sa halip ay lumunok ito ng malaki. “Hindi ko kasi maisip na iyong lalaking magpo-propose sa akin sa loob ng masikip na kotse ay magagawa akong pagtaksilan. So ang una kong nais
Pagkatapos ng napakahabang panahon, hindi akalain ni Analyn na babalik pa si Eric sa Tierra Nueva. Naglakad lang ng naglakad si Analyn, hindi niya alam kung saan siya pupunta. Magulo ang isip niya, nagulo dahil sa biglang pagsulpot ni Eric. Nang bigla siyang nakarinig ng sunod-sunod na busina. “Analyn! Saan ka pupunta? Tara na! Iuuwi na kita!” Wala sa wisyo na sumakay na si Analyn sa sasakyan ni Elle. “Hindi na ako magtatanong kung ano’ng nangyari, pero sana okay ka lang…” HALOS sabay lang dumating ang mga sasakyan nila Elle at Anthony sa bahay ng huli. “Wife, bakit ka umalis agad? Di ba sabi ko, sabay tayong uuwi?”Si Elle ang sumagot. “Sorry, Kuya Anthony. Isinama ko si Analyn. May pinuntahan lang kami diyan sa malapit. Pero nandito naman na siya, kaya aalis na ko.”Pagkasibad ni Elle, agad na pumasok na sa loob ng bahay su Analyn. Dumiretso siya sa pag-akyat patungo sa kuwarto nilang mag-asawa. Agad namang sumunod si Anthony. Inilapag lang ni Analyn ang dalang pouch at sak
Nang nasa sasakyan na sila Elle at Analyn, muling binuksan ni Analyn ang larawan sa telepono niya. Nagugulo ang isip niya at hindi siya mapakali kaya sinilip niyang mabuti.Galing ang picture mula sa isang surveillance video at in-screeshot. Pero maliwanag ‘yun. Kung ganito kalinaw ang quality ng larawan, ibig sabihin ay totoo ito at hindi in-edit lang. At totoo talaga ang picture dahil galing nga sa camera ng CCTV. Napatingin sa malayo si Analyn, maraming naglalaro sa isipan niya.“Kanina ka pa napapatulala riyan. Saka, ano ba'ng tinitingnan mo diyan sa telepono mo?” biglang tanong ni Elle, sabay silip sa screen ng telepono ni Analyn. Bigla namang itinago na ni Analyn ang telepono para hindi makita ni Elle ang tinitingnan niyang picture.“W-Wala. Tinitingnan ko lang kung may message si Anthony.” “Hindi ka pa niya mapapansin na wala ka na dun sa venue. Masyado pa ‘yung busy sa mga kausap niya.” “Elle, kung obvious na may gumagawa ng dahilan para paghiwalayin kayo ng asawa mo, pap