Pagpasok ni Analyn sa kuwarto nila ni Anthony, ang unang tumambad sa kanya ay ang magulong higaan. Pero naalala pa niya na inayos muna niya ang kama bago siya umalis kahit na nagmamadali pa siya. Inayos niya ang kama, pinalitan ng bed sheet at ang mga punda. Paano ay amoy usok ng sigarilyo ang mga iyon. Nang natapos na siya, saka niya napansin na bukas ang pintuan ng balcony. Naglakad siya patungo roon. Nang tuluyan niyang buksan ang pintuan, ang sumalubong sa kanya ay ang masakit sa ilong na amoy ng usok ng sigarilyo.“Grabe! Ilang tao ba ang nanigarilyo rito?” tanong ni Analyn sa sarili niya. Inilibot niya ang mga mata, doon niya nakita ang ashtray sa ibabaw ng center table. Punong-puno iyon ng upos ng sigarilyo, at meron ding kalahati lang ang nakonsumo pero itinapon na. Halos hindi na sila magkasya sa ashtray. Sininop ni Analyn iyon at nag-spray ng room spray para mawala ang amoy ng sigarilyo. Nakapagligpit na siya at lahat pero hindi pa rin dumating si Anthony. Napakatahimik
Papasikat na ang araw ng tinigilan ni Anthony si Analyn. Hindi napigilan ni Anthony ang mapangiti habang matamang nakatitig sa magandang mukha ni Analyn. Ngayon lang naging ganito kaganda ang umaga niya.“Good morning…” pagbati ni Anthony.Inirapan ni Analyn si Anthony.“At nagawa mo pang mag-good morning talaga?” Lalong lumapad ang ngiti ni Anthony. “Eh, sa good ang morning ko, eh! Sa sobrang good ng morning ko, gusto ko pa ngang humirit, eh!” Itinulak ni Analyn si Anthony, pero nanlalambot na siya kaya hindi man lang natinag ang lalaki sa malamyang pagtulak niya. Kumpara sa lalaki na para bang lalo pang na-energize pagkatapos ng ilang rounds nila. “Ano’ng humirit ka diyan? Pagod na ko.”Bahagyang natawa si Anthony. Bumaba na ito ng kama pero binuhat niya si Analyn at saka sila pumasok sa loob ng banyo. Naupo si Anthony sa gilid ng bathtub habang nasa kandungan niya si Analyn. Inabot niya ang gripo para dumaloy ang tubig. Mayamaya, tinimpla na niya ang temperatura ng tubig at sak
Hapon na ng magising si Analyn. Kumakalam na kasi ang sikmura niya. Kailan pa ba kasi ang huling kain niya?Tiningnan niya ang katabing espasyo sa kama. Wala roon si Anthony. “Awake?”Nilingon ni Analyn ang pinanggalingan ng boses. Nakaupo si Anthony sa pang-isahang sofa sa may paanan ng kama habang nasa hita niya ang nakabukas na laptop..Pupungas-pungas na bumangon si Analyn. “Nagtatrabaho ka na?” “Malamang. Baka hiwalayan mo ako kapag naghirap na ko.” Umirap si Analyn sa hangin, kasi somehow, kinilig siya sa sinabi na iyon ni Anthony pero ayaw niyang ipahalata sa lalaki. “Get ready. Maligo ka na, tapos kain na tayo bago pumunta ng ospital.”“Sige.”Akmang bababa na ng kama si Analyn ng bigla siyang natigilan. Inulit niya sa isip niya ang sinabi ni Anthony.“Ano’ng sabi mo?” Kagabi pa niya gustong sabihin kay Anthony na samahan siya sa pagpunta sa ospital pero nahihiya siya. Ayaw niyang iobliga ang lalaki dahil hindi naman kasama sa kasunduan nila iyon. Ang hiningi lang niya r
Nakalabas na si Damian sa ospital at iniuwi sa bahay na nahanap ni Vhance. Paminsan-minsan ay dumadalaw roon si Anthony. “Okay na ko. Akala ko ba sabi mo ako lang ang hinihintay para matuloy ang kasal n'yo sa simbahan?” Napahinto si Analyn sa ginagawa. Hindi niya akalain na maaalala ng Papa niya iyon. Muling itinuloy ni Analyn ang ginagawa at saka sinagot ang ama-amahan. “Kailangan pa ba ‘yun eh iang buwan na kaming kasal ni Anthony? Formality na lang naman ang ganun. Okay na kami ni Anthony.” Napamaang si Damian sa sagot ni Analyn. “Anak, minsan lang ikakasal ang isang babae sa simbahan ng naka-trahe de boda. Bakit mo naman ipagkakait sa sarili mo ‘yun?” Napakamot sa ulo niya si Analyn. “Eh, okay na ako, Papa. As long as kasal kami ni Anthony, okay na.”Matamang tinitigan ni Damian ang anak-anakan. “Iyong totoo, Analyn. May hidden agenda ba iyang kasal n’yo?”Muntik ng mabitiwan ni Analyn ang hawak niyang baso na pinupunasan. “‘Pa naman… ano’ng hidden agenda? Walang ganun…”
“Umm. Konti pa lang ang nakain mo, ah?”Ibinaba ni Analyn ang tasa sa mesa pagkaraan niyang ubusin ang laman na kape nun.“Hindi ako makakain masyado, kinakabahan ako. Okay na muna itong kape.”Tumayo na si Analyn kaya ganun din ang ginawa ni Anthony. Kahit hindi siya kumakain ng almusal, pinilit niyang kumain kahit konti para samahang kumain ang babae. Naglakad na si Analyn palabas ng dining room, kasunod si Anthony. Dinampot ni Analyn ang bag niya at ang bag na naglalaman ng mga papeles at dokumento. “Check mong mabuti ang mga dala mo, baka makalimutan kang dalhin,” paalala ni Anthony.Ganun nga ang ginawa ni Analyn.“I told you, ihahatid na kita.”Huminto si Analyn sa pagbusisi sa mga papeles at saka nakangiting tiningnan si Anthony.“I told you, si Karl na lang.”Ipinamulsa ni Anthony ang mga kamay at saka tumango. Ngayong araw na ang bidding ni Edward, pero sa kasamaang palad hindi ito makakapunta dahil bigla itong nagkasakit at nasa ospital. Dahil si Analyn ang gumawa ng pro
Kalahating oras pa ang hihintayin bago malaman ang resulta ng bidding. Nagdesisyon si Analyn na umalis na sa lugar at huwag ng hintayin ang anunsyo. Tapos naman na ang papel niya roon. Nagawa na niya ang dapat niyang gawin. Nasa biyahe pa si Analyn ng tumawag ang sekretarya ni Edward. [“Miss Analyn, maraming salamat sa tulong mo. Nakuha ni Sir Edward ang project.”]Malakas ang kutob ni Analyn na mananalo ang proposal ni Edward. Bakit nga hindi? Si Anthony lang naman ang gumawa nun! “Ganun ba?” [“Pinapasabi ni boss Edward na gusto ka raw niya i-treat sa isang dinner pagkalabas niya ng ospital.”]“No need. Pakisabi na lang sa kanya na okay na. Quits na kamo kami.”[“Miss Analyn?”]Bakas ang pagkagulat at pagtataka sa boses ng kausap ni Analyn.“Pakisabi na rin sa kanya na kung sakaling magkikita kami ulit, magpanggap na lang siya na hindi kami magkakilala. Maraming salamat kamo sa lahat ng naitulong niya sa akin.”Hindi na hinintay ni Analyn na sumagot ang kausap at pinatayan na it
“Ang mabuti pa, kumain ka na,” sabi ni Analyn sa ama. Inihanda na ni Analyn ang mesa para sa ama. Umupo na si Damian at nagsimula ng kumain. “Eh, ikaw?” “Mayamaya na ako, Papa. Hindi pa ako nagugutom.Hindi na sumagot pa si Damian. Alam niya ang nangyayari sa anak. “Lalabas lang ako, Papa. Magpapahangin lang. Ilagay mo na lang ang pinagkainan mo sa lababo. Huhugasan ko pagbalik.” Naglakad na si Analyn papunta sa pintuan ng tawagin siya ni Damian. “Analyn “ Huminto si Analyn at saka nilingon si Damian. Malungkot ang mukha ni Damian, nalulungkot siya para sa anak-anakan. “Ang mga taong tulad niya, mahirap silang hulaan. Ang maipapayo ko lang sa ‘yo, kung hindi talaga ubra, huwag mong ipilit para hindi ka masaktan.”Nasaling ng mga salitang iyon ang damdamin ni Analyn. Agad siyang nagbaling ng tingin para iwasan ang tingin ng ama. Nagbabanta na kasi ang pagbagsak ng mga luha niya at ayaw niyang makita ng ama ang pag-iyak niya. “Okay,” sagot niya habang nakaiwas ang tingin sa ama
Agad na sinalubong ng sekretarya niya si Anthony. “Boss, tumawag ang asawa mo kanina.” Namilog ang mga mata ni Anthony. “What time?” “Ngayong gabi lang.” Sumakay na si Anthony sa back seat ng sasakyan, at saka kinapa ang personal na telepono niya sa loob ng coat na suot. Tiningnan niya iyon at halos lumuwa ang mga mata niya ng makita ang napakaraming unread messages at missed calls mula kay Analyn. Nakagat niya ang labi habang naiisip ang itsura ng galit na si Analyn. Napabuga si Anthony. “Ano pala ang balita sa bidding?”“Nanalo po si Sir Edward, boss. As expected.”Tumango lang si Edward, pagkatapos ay binalingan si Karl. “Karl, doon tayo sa bahay ng Papa ni Analyn. Pakibilisan lang ang pagda-drive.”PATAY na ang ilaw sa bahay ni Damian. Nasa labas ng gate si Anthony. Hindi niya malaman kung kakatok ba siya o aalis na lang. Nahihiya siya dahil halos mag-alas dose na ng hatinggabi. Pero sigurado rin siya na umuusok na ang ilong ni Analyn sa galit sa kanya. Mayamaya, dinukot n
Malapit na ang Bagong Taon. Marami ng nagtitinda ng kung ano-ano sa mga kalsadang nadadaanan nila Anthony at Analyn. Galing sila sa Annual Year-End Party ng lahat ng investor ng DLM Group. Habang pinagmamasdan ni Analyn ang mga iba’t ibang paninda sa labas ng bintana, maraming tumatakbo sa isipan niya. Parang kailan lang nung huling bagong taon. Bago lang sila na naiksala ni Anthony noon. Sino ang mag-aakala na ang anim buwan ay aabot ng isang taon pala?Nilingon ni Analyn si Anthony. “Malapit na naman sa subdivision, gusto kong maglakad kasama ka.” Tumaas ang isang kilay ni Anthony at saka tiningnan ang mga paa ni Analyn. “Magpalit ka muna ng sapatos.”“Wala akong dala. Okay na ‘to. Eh di, kapag sumakit ang paa ko, kargahin mo ko,” tila naglalambing na sagot ni Analyn. Kinalabit ni Anthony ang balikat ng sekretarya niya na nakaupo satabi ni Karl. Agad namang yumuko ang sekretarya at may kinuha sa paanan niya.May kinuha pala itong paper bag at saka inabot iyon kay Anthony. Mula
Abala si Analyn sa laptop niya ng biglang may nagsalita sa gawi ng pintuan. Kinabukasan na ang araw ng pasahod sa mga empleyado nila ni Elle at ngayon pa lang niya nire-review ang attendance ng mga ito.“Bakit naman salubong ang mga kilay mo diyan?”Nag-angat ng tingin si Analyn mula sa laptop niya. Biglang nagliwanag ang mukha niya ng nakita niyang nakatayo si Elle sa may pintuan ng kuwarto niya. Agad siyang napatayo at saka nagmamadaling nilapitan ang kaibigan. Gusto sana niyang magtampo dahil wala itong sinagot sa mga text niya, pero ngayong nakita niya na okay ito ay kinalimutan na lang niya ang pagtatampo. “Elle! Mariosep, akala ko ipauubaya mo na sa akin ang buong Blank,” pagbibiro ni Analyn.Umirap si Elle sa kanya. “Asa ka, malaki ang inilabas kong pera rito,” ang tipikal na sagot ng isang Elle. Niyakap ni Analyn si Elle. “Saan ka ba kasi nagpunta? Bakit ka umalis ng Tierra Nueva?”Nag-alanganin si Elle. Gusto rin sana niyang yakapin pabalik si Analyn, pero meron sa loob n
Walang nagawa si Damian kung hindi ang gumawa ng listahan at ibigay iyon kay Analyn. “Itong nasa huli ng listahan, kulay pulang kahon ito. Nakapatong ito sa pinaka-itaas ng cabinet ko roon. Huwag na huwag mong kakalimutan ‘yan. Kailangang dala mo ‘yan pabalik dito,” pagbibilin ni Damian kay Analyn.“Ano’ng nasa loob nito, Papa? Kayamanan ba?” “Private matter ko ‘yan, Analyn. Huwag ng maraming tanong.”“Sige na, Papa… ano’ng sikreto ang meron ka dun sa kahon?” pangungulit pa ni Analyn.Tumaas ang isang kilay ni Damian. “Sikreto nga, di ba?”“Pera? Marami kang pera?” namimilog ang mga mata na tanong ni Analyn.“Tsk! Ang kulit nitong batang ‘to…”Ngumiti at nag-peace sign si Analyn sa ama. “Joke lang! Hindi na mabiro si Papa…”NANG naroroon na si Analyn sa dating tinutuluyan ni Damian, inobserbahan niya ang bahay. Mukhang wala namang bakas na may nakapasok. Baka hindi pa umaaksyon si Vhance, o nagbabalak pa lang ito ng pwede niyang gawin. Agad na kinuha ni Analyn ang mga nakalagay sa
Pagkatapos ng hindi pagkikita ng ilang araw, naging napakainit ng naging pagniniig ng mag-asawa. Himbing na himbing ang tulog ni Anthony ng nagising si Analyn. Dahan-dahan siyang bumangon. Nang bigla niyang naalala si Elle, baka sumagot na ang kaibigan sa mga text niya.Agad niyang dinampot ang telepono at saka binuksan iyon. Meron na ngang sagot si Elle. Hindi lang isa, kung hindi marami. Agad niyang binuksan ang mga mensahe nito. Nakalagay doon na nagpunta siya ng San Clemente para may asikasuhin tungkol sa negosyo nila. Sinabi rin niya na huwag siyang mag-alala dahil hindi pa sila nagpapanagpo ulit ni Alfie at okay lang siya. Huling mensahe ni Elle na huwag siyang mag-alala para sa kanya. Napa-isip si Analyn. May mali sa mga mensahe ni Elle. Masyado iyong pormal. Parang malayo sa Elle na kilala niya na laging may halong biro o sarkasmo ang pagsasalita nito kahit pa sa text lang. Parang hindi niya ma-imagine na ganun magsalita si Elle katulad ng nabasa niya.Sandali. Kailan pa kam
Humalakhak ng malakas si Eric.Tila naaliw ito sa sinabi ni Elle. “Joke ba ‘yan, Elle?” Pagkatapos ay muling tumawa ito.Natigilan si Elle, saka umiling. “Hindi. Totoo ang sinasabi ko.”Huminto sa pagtawa si Eric at saka itinulak si Elle. “Tapos na ang pagiging doktor at pasyente natin. Tapos na ang pagiging doktor ko sa ‘yo.”“Aw, come on, Doc Eric. Ang sabi mo noon ako lang ang gusto mong maging pasyente mo bilang isang psychologist. Actually, naguguluhan nga ako. Babalik ka pala rito sa San Clemente para pamahalaan ang mga negosyo ng pamilya n’yo, pero bakit ka pumunta sa Tierra Nueva para maging doktor ko?” Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Eric at saka napailing. Bakit ba kasi halos lahat ng mga babae, tingin agad nila sa sarili nila ay espesyal sila sa mata ng isang lalaki? “Sa tingin mo, bakit?” mapanghamong tanong ni Eric kay Elle.Nagsalubong ang mga kilay ni Elle. “Hindi dahil sa akin?” Hinawakan ni Eric ang baba ni Elle, “masyado kang careless, Elle. Ano’ng n
“Sino ang batang ‘yan? Kamag-anak ba ni Anthony ‘yan?” “Hindi… bakit? Bakit parang apektado ka dun sa bata?”Nakahinga ng maluwag si Damian ng marinig niya ang sagot ni Analyn. “Pero bakit may mga litrato siya rito? At kasama pa lagi si Anthony?”“Kababata siya ni Anthony.”Tumango si Damian at saka sunod-sunod na lumunok. Ibinalik niya ang hawak na larawan. “Wala naman. Nagtaka lang ako kasi kamukhang-kamukha mo talaga.”Nagkibit-balikat si Analyn. “Ewan ko lang kung ano ang itsura niya ngayon na malaki na siya.”Piping naidasal na lang din ni Analyn na sana ay buhay pa si Ailyn na kababata ni Anthony.“Sa tingin ko, mas maganda ka sa kanya ngayon,” nakangiting komento ni Damian na may kasama pang pagtapik sa balikat ng anak. SAN CLEMENTE. Huling araw na ni Anthony ngayon sa nasabing lugar. Bukas ay babalik na siya sa Tierra Nueva. Bilang huling gabi, tinipon niya ang mga matataas na opisyal ng DLM, para magsalo silang lahat sa isang hapunan at para na rin magbigay si Anthony n
Kinabukasan ng umaga, nadatnan ni Analyn ang ama na nagpapa-araw sa bakuran. “Papa, ang aga mo namang magising?”“Nako… ganitong oras talaga ako magising. Palibhasa, ang natatandaan mo lang sa akin eh noong tulog lang ako ng tulog sa ospital.”Tumawa si Analyn.“Bakit wala pa siya?” tanong ni Damian. Kumunot ang noo ni Analyn. “Sino'ng siya?” Sumama ang tingin ni Damian sa anak. “Sino pa? Eh, di si Anthony! Sino pa ba?” Muling tumawa si Analyn. Gusto lang naman talaga niyang biruin ang ama.“Bakit kasi hindi mo tawagin sa pangalan niya? Dati naman ang tawag mo kay Eric, ang kaibigan kuno. Hindi rin sa pangalan niya,” natatawa pa ring sabi ni Analyn. Lihim na napangiti si Damian. Napansin niyang kaswal na lang na nababanggit ng anak si Eric. Ibig sabihin ay naka-move on na ito sa relasyon niya dati sa lalaki.“Siyempre! Pinalaki kita, dinamitan, tapos kukunin ka lang sa akin ng kung sinong poncio pilato?” galit-galitan na sagot ni Damian.“Okay, fine,” nakangiting sagot ni Analyn
Nang dumating sila Analyn at Damian sa bahay nila Analyn ay naayos at nalinis na ng mga kasambahay ang tutuluyang kuwarto ng ama. Naiilang si Damian magkikilos sa bahay ni Analyn. Hindi siya nasanay na may mga katulong na umaaligid sa kanya. Simple lang ang buhay niya noong bago siya magkasakit. Isa pa, nalalakihan siya sa bahay na iyon. Sobrang laki, at sobrang tahimik. Pero nagustuhan niya ang hardin. Doon lang siya nakatagpo ng kapayapaan. Pagkatapos kumain ng hapunan, hinanap ni Analyn ang ama pagkatapos niyang mag-shower. Nakita niya ito sa balkonahe at nakatingin sa malayo. Base sa mukha nito, hindi siya mukhang masaya.“Papa, bakit ka nakatulala riyan?” Parang biglang nagising si Damian at saka nilingon ang anak. “Wala lang… naninibago lang. Para kasing ibang-iba na ang paligid ngayon, kumpara nung bago ako nakatulog ng mahaba.” “Sa tingin mo ba nagbago na ko?” “Hindi ikaw ang sinasabi ko. Ang pananaw ko ang nagbago. Maupo ka.” Agad namang naupo si Analyn. “Nasaan naman
Nakahinga ng maluwag si Analyn ng nakita niya ang Papa niya at si Jan na magka-usap sa labas ng clinic nito. Naramdaman siguro ng dalawang lalaki ang presensiya niya dahil sabay itong lumingon sa direksyon niya. Agad na ngumiti si Damian kay Analyn. “Etong si Analyn, masyadong nag-aalala sa akin. Hindi naman ako mawawala,” sabi ni Damian habang papalapit na si Analyn.Akmang tatayo si Damian kaya agad itong inalalayan ni Jan. “Ganun lang talaga ang mga anak. Gusto lang nila masiguro na okay ang magulang nila,” sabi ni Jan habang nakaalalay kay Damian. Nahihiyang hinarap ni Analyn si Jan. “Thank you, Doc Jan. Pasensiya na sa abala. Sobrang nag-alala lang talaga ako kay Papa.”Naiilang naman si Jan kay Analyn kaya hindi niya ito direktang matingnan sa mga mata nito.“Wala ‘yun. Pasyente ko rin naman si Tito, at natural na magmalasakit pa rin ako sa kanya.” Pagkasabi nun ay inabot ni Jan kay Analyn ang resulta ng mga test ni Damian.“Okay naman ang mga result niya. Everything is g