Hinayaan na ni Tyron ang dalaga sa gusto nitong gawin. Pagkapasok sa kompanya ay dumiritso na siya sa opisina at naghihintay doon ang assistant niya.Tumingin si Jesabell sa paligid bago naglakas patungo sa area kung saan naroon sina Lara. Pagkakita ni Ruth sa kaniya ay masaya itong lumapit."Jesabell, kumusta ka na? Salamat nga pala at dahil sa iyo ay na prompte ako bilang kapalit ni Ms. Katibag."Nakangiting hinawakan ni Jesabell sa kamay nag babae. "Deserve mo iyan at ang sabi ko naman sa iyo noon ay mas magaling ka kaysa sa babaeng iyon."Jesabell," nahihiyang tawag ni Lory sa pangalan ng dating kaibigan.Nilingon ni Jesabell ang dating kaibigan at mukhang kawawa itong tumitig sa kaniya."Sorry talaga sa ginawa ko noon at salamat dahil hindi mo ako dinamaya sa nais parusahan ni Mr. CEO." Nagyuko ng ulo si Lory at nahiya sa dating kaibigan. "Napatawad na kita pero sorry dahil pinutol ko na ang pagkakaibigan natin. Sana sa sunod mong maging kaibigan ay maging totoo ka na at huwag u
"Watch your mouth, Ms. Jona." Malamig na sita ni Tyron sa babae.Hindi makapaniwalang tumitig si Jona sa binata. Nang makita ang madilim na anyo ng binata ay natigilan siya saka tumingin sa babaeng tinatawag na bitch. Nang ngumiti ito sa kaniya ay biglang nag alinlangan siya kung tama ba ang ginawa niyang pagtataray dito."Alam mo, miss, maganda ka sana pero judgemental ka. Hindi na nakapagtaka kung bakit hiniwayan ka ni Timothy. Ang alam ko rin ay ayaw sa iyo ni Trix bilang ina niya." Nang uuyam na prangka ni Jesabell sa babae. "How dare you para sabihan ako ng ganiyan! Sino ka ba ha?" Tangkang sasampalin ni Jona ang babae ngunit may pumigil sa kamay niyang nakataas."Huwag momg subukang saktan ang nobya ko at hindi ako mangiming ipatapon ka palabas dito sa kompanya!" Matigas at galit na banta ni Tyron sa babae bago marahas na binitawan ang kamay nito.Umawang ang bibig ni Jona at kamuntik na siya matumba kung hindi lang maagap ang secretary ni Timothy. "No'nobya mo?" Hindi pa rin m
"Pagdating sa ibang bansa ay masayang inilaan ni Jesabell ang oras sa matanda. Si Jason at Tyron ay naging abala sa pag aayos ng mga papel upang maging legal na kapamilya. Inayos din ang pagkuha ng masteral sa kursong engineer. "Isang lingo lang ang inilagi nila sa ibang bansa at kasama na ang matanda pag uwi ng Pinas. Ikakasal na kasi sila ni Tyron sa sunod na lingo. Pero after graduation ay babalik muli sa ibang bansa ang abuelo at kasama na si Jason. Hindi na mahintay ang graduate muna bago ang kasal dahil nagmamadali ang matanda at naintindihan nila dahil kahit ok na ang operasyon nito ay mahina pa rin. Sa ibang bansa lang gustong mamalagi dahil doon nakalibing ang asawa nito."Nasa silid na ba si Lolo?" tanong ni Jesabell kay Tyron nang pumasok ito sa silid niya.Nakangiting tumango si Tyron. Hindi kasi siya makapasok sa silid ng dalaga kapag makita ng abuelo. Ganoon din ang dalaga sa silid niya. Hindi kasi nito gustong nagtatabi na sila ng tulog ni Jesabell dahil hindi pa umano
Halos magtatalon si Jesabell dahil sa tuwa. Matapos ang discussion about sa work at umuwi rin sila ng nobyo.Dumating ang araw ng kasal ay walang mapagsindlan ng tuwa ang damdamin ni Jesabell. Si Ruth ang naging bridesmaid niya at si Jason ang best man. Si Trix ay nauto niya rin kaya naging ring bearer."You look beautiful." Puri ni Janina sa dalaga habang tinitingnan ito sa harap ng salamin.Nakangiting nilingon niya ang babae. "Thank you at lalo akong gumanda dahil ikaw ang nag design ng suot ko ngayon.Lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Janina. Nang mapatingin sa suot ng dalaga. Pero may pait sa kaniyang puso, ang pangarap niya noon ay siya ang magsusuot ng first design niyang wedding gown. Pero malabo na mangyari kaya nagpasya siyang ibigay iyon sa taong unang nagustohan na magsuot niyon."Thank you, alam ko na may value sa iyo itong gown at sobrang saya ko dahil sa akin mo ipinasuot." Hinawakan niya ang isang kamay ng dalaga.Nakangiting tinapik tapik ni Janina ang likod ng pala
"Mga apo, huwag ninyong pabayaan ang isa't isa. Sa hirap at ginhawa ay huwag bumitaw." Ani Jonard bago ipinatong ang kamay ng dalaga sa naghihintay na palad ng apo niya. "Opo, lolo!" Sabay na sagot ng dalawa."Tyron, hijo, ikaw ang nakatatanda kaya dapat mas lawakan mo ang iyong unawa at pasensya."Napangiti si Tyron sa abuelo. Parang kailan lang ay ito rin ang bilin sa kaniya nang kunin nila si Jesabell at pinaalagaan sa kaniya."Hija," baling ng tingin ni Jonard sa dalaga. "After this ay hindi na ikaw ang batang iyakin. Kung may problam at hindi pagkaunawaan sa pagitan ninyong mag asawa ay huwag mong takasan."Nalulunang tumango tango si Jesabell habang tikom ang bibig. Hindi niya magawang ibuka ang bibig dahil tiyak na pipiyok lang ang boses niya. Nang pisilin ni Tyron ang kamay niya ay ngumiti siya rito.Inalalayan muna ni Tyron na makaupo ang abuelo sa upuan bago inakaya na ang dalaga patungo sa harap ng altar. Pagharap sa pari ay agad na nagsimula ito sa mesa kasunod ng sermony
"Hi, mommy!" Gulat na napatitig si Janina sa batang lalaki na biglang sulpot sa harapan niya. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makilala ang bata na kanina pang pinagmamasdan mula sa malayo. "A-ano ang tawag mo sa akin?" Kabado niyang tanong sa batang lumapit sa kaniya."Puwede po ba kitang maging mommy?" Pinasiklop pa ni Trix ang dalawang kamay at mukhang nagmamakaawa.Mukhang nabunutan ng tinik sa dibdib si Janina nang malinaw na marinig ang sinabi ng bata. Pero ang isang bahagi ng puso ay nakaramdam ng panlulumo. Bigla siyang naawa sa bata. "Where's your mom?""I don't like her po!"Tumaas ang mga kilay ni Janina at hindi makapaniwalang nakatitig sa cute na mukha ng bata. Ngayon lang siya nakarinig ng bata na ayaw sa sariling ina. Kilala niya ang ama at ina nito kaya nagtataka siya. Sinalat pa niya ang noo ng bata at naka may sakit lang."Hoy, ano ang ginagawa mo sa anai ko?" Galit na sita ni Jona sa babaeng kausap ng anak."Sorry, tinitingnan ko lang kung may sakit siya." Pagpaku
"Timothy, puwede ba tayong mag-usap?" mapagkumbabang pakiusap ni Jona sa binata.Mukhanh napipilitang nag angat ng tingin si Timothy mula sa pagbabasa ng balita sa news paper. Napabuntong hininga siya, kahit nasaan siya ay nagpupumilit ang dating asawa na makausap siya. Tulad ngayon, hindi napigilan ng katulong ang pagpasok nito sa loob ng bahay niya at sobrang maaga pa itong nambulabog."Timothy, gusto kong bumawi sa anak natin. Hayaan mo sanang maalagaan ko siya." "Kahit pumayag ako kung ayaw ng anak mo ay walang ako magagawa."Hinayaan ni Jona na tumulo ang mga luha niya upang maawa ang binata. "Alam kong kasalanan ko kung bakit lumayo ang loob niya sa akin. Kung hindi ko sana siya iniwan at—""Alam mong hindi iyan ang dahilan kung bakit ayaw niya sa iyo. Kung noong maliit pa siya ay hindi mo siya kayang mahalin, what more ngayong nadagdagan ang edad niya?" Malamig na putol ni Timothy sa pagsasalita ng babae.Napasinok si Jona at patuloy sa pag iyak. Pero sa kaloob looban niya ay
"Please, isang buwan lang. Ito lang ang paraang naisip ko upang mapalapit sa puso ng anak natin." Patuloy na pagmakaawa ni Jona sa binata."Isang buwan lang at si Trix lang ang maari mong kausapin habang narito sa pamamahay ko. Kapag hindi mo pa rin nakuha ang loob niya sa isang buwan na iyan no more exemption at hindi mo ako maaring sisihin." Seryusong turan ni Timothy habang tuwid na nakatingin sa dalaga.Mabilis na pinunasan ni Jona ang luha sa mga mata at pisngi saka ngumiti. "Thank you! Huwag kang mag aalala at hindi ka magsisi sa pagtanggap muli sa akin sa buhay mo.""Titira ka dito dahil kay Trix at hindi dahil sa akin." Malamig niyang paalala sa babae.Nasaktan si Jona sa sinabi ng binata pero hindi niya ininda iyon. Lalapitan niya sana ito at yakapin upang magpasalamat ngunit biglang tumayo ito at lumayo sa kaniya."Kausapin ko muna si Trox upang hindi mabigla sa pagtira mo dito. Tandaan mo, kapag inulit mo ang nangyari noon, hindi ako mangiming ipakulong ka!"Natakot si Jona
"Babe, bibili lang ako ng pagkain natin." Paalam ni Timothy sa dalaga habang naroon pa ang nurse."Mag ingat ka." Hinatid ni Janina hanggang pinto ang binata.Sa malapit na kainang bukas bente kuwatro oras lang bumili si Timothy. Ayaw niyang umalis mamaya na hindi pa naka kain ang dalaga. Ang anak nila ay may provide na tamang meal ang hospital para dito.Kumain na rin siya kasabay si Janina. Hindi niya pinaalam ang lakad ngayon at ayaw niyang mag alala ito sa kaniya."Mag ingat ka sa lakad mo at bumalik agad."Napangiti si Timothy at parang bata ang nobya na takot maiwan nang matagal. Niyakap niya ito at hinaplos ang pisngi. "Tawagan mo ako kung may problema dito at sikapin kong makabalik agad." Bilin niya sa dalaga bago hinalikan sa noo ang natutulog pa ring anak.Gumanti siya ng yakap sa binata. Ewan ba niya pero kinakabahan siya sa pag alis ngayon ng binata.Nagmadali nang umalis si Timothy nang makawala sa dalaga. Ayaw miyang magtagal.at baka makahalata na ito at pigilan siyang u
"Danny, gising na si Marian at hinahanap ka!" Masayang tawag ni Janina sa kaibigang bakla."Ayy, my baby girl!" Pumilantik ang mga daliri ni Danny at masayang lumapit sa bata. "I'm here, anak!"Napangiti si Timothy habang pinapanood ang bakla at ang anak. Naiinggit siya sa closeness ng dalawa at ito agad ang hinanap ng anak niya. Pero naintindihan niya ang bagay na iyon dahil si Danny ang nakagisnan ng bata at tumayong parang ama dito noong wala siya. "Hello, princess!" Bati ng asawa ni Danny mula sa video call.Hinawakan ni Janina ang kamay ng binata at mukhang na out of place ito bigla. Sadyang malapit ang abak nila sa mag asawang bakla dahil madalas ay ang mga ito ang kasama at siya ay nagta trabaho noon."Don’t worry, masaya ako at may ibang nagmamahal sa anak natin." Niyakap ni Timothy mula sa likod ang dalaga."Honey, siya ang biological father ni Marian." Iniharap ni Danny ang camera kay Timothy. Nakangiting bumati si Timothy sa lalaki na marunong umitindi ng kanilang salita.
"Bantayan ninyong mabuti ang babaeng iyan at hindi maaring makatakas. Huwag palinlang sa mga dahilan niya, maliwanag?" Bilin ni Timothy sa tatlong tauhan niya."Opo, sir!" Magkapanabay na tugon ng tatlo sa binata."Honey, please pakawalan mo ako dito! Nagbago na ako at tunay kitang mahal!" Umiiyak na pagmamakaawa ni Jona sa binata.Mukhang nabibinging tiningnan ni Timothy ang babae. "Busalnan niyo na rin ang bibig niya at maingay."Nanlaki ang mga mata ni Jona at matigas na umiling. "No... you can't do this to me, Timothy! Labag sa batas itong ginagawa mo sa akin!"Umangat ang isang sulok ng labi ni Timothy. "Alam mo pa lang may batas. Pero nang ninakaw mo ang mga anak ni Janina ay naisip mo va iyan?"Umiiyak na umiling si Jona at patuloy na nagmakaawa sq binata. "Nagsisi na ako! Please, huwag mo gawin ito sa akin alang alang sa pinagsamahan natin bilang mag asawa noon!""Walang kapatawaran ang ginawa ninyo at nararapat lang na pareho kayong mabulok sa bilangoan!" Matigas na turan ni
Natigilan si Jona at kinabahan na naman. Binalot ng takot ang puso niya sa pagkakataong ito. Kung ang pagkatao ni Trix ay natuklasan ni Timothy, hindi malabong napahanap na rin nito ang isa pang anak. "Imposible!" naibulong ni Jona sa sarili. Imposibleng mahanap nila ang bata dahil walang clue kung nasaan na ito o kung saan niya dinala noon."Lahat ng ginagawa ninyo ng kasabwat mo ay may mabuting naidudulot sa amin. Hindi mo magamit sa akin ang alas mong iyan dahil hindi pinabayaan ni Lord ang bata noong itinapon mo sa ilog."Biglang bumigay ang mga tuhod ni Jona dahil nanghina sa narinig. Nagmukha siyang nakalambitin na mula sa pagkahawak ng dalawang lalaki sa mga braso niya. Sa ilog nga niya itinapon ang bata noon. Paano nalaman ng binata ang tungkol doon?"Hindi siya pinabayaan ng kaniyang anghel at agad ding ibinalik kay Janina nang gabing ding iyon ang isa pa niyang anak." Dugtong pa ni Timothy.Nandidilat ang mga mata ni Jona habang nakayuko. Kung ganoon, ang naampon ni Janina a
"Honey...." sinalubong ni Jona ang binata at tangkang yayakapin ito ngunit umiwas sa kaniya ang binata. Nilapitan ni Timothy ang anak at hinalikan ito sa pisngi. "Sumama ka muna kay Tita Minche sa room."Nakakaunawang tumango si Trix at mabilis na humawak sa kamay ng tiyahin upang pumanhik sa ikalawang palapag.Nang masigurong hindi na sila maririnig at makita ni Trix ay saka lang hinarap ni Timothy si Jona."Timothy, I miss you! Alam mo bang sobra akong nag aalala sa iyo dahil halos wala ka ng time sa amin ng anak mo." Lalapit sana siya sa binata ngunit inunahan sya nito. "Dalhin siya sa basement." Utos ni Timothy sa tauhan na kanina pa sa labas lang ng pinto.Nanlaki ang mga mata ni Jona at kinabahan nang may tatlong lalaki ang biglang pumasok sa pinto. "Honey, a-ano ang ibig mong sabihin?" Umurong siya ng hakbang nang lumapit sa kaniya ang tatlong lalaki.Sa halip na sagutin ang babae ay mabilis niyang inagaw ang cellphone nito nang tumunog."Timothy, cellphone ko iyan!" Inagaw
"Nagsagawa ako ng DNA test at ito ang result!" Inilaabit na niya sa kamay ng dalaga ang papel.Saka lang parang nagkaroon ng lakas si Janina at mabilis na kinuha ang papel. Pagkabasa sa pangalan ng bata ay napahagulhol na siya ng iyak at tinakpan ang bibig gamit ang sariling palad. "A-anak mo siya?" Tumingin siya kay Marian. Niyakap ni Timothy ang dalaga mula sa tagilirian nito. "Hindi siya nawala sa iyo at ibinalik siya sa iyo ni Lord nang hindi mo namalayan.""Oh my, God! All this time ay tunay kong anak ang inangkin kong anak?" Nagtatalon na si Janina dahil sa tuwa habang nakayakap sa baywang ng binata."Yes!" Sinapo niya sa magkabilang pisngi ang dalaga at nangiting hinalikan ito ng mabilis sa labi."Thank you! Kung hindi dahil sa iyo ay hindi ko ito matuklasan maging ang pagkatao ni Trix!" Parang balon na bumalong ang luha sa mga mata niya. Walang mapagsidlan ang tuwa na nadarama niya ngayon. "Kambal ang anak natin?"Napaluha na rin si Timothy at nakangiting tumango bilang tugon
Mabilis kumambiyo ang sasakyan nila Minche at nag iba ng daan. "Ma'am, ibang daan po ang tatahakin natin!" ani ng Driver kay Minche habang nakatingin ito sa side mirror.Tumango si Minche sa driver at niyakap ang pamangkin. Ang bodyguard nilang nakaupo sa unahan ay naging alerto rin. Mabilis niyang tinawagan si Timothy upang ipaalam na may sumusunod sa kanila.Lumayo muna si Timothy kay Janina bago sinagot ang tawag ng kapatid. Napatiim bagang siya nang marinig ang binabalita ng kapatid. Kailangan niyang manatiling kalmado at baka magalata ni Janina at mag aalala ito."Pero huwag kang mag alala at alam ng driver ang gagawin." Bawi ni Minche upang hindi na mag alala ang kapatid."Tatawagan ko po ang kaibigan ko upang pasundan kayo riyan." Agad na ibinaba na ni Timothy ang tawag saka tinawagan si Tyron. Sa kanilang dalawa kasi ay mas marami itong connection at mapadali ang lahat. "May porblema ba?" tanong ni Janina sa binata nang bumalik na ito sa tabi niya.Pilit na ngumiti si Timothy
Binuhat ni Timothy ang anak at inilapit sa natutulog na kapatid nito."Daddy, she looks like me." Manghang pinakatitigan ni Trix ang batang natutulog. "Ok lang po ba siya?" Bigla naman siya nalungkot nang makita ang ilang bandage sa pisngi at noo ng bata."Of course because she's your sister. And as of now, nagpapagaling pa ang kapatid mo kaya tutok kami ni Mommy sa pagbabantay sa kaniya." Nakangiting paliwanag ni Timothy sa anak."Don’t worry about me po, mommy and daddy. I'm strong po at hindi kailangan ng alaga. Lahat din po ng sasabihin ninyo at ni Tita Minche ay susund8j ko upang hindi kayo mag alala sa akin!"Nagpapasalamat ang tinging ipinukol ni Janina kay Minche. Nagpasalamat siya dito dahil sa tamang paggabay sa anak niya. Lumaki ito na amy malawak na unawa at mapagmahal. "Mula ngayon ay huwag ka nang sumama sa Mommy Jona mo okay? Huwag kang humiwalay sa tita at yaya mo kahit ano ang mangyari." Paalala dito ni Timothy. "Opo, ayaw ko rin po sa kaniya sumama at baka ilayo n
"Head namin siya at huwag mo nang dagdagan ang issue ngayon at ayaw kong matanggal sa trabaho." Halos pabulong na ani ng lalaki.Pagtingin muli ni Paul sa lalaking nasa unahan ay wala na ito roon. Inis na umalis na siya at binalikan sa sasakyan si Jona."Ano ang nangyari?" tanong agad ni Jona kay Paul."Bulshit, mukhang may alam na nga si Timothy sa tunay na ina ni Trix!" Naihampas ni Paul ang nakakuyom na kamay sa manibela."Ano na ang gagawin natin ngayon?" Kabadong tanong ni Jona sa binata. "Bumalik ka sa bahay ni Timothy at gumawa ng paraan na maitakas si Trix. Ikaw pa rin ang ina sa papel ng bata kaya maari mo siyang isalay sa eroplabo at ilayo pansamantala. Kailangan natin ng alas upang hindi pareho mapahamak." Utos ni Paul sa dalaga.Nakagat ni Jona ang ibabang labi. "Saan ko naman siya dadalhin upang itago?""Doon muna kayo sa bagong nabili kong property sa isang isla. Walang nakakaalam sa lugar na iyon mula sa kaanak ko dahil gusto ko iyon gawin private place ko sana.Hindi