Napatitig muli si Timothy sa fashion brand designer nila. Nasa unahan na ito at ipinapakita sa kanila ang bago nitong gawa at ipinapaliwanag na rin. Masasabi niyang magaling nga ito at unique ang gawa. Professional rin mag handle sa lahat kasama na ang pag discuss sa kanila na mga board memeber. Alam nito ang kung ano ang gusto ng consumers or target audience. Marami kasing brand ang kompanya, jewelry, gowns at iba pang cosmetics. Unang pumalakpak matapos magsalita ni Janina ay si Tyron. Sigurado siya ngayon na lalong tataas ang profit ng kompanya dahil sa ilalabas nilang bagong designs of products sa tulong na rin ni Janina. "Congratulations and thank you!" Masayang kinamayan ni Tyron ang dalaga. "Thank you so much sa tiwala." Pasalamat ni Janina at sumunod na nakipagkamay sa kaniya ay ang iba pa. Nakaka overwhelmed ang puri at paghanga ng mga ito sa kaniya. Ang akala niya ay hindi na siya babatiin ng taong hinihintay niyang lumapit sa kaniya. "Congratulations!" Pormal nq bat
Umangat ang isang sulok ng labi ni Janina at tumalim ang tingin habang yakap pa rin ang bata. "Oras na upang maningil. Iparanas ko sa iyo kung paano maagawan bg mahal sa buhay. Iparamdam ko sa iyo ang kung paano mawalan ng mahal sa buhay!" bulong ni Janina sa sarili.Alam niyang si Timothy ang buhay ni Jona pero hindi mahal ang sarili nitong anak. Ganoon ka selfish ang pinsan mula noon hanggang ngayon. Ang isa sa ipinagtataka niya ay kung paano ito nabuntis ni Timothy kaya naging asawa.Alam niyang hindi siya makikila ni Jona dahil marami ang nagbago sa kaniyang appearance. "Mommy, gusto ko pong kumain sa labas." Paglalambing ni Trix sa dalaga. "Iniimbitahan mo ba akong kuamin sa labas?" Pabiro niyang tanong sa bata at hinaplos ito sa pisngi "No po, si Daddy po ang mag aaya sa iyo!"Nagulat si Timothy sa narinig na sagot ng anak sa tanong ni Jesabell. Kararating niya lang at iyon ang naabutan."Di ba, daddy?" tanong ni Trix sa ama na nasa bungad ng pinto.Gulat na napatingin si Jan
Iginala ni Janina ang tingin sa paligid nang makababa sa sasakyan. Agad na kumapit sa kamay niya si Trix. Malaki ang bahay at malawak ang garden na malapit sa pool. "Kasuwerte talaga ng babaeng iyon at napatira sa ganitong lugar!" inis niyang bulong sa sarili at ang tinutukoy ay si Jona."Mommy, let's go na po!" Excited na aya ni Trix sa dalaga."Trix slow down, baka masaktan si Ms. Janina.." Saway ni Timothy sa anak.Nakangiting nilingon niya si Timothy at pinarating ng tingin niya dito na ok lang siya. Pagpasok nila sa pinto ay napahanga siya sa ganda ng ambiance sa bahay. Napatingin siya sa bata nang biglang bumitaw sa kaniyang kamay ito."Tita Minche!" Tuwang tuwa na tumakbo si Trix patungo sa pinto ng kusina nang makita ang ginang.Napatingin si Janina sa babaeng niyakap ni Trix. Nang tumingin ito sa kaniya ay matipid siyang ngumiti at bahagyang tumukod bilang pagbati. "Hello po."Nakangiting inakay ni Minche ang pamangkin at lumapit sila sa babaeng kasama ng bata. "Hulaan ko, ik
.Inis na naipadyak ni Jona ang kaliwang paa nang maiwan mag isa sa sala. Umakyat na siya sa hagdan at sinundan si Trix na dinala ng katulong sa silid nito upang magpalit ng damit. Nainis siya at ang silid na gamit ngayon ay iyon din ang gamit niya noong mag asawa pa sila ni Timothy. Kapag nalaman ng iba ang set up sa pagitan nila ni Timothy noon pa man ay tiyak kaawaan o pagtawanan siya. Nagbago ang isip niya, sa halip na puntahan ang anak ay pumasok muna siya sa silid niya. Malinis iyon at walang bakas na naiwang tumira siya noon sa bahay na ito. Ang mga larawang naiwan niya noon ay wala na doon o kahit ilang gamit manlang. Mabilis siyang nagpalit ng damit na maiksing maong short at hanging blouse. Kinuha niya rin ang laruang binili para kay Trix bago lumabas. Natigil sa pagbaba sa hagdan si Trix nang makita ang ina na palapit sa kaniya. "Anak, look what I've got for you." Napatitig si Trix sa malaking box na hawak ng ina. "No space na po sa playroom ko ang toys. Saka big boy na
"What's wrong? Bakit mukhang galit ang pogi kong pamangkin?" tanong ni Minche at nagmamadaling nilapitan ang pamangkin.Napilitang tumayo na si Jona upang bigyan ng daan si Minche. Pagtingin niya sa likod ay naroon ang babaeng kinainisan dahil pumapapel sa buhay ng anak niya.Napabuntong hininga si Minche nabg ayaw mag angat ng ulo ng bata at nanatiling nakayakap lang sa ama. Sinamaan niya ng tingin si Jona at sigurado na ito ang may kasalanan."Trix, anak, come to mommy na at open natin ang laruan mo." Paglalambing ni Jona sa bata.Umangat ang isang sulok ng labi ni Janina nang hindi natinag ang bata at nanatiling nakayakap lang sa ama nito. Masaya siya at hindi maganda ang relasyon ni Jona sa bata. Gusto niya itong asarin kaya sumingit na siya. "Trix, gumawa ako ng cookies, want to taste it?"Mabilis na nag angat ng tingin si Trix pagkarinig sa tinig ni Janina. Nang makita ang dala nitong tray ay natatakam na lumapit sa dalaga.Pakiramdam ni Jona ay sasabog ang dibdib niya dahil sa
"Salamat sa paghatid, hindi ko na kayo iimbitahan sa loob at medyo magulo ang bahay na nirerentahan ko dahil wala pang time maglinis." Nahihiyang pasalamat ni Janina sa binata pagkatigil ng sasakyan sa harap ng building kung nasaan ang pad niya.Napatingin si Timothy sa building na may sampung palapag. Hindi rin iyon kalayuan sa komapanya nila Tyron. "Safe ka ba sa lugar na ito?" Wala sa sariling naitanong niya sa dalaga.Nakangiting tumango si Janina. Natuwa siya at concern sa kaniya ang binata."Mommy, tulungan ko po kayong maglinis." Presinta ni Trix at gustong makasama pa ang dalaga.Napangiti si Janina at nilingon ang batang na nakaupo sa likod kasama ang tiyahin nito. "Salamat pero kere ko na ito. Next time nankita anyayahan sa bahay ko at ipagluto kita ng gusto mong pagkain.""Si Trix lang ba?" Tonong nagtatampong tanong ni Minche.Napakamot sa batok si Janina, "kung hindi po nakaabala sa inyo ay maari rin kayong sumama." Bumaba na si Timothy sa sasakyan at pinagbuksan ng pint
Nang masiguro ni Janina na nakaalis na sina Timothy ay saka lang siya umalis sa bintana kung saan natatanaw niya ang harap ng building. Pagkalapit sa maliit na altar ay napatitig siya sa maliit na larawan. Mariing naipikit niya ang mga mata at kusang tumulo na naman ang mga luha niya."Anak, malapit na kitang maipaghiganti!" kausap ni Janina sa larawan habang patuloy sa pagtulo ang mga luha. Hindi siya matatahimik kahit maayos na ang buhay kasama ang batang nagbigay sa kaniya ng pag asa noon.Mariing naglapat ang mga labi ni Janina at naikuyom ang mga kamay nang maalala ang nangyari noon sa hospital. Hindi niya alam kung ano nangyari sa kaniya noon at bigla siyang inilipat sa operating room mula sa emergency room lamang. Ang alam niya ay kaya niyang ianak ng noram ang bata ngunit nag insist ang doctor na cesarian siya. Nawalan pa siya ng malay at pagsising niya ay declare na nasa incubator ang anak niya. Naabutan pa niyang buhay ang anak niya pero hindi siya pinalapit kaya hindi mal
"Thank you dahil hindi ka nagdalawang isip na tulungan ako noon!" Umiiyak na aniya sa kaibigang bakla."Ayst, ano ba Janina? Saan ka ba galing at nagkakaganyan ka na naman? Paano ako makapag luto kung puro ka drama diyan na babaita ka?" Lalo lamang napaiyak si Janina dahil sa sermon ng kaibigan pero nasa boses naman ang habag para sa kaniya.Napabuntong hininga si Danny saka hinarap ang kaibigan. Ang akala niya noon ay mawawala na ito sa sarili. Pinagamot niya ito at ang batang dala. Hindi niya kilala ang mga ito lalo na at kakauwi niya lang galing sa ibang bansa para magbakasyon. Pero hindi niya maatim na iwan o pabayaan ang mga ito noon. Kahit malaki ang nagastos noon ay ok lang basta gumaling ang dalaga. Nabinat din kasi ito mula sa panganganak. Nang lumakas na ay inayos niya ang papers ng mga ito at isinama pabalik sa ibang bansa kung saan siya may business kasama ang kaniyang partner na hapon."Tama na, kapag hindi ka pa tumigil sa pag iyak ay babalik na tayo sa ibang bansa!" Pa
Kahit may baril na nakatutok sa kaniya ay maliksi pa ring kumilos si Paul. Dumaklot siya ng lupa at isinaboy iyon sa babae sabay bangon. Bago pa ito makabawi sa oagkabigla ay sinipa niya ito ngunit nailigan pa rin. Nangalit ang bagang niya nang ngumiti ang babae. Hindi siya maaring tumagal doon. Kahit gusto niyang basagin ang mukha ng babae ay pinili niyang umalis. Ngumit pagkatalikod niya ay may lalaking nakahatang na sa daraanan niya. At hindi lang basta nakaharang dahil may baril ding hawak at nakatutok na sa kaniya."Police ito at napapalibutan ka na namin!" Pakiramdam ni Paul ay may bombang sumabog sa ulo niya. Napatulala na lang siya nang pagtulungan siyang lagyan ng posas sa dalawang kamay. Napahagulhol ng iyak si Jona nang maalis na ang busal sa kaniyang bibig. Ibinaba na rin siya sa sasakyan. Tulad ni Paul ay naka posas din ang mga kamay niya.Lalong nanlaki ang ulo ni Paul at nanlaki ang mga mata nang makita si Jona. "Damn, kahit kailan ay dinadamay mo ako sa pagiging tang
"Sir wala pa sa location ang suspect." Napangisi si Jona nang marinig ang tinig na nagmula sa radyo na hawak ng Timothy. Napakuyom ng kamay si Timothy at mukhang naniniguro si Paul bago magpakita sa tagpuan. Kita sa mukha ni Jona na natuwa ito sa narinig. Napatingin siya sa cellphone ni Jona nang tumunog iyon at si Paul ang natawag. "Nasaan na ang stand in?"Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Jona sa narinig. Bigla siyang kinabahan at mukhang may ibang plano si Timothy na hindi sang ayon sa kaniya. Ilang sandali pa ay bumukas ng pinto at tumambad sa kaniya ang mukha ng isang babaeng na sa unang tingin ay kamukha niya. "Takpan ang bibig niya upang hindi makalikha ng ingay." Timothy sa tauhan habang nakatingin kay Jona."No, please... Timothy hindi ka magtatagumpay at matalino si Paul!" Nanlilisik ang mga mata ni Jona ngunit wala na naman siya nagawa nang malagyan ng busal ang bibig niya."Sagutin mo at sabihing malapit na kayo sa location." Ibinigay ni Timothy ang cellphone sa baba
"Babe, bibili lang ako ng pagkain natin." Paalam ni Timothy sa dalaga habang naroon pa ang nurse."Mag ingat ka." Hinatid ni Janina hanggang pinto ang binata.Sa malapit na kainang bukas bente kuwatro oras lang bumili si Timothy. Ayaw niyang umalis mamaya na hindi pa naka kain ang dalaga. Ang anak nila ay may provide na tamang meal ang hospital para dito.Kumain na rin siya kasabay si Janina. Hindi niya pinaalam ang lakad ngayon at ayaw niyang mag alala ito sa kaniya."Mag ingat ka sa lakad mo at bumalik agad."Napangiti si Timothy at parang bata ang nobya na takot maiwan nang matagal. Niyakap niya ito at hinaplos ang pisngi. "Tawagan mo ako kung may problema dito at sikapin kong makabalik agad." Bilin niya sa dalaga bago hinalikan sa noo ang natutulog pa ring anak.Gumanti siya ng yakap sa binata. Ewan ba niya pero kinakabahan siya sa pag alis ngayon ng binata.Nagmadali nang umalis si Timothy nang makawala sa dalaga. Ayaw miyang magtagal.at baka makahalata na ito at pigilan siyang u
"Danny, gising na si Marian at hinahanap ka!" Masayang tawag ni Janina sa kaibigang bakla."Ayy, my baby girl!" Pumilantik ang mga daliri ni Danny at masayang lumapit sa bata. "I'm here, anak!"Napangiti si Timothy habang pinapanood ang bakla at ang anak. Naiinggit siya sa closeness ng dalawa at ito agad ang hinanap ng anak niya. Pero naintindihan niya ang bagay na iyon dahil si Danny ang nakagisnan ng bata at tumayong parang ama dito noong wala siya. "Hello, princess!" Bati ng asawa ni Danny mula sa video call.Hinawakan ni Janina ang kamay ng binata at mukhang na out of place ito bigla. Sadyang malapit ang abak nila sa mag asawang bakla dahil madalas ay ang mga ito ang kasama at siya ay nagta trabaho noon."Don’t worry, masaya ako at may ibang nagmamahal sa anak natin." Niyakap ni Timothy mula sa likod ang dalaga."Honey, siya ang biological father ni Marian." Iniharap ni Danny ang camera kay Timothy. Nakangiting bumati si Timothy sa lalaki na marunong umitindi ng kanilang salita.
"Bantayan ninyong mabuti ang babaeng iyan at hindi maaring makatakas. Huwag palinlang sa mga dahilan niya, maliwanag?" Bilin ni Timothy sa tatlong tauhan niya."Opo, sir!" Magkapanabay na tugon ng tatlo sa binata."Honey, please pakawalan mo ako dito! Nagbago na ako at tunay kitang mahal!" Umiiyak na pagmamakaawa ni Jona sa binata.Mukhang nabibinging tiningnan ni Timothy ang babae. "Busalnan niyo na rin ang bibig niya at maingay."Nanlaki ang mga mata ni Jona at matigas na umiling. "No... you can't do this to me, Timothy! Labag sa batas itong ginagawa mo sa akin!"Umangat ang isang sulok ng labi ni Timothy. "Alam mo pa lang may batas. Pero nang ninakaw mo ang mga anak ni Janina ay naisip mo va iyan?"Umiiyak na umiling si Jona at patuloy na nagmakaawa sq binata. "Nagsisi na ako! Please, huwag mo gawin ito sa akin alang alang sa pinagsamahan natin bilang mag asawa noon!""Walang kapatawaran ang ginawa ninyo at nararapat lang na pareho kayong mabulok sa bilangoan!" Matigas na turan ni
Natigilan si Jona at kinabahan na naman. Binalot ng takot ang puso niya sa pagkakataong ito. Kung ang pagkatao ni Trix ay natuklasan ni Timothy, hindi malabong napahanap na rin nito ang isa pang anak. "Imposible!" naibulong ni Jona sa sarili. Imposibleng mahanap nila ang bata dahil walang clue kung nasaan na ito o kung saan niya dinala noon."Lahat ng ginagawa ninyo ng kasabwat mo ay may mabuting naidudulot sa amin. Hindi mo magamit sa akin ang alas mong iyan dahil hindi pinabayaan ni Lord ang bata noong itinapon mo sa ilog."Biglang bumigay ang mga tuhod ni Jona dahil nanghina sa narinig. Nagmukha siyang nakalambitin na mula sa pagkahawak ng dalawang lalaki sa mga braso niya. Sa ilog nga niya itinapon ang bata noon. Paano nalaman ng binata ang tungkol doon?"Hindi siya pinabayaan ng kaniyang anghel at agad ding ibinalik kay Janina nang gabing ding iyon ang isa pa niyang anak." Dugtong pa ni Timothy.Nandidilat ang mga mata ni Jona habang nakayuko. Kung ganoon, ang naampon ni Janina a
"Honey...." sinalubong ni Jona ang binata at tangkang yayakapin ito ngunit umiwas sa kaniya ang binata. Nilapitan ni Timothy ang anak at hinalikan ito sa pisngi. "Sumama ka muna kay Tita Minche sa room."Nakakaunawang tumango si Trix at mabilis na humawak sa kamay ng tiyahin upang pumanhik sa ikalawang palapag.Nang masigurong hindi na sila maririnig at makita ni Trix ay saka lang hinarap ni Timothy si Jona."Timothy, I miss you! Alam mo bang sobra akong nag aalala sa iyo dahil halos wala ka ng time sa amin ng anak mo." Lalapit sana siya sa binata ngunit inunahan sya nito. "Dalhin siya sa basement." Utos ni Timothy sa tauhan na kanina pa sa labas lang ng pinto.Nanlaki ang mga mata ni Jona at kinabahan nang may tatlong lalaki ang biglang pumasok sa pinto. "Honey, a-ano ang ibig mong sabihin?" Umurong siya ng hakbang nang lumapit sa kaniya ang tatlong lalaki.Sa halip na sagutin ang babae ay mabilis niyang inagaw ang cellphone nito nang tumunog."Timothy, cellphone ko iyan!" Inagaw
"Nagsagawa ako ng DNA test at ito ang result!" Inilaabit na niya sa kamay ng dalaga ang papel.Saka lang parang nagkaroon ng lakas si Janina at mabilis na kinuha ang papel. Pagkabasa sa pangalan ng bata ay napahagulhol na siya ng iyak at tinakpan ang bibig gamit ang sariling palad. "A-anak mo siya?" Tumingin siya kay Marian. Niyakap ni Timothy ang dalaga mula sa tagilirian nito. "Hindi siya nawala sa iyo at ibinalik siya sa iyo ni Lord nang hindi mo namalayan.""Oh my, God! All this time ay tunay kong anak ang inangkin kong anak?" Nagtatalon na si Janina dahil sa tuwa habang nakayakap sa baywang ng binata."Yes!" Sinapo niya sa magkabilang pisngi ang dalaga at nangiting hinalikan ito ng mabilis sa labi."Thank you! Kung hindi dahil sa iyo ay hindi ko ito matuklasan maging ang pagkatao ni Trix!" Parang balon na bumalong ang luha sa mga mata niya. Walang mapagsidlan ang tuwa na nadarama niya ngayon. "Kambal ang anak natin?"Napaluha na rin si Timothy at nakangiting tumango bilang tugon
Mabilis kumambiyo ang sasakyan nila Minche at nag iba ng daan. "Ma'am, ibang daan po ang tatahakin natin!" ani ng Driver kay Minche habang nakatingin ito sa side mirror.Tumango si Minche sa driver at niyakap ang pamangkin. Ang bodyguard nilang nakaupo sa unahan ay naging alerto rin. Mabilis niyang tinawagan si Timothy upang ipaalam na may sumusunod sa kanila.Lumayo muna si Timothy kay Janina bago sinagot ang tawag ng kapatid. Napatiim bagang siya nang marinig ang binabalita ng kapatid. Kailangan niyang manatiling kalmado at baka magalata ni Janina at mag aalala ito."Pero huwag kang mag alala at alam ng driver ang gagawin." Bawi ni Minche upang hindi na mag alala ang kapatid."Tatawagan ko po ang kaibigan ko upang pasundan kayo riyan." Agad na ibinaba na ni Timothy ang tawag saka tinawagan si Tyron. Sa kanilang dalawa kasi ay mas marami itong connection at mapadali ang lahat. "May porblema ba?" tanong ni Janina sa binata nang bumalik na ito sa tabi niya.Pilit na ngumiti si Timothy