"What's wrong? Bakit mukhang galit ang pogi kong pamangkin?" tanong ni Minche at nagmamadaling nilapitan ang pamangkin.Napilitang tumayo na si Jona upang bigyan ng daan si Minche. Pagtingin niya sa likod ay naroon ang babaeng kinainisan dahil pumapapel sa buhay ng anak niya.Napabuntong hininga si Minche nabg ayaw mag angat ng ulo ng bata at nanatiling nakayakap lang sa ama. Sinamaan niya ng tingin si Jona at sigurado na ito ang may kasalanan."Trix, anak, come to mommy na at open natin ang laruan mo." Paglalambing ni Jona sa bata.Umangat ang isang sulok ng labi ni Janina nang hindi natinag ang bata at nanatiling nakayakap lang sa ama nito. Masaya siya at hindi maganda ang relasyon ni Jona sa bata. Gusto niya itong asarin kaya sumingit na siya. "Trix, gumawa ako ng cookies, want to taste it?"Mabilis na nag angat ng tingin si Trix pagkarinig sa tinig ni Janina. Nang makita ang dala nitong tray ay natatakam na lumapit sa dalaga.Pakiramdam ni Jona ay sasabog ang dibdib niya dahil sa
"Salamat sa paghatid, hindi ko na kayo iimbitahan sa loob at medyo magulo ang bahay na nirerentahan ko dahil wala pang time maglinis." Nahihiyang pasalamat ni Janina sa binata pagkatigil ng sasakyan sa harap ng building kung nasaan ang pad niya.Napatingin si Timothy sa building na may sampung palapag. Hindi rin iyon kalayuan sa komapanya nila Tyron. "Safe ka ba sa lugar na ito?" Wala sa sariling naitanong niya sa dalaga.Nakangiting tumango si Janina. Natuwa siya at concern sa kaniya ang binata."Mommy, tulungan ko po kayong maglinis." Presinta ni Trix at gustong makasama pa ang dalaga.Napangiti si Janina at nilingon ang batang na nakaupo sa likod kasama ang tiyahin nito. "Salamat pero kere ko na ito. Next time nankita anyayahan sa bahay ko at ipagluto kita ng gusto mong pagkain.""Si Trix lang ba?" Tonong nagtatampong tanong ni Minche.Napakamot sa batok si Janina, "kung hindi po nakaabala sa inyo ay maari rin kayong sumama." Bumaba na si Timothy sa sasakyan at pinagbuksan ng pint
Nang masiguro ni Janina na nakaalis na sina Timothy ay saka lang siya umalis sa bintana kung saan natatanaw niya ang harap ng building. Pagkalapit sa maliit na altar ay napatitig siya sa maliit na larawan. Mariing naipikit niya ang mga mata at kusang tumulo na naman ang mga luha niya."Anak, malapit na kitang maipaghiganti!" kausap ni Janina sa larawan habang patuloy sa pagtulo ang mga luha. Hindi siya matatahimik kahit maayos na ang buhay kasama ang batang nagbigay sa kaniya ng pag asa noon.Mariing naglapat ang mga labi ni Janina at naikuyom ang mga kamay nang maalala ang nangyari noon sa hospital. Hindi niya alam kung ano nangyari sa kaniya noon at bigla siyang inilipat sa operating room mula sa emergency room lamang. Ang alam niya ay kaya niyang ianak ng noram ang bata ngunit nag insist ang doctor na cesarian siya. Nawalan pa siya ng malay at pagsising niya ay declare na nasa incubator ang anak niya. Naabutan pa niyang buhay ang anak niya pero hindi siya pinalapit kaya hindi mal
"Thank you dahil hindi ka nagdalawang isip na tulungan ako noon!" Umiiyak na aniya sa kaibigang bakla."Ayst, ano ba Janina? Saan ka ba galing at nagkakaganyan ka na naman? Paano ako makapag luto kung puro ka drama diyan na babaita ka?" Lalo lamang napaiyak si Janina dahil sa sermon ng kaibigan pero nasa boses naman ang habag para sa kaniya.Napabuntong hininga si Danny saka hinarap ang kaibigan. Ang akala niya noon ay mawawala na ito sa sarili. Pinagamot niya ito at ang batang dala. Hindi niya kilala ang mga ito lalo na at kakauwi niya lang galing sa ibang bansa para magbakasyon. Pero hindi niya maatim na iwan o pabayaan ang mga ito noon. Kahit malaki ang nagastos noon ay ok lang basta gumaling ang dalaga. Nabinat din kasi ito mula sa panganganak. Nang lumakas na ay inayos niya ang papers ng mga ito at isinama pabalik sa ibang bansa kung saan siya may business kasama ang kaniyang partner na hapon."Tama na, kapag hindi ka pa tumigil sa pag iyak ay babalik na tayo sa ibang bansa!" Pa
Inagaw ni Danny ang gulay nahawak ng dalaga bago pa iyon madurog dahil sa pagkakuyom ng mga kamay nito. "Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa iyo na it's your choice? Hindi sagot ang alak sa problema."Napasimangot si Janina, kaibigan niya ang bakla pero pagdating sa baluktot niyang paniniwala ay hindi ito sumasang ayon. Tama naman ito, hindi siya inutusan ng ama na uminum ng gabing iyon. Suwerte niya lang at hindi nagtagumpay ang hayop na boyfriend ni Jona nang gabing iyon. Hindi niya akalaing sundan siya ng gagong iyon kung saan siya uminum at gustong samantalahin ang kahinaan niya. Pero sa kasamaang palad ay nawala pa rin ang pinakaiingatan niyang puri nang gabing iyon. Sa kagustohang makatakas sa boyfriend ni Jona ay pumasok siya sa isang VIP room na naroon lang din sa ikatlong palapag ng naturang night club. Sa katangahan pa niya ay siya pa ang natakot na makilala ng lalaking humalay sa kaniya. Pero parang hindi naman rape na matawag iyon dahil nagustohan niya ang paraan n
"Dadalaw ako madalas doon." Yumakap siya sa tagiliran ng bakla upang hindi na siya sermonan pa."Basta lagi kang mag ingat at huwag kampanti na hindi ka makilala ni Jona."Nakangiting tumago si Janina at sinilip ang niluluto nito. Nang malapit nang maluto ay inihanda na niya ang lamesa at nagutom siya bigla....Inis na napatingin si Jona sa suot na relo nang wala pa rin sina Timothy at ang anak. Hindi pa nakakabalik ang mga ito mula sa paghatid kay Janina. Tumulong pq siya sa katulong upang may maipagyabang kay Timothy ngunit mukhang hindi dito ang kakain ang mga ito. Ang ikinainis pa niya ay hindi sinabi sa kaniya o niyaya siya. Inis siyang bumalik sa silid at tinawagan ang ina."Ano na naman ba ang ikinagagalit mo?" Inis na tanong ni Josie sa anak mula sa kabilang linya."Gusto kong mawala sa landas ko ang babaeng iyon habang maaga pa!" Naiinis niyang utos sa ina."Bakit sa akin mo sinasabi iyan at hindi doon sa mukhang perang lalaking iyon?" Iritableng turan ni Josie.Inis na umup
"Sir, nasa labas po si Agent Falcon."Nang angat ng tingin si Timothy at tumingin sa assistant. "Papasukin mo at ayaw kong may isturbo habang kausap ko siya."Tumango ang assistant saka nagmamadaling binuksan ang pinto. "Pasok na po kayo."Nagpasalamat si Falcon sa lalaki at pumasok na. Nakipagkamay siya kay Timothy nang tumayo ito at sinalubong siya."Have a seat." Tinuro ni Timothy ang bakanting upuan na nasa harap ng working table."Thanks!" Pagkaupo ni Falcon ay binuklat agad ang folder na dala. "Ito na anh files ng pinaiimbistigahan mo."Mabilis na kinuha ni Timothy at tiningnan. Wala siyang makitang mali sa background ni Jona na kahinahinala. Ang record nito sa hospital kung saan nanganak ay ganoon din sa unang nakuha niyang information bago pinakasalan ang babae."Inimbistigahan ko ang mga taong malapit sa kaniya. Ang ina niya ay may bagong asawa at may anak ang napangasawa."Binitiwan na ni Timothy ang binabasa at nakinig na lang sa agent."Napag alam ko na hindi magkasundo a
"Kailangan nating mahanap ang babaeng iyan." Turo ni Timothy sa larawan ng step-sister ni Jona."Wait, may email na ang taong inutusan ko." ani Falcon at hawak ang private mobile.Mabilis na lumapit si Timothy sa binata at sabay nilang pinanood ang clip ng footage. Sa unang kuha ay siya ang kitang pumasok sa isang silid. Ilang minuto lang ang lumipas ay may babaeng palinga linga na naglalakad sa hallway at lahat ng pintong madaanan ay sinusubukang buksan. Mukhang may gusto itong pagtataguan. Mabuway din ang paglalakad ng babae at halatang lasing. Hindi malinaw na makita ang mukha dahil nakayuko ang babae. Pero sa katawan at height ng babae ay masabi niyang hindi si Jona iyon."Siya nga ang babaeng nagalaw mo," ani Falcon nang makitang nakapasok sa silid ni Timothy ang babae.Halos hindi na magawang kumurap si Timothy habang hinihintay ang paglabas ng babae sa silid niya. Gusto niyang makita ang mukha nito. "Mukhang tama ka sa sinabi mo na nakita mo nga siya nang gabing iyon," ani Fal
"Babe, bibili lang ako ng pagkain natin." Paalam ni Timothy sa dalaga habang naroon pa ang nurse."Mag ingat ka." Hinatid ni Janina hanggang pinto ang binata.Sa malapit na kainang bukas bente kuwatro oras lang bumili si Timothy. Ayaw niyang umalis mamaya na hindi pa naka kain ang dalaga. Ang anak nila ay may provide na tamang meal ang hospital para dito.Kumain na rin siya kasabay si Janina. Hindi niya pinaalam ang lakad ngayon at ayaw niyang mag alala ito sa kaniya."Mag ingat ka sa lakad mo at bumalik agad."Napangiti si Timothy at parang bata ang nobya na takot maiwan nang matagal. Niyakap niya ito at hinaplos ang pisngi. "Tawagan mo ako kung may problema dito at sikapin kong makabalik agad." Bilin niya sa dalaga bago hinalikan sa noo ang natutulog pa ring anak.Gumanti siya ng yakap sa binata. Ewan ba niya pero kinakabahan siya sa pag alis ngayon ng binata.Nagmadali nang umalis si Timothy nang makawala sa dalaga. Ayaw miyang magtagal.at baka makahalata na ito at pigilan siyang u
"Danny, gising na si Marian at hinahanap ka!" Masayang tawag ni Janina sa kaibigang bakla."Ayy, my baby girl!" Pumilantik ang mga daliri ni Danny at masayang lumapit sa bata. "I'm here, anak!"Napangiti si Timothy habang pinapanood ang bakla at ang anak. Naiinggit siya sa closeness ng dalawa at ito agad ang hinanap ng anak niya. Pero naintindihan niya ang bagay na iyon dahil si Danny ang nakagisnan ng bata at tumayong parang ama dito noong wala siya. "Hello, princess!" Bati ng asawa ni Danny mula sa video call.Hinawakan ni Janina ang kamay ng binata at mukhang na out of place ito bigla. Sadyang malapit ang abak nila sa mag asawang bakla dahil madalas ay ang mga ito ang kasama at siya ay nagta trabaho noon."Don’t worry, masaya ako at may ibang nagmamahal sa anak natin." Niyakap ni Timothy mula sa likod ang dalaga."Honey, siya ang biological father ni Marian." Iniharap ni Danny ang camera kay Timothy. Nakangiting bumati si Timothy sa lalaki na marunong umitindi ng kanilang salita.
"Bantayan ninyong mabuti ang babaeng iyan at hindi maaring makatakas. Huwag palinlang sa mga dahilan niya, maliwanag?" Bilin ni Timothy sa tatlong tauhan niya."Opo, sir!" Magkapanabay na tugon ng tatlo sa binata."Honey, please pakawalan mo ako dito! Nagbago na ako at tunay kitang mahal!" Umiiyak na pagmamakaawa ni Jona sa binata.Mukhang nabibinging tiningnan ni Timothy ang babae. "Busalnan niyo na rin ang bibig niya at maingay."Nanlaki ang mga mata ni Jona at matigas na umiling. "No... you can't do this to me, Timothy! Labag sa batas itong ginagawa mo sa akin!"Umangat ang isang sulok ng labi ni Timothy. "Alam mo pa lang may batas. Pero nang ninakaw mo ang mga anak ni Janina ay naisip mo va iyan?"Umiiyak na umiling si Jona at patuloy na nagmakaawa sq binata. "Nagsisi na ako! Please, huwag mo gawin ito sa akin alang alang sa pinagsamahan natin bilang mag asawa noon!""Walang kapatawaran ang ginawa ninyo at nararapat lang na pareho kayong mabulok sa bilangoan!" Matigas na turan ni
Natigilan si Jona at kinabahan na naman. Binalot ng takot ang puso niya sa pagkakataong ito. Kung ang pagkatao ni Trix ay natuklasan ni Timothy, hindi malabong napahanap na rin nito ang isa pang anak. "Imposible!" naibulong ni Jona sa sarili. Imposibleng mahanap nila ang bata dahil walang clue kung nasaan na ito o kung saan niya dinala noon."Lahat ng ginagawa ninyo ng kasabwat mo ay may mabuting naidudulot sa amin. Hindi mo magamit sa akin ang alas mong iyan dahil hindi pinabayaan ni Lord ang bata noong itinapon mo sa ilog."Biglang bumigay ang mga tuhod ni Jona dahil nanghina sa narinig. Nagmukha siyang nakalambitin na mula sa pagkahawak ng dalawang lalaki sa mga braso niya. Sa ilog nga niya itinapon ang bata noon. Paano nalaman ng binata ang tungkol doon?"Hindi siya pinabayaan ng kaniyang anghel at agad ding ibinalik kay Janina nang gabing ding iyon ang isa pa niyang anak." Dugtong pa ni Timothy.Nandidilat ang mga mata ni Jona habang nakayuko. Kung ganoon, ang naampon ni Janina a
"Honey...." sinalubong ni Jona ang binata at tangkang yayakapin ito ngunit umiwas sa kaniya ang binata. Nilapitan ni Timothy ang anak at hinalikan ito sa pisngi. "Sumama ka muna kay Tita Minche sa room."Nakakaunawang tumango si Trix at mabilis na humawak sa kamay ng tiyahin upang pumanhik sa ikalawang palapag.Nang masigurong hindi na sila maririnig at makita ni Trix ay saka lang hinarap ni Timothy si Jona."Timothy, I miss you! Alam mo bang sobra akong nag aalala sa iyo dahil halos wala ka ng time sa amin ng anak mo." Lalapit sana siya sa binata ngunit inunahan sya nito. "Dalhin siya sa basement." Utos ni Timothy sa tauhan na kanina pa sa labas lang ng pinto.Nanlaki ang mga mata ni Jona at kinabahan nang may tatlong lalaki ang biglang pumasok sa pinto. "Honey, a-ano ang ibig mong sabihin?" Umurong siya ng hakbang nang lumapit sa kaniya ang tatlong lalaki.Sa halip na sagutin ang babae ay mabilis niyang inagaw ang cellphone nito nang tumunog."Timothy, cellphone ko iyan!" Inagaw
"Nagsagawa ako ng DNA test at ito ang result!" Inilaabit na niya sa kamay ng dalaga ang papel.Saka lang parang nagkaroon ng lakas si Janina at mabilis na kinuha ang papel. Pagkabasa sa pangalan ng bata ay napahagulhol na siya ng iyak at tinakpan ang bibig gamit ang sariling palad. "A-anak mo siya?" Tumingin siya kay Marian. Niyakap ni Timothy ang dalaga mula sa tagilirian nito. "Hindi siya nawala sa iyo at ibinalik siya sa iyo ni Lord nang hindi mo namalayan.""Oh my, God! All this time ay tunay kong anak ang inangkin kong anak?" Nagtatalon na si Janina dahil sa tuwa habang nakayakap sa baywang ng binata."Yes!" Sinapo niya sa magkabilang pisngi ang dalaga at nangiting hinalikan ito ng mabilis sa labi."Thank you! Kung hindi dahil sa iyo ay hindi ko ito matuklasan maging ang pagkatao ni Trix!" Parang balon na bumalong ang luha sa mga mata niya. Walang mapagsidlan ang tuwa na nadarama niya ngayon. "Kambal ang anak natin?"Napaluha na rin si Timothy at nakangiting tumango bilang tugon
Mabilis kumambiyo ang sasakyan nila Minche at nag iba ng daan. "Ma'am, ibang daan po ang tatahakin natin!" ani ng Driver kay Minche habang nakatingin ito sa side mirror.Tumango si Minche sa driver at niyakap ang pamangkin. Ang bodyguard nilang nakaupo sa unahan ay naging alerto rin. Mabilis niyang tinawagan si Timothy upang ipaalam na may sumusunod sa kanila.Lumayo muna si Timothy kay Janina bago sinagot ang tawag ng kapatid. Napatiim bagang siya nang marinig ang binabalita ng kapatid. Kailangan niyang manatiling kalmado at baka magalata ni Janina at mag aalala ito."Pero huwag kang mag alala at alam ng driver ang gagawin." Bawi ni Minche upang hindi na mag alala ang kapatid."Tatawagan ko po ang kaibigan ko upang pasundan kayo riyan." Agad na ibinaba na ni Timothy ang tawag saka tinawagan si Tyron. Sa kanilang dalawa kasi ay mas marami itong connection at mapadali ang lahat. "May porblema ba?" tanong ni Janina sa binata nang bumalik na ito sa tabi niya.Pilit na ngumiti si Timothy
Binuhat ni Timothy ang anak at inilapit sa natutulog na kapatid nito."Daddy, she looks like me." Manghang pinakatitigan ni Trix ang batang natutulog. "Ok lang po ba siya?" Bigla naman siya nalungkot nang makita ang ilang bandage sa pisngi at noo ng bata."Of course because she's your sister. And as of now, nagpapagaling pa ang kapatid mo kaya tutok kami ni Mommy sa pagbabantay sa kaniya." Nakangiting paliwanag ni Timothy sa anak."Don’t worry about me po, mommy and daddy. I'm strong po at hindi kailangan ng alaga. Lahat din po ng sasabihin ninyo at ni Tita Minche ay susund8j ko upang hindi kayo mag alala sa akin!"Nagpapasalamat ang tinging ipinukol ni Janina kay Minche. Nagpasalamat siya dito dahil sa tamang paggabay sa anak niya. Lumaki ito na amy malawak na unawa at mapagmahal. "Mula ngayon ay huwag ka nang sumama sa Mommy Jona mo okay? Huwag kang humiwalay sa tita at yaya mo kahit ano ang mangyari." Paalala dito ni Timothy. "Opo, ayaw ko rin po sa kaniya sumama at baka ilayo n
"Head namin siya at huwag mo nang dagdagan ang issue ngayon at ayaw kong matanggal sa trabaho." Halos pabulong na ani ng lalaki.Pagtingin muli ni Paul sa lalaking nasa unahan ay wala na ito roon. Inis na umalis na siya at binalikan sa sasakyan si Jona."Ano ang nangyari?" tanong agad ni Jona kay Paul."Bulshit, mukhang may alam na nga si Timothy sa tunay na ina ni Trix!" Naihampas ni Paul ang nakakuyom na kamay sa manibela."Ano na ang gagawin natin ngayon?" Kabadong tanong ni Jona sa binata. "Bumalik ka sa bahay ni Timothy at gumawa ng paraan na maitakas si Trix. Ikaw pa rin ang ina sa papel ng bata kaya maari mo siyang isalay sa eroplabo at ilayo pansamantala. Kailangan natin ng alas upang hindi pareho mapahamak." Utos ni Paul sa dalaga.Nakagat ni Jona ang ibabang labi. "Saan ko naman siya dadalhin upang itago?""Doon muna kayo sa bagong nabili kong property sa isang isla. Walang nakakaalam sa lugar na iyon mula sa kaanak ko dahil gusto ko iyon gawin private place ko sana.Hindi