Share

I Love You, Assistant
I Love You, Assistant
Author: Black_Angel20

Kabanata 1

Author: Black_Angel20
last update Huling Na-update: 2023-01-24 16:42:58

NGUMITI si Chel nang makalapit sa lamesa sa kadarating palang na customer sa Asterelle's food and Cafe nang araw na iyon.

"Ano po ang order ninyo sir?"

Hindi naman talaga siya ganito. Ang palaging ihambalos sa mga tao ang mamahalin niyang ngiti. Pero dahil utos ng kanyang amo. She's willing to risk it kahit na labag sa loob niya iyon. Naaayon lang naman kasi ang mood niya sa magandang panahon.

"Pwede bang ikaw nalang ang orderin ko?"

Nawalan siya ng poise sa sinabi nito. Pero dahil naniniwala ang amo niya sa kasabihan na customer is always right. Lumitaw pa rin ang kanyang ngiti kahit sa loob-loob niya ay gustong balian na ang lalaki.

"Sorry sir. But I am not part of the menu,"

"Come on," Nang hawakan siya nito sa balikat ay mabilis umikot si Chel kaya ang nangyari ay nalukot ang braso ng lalaki habang napapa-aray dahil sa kanyang ginawa.

"M-my arm. S-shit! Bitiwan mo akong babae ka." But Chel didn't heard a thing until she heard her boss's cough.

Patay!

"Anong nangyayari dito?" Napaatras siya ng bahagya pagkatapos mabitiwan ang kamay ng lalaking customer at yumuko.

"Itong waitress mo, sinasabi ko lang naman na maaari ko ba siyang orderin pero ang nangyari ay binalian ako ng braso. Ang ganyang bayolenteng tao ay hindi dapat nagtatagal sa mga establisyemento na kagaya nito. Babae pa man din." Haplos nito ang braso na mukhang nanganganib pa yatang ma-ospital.

Napalunok siya nang makitang inayos ni sir Dwight ang salamin saka humugot ng malalim na hininga.

"...I'm sorry for my employee's action sir. Pero kasi," pinagpagan nito ang damit ng lalaki at inayos pa ang kwelyo na nagusot. "—she is not my waitress. Dahil assistant ko siya na nag-mamagandang loob makipagsapalaran dito sa Food and Cafe kahit hindi naman parte sa kanyang trabaho. Another thing. Hindi rin inoorder ang mga empleyado ko. If you won't mind. Kung naghahanap ka ng makasiping sa panahong malamig kagaya ngayon. Gusto mo tuturuan kita sa daan papunta sa magkaibang kulay ng ilaw at patay sindi?"

"Anong akala mo sa'kin nambabayad ng babae—" nang sinubukan nitong umbagin ang kanyang amo ay napasinghap si Chel. Pero hindi niya inaasahan na mabilis ang reflexes nito kung kaya't nasangga nito ang kamao niyong huli.

"Based on your actions and what you've said. May matibay ka pa bang motibo kung bakit balak mong orderin ang empleyado ko?"

Gustong ipangalandakan ni Chel na amo niya ang astig na lalaking dinis-armahan ang bastos na customer. Pero nang mailabas na ng security ang lalaki ay nagulat siya nang siya na naman ang binalingan nito.

"Sa opisina ko. Ngayon na!"

Nawala na naman ang magandang dating nito sa kanya. Kaharap ang boss sa lamesa ay hindi mapigilan ni Chel ang umirap.

"Ano na naman ba ang ginawa mo this time Chel? Kung hindi ka naman nambabali ng binti, braso naman ang babaliin mo?"

"Nabastusan ako sa ginawa ng lalaking iyon sir Dwight eh. Anong akala niya sa akin? Basta-basta nalang sumasama sa hindi ko kilalang lalaki? E kung iumpog ko kaya ang ulo niya—"

"You're being bastard again," hinilot-hilot nito ang sintido.

"I'm sorry."

"You're not sincere."

"I am!" Napatayo na siya ng tuluyan.

Nabasa niya ang employees handbook at guidelines ng Asterelle's food and cafe pero hindi ibig sabihin no'n ay magpapaapi na lang siya. "Ang mga lalaking mababa ang tingin sa mga babae ay dapat tinuturuan ng leksyon. Malay natin di'ba at rapist pala ang gago na yo'n? Nasanay na palaging nasusunod ang gusto kaya kung saan-saan nalang ginagawa ang kababuyan..."

"Chel, Chel, Chel. That's enough..." Maging ito man ay napatayo na rin sa kinauupuan. "I am expecting a call from another complainant dahil sa panibagong kabayolentehan mo na naman. Diyos ko! Diba ay kakilala mo naman sina Zephanie, Beverly, Devon at Cris na suki na dito. Wala ka namang nakikitang physical assault na ginawa ng ibang mga customer sa kanila diba—"

"Maybe because kinokompara mo na naman ako sa kanila." She hated being compared. "Ipaalala ko lang sir Dwight. Kailanman, ayaw kong baguhin ang pagkatao ko para magustuhan ng mga tao. If this is me, may problema ba roon?"

"Hindi ko naman sinasabi na kinokompara kita sa kanila. Ang gusto ko lang iparating sa'yo na sana. Maging mahinhin ka naman at hindi iyong mukha kang siga na tambay pa sa kanto. Be a woman with—"

"...manners ganoon ba 'yon sir?"

Bagsak ang balikat nito na mukhang suko na sa kanya.

Kahit kailan naman talaga ay hindi sila nagkakasundo sa ganito kaliit na bagay. Lalo na kung ipapatawag ang presenya nito sa presinto dahil nagrereklamo ang mga napuruhan niya. Dawit ang pangalan ng gwapong amo sa kaangasan niya.

"Fine! Hindi na muna kita pagta-trabahuin dito sa Asterelle's food and Cafe. Doon ka nalang sa opisina ko sa Makati for the meantime at makipag-bardagulan ka roon sa sekretarya kong mahinhin."

"Iyong bakla na makapal na ang kilay. Makapal rin ang pagmumukha?"

Nagulat siya ng humalakhak ito kung kaya't napakunot siya ng noo.

"Alam mo Chel. Kung hindi ka lang talaga barako at tigasin. Minsan naisip ko na baka may disorder ka na pabago-bago ang ugali. Paano mo naman nasabi na makapal ang mukha niyong si Athena?"

Anthony iyon. Gusto niya mang itama ang sinabi nito pero pagod na si Chel para makipagsagutan sa kanyang amo.

Hindi na siya nagsalita pa at basta nalang isinalampak ang katawan sa mahabang sofa at tumihaya roon dahil pagod na siya.

"Uy! Hindi bahay ampunan ang opisina ko dito kaya bumangon ka riyan,"

"Sandali nga lang! Iidlip lang e." Pikit niya na ang mga mata. "Kapag may natanggap kang tawag sa PNP tungkol sa magko-complain. Sabihin mo sir Dwight pakyu ka!"

"I can't believe it. Sino ba sa ating dalawa ang boss Chel?"

"Ikaw syempre. Sino pa ba sa tingin mo? Kung pagod ka nang maging mayaman sir Dwight. Pakilagay na lang sa last will and testament mo na sa'kin mo ipapamana ang lahat ng ari-arian mo na—"

"Sa asawa ko iyon." Naibuka niya ang mga mata ng wala sa oras dahil sa sinabi ng kanyang gwapong amo.

"Sa asawa mo ipapamana ang ari-arian mo? Teka nga lang. May girlfriend ka na ba?" Sure naman siya na wala eh. Dahil palagi itong busy sa trabaho at pagbabasketbol roon sa FVC.

"Wala pa naman."

"Iyon naman pala eh." Nakahinga siya ng maluwag roon. Kung may karelasyon man itong amo niya. Sigurado si Chel na siya ang kauna-unahang tao na sasabihan nito.

Her boss is more likely her barkada. Kita niyo naman kung paano sila magkasagutan na dalawa. Daig pa ang aso at pusa sa walang humpay na liriko ng kanilang walang katapusang batuhan ng salita.

"...tulog lang ako sir. Sundin mo iyong sinabi ko. Kasi kung maglalakas ng loob ang lalaking iyon na mag-complain. May katarungan naman ako na nakabase rin sa batas. Sexual assault iyong ginawa niya!" Giit niya pa.

"Fine! Ikaw ang masusunod mahal na reyna." Hindi niya nalang pinansin ang halong sarkasmo ng sinabi nito. Kaya ng marinig niya ang pagbukas sara ng pinto. Tuluyang nahulog ang diwa ni Zephanie sa pagkakatulog.

——

Nagising siya nang maulinigan niyang nakapatay na ang ilaw.

Naman! Mukhang iniwan pa siya ng amo niya sa opisina nito na tulog mantika at walang kamalay-malay.

Bumangon siya at humikab bago napagpasyahan na lumabas na. Pero natigil sa ere ang kanyang pag-iinat ng biglang may sumigaw.

"Aahhh Magnanakaw! Magnanakaw! Magnanakaw!"

Siya man ay nakahanda ng ibalandra ang flying kick na natutunan niya sa martial arts nang biglang sumulpot sa tainga niya ang boses ni Dwight.

"Hindi siya magnanakaw Barkley. Assistant ko siya."

Doon niya lang napagtanto na kasama pala ng kanyang amo sa inuman ang mga barkada nito. Great! Napagkamalan pa tuloy siyang magnanakaw.

Magandang magnanakaw.

"At kailan ka pa nagkaroon ng babaeng assistant Dwight?"

"Ngayon lang," wala sa sariling nagkibit ito ng balikat bago inangat ang tingin sa kanya. "Maayos ba naman ang tulog mo mahal na reyna?" At dahil wala siyang maisagot. Inirapan niya lang ito.

"Woah! Woah! Woah!"

"Ano iyon Dwight?"

Nagawa niya nang makalapit sa lamesa ng mga ito para pormal na magpakilala.

She knows a few members of Blue Warrior at pinangungunahan iyon ng team captain na si Clyden Spencer. Pumapangalawa ang kilala niyang kambal nito at syempre. Ang mga 'yon lang ang kilala niya. Oww! Ang former member pala na amo niya.

"Hello. I am Chelsea De Jesus. Chel for short." Ang lalaki na tinawag na Barkley ng amo niya ang kumuha sa kamay niya. Kaya nagulat siya.

"Ang ganda naman. Chel. Bagay sa pangalan mo."

"Akin nga 'yang kamay niya Bark?"

"Arf! Arf! Ito na..."

"Ayy Oo nga. Kay gandang binibini." Pero sa mukha niya nakatingin ang mga ito kaya umahon na naman sa sistema niya na gustong sipain ang mga lalaki na nasa kanyang harap. Mabuti nalang talaga at pumagitna ang amo niya.

"Hep! Hep! Tama na 'yan boys." Inakbayan siya nito kaya sumipol ang dalawa na sa tingin niya ay siyang pinakamakulit sa grupo.

"Hindi ka na talaga titigilan ng dalawang 'yan Chel kaya. You should be ready. Dakilang mga CCTV at tsismoso ang dalawang iyan." Komento ng isang lalaki na ngayon niya lang napansin dahil nasa madilim na bahagi ito ng Cafe. "I am Owen. Siya naman si Jackson."

"Hi Chel." Ngumiti lang siya sa pagbati ni Jackson.

"...and I am Cognac—"

Namukhaan niya ang huling nagpakilala. "Yes kilala kita. Ikaw ang pinsan ni Beverly di'ba?" Lahat napahiyaw dahil bias 'raw siya. Sa lahat kasi ng naroon ay si Cognac lang daw ang kilala niya.

"Syempre. Iba talaga ang karisma ng mga gwapo. Diba Chel?" Literal na mahangin talaga ang miyembro ng blue Warrior...pero ngayon na nakadaupang-palad niya na ang mga ito. Parang gusto niyang ibahin ang paniniwala ng mga taong pasimuno ng palaisipang iyon. May mga mapapatunayan naman talaga kasi ang mga ito.

Humarap siya kay Dwight pagkatapos makilala ang mga kaibigan nito.

"Uuwi na ako sir Dwight." Hindi ito sumagot at pinakatitigan lang siya ng mariin. Napansin niya ang pamumula ng mukha nito at baka tinamaan na rin ng alak ang kanyang amo. Kaya hindi niya na lang hinintay pa ang sagot nito.

"Chel, sandali!"

Hindi pa man siya nakapara ng taxi ay pinigilan na nito ang kamay niya.

"Ano 'yon sir?" Akala niya ay pera na ang bubunutin nito sa bulsa. Pero sa kamalas-malasang pagkakataon. Ticket na naman iyon na kung saan nagpapatunay na may atraso na naman siya dahil may logo pa iyon sa presinto na pinuntahan nito habang tulog siya.

"Another violation na naman. Kapag ganitong nasa magandang mood pa ako Chel. Tatayo ako bilang guardian mo...pero kapag mapuno na talaga ako. Baka sa rehas na bakal na talaga ang bagsak mo."

Ito na mismo ang pumara sa taxi na siyang unang dumaan sa kanilang tapat. Bago ito may kung anong sinabi sa driver saka ito dumungaw sa bintana niya.

"Isara mo ng maigi ang pinto. Sige na manong driver!"

"Sige sir..."

And just like that. Hindi niya na nakita pa ito dahil nakalayo na siya sa Cafe na pagmamay-ari ng gwapo niyang amo.

How messed her life could be, isn't it?

Kaugnay na kabanata

  • I Love You, Assistant    Kabanata 2

    NAALIMPUNGATAN si Chel ng sunod-sunod na tumunog ang cellphone niya."Hello?" Humikab siya dahil inaantok pa talaga siya."Nasa labas ako ng bahay mo mahal na reyna. Kaya kung pwede sana ay bumangon ka na riyan dahil thirty minutes na akong late sa klase!"Anak ng teteng naman oh!"Sir Dwight naman. Mauna ka nalang doon dahil inaantok pa talaga ako.""...at para sabihin ko sa'yo Chel. Kanina pa akong alas syete nilalamok dito..." Sinulyapan niya ang wall clock at halos liparin niya na ang banyo at sa whole body mirror dahil likas na late na rin talaga siya.Hindi naman siya regular na estudyante sa Javier University. Pero dahil maimpluwensya ang kanyang amo. Kung saan man ito pupunta, madadawit talaga ang kagandahan niya. "... malamang ay center of attraction na naman ang entrada ko nito. Tayo pala dahil nakiki-sit in ka pala sa side ko.""Oo na nga, tumahimik ka na riyan at pababa na ako!" Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na magsuklay dahil masyado siyang minamadali nito."N

    Huling Na-update : 2023-01-24
  • I Love You, Assistant    Kabanata 3

    "ANO BA kasi ang dahilan kung bakit nag-aaway na naman kayong mag-asawa?"It was Dwennington Rivera. Ang ama ng amo niya na isang highest payable lawyer dahil sa taglay nitong galing para ipaglaban ang mga kliyente. Nabungaran kasi sila nito na megaphone nalang yata ang kulang para i-public service ang rason kung bakit nagkarambulan na naman sila."Hindi ko siya asawa!""Hindi ko siya asawa," sabay na bwelta nilang dalawa. Kaya matalim siyang tiningnan ni Dwight habang hawak ang paboritong tuxedo nito na kinain ng plantsa kanina. "Tingnan mo naman ito dad? Ano nalang ang isusuot ko sa opisina nito? E di'ba ay makikipag-meet up ako sa mga BOD ng kompanya sa susunod na linggo?""Yes son." Pero kapansin-pansin ang ngiti nito na mukhang may sinabing nakakatuwa ang dakilang amo niya.Her boss's father was very kind to her, too. Pero kailanman ay hindi niya kayang makipagsagutan rito. Dahil hindi din naman kasi sumama ang kanyang loob rito kahit isang beses.Nang bumaling ito sa kanya. "Pas

    Huling Na-update : 2023-01-24
  • I Love You, Assistant    Kabanata 4

    KANINA pa siya nayayamot habang paika-ikang naglalakad sa loob ng mall.At ang lalaking nakasunod sa kanya ay panay ang naging reklamo. She just ignored her boss. Ngayong nakakita na siya ng tamang sim card pamalit sa luma niya ng card."Iyan na naman? Ilang beses ka bang magpapalit ng sim card sa loob ng isang buwan Chel? Lima? Sampo? Aba at iyan lang talaga ang sadya mo rito kaya nakipagtalo ka pa sa'kin?""Paki-chip in nalang miss," utos niya sa babaeng nakatuka sa sim cards department sa naturang mall na iyon. Ibinigay na rin niya ang phone dito.Sinulyapan niya si Dwight na kaunting tiis na lang talaga ay gusto niya nang ibalibag ang binata palabas. Halata kasing nabuburyo na rin ito kakasunod sa kanya."Miss boyfriend mo ba?""Hindi. Pakibilisan nalang," ngunit kapansin-pansin talaga ang pagnanakaw ng tingin ng babae sa lalaking nasa likuran niya. Kaya for some reason, nakaramdam siya ng inis."Ang gwapo niya talaga—""Oo. Gwapo siya kaya pwede tigil-tigilan mo na ang pagpapa-cu

    Huling Na-update : 2023-01-31
  • I Love You, Assistant    Kabanata 5

    "CHEL..." Huling served niya na iyon ng marinig ang galit na boses ng amo niya.Binalingan niya ito saka paika-ikang naglakad palapit dito. "May kailangan ka ba sir Dwight?""Di'ba ang sinabi ko sa'yo ay sa opisina ka lang?" Hindi na naman mapirmi ang mga kilay nito.Iyon naman sana talaga ang plano niya. Pero dahil nabagot siya sa loob. Nakipagsabayan na lang rin siya sa mga crews kahit baldado ang paa.Nginitian niya ng matamis ang binata. "Excercise na rin sir para gagana ng maayos itong paa ko.""Exercise ka riyan. Paano kung ibang customer na naman ang mabiktima mo? Huling ticket nalang talaga iyong nakaraan Chel. Bibitawan na kita."Aray ha! Akala pa niya naman ay nag-aalala ito sa paa niya. Ibang rason pala ang inaalala nito at ang mga customers iyon."Balik ka sa loob. You should be careful ngayong mailap ang mga mata sa atin ng mga awtoridad. Hindi ako mamamatay-tao Chel. Pero iyon ang nararamdaman ko sa tuwing pinapatawag ako ng mga pulis sa presento."Bumalik nga siya sa loo

    Huling Na-update : 2023-01-31
  • I Love You, Assistant    Kabanata 6

    SHE NEVER expect na makakahanap siya ng mga kaibigan sa katauhan nina Zephanie, Cris, Beverly at Devon.She wasn't friendly enough. Pero dahil makukulit ang mga ito. Noong unang araw na nakita siya nito sa Asterelle's food and cafe. Mistulang nagkaroon ng koneksyon ang mga ito sa kanya at basta nalang nagmamagandang-loob. Iyon na kamo ang simula ng closeness nila.She tried to distance herself. Pero ayaw talaga siyang tigilan ng mga ito. Kahit roon sa FVC kung magkasalubong man sila. Though hindi sila minsan nagkikita, pero sa tuwing nakadaupang-palad siya ng mga ito. Never siyang itinakwil o basta nalang iiwas ang tingin considering that they know her. Nasanay siya na kahit kakilala ang kaharap. Never siya ng mga itong kausapin for an unknown reason to her. Kaya nga naninibago siya sa bagong lugar at bagong kapaligiran na niyayakap niya ngayon.She was thankful for her boss, too. Dahil minsan kahit nagkakasagutan sila ng matindi. Never rin siyang nakaramdam ng uneasiness dahil binabag

    Huling Na-update : 2023-01-31
  • I Love You, Assistant    Kabanata 7

    "NAKAKAPAGOD..."Itinapon ni Chel ang katawan sa malambot na kama ng makarating na siya sa apartment niya. Buong araw kasi siyang basta nalang itinapon ng amo niya sa pakikipagtuos sa Board of Directors ng ADD. Dahil hindi ito nakadalo kasi nga ay nasunog ang paborito nitong tuxedo.And she was exhausted to fight over things. Ngayon na tinawagan na naman siya nito para makisuyo na puntahan niya ito sa Asterelle's food and cafe."...akala ko ba ay napagkasunduan na natin na huwag mo muna akong tawagan. Ginawa ko na ang makipagplastikan sa mga BOD na ikaw dapat ang humarap." Yeah right. Kaya lang siya napilitang makipag-bardagulan sa mga Board of Directors na iyon ay kinukunsensya siya ng binata. She had no choice, but to obeyed him. Since she imparted reason kung bakit nasunog nga ang tux nito."Chel, Chel, Chel. Aawayin mo na naman ba ako? Come on! Kasalanan ko ba kung bakit hindi ko kaya ang magmaneho ngayon?" Mula sa kabilang linya ay rinig na rinig niya ang sigawan ng mga kaibigan n

    Huling Na-update : 2023-01-31
  • I Love You, Assistant    Kabanata 8

    Warning ⚠️ SPGSAANG banda niya man pilit kumbinsihin ang binata. Mukhang desidido na talaga ito na ibalik siya sa ama. Hindi naman siya pini-pressure ni Dwight, but considering that she was far from the place where she feel freedom. Hindi alam ni Chel kung hindi niya ba magawang saktan ang sarili niya.And she was a good liar kung hindi niya aaminin na kay Dwight lang talaga siya totoong malaya. Kapag ang parents kasi niya. Pakiramdam ni Chel ay may tali ang leeg niya palagi."Chel..."Inangat niya ang tingin ng marinig ang boses ng amo niya. Naaalala niya na ginagamot pala nito ang sugat sa pisngi niya.Pagkatapos kasi niyang makapagbihis, parang kidlat si Dwight na pumasok sa kwarto niya. "Uhh...""You're spacing out...again. maaari mo bang sabihin sa'kin kung ano ang nagpapabagabag sa'yo?""S-sir Dwight," iniwas niya ang tingin dito. Pero hindi rin iyon gumana dahil hawak nito ang pisngi niya para ilapat ang bulak roon, "sa'yo lang talaga ako malaya eh...p-pero sige. Kung iyon ang

    Huling Na-update : 2023-01-31
  • I Love You, Assistant    Kabanata 9

    "STAY IN the house for today..."Basa niya sa sticky note na nakadikit sa baso ng magising siya kinaumagahan. Chel wasn't blind not to notice that it was her boss's doing. Natampal nalang niya ang noo ng masulyapan ang wall clock na alas dyes y media na pala.Masyado ba siyang napagod kung kaya't matagal siyang nagising?There is a breakfast displayed in the table at katabi ang baso na may nakadikit na sticky note. Hindi rin alam ni Chel kung ano ang nakain ni Dwight ngayon. Kung ano-ano nalang kasi ang isinusulat nito sa papel."...huwag mong subukang labagin ang utos ko Chel?" Basa niya ulit sa papel na lalaking-lalaki ang penmanship dahil hindi naging maayos ang cursive niyon. "...ano naman kung susubukan kong labagin ang utos niya? Ako ang nakakaalam sa sarili ko at sa mga mga gusto kong gawin. Kaya bakit naman ngayon ay naging istrikto na naman ang lalaking iyon ulit? Hay naku!"Tinangka niyang bumangon sa kama. Pero napaigik rin ng maramdaman ang sakit sa napapagitnaan ng dalawa

    Huling Na-update : 2023-01-31

Pinakabagong kabanata

  • I Love You, Assistant    WAKAS

    NAKAKUNOT ang noo ni Chel na hinandaan ng meryenda ang mister niya na kasalukuyang nasa likurang bahagi ng bahay nila at nadatnan niya itong sinusukat ang buong bahay gamit ang mga daliri. May hawak din itong sketch pad, kung kaya't kinuha ni Chel ang atensyon nito."Ano iyang ginagawa mo mahal?""Mahal," saka ito nakangiting bumaling ulit sa kabuuan ng bahay bago lumapit sa kanya. Sa kanilang pwesto ni Dwight ngayon, nasulyapan niya ang hawak nitong sketch pad at nakita ang sa tingin niya'y plano para sa pagpapagawa ng bahay. Kaya mas lalong gumatla ang pangungunot ng noo niya."Para saan iyang sketch pad mo?" "Ah, ito ba?" Kinuha muna nito ang baso na may lamang juice at ininom iyon bago muling inilapag sa lamesita sa kanilang harap. Ngumunguya na rin si Dwight ngayon ng tinapay habang nakangiting tinatanaw ang kabuuan. "I have decided to make our house a two to three storey. Papayag ka naman di'ba? Our family has gotten so much bigger ngayong buntis ka na naman sa ikalawang anak n

  • I Love You, Assistant    Kabanata 24

    MUNTIKAN na siyang matisod palabas sa kwarto sa pagmamadali na mabuksan ang pinto.At sa pag-aakalang si Dwight iyon na bumalik dahil siguro ay may nakalimutang dalhin. Nakangiti si Chel bago pihitin ang doorknob, but to her surprise. It was her father with a skimmy-stampered smile in the face."Chel...pwede ba akong pumasok?"Nawala ang ngiti niya, but the hospitality she learned ay naroon pa rin kung kaya'y niluwagan niya ang pintuan para patuluyin ang ama."Where is my granddaughter?" Tanong nito at saglit na iginala ang tingin."Tulog pa daddy. Ang aga mo yata ngayon." Alas singko pa lang kasi ng umaga. At si Dwight ay napagpasyahang agahan ang paglipat ng mga gamit nito sa inuupahang bahay niya.She still has a bitter treatment with her parents particularly to her father. At nararamdaman nito iyon ngayon lalo at mukhang napilitan lang yata siyang papasukin ito.Then he look at her at sa paraan ng paninitig ng ama ay mukhang may nasagap itong impormasyon na tiyak, hindi ni Chel ma

  • I Love You, Assistant    Kabanata 23

    "...MAMA!"Nabulabog ang pagbukas ni Chel sa pintuan nang marinig ang boses ng anak. Karga ito ni Nanny Rosie kaya nang makita kung sino ang taong kasunod niyang pumasok. Nagkaroon ng ideya iyong huli kung bakit at paano nangyari na magkasama sila ngayon."Baby Des," malambing at masuyo ang boses ni Dwight na lumuhod para salubungin nang yakap ang anak.Saglit na itinangala ni Baby Des ang tingin sa kanya na parang tinatanong kung sino itong kasama niya.Then Nanny Rosie whispered na narinig nilang pareho. "He's your father. Di'ba ay gusto mong makita ang papa mo?"Kumunot ang noo ng bata. Tila ba ay naiintindihan nito ang sinabi ng kaharap. 2 years old pa lang ay alam na ni Chel na matalino itong anak niya. "P-papa?"Tila ay hinaplos nito ang puso niya. Ibinaba niya ang tingin kay Dwight na hindi natinag sa pwesto habang simpleng pinahiran ang mga luha. Kaya ang ginawa niya ay lumuhod na rin siya para harapin ito."Lapitan mo siya...lapitan mo ang anak natin mahal.""I...I'm scared m

  • I Love You, Assistant    Kabanata 22

    PASALAMPAK siyang naupo sa swivel chair ng kanyang opisina at napipikon na sinulyapan ang boss niya.Inabangan lang kasi siya nito ngayong umaga, pagpasok niya pa lang sa kompanya para itanong kung kumusta na 'raw siya. But of course, everyone knows that she's not. Tanga lang itong amo niya kung hindi mahahalata iyon.Clayton comfortably pulled the monoblock chair and sat in her front. Pagkatapos nitong lumipat sa sofa na kinauupuan. "...wala naman sigurong masama kung itatanong ko lang kung kumusta ka na. After you left the Ospital leaving Dwight in his unconscious mind. I'm afraid he will lost his memory forever kung hindi ka magpapakita sa kanya Chel...you know that he now knows that baby Des was his daughter. Iyon ang nag-trigger sa pananakit ng ulo niya as what the doctor said," humugot ito ng malalim na hininga. At sigurado naman siya na kinukunsensya siya nito. Dahil totoong tumalab iyon sa kanya.After kasi niyang puntahan ang binatilyo sa Ospital. At nakita si Dwight sa ganoo

  • I Love You, Assistant    Kabanata 21

    "HE HAD an amnesia Chel. I'm sorry kung ngayon mo lang nalaman..."Ayaw niyang pumasok kaya tumambay lang si Xorxell sa bahay para kargahin si baby Des. At pagkatapos niyon, nagpaalam na rin ito para umalis.Tinawagan niya ang daddy niya. Only to discover that they, both...or everybody knows that Dwight is under an Amnesia. Ano ang nangyari kung ganoon? He left her para atupagin ang operasyon pero dahil masyado siyang na-guilty noon. Her guilt made her closed the connection between them.Tinatarak ng punyal ang dibdib niya ngayong binabaybay na ng cab ang daan pauwi sa bahay na inuupahan niya. Kaya nga ba hindi ito nagpakita sa kanya, sa kanilang dalawa ni Des ay dahil roon?Bagsak ang balikat ni Chel. Dahil maging ang mga miyembro ng FVC ay matagal na ring alam iyon. Even Xorxell told her, iyon pala ay ang mga panahong sinasabi nitong may surpresa sila. All because they wanted her to see how's Dwight recovered sa isang fatal accident. Iyon ang dahilan kung bakit naamnesia ito. Naumpo

  • I Love You, Assistant    Kabanata 20

    "YOUR Secretary..."Nahilot ni Clayton ang sentido. Pinakatitigan lang rin niya ng mariin ang amo. Halata na masyado ang pagtataka sa kabuuan niya. Dahil ang lalaking nasa harapan niya ay walang iba kundi si Dwight na mahal na mahal siya noon. Pero ngayon, kakaibang Dwight Rivera ang nakakaharap niya. She's expecting less for him to hug her or simply recognize her. Pero wala. Hindi iyon nangyari. At ang mas malala, nakasagutan niya pa ito sa walang katuturang aksidente.She was clueless. Wala siyang makuhang sagot kung bakit nagiging ganito ang trato ni Dwight sa kanya."I have known you for being critique with your employee Clayton. Pero ano itong nangyari?"Clayton only glanced at her bago kay Dwight. "I'm sorry man. Nasabi naman siguro ni Chel na aksidente lang.""So her name is Chel. Bakit parang pakiramdam ko ay mas pinapaboran mo ang babaeng iyan kaysa sa'kin?""No. That's not it," kaagad na depensa nito. Pero mukhang sarado na ang isip niyong huli para dinggin ang eksplenasyon

  • I Love You, Assistant    Kabanata 19

    "SURPRISE!""Yeeehaaa!""Happy lipat day Chel,"Nagulat si Chel ng bumungad sa mukha niya ang party poppers na basta nalang inangat ni Zeus nang mabuksan niya na ang mga ito. Akala kasi niya ay kung sino dahil sa kalampag na paraan ng pagkatok ng pinto.Hawak naman nina Xorxell at Xander ang cakes na sinasabayan pa ng mga ito ng kindat sa kanya."We came here for the house celebration. Hindi mo man lang ba kami aaluking pumasok?""Uggg!" Nag-aalangan pa siya. Since nabanggit naman niya sa mga ito na ayaw niya ng mga ganitong okasyon kahit sabihin nating kaunting salo-salo lang.And Zeus maybe a mastermind dahil ito naman ang palaging nang-iimbita sa mga kasamahan nito.Wala siyang nagawa ng mistulang mga bata ang mga ito na matulin pa sa kabayo na tumakbo at itinapon-tapon pa ang mga unan sa ere ng makarating na ang mga ito sa sofa na kakatapos pa nga lang rin niya ayusin.Napakamot sa batok si Chel na napangiwi. Dahil mukhang may ibang takas mental na naman yata siyang babantayan kah

  • I Love You, Assistant    Kabanata 18

    "PINAPATANONG pala ni sir kung natapos mo na ba ang set-up sa meeting hall Chel. On the way na 'raw kasi ang mga board of Directors para masimulan agad ang meeting."Inabot niya lang kay Rose ang content ng meeting ngayon. Since bababa pa siya sa reception area. Dahil mayroong gaganaping pagtitipon after. "Ikaw na ang magbigay niyan kay sir...""Chel, hindi ako ang inaasahan niyang magbibigay niyan. He's expecting you to be there in the meeting so," iminuwestra nito ang kamay. "You should lie low sometimes. Unang dating mo pa lang dito ay napaka-hardworking mo na. You should tone down being a workaholic dahil baka over fatigue ang aabutin mo—""O baka naman iniisip ninyo na may special treatment ang amo ninyo sa'kin dahil isa ako sa anak ng investor nitong kompanya..."Nalukot ang mukha nito. "That's not it," pero umatras siya ng sinubukan ni Rose na lumapit.Iyon na ang tingin niya sa mga tao. Baka kako hindi ang mga ito nagpapakita ng interes sa kanya dahil tinatanaw ng mga ito na i

  • I Love You, Assistant    Kabanata 17

    "EVERYTHING was a misunderstanding..."Iyon ang anunsyo ng kanyang ama. Kendra was her sister from father's side. At alam na nito ang katauhan niya, but she never came to her para ipaalam na magkapatid sila. How cruel was that isn't it? All along. Siya pala itong laging clueless at out of the blue palagi pero lahat, maliban kay Dwight ay alam ang katotohanang iyon. Pati mga magulang niya ay inilihim iyon.Walang pagsidlan ang nararamdaman niyang sama ng loob. Nadagdagan lang lalo iyon ngayon na kaharap niya ang ama. Dwight and his friends brought by her father in a health facility para personal na ipagamot.Nasa loob siya ng opisina ng kanyang ama ngayon. Katabi niya ay si Kendra na kanina pa panay ang haplos sa palad niya. Sa kabilang panig naman ay ang parents niya. And she can see how her mother throw daggers at the woman she's with today.Parang nararamdaman niya ang tensyon sa pagitan ng dalawa when her father, Benedict Altamera speak up.She's using her mother's surename ng uma

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status