"ANO BA kasi ang dahilan kung bakit nag-aaway na naman kayong mag-asawa?"
It was Dwennington Rivera. Ang ama ng amo niya na isang highest payable lawyer dahil sa taglay nitong galing para ipaglaban ang mga kliyente. Nabungaran kasi sila nito na megaphone nalang yata ang kulang para i-public service ang rason kung bakit nagkarambulan na naman sila."Hindi ko siya asawa!""Hindi ko siya asawa," sabay na bwelta nilang dalawa. Kaya matalim siyang tiningnan ni Dwight habang hawak ang paboritong tuxedo nito na kinain ng plantsa kanina. "Tingnan mo naman ito dad? Ano nalang ang isusuot ko sa opisina nito? E di'ba ay makikipag-meet up ako sa mga BOD ng kompanya sa susunod na linggo?""Yes son." Pero kapansin-pansin ang ngiti nito na mukhang may sinabing nakakatuwa ang dakilang amo niya.Her boss's father was very kind to her, too. Pero kailanman ay hindi niya kayang makipagsagutan rito. Dahil hindi din naman kasi sumama ang kanyang loob rito kahit isang beses.Nang bumaling ito sa kanya. "Pasensya ka na sa anak ko, Chel. Nagbibinata yata...""Daddy! Ako ba ang anak mo o ang Chel na 'yan?"Pero hindi nito pinansin ang anak."How are you today with him?" Now that her boss's father ask her. Inirapan niya ang amo na pinandilatan rin siya ng mata. Bago niya binalingan ang ama nito. "Perwisyo sir Dwennington. Alam mo iyang anak mo? Ginupit ang buhok ko—""But you look good though. Ikaw ba ang personal na nagpahighlights niyang buhok mo? Aba! Bumagay sayo—""Siya 'yon sir." Tinuro niya si Dwight na nagpang-abot ang kilay at nakapuyos na ang mga braso."Ang anak ko ang?""Nag-request na ipa-highlights sa parlorista itong buhok ko.""Ohhh!" Umikot ito para harapin ang anak. "You picked the right style for her son. Mas lalo siyang nag-shine brighter di'ba?""Huwag mong mapuri-puri ang babaeng iyan daddy. Dahil mas lalong lalaki ang ulo niyan para sagot-sagutin ako.""Baka kasi ay napasobra na iyang kasungitan mo kaya hindi na makayanan ni Chel iyang bibig mo. You know you should tone down your voice and pride sometimes. Lalaki ka kaya ikaw dapat ang magparaya." Ngiting tagumpay siyang bumaling sa binata. Dahil malinaw sa kanya na sa side niya pumapanig ang ama nito.Well. This is not the very first time that sir Dwennington defended her. Lahat ng panahon yata na magkaaway sila ng amo at eksaktong napabisita ito sa hindi inaasahang pagkakataon ay siya talaga ang kakampihan nito."Ako naman talaga palagi dad eh," bago ito naglakad at tinungo ang hagdanan pataas."Where are you going son?""Maghahanap ng matinong mga kausap. Mukhang magkasabwat na naman yata kasi kayong dalawa."Tuluyan na nga itong nawala sa paningin nila."Ganyan ba palagi ang anak ko na 'yan Chel?""Hindi po." Seryosong sagot niya rito kaya inangat nito ang tingin sa kanya habang sumisimsim ng tsaa na bigay niya rito. Ayaw kasi nito sa iba't-ibang uri ng flavor ng juices."Mabait siya sa'yo ganoon?"Lihim siyang umirap. "Hindi din po," kaya nakataas na ang kilay ng kaharap nang muling sinulyapan niya ito. "ano kasi iyang anak mo sir Dwen eh. Minsan naman talaga ay mabait siya. Minsan rin ay kumukulo ang dugo ko sa kanya...at ang minsan na 'yon ay napapadalas na yata."Umangat ang sulok ng labi nito bago inilapag ang baso ng tsaa sa center table. Hindi niya tuloy alam kung na-amazed ba ito sa mga sagot niya o siya talaga ang tinatawanan nito."Ikaw na ang umunawa sa anak ko na 'yan Chel. Resulta siguro iyan sa hindi pagkakaroon ng girlfriend. Alam mo na. Dwight becames the most favorable player in the Blue Warrior noong hindi pa siya nag-resign. Hindi ko sinabi na hindi silang lahat magagaling at kahanga-hanga...isa na kasi siya sa naging inaabangan kahit left out na siya sa grupo." Isinandal nito ang likuran sa sofa at malayang nanalamin sa nakaraan habang nakaangat ang mukha sa kanya. "My son was very dependent. Alam mo na iyan dahil matagal ka na rito sa kanya. Wala ka bang napapansing mga babae na nakaka-date niya or even night outs late at night?""Wala sir eh," dahil totoo naman talaga. Minsan nga ay napaisip siya kung nagbabalat-kayo lang ba ang amo niya dahil natatakot husgahan ng mga taumbayan."Kailan kaya siya magkakaroon ng babae sa buhay?" Pinakatitigan siya nito kaya naging uneasy si Chel sa kinauupuan. Saka ito umiling-iling na parang may naisip na hindi magandang ideya. Bago ito tumayo na."Pupunta pa pala ako sa firm dahil may bagong kliyente na naman. It's nice to have some talks with you. Ikaw nalang ang magsabi kay Dwight na nakaalis na ako."Tumango siya kaya nang makaalis na ito ay napabuntong-hininga si Chel bago tinungo ang kwarto ni Dwight dahil baka naglaslas na iyon sa loob."Sir Dwight? Buhay ka pa ba?" She was trying to mock him a joke. Pero never siyang pinagbuksan nito."Hoy Dwight? Nakaalis na si sir Dwen!"Nang may naisip siyang karumal-dumal na baka ginawa nito sa loob. "OMG! Nagbigti na ba siya?" And because she was too preoccupied na maaaring kathang-isip lamang niya iyon.Halos hikahos siyang binuksan ang pinto na sa katangahan niya ay hindi pala naka-lock. Kaya nagtatakbo siyang tumungo sa loob nang mabangga ang katawan niya sa matigas na bagay. Naging sanhi pa iyon kung bakit napaupo siya sahig."...bulag ka ba Chel?"Nang makita na topless ang amo. Literal na umurong ang dila ni Chel. Tanging tuwalya lang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito.He then snapped out his fingers at her."Hoy! Bulag na nga, bingi pa...lumabas ka nga!""H-ha? Ahh...Oo! Oo," doon lang yata siya nahimasmasan. Kaya mabilis siyang tumayo para lalabas sana pero malas talaga siya ngayong araw dahil natisod pa ang paa niya."Araaay!" Kagat niya ang labi ng namilipit iyon sa sakit dahil mukhang na-twist yata ang boto ng kanyang paa."Alam mo Chel. Gusto talaga kitang pukpokin ngayon eh. Ang angas-angas mong balian ng boto ang customer sa foods and Cafe pero...ikaw lang rin pala ang maglalagay sa sarili mo sa kapahamakan dahil sa katangahan." Pero napasigaw siya nang sinubukan nitong pigain iyon."Tiisin mo. Bulag at bingi na nga lampa pa.""...a-alam mo sir Dwight, kung ayaw mong tumulong. Huwag ka ng mag-aksaya pa ng oras. Kaya ko naman ang sarili ko eh." Nang sinubukan niyang bawiin ang paa ay kinuha muli iyon ng binata. Nakaupo na siya ngayon sa kama nito. And despite the fact that he is topless. Nakasilay na rin siya sa packaging bread ng amo na namumukod tanging napintas ng makasalanan niyang mga mata.Masyadong pinagpala ang loko."Araaay!""Sinabing tiisin mo eh. Na-dislocate lang yata 'to. Kaunting hilot at masahe lang. Mababalik na ito sa pwesto." Saka nito inangat ang tingin sa kanya at huling-huli ni Dwight kung paano tumama ang mga mata niya sa tiyan nito."Ang mga mata mo kung saan-saan na napunta Chel.""Hindi ah!" Sabay iwas niya ng tingin. "Walang nakaka-attract sa'yo sir. Para malaman mo. Nagpi-feeling ka yata eh,""Hindi naman ako bulag na kagaya mo. Action speaks louder than words ika nga," Saka ito tumayo. "Sir Dwight saan ka pupunta?"Lumabas kasi ito sa kwarto at hindi man lang nag-abalang sagutin siya. Bumalik ito na may bitbit ng cold compresor at basta nalang itinapat sa paa niyang nagkaproblema.Another scene of evidence that her boss has a soft heart. Kahit na minsan ay ang sarap sakalin nito. Pero aminado si Chel na kung ganitong kakalmado ang amo niya kapag may mangyayari. Never rin siyang nagpapanic dahil sa gaan ng ambiance kung ito ang kasama niya para gamutin siya."Huwag mo munang ilakad iyan. I am a former member of Blue Warrior at marami na akong karanasan sa mga ganito. If you tried to walk a little bit, trust me. Hindi mawawala iyang sakit.""Pero...paano ako makakauwi?""Problema ba 'yon? Edi, dito ka muna matutulog."Hindi naman niya talaga problema iyon dahil minsan na rin siyang nag-sleepover sa bahay nito. Ang ikinabahala niya lang ay ang katotohanan na nasa loob siya ng kwarto nito na mahigpit nitong ipinagbabawal na pasukin niya noon.Now that she came to his most invading of privacy. May magbabago kaya? Dwight Rivera was very aloof when someone intervene on his whereabouts."L-lilipat lang ako sa kwarto ko.""Stay still. Sa living room ako matutulog ngayon kung iyan ang ikinakatakot mo."Nakabihis na ito ng damit. "Sa susunod huwag kang tatanga-tanga. Alam mo naman na hindi ka na bata para gawing playground itong bahay ko na kung saan-saan ka nalang tumatakbo.""H-hindi ka kasi sumagot nang kinatok ko ang pintuan ng kwarto mo. Sasabihin ko lang sana na umalis na si sir Dwen—""You should have known na naliligo ako sa shower room."Oo nga naman Chel. "Nakalibreng tsansing ka pa sa abs ko na hinahangad ng nakakarami." Gusto niya mang batuhin ang binata sa unan na malapit sa kanya. Nagawa na nitong lumabas sa sariling kwarto at padabog pang isinara ang pinto.Amoy Dwight Rivera pa nga ang loob ng kwarto nito. Na talagang namumukod tangi sa kanyang ilong.When she received a text message."...You can't hide yourself that long like what you have wanted Chelsea. Iuuwi kita sa bahay sa ayaw at sa gusto mo kapag malalaman ko lang kung nasaan ka ngayon. Napakailap mo this time. If you read this message. Dapat alam mo ng pinapagalaw ko na ang mga private investigator para mas mapadali ang paghahanap sa'yo..."But she ignored it at hindi nagreply. Sanay na siya sa ganoon. Kaya bumuntong-hininga siya."Oras na rin siguro para baguhin na naman ulit ang sim card."KANINA pa siya nayayamot habang paika-ikang naglalakad sa loob ng mall.At ang lalaking nakasunod sa kanya ay panay ang naging reklamo. She just ignored her boss. Ngayong nakakita na siya ng tamang sim card pamalit sa luma niya ng card."Iyan na naman? Ilang beses ka bang magpapalit ng sim card sa loob ng isang buwan Chel? Lima? Sampo? Aba at iyan lang talaga ang sadya mo rito kaya nakipagtalo ka pa sa'kin?""Paki-chip in nalang miss," utos niya sa babaeng nakatuka sa sim cards department sa naturang mall na iyon. Ibinigay na rin niya ang phone dito.Sinulyapan niya si Dwight na kaunting tiis na lang talaga ay gusto niya nang ibalibag ang binata palabas. Halata kasing nabuburyo na rin ito kakasunod sa kanya."Miss boyfriend mo ba?""Hindi. Pakibilisan nalang," ngunit kapansin-pansin talaga ang pagnanakaw ng tingin ng babae sa lalaking nasa likuran niya. Kaya for some reason, nakaramdam siya ng inis."Ang gwapo niya talaga—""Oo. Gwapo siya kaya pwede tigil-tigilan mo na ang pagpapa-cu
"CHEL..." Huling served niya na iyon ng marinig ang galit na boses ng amo niya.Binalingan niya ito saka paika-ikang naglakad palapit dito. "May kailangan ka ba sir Dwight?""Di'ba ang sinabi ko sa'yo ay sa opisina ka lang?" Hindi na naman mapirmi ang mga kilay nito.Iyon naman sana talaga ang plano niya. Pero dahil nabagot siya sa loob. Nakipagsabayan na lang rin siya sa mga crews kahit baldado ang paa.Nginitian niya ng matamis ang binata. "Excercise na rin sir para gagana ng maayos itong paa ko.""Exercise ka riyan. Paano kung ibang customer na naman ang mabiktima mo? Huling ticket nalang talaga iyong nakaraan Chel. Bibitawan na kita."Aray ha! Akala pa niya naman ay nag-aalala ito sa paa niya. Ibang rason pala ang inaalala nito at ang mga customers iyon."Balik ka sa loob. You should be careful ngayong mailap ang mga mata sa atin ng mga awtoridad. Hindi ako mamamatay-tao Chel. Pero iyon ang nararamdaman ko sa tuwing pinapatawag ako ng mga pulis sa presento."Bumalik nga siya sa loo
SHE NEVER expect na makakahanap siya ng mga kaibigan sa katauhan nina Zephanie, Cris, Beverly at Devon.She wasn't friendly enough. Pero dahil makukulit ang mga ito. Noong unang araw na nakita siya nito sa Asterelle's food and cafe. Mistulang nagkaroon ng koneksyon ang mga ito sa kanya at basta nalang nagmamagandang-loob. Iyon na kamo ang simula ng closeness nila.She tried to distance herself. Pero ayaw talaga siyang tigilan ng mga ito. Kahit roon sa FVC kung magkasalubong man sila. Though hindi sila minsan nagkikita, pero sa tuwing nakadaupang-palad siya ng mga ito. Never siyang itinakwil o basta nalang iiwas ang tingin considering that they know her. Nasanay siya na kahit kakilala ang kaharap. Never siya ng mga itong kausapin for an unknown reason to her. Kaya nga naninibago siya sa bagong lugar at bagong kapaligiran na niyayakap niya ngayon.She was thankful for her boss, too. Dahil minsan kahit nagkakasagutan sila ng matindi. Never rin siyang nakaramdam ng uneasiness dahil binabag
"NAKAKAPAGOD..."Itinapon ni Chel ang katawan sa malambot na kama ng makarating na siya sa apartment niya. Buong araw kasi siyang basta nalang itinapon ng amo niya sa pakikipagtuos sa Board of Directors ng ADD. Dahil hindi ito nakadalo kasi nga ay nasunog ang paborito nitong tuxedo.And she was exhausted to fight over things. Ngayon na tinawagan na naman siya nito para makisuyo na puntahan niya ito sa Asterelle's food and cafe."...akala ko ba ay napagkasunduan na natin na huwag mo muna akong tawagan. Ginawa ko na ang makipagplastikan sa mga BOD na ikaw dapat ang humarap." Yeah right. Kaya lang siya napilitang makipag-bardagulan sa mga Board of Directors na iyon ay kinukunsensya siya ng binata. She had no choice, but to obeyed him. Since she imparted reason kung bakit nasunog nga ang tux nito."Chel, Chel, Chel. Aawayin mo na naman ba ako? Come on! Kasalanan ko ba kung bakit hindi ko kaya ang magmaneho ngayon?" Mula sa kabilang linya ay rinig na rinig niya ang sigawan ng mga kaibigan n
Warning ⚠️ SPGSAANG banda niya man pilit kumbinsihin ang binata. Mukhang desidido na talaga ito na ibalik siya sa ama. Hindi naman siya pini-pressure ni Dwight, but considering that she was far from the place where she feel freedom. Hindi alam ni Chel kung hindi niya ba magawang saktan ang sarili niya.And she was a good liar kung hindi niya aaminin na kay Dwight lang talaga siya totoong malaya. Kapag ang parents kasi niya. Pakiramdam ni Chel ay may tali ang leeg niya palagi."Chel..."Inangat niya ang tingin ng marinig ang boses ng amo niya. Naaalala niya na ginagamot pala nito ang sugat sa pisngi niya.Pagkatapos kasi niyang makapagbihis, parang kidlat si Dwight na pumasok sa kwarto niya. "Uhh...""You're spacing out...again. maaari mo bang sabihin sa'kin kung ano ang nagpapabagabag sa'yo?""S-sir Dwight," iniwas niya ang tingin dito. Pero hindi rin iyon gumana dahil hawak nito ang pisngi niya para ilapat ang bulak roon, "sa'yo lang talaga ako malaya eh...p-pero sige. Kung iyon ang
"STAY IN the house for today..."Basa niya sa sticky note na nakadikit sa baso ng magising siya kinaumagahan. Chel wasn't blind not to notice that it was her boss's doing. Natampal nalang niya ang noo ng masulyapan ang wall clock na alas dyes y media na pala.Masyado ba siyang napagod kung kaya't matagal siyang nagising?There is a breakfast displayed in the table at katabi ang baso na may nakadikit na sticky note. Hindi rin alam ni Chel kung ano ang nakain ni Dwight ngayon. Kung ano-ano nalang kasi ang isinusulat nito sa papel."...huwag mong subukang labagin ang utos ko Chel?" Basa niya ulit sa papel na lalaking-lalaki ang penmanship dahil hindi naging maayos ang cursive niyon. "...ano naman kung susubukan kong labagin ang utos niya? Ako ang nakakaalam sa sarili ko at sa mga mga gusto kong gawin. Kaya bakit naman ngayon ay naging istrikto na naman ang lalaking iyon ulit? Hay naku!"Tinangka niyang bumangon sa kama. Pero napaigik rin ng maramdaman ang sakit sa napapagitnaan ng dalawa
BITBIT niya ang laptop sa magkabilang kamay na tinutungo ang lounge sa FVC na malapit lang rin sa staycation ng amo niya.May mga iilang mga customers ang kumakain roon. At may iilan rin na kagaya niya ay may ibang ginagawa. And choose to sit in front of this beautiful ambiance rather than to stay in the house. Dahil hindi siya matuloy sa gagawin kung hindi niya nanamnamin ang taglay na ganda ng naturang lugar.She was about to opened her laptop, her boss's laptop rather. Dahil gusto ni Dwight na masimulan na ang bagong marketing layout. And she wasn't busy to do this thing nang may biglang umupo sa tapat niya."Hi," she isn't familiar with the woman. Pero dahil tinuruan siya nina Zephanie, Beverly, Cris and Devon kung paano makipag-kaibigan. Chel greeted the woman too. Kahit na nag-aalangan siya. Dahil nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa laptop na nasa kanyang harap."Are you Dwight's girlfriend? Napansin ko kasi kayo pagkalapag ng private chopper sa helipad.""No." Diretsong
"CHEL..."Inangat niya ang tingin sa binata ng makita siya nitong nakaupo sa magarang silya. "Akala ko ay kung saang lupalop ka na naman ng mundo sumuksok, nandito ka lang pala." saka ito umupo sa tabi niya.Nandito na naman kasi siya sa lounge ng FVC. Kanina pa rin niya napapansin ang pagnanakaw ng tingin ng dalawang babaeng nakarambula niya kahapon. Nang dumating si Dwight."Akala ko ba ay hindi mo na tatapusin? Nasa nasirang laptop ko ang layout di'ba?" Tukoy nito sa bagong layout project ng marketing team. At dahil mayaman ang kanyang amo. Nagawa nitong bumili agad ng panibagong laptop bilang kapalit sa nasira nitong isa."Nakabisado ko ang pattern niyon. Salamat sa memorya ko...""Salamat nga sa ganda mo." Nang balingan niya ang binata ay mariin itong nakatitig sa kanya. Kaya imbes na sikuhin ito. Nagawa niyang haplusin ang pisngi ni Dwight para inggitin lalo ang mga madrastang nagmamasid sa kanila."Maganda naman talaga ako. Salamat rin sa ka-gwapohan mo kaya ginanahan akong mag-
NAKAKUNOT ang noo ni Chel na hinandaan ng meryenda ang mister niya na kasalukuyang nasa likurang bahagi ng bahay nila at nadatnan niya itong sinusukat ang buong bahay gamit ang mga daliri. May hawak din itong sketch pad, kung kaya't kinuha ni Chel ang atensyon nito."Ano iyang ginagawa mo mahal?""Mahal," saka ito nakangiting bumaling ulit sa kabuuan ng bahay bago lumapit sa kanya. Sa kanilang pwesto ni Dwight ngayon, nasulyapan niya ang hawak nitong sketch pad at nakita ang sa tingin niya'y plano para sa pagpapagawa ng bahay. Kaya mas lalong gumatla ang pangungunot ng noo niya."Para saan iyang sketch pad mo?" "Ah, ito ba?" Kinuha muna nito ang baso na may lamang juice at ininom iyon bago muling inilapag sa lamesita sa kanilang harap. Ngumunguya na rin si Dwight ngayon ng tinapay habang nakangiting tinatanaw ang kabuuan. "I have decided to make our house a two to three storey. Papayag ka naman di'ba? Our family has gotten so much bigger ngayong buntis ka na naman sa ikalawang anak n
MUNTIKAN na siyang matisod palabas sa kwarto sa pagmamadali na mabuksan ang pinto.At sa pag-aakalang si Dwight iyon na bumalik dahil siguro ay may nakalimutang dalhin. Nakangiti si Chel bago pihitin ang doorknob, but to her surprise. It was her father with a skimmy-stampered smile in the face."Chel...pwede ba akong pumasok?"Nawala ang ngiti niya, but the hospitality she learned ay naroon pa rin kung kaya'y niluwagan niya ang pintuan para patuluyin ang ama."Where is my granddaughter?" Tanong nito at saglit na iginala ang tingin."Tulog pa daddy. Ang aga mo yata ngayon." Alas singko pa lang kasi ng umaga. At si Dwight ay napagpasyahang agahan ang paglipat ng mga gamit nito sa inuupahang bahay niya.She still has a bitter treatment with her parents particularly to her father. At nararamdaman nito iyon ngayon lalo at mukhang napilitan lang yata siyang papasukin ito.Then he look at her at sa paraan ng paninitig ng ama ay mukhang may nasagap itong impormasyon na tiyak, hindi ni Chel ma
"...MAMA!"Nabulabog ang pagbukas ni Chel sa pintuan nang marinig ang boses ng anak. Karga ito ni Nanny Rosie kaya nang makita kung sino ang taong kasunod niyang pumasok. Nagkaroon ng ideya iyong huli kung bakit at paano nangyari na magkasama sila ngayon."Baby Des," malambing at masuyo ang boses ni Dwight na lumuhod para salubungin nang yakap ang anak.Saglit na itinangala ni Baby Des ang tingin sa kanya na parang tinatanong kung sino itong kasama niya.Then Nanny Rosie whispered na narinig nilang pareho. "He's your father. Di'ba ay gusto mong makita ang papa mo?"Kumunot ang noo ng bata. Tila ba ay naiintindihan nito ang sinabi ng kaharap. 2 years old pa lang ay alam na ni Chel na matalino itong anak niya. "P-papa?"Tila ay hinaplos nito ang puso niya. Ibinaba niya ang tingin kay Dwight na hindi natinag sa pwesto habang simpleng pinahiran ang mga luha. Kaya ang ginawa niya ay lumuhod na rin siya para harapin ito."Lapitan mo siya...lapitan mo ang anak natin mahal.""I...I'm scared m
PASALAMPAK siyang naupo sa swivel chair ng kanyang opisina at napipikon na sinulyapan ang boss niya.Inabangan lang kasi siya nito ngayong umaga, pagpasok niya pa lang sa kompanya para itanong kung kumusta na 'raw siya. But of course, everyone knows that she's not. Tanga lang itong amo niya kung hindi mahahalata iyon.Clayton comfortably pulled the monoblock chair and sat in her front. Pagkatapos nitong lumipat sa sofa na kinauupuan. "...wala naman sigurong masama kung itatanong ko lang kung kumusta ka na. After you left the Ospital leaving Dwight in his unconscious mind. I'm afraid he will lost his memory forever kung hindi ka magpapakita sa kanya Chel...you know that he now knows that baby Des was his daughter. Iyon ang nag-trigger sa pananakit ng ulo niya as what the doctor said," humugot ito ng malalim na hininga. At sigurado naman siya na kinukunsensya siya nito. Dahil totoong tumalab iyon sa kanya.After kasi niyang puntahan ang binatilyo sa Ospital. At nakita si Dwight sa ganoo
"HE HAD an amnesia Chel. I'm sorry kung ngayon mo lang nalaman..."Ayaw niyang pumasok kaya tumambay lang si Xorxell sa bahay para kargahin si baby Des. At pagkatapos niyon, nagpaalam na rin ito para umalis.Tinawagan niya ang daddy niya. Only to discover that they, both...or everybody knows that Dwight is under an Amnesia. Ano ang nangyari kung ganoon? He left her para atupagin ang operasyon pero dahil masyado siyang na-guilty noon. Her guilt made her closed the connection between them.Tinatarak ng punyal ang dibdib niya ngayong binabaybay na ng cab ang daan pauwi sa bahay na inuupahan niya. Kaya nga ba hindi ito nagpakita sa kanya, sa kanilang dalawa ni Des ay dahil roon?Bagsak ang balikat ni Chel. Dahil maging ang mga miyembro ng FVC ay matagal na ring alam iyon. Even Xorxell told her, iyon pala ay ang mga panahong sinasabi nitong may surpresa sila. All because they wanted her to see how's Dwight recovered sa isang fatal accident. Iyon ang dahilan kung bakit naamnesia ito. Naumpo
"YOUR Secretary..."Nahilot ni Clayton ang sentido. Pinakatitigan lang rin niya ng mariin ang amo. Halata na masyado ang pagtataka sa kabuuan niya. Dahil ang lalaking nasa harapan niya ay walang iba kundi si Dwight na mahal na mahal siya noon. Pero ngayon, kakaibang Dwight Rivera ang nakakaharap niya. She's expecting less for him to hug her or simply recognize her. Pero wala. Hindi iyon nangyari. At ang mas malala, nakasagutan niya pa ito sa walang katuturang aksidente.She was clueless. Wala siyang makuhang sagot kung bakit nagiging ganito ang trato ni Dwight sa kanya."I have known you for being critique with your employee Clayton. Pero ano itong nangyari?"Clayton only glanced at her bago kay Dwight. "I'm sorry man. Nasabi naman siguro ni Chel na aksidente lang.""So her name is Chel. Bakit parang pakiramdam ko ay mas pinapaboran mo ang babaeng iyan kaysa sa'kin?""No. That's not it," kaagad na depensa nito. Pero mukhang sarado na ang isip niyong huli para dinggin ang eksplenasyon
"SURPRISE!""Yeeehaaa!""Happy lipat day Chel,"Nagulat si Chel ng bumungad sa mukha niya ang party poppers na basta nalang inangat ni Zeus nang mabuksan niya na ang mga ito. Akala kasi niya ay kung sino dahil sa kalampag na paraan ng pagkatok ng pinto.Hawak naman nina Xorxell at Xander ang cakes na sinasabayan pa ng mga ito ng kindat sa kanya."We came here for the house celebration. Hindi mo man lang ba kami aaluking pumasok?""Uggg!" Nag-aalangan pa siya. Since nabanggit naman niya sa mga ito na ayaw niya ng mga ganitong okasyon kahit sabihin nating kaunting salo-salo lang.And Zeus maybe a mastermind dahil ito naman ang palaging nang-iimbita sa mga kasamahan nito.Wala siyang nagawa ng mistulang mga bata ang mga ito na matulin pa sa kabayo na tumakbo at itinapon-tapon pa ang mga unan sa ere ng makarating na ang mga ito sa sofa na kakatapos pa nga lang rin niya ayusin.Napakamot sa batok si Chel na napangiwi. Dahil mukhang may ibang takas mental na naman yata siyang babantayan kah
"PINAPATANONG pala ni sir kung natapos mo na ba ang set-up sa meeting hall Chel. On the way na 'raw kasi ang mga board of Directors para masimulan agad ang meeting."Inabot niya lang kay Rose ang content ng meeting ngayon. Since bababa pa siya sa reception area. Dahil mayroong gaganaping pagtitipon after. "Ikaw na ang magbigay niyan kay sir...""Chel, hindi ako ang inaasahan niyang magbibigay niyan. He's expecting you to be there in the meeting so," iminuwestra nito ang kamay. "You should lie low sometimes. Unang dating mo pa lang dito ay napaka-hardworking mo na. You should tone down being a workaholic dahil baka over fatigue ang aabutin mo—""O baka naman iniisip ninyo na may special treatment ang amo ninyo sa'kin dahil isa ako sa anak ng investor nitong kompanya..."Nalukot ang mukha nito. "That's not it," pero umatras siya ng sinubukan ni Rose na lumapit.Iyon na ang tingin niya sa mga tao. Baka kako hindi ang mga ito nagpapakita ng interes sa kanya dahil tinatanaw ng mga ito na i
"EVERYTHING was a misunderstanding..."Iyon ang anunsyo ng kanyang ama. Kendra was her sister from father's side. At alam na nito ang katauhan niya, but she never came to her para ipaalam na magkapatid sila. How cruel was that isn't it? All along. Siya pala itong laging clueless at out of the blue palagi pero lahat, maliban kay Dwight ay alam ang katotohanang iyon. Pati mga magulang niya ay inilihim iyon.Walang pagsidlan ang nararamdaman niyang sama ng loob. Nadagdagan lang lalo iyon ngayon na kaharap niya ang ama. Dwight and his friends brought by her father in a health facility para personal na ipagamot.Nasa loob siya ng opisina ng kanyang ama ngayon. Katabi niya ay si Kendra na kanina pa panay ang haplos sa palad niya. Sa kabilang panig naman ay ang parents niya. And she can see how her mother throw daggers at the woman she's with today.Parang nararamdaman niya ang tensyon sa pagitan ng dalawa when her father, Benedict Altamera speak up.She's using her mother's surename ng uma