Hello readers, I'm sorry super tagal ng update ni author. Busy lang po talaga and kaag nakahanap ako ng tyempo. Mag update po ako agad. I am really really sorry. Thank you parin sa pag support nito. I hope naghihintay kayo for update. Sana is maantay niyo super duper talaga dami ng demo ko. Halos di ko na po alam uunahin. Hindi naman po pera habol ko dito. This is just my hobby to express what are running to my head. You know pag bored ako kung ano ano naiisip ko na story. Just reread again pag completed na ang story. Hoping andyan parin kayo para sakin. Matatapos ko to fighting lang hehe. Love you all.
THIRD PERSON'S POV. Busy lahat ng body guard na salubungin ang kanilang among lalaki na nagmula pa sa Singapore. Inaabangan nila ang private jetlag nito na lumapag mismo sa kanilang pwesto Ilang minuto lang ang kanilang pag-aabang nang makita na nila ang sinasakyan ng kanilang amo sa himpapawid. Napaayos naman sila ng tayo sa gilid ng isang red carpet na kinalalagyan nila. Dahan-dahan namang lumapag ang private jetlag at lumabas ang isang lalaking na nasa edad mahigit sa kwarenta anyos. Nakasuot ito ng tuxedo na pinaresan ng kulay blue na longsleeve at black necktie na sumisigaw ng karangyaan at pagiging matikas. Taas noo siyang naglalakad at makikita sa mukha nito ang pagkakaroon ng authority at strikto na mayroon lang sa mga taong may mataas na posisyon sa isang kompanya. Makikita rin sa pangangatawan at mukha nito ang pagiging magandang lalaki noong pagkabinata kaya't marami pa rin ang humahanga sa kanya. "Welcome back! Sir!" Sabay-sabay na bati ng mga body guard at nagsiyu
ITINAGO na ni Edward Lancaster ang picture ng mag-ina niya sa maliit na drawer sa ilalim ng kaniyang mesa. Agad din siyang napaayos ng upo nang makarinig siya ng katok mula sa labas ng pinto ng office niya. Bumukas naman ito at sumilip pa ng bahagya ang secretary nyang si Tin mula sa pinto.Magtatanong na sana siya sa dalaga kung ano ang kailangan nito ngunit naunahan na siya nito sa pagsasalita. "Sir, andito po sa labas si Mr. Crys may sasabihin daw po siya." Tumango naman siya dito bago siya magsalita."Let him in."Nakita naman ni Edward si Tin na hinarap ang binatang nangangalang Reinald Crys, ang kanyang pamangkin niya sa kanyang kapatid na si Entella at kinausap pa ang binata bago papasukin.Ilang sandali pa ay pumasok na si Reinald sa loob ng opisina niya. Nakangiti itong pumasok habang dala-dala nito ang isang envelop sa kaliwang kamay."Hi tito, good morning." Bati nito sa kaniya pagkapasok. Tumango naman siya sa binata. "This is all the files you need, tito." Saad nito sabay
Lumipas ang dalawang oras ay mabilis siyang nakarating sa kompanya. Marami agad ang bumati sa kanya na mga empleyado na nakakasalubong niya sa hallway hanggang sa pumasok na siya sa elevator saka pinindot ang isang number kung nasaan ang office niya.Tumindig naman siya at inayos ang kanyang coat na pinaresan ng white longsleeve at black coat with black pants and black shoes pagkatapos sumara ang elevator.Ilang minuto lang ang lumipas nang tumunog na ang elevator hudyat na nasa palapag na siya kung nasaan ang office niya. Pagkalabas niya ay tumungo na siya dito. Nakita pa niya ang secretary niya na nag-aayos ng mga papeles sa table nito."Lera." Agad naman nagulat ang dalaga sa biglang pagtawag sa pangalan niya sa pinakamalamig na boses. "Sir?... Ah, good..morning po!" Kinakabahan na bati ni Lera sa kanya at napalunok pa dahil sa malamig na tingin ang ibinibigay niya dito. Mabait naman si Lera, mahinhin, at palaging tahimik. Maganda din siya at sexy, maamo ang mukha na para bang in
SOPHIA'S POV. Lumipas ang mga araw, simula sa pag-uwi namin galing sa birthday party ni Xander ay hindi ko na nakita pa si Magnus. Sa mga araw na dumaan, wala akong ibang ginawa kundi ang pumasok, umuwi, kumain, magbasa ng libro, kausapin ang bungangerang kaibigan ko na si Nanna at pakikipag-usap din kay Ethan na mostly, sila rin ang nag-uusap na dalawa. Dissapointed lang ako dahil hindi ko man lang naaabutang makita si Magnus dahil madaling araw na 'tong umuuwi at kinaumagahan naman wala na siya sa mansyon nakaalis na raw. Bakit ba kasi sa Manila pa nakatayo ang kompanya niya? Pwedi naman siyang hindi umuwi o kaya manatili na lang siya sa condo niya kung meron man para di siya mahirap umuwi at pumasok sa trabaho. Ano ba naman kasi ang ginagawa ng isang 'yun? At masyadong busy? Matapos magpaalam kinaumagahan na meron daw siyang meeting na aasikasuhin na mismong ibinilin pa kay Manang Sally kapag hinahanap ko daw siya. Psh! As if naman na hahanapin ko siya. "Bell, are you o
SOPHIA'S POV. Maaga akong ginising ni Cecelia dahil maaga akong pupunta sa school. Doon kasi ang meeting place namin para isahang sakay na lang daw kami. Alas-singko palang ng umaga nang gisingin ako ni Cecelia. Syempre, hindi naman ako papaalisin nila Manang kung hindi ako kakain ng agahan kahit tinapay lang para may laman ang tiyan. Naayos ko na rin kagabi ang mga dadalhin kong gamit sa isang malaking backpack. Pagkatapos ko kumain ay sumakay na ako sa kotse at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita si Magnus kaya si Manong Troy muna ang driver ko. Ang busy naman niya, hindi man lang makapagpaalam. Saktong alas-sais ang pagkarating ko sa LU. Mula dito ay nakikita ko na ang mga bus na maghahatid samin tungo sa Cavinti, Laguna kung saan kami magcacamping. "Belllllll!" Sigaw palang alam ko ng si Nanna. Kumakaway pa itong tumatakbo sa kinaroroonan ko dala-dala ang maleta niya. Himala ang babaitang 'to maaga pumasok. "You're here, akala ko hindi ka na sasama." Lumingk
AWKWARD. 'Yan ang masasabi ko ngayon dahil pinagtitinginan kami ni Magnus mula dito sa likod. Walang nagawa si Nanna nang pumayag si Ma'am dahil sa utang na loob na meron kami kay Magnus. Mag-isa si Nanna sa kanang bahagi ng upuan dito sa likod. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa bintana ng sasakyan at tumingin na lang ako sa labas at pilit na iwinawaglit ang tingin na nakukuha ko. "Are you sleepy?" Dinig kong sabi niya kaya napalingon ako dito at nagtama ang mga mata namin. Paano ba ako nainlove sa lalaking 'to? Ang lakas ng epekto niya sakin. Umiling na lang ako at umiwas ng tingin. Isang oras lang naman ang biyahe kaya baka hindi na ako mag-aabalang matulog. Naramdaman kong gumalaw siya sa tabi ko kaya sinilip ko siya at nakita kong nakapikit ang mga mata niya. Kitang kita ko rin ang bumubukol na mga muscles niya sa braso dahil sa pagkakacross arm. Mahahabang pilit mata na parang isang babae, matangos na ilong at makakapal ang kilay na itim na itim. He has also a perfe
BAGO sumapit ang gabi ay naghanap kami ng mga kahoy para sa gagawing bonfire mamayang gabi. Kasama ko si Nanna ngayon at si Ethan sa gitna ng gubat na di kalayuan sa tent namin. "You want to come with me?" Dinig kong tanong ni Ethan samin ni Nanna na busy naman sa pagpupulot ng kahoy. "Saan?" Nagtatakang tanong ni Nanna sa kanya. Ngumiti naman si Ethan samin. "May nakita ako kanina na mini river. Hindi naman gaano malalim hanggang dibdib lang siya actually. Baka lang naman gusto niyo sumama maligo doon." Nagningning naman ang mga mata ni Nanna sa sinabi ni Ethan sa kaniya. "Gora ako! Hindi na ako nakakalangoy, matagal na 'yong last na nakapagswimming ako." Masayang sabi niya samin at bumaling sakin ang tingin nila. "Ikaw, Bell? Wag mo sabihing hindi ka sasama?" Taas kilay pang saad ni Nanna sakin. "I can go with you." Maikling sabi ko na lang para magtatatalon sa saya si Nanna dahil pumayag ako. Naglalagkit na rin ako dahil kanina pa ako napagpapawisan. Pakiramdam ko nga
MATAPOS ang araw na 'yon na hindi nalalaman nila Mama ang nangyari. Ang buong akala nila ay dumalo talaga ang fiance ko 'kuno'. Tinanong pa nila ako kung kamusta si Klin. Yes, my fiance was named Klin.Nagsinungaling ako. Isa lang ang alam kong dahilan dahil mahal ko si Magnus at ayokong paghiwalayin kaming dalawa. Sinabi ko kila Mama na ayaw ko sa Klin na 'yon kaya hindi na nila ako pinilit.Kilala ko si Mama, ayaw niyang pinipilit ako sa taong ayaw ko pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi niya maibigay ang gusto ko. Isa lang naman ang gusto at wala nang iba."Malapit na ang birthday mo, Sophia. Ano gusto mo?" Biglang tanong ni Mama sakin bago siya sumubo ng pagkain.Sabay kaming tatlo na nagdidinner ngayon. Si Magnus? As usual, nasa condo nito namamalagi. Ayaw siyang pauwiin ni Tito dito sa mansyon dahil sakin.Isa lang naman ang gusto ko Ma, pero alam kong hindi niyo maibibigay kaya wag na lang.Gusto ko 'yan sabihin sa kanila pero pinigilan ko lang ang sarili ko. "
"M-MAGNUS?"Wala sa sariling nasabi ko. Gulat akong nakatingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Ilang beses rin akong napakurap kung hindi ba ako namamalikmata sa nakikita ko.Pero totoo lahat kahit pisilin ko ang pisngi o yung kamay ko ay siya talaga ang nasa harapan ko. Ang taong matagal kong hindi simula sa pangalawang araw ng disyembre.Walang emosyon ang makikita sa mukha niya pero kita ko sa mga mata ang galak na makita ako habang nakangisi siya.Pero agad din akong nakabawi sa pagkagulat at agad na nagtanong."What are you doing here?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.Yumuko siya at pumantay sa mukha ko ang mukha niya. Nahigit ko ang paghinga ko at nabibingi na rin ako sa lakas ng tibok ng puso ko na halos gusto ng lumabas sa katawan ko."I'm here to take you with me. I can't let you go that easily." Nakangising tugon nito sakin. Bakit ang gwapo niya? Sobrang hot niya ngayon sa paningin. "Nasaan ang si
SOPHIA's POV.Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Masakit malaman na may ganto palang ginawa sila Mama at Papa dati. Bakit ngayon lang nila sinabi sakin kung kailan hindi ko na matatanggap 'to?Sino naman ang fiance ko sa arrange marriage na 'to? Bakit siya pumayag?"Bakit ngayon niyo lang 'to nasabi? O gawa-gawa niyo lang 'to ngayon dahil sa relasyon namin ni Magnus? Kung hindi niyo matanggap ang samin, dapat hindi na kayo gumawa ng gantong kalokohan." Galit na sabi ko habang patuloy na dumadaloy ang luha ko."Hindi sa ganoon Sophia, matagal na 'tong nakasettled hindi lang namin nasabi sayo ng Papa mo noon dahil hindi ka pa handa kasi bata ka pa noon pero ngayon, siguro ito na ang tamang panahon para sabihin sayo." Malumanay na sabi sakin ni Mama pero umiiling iling lang ako. Napabuntong hininga na lang si Mama. Hindi naman nagsalita si Tito at tahimik lang sa isang tabi. Hinayaan niya lang kami ni Mama na mag-usap."Bakit hindi mo subukan na kilalanin siya? Hindi mo pa nga
THIRD PERSON's POV.Nagising si Magnus sa malalakas na katok sa labas ng pinto. Inis na bumangon siya pero agad din napahiga at napahawak sa ulo niya nang maramdaman ang kirot mula dito.Hindi niya alam kung gaano siya kalasing kagabi nang makauwi siya sa condo niya. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi."Hey, Magnus!" Sigaw ni James sa labas ng pinto at patuloy pa rin sa pagkatok. "Can you open the door?" Tanong pa nito."Don't fucking shout!" Sigaw rin ni Magnus dahil sa inis at galit. May hangover pa siya tapos kung magdabog at magsigaw si James parang wala itong hangover kagaya niya.Pinilit ni Magnus bumangon at inis na binuksan ang pinto saka niya sinamaan ng tingin ang dalawang kaibigan na nasa labas ng pinto."Why are you here?" Paos na boses na tanong ni Magnus. Halata sa hitsura at boses niya na kagigising niya lang."Hey bro, good evening." Nakangiting bati ni James sa kanya ngunit hindi siya natinag tinignan niya lang ito ng masama.Hindi niya rin namalayan na isang buo
SCARLETTE's POV.23 days. Almost, one month of december na hindi ko pa rin nakikita si Magnus at nakakausap simula sa pangalawang araw ng disyembre.Ito na ba ang parusa namin? Parusa ng maling ginawa namin? Simula nang magsecond day ng december, pinagbawalan na kami ni Magnus na magkita. Maaga din kaming pinagchristmas break after one week ng december.Mabuti na rin 'yon dahil hindi ako masyado makapagfocus sa pag-aaral ko dahil sa problema ng pamilya namin, problema namin ni Magnus.Galit pa din si Mama sakin hanggang ngayon kahit na nagsorry na ako at sabihin niyang hindi na siya galit. Tahimik pa rin siya at halos hindi ako kausapin ni Mama.Pinatira na rin ni Tito Donny si Magnus sa condo nito sa Manila at ako naman ipinatanggal ni Tito Donny as personal assisstant ni Magnus sa kompanya kaya wala akong magawa kundi nandito lang sa bahay o kaya niyayaya ako ni Mama minsan na lumabas kapag nandito siya. Madalas kasi
HINDI pa rin mawala sa isip ko ang nangyari noong nagdaang araw sa Italian restaurant. Kung saan kami nagfamily dinner date.Hindi rin mawala-wala sa isip ko kung paano nagalit si Mama sakin. Ngayon ko lang ulit naranasan na nagalit siya sakin.I am so obedient to her since my father left us. Lahat ng gusto ni Mama sinusunod ko lalo na kung alam kung para sa ikabubuti ko. Hindi rin ako nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanya dahil ako na lang ang meron sa kanya.Kaya hindi ko makalimutan ang malalamig na tingin at walang emosyong mukha ni Mama. Nasasaktan ako dahil sa unang pagkakataon ulit, nakagawa na naman ako ng mali.Ramdam ko sa bawat salita nila ni Tito Donny at Mama na tutol sila samin ni Magnus kaya pilit nila kaming pinaghihiwalay ng landas. Oo. Sa mga nagdaang araw hindi kami nakakapagkita ni Magnus dahil inutusan siya ni Tito na magfocus lang sa kompanya o kaya ay marami itong ipapagawa dito. Minsan naman kung
KATAHIMIKAN. Tanging tunog lang ng mga plato at kobyertos ang maririnig samin. Nawalan rin kasi ako ng ganang ngumiti at magsalita dahil sa nangyari kanina. Ramdam ko rin kay Magnus ang delikado nitong awra sa sinabi ni Tito Donny kanina."How are you kids?" Pambabasag ni Tito sa katahimikan. Nakangiti itong nakatingin samin ni Magnus. Katabi ko ngayon si Magnus habang kaharap ang mga magulang namin."Don't call us kid, we're not kid anymore." Malamig na sabi ni Magnus sa kanyang ama.Natawa naman si Tito sa sinabi ni Magnus."Ayos lang kami Tito." Ako na ang sumagot dahil hindi naman sasagot ng matino si Magnus."Is he treated you so well?" Tumango naman ako sa kanya. "Yes po Tito.""Good to hear that." Nakangiti nito saad bago magpatuloy kumain.Napatingin ako kay Mama nang maramdaman kong kanina niya pa akong tinitignan."May gusto ba kayong sabihin, Mama?" Tanong ko di
MABILIS na lumipas ang mga araw at ngayon ay bisperas na ng pasko. Unang araw na ngayon ng disyembre at kanina lang ay tumawag sakin si Mama pero hindi sinabi sakin kung kailan sila uuwi, basta ang sabi lang e ngayong disyembre sila uuwi ni Tito Donny.Miss ko na si Mama. Gusto ko rin malaman kung anong ginawa nila sa Paris. Kung nakita ba nila 'yong eiffel tower.Humiga na ako sa kama at naisipang matulog. "Isabella" kumatok si Magnus sa pinto ng kwarto ko kaya pinagbuksan ko 'to kahit na tinatamad ako."Bakit?" Bungad ko sa kanya. Sumingit naman siya at nagpumilit na pumasok. May dala-dala itong isang paper bag."Oh" Tinaasan ko siya ng kilay nang iabot sakin ang dala niya."Anong gagawin ko dyan?" Tanong ko dito. Walang ganang tumingin lang siya sakin."You wear it." Maikling saad nito.Binuklat ko ang paper bag at nakita ang isang dress. A white dress. Simple but elegant.Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Bakit niya ako binibigyan ng dress?"May okasyon ba?" Nagtatakang ta
SCARLETTE's POV.HINDI ko alam kung ilang beses na akong napapalunok. Ramdam na ramdam ko ang matipunong katawan ni Magnus na nasa likuran ko. Kahit nakadamit ako at malamig ang tubig ay ramdam ko pa rin ang init ng katawan niya."Nervous?" Narinig ko siyang nakangisi at ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa tenga ko dahil sa pagbulong niya.Alam ko pulang pula na ang mukha ako sa ginagawa niya. Ilang beses niya kinakagat kagat ang earlobe ko na para bang inaakit ako nito."When I saw this falls yesterday, you are the one who came in to my mind." Malalim ang boses nitong saad. "Beautiful, isn't it?" Tumango naman ako."Beautiful as you but for me you are more beautiful. You're like a moon who keep shining and giving me light in the middle of the darkness." Dagdag pa nito.Bumilis naman ang tibok ng puso sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita at hindi ko alam ang sasabihin ko.Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla niyang halikan ang leeg ko habang nakayakap sakin hanggang