Share

Chapter Five

last update Huling Na-update: 2021-09-04 00:03:43

CHAPTER FIVE

    KUNG matutunaw lang si Gerard sa palihim na pagmamasid dito ni John Raven, baka ganoon na ang nangyari sa lalaki. If someone will asks him why does he needs to spy on Gerard’s every action, even John Raven doesn’t know how to answer that. But his gut feeling is telling him that something is fishy behind Gerard. That he needs to find out what is that because it’s connected to him somehow.

"Gerard, salamat sa tulong mo, ha? Kung hindi mo ako pinahiram ng pera, baka nawala na iyong apo ko dahil sa dengue. Hindi ko alam dati kung saan kukuha ng pera, e. Lahat nalapitan ko na pero ikaw lang ang nagbigay ng tulong sa akin," ani ng isa sa cameraman. Kinuha nito ang kamay ni Gerard at panay ang galaw nito habang nagpapasalamat pa rin.

Malinaw na narinig iyon ni John Raven dahil kahit malayo-layo siya sa pwesto nila, dahil nakainom na ng alak ang lalaking nagsalita, may kalakasan ang boses nito.

Alanganing ngumiti si Gerard at naiilang na binawi ang kamay. Bahagya itong tumingin sa paligid at nang wala namang nagagawi ang tingin sa table nila, nakahinga nang maluwag si Gerard. Tinapik nito ang cameraman sa likod at nginitian. "Walang problema, Kuya Tonyo. Ayos na ba iyong apo ninyo?"

Sa tanong nito, umaliwalas ang mukha ng lalaking kausap. "Aba, maayos na si Jetjet! Minsan nga tinatanong ka sa akin ng bata. Gusto raw makita si Kuya Ger niya."

Tumawa si Gerard. "Minsan po bisitahin ko siya sa inyo," sagot nito sa lalaking tinawag nitong Tonyo. Nang matapos sabihin iyon, bumaling naman si Gerard sa katabi ng lalaki. "Kayo po, Kuya Adan? Musta po?"

"Ayos na ayos, Gerard! Masaya akong makatrabaho ka uli. Ang tagal kitang hindi nakita, bata ka. Akala ko, hindi ka na babalik sa pag-aartista, e. Sayang kako. Buti at naisipan mo uling sumubok." Ngiti lang ang naging sagot ni Gerard.

Kumunot ang noo ng nakikinig na si John Raven. Una niyang nalaman, may tinulungan si Gerard na taliwas sa pakilala ni Gerson sa kanya. Gerson told him that Gerard doesn’t like to extend a helping hand to others. That he is arrogant and spoiled. Kaya nga raw hindi ito makasundo ng pinsan na si Gerson. Kung ganoon, ano itong naririnig niya ngayon sa kabilang mesa? Imposible namang binayaran ni Gerard ang mga kausap nito dahil nakita ni John Raven na ang dalawang lalaki ang lumapit sa taong minamasdan niya ngayon.

Pumasok sa isip niya ang sinabi ni Aldrin na hindi masama ang ugali ni Gerard tulad sa akala niya. Napailing si JR dahil sa naisip. Hindi siya mapakali dahil doon.

Iyong inis na inalagaan niya ng ilang taon, unti-unti yatang naglalaho dahil sa nasasaksihan niya. He simply dislikes Gerard because Gerson told him to do so. He’s aware that it’s wrong of him to put someone in a bad light just because of rumors but Gerson is his dear friend. At kung meron siyang dapat kampihan, iyon ay iyong kaibigan niya. Another thing is, Gerard is an asshole based on what Gerson told him that’s why he doesn’t have a remorse hating that kind of person.

Pero ano itong nakikita niya ngayon? It’s like the fucking universe is telling him to assess Gerard once more.

Iniwas ni John Raven ang tingin at napili na uminom ng tubig na nasa harapan niya upang ikalma ang sarili. Para kay JR, naguguluhan siya sa mga nalaman. The rational part of his brain is screaming at him that he’s close to finds out the truth behind Gerard if he pays attention to details but another part is not willing to know about it.

Yumuko si John Raven at hinalamos ang kamay sa mukha. Gulung-gulo ang utak niya kaya sinulyapan niya ang gawi ni Gerard at masaya itong nakikipagbiruan sa mga kasama sa table nito. Palihim siyang suminghal dahil mukhang masaya ito samantalang wala itong kamalay-malay na ginugulo nito ang utak niya!

Kinastigo ni John Raven ang sarili. Anong alam ni Gerard sa takbo ng isipan niya? Siya itong parang gago na kung anu-ano ang iniisip. Iniling niya ang ulo at tumayo para magtungo sa banyo. Kailangan niyang mahimasmasan para hindi kung ano ang pumapasok sa utak niya.

Nang makapasok siya banyo, natigilan si John Raven. Naghuhugas ng kamay sa sink si Rovin at nagulat ito noong makita siya. Biglang kumunot ang noo ng lalaki at mabilis na tinapos ang paghuhugas ng kamay sa sink. Nilagpasan siya ni Rovin ngunit natawag ang atensyon nito nang bumuka ang bibig niya.

"Matagal na ba kayong magkaibigan ni Gerard?" Hindi rin si John Raven sigurado kung bakit iyon ang naitanong niya sa paalis na si Rovin. Naunang magsalita ang bibig niya kaysa sa takbo ng utak niya.

Mabilis na pumihit paharap si Rovin at may pang-uusig sa mga mata nito na tumingin sa kanya. "Bakit ganyan ang tanong mo sa akin?"

"Matagal na ba kayong magkaibigan?" ulit niya.

Bahagyang nagtaas ng noo si Rovin at maangas na tumingin sa kanya. Parang may gusto itong ipunto ngunit hindi niya malaman kung ano iyon. "Oo, bakit? Mula bata, si Gerard na ang kaibigan ko. Anong nakain mo at nagtatanong ka tungkol kay Gerard?"

‘Hindi si Gerard ang kababata ko kung ganoon...’

Should he felt relieved hearing that? Bumuga siya ng hangin at bahagyang iniling ang ulo. Lumapit si JR sa sink at naghilamos. Hindi na niya inintindi si Rovin na nakatayo sa may pinto. Binuksan niya ang gripo nang magsalita si Rovin.

"JR, dahil magkaklase tayo dati, pwede bang huwag mo nang pag-initan si Gerard? Hindi niya kasalanan iyong nangyari dati. Sa katunayan..."

"Ikaw iyong tumulak kay Aldrin?" tuloy niya sa sinasabi nito. Natigilan si Rovin at nanlalaki ang mga mata nitong tumingin sa kanya.

"A-Alam mo?"

Hindi na niya inulit ang sinabi at napasinghap naman si Rovin. Tinuro siya nito at ginalaw-galaw ang hintuturo. "Pota! Alam mo na pala ang totoo tapos pinagti-trip-an mo pa si Gerard? Gago ka, ’no? Ano bang kasalanan ni Ger sa’yo?"

Binalik niya sa sink ang atensyon at naghugas ng kamay doon. Si Rovin naman ay nakatanga pa rin sa kanya. Lumipas ang limang segundo ngunit nakatingin pa rin ito sa kanya. Bumuga ng hangin si John Raven at binalingan si Rovin.

"Bakit nandito ka pa?"

"Wala ka man lang bang balak mag-sorry kay Gerard? Hindi mo ba alam na kayo ang dahilan kung bakit lumipat si Gerard ng school?"

Natigil ang paghuhugas ng kamay ni JR at tumingin siya sa salamin. Kita ang repleksyon ni Rovin doon at nakatitig sa kanya habang may pang-aakusa ang mga mata nito.

He suddenly felt uncomfortable for some reason when he heard what Rovin said. Binalik niya ang mga mata sa sink at pinatay ang gripo nyunit hindi nilingon ang kasama sa banyo.

"Wala ka bang sasabihin?" hindi mapigilang itanong Rovin.

Nagtaas ng tingin si John Raven at diretsong tiningnan ang repleksyon ni Rovin. Kanina pa siya naba-badtrip dito sa taong ito. Kung dapat man siyang humingi ng tawad, kay Gerard iyon. Bakit parang mas atat pa ’tong taong ’to kaysa kay Gerard?

"Ano bang pakialam mo kung magso-sorry ako o hindi?"

"Aba’t—"

Hinawakan siya nito sa balikat at pinaharap dito para ambahan ng suntok na nasalo niya naman. Hawak ang kamao nito, masama niyang tinitigan si Rovin. "Bakit galit ka? Ikaw ba si Gerard para magkaroon ng pakialam? Sino ka ba?"

"Tarantado ka, ha?!" anito at pinipilit kunin ang kamaong hawak niya. Ito ang masarap sapakin ang mukha. Mang-aamba ng suntok, hindi naman kayang panindigan. Sinulyapan niya ang katawan ni Rovin at nang makitang payat ito, nawalan siya ng gana. Baka mamaya kasalanan niya pa kung magkaroon ng internal injuries ito kung hindi niya mapigil ang sarili.

"Kung hihingi man ako ng tawad, kay Gerard ko gagawin iyon. Bakit pabida ka? Sa’yo ba ako may atraso?" Sa salita niya binuhos ang asar sa taong kaharap.

Pabalya ni John Raven na binitiwan si Rovin at bumalik sa sink para maghugas uli ng kamay. Masama siyang tinapunan ng tingin ni Rovin bago ito malalim na huminga at sinulyapan siya. Ngayon, kalmado na ang itsura nito.

"Kung ayaw mo kay Gerard, lumayo ka na lang sa kanya. Iyon ang pakiusap ko. Sana gawin mo."

Kumunot ang noo ni JR at balak sanang magsalita nang may kumatok sa pinto ng banyo.

"’Vin? Nandito ka ba sa loob?"

Agad na pumihit papunta roon si Rovin at binuksan ang pinto. Pumasok si Gerard at sandaling nagawi ang tingin sa direksyon niya na agad din nitong binawi.

"Akala ko, kinain ka na ng toilet bowl. Tara na. Uuwi na raw si Manager. Sabay na ba tayo sa kanya?"

Lumabas ng banyo ang dalawa ngunit dinig pa rin ni John Raven ang naging takbo ng usapan ng dalawa.

"Uwi ka na kaagad? Baka magalit si Direk Tony sa’yo n’yan? Ayos lang ba na mauna na tayo?"

"Oo. Nagsabi na ako. Hindi ako mahilig sa ganitong party. May bar hopping pa raw sila kaya hindi na ako sasama."

Naiwan doon si John Raven sa loob at tanging papalayong yabag ng paa ang narinig niya. Hindi niya malaman sa sarili kung bakit apektado siya noong hindi siya kinibo ni Gerard noong makita siya ngayon. Ni pagtango ng ulo sa direksyon niya, hindi nito ginawa. Para lang siyang hangin na nilagpasan nito ng tingin.

Mas lalo siyang badtrip dahil hindi niya malaman kung bakit big deal sa kanya ang pagtrato ni Gerard nang ganito sa kanya. Bakit ba siya apektado sa inaasal ng lalaki? Literal na naghilamos ng mukha si John Raven para mahimasmasan.

Nang makabalik sa table niya, napansin niyang bakante na ang pwesto na okupado kanina nila Gerard. Wala na sila Gerard at nililinis na ng waiter ang laman ng mesa.

‘Umalis talaga siya?’

Gusto nang sampalin ni JR ang sarili dahil bakit niya ba iniisip at hinahanap ang taong iyon? Wala naman siya dating pakialam kay Gerard kaya bakit ngayon, hinahanap na niya ang isang iyon?

Epekto siguro ito ng sinabi ni Aldrin na kamukha ni Gerard ang kababata niya. Hindi dapat siya nakikinig sa isang iyon dahil si Gerson ang kasama niya mula pagkabata kaya paano ito mapapalitan? Sadyang magkamukha lang talaga ang dalawa.

Iyon ang pilit nasinisiksik ni John Raven sa utak niya.

❀❀❀

Kinagabihan, dahil sa pag-agaw ni Gerard ng atensyon ni John Raven, nagkaroon siya ng panaginip na nangyari noong mga bata pa sila ni Gerson.

"Ji-ar, Ji-ar! Bakit mo nililibing ang wishing bottle?" tanong ng batang si Ewi sa batang si Ji-ar.

Patuloy sa paghukay ng lupa si Ji-ar gamit ang laruang mini shovel. Pero dahil maliit lang iyon, kaunti lang ang nakukuhang lupa. Nakakunot ang noo ni Ji-ar at masamang tiningnan ang lupa.

"Bakit ayaw mahukay kaagad!" reklamo niya.

Sinilip ni Ewi ang ginagawa niya. "’Di ba, Ji-ar, nilalagyan ng tubig tapos huhukayin? Tara, lagyan natin ng tubig para mahukay mo! Pero bakit mo ililibing ang wishing bottle? Baka hindi makahinga ang mga wish natin!"

Malawak siyang ngumiti kay Ewi. "Hindi! Dapat daw ilibing ang wishing bottle para matupad ang mga wish! Gano’n sabi sa TV, e! Tapos babalikan natin ’tong wishing bottle pagkatapos ng twenty years. Titingnan natin kung natupad iyong mga wish!"

Ngumuso si Ewi at nagkamot ng ulo. "Twenty years? Ang tagal-tagal naman! Maraming tulog pa iyon, e. Sure ka, Ji-ar? ’Tapos ng twenty years, matutupad ang wish?"

Nag-isip sandali si Ji-ar. "Hindi ko rin alam, e. Siguro. Hindi naman sinungaling ang TV, e! Totoo nga si Santa kasi nagregalo siya ng toy car sa akin noong Christmas!" Nagkibit-balikat siya at sinilip muli ang ginagawang hukay. Hindi kasya ro’n ang bote na ililibing nila ni Ewi. Tumingin siya sa kaibigan at bumulong, "tara, buhusan na natin ng tubig ’to para mahukay natin."

Pumayag si Ewi at nagtulong silang dalawa ni Ji-ar na kumuha ng tubig mula sa gilid ng playground. Katabi kasi ng playground ang park ng subdivision at minsan na nagdidilig ng tanim ang isa sa caretaker ng park at playground doon. Madalas nga lang silang pagalitan ng matanda kapag nakikitang nilalaro nila ang tubig.

Nabuhusan na nilang dalawa ang maliit na butas na ginawa ni Ji-ar at naging putik kaagad ang nabasang lupa. Naghukay uli si Ji-ar at mas madali na nga ang paghukay kaysa kanina noong matigas pa ang lupa.

"Ji-ar, pwedeng ako naman? Gusto ko ring maghukay! Parang sa TV? ’Yong mga naghukay tapos tatayo silang bahay!"

Tinagilid ni Ji-ar ang ulo bago inabot ang mini shovel kay Ewi. Naghukay nga ito at mas lumalim pa ang bilog na hukay. Inilagay naman ni Ji-ar doon ang wishing bottle kung saan nakalagay ang papel na sinulatan nila ng mga hiling nila. Nang mailagay sa basang bilog na hukay, tinabunan ni Ewi ng lupa iyon.

"Ako na kaya? Ang bagal mo, e!" reklamo ni Ji-ar. May kabagalan kasi ang batang si Ewi sa pagtabon. Kinukuha niya ang shovel ngunit inangat iyon ni Ewi.

"No! Ako na muna! Mamaya ka na, Ji-ar!"

Sa pag-aagawan nilang dalawa, tumalsik ang laman na lupa ng mini shovel at napunta ang ibang parte no’n sa damit ni Ewi.

Nang makita ni Ewi na nadumihan ang damit nito, gulat itong napatingin kay Ji-ar.

"M-magagalit si Ma — T-Tita kapag nakitang may dumi ako!"

Dahil sa taranta, pinunasan ni Ji-ar ang damit ni Ewi na namantsaan ng putik ngunit lalo lang iyong kumalat dahil marumi rin ang kamay niya. Noong makita ang nangyari, hindi kaagad nakakibo si Ji-ar at natuluyang umiyak si Ewi.

"E-Ewi, sorry! Bibilhan kita ng ays klim basta ’wag kang iyak!"

Biglang tumahan si Ewi at sinilip si Ji-ar. Sumisinghot pa ito. "T-Talaga? Bibili ka?"

Tumango naman siya at inaya si Ewi sa tindahan.

Napabalikwas ng bangon si John Raven. Napasapo pa siya ng ulo dahil sa pag-akyat ng dugo sa ulo niya na kinakirot noon.

"Damn!" bulong niyang may pagrereklamo.

Maayos siyang umupo sa kama at hinilot ang sentido. Nang hindi na gaanong makirot ang ulo, inalala ni JR ang napanaginipan. Malinaw pa sa isip niya ang panaginip.

Naglalaro sila ni Gerson sa playground at inilibing ang wishing bottle. Akala niya kasi dati ay matutupad iyon. Sila iyon ni Gerson noong mga bata pa at walang muwang. Ji-ar ang tawag sa kanya nito samantalang Ewi ang pangalan ni Gerson. Gerry daw kasi ang dapat nickname nito noong bata ngunit kapag nagpapakilala dati noong tinuturuang magsalita, bulol si Gerson sa letrang R kaya sa Ewi nauwi ang palayaw nito.

Napailing si John Raven habang nangingiti sa alaalang iyon. Naalala niya pang nakita niya ang sinulat ni Gerson sa papel dati. Pangarap nitong mag-artista tulad ng daddy nito. Pero dahil sabi ng teacher nila na hindi na matutupad ang wish kapag may nakakita, hindi niya sinabi sa kaibigan na alam niya kung ano ang hiling nito. Natakot din siya na hindi matupad ang hiling ni Gerson kaya binaon nila sa playground ang wishing bottle.

Isa pa sa naging kwento ni Gerson noon na gusto nitong makasundo ang tita nito at pinsan. Ang kaso, inaaway daw ito madalas ng pinsan nito kaya siya na lang ang inaayang makalaro ni Gerson.

Noong mga bata pa sila, hindi niya kailanman nakita ang sinasabi ni Gerson na tita at pinsan nito dahil tuwing sasama siya sa bahay nila Gerson pabalik, katulong lang ang laging naroon. Naaawa naman siya sa kaibigan kaya sinasamahan niya ito.

Ang kaso, biglang nawala ng ilang taon si Gerson. Dito naman ni JR nakilala sila Aldrin na naging kaibigan niya rin. Ngunit kahit nagkaroon na siya ng mga bagong kaibigan, pabalik-balik pa rin siya sa labas ng bahay nila Gerson at noong makita niyang bumalik ito, iba ang sayang naramdaman niya!

Si Gerson kasi ang una niyang naging kaibigan kaya napakaimportante nito sa kanya.

Dahil sa panaginip niya, naisip ni John Raven na tawagan si Gerson. Gusto niya lang makipagkwentuhan tungkol sa mga kalokohan nila noong mga bata sila.

Tiningnan muna ni John Raven kung anong oras na at noong makita na alas otso na ng umaga, tinawagan niya si Gerson. Pumayag naman ito na makipagkita sa kanya sa madalas nilang tambayan na dalawa.

Nagkita silang dalawa sa coffee shop at nag-order na kaagad si Gerson ng espresso para sa kanya habang macchiato naman ang para dito.

"Did you see Gerard?" Tinutukoy ni Gerson ay iyong event kahapon na pinuntahan niya. Nabanggit niya kasi rito na pinapunta sila lahat ni Direk Tony para ipakilala ang lahat ng staff sa isa’t-isa. Alam nito na naroon si Gerard kaya ito ang naging tanong nito.

"Yes."

"Nagyabang na naman siya, ano?" parang sigurado nitong saad.

Hindi kumibo si John Raven dahil hindi naman iyon ang ginawa ni Gerard. Kung tutuusin ay hindi niya akalaing ganoon ang iaakto ni Gerard kagabi, masyadong tahimik.

"I really hate that son of a bitch," bulong ni Gerson na narinig niya. Kumunot ang noo ni JR at gusto itong pagsabihan. Ngunit alam niyang mamasamain ni Gerson iyon kaya nanatili siyang walang imik.

Iniligaw na lang niya ang usapan para hindi na mapunta kay Gerard ang kwento.

"Gerson, do you remember when we’re kids?" Natigilan si Gerson na hindi napansin ni John Raven. Nagpatuloy siya sa pagsasalita, "we like to ran around the playground, right?"

Alanganing ngumiti si Gerson. "Y-Yes."

"Do you remember what we buried there?" naitanong niya. Ngumiti siya at balak ibida ang wishing bottle na ibinaon nila. Itatanong niya ang hiling nito at ikukwento niya sana na nakita niya ang sinulat nito sa papel. Ngunit nang makita ang hindi maipintang mukha ni Gerson, bahagyang kumunot ang noo ni JR.

"H-Huh? We did?"

Biglang kumalabog nang malakas ang dibdib ni John Raven sa sinabi ni Gerson. Nawala ang ngiti niya sa mukha at seryosong tumitig sa taong nasa harapan niya.

Gerson laughed nervously. "I-I already forgot about that, Ji. Bata pa tayo no’n, ’di ba?"

Tumango si John Raven ngunit hindi niya maiwasang hindi maghinala. Hinding-hindi malilimutan ni Ewi ang sinulat nito sa papel dahil pangarap nito iyon. Palihim niyang pinag-aralan si Gerson at hindi maiwasan na hindi siya mag-isip nang masama.

Sinubukan ni John Raven na alalahanin ang mukha ni Ewi sa utak niya at ang mukha ni Gerard at lalo siyang kinabahan dahil magkamukha rin ang dalawa sa isipan niya.

What if just like what Aldrin said to him, Gerard is Ewi, his childhood friend?

Well, fuck.

❀❀❀❀❀

Kaugnay na kabanata

  • I Hate that I Love You [BL]   Prologue

    Prologue PADIRETSO sila Gerard sa locker area para palitan ang jersey na suot dahil pawis na pawis na sila. Medyo may kalayuan din ang locker area nila. Imbes kasi na magpalit sila, bumili muna sila ng tubig dahil sa sobrang uhaw. Ngayon, nasa mabatong daan sila ng garden kung saan ito muna ang dadaanan bago makapunta sa gymnasium.Masama ang timpla ng mukha ni Gerard dahil natalo sila sa quarter finals sa larong basketball. Hindi sana mangyayari iyon kung hindi masyadong pabida ang isa sa mga teammates niya. Kung nanalo sana sila, ire-represent nila ang region nila. Kaso, dahil sa isang bwisit na ka-teammate, nauwi sa wala ang lahat."Si Aldrin kasi ang problema, e. Siya ang nagsasabing sa kanya ipasa nang ipasa, lagi namang naaagaw ng kalaban 'yong bola sa kanya," komento ni Rovin na nakasalubong din ang magkabilang kil

    Huling Na-update : 2021-08-08
  • I Hate that I Love You [BL]   Chapter One

    Chapter One "BEFORE anything else, we just want to announce this. Matagal-tagal din naming pinag-isipan 'to at masakit mang sabihin, our band.... Smoke n' Shadow is disbanding."Rovin word's caused a small commotion within the dimly lit bar. The customers looked surprised and you can see some of their faces painted with dissatisfaction.Narinig ni Gerard ang ilan pa na may pagrereklamo sa ibaba ng stage dahil sa announcement na ginawa ni Rovin. But everything must come to an end, right? Alam naman niya na may mga taong sumusuporta sa banda nila. Pero hindi sapat iyon para sa kanila. It's been what? Five years since they started the band and aside from singing songs in clubs and bars, they got nothing.They loved to perform. They loved to sing on stage but that isn't enough for them. A band alone can

    Huling Na-update : 2021-08-08
  • I Hate that I Love You [BL]   Chapter Two

    CHAPTER TWO GERARD coolly averted his gaze when he noticed his sister was squinting her eyes at him. When the girl saw that he's still not showing any movements despite her silent warning, she raised her right hand and smacked him on the arm."Aray ko, Allison! Bakit ba?""I told you to move away from my babies, brother! Look, you ruined my baby number one's face! Didn't you know that I spend almost all of my monthly allowance on these posters from Korea and you just put your dirty arm on them? Pay for these!"Kumurap-kurap ang mga mata niya sa kapatid at sinulyapan ang napakaliit na gusot na kpop poster nito na pinatungan niya nga ng mga braso kanina. Nang ibalik niya ang tingin sa kapatid, nakataas ang kilay nito at naghihintay ng sagot niya.Looking at his fifteen year old sister, mas nagiging kamukha nito ang Daddy nila. Allison has a

    Huling Na-update : 2021-08-08
  • I Hate that I Love You [BL]   Chapter Three

    CHAPTER THREE KANINA pa inaaral ni Gerard ang mukha ni Aldrin at halatang-halata ang mga pagbabago sa pisikal na anyo nito. Kung ang Aldrin na natatandaan niya sa isip ay may pagkapayat, ngayon ay medyo nagkaroon ng laman ang katawan nito na bumagay naman dito. Mas tumangkad din si Aldrin.Sabagay, anim na taon na rin ang lumipas pagkatapos ng alitan nila mula noong highschool sila."How are you, Aldrin?" Si Rovin ang bumasag sa katahimikan.Maliit na ngumiti si Aldrin sa kanilang dalawa. "I’m fine. Kayong dalawa? I can see that you’re still friends.""Oo naman. Bestfriends yata kami," may pagmamalaking nakapaloob sa boses ni Rovin at inakbayan pa siya. Tumawa naman si Aldrin sa kanilang dalawa.Ngumiti siyang alanganin dito at bahagyang tinulak si Rovin. Bumitiw naman ito sa kanya at siya naman ay humarap kay Aldrin."...I’m sorry," bulong niya habang nakatitig dito. Naalala

    Huling Na-update : 2021-08-08
  • I Hate that I Love You [BL]   Chapter Four

    CHAPTER FOUR INIISIP pa rin hanggang ngayon ni John Raven ang narinig na usapan na hindi sinasadyang marinig kanina sa male comfort room. Mula sa usapan ni Rovin at Gerard, hindi si Gerard ang tumulak kay Aldrin kundi si Rovin? It blew his mind. Damn. All along they believed that Gerard was the one who had a row with Aldrin that time. Ito kasi ang naabutan nilang noong nawalan ng malay si Aldrin at may umaagos na dugo sa ulo ng kaibigan.And now, he’s kinda feeling guilty for putting the blame on Gerard’s head where in fact, Rovin was the one who hurt Aldrin. Pero sino ba kasing nagsabi kay Gerard na saluhin ang gulo na hindi naman pala para rito?Damn it, JR. Don’t give yourself an excuse for being an asshole. Own up your mistakes!Nakalipas na ang ilang taon ngunit ngayon niya lang nalaman ang nangy

    Huling Na-update : 2021-08-13

Pinakabagong kabanata

  • I Hate that I Love You [BL]   Chapter Five

    CHAPTER FIVE KUNG matutunaw lang si Gerard sa palihim na pagmamasid dito ni John Raven, baka ganoon na ang nangyari sa lalaki. If someone will asks him why does he needs to spy on Gerard’s every action, even John Raven doesn’t know how to answer that. But his gut feeling is telling him that something is fishy behind Gerard. That he needs to find out what is that because it’s connected to him somehow."Gerard, salamat sa tulong mo, ha? Kung hindi mo ako pinahiram ng pera, baka nawala na iyong apo ko dahil sa dengue. Hindi ko alam dati kung saan kukuha ng pera, e. Lahat nalapitan ko na pero ikaw lang ang nagbigay ng tulong sa akin," ani ng isa sa cameraman. Kinuha nito ang kamay ni Gerard at panay ang galaw nito habang nagpapasalamat pa rin.Malinaw na narinig iyon ni John Raven dahil kahit malayo-layo siya sa pwesto nila, dahil nakainom na ng alak ang

  • I Hate that I Love You [BL]   Chapter Four

    CHAPTER FOUR INIISIP pa rin hanggang ngayon ni John Raven ang narinig na usapan na hindi sinasadyang marinig kanina sa male comfort room. Mula sa usapan ni Rovin at Gerard, hindi si Gerard ang tumulak kay Aldrin kundi si Rovin? It blew his mind. Damn. All along they believed that Gerard was the one who had a row with Aldrin that time. Ito kasi ang naabutan nilang noong nawalan ng malay si Aldrin at may umaagos na dugo sa ulo ng kaibigan.And now, he’s kinda feeling guilty for putting the blame on Gerard’s head where in fact, Rovin was the one who hurt Aldrin. Pero sino ba kasing nagsabi kay Gerard na saluhin ang gulo na hindi naman pala para rito?Damn it, JR. Don’t give yourself an excuse for being an asshole. Own up your mistakes!Nakalipas na ang ilang taon ngunit ngayon niya lang nalaman ang nangy

  • I Hate that I Love You [BL]   Chapter Three

    CHAPTER THREE KANINA pa inaaral ni Gerard ang mukha ni Aldrin at halatang-halata ang mga pagbabago sa pisikal na anyo nito. Kung ang Aldrin na natatandaan niya sa isip ay may pagkapayat, ngayon ay medyo nagkaroon ng laman ang katawan nito na bumagay naman dito. Mas tumangkad din si Aldrin.Sabagay, anim na taon na rin ang lumipas pagkatapos ng alitan nila mula noong highschool sila."How are you, Aldrin?" Si Rovin ang bumasag sa katahimikan.Maliit na ngumiti si Aldrin sa kanilang dalawa. "I’m fine. Kayong dalawa? I can see that you’re still friends.""Oo naman. Bestfriends yata kami," may pagmamalaking nakapaloob sa boses ni Rovin at inakbayan pa siya. Tumawa naman si Aldrin sa kanilang dalawa.Ngumiti siyang alanganin dito at bahagyang tinulak si Rovin. Bumitiw naman ito sa kanya at siya naman ay humarap kay Aldrin."...I’m sorry," bulong niya habang nakatitig dito. Naalala

  • I Hate that I Love You [BL]   Chapter Two

    CHAPTER TWO GERARD coolly averted his gaze when he noticed his sister was squinting her eyes at him. When the girl saw that he's still not showing any movements despite her silent warning, she raised her right hand and smacked him on the arm."Aray ko, Allison! Bakit ba?""I told you to move away from my babies, brother! Look, you ruined my baby number one's face! Didn't you know that I spend almost all of my monthly allowance on these posters from Korea and you just put your dirty arm on them? Pay for these!"Kumurap-kurap ang mga mata niya sa kapatid at sinulyapan ang napakaliit na gusot na kpop poster nito na pinatungan niya nga ng mga braso kanina. Nang ibalik niya ang tingin sa kapatid, nakataas ang kilay nito at naghihintay ng sagot niya.Looking at his fifteen year old sister, mas nagiging kamukha nito ang Daddy nila. Allison has a

  • I Hate that I Love You [BL]   Chapter One

    Chapter One "BEFORE anything else, we just want to announce this. Matagal-tagal din naming pinag-isipan 'to at masakit mang sabihin, our band.... Smoke n' Shadow is disbanding."Rovin word's caused a small commotion within the dimly lit bar. The customers looked surprised and you can see some of their faces painted with dissatisfaction.Narinig ni Gerard ang ilan pa na may pagrereklamo sa ibaba ng stage dahil sa announcement na ginawa ni Rovin. But everything must come to an end, right? Alam naman niya na may mga taong sumusuporta sa banda nila. Pero hindi sapat iyon para sa kanila. It's been what? Five years since they started the band and aside from singing songs in clubs and bars, they got nothing.They loved to perform. They loved to sing on stage but that isn't enough for them. A band alone can

  • I Hate that I Love You [BL]   Prologue

    Prologue PADIRETSO sila Gerard sa locker area para palitan ang jersey na suot dahil pawis na pawis na sila. Medyo may kalayuan din ang locker area nila. Imbes kasi na magpalit sila, bumili muna sila ng tubig dahil sa sobrang uhaw. Ngayon, nasa mabatong daan sila ng garden kung saan ito muna ang dadaanan bago makapunta sa gymnasium.Masama ang timpla ng mukha ni Gerard dahil natalo sila sa quarter finals sa larong basketball. Hindi sana mangyayari iyon kung hindi masyadong pabida ang isa sa mga teammates niya. Kung nanalo sana sila, ire-represent nila ang region nila. Kaso, dahil sa isang bwisit na ka-teammate, nauwi sa wala ang lahat."Si Aldrin kasi ang problema, e. Siya ang nagsasabing sa kanya ipasa nang ipasa, lagi namang naaagaw ng kalaban 'yong bola sa kanya," komento ni Rovin na nakasalubong din ang magkabilang kil

DMCA.com Protection Status