Aika’s POVTahimik na ang bahay. Ang ingay kanina ng tita Teofila at pinsan kong si Liya habang nagsasagutan tungkol sa mga dapat bilhin sa grocery bukas. Nagsasagutan pa e, pera ko naman ang gagamitin. Kakapal talaga ng mukha. Magpakaligaya na sila sa mga araw na mananatili pa ako rito. Kasi tuloy na ang plano ko.Pero ngayon, ang tanging naririnig ko na lang ay ang mahinang pag-ugong ng electric fan sa tabi ng kama ko. Pinilit kong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Mahirap tumira sa bahay ng mga taong ayaw ka namang pahalagahan. Parang palagi akong nasa gilid, palaging walang halaga. Pero ngayong gabi, may kakaibang sigla sa dibdib ko. May lihim akong tinatago, at hindi nila alam iyon.Ang mga kuwarto nila naka-aircon, habang ako, naka-electric fan. Ako nga dapat ang magpaka-deserve nang aircon sa room ko kasi ako ang nagbabayad ng electric bill.Nag-ring ang cellphone ko, tahimik, vibrate mode lang kasi. Mabilis kong kinuha ito mula sa ilalim ng unan ko. Si Aliyah
Aika’s POVPagpasok ko sa loob ng Room 69, nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inasahan na ganito kaganda ang apartment ni Aliyah. Mula sa malalaking bintanang hinahayaang pumasok ang malamig na hangin hanggang sa malambot na sofa na parang nakakaakit upuan—ang lahat ay tila sumasalubong sa akin, parang sinasabing, “Dito ka na. Dito ka magpahinga.”Humiga ako sa sofa at doon ko napagtanto ang bigat ng lahat ng nangyari sa buhay ko. Parang lahat ng pagod, lahat ng sama ng loob mula kina Tita Teofila at Liya, sa mga ka-workmate ko, biglang bumagsak sa balikat ko. Pero ngayon, narito ako, malaya, kahit isang gabi lang.Nag-vibrate ang cellphone ko. Si Aliyah na naman ang tumatawag.“Kumusta? Nakuha mo na ba ang susi?” tanong niya at kahit nasa kabilang linya, ramdam ko ang excitement niya.“Oo, nandito na ako sa loob,” sabi ko na bahagyang napangiti habang tinitingnan ang paligid ng malinis at maluwang na apartment. “Aliyah, ang laki ng lugar na ‘to. Sigurado ka bang libre ako dito?”“Of c
Aika’s POVKinabukasan, bumangon ako ng maaga—mas maaga pa sa karaniwan. Alam kong ito na ang huling araw ko sa bahay ni Tita Teofila at Liya. Pakiramdam ko, iba ang hangin ngayon. Mas magaan at mas malinaw. Pero habang tumatagal, hindi ko maiwasang kabahan kahit pa paano.Hinanda ko ang huling batch ng mga gamit ko—ilang damit, mga gamit sa banyo at personal kong mga alaala tulad ng litrato ni nanay at tatay. Hindi na ako babalik dito, kaya kailangan ko nang dalhin lahat. Isa-isa kong inilagay ang mga ito sa malaking backpack ko.Pagbaba ko ng hagdan, naabutan kong nag-aalmusal si tita Teofila at Liya, pero parang walang kakaiba. Wala silang kaalam-alam na ito na ang huling araw ko dito. At iyann na rin ang huling beses na ipagluluto ko sila ng almusal.“Uy, bakit ang laki na naman ng bag mo? Parang lagi ka na lang pumapasok sa trabaho na may malaking bag? ‘Yung totoo, ikaw ba si doraemon?” napansin ni Liya habang tumitig sa akin. Napatigil ako saglit, pero ngumiti ako para magmukha
Aika’s POVHabang nakaupo ako sa sofa, binuksan ko ang bintana at tumingin sa labas. Gabi na, at maliwanag ang buwan. Ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda ang view mula rito. Parang simbolo ng bagong simula.Pero kahit anong gaan ng loob ko, hindi ko maiwasang bumalik sa isip ko ang mga alaala ko sa bahay nina tita Teofila. Hindi lahat ng oras doon ay puro sakit. May mga pagkakataong masaya rin kami—tuwing Pasko, mga family gathering, o simpleng mga kuwentuhan sa gabi. Pero habang tumatagal, lalong lumabo ang mga alaalang iyon sa dami ng pang-aabuso at panlalait nila.Pinilit kong hindi magpakalunod sa emosyon. Mas mabuti nang ganito—malayo ako sa kanila, malaya akong gawin ang gusto ko, at kasama ko ang mga taong tunay na nagmamalasakit sa akin. Si Aliyah at pati na rin si Isaid. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko magagawa ang hakbang na ‘to.Tumayo ako mula sa sofa at tinungo ang bintana. Sa labas, kita ko ang mga ilaw ng kalsada, mga taong naglalakad, at mga sasakyang dumad
Aika’s POVPagkagising ko pa lang kanina, ramdam ko na agad ang kakaibang saya. Hindi dahil may espesyal na okasyon o may pupuntahan ako. Wala. Simple lang. Masaya ako kasi rest day ko ngayon, at ito na ang unang pagkakataon na gagawin ko ang mga bagay na matagal ko nang gustong gawin—sa wakas, sa sarili kong apartment. ‘Yung mag-isa na lang ako sa buhay ko.Pagbukas ko ng mga bintana, pumasok ang malamig na simoy ng hangin. Tumama sa mukha ko ang sinag ng araw, at sa sandaling iyon, naalala ko ang mga araw na hindi ko magawa ang ganito. Noon, sa bahay ng tiyahin ko, laging may alingasngas, lagi akong tinatawag-tawag kahit walang kabuluhan. Dati, parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Pero ngayon, iba na. Wala nang tumatawag sa akin para lang maglinis ng sahig o utusan akong bumili ng kung anu-ano. Ngayon, ito ang araw ko, para sa sarili ko.Kinuha ko agad ang apron na sinabit ko kahapon sa dingding sa kusina. Handa na akong magluto. Inihaw na manok ang una kong planong gawin. Matag
Aika’s POVKanina, nabalitaan ko na hinahanap na raw ako ni Tita Teofila. Ayon sa chismis na nakuha ko mula sa isa kong kapitbahay na mabait sa akin, halos nagkakandarapa na raw si Tita at si Liya sa paghahanap sa akin. Ang akala nila, nawawala na ako, o baka naman may masamang nangyari sa akin. Hindi ko mapigilan ang tawa ko noong marinig ko ‘yun. Sila ba ang nag-aalala? Hah! Dapat lang, pagkatapos ng lahat ng mga ginawa nila sa akin.Halos gutom na raw ang mga ‘yon, at puro tinapay at chichirya na lang ang kinakain nila araw-araw, minsan napipilitan na raw silang magsanla ng alahas at bumibili na lang ng lutong-ulam sa palengke. Nakakatawa sila, kay tanda-tanda na ni Tita Teofila at ng anak niyang si Liya, pero ni magsaing ng kanin, hindi pa magawa. Kahit ata magpirito ng itlog ay hindi sila sanay. Nakakaawa sila ngayong wala na ako kasi talagang mamamatay sila sa gutom.Hindi na rin sila makapaglaba ng mga damit nila, kaya’t natambak na ang mga marurumi nilang saplot. Kahit paglala
Aika’s POVPalabas na ako ng building ng Herrera Sovereign Defense. Mahigpit kong hawak ang shoulder bag habang nagmamadali akong lumakad papunta sa labasan. Pakiramdam ko, makakahinga na ako ng maluwag matapos ang buong araw na iyon na puro na namang pangungutya ng mga co-worker ko. Pagod ako, at ang tanging gusto ko na lang ay makauwi sa apartment at magpahinga. Pero bago pa man ako makalabas ng main entrance, biglang may sumugod sa akin.Si Liya.Ang pinsan kong masama ang tingin, parang tigre na handang lumapa. Hindi ko pa man napoproseso ang nangyayari, naramdaman ko na lang ang malakas na hatak sa buhok ko. Napasigaw ako sa sakit.“Ano ba!” halos pasigaw kong tanong, pero hindi siya natinag. Hinawakan niya ng mas mahigpit ang buhok ko, pinagsasabunutan ako ng buong galit.“Ang kapal ng mukha mo, Aika!” Ngalit na ngalit ang boses niya. “Ilang araw ka nang hindi umuuwi! Gutom na gutom na kami! Wala na rin kaming pera. Tambak na ang labahin!” Tila wala siyang pakialam sa paligid. H
Aika’s POVPagdating ni Isaid, halos tumigil ang mundo ko. Mula sa pinto, tumingin siya sa akin at ngumiti, at doon ko lang naramdaman kung gaano ako kasabik na makita siyang muli. Pero bago ko pa man maisip ang susunod kong gagawin, nagsalita si Aliyah.“Ah… Aika,” sinimangutan niya ako at saka tumingin kay Isaid, “may emergency lang pala sa bahay. Kailangan ko nang umuwi agad.”Nagulat ako. “Biglaan naman yata? Puwede ba kitang ihatid?”Umiling siya at ngumiti. “Okay lang ako, kaya ko ‘to. Kailangan ko lang talagang pumunta agad.” Tumango siya kay Isaid. “Aika, bahala ka na dito, ha?” At bago pa ako makapag-react, nakalabas na siya ng pinto, kasunod ang tunog ng pabagsak niyang takong pababa ng hagdan.Nagkatitigan kami ni Isaid, parehong naguguluhan sa biglaang pag-alis ni Aliyah, pero may halong kilig din sa kaniyang mga mata.“Uh, ayos ka lang ba?” tanong niya habang nakakunot ang noo.Ngumiti ako nang alanganin at binigyan siya ng pa simpleng sulyap. “Mukhang sinadya tayong iwan
Aika’s POVAkala ko hindi pa rin siya lalabas ng bahay. Mabuti na lang at mukhang okay na ang pakiramdam niya. Sa wakas, pumayag din siyang dumalaw sa apartment ko, kahit na ilang beses ko na siyang niyaya nitong mga nagdaang araw. Ngayon lang ulit siya nagkaroon ng siglang maglalabas. Isa pa, siguro dahil ay holiday bukas, kaya wala siyang rason para tumanggi. Pero sa totoo lang, hindi na ako sigurado kung kaya ko pang pigilan ang sarili ko ngayong gabi. Masaya ako na maaliwalas na ulit ang mukha niya. Ang pogi na niya ulit at hindi na mukhang stress.“Wow, Aika, mukhang pinaghandaan mo talaga ‘to ah,” sabi ni Isaid habang pinagmamasdan ang mesa na puno ng masasarap na pagkain—roast chicken, pasta, salad, at tiramisu para sa dessert. Medyo naiilang siya, halatang hindi sanay sa ganitong setup. Paano kasi, dati puro kung ano-ano lang pagkain ang nahahanda ko sa kaniya.Ngumiti ako, tinitigan ang mukha niyang tila ba laging clueless pero nakakaakit pa rin naman. “Siyempre naman, specia
Aika’s POV“Late na naman ako,” bulong ko sa sarili habang mabilis na naglalakad sa gilid ng daan. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayong araw, napuyat ako kagabi dahil sa paggawa ko ng graham, mamaya kasi ay daldahan ko ng ganoon si Isaid.Ngayon na lang ako papasok ulit kasi dalawang araw akong absent dahil sumakit ang tiyan ko, at ngayon pa lang ako muling makakapasok. Mahirap na, baka masabihan pa akong tamad sa opisina.Papunta na ako sa sakayan ng jeep nang biglang may tumigil na kotseng kulay itim sa harapan ko. Agad bumaba ang bintana, at sumungaw ang mukha ni Ma’am Dolores. Pagkakita ko pa lang sa mukha niya, alam kong delubyo na agad ang mangyayari. “Aika! Get in!” utos niya agad.Natigilan ako. “Po?” tanong ko kahit naintindihan ko naman ang sinabi niya.“I said, get in the car! Now!” Malamig ang tono ng boses niya at parang may halong utos na hindi puwedeng tanggihan. Feeling amo na naman itong si Ma’am Dolores.Wala akong nagawa kundi sundin na lang siya. Binuksan ko ang pint
Isaid’s POVAng malamig na hangin ng gabi ay parang tumutusok sa balat ko, pero hindi nito kayang pigilan ang pag-alab ng lagnat sa katawan ko. Ilang araw na akong ganito—nakahiga lang sa kama, nakapulupot sa makapal na kumot, pero walang kahit anong ginhawa. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik ang eksena sa isip ko.Ang lalaking holdaper.Ang baril.At ang bangungot na palaging sumusunod: ang huling beses kong nakita ang mukha ni Mama.Kahit anong gawin ko, hindi mawala ang imahe ng baril na nakatutok sa akin. Napapanaginipan ko ito gabi-gabi. Parang paulit-ulit akong ikinukulong ng mga alaala ng takot, habang ang tunog ng baril ay parang sirang plakang paulit-ulit sa utak ko.Ngunit mas masakit ang alaala ni Mama.Bata pa ako noon pero hindi mawala-wala sa isipan ko ang nangyari sa kaniya. Kung bakit naging takot na ako sa baril kahit sa pagtanda ko ay dahil doon o iyon ang pumatay sa mama ko.Hindi ako makapasok sa flower shopko. Hindi ko rin kayang lumabas ng bahay. A
Aika’s POVPagpasok ko sa opisina, agad kong naramdaman ang tensyon sa paligid. Halos hindi pa ako nakakapuwesto sa cubicle ko nang biglang lumitaw si Ma’am Dolores mula sa kung saan. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko, tila hindi na ako bibigyan ng pagkakataong tumanggi.“Aika, come with me. I need you,” utos niya, hindi man lang ako binigyan ng paliwanag kung bakit. Napansin ko ang nangingintab niyang bag na parang bagong bili, kasabay ng mga mamahalin niyang sapatos na tila sumisigaw ng awtoridad. Wala akong nagawa kundi sumunod habang nagtataka kung ano na naman ang pakay niya sa akin.Habang naglalakad kami palabas ng opisina, tinanong ko siya, “Ma’am, saan po tayo pupunta? May meeting po ba?”“No. I need your help at my house. I’m preparing dinner for some guests tonight, and I can’t do it alone,” sagot niya nang walang pag-aalinlangan.Halos mapataas ang kilay ko sa narinig ko. Sa isip-isip ko, Bakit ako? Hindi ba’t staff lang ako sa office? Hindi ko naman trabaho ang maging p
Isaid POVNasa flower shop ako ngayon, nag-aayos ng mga bagong dating na bulaklak. Nakangiti akong sumasayaw-sayaw pa habang inaayos ang mga ito sa kanilang mga paso. Hindi ko maalis ang saya sa dibdib ko, lalo na kapag naaalala ko si Aika. Nagiging maayos na kami; mas bukas na siya sa akin, at mas lumalalim ang samahan namin. Masaya ako sa pag-usad ng panliligaw ko—unti-unti kong nararamdaman na may pag-asa talaga.“Ang aga palang pero marami na tayong kita, mukhang ang daming event na nagaganap ngayon,” masayang sabi ng tauhan kong si Yoyo.“Oo nga, kung tutuusin, puwede na tayong magsara mamayang hapon,” biro ko pa sa kaniya.Habang nilalagay ko ang mga rosas sa harapan ng shop, narinig ko ang tunog ng pinto. Inisip kong isa lang sa mga regular kong customer ito kaya nakangiti akong bumaling sa direksyon ng pinto, pero napako ako sa kinatatayuan ko. Pumasok ang isang lalaki, armado at may hawak na baril.Parang huminto ang mundo ko sa mga sandaling iyon. Pakiramdam ko, bigla akong
Aika’s POVPagdating ko sa bahay, inaasahan kong gising na siya pero hindi pa pala. Nakahiga pa rin siya sa kabilang gilid ng kama, tahimik na humihinga nang malalim, at kitang-kita ko ang maaliwalas na itsura niya kahit bahagyang natatakpan ang mukha niya ng kumot. Napangiti ako. Alam kong pagod siya sa trabaho nitong mga nakaraang araw, kaya gusto ko siyang sorpresahin ngayong umaga. Hindi man kami madalas magkasabay sa mga oras ng pagkain pero, sa araw na ito, nais kong siguraduhin na masaya siyang magising.Tahimik akong tumungo sa kusina at binuksan ang kabinet. Nilagay ko na muna doon ang mga pinamili ko. Pagkatapos ko, tiningnan ko ang mga puwedeng iluto, at napangiti nang makita ang mga sangkap para sa omelette—may itlog, ham, at keso. Alam kong masarap iyon tuwing umaga, kaya wala nang pagdadalawang-isip na agad akong magluto. Sinarado ko ang kabinet at sinimulan ang paghahanda.Hinugasan ko muna ang mga kamatis at sibuyas, at habang hinihiwa ko ito nang pino, napaisip ako ku
Aika’s POVUmaga pa lang, gising na ako. Nakakatuwang tignan si Isaid dahil dinantayan pa ako sa paa, ang bigat kaya isa rin ‘yun sa dahilan kung bakit napaaga ang gising ko.Hindi ako sanay nang ganito kaagang magising, pero alam kong kailangan kong pumunta sa grocery pala.Naiwan si Isaid sa apartment, tulog na tulog pa, at wala na rin kasi akong halos pagkain doon. Ayoko namang makita niya na wala akong maihahandang almusal. Kaya kahit medyo mabigat ang mata ko, pinilit kong bumangon at mag-ayos nang tahimik.Ang lamig ng hangin kapag umagang-umaga, hindi na ako nag-tricycle, sinubukan kong mag-jogging papunta ng palengke para na rin may exercise ako.Pagdating ko sa grocery, nagmamadali akong kumuha ng mga kailangan: gulay, itlog, tinapay, kape—mga simpleng bagay lang, pero sapat na para may pagkain akong mahanda ngayon umaga. Habang pinupuno ko ang supot, hindi ko maiwasang mag-isip na sana, isang araw, sa supermarket na ako namimili, ‘yung tipong pang-isang buwan na ‘yung stock.
Aika’s POVPanay ang tingin ko sa bintana, sinisilip kung nasa labas o nasa paligid lang ba ang dalawang bruha.“Okay ka lang ba talaga?” tanong ni Isaid, na may kasamang tingin na may halong pag-aalala at pagsusuri sa mukha ko. Ramdam kong handa siyang kumilos kahit ano pa ang mangyari, kaya lalo akong napalagay.“Oo naman, pero ewan, hindi ko pa rin lubos maisip bakit nandito sila kanina, aawayin o aapihin pa rin ba nila ako kahit lumayo na ako, siguro, oo, kasi malaki akong kawalan sa kanila,” sabi ko, pilit pinipilit ngumiti. “ayaw nila akong tantanan, mga buwisit talaga ang mga ‘yon.”Tumango si Isaid, ngunit nanatili ang malalim niyang tingin sa akin, para bang may nais pa siyang itanong o sabihing hindi niya masabi. Naupo ako sa sofa at kinuha ang unan para mayakap, sinusubukang mag-focus sa kahit ano pang bagay. Tahimik na naupo si Isaid sa tabi ko. May katahimikan sa pagitan namin na hindi nakakailang; sa halip, nagbibigay iyon ng kapayapaan. Ramdam ko ang pag-aalaga niya—par
Aika’s POVPagkababa ko ng kotse ni Isaid, agad akong nilamon ng malamig na simoy ng hangin sa aming kalye. Malapit na talaga ang pasko. Parang hindi ko ramdam ang pagod ko kanina sa trabaho dahil sa dinner date na hinanda ni Isaid, tapos may pabulaklak pa siya, ngunit kakaibang kaba ang dumapo sa dibdib ko nang mapansin ko ang dalawang pamilyar na tao sa ‘di kalayuan. Nakasilip mula sa liwanag ng poste, nakatayo sila roon sa harap ng apartment ko—sina Tita Teofila at si Liya, ang pinsan kong matagal ko nang iniiwasan.Napaatras ako nang bahagya, nagtatago sa likod ng malaking puno, pinilit na pigilan ang kabog ng puso ko. Ano na naman kaya ang kailangan nila? Isang malalim na buntong-hininga ang binitiwan ko, pero naroon pa rin ang takot sa isipan ko. Alam kong may dahilan ang pagbisita nila, at hindi iyon mabuting balita para sa akin.Hindi kaya mga gutom na? Hindi kaya wala na silang pera at manghihingi na sa akin. O, baka pipilitin na nila akong umuwi para alipinin ulit. No way, h