Mattheus Nagpaalam ako kay Ms. Anaren lalabas muna upang ipagamot ang labi ko. Napangiwi ako ng kumikirot iyon. Ngayon lang ako nasaktan ni Dad malala naman. Pumunta ako ng nurse station. Naga-agawan pa ang mga nurse upang gamutin lang ako pinanatili ko lang seryoso ang mukha ko. Alam ko naman may idea na sila kung saan ko ito nakuha kasi maraming napadaan kanina ng malakas akong sinapak ni Daddy dahil sa nangyari kay Brenda. Nang matapos nila akong gamutin, nagpasya akong magtungo muna ako sa kotse ko kasi naiwan ko ang phone ko. Gusto kong kontakin si Matthias, upang puntahan muna nito ang RMTV. Fvck! May mga press pa rin at gusto akong ambush interview. ‘President, totoo po bang nakunan ang sekretarya n'yo at ikaw raw ang ama?’ Shit! Ang dami nilang tinatanong. ‘President kaano-ano ng sekretarya mo ang rival n'yong television. May nakakita kay President Cornejo, bumuhat sa sekretarya mo galing sa loob ng sasakyan mo. Umpisa na ba ito ng pagsasanib pwersa ng dalawang m
Brenda “Mommy…. faster po! Excited na po akong makita si Lolo at Lola,” apuradong boses ng anak ko ang nasa labas ng pinto sa kuwarto ko. May kasama pa iyon mga katok hindi lang kontento tinawag na niya ako gusto pang kalampagin ang pinto sa k’warto ko. Bumungisngis ako panigurado salubong na ang kilay nito same sa ama niyang masungit kapag naiinip. Napairap ako ng maalala ko si Mattheus. Hmp! Palagi kong nakikitang kasama niya ang Samanthang 'yon napaka playboy talaga. Pagkatapos kay doktora Neng-neng ako, tapos ito si Samantha ang kasama sa mga party akala niya hindi iyon nakararating sa 'kin. Lagi-lagi n'yang kasama pero hindi naman sinasabi sa madla kung anong real score nila ni Samantha. Hilig nito magpaasa sa babae kapag inlove na sa kaniya iiwan ng luhaan. Nagulat ako ng sunod-sunod ulit na katok ng anak ko sa labas ng pinto. Natampal ko ang noo ko halata nga naiinip na ang batang bibo. “Oh, c’mon, Mommy. Nasa airport na raw po si Lolo,” saad pa nito sa labas. Yes!
Brenda Pagkalipas ng dalawang linggo. Kukunin ko na ang passport ko. Rush ang pagkuha ko kaya mabilis lang may passport na agad ako. Pagkatapos dadaan ako sa RDO para sa medical ko. Pagkadating ko roon isang magandang balita ang halos lumukso ako sa tuwa dahil umaapaw sa labis na kasiyahan ang dibdib ko. Isang himala nga dahil sa medical ko nakita ng doktor na buntis ako. “Pero dok! Nakunan po ako, one month na ang nakararaan,” saad ko pa rito kasi hindi ako makapaniwala. Pero sa puso ko walang pagsidlan ang aking kasiyahan may baby ako sa sinapupunan. “Para sure tayo magsasagawa tayo ng ultrasound,” sabi nito at itinuro sa ‘kin ang k'warto para sa ultrasound. May customer pa nga dalawa sinundan ko, pero ayos lang kasi gusto ko rin narito ang Tita Anaren, bago ako sumalang. “Dok, p'wede po antayin ko po ang Tita ko bago po ang ultrasound?” “Sure Ms. Polido. No worries,” mabait nitong tugon sa ‘kin. Buo kong pagmamahal na hinaplos ang maliit ko pang tiyan habang mag-isa
Brenda Ang liit ng mundo ang taong palagi kong hinihingian ng tulong na si Tita Anaren, ay kapatid pala ng aking ama. Kaya pala hindi ako nahihiya magsabi ng problema rito kasi totoo ko pala siyang kamag-anak. “Tito Aristeo," sabi ko kasi hindi pa ako sanay tawagin siyang Daddy. Nakapaninibago naman talaga ang pangyayari kaya nag-a-adjust pa ako. “Tito? Anak nakatatampo naman. Ayaw mo bang tawagin akong Daddy?” ani nito parang nagtatampo. “Gustong-gusto po Daddy,” sabi ko malambing na yumakap sa kaniya. Napangiti ito pabiro akong kinurot sa pisngi ko. Bahagyang umatras si Daddy. “Magkakaapo na rin ako sa bunso ko,” sabi nito nakangiti tumingin sa malaki ko ng tiyan.” Si Tita Anaren. Kaya pala parehong magaan ang loob namin sa isa't isa dahil pamangkin ako ng Tita Anaren at Tatay ko si Aristeo Cornejo. Kada linggo nasa Catbalogan sila ni Tita Anaren para dalawin ako. Minsan ang dalawa kong Tiyahin na si Tiya Agnes at Tiya Alona ang dumadalaw sa ‘kin. Kahit nawala sa ‘ki
Brenda Akala ko nasa airport na sina Tita Anaren paglapag ng sinakyan naming eroplano sa NAIA kasi iyon ang sabi nito sa ‘kin. Aabangan nila kami ni Atlas para agad kami makauwi ng bahay niya. Nakatulog na si Atlas sa likot ng anak ko plakda ito nakayupyop sa balikat ko. Kaya ito karga ko na habang nag-aantay kami dumating ang Tita Anaren. Kasi sabi niya siya na lang susundo nakipag-unahan pa sa Daddy. Kaya ako'y natatawa na lang sa kanilang magkapatid. Nasa loob pa kami ng airport hindi muna ako lumabas hangga't wala pa si Tita Anaren. Kasi mainit katirikan ng araw alas-dos ba naman ng hapon masakit sa balat ang sinag ng araw. Sleeveless blouse pa naman ang suot ko ngayon. Hindi kaya ng init sa labas. Muli kong tinatawagan ang Tita Anaren. Lowbat yata kasi unattended ang sagot ng telephone operator. Pwede naman kami mag-taxi ni Atlas, kaya lang iniisip ko naman baka nagkasalisi kami ni Tita Anaren kasi hindi ko naman makontak. Nagpalakad lakad na lang muna ako sa loob ng
Mattheus “Good morning po Sir President,” binati ako ng sekretarya ko ngunit hindi ko ito pinansin sa halip ay tuloy-tuloy lang akong pumasok sa loob ng office ko at tamad akong umupo sa swivel chair ko. Masakit ang ulo ko dala sa hangover pag-inom ko kagabi. Hanggang madaling araw akong nag-inom sa bago kong condo para makatulog ako ng dere-diretso. Nagawa ko nga makatulog may kapalit naman ito ang resulta binibiyak sa sakit ang ulo ko. Ang dati kong condo unit. Binenta ko iyon pagkatapos naming maghiwalay ni Brenda. Hindi na ako bumalik sa condo ko dahil puro lungkot ang naalala ko sa kinahinatnan ng relasyon namin ni Brenda. At dahil iyon sa akin. Dahil sa kagaguhan ko kaya hanggang ngayon pinagtataguan pa rin ako ni Brenda. I bought a new one because I don't want to live in my parents house dahil puro sermon ang inaabot ko kay Mommy sa palagi kong pag-iinom. Mga anak lang naman ng mga kaibigan ni Daddy ang kasama ko, pero ako ang sobrang lasing na uuwi. Kaya maingay lan
Brenda “Tita Anaren!” para akong bata sa reaksyon ko pagkakita sa Tiyahin ko. Kulang na lang ay lumukso ako sa labis na galak dahil nagkita ulit kami ng personal pagkalipas ng anim na buwan kong hindi nakita ang Tita Anaren. Mahigpit akong yumakap dito tatawa ito habang nakahaplos sa likuran ko. "Miss kita sobra Tita,” wika ko with matching giggles. “Pesensya ka na hija ha? Naku naman hindi na check ng driver kong si Amon, iyong kotseng dala namin at hindi pala dala ang spare na gulong saktong na-flat-an kami. Nag-cause pa kami ng traffic sa Edsa,” sabi nito parang nagsusumbong sa ‘kin. “Okay lang po Tita. Nag-alala lang po ako baka kung anong nangyari sa ‘yo alam mo na, marami ng naglipana masamang tao sa paligid.” “Oo mga hija. Si Atlas nga pala?” sagot nito luminga-linga sa paligid. “I'm here po, Lola,” sagot agad ng anak kong kapapasok lang ng main door kasama ng Daddy. “Naku ang laki na talaga ng apo ko. Parang huli kong dalaw sa inyo ng Mommy mo. Nakakarga pa kita
Brenda “Angela…my God, besh…kumusta?” tanong ko pa kinaumagahan nang nadatnan ko siya sa sala. “Ikaw ang kumusta. Nasaan pala ang guwapo kong inaanak. Naku besh, gusto kong makita ng personal si Atlas,” sabi nito inilibot pa ang tingin sa paligid. “Wala nga sa tabi ko paggising ko ngayon. Baka kasama ng Tita Anaren. Bakit nga pala hindi ka kahapon nagpunta. Tara sa kitchen. Kape muna tayo roon at doon natin ituloy ang chismisan.” “Besh nong gusto mo? Black coffe o mayroon creamer?” tanong ko pa ng nasa dining area na kami. “No thanks besh, tapos na ako sa bahay. Tanghali na nga tulog ka pa rin,” saad nito. “Tanghali? Woi alas-siyete pa at ngayon nga lang din ako late nagising sinusulit ko ang bakasyon ko rito.” Kalimitan kasi ang gising ko sa Catbalogan kapag alas sais ng umaga ay late na ako niyan. Pinakamaaga naman 5:00 a.m. kapag daming kong work load. Sa hindi nakakaalam I have a job. Yes, work from home nga lang, dahil bawal naman ako sa office pumunta. Mabuti rin pinaya
Andrea “May plano na ba kayo magkaanak ni Atlas? Kaya lang nag-aaral ka pa pala baka hindi pa ano, hija?” walang preno-preno tanong nito ako ang kanina pa mainit ang pisngi pagkabanggit nito ng apo. “Ahehe…ano po M-mommy. H-hindi ko pa po alam,” anang ko ngunit tinawanan lang ako. “Naiilang ka ba Andrea?” bumungisngis ito hinaplos ang buhok ko. “Sorry naging madaldal ako. H’wag mo na lang seryosohin ang mga sinabi ko. Halika na para makakain na tayo ng tanghalian,” aniya hinawakan ako sa kamay ko. Nang mag-umpisa kaming lumakad. Doon ko napansin t-shirt pala ni Atlas ang suot ko. Pinamulahan ako ng mukha kasi tumingin din sa akin ang ginang. Wala naman akong nakitang pinipintasan niya ako. Hindi ko lang talaga maiwasang mahiya kasi kaharap ko kaya ang mommy ni Atlas. “Oo nga pala may mga damit ka na r’yan sa closet ni Atlas. Kung gusto mong maligo muna. Aantayin na lang kitang matapos. Dito lang ako sa kuwarto n'yo,” ani nito. “Pwede po ba?” “Oo naman ikaw talaga mahiyai
Andrea “G-good morning po. M-mommy po kayo ni Atlas?” nauutal kong tanong sa nakangiting ginang na nakaupo sa tabi ng kama. Nakangiti itong tumango. “Mommy mo na rin ako, kasi asawa ka ng anak ko. H'wag kang mahihiya sa ‘min ituring mo na kaming pangalawa mong magulang?” ani nito hindi maalis-alis ang ngiti sa labi niya. Namamangha lang ako kasi ang yaman-yaman ng pamilya nila pero ang bait nito. Bihira lang ako makaharap ng mayaman pero itong ginang walang kaarte-arte sa katawan. Watch at hikaw lang ang suot nito kasama pala wedding ring. Bukod doon wala na itong ibang suot na alahas. Kanina pa nakangiti pagpasok ng pinto ako na lang ang nahihiya na i-dedma ito kasi ang lumanay rin ng boses niya. Dahan-dahan akong bumangon umalis ito sa kinauupuan niya tinulungan akong makasandal sa headboard ng kama. “Thank you po,” nahihiya kong sabi. Hindi ko rin masabi sabi ang ‘mommy’ sa kaniya naiilang pa ako. “Kaya mo na bang bumangon, hija?” ani pa nito pagkatapos inayos ang buh
Andrea Tahimik ako ng nasa biyahe na kami. Panay ko hikab kaya sinabihan ako ni Atlas na matulog muna kasi malayo pa kami sa bahay nila. Inayos din ni Atlas ang upuan ko at sinabihan ako matulog muna kung inaantok ako. “Kanina ka pa panay hikab. Baby, gigising kita pagdating natin sa bahay,” anang nito inabot pa ang pisngi ko hinaplos niya. Humalukipkip ako tinaasan siya ng kilay ngunit tumaas lang ang sulok ng labi nito ako pa ang pinagtatawanan ng loko. “Hmp! wag kang masyadong mabait sa ‘kin baka manibago ako kapag maghiwalay na tayo...bahala ka hindi na kita pakakawalan pa," ani ko kinangisi nito. "Paano nga ba kung ako rin hindi na kita pakawalan kasi panay mo pa cute sa 'kin," "Woi hindi ah! Ganito talaga ako cute. Kaya magtiis ka," wika ko hindi ko maiwasang tumawa kasi laglag panga ni Atlas. "Pero seryoso ako roon sa una kong sinabi. Bawasan mo pagiging mabait sa 'kin baka makasanayan ko." Hindi ko inalis ang tingin ko kung anong magiging reaksyon nito. Napairap
Andrea “Iyan po ba ang gusto mo Dad, hindi na ako pupunta rito? Bahay ko rin po ito at gusto rin po kitang madalaw—” sabi ko pa dahil humabol ako sa kaniya ngunit nilampasan lang ako ni Dad. Inayos ko muna ang sarili ko. Naka labas na ako ng office ni Daddy. Ayaw ko makita ni Atlas ang hitsura ko na wala sa ayos. Though hindi ko maitatago sa kaniya ang namumugto kong mata at least maayos ang hitsura ko. Napangiwi ako ng salatin ko ang aking mata halata iyon namumugto ang takikap ko. Woah! Napabuga ako ng hangin sa bibig. ‘Okay Andeng! Kumalma ka. Nag-usap na kayong mag-ama at may sagot na siya. Malinaw naman na ang bagong asawa ng Daddy mo ang pinili. Kaya tanggapin mo na lang at ayusin ang pag-aaral mo. Tama. Pero hindi ibig sabihin na sumuko na ako. Hindi ibig sabihin na kalilimutan ko na si Daddy. Mag-aantay pa rin ako hanggang sa bumalik ang dating mapagmahal kong ama. Dumaan muna ako sa dining area bago ko ipasyang bumalik sa living room. Nakaramdam ako ng pagkauhaw pagk
Andrea “Atlas,” pigil ko sa kaniya dahil namumula sa galit si Daddy. Ngunit hindi talaga ito magpapaawat sa halip kasi ay tumayo na ito inilahad ang kamay nito sa akin senyales na aalis na kami. “Let's go,” he said. Umiling ako kaya napabuntong hininga ito. "Baby?" aniya nagpipigil ewan kanino ito galit dahil malambing naman ang titig nito sa 'kin. “Gusto ko pang makausap ng masinsinan si Daddy,” wika ko kay Atlas. Humugot ito ng hangin pagkatapos tumango. “I'll wait for you here,” tugon nito binitiwan ang kamay ko. “Thank you. Mabilis lang ako,” paalam ko sa kaniya pagkatapos ay tumingin kay Daddy. “Daddy please naman po. Mag-usap muna tayo ng masinsinan. Mahalaga po itong sasabihin ko kailangan mo itong nalaman,” wika ko ngunit naningkit anga mata ni Daddy hindi ako nagpatinag. “Tungkol saan nanaman ba ito ha, Andrea?” tanong nito at galit. “Sa office mo po dad. Pagkatapos ko itong masabi sa iyo. Nasa iyo po ang desisyon kung maniniwala ka sa ‘kin. Basta totoo po ang sasabih
Andrea “Daddy,” nakangiti ko pa sabi sa kaniya subalit hindi ako pinansin sa halip pumasok ito sa loob kaya nahiya ako kay Atlas hindi tuloy ako makatingin dito. Napayuko ako pinalooob ko ang buong labi ko upang hindi ako maiyak. Naramdaman ko humalik si Atlas sa buhok ko natigilan ako hindi ko lamang ‘yon pinahalata sa kaniya. “Ahm…pasensya na nakita mo pa ang kasungitan ni Dad,” ani ko wala naman akong nakuhang sagot galing sa kaniya. Bakit niya ako hinahanap kay Vianca kung ganito pala siya malamig ang pakikitungo sa ‘kin. “It's okay. Kasama mo ako,” paalala pa nito. Tumango ako. “Salamat. Tara na pasok na tayo,” umangat ako ng tingin kay Atlas ng maayos na ako. Tahimik lang ito sumunod sa akin. Kasi bakit sumama pa ito ngayon ‘yan tuloy malalaman nito hindi kami okay ng ama ko. “Hey, okay lang ‘wag kang mag-alala,” narinig ko pa bulong nito. “Halika upo tayo,” nakangiti kong alok sa pangusong itinuro ang sala namin. Naroon na si Daddy nakaupo roon nakatalikod sa a
Andrea “Iyan na ang bahay namin,” turo ko kay Atlas ng nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin. Wala kaming guard kasi ang Nanay Fidelisa ang taga bukas kay Daddy at Mommy noon kapag papasok at uuwi galing trabaho. Kasi sila lang ni Daddy, ang mayroon kotse. Pero may susi ako sa maliit naming gate wala lang dito ngayon sa ‘kin kasi naroon sa backpack kong ginagamit pagpasok ng school. Alanganin akong ngumiti ng magbusina si Atlas. Wala kasi magbubukas ng gate. Seryoso lang ito nag-antay pa kami sa labas. Ewan ko kung nasa bahay si Daddy. Kung tawagan ko kaya. Pero baka nasa trabaho ito sayang naman ang punta namin ni Atlas, kung walang mangyari sa lakad ko. Inuna pa naman nito dito pumunta sa bahay kahit inaantay na ito ng Mommy nito. “Baka walang magbukas sa ‘tin,” naging tabingi ang ngiti ko kasi sampung minuto na kami sa labas ng gate. “W-wala yata ang Dad ko umalis na lang tayo," dugtong ko pa. “Antayin na lang natin ayos lang kahit mag-antay tayo," tugon ni Atlas pinas
Andrea Paglabas ng gate sa bahay ni judge Stewart. Kumaripas ng patakbo sa kotse niya si Macarius. Na welcome naman niya ako sa family nila pagkatapos umalis na may meeting daw ito sa trabaho sabi ni Atlas. Nag-vibrate ang phone ko sa loob ng bag ko. Senyales na mayroong bagong pumasok na text. Tumingin si Atlas sa ‘kin wala naman sinabi ng kunin ko sa bag ang cellphone ko. Bigay rin ni Atlas itong dala kong shoulder bag. Bago kami umalis sa condo unit nito inabot niya sa ‘kin. Kaya pala hindi ko napansin sa loob ng k'warto kasi nasa sofa kanina. Ibinigay niya sa ‘kin ng palabas na kami ng condo. Vianca: Andeng? Nag-reply agad ako upang alamin kung anong kailangan nito sa ‘kin. Ako: Besh? Yeah, pupunta ako mamaya. Sa bahay n'yo. May sagot agad ito sa ‘kin pagkasend ko ng reply sa kaniya. Pero ng mabasa ko ang text ni Vianca, kinalaki ng aking mata. Vianca: Galit na galit ang Daddy mo. Hinanap ka sa ‘kin. Ako: Oo, uuwi ako mamaya sa bahay bakit naman niya ako hahanapi
Andrea Pagbusina ni Atlas sa hinintuan naming matayog na gate. Agad iyon bumukas. Inaasahan na yata ang aming pagdating dahil wala ng tanong, tanong. Kung sino ang nasa labas. Mayroon agad sa loob nagbukas. Usually dapat kapag ganitong mayaman. Alam ko inaalam muna ng duty guwardiya kung sino ang dumating na bisita. Dito kay Atlas. Hindi naman niyon ginawa sumaludo pa nga kay Atlas, animo kilala siya ng dalawang g’wardiya ng pumasok ang sasakyan niya sa malawak na bakuran ng bahay ni judge. Nang makapasok kami sa loob ng bahay. Salubong na ang kilay ng pinsan ni Atlas, naiinip nakaupo sala may kasamang may-edad na lalaki. Naisip ko ito na yata ang judge na tinutukoy ni Atlas, na siyang magkakasal daw sa ‘min. Parang kasing edad ni Daddy o mas matanda hindi lang gaanong malaki base lang naman sa nakikita kong itsura nito. Ang tinutukoy ni Atlas na pinsan. Ang lalaki pala roon na kasama niya roon sa Okada. Tinitigan ko magkamukha pala sila ni Atlas kahit magpinsan lang. Hindi k